CHAPTER 8
Chapter 8
Caisha's POV
Kinabukasan ay walang pansinan na nangyari sa amin ni Yera.
Nagkasalubong kami kanina papasok pero kusa siyang umiwas at umaktong parang hindi ako nakita. Syempre, wala akong magawa kundi ang sundan na lang siya ng tingin.
Ayokong ganito kami. Pero kailangan ko muna siguro siyang pagbigyan sa gusto niya na lumayo. Kahit hindi ako sanay sa ganito ay hahayaan ko muna. Pero hindi ibig sabihin na pababayaan ko talaga siya sa Arjo na iyon. Still a NO! Hindi ang Arjo na iyon ang sisira sa pagkakaibigan namin!
Wala tuloy ako sa mood na pumasok sa room namin. Nagulat pa nga ang iba kong classmates lalo na itong mga katabi ko dahil ang aga ko daw yatang pumasok sa room ngayon.
Kumpleto na ang apat sa tabi ko at mga nakatingin sa akin. Bigla namang naglabas ng Chuckie si Ethan mula sa bag niya.
"Oh, promise ko 'yan eh. Paasahin ko ba naman ang baby girl ko." Ethan with his flowery words.
Inabot ko naman iyon at nagpilit ng ngiti sa kaniya. Isang pack iyon ng Chuckie na lima ang laman. Dami!
"Bakit ang dami naman?"
Ngumiti siya. "Para 'di ka makulangan."
"Humihilig kang magtagalog kapag si Caisha ang kausap mo. Samantalang pag ibang tao tsaka pag kami, english ka ng english!" reklamo ni Jawill.
Tumawa naman ako doon. Kahit naman kasi nagde-deretso tagalog siya sa akin ay hindi parin nawawala ang accent niya. Para tuloy siyang nabubulol.
"Ano bang gusto mo? Espanyol-in ko itong si Caisha?" tanong ni Ethan kay Jawill bago ito nakangusong humarap sa akin. "Are you okay? You look pale."
"Ha?!"
Biglang hinarap ng nasa left side ko na si Edel ang phone niya na nasa camera. Bumungad sa screen ang mukha ko at medyo namumutla nga ang labi ko, pati rin pala ang mga mata ko.
Hindi naman ako nagpuyat kagabi at wala naman akong nararamdamang hilo.
"Hindi ka siguro kumain ng breakfast 'no?" nag-aakusang tanong ni Axel.
"Nag-breakfast ako! Ano, siguro wala lang talaga ako sa mood kaya ako namumutla." sagot ko. Iyon lang naman ang dahilan kaya wala akong gana ngayong araw. Affected ako sa pag-iwas ni Yera sa akin.
Napabuntong hininga sila. "Dahil ba kay Yera?" tanong ni Edel. "Classmate niya si Tash, iyong kasama ko sa canteen kapag breaktime. Sabi ni Tash sakin palagi raw pinipilit ni Arjo na sila nalang daw magsabay ni Yera at huwag kanang isabay t'wing lunch. Ayaw din niyang may nakakausap na iba si Yera bukod sa kaniya. Iyon ang nakikita ni Tash sa dalawa pero she ask me not to tell that to you pero nasabi ko na eh."
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Do you guys know that Arjo?" tanong ko sa apat.
Tumango naman ang tatlo bukod kay Ethan. Hindi niya daw masyadong kilala iyon dahil hindi daw siya interesado na makilala ito. Pero kung may balak daw ako...willing to help naman daw siya. Naks!
"Tingin niyo. May binabalak siya kay Yera?" tanong ko. Ewan ko kung ano itong pumapasok sa isip ko. Hindi talaga ako kampante na kasama siya ni Yera.
"Hindi namin masasagot 'yan, pero mas okay siguro kung lumayo na si Yera sa lalaking iyon ngayon palang." sabi ni Jawill.
Para tuloy gusto kong malaman ang background ng Arjo na iyon. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang takbo ng utak ko. Para akong sinasapian ng pagiging spy o assasin o kung ano man dahil gusto kong mag-imbestiga sa isang bagay na hindi ko alam kung may mapapala ba ako.
Pero what if isa talaga akong spy? Joks!
Nag-aalala namang tumingin sa akin si Ethan. "Don't think too much about that. It'll be fine." ngumiti siya sa akin. "What do you want us to do that will lift up your mood?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Sabihin niyo sa teachers wag na silang magklase maghapon!"
Agad namang napangiwi ang apat.
"Seriously, Caisha?" si Ethan.
"Pass ako. Gusto ko may klase. Aral na aral pa naman ako." yabang naman nitong Jawill na ito.
"Wag naman ganyan, Caisha! Madadamay kaming seryosong nag-aaral dito!" ay huwaw sayo Edel!
"Sige. Damayan kana lang namin sa mood swings mo." si Axel.
Tumawa naman ako sa kanila. "Jok lang! Ayoko din sa bahay 'no! Kahit tinatamad akong pumasok."
Nang may dumating na teacher sa unahan ay saka lang kami umayos at nanahimik. Ewan ko pero bago pa man makapagsalita ang teacher sa una ay kusa akong napatingin sa likuran.
Biglang hinanap ng mga mata ko ang tatlong minions at 'yon! Napatingin din sila sa gawi ko. Ngumiti si Raven, nang aasar ang mukha ni Mathew, at si Caspian tinaasan ako ng kilay!
Tinaasan ko din siya ng kilay at inirapan. Arte-arte. Pasalamat nga siya at hinahanap siya ng mga mata ko eh.
Matapos ang discussion at quiz ay nagkaroon kami ng vacant time at sunod na doon ay breaktime! Kaya mahaba ang free time namin!
Inaya ako ni Ethan na sa kanila na sumabay ng lunch. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil wala rin naman akong kasabay.
Magkasabay na kaming um-order ni Ethan at pagkabalik namin sa table ay nakaupo na doon si Axel. Nasa tabing table naman si Jawill kasama iyong babaeng madalas kasama niya.
Ngumiti ang babae sa akin. Maganda siya at mukhang simple lang na mahinhin.
"Caisha, si Althea nga pala. Girlfriend ko." pakilala ni Jawill sa babae.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "I'm Caisha. Nice to meet you. Ang ganda mo."
Mukha naman siyang nahiya sa sinabi ko.
"Sana ikaw rin." sabat ni Axel at tinadyakan ko ang paa niya sa ilalim ng table. "Aw!"
Ngumiti si Althea. "Salamat. Maganda ka rin."
Taas noo akong tumingin kay Axel na nakaupo harap ko ngayon. "Narinig mo 'yon?"
"Tinuturuan mong magsinungaling 'tong si Althea, Jawill."
Tumawa ang magjowa kaya napabusangot akong nagsimula nalang kumain.
Nakailang malaking subo na ako at patuloy paring tumatawa ang mga nasa paligid ko. Isa pa itong si London boy.
"It slowly, baby girl." sabi ni Ethan.
"Mabagal naman ang pagkain ko ah!"
Umiling siya. "Isang subo mo, tatlong subo ko na." sabi niya at sinang ayunan naman ng iba.
I pout. "Sanay akong ganito kumain eh."
Hindi ako ganun kalakas kumain, minsan oo. Pero hindi ako matakaw. Talaga lang sa pagsubo ko ng pagkain nagmumukha akong malakas kumain. Gusto ko na puno ang laman ng kutsara bago ko ito isubo. Tapos ngunguyain ko ito ng saglit lang. Minsan sabi ni Yera sakin para daw akong hindi ngumunguya.
Ethan chuckled. "Okay. If you used to eat like that."
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hinayaan silang magkwentuhan. Tumingin ako sa table na pinupwestuhan namin ni Yera pero wala siya doon. Hindi ko parin siya nakikita dito sa canteen.
Asan kaya 'yon?
Hindi talaga maalis sa isip ko ang Arjo na iyon tuwing naaalala ko si Yera. Mabilis pa namang magtiwala ang babaeng iyon. Paano kung hindi siya seryosohin ng lalaking iyon? Paano kung masaktan lang siya doon?
I don't want to judge him pero, iba talaga ang pinaparamdam sa akin ng kutob ko.
Nang matapos kumain ay nagpaalam ako kina Ethan na may pupuntahan lang. Hindi ko na sinabi sa kanila na ang pupuntahan ko ay si Edel na kasama 'yong Tash na classmate ni Yera. Nagpunta sila sa may courtyard. Nakaupo sila sa may bench at mukhang may pinag-uusapan
Naglakad ako papunta sa harap nila at tumigil naman ang pag-uusap nila nang makita ako.
"Bakit andito ka, Caisha?" tanong ni Edel at luminga sa likuran ko. "Akala ko kasama mo sila Ethan?"
Umiling ako. "Pwede ko bang makausap si..." tumingin ako sa babaeng katabi niya.
Tumayo ito sa kinauupuan at naglahad ng kamay sa akin. "Atasha Morillo. Tash nalang." ngumiti siya.
Ngumiti rin ako at tinanggap ang kamay niya. "I'm Caisha. Classmate ni Edel."
Tumango naman siya. "Oo, naiikwento ka nga niya sakin. By the way, sabi mo kung pwede akong makausap?"
Nagkatinginan kami ni Edel. Nagtataka pa siya nung una pero mukhang na-gets niya kung bakit kailangan kong makausap itong si Tash.
Tumango ako kay Tash. Nagpaalam na siya kay Edel bago kami naglakad sa walang masyadong estudyante.
"Gusto ko lang magtanong tungkol kay--"
"Kay Yera?" tanong niya.
"Pati kay Arjo." dugtong ko.
Nag-nod siya. "Manliligaw na ni Yera si Arjo second year palang kami. Pero pinatigil niya si Arjo nun dahil nahuli niya na may babae."
Nangunot ang noo ko doon. "Babae?" walang naiikwento na ganun si Yera sa akin. May sinasabi lang siya sakin dati na crush niya dito sa school pero hindi niya sinabi na ang pangalan pala ay Arjo mukhang tubol!
Ang kapal ng mukha ng Arjo na 'yon para husgahan si Caspian na playboy at mapaglaro sa babae. Eh siya naman pala ang ganun! Ugali niya pala ang tinutukoy niya nung oras na 'yon!
Nabubwisit tuloy ako tuwing naaalala ang nangyaring iyon sa canteen. Buti at hindi pala narinig ng tatlong minions iyong pinag-awayan namin. Sabi kasi ni Mathew ay nakita lang nila na sinapak ko bigla si Arjo'ng tubol!
"Mga babae pala! Hindi nga lang pala isang beses iyon dahil nakailang ulit pa." dagdag pa ni Tash.
"At pinagbigyan parin siya ni Yera?" napasinghal ako. Ang babaeng 'yon talaga! Naku naku! Magkausap lang ulit kami lagot 'yon sakin.
Biglang humawak sa braso ko si Tash kaya napatingin ako sa kaniya. "Wag mong sasabihin kay Yera na ako ang nagkwento sayo ha? Baka kasi malaman pati ni Arjo, ayoko lang masali sa gulo. Alam mo naman ang anak ng mayor na 'yon. Palaging ginagamit ang title na 'Mayor's son'."
Anak pala ng Mayor ang tubol na iyon? Kaya pala malakas ang loob. Ibig sabihin. Nakasapak ako ng anak ng Mayor?! Hahahaha nice!
Malaman lang iyon ni Erpats, ewan ko lang kung saan ako mapapadpad.
"Hindi ko sasabihin. Isa pa, lumalayo siya sakin ngayon." sabi ko.
She sigh. "Ilan ang naging babae niya dito sa school at alam mo ba? Nilalandi rin niya si Mira dati, if you don't know her, she's the ex of CM. He's flirting Mira kahit alam niyang girlfriend na siya ni CM that time."
Sabi nga pala ni Raven na nakaaway na ni Caspian si Arjo dati. Iyon siguro ang dahilan.
Naupo siya sa isang bench bago ulit nagsalita. "May nabalitaan din ako. Matagal na usapan na iyon specially sa aming magkaka-klase."
"Ano 'yon?"
"May muntikan ng ma-rape si Arjo before, student rin dito dati. Buti nalang at nakalaban si girl at nakatakas. Nag-file ng case ang family nung girl pero naitsapwera lang kasi nga--'
"Mayor ang tatay." dugtong at tumango naman siya. Naupo ako sa tabi niya at mas lalong lumalim ang pag iisip.
"Mahirap lang pati iyong girl at scholar lang din daw ng father ni Arjo kaya nakapasok dito. Mabait 'yong babae, matalino at maganda pa, nasa katabing room lang namin siya noon. Kaso nga lang pinakialaman ni Arjo ang buhay niya dito sa school at binastos pa dahil sa isip niya, malulusutan niya lahat ng bagay dahil makapangyarihan ang family nila. Diba it's so unfair for someone who's just dreaming for her family and future?"
Ganun pala kalupet ang Arjo'ng tubol na iyon? Ha! Humanda lang siya sa akin oras na malaman ko na may balak din siya pati kay Yera.
Mukhang tama ang sinabi nila Jawill kanina. Mas mabuti ngang palayuin si Yera sa lalaking iyon hangga't maaga pa.
Mahaba pa ang naging kwentuhan namin ni Tash bago namin naisipan na bumalik na sa room.
Mabuti nalang at may kadaldalan rin pala si Tash. Ang dami kong nasagap na balita sa kaniya. Sinabi niya rin sa akin na siya ang bahalang magmanman sa kung ano mang nangyayari sa loob ng room nila kung saan andon si Arjo'ng tubol at Yera.
Naglalakad na ako pabalik ng room ng biglang may kumatos sa ulo ko. Salubong ang kilay na lumingon ako sa likod ko para tingin kung sino ang may gawa nun at nakita ko ang tumatawang matsing!
Ang lakas pa ng pagtawa niya. Alam niyo iyong nang aasar na tawa na may pa spacing pa? Ganun!
"Anong nakakatawa, matsing?!"
"Mukha mo nakakata--'Ouch! Mashakit!"
Sinapak ko ng malakas ang braso niya. Hihimas himas tuloy siya doon habang nakanguso.
"Ito naman parang hindi babaeng manapak! Gusto lang kitang pasayahin eh!"
Tumaas ang kilay ko. "So ini-expect mo na matapos mo akong kutusin sa ulo ay tatalon ako sa tuwa?"
Mahina siyang tumawa at kumamot sa batok. "Sabagay. May point ka." umayos siya ng tayo at bahagyang lumapit sa akin. "Ito nalang, libre kita sa..."
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang tumunog ang phone niya. Sayang! Libre daw eh! Makakabawi ako sa ice cream na nalugi ko sa kanila!
Sinagot niya ang tumatawag at nakita kong Raven ang nakalagay na contact name sa screen. Hindi ko lang marinig ang pinag-uusapan nila dahil hindi iyon naka-loud speaker.
Tumingin sa akin si Mathew matapos ibaba ang tawag.
"Nasa'n sila?" hindi ko nakikita ang mga minions na ito kanina pa.
"Yon nga eh. Nakikipaglaro na naman ang CM sa likod ng school at hindi magpaawat kay Raven!"
Kumamot siya sa ulo bago nagtatakbo paalis. Hindi masyadong malinaw ang pagkakasabi ng matsing na iyon pero ang naintindihan ko...mukhang nakikipag-away na naman si Caspian.
Sumunod ako sa kaniya at punyeta! Ang bilis tumakbo ng matsing! Sabagay, sanay sa gubat.
Hindi ko alam kung bakit sa dami ng lugar na pag-aawayan ay dito pa sa likod ng school. Ang daming matatas na damo at meron pang may putik! Ano ba 'yan!
"Hoy matsing! Antayin mo 'ko!" sigaw ko sa kaniya.
"Bilisan mo nalang! Sunod sunod pa kasi!"
Lalo naman siyang bumilis nang matanaw na ang nag-aaway. May ilang estudyante na bago sa akin ang mukha. At ang iba naman ay nakita ko na, iyong iba ay classmates namin.
Narinig ko ang pagmura ni Mathew nang makita ang pagsusuntukan nila. Pati si Raven ay kasali! What the...
Mabilis akong sumunod kay Mathew at hayop! Akala ko ay pinasunod siya ni Raven dito para umawat pero nakisali pa siya sa suntukan!
"Bakit ba ang kayo nagkakagulo?! Tumigil nga kayo--'Hoy!" napaigtad ako nang may matumba sa harapan ko at mabilis kinubabawan ng isa para paulanan ng suntok.
Umusod ako at biglang sa gilid ko naman may nagsusuntukan.
"Itong sayo!" sigaw nung isang lalaki na biglang sinuntok itong nasa gilid ko.
Napangiwi nalang ako sa lakas ng suntukan nila. Jusko naman! Putok labi na, doble eyebags pa!
Napalinga ako sa iba at nakita si Raven sa di kalayuan na may kasuntukan din.
"Hoy! Raven! Ano bang nangyayari?!" sigaw ko pero hindi niya yata ako naririnig dahil busy sa pagtadyak sa kalaban niya. Tumingin naman ako kay Mathew. "Awatin mo sila! Punyeta, bakit nakisali ka pa?!"
Saglit itong tumingin sakin at ngumisi. "Sorry, nainggit ako eh."
Ay, gagi!
Napasampal ako sa noo at muling luminga sa paligid. Nasa dose na lalaking estudyante ang andito, kasama na doon sila Caspian. Kaniya kaniya sila ng kalaban. Tadyak dito, sipa doon, suntok dito, sabunot--'
Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang nagsasabunutan. Ay grabe.
Muntik na akong magsubasob sa lupa nang may sumagi sa likuran ko.
"Ano ba?!" lumingon ako dito at nakitang si Caspian iyon.
Nagsalubong ang kilay niya sa akin. "What the hell are you doing here?!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sayo ko dapat itanong 'yan! What the hell are you doing here?!"
"Wala kang pak-"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang may sumuntok sa panga at sumipa sa sikmura niya.
"Hoy!" nagulat man ay mabilis na gumalaw ang kamay ko at binawian ng sapak sa panga iyong sumipa kay Caspian.
Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko at galit na tumingin sa akin. "What the fuck?!"
"This is fuck!"
Iaangat pa niya ang kamay niya para gantihan ako nang mabilis kong pinalipad ang kamao ko sa mismong mukha niya. Tumama iyon sa ilong niya at sinapak ko pa ulit ng isa, dumudugo na iyon ngayon. Napahawak siya sa ilong niya. Napamura pa siya at nakaakmang sasapakin ako ay inunahan ko na siya ng sipa sa sikmura. Napatumba siya dahil doon.
"Sa-fuck!" pinandilatan ko siya bago tumingin kay Caspian at...
Napaawang ang labi ko nang makitang nakatumba na ang anim na lalaking pinagtutulungan nila kanina. Tapos itong isa na pinatumba ko. Ibig sabihin pito ang kalaban nila? At...
Tumingin ako sa kanila na lahat ay nakatingin sa akin. Iyong tatlong minions at iyong dalawang classmates namin na hindi ko pa masyadong kilala. Basta pamilyar ako sa mukha nila.
"Anong tinitingin-tingin niyo?!" sigaw ko sa kanila.
Biglang pumalakpak si Mathew. "Shucks! I can't believe this. Ang lakas mong sumapak! Sa'n mo natutunan 'yan?"
Pati ang dalawa na kasama nila ay namamangha sa akin.
"Oo nga. May babae pala talagang kayang magpatumba ng lalaki." tumawa iyong isang classmate namin na brown ang buhok. Tumingin pa siya sa lalaking nakalaban ko na ngayon ay parang nahihilo pa.
"Iba ang transferee natin! Mukhang may bago tayong kasama sa bakbakan!" sabi naman ng isa.
Nagbago na ako! Hindi na ako basagulera! Oo, pramis!
Umirap ako at saktong napatingin ako kay Caspian. Seryoso siyang nakatitig sa akin.
"No." biglang singit ni Raven. Nasa akin ang tingin niya. "Hindi kana dapat nakisali kanina. What if something happens to you?" hindi ko alam kung concern ba siya sa akin. "And you, Mathew!"
"Oh? Sumunod lang 'yan sakin!"
"At hinayaan mo!" galit na sigaw niya kay Mathew.
Shit! Mukhang sila ang mag-aaway.
"Tingin mo ba may magagawa ako d'yan?!" tinuro niya ako.
Napamura si Raven at biglang lumapit sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang isa kong kamay habang ang isa niyang kamay ay nasa pisngi ko!
Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Umikot iyon sa kabuuan ko habang hinahaplos niya ang pisngi ko.
Hindi ako makagalaw!
"May masakit ba sayo? Your fist? Does it hurt? Hindi ka ba niya tinamaan?" dere-deretsong tanong niya.
Hinawi ko ang kamay niya at bahagyang lumayo. "A-Ano bang ginagawa mo?"
Mahina siyang tumawa. "Masyado bang OA? Nag-alala lang ako sayo."
Medyo nahiya naman ako doon. Concern lang naman siya, Caisha! Bakit parang ang harsh ko yata?
Napabuntong hininga ako. "Okay lang ako."
Kusang napadpad ang paningin ko kay Caspian na matunog na suminghal. Humarap siya sa dalawa naming classmate na lalaki at isenenyas iyong mga nakatumbang kalaban nila.
"Erwin, Rajo. Kayo na ang bahala sa mga 'yan." seryosong sabi niya sa dalawa. Erwin at Rajo pala ang name nila.
Naglakad na siya hanggang sa tumigil sa tapat ko. Bahagya siyang yumuko para titigan ako sa mga mata at ang lapit ng punyetang mukha niya! Matalim din ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Pakialamera ka talaga! Next time na makisali ka ulit sa gulo namin at may nangyari sayo, hindi ka namin kargo!" madiing sabi niya dinuro niya pa ako sa mukha.
Napalunok ako dahil sa galit na mukha niya at akala ko ay lalampasan niya lang ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako pabalik sa loob ng school. Nakasunod naman samin ang dalawa.
Kahit nahihirapan ako sa paghila niya sa akin ay bahagyang sumilay ang ngiti sa labi ko.
Alam kong concern ka parin sa akin tukmol ka! Kahit sapian ka ni Anger, ikaw parin ang Caspian Martin na kilala ko.
__
cessias 🥹
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro