CHAPTER 7
Chapter 7
Caisha's POV
Kung magbibigay ako ng hindi kapanipaniwalang bagay na nagawa ko...
'Yon ay ang nilibre ko ang isang taong bwisit sa harap ko.
Naalala niyo ba iyong plano ko na magpapansin dito sa Anger na ito? At iyong sinabi ko na magsisilbi akong screwdriver na mag-aayos ng kumakawang na turnilyo sa utak niya?
Parang nababaliktad na iyon. Mukhang ako na yata ang kailangan ng screwdriver dahil malapit na ring kumawang ang turnilyo sa ulo ko dahil sa pagkabwisit dito!
Gulong-gulo ang buhok ng bumaba ako ng kotse at gulo naman ang damit niya. Para kaming nagsabong sa loob ng kotse.
"Thanks sa pa-ice cream, Caisha!" sabi ni Raven.
"Oo nga! Dabest!" si Matsing. Paanong hindi magiging dabest? Nakatatlong order na siya!
"Do you know that when we eat ice cream, it releases endorphins or happiness hormones that induce feeling of joy and satisfaction?" biglang sabi ni Raven.
Ang dami niyang alam..
"Oo nga daw, sabi nung butiki." turo ni Mathew sa butiki na nasa gilid ng kisame nitong store ng ice cream.
"Nakakapagpakalma rin ang music." dugtong pa ni Raven.
Tumango ako. "Gawain ko 'yon dati. T'wing..." napatingin ako kay Caspian na nakikinig pala. "Basta! Nakikinig ako sa music dati kahit sa radyo t'wing masama ang pakiramdam ko at sobrang bigat ng loob ko. Effective naman."
Ngumiti si Raven. "Do you love music?"
Tumango ako.
"I love you too." sagot niya na nagpaubo sa akin. "Hey! I mean I love music too!"
"Si bro, ay walang paawat!" si Matsing. "Ang isa ko pang bro, ay parang hindi ko na maaawat!" tumingin siya kay Caspian.
Napatingin din ako dito at nakita ang pagkalukot ng paper cup na pinag ubusan ng ice cream niya. Pati ice cream ko ay natunaw sa matalim na titig niya sa akin.
"T-Tinitingin mo?!" ay shit! Nautal!
Hindi niya ako sinagot at bigla nalang tumayo para lumabas ng store. Nagkatinginan tuloy kaming tatlo at sabay na sumunod sa sa kaniya.
"Hoy! Sa'n ka punta?!" hinabol ko ang paglalakad ng Anger na ito. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon. Diba bwisit ako dito kanina?
"Uuwi!" iritang sagot niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Anong uuwi?! May klase pa tayo mamaya! Ano skip class kana naman?!"
"Lah! Nagalit na si Mother Caisha!" tumawa pa si Mathew sa likuran namin.
"At saka, nasa school pa ang kotse mo diba?! Hindi ka makakauwi! Hindi ka magbabiyahe dahil baka makidnap ka! Kawawa naman ang kikidnap sayo dahil baka mabalita sila sa tv na 'dalawang kidnapper patay matapos kidnapin si Anger na may lahing minions dahil umano gumawa ito ng apoy sa ulo at sinunog ang banana ng dalawang kidnapper!"
Kay Mathew kami sakay kanina at malabo pa sa baha na mag- commute siya. At isa pa hindi siya pwedeng mag-skip class. Kasi....fourth year na kami! Oo! Fourth year na kami kaya dapat mas pagbutihin ang pag-aaral.
Tologo bo, Caisha?!
Napahilamos siya sa mukha at humarap sa dalawang minions sa likod. Ang dalawa naman ay parehong napakamot sa batok.
"Nakatanggal inis nga ang ice cream pero mukhang nasobrahan naman sa pagka-hyper ang Ajero na ito!" si Matsing.
"Ibabalik pa ba natin sa school 'yan o idederetso na natin sa bahay niya?" si Raven.
"Alam niyo bahay ko?!" nanlaki mga mata ko.
Tumango siya pero si Caspian ang sumagot.
"Sa mental."
Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na binatukan. Hindi naman siya nakaiwas sa bilis ng kamay ko.
"Pwede ba! Bumalik nalang tayo sa school!" sigaw ko sa kanila at nagmartsa palabas.
Nauna akong sumakay ng kotse at inagawan ko ng upuan si Caspian. Bahala siyang maupo sa likod. Sa passenger seat ako naupo at nagulat pa nga sakin si Mathew pero ngumiti lang ako ng malapad at inutusan siyang simulan na ang pagmamaneho.
Parehong tahimik ang nasa likuran samantalang kami ni Mathew ay panay ang kanta kasabay ng tugtog sa radio ng kotse niya.
'Oh kay tamis ng 'yong mga ngiti
Ako'y iyong naaakit,
Tulad ng rosas nakakabaliw
Di mapigilang mabighani sayo~
At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala,
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sakin~
Enjoy na enjoy kami ni Matsing sa biyahe dahil ang ganda ng kanta sa radyo. Isa iyon sa favorite song ko ng Cueshé.
Andami ko ngang save the kanta nila sa music playlist ko eh. Bukod pa don mahilig rin ako sa medyo rock music.
"Kumakanta ka pala?" tanong ko kay Matsing. Napabuntong hininga ako nang may maalala. "Sabagay, narinig ko nga pala sa school na may ari kayo ng isang Music Entertainment sa NYC, tas may narinig pa ako...may banda ka dati?!"
Ngumisi siya. "Matagal ng wala ang band na tinutukoy nila. Kaming tatlo nalang ang natira."
Nanlaki ang mga mata ko. "Kayong tatlo?!"
Tumango siya at tumingin sa likuran kaya tumingin din ako sa dalawa na seryoso ang mga titig sa akin. Pero ngumiti rin agad si Raven.
"Matagal na panahon na ng nabuo ang band na 'yon. Kaming tatlo, we're already friends before that band tas iyong dalawa naman ay may kani-kanila ng buhay." si Raven.
So, five members ang band nila at tatlo nalang sila ngayong nagkakasama.
Napatingin ako kay Caspian. "Kumakanta ka parin?" hindi na ako nagulat dahil narinig ko na siyang kumanta dati nung bata pa kami. Kahit kunting lyrics lang minsan ay pamali mali pa. Pero boses bata pa kami nun. Gusto kong marinig ang boses niya ngayon. "Sample nga!"
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Inuutusan mo ba ako?"
"Hindi! Nagdadasal ako sayo!" sarcastic kong sabi at nag-sign of the cross bago itinapat ang kamay ko sa kaniya sabay pikit.
"Siraulo!" tawa ni Matsing.
Napamulat ako nang pitikin niya ang ilong ko at kasabay nun ang paghinto ng kotse ni Mathew. Masakit na ilong ko, napaumpog pa ang mukha ko sa sandalaan ng inuupuan ko!
"Aray naman!" ang sakit ng pitik niya.
Gantihan ko kaya 'to? Pitikin ko betlog niya!
__
Caspian's POV
Nakabusangot ang mukha niya nang bumaba siya ng kotse. She look back at me and clicked her tongue before walking like a kangaroo.
May patalon-talon pa siyang nalalaman kahit namumula pa ang ilong niya sa pitik ko. Psh!
She's still childish. The way she talk, she always talks a lot. Minsan ay masarap talagang bulusan ang bunganga niya at talian nalang sa kamay para wala ng magawa. That hard-headed girl.
Napailing-iling ako at hindi namalayan na napatitig na pala sa kaniya.
I deeply sighed.
What does the destiny want to brought her here? Why do we need to see each other again after a long time? Napakaraming paaralan sa Pilipinas at bakit dito pa? Kung saan ako naroon?
Napatigil ako sa paglalakad pabalik sa room nang may call na dumating sa phone ko.
"Hello, who is this?" I seriously asked someone from the other line.
"This is Valerie Walter, Caspian. I told you to save my number to your contacts but you still didn't! Urghh! Para ka talagang ang Kuya mo!"
Hindi muna ako nagpunta ng room at dumeretso nalang sa rooftop. Isinandal ko ang likod ko sa pader at nagsisimula ng mairita sa nasa kabilang linya.
"What is it? Bakit ka napatawag?" I ask.
I heard her sigh. "Nami-miss ko na ang Pinas!"
"Don't worry. The Philippines don't miss you."
"Bwisit ka!" I heard a cussed. "Anyways, anong plano mo sa babaeng sinasabi mo... what's her name?--'Caisha? Don't you want to make a plans to make her leave that school?"
I gritted my teeth because of what she said. Hindi ko alam kung bakit, basta everytime we were talking about something and her name was mentioned, kusang nag iinit ang ulo ko.
"Kasi kapag palagi kayong magkasama at nagkakausap, there is a chance na...you might fall for her. You know, love is the most worst thing to be involve in every battle. Kung gusto mong ituloy lahat ng balak mo for your brother...matuto kang maglagay ng harang sa mga bagay na alam mong makakasagabal sayo."
"I won't fall for that girl. If that's what you want to hear."
Binaba ko na ang tawag pagkatapos.
Nagkausap lang at nagkasama iyon agad ang possibilities na iniisip niya? Ni hindi pumapasok sa isip ko ang bagay na iyon kapag kaharap ko ang babaeng 'yon.
But I kiss her last time...
Ngumisi ako sa naisip na iyon.
It's normal kissing girls for me.
__
Caisha's POV
Nang mag uwian na ay may na-receive akong message mula kay Yera. Nakikipagkita siya sa may Mall daw. Kaya nagpaalam ako kay Kuya Nicks na ihatid muna ako sa Mall bago umuwi.
Pagkababa ko ng kotse ay sinalubong agad ako ni Yera na dito pala nag aantay sa parking lot ng Mall.
"Ah, Caisha." tawag sakin ni Kuya Nicks. "Kung gusto mo naman magtext kana lang sakin kapag magpapasundo kana mamaya. Para ma-enjoy mo naman ang araw mo." sabi niya.
Naku Kuya, kung alam mo lang kung gaano kasira ang araw ko umaga palang!
Ngumiti nalang rin ako. "Sige, Kuya. Pero kapag nalaman ni Daddy na hindi agad ako nakauwi ikaw isusumbong ko ha? Pag inalisan ka niya ng trabaho bilang driver, mag-apply kana lang bilang tatay ko. Tatanggapin kita pramis!"
Tumawa naman siya. Nagpaalam na rin siya at nang makaalis ay saka lang ako humarap kay Yera.
Hindi ko magawang magalit sa kaniya about sa nangyari kanina dahil kasalanan naman ni Arjo iyon. Pero aminado akong sumama ang loob ko dahil parang mas kinampihan niya ang lalaking iyon.
Inaya niya ako sa isang kainan sa loob ng Mall. Siya na ang umorder ng kakainin namin at nagbayad. Aba syempre, siya ang nag-aya dapat siya ang magbayad!
Nakaupo kami sa magkaharapang upuan at parehong hindi alam kung anong unang sasabihin.
"Yung kanina--"
"Hindi mo na dapat--"
Sabay pa kaming nagsalita kaya pareho ring napatigil. Isenenyas ko sa kaniya na mauna siya.
Nagbuntong hininga siya. "Hindi mo nalang dapat pinansin iyong mga sinabi ni Arjo kanina." she said.
Napasinghal ako. "Anong hindi dapat pinansin? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi niya? Parang binastos na niya 'ko! Ay hindi parang! Actually, binastos niya talaga ako! Pinapamukha niya na kagaya ako ng ibang babae na madaling makuha? Na easy to get? Na pumapayag lang na pagnasaan ng ibang lalaki?"
Mariin siyang napapikit na parang nagtitimpi sa akin. "Sinabi niya lang 'yon dahil ganung klaseng babae ang kadalasang lumalapit kay CM!"
Napataas ang kilay ko. "Hindi porke't lumalapit ako kay Caspian ganung klaseng babae na rin ako."
"Alam ko 'yon. Kilala kita. Pero alam mo rin naman na hindi ko gusto si CM na nakakasama mo dahil nga sa issues niya when it comes to playing girls. Ayokong nadadamay ka."
"Edi sabihin mo sa Arjo na mukhang tubol na 'yon na wag niya akong idamay! Tapos!" siya naman kasi ang nagsimula nun. "At isa pa, wala siyang karapatang husgahan si Caspian dahil lang sa ilang bagay na nakikita niya."
Hindi naman nila ganun kakilala ang tao. Aminado ako na hindi ko parin lubusang kilala si Caspian o iyong CM na tinatawag nila pero alam kong hindi naman siya ganung kasama kagaya ng mga naririnig kong tungkol sa kaniya.
Naiinis ako sa kaniya oo, pero hindi ibig sabihin nun masamang tao na ang tingin ko sa kaniya kagaya ng iba. I can't judge him. And I don't want to judge him.
Nangunot ang noo ni Yera. "Bakit masyado kang affected kapag nadadamay na si CM? Nabanggit lang ni Arjo ang name niya kanina nag-init agad ulo mo!"
"Hindi niya lang binanggit ang pangalan niya, hinusgahan niya!"
"Which is true!"
"Which is not acceptable!"
Inis siyang tumayo sa inuupuan. "Mag-aaway ba talaga tayo dahil sa CM na 'yon?!"
Tumayo rin ako. "Hindi dahil sa kaniya. Dahil sa Arjo na 'yon!"
"Wala naman siyang kasalanan kung mabilis talagang mag init ang ulo mo!"
Napahawak ako sa batok ko. Nai-stress na ako sa babaeng 'to. "Manliligaw mo ba siya o jowa?"
"M-Magiging jowa palang...balak ko na sana siyang sagutin." sagot niya na nag-aalangan pa.
Napasinghal ako. "Tatapatin na kita, Yera. I don't like that guy for you. Ang daming lalaki na matino, in short hindi kagaya niya na hindi marunong mag-considered ng taong nasa paligid niya. Hindi siya nararapat sa gaya mo, Yera."
Mas okay siguro iyong kagaya ni...Raven? Pwede rin. Iyon naman yata ang crush niya na tinutukoy niya nung nakaraan. Mabait naman 'yon kahit medyo may sayad din sa utak dahil nahahawa sa dalawang minions. Matalino pati iyon at ang cute ngumiti. Idagdag pa ang tangkad niya at mala heartthrob na itsura.
Wow! May pa-extra compliments!
Napairap si Yera at isinakbit na ang shoulder bag niya sa balikat.
"Likewise. I don't like CM for you. Masyado siyang maraming issues sa buhay. Playboy pa. Alam ko na naging magkababata kayo pero iba na siya ngayon ayon sa naiikwento mo. If you were his playmates before, don't be his playtoy now." tumalikod na siya. "We're not friends over, pero gusto ko munang lumayo sa ngayon. Mauna na 'ko. Thanks for coming."
Naglakad na siya palabas.
Naupo ulit ako at napahilamos ng palad sa mukha.
Ngayon lang kami nag-away ng ganito! At nakakainis na dahil pa iyon sa lalaki. Pero...hindi ako nagsisisi na sinabi ko iyon sa kaniya. I don't really like that Arjo for her. Hindi ko alam kung anong nakita ni Yera sa kaniya at nagustuhan niya iyong lalaking iyon. Mas mukha nga iyong badboy kesa kay Caspian eh! Mukhang soft boy lang pero nasa loob ang kumukulong itim na budhi.
Sorry siya, mabilis akong makabasa ng tao! Pwe!
Lumabas na rin ako ng Mall at naglakad lakad muna.
Ayoko pang magpasundo kay Kuya Nicks. Nawala ako sa mood dahil sa pag-uusap namin ni Yera.
Siya na nga lang ang bestfriend ko na babae tapos mag-aaway pa kami? Huhuhu pano na ako niyan? Magiging one of the boys nalang muna siguro ako. Andyan pa naman sila Ethan.
May natanaw ako sa di kalayuan na isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay si Ma'am Reyes! Oo nga! Iyong nagbigay ng punishment samin ni Anger.
Naka-uniform pa siya at mukhang hindi parin nakakauwi galing school. Nasa tapat siya ng isang kotse na kulay red at pilit niyang kinakatok ang bintana.
Parang may isinisigaw si Ma'am pero hindi ko iyon masyadong maintindihan.
Mayamaya ay may dumating na lalaki na galing naman sa isang itim na kotse. May kagwapuhan siya at ang linis tingnan! Naka-blue longsleeve polo at black slack pants siya. Mukha siyang doctor!
Teka, Doctor?
Rkinds hospital!
Lumabas mula sa kotseng pula ang isa at nag-iigting ang panga na humarap dun sa mukhang doctor.
Iyong lumabas sa kotseng pula. Mukha naman siyang businessman siguro? Base sa porma niya mukhang nasa mataas ng posisyon rin sa isang company o kaya...
Moreno Hotels!
Namilog ang bibig ko sa naisip. Galing ko talaga!
Hindi kaya ito ang dalawang boyfriend ni Ma'am? Nice ha, she had a type. Parehong may itsura! At hindi lang basta may itsura!
Pero bakit naman niya pinagsabay ang dalawang 'yan?
Napakamot ako sa ulo nang naguluhan na sa pinag-uusapan nila. Hindi ko marinig!
Kaya lumapit ako ng kunti at tumago sa isang kotse na nakaparada.
Nakapagitna si Ma'am Reyes sa dalawa at parang maiiyak na. Nakakaiyak talaga 'yan Ma'am. Paggitnaan ka ba naman ng dalawang gwapo tapos ang tatangkad pa. Gets kita sa point na iyan, Ma'am!
Seryosong nagpapalitan ng matalim na tingin ang dalawang lalaki.
"Carlo, umalis kana!" sigaw ni Ma'am dun sa mukhang businessman. Carlo pala name niya.
Inis siyang bumaling kay Ma'am. "You want me to leave? Bakit? Pinipili mo na ba ang lalaking 'yan?!"
"Hindi ko siya pinipili! Papaalisin ko rin siya inuna lang kita!"
Ngumisi naman iyong mukhang doctor. "So, you won't choose?"
Napahilamos si Ma'am sa mukha. "H-Hindi ko alam! Bakit kasi..." naiyak na talaga siya.
Nagsamaan tuloy ng tingin ang dalawa. Naghawakan ng kuwelyo at parang magsusuntukan na. Shit! Lugi 'yong Carlo, doctor 'yong isa. Pwede niyang gamutin sarili niya. Pag nabali ilong niya sa suntukan, mag-rhinoplasty siya mag-isa. Gawin niya ilong niya habang walang malay!
"Piliin mo lang ako, I'll do everything you want." sabi nung Carlo.
"Choose me, and you don't have to work. I'll treat you as my princess, and when you marry me, you'll be my queen."
Hala! Ibang bumanat itong mukhang doctor! Banat na banat!
Lumuluhang nagsalitan ng tingin si Ma'am Reyes sa dalawa.
Nag-smirk si Carlo. "I'll be more wild for you, baby."
Napangiwi ako doon. Anong wild sinasabi niya?
"I'll be better this time if you chose me. I know I didn't gave you enough time for us, for our relationship. May mali rin ako kaya siguro humanap ka ng ibang..." Tumingin siya kay Carlo. "...pampalipas oras."
"Tingin mo pampalipas oras lang ako?" inis na tanong nito.
Hindi siya pinansin ni mukhang doctor at focus lang sa goal kay Ma'am haba ng hair!
"Masyado akong nagpapaka-busy sa trabaho not knowing that you were always waiting for me. I'm sorry."
Wow! Anong tawag sa lalaki na ito??
Taka si Ma'am na napatingin dito. "Andi! Dapat magalit ka sakin! N-Nagloko ako!" umiyak ulit si Ma'am. "Dapat hindi ko hinanap ang kulang mo sa iba! Hindi dapat ako pumatol sayo, C-Carlo!"
Galit na napasinghal si Carlo. "So, pinipili mo siya?! At iiwan mo ako ng ganun lang!"
"Dahil si Andi naman talaga ang mahal ko!"
Nag-tsk si Carlo at dinuro si Ma'am. Pumagitna naman ngayon si Andi.
"Hindi ako papayag na ganun lang, Sanya! Hindi pa dito natatapos. You'll never be happy!" sabi niya bago sumakay ng kotse at umalis.
So, boyfriend na ni Ma'am si Andi bago pa niya maging boyfriend si Carlo? Kawawa naman si Carlo. Pero kawawa rin si Andi. Si Ma'am? Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa kaniya.
Napabuntong hininga ako at aalis na sana dahil tapos na ang palabas nang halos mamatay ako sa gulat dahil pagtalikod ko sa eksena ay bigla nalang sumulpot itong si Anger na may dalang paper bag at pagkain ang laman nun!
"Punyeta talaga. Kanina ka pa d'yan?!"inis na tanong ko. Hiningal tuloy ako sa gulat.
"Obviously, sumasakit na ang paa ko sa pagtayo dito. Nakakahiya namang abalahin ang panonood mo ng away ng iba." sabi niya na alam kong sarcastic naman.
"Oh?! Sino bang may sabi sayo na tumayo ka d'yan?!"
"Sino bang may sabi sayo na gawin mong taguan ang kotse ko?!" Sigaw niya.
Bwisit na ito. Kotse niya pala ang isang 'to. Kaya pala ang pangit!
Tinaasan ko siya ng kilay at gumilid para hayaan siyang pumunta sa kotse niya raw.
Hindi naman siya pumasok doon at tumingin lang sa akin.
"What can you say about the punishment I gave for her?" ngumisi pa siya at sumandal sa kotse niya.
Napatingin ako sa kaninang pwesto nila Ma'am at wala na sila doon. Napabuntong hininga ako.
"Mukha namang na-enjoy niya pa. Parang sa lagay, si Carlo pa ang na-punishment." sabi ko.
Para kasing nag-open up lang si Andi at Ma'am about sa oras nila na naging problema sa relasyon nila.
"Teka, pano nila nalaman na may lokohan na nangyayari? Anong ginawa mo ha?!"
Nag-smirk siya. "I asked someone to stalk Ma'am Reyes and get stolen pictures of her with that Carlo and Andi. And then sent it to them."
Napataas nalang ang kilay ko sa sagot niya. Ibang klase siya. Akala ko ay biro lang na bibigyan niya ng punishment si Ma'am. At talagang binigyan niya nga! Iyon ay ang ilabas sa boyfriends nito ang panloloko niya!
"Anong posisyon ni Carlo sa Moreno Hotels?" tanong ko kay Caspian.
Bahagyang nangunot ang noo niya. "How do you know that he's the one from Moreno Hotels?"
Nagkibit balikat ako. "Mukhang businessman, parang pang office ganun. Iyong isa naman Andi ang pangalan, mukhang doctor."
Kumibot ang labi niya bago sagutin ang tanong ko. "Assistant Manager siya hotel."
Namangha naman ako doon. Napapaisip tuloy ako kung anong itsura ng hotel nila.
"Pwede mo ba akong i-tour sa hotel niyo?" nakangiting tanong ko with matching pa-cute!
Walang gana niya akong tinitigan. "Hindi kami tumatanggap ng mukhang pulubi doon."
Ay hayp na 'to talaga!
"Hindi daw tumatanggap ng pulubi. Ang may ari nga mukhang pulubi!"
"What?!"
"Caspian Martin 'mukhang pulubi' Jackson!" pang-aasar ko pa.
Tinaasan niya ako ng kilay.
I sigh. "Sige na nga. Caspian Martin 'mukhang fresh at amoy baby powder 'Jackson! Pwede na?" nag-thumbs up pa ako.
Suminghal lang siya at umayos ng tayo. "You can't go there. Sa ibang lugar nalang." sabi niya.
Napamurot ako doon. Gusto ko pa naman sanang makita ang hotel nila. Pero ibang lugar daw? Saan naman?
"May ibang pag-aari pa kayo?" tanong ko.
Tumango siya. "Nasa Mars nga lang."
Ayos talagang kausap 'to kahit kailan!
Sumakay na siya sa kotse at mabilis na umalis dahil alam niyang mabibigwasan ko pa siya.
__
cessias🧐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro