CHAPTER 6
Chapter 6
Caisha's POV
"Antok! Dalawin mo naman ako!"
Nagpagulong gulong na ako sa kama pero hindi ako antukin. Sobrang gutom at antok ang nararamdaman ko kanina pero ngayon ay parang naglaho lahat.
Tinakpan ko na ng unan ang mukha ko pero 'yung isip ko, isa lang ang tumatakbo...
Hinalikan ako ni Caspian!!
Iyon yata ang punishment ko at hindi iyong paglilinis. Bakit niya naman kasi ginawa 'yon? Hindi porke't nagbukas ako ng usapan sa kaniya ay okay lang na gawin niya sakin 'yon! Hayssst! First kiss ko pa naman 'yon! At hindi ko akalain na ang bwisit na minions na may lahi ni anger na iyon ang makakakuha non! Shit! Naiiyak na ako!
Naiiyak?
Muli kong naalala ang mga nangyari kanina. Sobrang dami ng nangyari. Ganun ba kahaba ang isang araw at ganun kadaming eksena ang nangyari?
Hindi ko maisip na umiyak ako sa harap ng gago na 'yon. Ginagawa ko iyon dati nung bata pa kami t'wing nagsasabi ako sa kaniya ng problema pero ngayon?...hanggang ngayon?
"Ahhhh! Tang'na ka, Caspian Martin!"
Bumangon ako nang tumunog ang phone ko na nakapatong sa table. Napaharap ako sa salamin at nakita kung gaano kagulo ang buhok ko.
Mukha na akong bruha...pero ang ganda ko parin!
Hayst! Biniyayaan talaga ako ng may kapal....ay kakapalan ata!
Whatever!
Kinuha ko ang phone ko at nakitang may unknown number na tumatawag!
Walang alinlangan ko iyong sinagot dahil hindi rin naman ako inaantok.
"Hello?"
Ilang minuto pa bago may nagsalita sa kabilang linya.
"Hi, how are you?" pamilyar ang boses ng nagsasalita. " It's Raven, Caisha."
Humiga na ulit ako sa kama habang nakatapat parin sa tenga ang phone.
"Saan mo naman nakuha ang number ko?" nagtatakang tanong ko.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Secret."
"Kay Yera ba?" tanong ko. Nagkasama sila dahil sa paghahanap sa amin. Malay ko ba?
"Nope."
"Di bale na." tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan ko. "Bakit ka tumatawag?"
"Nothing. Just wanna know if you're fine. Okay kana ba?"
"Okay lang ako. Ang kamustahin mo ay iyong kapwa mo minions! Baka hindi pa umiinom ng gamot at sapian na naman ng kung anong engkanto bukas!"
"Kahit uminom ng gamot yon, walang magbabago." narinig ko muli ang mahina niyang tawa.
"Mabuti at hinahanap niyo pala kami kanina. Akala ko ay hanggang umaga ko makakasama ang tukmol na 'yon!" inis na wika ko.
"Honestly, kinabahan na kami ni Math kanina nung malaman naming magkasama kayo. We know how short-tempered CM is, tas idagdag ka pa na patulera!"
Napanguso ako sa sinabi niya. Patulera daw? Parang di naman!
Napabuntong hininga ako. "Muntikan ko na nga siyang hindi matansya eh!"
Lagi nalang kasi kaming nagbabarahan!
Tumawa ulit siya. "Pero mukhang naging okay naman kayo bago makaalis ng room....right?"
Napaisip at natulala ako sa tanong na iyon. Hindi ko masasabing okay na kami. Hindi rin ganun kaayos ang usapan namin kanina dahil nga...inano niya ako. Basta! Wala paring malinaw na usapan.
Hindi rin ako kontento doon sa sinagot niya sa akin kung bakit siya lumayo noon. Para bang may hindi siya gustong sabihin. Parang may mga bagay na ayaw niyang malaman ko.
Pero ano kaya 'yon?
Tinapos ko na ang tawag nang makaramdam na ako ng antok dahil sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Finally! Dinalaw ako ng antok!
Kinaumagahan ay medyo tinanghali ako ng pasok dahil late na rin nakatulog kagabi.
Lumalaki na ang alaga ko sa ilalim ng mga mata ko sa kakapuyat! Medyo nahahalata na ito dahil may kaputian ang mukha ko. Alagang Baby Johnson lang 'yan!
Dederetso na sana ako sa room pero natanaw ko ang tatlong minions na sabay-sabay na naglalakad papunta sa Guidance office.
"Lagot sakin ang mga nasa Guidance na 'yan bukas."
Naalala ko ang sinabi niya kahapon.
Lakad takbo akong sumunod sa kanila. Naabutan ko naman sila ay nasa tapat na ng Guidance office. At nasa harap na ni Caspian si Ma'am Reyes.
Mataray itong nakatingin sa kaniya habang ito namang si Anger halatang nabo-bored at gustong gumawa ng kakaibang bagay.
"Castro already explained to you, right?" nag-crossed arm pa si Ma'am Reyes.
Nangunot ang noo ko. "Sinong Castro?"
"Iyong kinaladkad ko kagabi palabas ng bahay nila." sagot ni Mathew na nasa tabi ko pala. Nakangisi pa siya. "Nakalimutan niyang buksan ang room na yon at napakahimbing na ng tulog niya nung puntahan namin."
"Siya ang may hawak ng susi ng room kung nasan kayo kahapon." sagot din ni Raven na nakasandal sa gilid ng pader.
Tumango tango ako bago binalik ang tingin sa dalawang nasa harap.
"It's still not an excuse. Walang kwenta ang pinagsabihan mo kaya umabot kami ng anong oras doon!" inis na sabi ni Caspian.
Parang hindi teacher ang kausap niya. Oo nga at hindi nagtuturo samin 'to, pero teacher parin siya dito sa school.
"I told you! Umattend ako ng meeting sa ibang lugar kaya wala ako dito sa school! Malay ko bang nakalimutan ni Castro na buksan ang room na 'yon?!"
"Don't shout at me!"
"Then stop confronting me!"
Napangiwi ako nang magsigawan sila. Ano ba 'yan! Bakit ganyan silang mag usap? Pag aari ba nitong Jackson na ito ang school at ganyan kalakas ang loob niya? Kasi kung ako ang gagawa niyan dito baka detention ang abutin ko.
Humawak sa batok si Caspian at inis na humarap sa likod hanggang nakita niya ako. Nahaluan ng kung ano ang inis niya. Para siyang may mabigat na awra na nagiging mahinahon na magiging mabigat ulit.
Humarap ulit siya kay Ma'am Reyes.
"I will give you punishment." sabi niya.
Lalo namang tumaray ang mukha ni Ma'am. "What?! Are you joking?!" sarcastic pa siyang tumawa.
"To be fair with students, Teachers like you deserve to be punished too. You ate lunch, not thinking we didn't. You go home, without making sure if we already out of that freaking room." sabi niya.
May point! May point! Tama! Bigyan ng punishment 'yan!
Suminghal siya. "Hindi mo ba alam na ang babaeng 'to..." itinuro niya ako kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Babae mo." kinorek pa ni Mathew sa maling paraan ang sinabi. Nakurot ko tuloy ang tagiliran niya. "Arayy!"
Hindi naman siya pinansin ni Caspian. Tuloy lang siya sa pagsasalita. "She's starving the whole time we're at that room! Kulang nalang kainin na niya ang ipis--"
"Hoy! Ulol!" binigyan ko siya ng middle finger. Tumawa naman ang dalawang ulaga sa gilid ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin.
Nag-tsk lang si Ma'am. "Tingin mo naman papayag ang school na gawin mo 'yon? You're just a student." taray naman nito.
"Yeah. I'm a student, but don't forget that I am also a Moreno Jackson. My Mom owned the Moreno Hotels, which is given to me. And also...here's my friend Raven," kumaway naman habang nakangiti ang isa. "His family owned the Rkind Hospital."
Nagtataka pero hindi nawawala ang taray sa mukha ni Ma'am. "So?! Ano ngayon? Hindi mo kailangang ipamukha sakin ang yaman niyo! Hindi ako masisindak niyan!"
"Sa kagwapuhan namin? Hindi ka nasisindak, Ma'am?" tanong ni Matsing. Naku! Makasingit lang talaga.
Ngumisi si Jackson. "Kung ipapamukha ko lang sayo ang meron kami, marami pa dapat akong sasabihin. But don't you get it? I just mentioned two. The Moreno Hotels, Rkinds Hospital. Where your boyfriends work."
Nanlaki ang mga mata ni Ma'am pati na rin ako dahil sa gulat.
"Boyfriends?!" nasabi ko.
Tumawa naman si Matsing. "Oh, baka gayanin mo pa ha? Paawat ka naman! Di ka naman kagandahan."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka! Baka di kita matansya!"
"A-anong binabalak niyo?!" mukhang nataranta siya ngayon.
Nagtinginan ang tatlo at pare-parehong ngumisi. Sige! Kayo na may sariling language! Tingin palang alam na iniisip.
"We're thinking about your punishment. I won't involve the school here, pero outside school...bahala kana sa makukuha mo!"
Naglakad na si Caspian paalis at sumunod naman kami. Gumitna ako sa kanila habang naglalakad at tiningnan si Caspian. Bumalik sa walang reaksyon ang mukha niya.
"Hoy anong gagawin mo?! Anong punishment'yon?!"
"Tanong mo sa google." sagot niya.
Napatigil ako sa paglalakad at nagkuyom ng kamao.
Ikalma mo, Caisha Morgan. Maaga pa.
Naiwan tuloy ako sa paglalakad nila. Tawa pa ng tawa ang dalawa. Pushit!
Lumingon pa sa akin si Matsing. "Pwede mo ring itanong sa palengke! Matatawag ka pang maganda bago ka makapagtanong!" walang konek ang sinasabi mong tukmol ka!
Lumingon din si Raven. "I-ChatGPT mo nalang!" isa pa itong lalaking 'to eh.
Akala ko wala siyang sayad sa utak pero kasamahan nga pala siya ng mga minions...ano pa ba? Arghhhh!
Hinayaan ko silang mauna sa paglalakad. Kung sasabay ako ay baka magka-black eye pa ang isa nalang minion. Kawawa naman.
Pagkapasok ko ng room ay tahimik ang mga katabi kong boys. Ini-expect ko pa ay babatiin ako ni Ethan dahil siya ang madalas na bumabati sa akin pero nasa ibang dereksyon ang tingin niya. Nakapangalumbaba naman si Axel. Si Jawill at Edel naman ay paminsang nasulyap sa akin tas ngingiti.
Bago pa ako makaupo sa upuan ko ay napansin ko ang dalawang Chuckie na may kasamang slice ng cheesecake na nakalagay sa plastic container sa table ko. Naupo na ako bago basahin iyong nasa sticky notes na nakakapit sa Chuckie.
'Have a good day, CM! Hope to ask you to go out next time. Enjoy eating!'
Iyon lang naman ang nakasulat. Tumingin ako sa mga katabi ko at nakatingin si Ethan sa table ko habang nakasalumbaba parin.
"Bakit andito 'to?" tanong ko. Hindi ito akin!
Tumingin din sa akin ang tatlo.
"Nakalagay na d'yan nung dumating kami!" sagot ni Jawill.
"Baka bigay ng admirer mo!" si Edel. Tumawa naman siya nang tignan ng masama ni Ethan. "Kalmahan mo, London boy!"
"Ano bang pangalan mo?"
Taka akong napatingin kay Axel. Tiningnan ko muli ang nakalagay sa notes. "Pero CM ang nakalagay dito! Sino bang CM ang kilala niyo?!"
He sighed. "Ano munang pangalan mo?"
"Caisha Morgan."
"Anong initial?" tanong ulit niya.
Nangunot ang noo ko doon. Kung akin ito sino namang magbibigay nito? At gusto pa akong ayain lumabas? Wala pa naman akong masyadong kilala sa school na ito bukod sa mga classmates ko. So sino?
Tumingin ako sa classmates ko at nung makita si Lyka ay tinawag ko siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Di ba ikaw palagi ang unang dumarating dito sa room?"
Tumango siya.
"Alam mo ba kung sinong naglagay nito dito?" pinakita ko sa kaniya ang nasa table ko.
Napaisip siya bago nagsalita. "Ah! Oo, kaso hindi ko kilala eh! Pinaabot niya lang sakin tas ilagay ko raw sa upuan ni Caisha."
Nagkatinginan kami ni Ethan. "Boy?" tanong niya kay Lyka. Tumango naman ito. "Can you describe him?"
"Kasing height ni CM, nasa 6'1 footer siguro. Medyo moreno type, malaki rin ang katawan. Parang fourth year rin siya kasi parang nakikita ko na ang mukha niya t'wing may events ang batch natin. Hindi ko lang alam name niya."
"Ahh, ganun ba? Sige, thank you." ngumiti ako kay Lyka bago siya umalis.
Humarap ako kay Ethan na seryoso ang tingin sa pagkain sa table ko. Samantalang iyong tatlo parang gusto ng hingiin sa akin.
"Don't eat that. You don't know him. What if he put poison or spell on that food?" sabi ni Ethan.
"Spell? Gagayumahin niya ako? Parang ganun?"
Nag-nod siya. "Maybe. Gagayumahin ka niya kasi alam niyang hindi ka niya maagaw sakin."
Sinuntok ko siya sa braso at tinawanan niya pa ako. "Seryosong seryoso pa naman akong nagtatanong! Bwisit ka!"
"But seriously, don't eat that. Akin na." inabot ko naman sa kaniya ang nasa table ko.
Dinala niya iyon sa basurahan kaya napasunod ang tingin ng tatlo at sabay sabing sayang!
Bumalik na siya sa upuan niya at tinignan ako. "Are you craving for that Chuckie and cheesecake? Ibibili nalang kita."
"Walang Chuckie sa canteen!" puro bottled juice, tubig at ilang soda lang ang meron don. Yung cheesecake meron naman.
Ngumiti si Ethan ng malapad. "Sige. Ibibili nalang kita sa labas. Bukas ko nalang ibibigay sayo."
Ngumiwi ako sa kaniya na may halong ngiti. At bakit naman mag aabala pa ang London boy na ito para sa Chuckie na iyon?
Pero napapaisip parin ako kung sino iyong nagpalagay dito sa table ko. Maari raw na nasa Fourth year student din ayon kay Lyka. Kilala niya ako?
Hayst! Kung sino ka man, sayang ang chuckie mo!
Nagkaroon lang kami ng dicussion sa ilang subject pagkatapos ay lunchbreak na!
Naglakad ako palabas ng room at nagpunta sa room nila Yera. Tumigil ako sa may pintuan nila at sumilip sa loob.
May kausap pa siyang lalaki. Pag hindi ako nagkakamali ay ito iyong lumapit sa kaniya nung unang araw ko dito sa school.
Nakita naman niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin, pero kasunod niya ang lalaking kausap niya.
"Ah, Caisha. Sasabay nga pala sa atin si Arjo, Classmate ko." pakilala ni Yera sa lalaking katabi niya.
Tinanguan ko ito. Ewan ko. Good looking naman siya, iyon din ang first impression ko sa kaniya. Pero, parang may kakaiba akong nararamdaman.
May itinatago siguro 'tong lihim!
Ngumiti iyong Arjo sa akin. Ni hindi ko iyon magantihan. "Tara na?"
Nangyari ay nauna silang maglakad sa akin at nasa likuran lang nila ako. Nang makabili naman sa canteen ay tahimik lang akong kumakain habang nakamasid sa paligid. Nakita ko pa si Ethan at Axel na magkasama sa isang table at panay ang kwentuhan. Si Jawill naman ay nasa tabi nilang table at may kasamang babae. At ang sweet nila! May jowabels ata ang Jawill Trinidad namin!
Si Edel naman malayo sa mga table nila. May katawanan siyang isang babae pero hindi gaya ng kay Jawill, hindi sila sweet.
Napatingin siya sa gawi ko at biglang pilit na ngumiti sa akin sabay iling. Ano kayang iniisip niya?
Whatever!
Umirap lang ako.
Humarap ulit ako sa pagkain ko at sumubo ulit ng madami. Panay ang kwentuhan ng nasa harap ko at minsan mang isali ako ni Yera sa usapan para hindi ako ma-bored. Parang iniiwas naman iyon ni Arjo para mawala ang pangalan ko sa usapan nila. Psh! Pass sa halata, ugok! Hindi ko alam kung manliligaw na siya ni Yera o ano...pero it's obvious, may something sa kanila! And I don't like it! No, I don't like him for my friend.
Halata kay Yera na parang humihingi ito ng pasensya sa akin t'wing tinititigan ko itong Arjo. Parang ina-out of place niya pa ako, eh siya nga itong nakisama lang sa pagkain namin. Hmp!
Inikot ko nalang ulit ang paningin ko para pakalmahin ang sarili. Sa may gilid na table malapit sa counter ako napatingin. Kung saan nandun ang tatlong minions.
Nakatingin din sa akin si Caspian habang nakatalikod naman ang dalawa sa gawi ko. Mabagal ang pagnguya niya sa kinakain na pizza. Hindi niya inaalis ang tingin sakin kaya ganun din ako.
Kumagat pa ulit siya sa pizza na hawak. Matapos nguyain iyon ay kinagat niya pa ang babang labi at habang nakatingin sa akin. Pinahid niya ang sauce sa gilid ng labi gamit ang daliri niya.
Ngumisi siya pagkatapos.
Ew! Napangiwi ako at kunwaring nandidiri.
Feeling hot ampwta!
"Ilang beses ko na kayong nakikitang magkasama ni CM ah."
Napatingin ako kay Arjo nang sabihin iyon. Ganun din si Yera.
"Ano ngayon?"
Tumawa siya sa akin. "Wala naman. Parang iba lang ang tingin niya sayo."
Napabuntong hininga ako. "Bakit pare-pareho ba dapat ang tingin?" tanong ko habang nakatitig sa kaniya. "Kung sayo gago ang tingin ko, dapat ba gago na rin ang tingin ko kay Yera?" tumingin ako sa katabi niya.
"Caisha, hindi siguro iyon ang gustong sabihin ni Arjo." pilit na tumawa si Yera.
"Tama si Yera, hindi iyon ang gusto kong sabihin. Ang sakin lang. Kilala si CM sa school na ito bilang badboy, at magaling makipaglaro sa mga bagay bagay. Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.Tsk!"
Sa paraan ng pagsasalita niya ay para siyang may galit kay Caspian. At dahil nakikita niyang nagkakausap kami ni Caspian ay binabaling rin niya sa akin iyon.
"Nagtataka lang ako kung bakit parang ibang tao siya kapag ikaw ang kasama niya." dugtong pa niya.
"Magtaka ka lang." pabalang na sagot ko. Dahil hindi ko sasagutin ng maayos ang tanong niya!
Kanina ayaw niya akong isali sa usapan tapos ngayon kakausapin niya ako para lang pakialaman pati si Caspian?
Sarcastic siyang tumawa. "Sabagay, mukhang hindi nagkakalayo ang ugali niyo."
"Arjo!" saway sa kaniya ni Yera.
"Mukhang sakit ka rin sa ulo. Ang hilig mo rin sumagot ng pabalang!"
Inis ko siyang tinignan. "Problema mo?!"
Tumawa ulit siya. "Ako? Wala akong problema. Napapaisip lang ako kung anong mangyayari once na makuha ni CM ang gusto niya sayo. Like what he's doing with his girls!"
I sigh. "Kunti na nga lang ang kayang isipin ng utak mo, 'yan pa ang napili mo?"
Ngumisi siya. "Hindi na pala dapat ako nagtataka. Mukha namang pumapayag ka rin sa gusto ni CM. O baka naman nakuha na!" tumawa pa siya. "Nahalikan kana?"
Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at pinalipad ang kamao ko sa punyeta niyang mukha.
"Arjo!"
Kanina pa niya akong binubwisit! Tama ang hinala ko kanina! May itinatago talaga siya! Isa siyang hayop na ulol!
Napabagsak siya sa sahig mula sa kaninang pagkakaupo. Nakiusyuso naman ang nasa paligid. Mabuti nalang at hindi ganun kadami ang nasa canteen. Baka ma-punishment na naman ako!!!
"Bakit mo 'ko sinuntok?!" tanong pa ng gago!
Hawak siya ni Yera ngayon na nagulat sa nangyari. Pilit niyang itinatayo ang lalaki na gusto pa akong bawian.
"Bakit hindi?! Ano gusto mo akong gantihan?! Sige! Magkalaban tayo!" sigaw ko sa kaniya.
"Caisha! Stop!" napatingin ako kay Yera nang sumigaw ito. "Nasa school tayo at pwede bang bawasan mo ang init ng ulo mo?"
Naikuyom ko ang kamao sa sinabi niya. Hindi niya ba narinig ang sinasabi ng gago na lalaking ito kanina?
"Arjo, tara na!" aya niya sa lalaking masama ang tingin sa akin.
"Seryoso ka, Yera? Talagang--"
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at nagpilit lang ng ngiti sa akin.
"Mag-usap nalang tayo mamaya."
Pagkatapos ay umalis na sila ng canteen.
Nag-iinit ang kamao ko na nakakuyom parin nang bumalik ako sa pagkakaupo. Naramdaman ko nalang ang isang kamay na lumapat sa balikat ko at mayamaya ay naupo siya sa tabi ko.
"Calm down." si Raven.
Napatingin naman ako sa nakatayo sa kaninang inuupuan ni Yera na si Mathew. Kumakaway pa siya sa mga students na nakikiusyoso kanina.
"Everyone! Go back to your sit! Tapos na po ang palabas! Wag na po sana itong makarating sa mga teachers dahil malalagot sa amin ang gagawa no'n!" sigaw niya.
Hindi ko alam kung anong kapangyarihan meron sila pero sumunod ang mga estudyante.
Naupo na rin siya sa harap ko. "Astig mo talaga!" sabi niya.
Hindi mawala ang init ng ulo ko sa Arjo na iyon. Pati si Yera....anong ginawa niya kay Yera at naging ganun 'yon?!
"Naiinis ako!!" nagpapadyak ang mga paa ko sa ilalim ng table. Tinawanan naman ako ng dalawa. "Gusto ko pa siyang sapakin!" mabilis akong tumayo pero hinila ako ni Raven sa uniform ko. "Isa lang! Sasapak lang ako ng isa!"
Nakalayo ako sa kaniya pero itong si Matsing naman ang humila sakin.
"Hephep! Tama ka na!" hinila niya ako sa isang braso at si Raven naman sa isa. "Tutal! Ililibre mo pa nga pala ako ng icecream, labas nalang tayo para kumalma ka!"
Oo nga pala! May icecream pa siya sa akin! Huhuhu
Pinihit nila ako at napatapat sa table nila kanina kung saan prenteng nakaupo si Anger. Andyan pa pala siya?!
"Bro, sama ka? May manlilibre ng icecream!" sabi ni Mathew.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw lang ang ililibre ko! Bakit mo inaaya 'yan?!"
"Sure."
Napataas ang kilay ko nang mauna pang maglakad si Anger sa amin. Aba, aba! Nautakan ako ng tatlong minions na ito!
Binitawan lang ako ng dalawa nang makarating sa kotse ni Mathew. Siya ang pumunta sa driver seat. Papunta na sana ako sa passenger seat para kaming dalawa ang magkatabi pero itinulak ako ni Caspian palayo doon.
"Doon ka sa likod! Sa luggage compartment!" sabi niya matapos umupo.
"Ikaw ang nakaisip no'n! Bakit hindi ikaw do'n?!"
Hindi siya sumagot at isinara ang bintana sa tapat niya. Bastos!
Padabog akong sumakay sa likod. Doon pa ako napapwesto sa likod ni Mathew dahil nakaupo na si Raven sa likod ni Anger. Kitang kita ko tuloy ang isa pang bwisit!
"Caisha," tawag ni Raven.
"Oh?!"
Tumawa siya sa akin. "Wag namang pati ako sisigawan mo."
"Trip kong sumigaw! Bakit ba?!" inis kong baling sa kaniya.
"Hindi kami si Arjo, baka mamaya pati kami eh sapakin mo ha!" natatawang sabi ni Mathew.
Naningkit ang mga mata ko. "Kilala niyo ang Arjo na 'yon?!"
Tumango ang dalawa. "Nakaaway nito dati." turo ni Raven kay Caspian.
Kaya pala...
"Bwisit siya! Inubos niya ang pasensya ko na pang isang buwan ko na sana!"
"Shucks! So, isang buwan kang walang pasensya?" si Matsing.
"Baka rereglahin kana kaya ganyan kainit ang ulo mo?" si Raven.
Matunog na suminghal ang isa pang bwisit sa unahan.
Lumingon pa siya na nakangisi. "Hindi nireregla ang tomboy na 'yan."
Para akong sinapian ng kung anong masamang espiritu at gusto ko ng mapatay ang Anger na ito!
"Anong sabi mo?!"
Agad ko siyang hinablot pero panay ang pagpapalayo ng dalawa.
"Awat na!"
"Wag niyo kong pigilan! Isang sapak lang pramisss!"
__
cessias 🥴
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro