CHAPTER 2
Chapter 2
Caisha's POV
"Ano ba kase 'yang iniisip mong plano?" tanong sa akin ni Yera.
Nakatambay kami ngayon dito sa taas ng canteen, kung saan may sofa at glass table. Sosyal ng canteen dito. May patambayan na ganito!
Anyways. I looked back at her. Itinuon ko ang pareho kong siko sa mga binti ko.
"Plano kong guluhin si Caspian."
Napangiwi siya sa sinabi ko. "Eh? Sigurado ka?! Si Caspian Martin? Ang kilalang CM sa school na 'to guguluhin mo? Hindi mo ba talaga alam kung gaano kasiraulo 'yon?!"
Napaisip naman ako. Ayon sa naririnig ko dito sa school ay mainitin talaga ang ulo ng lalaking 'yon. Warfreak, walang pinakikinggan, literal na bato ang pagkatao.
Pero lahat naman ng iyon ay ayon lang sa naririnig ko.
"Kilala ko siya. May soft spot din siyang tinatago. Normal lang din siyang tao."
Napangisi ako nang bumalik sa isipan ko ang alaala.
[Flashback]
"Naging kaaway muna kita bago tayo naging close. Kasi ang pangit ng ugali mo, tapos ang pangit mo pa! Hindi ka pa marunong maawa sa mga batang inaaway mo, ni hindi ka marunong magsorry at tumanggap ng pagpapatawad. Hayssst. Para akong may kaibigan na bato. Ang tigas tigas kasi ng ulo at puso mo!"
Malakas na batok ang binigay ko sa kaibigan kong si Caspian. Siya lang ang madalas kong kalaro at kausap.
"Aray naman! Napakabigat talaga ng kamay mo!" anas niya sakin habang panay ang iwas sa paghampas at batok ko sa kaniya. "Tumigil ka nga!"
Tumigil din ako nang sumeryoso na siya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Alam mo, turo sakin ng Daddy ko, dapat daw akong maging matapang. Yung tipong parang walang puso sa mga bagay o...kahit sa tao. Para daw hanggang paglaki ko, matapang ako. Hindi ako kakayanin lang ng iba. Pero hindi ko magawa 'yon dahil...paano akong magiging walang puso sa taong wala namang atraso sakin? Diba? Kaya kahit paano, masasabi kong mabait parin ako." ngumiti siya sa akin. "Hindi man halata dahil palaaway ako at matigas ang ulo...pero normal na tao parin naman ako na nakakaramdam."
[End of flashback]
"Pero ikaw na rin mismo ang may sabi sakin na malaki ang pinagbago niya sa Caspian Martin na nakilala mo nung bata ka pa."
Napabuntong hininga ako. "Oo nga. Pero, alam kong may dahilan ang lahat ng pagbabago niya." muli akong tumingin kay Yera. "At 'yon ang gusto kong malaman."
She shrugged her shoulders. "Kung balak mong himasukin ang buhay ni CM. Bahala ka, basta I'm telling you. Sigurado na akong hindi magiging madali 'yon." kinuha niya sa lamesa ang snacks na kinakain niya kanina at biglang ngumiti. "Pero kung buhay ni secret ang hihimasukin mo, magbo-volunteer na akong ako ang gagawa!"
Nangunot ang noo ko. Secret?
Naibato ko sa kaniya ang throw pillow na malapit sakin nang halos umabot na sa tenga ang ngiti niya.
"Hoy! Ikaw, Yera. May crush ka ba sa isa sa tatlong 'yon?" itinuro ko sa kaniya ang tatlong magkakaibigan na nasa may baba ng canteen.
Namilog ang mga mata niya. "Huh?! S-Sa mga 'yon? Naku, pag si CM pass agad! Pero sa dalawa...." ngumiti na naman siya. "Bahala ka ng manghula kung sino si secret!"
"Gagawin mo pa akong manghuhula." napairap ako.
Nakangisi pa siyang humarap sa akin bago ako tuluyang iniwan.
Ewan ko ba sa babaeng 'yon at sa dami ng lalaki dito sa school ay mukhang tinamaan pa yata sa isa sa dalawang alagad ng CM na 'yon.
Muli akong napasulyap sa baba at nawala na ang tatlo. Napabuntong hininga ako.
Kung si Raven ang nagugustuhan ni Yera...ayos lang sa akin. Mabait kasi--'
Napatigil ako sa iniisip nang may lumipad na unan sa may gilid ko.
"Dapat sa mukha mo binato para bumalik na siya sa ulirat, tulala na naman eh!"
Umayos na ako ng upo at humarap sa sofa kung saan nakaupo ang dalawang kaibigan ni Caspian. Si Raven na mabait, at Mathew na matsing!
Tinitigan ko si Mathew. "Eh kung sofa kaya ang ibato ko dyan sa mukha mo tas bumalik kana sa gubat kasama si diego?!"
"Ha? Gubat kasama si Diego?"
Ayy, hindi niya gets!
"Diba isa kang matsing? Tandem kayo ni Diego!"
"Anong matsing?! Gwapong matsing ko naman. Mathew nga sabi!"
"Matsing!" naglabas pa ako ng dila sa pang-aasar.
Binato naman niya ako ng isa pang pillow. "Crush mo lang ako eh! Ayieee!"
Nasusuka ko siyang tinignan. "Ew!Never akong magkakagusto sayo 'no!"
Ngumiti pa siya. "Nagbibiro lang ako. Hindi rin naman ako nagkakagusto sa tomboy--'Hoy!Masakit 'yon ah!"
Binato ko kasi sa kaniya ang notebook na nasa table.
"Sapakin kaya kita?!" tumayo ako at nag-amba ng kamao pero napatingin ako kay Raven na bahagyang tumawa sa amin.
Ayy, andito pa pala siya.
"Tumigil na nga kayo." ngumiti siya sa akin at ginaya ang upo ko na nakatuon ang parehong siko sa mga binti. "Ang bilis din mag-init ng ulo mo 'no? Para kang si CM."
Napasinghal ako. "Hindi ako kagaya niya. Dahil hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang magtago ng problema."
Hindi ko talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Caspian o iyong tinatawag nilang si CM. Baka dahil iyong si Caspian ang kilala ko, at iyong si CM na nakakaharap namin ang hindi ko kilala. Pero gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyari sa kaniya. Simula pa nung bigla siyang lumayo sa akin noon.
Nagkatitigan ang dalawang nasa harap ko at sabay napabuntong hininga.
Si Raven. Raven Keith Sandoval. Base sa weeks na pagpasok ko sa school na 'to. May ilan na rin akong alam tungkol sa kaniya. He's the only son of Keana and Randy Sandoval. At pag-aari nila ang mga kilalang Hospital dito at meron din sa iba't ibang bansa. Their family name is well-knowned in Doctors field. Alam ko ay napakayaman talaga nila.
Tumingin naman ako kay Mathew na nakayuko at parang may malalim na iniisip ngayon.
Mathew Frost Villacarlos. Gaya ng kay Raven, marami na rin akong naririnig tungkol sa kaniya. Masayahing tao ang pagkakakilala sa kaniya dito sa school. Pero...totoo ba ang pagkatao na ipinapakita niya sa lahat?
Anyways. Nalaman ko na, kilala rin ang family name nila sa industriya. They owned one of the biggest Music Entertainment company in NYC. SB Music Entertainment. Kung saan humahawak o nagti-trained sila ng group of talents. Lalo na sa larangan ng musika. Nagpo-produce din sila ng mga kanta. Sa pagkakaalam ko ay...kumakanta itong si Mathew, may narinig rin ako na may banda sila dati. Hindi ko lang alam kung anong nangyari ngayon at sinasabi nilang dati.
Basta alam ko, mayaman rin sila.
Pero si Caspian...Caspian Martin Jackson.
Aside sa pangalan niya at ilang ugali na nakikita ko sa kaniya...ano pang alam ko?
Napahuntong hininga ako.
Muling bumalik ang tingin sakin ng dalawa at mahinang tumawa naman si Raven.
"Parang ang lalim bigla ng iniisip mo ah?" tanong niya. "Mind if you tell us what is it?"
Inihilig ko ang ulo ko sa gilid ng sofa at napaisip. "May alam ba kayong paraan para pagtripan si Caspian?"
Napatingin ako kay Mathew nang maibuga niya ang iniinom na bottled juice. Nanlalaki pa ang mga mata niya sa akin.
Tsk. Half-matsing, half-tarsier. Nice nice. Ang ganda ng lahi.
"Ay brad, kakaibang babae 'to! Gustong pagtripan ang delubyo!" hindi pa makapaniwalang sabi niya kay Raven.
Natatawang umiling si Raven at tumingin sakin. "Bakit? May binabalak ka?"
Nag-nod ako sa kaniya. "Gaya ng isang appliances na may sira dahil sa kumakawang na turnilyo. Kunting kalikot lang ang kailangan niya."
Naniningkit pa ang mga mata ko habang iniisip kung paano babadtripin ang isang CM.
"Wala akong nage-gets sa sinasabi niya." anas ni Mathew.
"What do you mean?" takang tanong ni Raven.
Ngumiti ako sa kaniya at pumitik sa hangin.
"Ako ang magsisilbing screwdriver na mag-aayos ng kumakawang na turnilyo sa ulo niya!"
__
Raven's POV
Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Caisha kanina.
I chuckled.
That girl. Caisha Morgan Ajero.
Mukhang determinado talaga siyang magpapansin kay CM kahit pa halos hangin lang siyang dumadaan sa harap nito.
Hindi ko alam kung gaano sila magkakilala pero masasabi kong...kabaligtaran na ang taong nakilala niya sa taong nakakasama namin ngayon.
"Brad, sa tingin mo. Ilang babae pa ang hahalikan ni CM bago tayo makauwi?" tanong ni Math sa akin.
We're here at the Bar House na pag-aari ni Mathew. Nakailang bote palang kami ng alak pero si CM...
"Isa pa! Faster! I need more! Moreee!" kinakalampag niya pa ang table.
Napabuntong hininga ako matapos tingnan ang kaibigan namin sa di kalayuan na nagmamakaawa para sa alak.
"Mukhang marami pa." sagot ko kay Mathew.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkaubos ng alak sa baso na hawak ay isang babae na naman ang kahalikan niya.
"Shucks! Bakit ba natin naging kaibigan 'yan?"
I chuckled at him.
Sa totoo lang. Hindi ko rin alam.
Tumayo ako at tumingin sa wrist watch ko. It's already 11 pm. Lumapit ako kay CM at nangunot naman ang noo niya sa akin.
"Oh?! Kailangan mo?!" lumaghok pa siya ng isang shot.
"Kailangan na nating umuwi." walang ganang sagot ko.
"Umuwi ka kung gusto mo! I'll stay here as long as I want."
"Okay. Stay here." napabuntong hininga ako at nagpamulsa bago tumalikod sa kaniya. "Ako na ang haharap sa investigator mo."
Naglakad na ako ng ilang hakbang at narinig ko agad siya.
"What time is it?!" tanong niya sa kung sino.
"It's already eleven--'Wait! Where are you going?! We're not done yet!" one of his girls.
"Let go of me! Fuck! Bitawan mo sabi ako! Hindi ka naman marunong humalik and I don't like the smell of your breath!"
"What?! After I almost gave myself to you! Yan ang sasabihin mo sakin?!"
Napangisi nalang ako nang dumaan sa harap ko si Math at alam kong sa kanila ang punta.
"Hey, miss. Hayaan mo na siya. Hindi naman 'yan kagwapuhan--"
"What the hell did you say?!" it's CM.
"Kita mo, miss. Hindi na nga kagwapuhan mainitin pa ang ulo. Hindi na babagay sa mala anghel mong mukha."
Lumingon na ako sa kanila only to see how hard CM was trying to push the girl and Math helping him.
Ito palagi ang scenario. Napailing nalang ako.
"Brendon, pakilayo nga muna nito. Spray-an mo ng mouthwash kung kinakailangan." utos pa ni Math sa isa niyang tauhan.
"Shut up! Bitawan mo 'ko!"
Lumabas na ako ng Bar nang makitang pasunod na sa akin si CM.
Binuksan niya bigla ang pinto sa passenger seat ng kotse ko at pabalibag na sinara iyon.
"Sa condo ko nalang pinapunta." I told him and he just nodded.
Mabilis kong pinaandar ang kotse papunta sa condo ko.
Hindi ko maaring sa bahay namin papuntahin ang private investigator niya dahil baka makarating pa kay Mom ang ginagawa namin. No one should know this. It's only the three of us. CM, Math, and I.
Sumakay kami ng elevator papunta sa fifth floor kung nasaan ang unit ko.
Tumingin ako kay CM na nakasandal lang sa may gilid at tila malalim ang iniisip.
"Sigurado ka bang maiintindihan mo parin ang sasabihin niya kung may tama kana ng alak?" I asked him.
Tinignan naman niya ako ng matalim. "Alcohol never stop my mind from functioning. At sinong may sabi sayo na may tama ako ng alak?!"
Sumandal rin ako kagaya niya at pinagmasdan ang sarili namin sa harapan ng elevator kung saan may reflection.
"Damn it! Bakit may lipstick ang collar ko?! Fuck! Kadiri!" panay ang punas niya sa leeg at kuwelyo niya na may stain ng lipstick.
I chuckled. "Remembrance 'yan ng mga babae mo. Bakit mo binubura?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Wag mo 'kong tawanan! Can you just give me a tissue?!"
"Hindi mo ako P.A para ibigay sayo lahat ng kailangan mo." walang ganang sagot ko.
Nagbukas na ang elevator at hinayaan ko siyang magmura ng magmura sa likuran ko.
I saw the private investigator infront of my unit.
"Good evening, Mister Sandoval." he smiled at me. Tumingin siya sa gilid ko kung nasaan si CM na kunot noo pa. "Mister Jackson."
"Sa loob tayo mag-usap."
Binuksan ko ang door ng unit ko at pinapasok sila sa loob. Sumalampak agad sa sofa si CM at tumitig sa papel na nilatag ni Wilson sa table.
Naupo na rin ako katabi ni CM. I looked at the papers on his hand.
"Actually, kagagaling ko lang Germany kahapon. Nagpunta ako sa company ni Cassandra, ng Mommy mo. Para hanapin ang taong 'yan." sabi ni Wilson.
Tinignan ni CM ang isang page ng hawak niyang papel kung saan may isang picture na nakalagay.
"Who's this?" he ask.
"Jeferson Gomez. Isa sa tauhan ng company niyo dati na pinagkakatiwalaan din ng Mom mo. Wala na siya ngayon sa company. Isa rin siya sa pinaghihinalaan na kasangkot sa pagkawala ng mahigit two hundred million sa company niyo." sabi ni Wilson. "Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya sinabak ng Dad mo sa trabaho sa halip na ipakulong kung nadadawit ito sa nakawan na nangyari?"
Napaisip ako doon. "Jeferson Gomez? Do you search his background?"
Tumango siya at inabot sa akin ang isang papel.
Binasa ko iyon. "Gunman?!" napaawang ang labi ko sa nabasa.
"What?!" CM.
"He's a gunman before. So...w-why is he involve here? Do you think may kinalaman siya sa...." napatingin ako kay CM.
"Yes." sagot ni Wilson. "Si Jeferson Gomez ay hina-hired ng ilang kilalang tao para kumitil ng buhay ng mga taong kaaway nila sa malinis at tagong paraan. Walang bahid ng ano mang dumi ang naiiwan sa lahat ng pinatay nito at pinapalabas na aksidente ang nangyari sa taong namatay. Kagaya ng pasasabugin ang kotse, itatapon sa mga bangin, o palalabasing nagpakamatay mismo ang biktima."
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na may tao talagang ganun.
Muli akong tumingin kay CM na halos patayin sa titig ang picture ni Gomez na hawak niya.
"So possible ngang siya ang pumatay kay Tita Cassandra...." tumingin ako kay CM. "At pinalabas niyang sumabog lang ang kotseng sinasakyan nito para paghinalaang aksidente? At...possible din bang palabas lang iyong nangyaring nakawan sa company niyo para may dahilan para makalayo itong si Jeferson Gomez?"
"Maari." si Wilson. "Maaring idinawit talaga si Gomez sa mga nagnakaw para pagnawala ito ay paghinalaang tumakas lang dahil sa pagnanakaw. Pero dahil sa impormasyong nakakalap ko. Hindi pagnanakaw ang nangyari. Tama ang sinasabi mo, Mister Sandoval. Maaring palabas lang ang pagkawala ng pera sa kompanya."
Pareho kaming napatingin muli kay CM.
"He's playing a game with the use of money he didn't own." nilukot niya ang papel na hawak. "Hina-hired 'yang Gomez na 'yan para pumatay. So someone hired him to killed my mom. And he won't do that kung walang malaking kapalit. Tsk, two hundred million."
Pati ako ay nakakaramdam ng galit. Sobrang laking gulo ng ginawa nila.
Binato ni CM ang nilukot na papel at hinarap si Wilson. "Hanapin mo 'yang Jeferson Gomez na 'yan. Gusto kong ako ang magpahirap sa kaniya. I'll do anything para lang mapaamin siya kung sinong nag-utos na ipapatay si...Mom." habol ang paghinga niya.
Tumayo na si Wilson. "I will, Mister Jackson." pagkatapos ay lumabas na siya.
Napapikit ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
"BULLSHIT! I SWEAR YOU'LL GONNA BEG ME TO JUST KILL YOU! IPAPARANAS KO SAYO ANG IMPYERNO!"
Narinig ko pa ang pagtalsik ng glass table ko sa pagitan ng malakas na sigaw niya.
Tsk. Wala na naman akong table.
Napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. I tap his shoulder. He's not moving. Hindi rin siya humaharap sa akin. He really don't like someone seeing him...crying.
This is what everyone doesn't know. This side of Caspian Martin.
"After everything I heard. Mas lumakas lang lalo ang hinala ko." I sighed. "Wag kanang magtitiwala ulit sa Daddy mo...kahit kailan."
__
cessias 🤨
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro