Kabanata 37
Kabanata 37: Pagsisimula ng Katapusan
"Kuya Cesar? Anong ginagawa mo rito?"
Ilang oras lamang mula noong nakarating kami sa dormitoryo ay bumisita si Kuya Cesar. Nagulat ako nang ibalita sa akin ni Tiya Fatima na sumunod sa amin ang aking kapatid.
"Dumaan lamang ako rito. May trabaho ako sa Bulacan," sagot niya.
Inalok ko siyang manatili muna kahit sandali ngunit nagpaalam na siya at sinabing magkita na lamang kaming muli bago siya umuwi sa amin.
Mapayapa ang gabi ngunit hindi ko magawang matulog. Alas dose ng hatinggabi na nang bumaba ako sa kusina upang kumuha ng maiinom. Nadatnan ko si Tiya Fatima, may katawagan sa telepono.
Ibinaba niya ang tawag at nilapitan ako. Inabot niya ang pitsel at nagsalin ng tubig. "Hindi ka makatulog?" tanong niya.
Kinuha ko ang baso at tumango. Humigpit ang hawak ko roon bago sumulyap sa telepono.
"May nag-imporma sa akin ng gagawing pagtalikod ni Defense Minister Juan Ponce Enrile kay Pangulong Marcos. Pamumunuan niya 'di umano ang junta ng mga rebelde at ikakasa ang Reform the Armed Forces Movement sa Malacanang."
"A-ano? Malaking gulo ito, Tiya!"
Tumango siya at napaupo. "Nakatakdang mangyari ang huling pagpupulong nila mamayang alas dos ng madaling araw."
"Kapag nalaman ito ni AFP Chief-of-Staff Fabian Ver, siguradong magdadagdag siya ng bantay sa palasyo. Mas hihigpit ang seguridad at posibleng madamay ang madaming tao," nag-aalalang komento ko.
Pinilit naming mahimbing kahit puno ng pangamba ang kalooban namin. Kinabukasan, ala una ng tanghali, hindi inaasahang bumisita si Papá.
"Anong pakay mo, Carlos? Biglaan yata itong pagpunta mo," pag-usisa ni Tiya.
Sinarado niya ang mga bintana at kinandado ang pinto. Umupo siya sa aming harapan, tensyunado.
"Hindi natuloy ang pagsugod kagabi ng tropa ng mga rebelde dahil dumating ang mga Marines. Ipinadala ni Chief Fabian Ver si Lt. Col. Rolando Abadilla kay Lt. Col. Honasan para iparating na nalaman na ang mga plano nila at huwag gumawa ng maling hakbang. Tinawagan nila si Lt. Col. Eduardo Kapunan para pansamantalang ihinto ang misyon sa susunod na bente cuatro oras."
"Si Ginang Cory Aquino? Alam niya ba ang nangyayari?"
"Hindi ko pa masasagot iyan pero nasa Cebu siya ngayon para ipagpatuloy ang Civil Disobedience Campaign."
"Ang isa sa mga close-in security personnel ni First Lady Imelda a napag-alamang espiya ng RAM sa Preidential Security Group."
Nang sumapit ang alas sais cuarenta y cinco ng hapon, nagsagawa ng konperensiya sina Enrile at Ramos sa Social Hall ng General Headquarters ng AFP para ianunsiyo ang opisyal nilang pagtanggal ng suporta sa administrasyong Marcos.
Nanatili kami sa inupahang bahay ni Papa at pinanood iyon. Bago pa mangyari iyon ay humingi na ng tulong si Minister Enrile kay Cardinal Jaime Sin.
"We are going to die here, fighting," umpisa niya.
Sumunod naman ang Vice Chief-of-Staff ng AFP na si Fidel Ramos. "There has become an elite Armed Forces of the Philippines that no longer represents the rank and officers' corps of the Armed Forces... The President of 1986 is not the President to whom we dedicated our service. It is clear that he no longer is the able and capable commander-in-chief that we count upon... He has put his family interest above the interest of the people. We do not consider President Marcos as now being a duly constituted authority."
Pinagpatuloy iyon ni Minister Enrile. "I cannot, in my conscience, recognize the President as the commander-in-chief of the Armed Forces and I am appealing to the other members of the Cabinet to heed the will of the people expressed during the last elections. Because in my own region, I know that we cheated in the elections to the extent of 350,000 votes... No, I will not serve under Mrs. Aquino even if she is installed as a president... Our loyalty is to the Constitution and the country... You are welcome to join us. We have no food."
"I am not even acting Chief-of-Staff of the Armed Forces. I think that when he made that announcement to you and to the whole world last Sunday, he was just fooling us, and he was fooling the entire world because he flip-flopped so many times already... I would like to appeal to the fair and to the dedicated and people-oriented members of the AFP and the INP to join us in this crusade for the better government," pagtatapos ni Gen. Ramos.
Maya-maya pa ay tumawag si Kuya Cesar kay Papa. "Anong balita?"
Natahimik si Papa matapos sumagot ni Kuya kaya kinabahan ako. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri habang hinihinntay sa sasabihin niya.
"Sige. Mag-ingat ka, anak." Pinatay ni Papa ang tawag at bumaling sa amin. "Iniutos daw ni Chief Fabian Ver kay Brigadier General Fidel Singson na pabagsakin ang Radio Veritas kung saan tumanggap ng trabaho ang kapatid mo. Nagpadala na roon ng mga tauhan para matyagan lamang sila."
Napatakip ako ng bibig at nangilid ang luha sa aking mga mata. Napa-antanda rin si Tiya Fatima dahil sa sobrang pag-aalala at takot para sa buhay ni Kuya Cesar.
Nanaig ang katahimikan sa buong sambahayan hanggang sa basagin iyon ng anunsyo mula sa radyo. "Please, do not be alarmed. Stay home," pakiusap ni Cardinal Sin.
Ngunit sa hindi ko malamang kadahilanan, umere ulit ang Cardinal at binawi ang naunang sinabi. "Leave your homes now... I ask you to support Mr. Enrile and Gen. Ramos. Give them food if you like. They are our friends."
Nagkatinginan kami ni Tiya Fatima. "Sasama ako."
Tumango siya at dumiretso sa kusina. Sumunod kami ni Papa. "Ibalot natin ang mga pagkain."
Iyon nga ang ginawa amin at pagkatapos ay tumungo sa Camp Aguinaldo. Nadatnan namin doon si Ginoong Butz Aquino, kasama ang August Twenty-One Movement's Executive Committee.
"Tinawagan na ni Col. Hector Tarazzona si Col. Antonio Sotelo at kinumpirma nitong suportado niya ang RAM. Ipinadala niya na rin ang Squadron Commanders para tauhan ang mga attack helicopters natin," nadinig kong imporma ng isang opisyal kay Papá.
Nagpatuloy ang Radio Veritas sa pagtutok sa rebelyon. Ilang sandali pa ay umere ang balitang mula kay Ginang Imelda Marcos na may magtatangka sa buhay nila ng kaniyang asawa mamayang alas dose y media ng madaling araw.
Nagpamigay kami nina Tiya Fatima ng pagkain sa mga tao roon habang itinitipon ni Ginoong Butz Aquino ang mga boluntaryo para kitain siya sa Isetann Department Store sa Cubao para maghanda sa gagawing pag-martsa sa EDSA.
Sa kalagitnaan naman ng pagtawag ng atensyon ni Pangulong Marcos kina Minister Enrile at Gen. Ramos para tigilan na ang 'di umano'y kahangalan at sumuko, tumungo kami sa Camp Crame sakay ng dalang kotse ni Papa.
Sumama kami sa pagbuo ng human barricade ng mga madre at seminarista ng grupong Bandila. Dumagsa ang mga tulong at pagkain.
"Enough is enough, Mr. President. Your time is up. Do not miscalculate our strength now," banta ni Minister Enrile kay Pangulong Marcos sa Radio Veritas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro