Prologue
Prologue
I had always believed that second chances were a load of bullshit. A waste of time. A rock you picked up again to hit yourself in the head with.
Hindi ko lang talaga maintindihan. Why do people choose to keep doing something that has hurt them before? Why do they get back together with someone who broke their heart? Naghihintay ba sila ng ibang resulta? Umaasa ba silang mangyayari na ang gusto nila? Isang buhay lang ang mayroon tayo. Why throw it away on pain?
Bachelor of Arts in Journalism
Opinion and Commentary
Midterm Examination
Name: Millicent Rae F. Velasco
Year/Section: 4A
Score: 17/60
Putangina, iyon lang.
"Lahat daw ng lower than 20, pumunta sa faculty room mamaya."
"Meron ba sa'tin?"
"Hindi ko alam. May dalawa sa kabilang section, eh."
"Hindi mo tinanong kung ano'ng gagawin?"
"Lowest na yata si Chua."
"Hoy, 22 ako!"
Hindi ako makasabay sa ingay ng mga kaklase ko. Natulala lang ako sa test paper na nakalatag sa armrest ng upuan ko, nagtataka kung talaga bang aking papel 'to.
Ako ba talaga si Millicent Rae F. Velasco? Wala ba akong kapangalan sa room namin? O siguro typo lang ang score ko? Baka 57 talaga 'to. Nalito lang ang nag-check.
"1, 2, 3, 4, 5, 6..." tahimik kong bilang sa correct answers ko. "14, 15, 16, 17."
Binasa ko ang pang-ibabang labi. Hindi, Mill. Hindi ka maniniwalang wala nang kasunod ang 17. Ulitin mo.
"1, 2, 3, 4..."
Nagbutil-butil ang pawis sa noo ko nang hanggang 17 lang ulit ang nabilang ko.
"Chua, 22. May mas mababa ba?"
Hindi ako makapaniwala. Isang oras akong nag-review sa subject na 'to! Bakit hindi manlang umabot sa 1/3 ang score ko?! Nasagutan ko naman lahat ng tanong! Hindi tama, pero nasagutan ko! Wala bang points ang effort?!
Napasabunot ako sa buhok ko. I never gave a hoot about my grades. Or honors. Pumasa lang ako, okay na. I wouldn't beat myself up for being in the last class standing.
Hindi ako katulad ng mga kaibigan ko na seryoso sa kolehiyo. If Karsen didn't face a lot of bullshit this year, I knew there was a chance she'd graduate with honors. Si Mari naman, given na 'yon. She was the smartest girl I had ever known. Ganoon din si Kat. Although she didn't graduate with flying colors, she was one of the top students in her class.
Kahit kailan ay hindi naging importante sa akin ang medalya o matataas na marka. After all, I didn't want to submit to a system that placed more value on meeting deadlines than learning new skills.
Isa lang naman ang gusto ko—ang maging mamamahayag ng katotohanan. I wanted to write and report on current events without bias, be the voice of the unheard, expose political corruption, and drag the filth of the wealthy into the light.
It was my greatest drive, my life's mission. The reason I was born.
Pero alam kong bago ko makamtan 'yon, kailangan kong dumaan sa proseso.
And well, that shithole process included the midterm.
"Tangina," tanging nasabi ko. Parang biglang nagsink-in sa akin ang katotohanang bagsak ako.
Narinig ko ang paghalakhak ni Sadie, ang nag-iisang "ka-close" ko sa room. Wala naman kaming choice. Velasco ako at Velecina siya. Mag-aapat na taon na kaming seatmates.
I sneered. "Tinatawa-tawa mong gaga ka?"
Nangingiting umiling siya. "17 lang din ako."
It was the most comforting crap I had ever heard in my entire life. Kitang-kita ko kung paanong lumawak ang ngisi niya sa naging reaksyon ko.
"Cut tayo?" maya-maya'y yaya pa niya. "Hindi naman na darating si Ma'am Capuso. Binigay na lang 'tong test papers, eh."
"Pupunta raw sa faculty room, ah?"
"After class na."
"Hintay tayo ng 5 minutes para saktong 15 minutes. Grace period."
Hindi na siya sumagot. Itinutok niya ang mata sa orasan na nasa itaas ng whiteboard namin sa unahan ng room. Bantay-sarado ang limang minuto.
Itinago ko sa itim na bag ang test paper ko at sumalampak na sa upuan. I wondered what our professor had up her sleeve. Mukhang kaming dalawa lang ni Sadie ang bagsak sa midterm niya. Siguradong pahihirapan niya kami lalo at mainit ang dugo niya sa'kin. Nagkaroon kasi kami ng pagtatalo almost one year ago dahil avid supporter siya ng isang palpak na politiko. Parang tanga lang. She couldn't teach journalism and hold a certain politician in high regard. I don't get it. Kulang na lang ay magkaroon ng fandoms ang government officials. I mean, how could they be held accountable if people treat them like gods?
Simula noong nagkaroon kami ng diskurso ni Ma'am Capuso tungkol doon ay hinawakan niya na ako sa leeg. May mga pagkakataong nakatayo ako buong klase dahil hindi ako nakasagot sa recitation niya. Hindi pa naman kasi nadi-discuss.
Well, hindi naman talaga siya nag-didiscuss. Nagbabasa lang siya ng PowerPoint Presentation. Sayang ang major subject at sa kanya pa napunta.
"Tara na."
Napatigil ako sa pagsakal kay Ma'am Capuso sa utak ko. I looked at the clock. Saktong tapos na ang grace period. Puwede nang umalis.
Tumayo na ako. Ganoon din si Sadie. She was easygoing like me. She didn't let things get to her. Kaya siguro nagkasundo rin kami. Though I wouldn't really consider her my friend, she was more of a companion.
"Law?"
Tumango ako. We'd have a few drinks because we needed to calm our heads before facing Ma'am Capuso. Ang College of Law ang isa sa pinakamalalaking department sa university kahit hindi naman marami ang estudyante. Sadie and I would often go behind the building to skip class or have a drink.
"Puta."
Napatingin ako kay Sadie. Nasa pinto na kami ng room. She was looking at my right side, so I followed her gaze.
At jusko, noong nagpaulan ng suwerte, nakakapote yata ako.
Dressed in a pale green uniform, as if she didn't intentionally fail me by not giving at least a 4-point mark to our 20-point essay, Ma'am Capuso walked in our direction.
"Dapat kasi kanina pa tayo umalis," inis na sabi ni Sadie. "Naabutan tuloy tayo."
I ruffled my hair with my fingers. Tapos na ang grace period! Late na siya!
"Isang sabi mo lang, sasaraduhan ko ng pinto 'yan," I challenged Sadie.
Nababahala ako sa puwedeng ipagawa ni Ma'am Capuso sa amin bilang "compensation" sa bagsak naming midterm, pero hindi ibig sabihin noon ay matatakot na ako sa kanya. I knew my rights as a student. Pasalamat nga siya at hindi ko kinukwestyon ang paraan ng scoring niya sa mga article ko.
"Bumalik na tayo sa upuan. Mamaya na lang."
Nagbuntong-hininga ako. Kapag estudyante ang late, hindi na pinapapasok. Pero ang lintek na professor na 'to, akala mo hawak lahat ng oras sa mundo.
"Good morning, class."
"Good morning, ma'am."
Hindi ako bumati. Mahimatay siya d'yan. Matapos niyang i-zero ang essay part ng exam ko? Huh. Kitang-kita ang pagiging unbiased niya.
"Good morning, Ms. Velasco."
Pinigilan ko ang mapasinghal. Ayos. Ako na naman ang mata ng bagyo.
"Morning," bati ko pabalik.
Umangat ang isang gilid ng labi niya. Marahan ding tumawa si Sadie sa tabi ko. Bakit ba? Eh, sa walang good sa morning ko, eh. Ni hindi nga siya nag-sorry na na-late siya.
"I'm guessing you've already seen your midterms," sabi ni Ma'am sa klase, hindi na pinansin ang pagiging magalang ko. "Ms. Velasco and Ms. Velecina, how are your scores?"
"Menor de edad, ma'am."
Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sagot ni Sadie.
"You might take our class again next semester, but you're joking." Umiling si Ma'am. "I love optimism."
Tumikhim ako. What I wouldn't give to not have to take this class again... with her!
"Ms. Velasco."
Hay, punyetang umaga.
"Yes, ma'am?"
Itinuon niya ang kamay sa mesa at bahagyang isinulong ang katawan. "Do you want to graduate?"
I gritted my teeth. "Yes, ma'am."
Tumango siya. "Kapag gusto, may ginagawang paraan, 'di ba? Nag-aaral. Bumabawi sa exams kapag nasa bingit ang resulta ng activities." Ibinaling niya ang tingin kay Sadie. "I'll let you off the hook now. Matataas ang score ng articles mo sa'kin at kaya mo pang mabawi sa finals ang grade mo."
"Thank you po, ma'am."
"Pero ikaw, Ms. Velasco, hindi ko alam kung saang impyerno ko huhugutin ang grade mo."
Everyone in our room was silent. Pasasalamat ko iyon dahil kinakalma ko ang sarili ko. I knew that if I took one more blow, I'd explode.
Itinuro sa amin na hindi dapat kami naapektuhan sa mga ganitong bagay. They said the industry was harsher, and they were just preparing us for it. Hindi puwedeng mabilis ma-offend. Hindi puwede ang sensitive. Kapag iyakin, 'wag mo nang asahang tatagal ka.
"Ikaw ang may pinakamababang midterm grade sa batch."
But then, as someone who grew up in an orphanage where no one would stand up for me, I learned how to be my own first line of defense.
Kinuyom ko ang kamao ko sa pag-ahon ng galit sa dibdib ko.
"Kailangan bang i-announce 'yan, ma'am?"
There were gasps. Miski siya ay bahagyang namilog ang mga mata. Wala naman akong pakialam. I wouldn't let her treat me like that.
"What's the point of saying it out loud? Para mapahiya ako?" I asked, dropping all formalities on purpose.
"Mill..."
Hindi ko pinansin si Sadie. Itinuon ko lang ang atensyon ko kay Ma'am.
"'Yong ibang prof, kakausapin ang estudyante privately. They'll assess what went wrong and what they can do to help. I'm not even expecting that. Alam kong may pagkukulang ako bilang estudyante kaya hindi ko 'yon hahanapin sa inyo," I continued. "Pero kung ang goal n'yo ay malaman ng lahat na ako ang pinakabobo n'yong estudyante, i-post n'yo na lang sa bulletin board. O 'di kaya, pumunta kayo sa newsroom at i-broadcast 'yan sa buong school."
Tumayo ako at dinampot na ang bag ko.
"Pupunta po ako sa faculty room mamaya, ma'am. Kung bibigyan n'yo po ako ng special project o ibabagsak n'yo ako, kayo na po ang bahala."
I didn't wait for an answer. I marched up to the door, maintaining my composure even though I was already muttering curses in my head.
Nang makarating ako sa likod ng College of Law ay saka ako tinamaan ng lintik.
Putangina. Ano na namang nahithit ko?!
"Shit! Shit! Shit!" I walked back and forth. "Sino'ng hinamon ko? Gago!"
Ilang beses na akong pinagsabihan ni Kat sa pagiging impulsive ko at hindi ako kailanman nakinig sa kanya! Ayoko namang mag-sorry kasi totoo namang ipinahiya ako! Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko! Hindi pagiging impulsive 'yon! Self-defense 'yon!
Tama, tama! Ba't ako nagpa-panic? Babagsak kung babagsak. Papasa kung papasa. We only live once. Why suffer? No big deal nga, 'di ba?
"Ulol," bulong ko sa sarili.
I wanted to punch someone in the face. And what I mean by someone—si Capuso.
I was stressed over what happened. Itinumba ko ang mga bote ng alak na nasa lumang marmol na mesa. Hindi ko ito napansin kanina dahil inis na inis ako. Pero ngayon, bukod sa irita ko, natatangahan ako sa mga nag-iwan nito.
I sighed as I sat at the table. Ipinatong ko ang paa sa marmol ding upuan. I opened my backpack and took out a cigarette. Mabuti na lang at lagi akong may dala sa bag ko.
Wala namang makakakita sa akin dito. Bukod sa school garden ay wala rin masyadong pumupunta sa mga likod ng building. Lalo rito. Matataas kasi ang damo at kakaunti ang mga mesa. Puro luma na rin. Ang mga kadalasang pumupunta lang dito ay ang mga magsyosyotang hayok sa laman at mga estudyanteng nagcu-cutting classes. Mayroon din namang kagaya ko—yosi yosi lang kahit bagsak sa exam.
I was halfway through my third stick when I saw a group of people coming into the area.
Nang makilala ko kung sino ang mga iyon, pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko. Agad akong bumaba sa mesa at nagtago sa matataas na damo.
"May mga bote ng alak do'n sa pangatlong mesa sa dulo!"
Hindi ko alam kung ilang libong mura ang napakawalan ko. Sa dami-rami ng araw at oras na maglilibot ang officers ng student council ay ngayon pa talagang best day ever ko!
I heard footsteps, kaya lalo akong nagsumiksik sa mga damo. Wala na akong pakialam kung mangati ako mamaya! May aasikasuhin pa akong grade! Ayokong mag-community service!
"May mga bote rin do'n sa bakod."
"Ico-collect din ba ang condoms? May punishment ang sexual engagement, 'di ba?"
"May condoms?"
"Right?"
"Mukhang dito talaga ang lair nila, ah? Ni hindi manlang nagawang linisin."
Their voices were clearer now. Alam kong malapit lang sila sa puwesto ko. Hindi naman ako sumisilip dahil baka may maka-eye-to-eye pa ako! Mabuti nang magpanggap na lang ako bilang tropa ng mga damo!
"Write a report about this, Ava."
Halos panghinaan ako ng tuhod nang marinig ang malalim at malamig na boses iyon. I knew who it was. Sa pangangampanya niya noon sa stage tuwing flag ceremony, pagde-deliver ng speech sa freshmen orientation, pagpa-page ng announcements sa newsroom, kilalang-kilala ko na ang boses niya.
Juancho Alas Montero, president of the student council for the last three years, and the unico hijo of a provincial governor, Juan Carlos Montero. Kasalukuyang nasa ikalawang taon ng law school. Hinahangaan ng lahat ng professor dahil sa time management at leadership skills. Masikreto, matangkad, guwapo—he had all the recipes that would bring his subjects to their knees.
Even I, who feared no one, could sometimes get nervous around him. Minsan lang naman. Kapag pumupunta siya sa department namin para mag-announce. He could be social, but he could also be intimidating. His hazel-brown eyes looked like they could see right through you. Hindi na ako magtataka kung may na-trauma na sa mata niya.
"Fidel, Aaron, Larisa, take as many pictures as possible and send them to Ava," he commanded. "The rest, go back to your classes. I'll take it from here."
"Okay. Thank you po, kuya."
"Ava, notify Tessa. Baka mag-send ako sa kanya ng details para sa financing proposal."
"Financing proposal? Para saan?"
"CCTV."
"Oh."
"Hindi pa naman sigurado. I'll still check with the head. Mag-meeting na lang tayo."
Puro ganoon na ang narinig ko. Hindi rin nagtagal ay nagpaalamanan na ang mga officer. Sumilip ako sa maninipis na awang sa damo para tingnan kung sino pa ang nandoon. Miski ang mga naatasang kumuha ng litrato ay paalis na. Kasama nila si Ava, ang two consecutive years na secretary ng student council.
Napahinga ako nang malalim. Hindi pa ako nahuhuli ng officers, pero alam ko kung paano magparusa ang mga ito. My acquaintances from different departments were vocal about their distaste for the organization. Hindi ko na lang pinapansin iyon. We were breaking the rules, and the student council was only carrying out their duties—enforcing law and order. Parang mali yata kung kami ang magagalit.
Nang masiguradong wala nang tao ay saka ako tumayo. Sandali kong pinagpag ang buhok at uniform ko dahil kumapit sa akin ang ilang damo.
"ID."
Napaigtad ako nang marinig iyon. Agad ang paghawak ko sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa gulat. I found where the voice was coming from and felt a pit form in my stomach when I saw Juancho standing beside the table where I'd been sitting earlier. Hawak niya ang kalahati ng sigarilyong hindi ko naubos.
I cleared my throat. Lintek naman. Bakit hindi ko siya nakita kanina?! Nagtago ba siya?!
"ID," pag-uulit niya, parang naiinip na.
Alam kong wala akong pamimilian. Kung tatakbo ako ngayon, sigurado akong mahahanap pa rin niya ako. Ewan ko ba. Birthday yata ni Satanas ngayon! First it was Capuso, and now him! Ni hindi pa nangangalahati ang araw!
"Hindi akin 'yang mga bote," sabi ko na lang.
Seryoso lang ang mukha niya pero hindi ako nagpatinag. Kaswal akong naglakad papunta sa direksyon niya kahit pa isangdaang santo na yata ang natawag ko sa utak ko. I knew how punishments from Juancho worked. Kaya nga nag-iingat akong hindi mahuli.
Walang imik kong iniabot sa kanya ang ID ko. Ibinaba niya ang tingin doon kaya napansin ko ang mataas na balingusan ng ilong niya at mahahabang pilik-mata. Lalaking-lalaki ang itsura niya. Parang ang sarap niya tuloy yayain sa suntukan.
"Millicent Rae Velasco."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at halos mahigit ko ang hininga ko roon. His stance was commanding, and his eyes were sharp! Sa pagbanggit niya pa lang pangalan ko, pakiramdam ko ay ipapaalbularyo niya na ako!
I held my chin up. Mamamatay muna ako bago ako magpakita ng takot. "Ano?"
"The next time you go into hiding, make sure you don't leave any traces," aniya sabay tapon sa sigarilyo. Inapakan niya pa iyon.
I scoffed. "Salamat sa advice."
Umarko ang kilay niya. "Take note of your little hair, too. It's peeking through the grass."
"Tamad akong mag-take note. Ikaw na lang."
"What?"
My heart was hammering inside my chest, but I rolled my eyes. Handa na akong magtanong sa kanya kung ano ang magiging punishment ko nang ilapag niya ang ID ko sa mesa.
"First warning. Do it again and I'll have you suspended," striktong sabi niya.
Huh? He'd let me go? Ganoon lang? Susmaryosep. Sayang ang kaba!
"Millicent Rae, BA in Journalism..."
I puckered my lips to keep my mouth shut. Baka magbago pa ang isip niya.
"I'll keep an eye on you."
Nakangisi ako hanggang sa tuluyan siyang nawala sa paningin ko. Ang sabi nila ay matinding magparusa ang isang 'yon! Nadadaan naman pala sa usap. Nakakakaba lang talaga siyang kaharap. May pa-I'll keep an eye on you pang nalalaman. Akala mo naman magpapakita pa ako sa kanya! Ulol. Hindi na, 'no! Nahuli niya lang ako ngayon dahil hindi ako prepared! Ang kausapin ang isang katulad niya na kaya kang patigilin sa pag-aaral ay isang hamon na hindi ko na susubukan! Sigurado naman akong malilimutan din niya ang pangalan ko sa dami ng sinasaulo niyang batas!
I first heard about him when I was a freshman. Third-year college siya noon. Kilalang-kilalang Political Science student. Guwapo at may prinsipyo—those were my first descriptions of him.
Kung hindi ko lang nalaman na anak siya ng isang politiko na may graft and corruption issues, baka isa na ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. But I knew better than to mingle with rich people who exploited the poor. Sa pagkakaalam ko nga ay pamangkin din siya ng City Mayor namin. Talk about families that went into politics and never left.
"Make an online publication. You're free to write about whatever you like, from breaking news and features to editorials and commentary."
Nang sabihin iyon ni Ma'am Capuso sa akin ay tuluyan akong nakahinga nang maluwag. Okay, ruled out na ang possibility na bumagsak ako!
"But since the election campaign will start next year, I'll need you to write an article about a direct family member of a candidate. Something no one has ever heard of."
Agad na naalis ang saya sa dibdib ko. For some reason, my heart pounded so loudly that I couldn't focus on anything else. Alam kong marami akong option pero isang tao lang ang pumasok sa utak ko... at alam kong iyon din ang nasa isip ni Ma'am.
"Juancho Alas Montero."
Fuck.
"Know about his reasons for attending a state university, his relationship with his dad, insights into his dad's leadership, and anything personal you can dig up," she said. "Take it or leave it, Ms. Velasco."
Well, I guess I'll keep an eye on you too, Juancho.
***
Artwork by: Junikka Pren
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro