Chapter 8
Chapter 8
Hindi ko pinangarap maging aso; taga-sunod at halos nagkukumahog sa atensyon. My philosophy was that if someone didn't like me, it was not my responsibility to change their mind. Chasing—even though I knew it would be a part of my future job—was not something I would enjoy. Lalo na kapag 'yong hinahabol mo, bukod sa kasinghaba yata ng poste ng Meralco ang mga hita, ay walang balak na tumigil manlang para makinig sa'yo.
"Juancho naman! May ginawa nga lang ako no'n!" sigaw ko habang sumusunod na naman sa kanya. "Kung sinabi mo agad sa'kin na may balak ka palang magpa-interview, I would've dropped everything!"
Like he's been doing for the past few days, he ignored me. Dire-diretso lang siya palabas ng school. Tiyak ang mga hakbang na para bang hindi ako nagmumukhang tuta kasusunod sa kanya.
"No'ng nasa canteen tayo, sigurado kang hindi magbabago ang isip mo. Malay ko bang after lang ng ilang oras, ico-consider mo nang magpa-interview?" pagpapatuloy ko, humahabol pa rin sa kanya. "It's not fair! Nagkaroon nga lang ako ng emergency!"
I was back to square one. Parang kaharap ko ang Juancho na una kong nakilala. He wouldn't even look at me!
"I've been texting and calling you. Sorry nga kung hindi ako nakapunta, 'di ba? It's not like you waited for me or something." I felt myself pouting. I was so annoyed. "Hindi ka ba naaawa sa'kin? Ang tagal-tagal ko nang pasulpot-sulpot kung nasaan ka. Isang hapon lang akong hindi nakapagpakita tapos galit ka agad! Gan'yan ka ba talaga ka-clingy?"
He slowed down a bit. Napatigil tuloy ako. He turned his head my way and gave me a menacing glare. Hindi pa ako nakakabawi sa biglang pagtatagpo ng mga mata namin ay muli na siyang tumalikod.
I took a few full, slow breaths. Para akong kakapusin sa hangin. Siguro ay dahil kanina pa ako humahabol sa kanya.
"Juanchoooo!" My voice was almost pleading.
I didn't even believe in second chances, but here I am, asking for one! Matatapos na ako sa article ko. Ma'am Capuso would be so happy to hear that I was able to interview Juancho. Kapag nagkataon ay hindi sa Opinion and Commentary section ko mailalagay ang isinusulat ko; sa Feature! And that would be more credible! Interviews were far more credible than relying on assumptions and third-party observations.
"Hindi mo talaga 'ko papansinin?!" sigaw ko nang sumakay na siya sa motor niya. "Matutulog ako sa garden, sige!"
He wore his helmet, making me panic a little.
"Bubunutin ko lahat ng damo sa keep off the grass!" pananakot ko dahil wala na akong maisip na paraan para hindi siya umalis. "Magva-vandalize ako! Ilalagay ko ang number mo sa mga dingding sa banyo! Ipagkakalat kong asin ang sabon mo at susuntukin ko lahat ng estudyanteng makakasalubong ko!"
He didn't budge. He revved his motorcycle's engine, and before I knew it, he had blown right by me.
Hinangin ang buhok ko sa paglampas ng motor niya sa akin. I was left standing there, breathing heavily, clenching my fists in frustration.
Huminga ako nang malalim bago bumalik papasok ng school. I went on with my day like I hadn't been rejected and ignored. Pinaalalahanan pa ako ni Jewel sa pag-attend ng practice ng production number para sa Mr. and Ms. Journalism, pero nang lumabas ang huling subject teacher namin sa araw na 'yon ay halos makipagtulakan ako para makatakas.
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school kahit na hapon pa ang klase ko para kausapin si Juancho. I waited outside his room. Iniwan ko rin muna ang gamit ko sa room namin para wala akong bitbitin.
Nang mamataan siyang papalabas ng silid ay tumayo ako nang maayos at kumaway sa kanya.
"Juancho!" I beamed as if nothing had happened yesterday.
He looked nice and fresh. Naka-maroon na polo shirt lang siya at itim na pantalon. Sa kanang balikat ay nakasukbit ang backpack at sa kaliwang braso ay kipit ang makapal na libro. I saw him let out a big sigh when he spotted me. Immune na siguro ako dahil nagawa ko pang lumapit sa kanya.
Pansin kong gusto siyang asarin ng ilang kaklase pero inilingan niya lang ang mga ito. Hinintay ko munang humupa ang mga tao bago siya muling kausapin.
"Napag-isipan mo na ba ulit?" tanong ko.
He looked like he was done with me. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsimulang maglakad.
I muttered a curse before scratching my head. "Magma-marathon na naman tayo?"
Hindi siya tumingin sa'kin kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Malaki ang mga hakbang niya, at sa tanang buhay ko, ngayon ko lang ipinagpasalamat na dati akong athlete ng track and field. Marami akong libreng oras ngayon. Kahit sa America pa siya pumunta ay susundan ko siya!
"Ilang araw mo na akong ginagawang tuta mo. Bakit ba hindi ka marunong tumanggap ng sorry?" nakangusong reklamo ko habang sinasabayan siya. "Pati, umimik ka nga! Babaho ang hininga mo n'yan!"
As soon as we stepped out of the building, the gentle rays of light began caressing his skin. Dahil maaga pa, hindi pa masyadong masakit sa balat ang init. Sandali siyang tumigil bago ginamit ang hawak na libro panakip sa mga mata niya.
"Wait lang!" I called out when he continued walking.
Not having much of a choice, I darted around to his back and dove into his shadow. I squished myself into the confines of his silhouette. Mabuti na lang talaga at malaki siyang tao! Saktong-sakto para sa height ko.
"What are you doing?"
I never knew that a simple question could set my nerves on edge. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang pagngiti. Those were the first words he said to me after ignoring me for days!
"Sumusukob," saad ko. "Wala akong payong, eh."
Hindi na siya nagsalita. Hinayaan niya lang akong maglakad sa anino niya.
However, I couldn't help but feel a little amused. He had such a wide back that I think I could lie down in his body and not have a single hair stick out. Parang imposibleng may makakita sa'kin kapag nagtago ako sa likod niya.
"Lalabas ka ng school?" natatarantang tanong ko nang mapagtantong malapit na kami sa parking lot. "May klase ka in 3 hours! Saan ka naman pupunta?"
Like I expected, he didn't answer. He just continued walking, making me panic a little. Higit isang oras akong naghintay na matapos ang first class niya, tapos lalayasan niya lang ako?!
No! You can't do that to me, Juancho Alas Montero!
Not wanting my efforts to go to waste, I rushed toward his motorcycle.
"Velasco!"
Hindi ko siya pinansin. Bago pa man siya makalapit sa direksyon ko, sumampa na ako sa angkasan at idinikit ang puwitan ko sa upuan. My breathing was labored. Bukod sa ginawang pagtakbo ay kinakabahan din ako sa magiging reaksyon niya. I knew he could throw me away easily, so I had to uphold my attitude. Mananatili ako kung mananatili siya at isasama niya ako kung aalis siya! Wala siyang ibang pamimilian!
"Baba."
Matigas ang pag-iling ko.
I heard him sigh. "I'll pull you out, and I'm not kidding."
I swallowed hard as I met his glare. I felt a twinge of cold run through my body.
"Hindi ka aalis nang hindi mo 'ko kinakausap," I managed to say. "Kaya kung ayaw mo 'kong kausapin, hinding-hindi mo 'ko mapapababa."
Kumapit ako sa hawakan sa likod ng upuan, naghahanda sa puwersahang pagpapaalis niya sa akin. He had a strong grip. I'm not sure if I would stand a chance against him.
Nakatingin lang kami sa isa't isa. Him—glaring and me—determined to keep my word. Ramdam ko ang agresibong pagtibok ng puso ko at ang pamumuo ng pawis sa noo ko. I was all tensed up. Ni hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para labanan ang tingin niya.
He was the first to look away. Puminta sa mukha niya ang matinding inis bago inilapag ang libro sa upuan at kinuha ang helmet sa unahan ng motor.
"Isuot mo," masungit na utos niya.
Hindi ko agad na-proseso ang gusto niyang mangyari. I just stared at his hand as it held the helmet out to me.
He grunted, his impatience pouring out. "Kikilos ka ba o ako pa ang magsusuot sa'yo?"
I blinked, still in a trance. Isasama niya 'ko?
"Jesus Christ," he muttered as he walked up to me. "You are so stubborn."
Nahigit ko ang hininga ko nang siya mismo ang maglagay ng helmet sa akin. Nakakuyom ang mga panga niya at nakakunot ang noo, palatandaan na talagang naiinis siya. I tightened my grip on the handle as he secured the helmet on my head. Taliwas sa dilim ng itsura niya, marahan at banayad ang paglalagay niya noon sa akin.
"Ano'ng isusuot mo?" I asked weakly. I felt like he had sucked out all my energy.
He rolled his eyes as he drew down the helmet's visor to cover the rest of my face. He then tucked the book into his backpack and slung it across his body. Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya ay sumampa na siya sa unahan ko. My heart pounded so hard at that, making it difficult for me to catch my breath.
"Nasaan ang helmet mo..."
Oh, fuck. My question didn't even sound like a question! Kailan pa nanghina nang ganoon ang boses ko?
"Wala akong dalang extra," sarkastikong sagot niya. "Thanks to you."
I gulped down to pacify my heartbeat. "Ako na ang hindi magsusuot. Kunin mo na 'to."
"Take it off, and I'll really pull you out."
He started the engine, and I drew a few more deep breaths to gather my thoughts. Isasama niya 'ko kung saan man siya pupunta. Hindi niya ako pinaalis! Hindi niya rin ako hinigit pababa!
Well, technically, nagpumilit ako... pero still! Pumayag pa rin siya!
I clutched on to the handle as he drove—surprisingly—careful. Hindi gaya ng madalas kong nakikita sa kanya na matuling ang pagpapatakbo, dahan-dahan lang siya ngayon. Wala akong ideya kung saan kami papunta at wala na rin akong pakialam kung ano ang dahilan kung bakit sumama ako. All that mattered to me now was that I was so close to him.
Ipinarada niya ang motor sa labas ng isang bungalow. I looked around and realized that we were in a subdivision. A network's control tower stood nearby, and so did a couple of identically designed homes. There was no litter on the streets, and every front lawn was a lush, verdant shade of green.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Juancho kaya napatingin ako sa kanya. Iniangat ko ang salamin ng helmet para mausisang mabuti ang buong paligid.
Juancho didn't say anything as he approached the bungalow and unlocked the small, black metal gate.
The exterior of the home was painted a pale beige, kapareho ng kulay ng pader ng bakod. The two windows were fashioned out of glass, while the pillars were made of bricks. Sakto lang ang laki noon para sa maliit na pamilya. The front yard had been well-groomed, and there was a stone path leading to the brownish-black front door.
Hindi na ako bumaba. Baka lalo lang magalit si Juancho sa'kin. I just content myself with watching him walk into the house.
Muli kong tinanaw ang tower at bahagyang tinamaan ng hiya sa naalalang katangahan. Sinabi kong may problema sa signal niya, but how on earth could he face that problem when he was so close to his network's tower? Lagi na lang talaga niya akong nahuhuli.
"Mag-isa ka lang d'yan?" I asked when he came back carrying another helmet but not his bag.
Hindi siya sumagot kaya napasimangot ulit ako. Hindi pa pala niya ako pinapatawad. Jusko, saksakan ng arte! Dinaig niya pa ako kapag nireregla!
Pero syempre, wala naman akong karapatang bungangaan siya. Sabit lang ako. Saka ko na lang ulit ipapakita ang pangil ko kapag hindi na siya nag-iinarte.
"Bakit kumuha ka pa? Puwede ko namang ibigay na lang 'to," usisa ko habang isinusuot niya ang helmet.
Magkasalubong ang mga kilay na umiling siya. "It's risky and illegal."
I just pouted and chose not to answer. I guess I was messing up with his schedules. Umuwi pa talaga siya para makakuha lang ng helmet.
He started driving again, but I still had no idea where we were headed. I just went along for the ride because, at least, he let me go with him. Hindi ako kumapit sa kanya dahil alam kong hindi ako magiging komportable ro'n... pati na rin siya. Sa handle sa likod lang ako humawak. Hindi rin naman mabilis ang pagpapatakbo niya kaya hindi ako nahirapan.
Tumigil kami sa Food Town, isa sa mga pinakakilalang restaurant sa syudad. It was a chicken, steak, pizza, and pasta diner, and it was already bustling with customers early on a weekday morning. May hawak na kape ang mga lumalabas at kapansin-pansin din ang pagpasok ng mangilan-ngilang delivery riders.
I didn't need a crystal ball to figure out that this was Juancho's workplace. Tinanggal niya ang helmet niya, at ganoon din ang ginawa ko.
I ruffled my hair to give it some volume after being squashed flat, but I stopped midway when I saw Juancho looking at me.
Pinandilatan ko siya. "Ano'ng tinitingin-tingin mo?"
He frowned and brushed his hair lazily, triggering an array of uncomfortable emotions in me. Upang maiwasan ang pakikipag-eye contact sa kanya, tumingin na lang ako sa entrance ng restaurant.
"Dito ka lang," maya-maya'y aniya. "Be a headache, and I'll leave you."
I made a face. Kanina niya pa ako binabantaan! Akala niya matatakot ako d'yan? May pamasahe ako, 'no! Kung kinausap niya lang sana ako, wala kaming dalawa rito ngayon! Kung bakit ba naman kasi may pa-tampo-tampo pa! Hindi naman kami magkaibigan o magshota para artehan niya ako.
I was tormenting him in my mind when he stood over me and poked my forehead. Galit akong napatingala sa kanya.
"Stop acting like a child," he said before I could complain. "Nandito ako para magtrabaho. You insisted on coming, so behave yourself."
I pressed my lips together to prevent myself from answering back to him. Napansin niya siguro iyon dahil bumaba roon ang mga mata niya. I didn't know if I was seeing things right, but his gaze wavered a bit. Bago ko pa makumpirma, pairap na siyang nag-iwas ng tingin. He then moistened his lips, making them even redder.
Tumikhim ako. Kaya ko rin 'yan kung hindi ako madalas mag-yosi!
I leaned against the motorcycle, watching him make his way inside. He stood so tall and mighty that I doubt anyone would think he was here to work.
I tilted my head, and, even though I didn't want to, a part of me wanted to compliment him.
Katatapos lang ng first class niya, at ngayong bakante siya, nandito siya sa trabaho. I was the same; I worked in my spare time, but unlike him, I struggled academically. Tamad akong mag-review at magbasa. Kung ano ang itinuturo ng mga teacher habang nagkaklase, 'yon na 'yon. Hindi ko para aralin sa sarili ko. Not unless the topic was interesting enough.
Pero si Juancho, he seemed to be good at everything. Kahit sa ugali ay walang nasasabi sa kanya ang mga tao sa paligid niya. There was no way he was a saint, but I think it's fair to say he wasn't a bad person either. The fact that he didn't ask his father for money showed a lot about his character. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman niya ang katiwalian ng ama.
Umayos ako ng tayo nang makita si Juancho papalabas ng establishment dala-dala ang isang itim na delivery backpack. He looked a little troubled as he walked toward me.
"May problema?" tanong ko.
He cocked his head, his gaze locked on his motorcycle. Napatingin din ako doon at agad kong napagtanto kung ano ang iniisip niya.
I chuckled. "Hindi kasya?"
He clicked his tongue as he gave me a sidelong glance. "You think it's funny?"
Hindi ko pinansin ang pagsusungit niya. Mas lalo akong ngumiti dahil naiirita na naman siya. Pinanganak yata siya para magalit sa'kin.
I held out my hand. "Akin na. Ako ang magbubuhat."
"It's heavy."
Umarko ang kilay ko. "Do you seriously think I'm weak?"
He shook his head. "You're too small to carry this."
Parang may pumitik sa sintido ko. I took a step forward and lifted my chin to assert my dominance, kahit pa halos hindi ako umabot hanggang leeg niya.
"I started martial arts at 14, Juancho," I said as I forced a smile. "I mastered MMA at 18 and became a black belter in taekwondo at 19. I carry heavy equipment at work, with 250 pounds being the heaviest I can handle." My eyes dropped to the backpack. "To say that my body can't tolerate that shit is an insult."
His chest heaved, prompting me to realize that we were barely a meter apart.
"That must explain your iron fist..."
I dragged my eyes to his face. He was looking down at me with a ghost of a smirk on his lips. Bago pa ako makapag-react ulit ay iniabot niya na sa'kin ang backpack. It was heavy, but it was pretty basic for me.
I slung it over my shoulder. Napansin ko ang panonood ni Juancho habang ginagawa ko 'yon, at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa nang hindi ako nahirapan.
Psh. Sigurado ba siyang feminine women ang gusto niya?
When we left the place, I realized that it would be my first time dealing with deliveries. Hindi naman kasi sumagi sa isip ko ang ganitong uri ng trabaho. Bukod sa wala akong sasakyan, mahal din ang pagkuha ng lisensya. Ang hirap pa namang makapasa sa proseso. Kung wala kang inside fixer na kailangan mong bayaran ng ilang libo, mahihirapan ka talagang makakuha ng ID. Talk about another government agency struck by systemic corruption. Kahit bumagsak sa exam at drive test, basta may pera ka, wala kang poproblemahin.
Pumasok kami sa isang barangay at tumigil sa tapat ng isang lumang gate. Bumaba si Juancho para tawagin ang customer na umorder.
"Food Town," sabi niya habang kumakatok sa gate.
Napanguso ako sa rehearsed niyang boses. Kung hindi niya pa kakalampagin ang gate, malabong marinig siya ng nasa loob.
"Food Town," pag-uulit niya nang walang lumabas.
Sumasakit na sa balat ang araw. Nagsisimula na ring mamuo ang butil ng pawis sa gilid ng ulo ko. Hindi pa nakatulong ang helmet na gusto ko nang hubarin.
"Food Town."
I swore under my breath. Hindi ba siya puwedeng sumigaw?
"Food T—"
"Food Town daw!" sigaw ko, dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Ay, wait lang po!" someone from inside yelled back, finally noticing that we were there.
Bumaba ako sa motor at ipinatong ang bag sa upuan.
"Ano'ng order?" tanong ko kay Juancho na ngayon ay nasa akin pa rin ang atensyon. Tinaasan ko siya ng kilay. "Order."
Tumikhim siya bago ibinaba ang tingin sa telepono. "17."
Hindi ako nahirapang hanapin ang order dahil malinaw na nakasulat ang code sa resibo. I handed Juancho the brown paper bag, and he double-checked it before giving it over to the customer. Nang abutan siya nito ng tip ay ngumiti siya at marahang nagpasalamat.
"Hati tayo d'yan, ha?"
Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko. We made a few more deliveries, and I had to take the initiative to shout and call the customers myself because his voice wasn't audible enough. May ilan namang nakakarinig sa kanya, pero mas napabilis pa rin kami dahil sa pagsigaw ko.
Walang naging problema sa mga napuntahan namin. Lagi pa siyang naaabutan ng tip. My movements were almost like a reflex. I'd yell to get the customers' attention, place the backpack on the seat, help him get the orders, and then put the bag back on my shoulder. Siya naman ang nakikipag-usap at nag-aabot sa mga ito. Siya rin ang nagche-check at kumukuha ng order kapag nalilito ako.
"Hindi naman ako umorder ng chicken..."
Nakuha ng matandang babae ang atensyon ko. Siya na ang pangalawa sa huli naming customer.
Dahil nakatalikod si Juancho sa akin, nakita ko ang bahagyang paggalaw ng balikat niya.
"Sa'kin na 'yan, nay," malambing na sabi niya. "Pinatanggal ko na po ang balat n'yan."
The old woman's face lit up. "Pasok ka. Dito na natin kainin. Saktong-sakto, nag-sinangag ako."
Ipinaling ko ang ulo at inobserbahan sila. Through the small opening of the gate, I could see three dogs lying on the cement floor.
"Next time po. May isa pa akong delivery, eh." Bahagya sumilip si Juancho sa loob. "Kumusta po si Coco? May sakit pa rin?"
Malungkot na tumango ang matanda. "Normal daw sa age sabi ng vet. May skin infection din kasi marami siyang sugat na hindi agad nagamot."
"Wala na po?"
I pursed my lips when I heard the sadness in Juancho's baritone.
"Hindi naman..." She reassuringly smiled at him. "'Wag kang mag-alala. Ginagamot pa rin naman."
I was so engrossed in observing them that I blinked in surprise when the woman turned her attention to me. Napalingon din tuloy sa akin si Juancho.
"Girlfriend mo?"
Umakyat ang dugo sa mukha ko nang marinig iyon. I quickly pulled down the visor of the helmet to cover my face because I was nervous they might notice. Inilayo ko ang tingin sa kanila at nagpanggap na walang naririnig.
"Hindi po. Kakilala lang."
Huminga ako nang malalim at nilabanan ang kagustuhan na magreklamo. Ni hindi niya manlang sinabing kaibigan! Matapos ko siyang tulungan sa trabaho niya!
Nakahalukipkip ako hanggang sa umalis kami sa lugar. I was grumbling to myself because I realized that this wasn't even a part of my project! Kahit pa nakita ko ulit ang malambing at maaliwalas na side ni Juancho, walang silbi 'yon kung hindi ko siya mapapapayag sa interview.
Wala dapat akong pakialam kung mabait siya sa mga hayop! Masama pa rin siya sa'kin! Wala rin dapat akong pakialam kung malambing siya sa matatanda dahil suplado pa rin siya sa'kin! Bakit naman ako matu-turn on sa mga padali niyang gano'n kung iba naman ang trato niya sa'kin, 'di ba? Sure, he had a kind side, but so do I! Hindi ako sure... pero meron naman siguro!
"Last one..."
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko rin itinaas ang salamin ng helmet ko kahit init na init ako. Bahala siya. Mag-isa siyang sumigaw.
Palihim akong sumulyap sa kanya nang bumaba siya sa motor. He frowned when I didn't budge.
"Last one," sabi niya ulit.
Last one mo mukha mo! Ang bait-bait ko sa'yo tapos kakilala lang? Sino'ng tangang magsasama ng kakilala lang sa trabaho? Mas matatanggap ko pa kung sinabi mong schoolmate! At least, alam na sa school mo ako nasimot hindi kung saan-saan lang!
Napanguso ako sa takbo ng utak ko. Why the fuck am I getting worked up over something so shallow? Totoo naman ang sinabi niya. Alangan namang umoo siya sa girlfriend, eh isinusuka niya na nga ako!
"Food Town."
Napapikit ako sa inis dahil hindi na naman malakas ang pagtawag niya. When I turned my head in his direction, I noticed him gazing at me, as if waiting for me to call the customer myself.
He furrowed his brow when I didn't do anything. Humarap siya sa gate at muling kinatok iyon.
Fortunately for him, narinig agad siya ng customer. Nakasimangot siyang naglakad papunta sa likod ko para kunin sa backpack ang order.
Sisinghalan ko na sana siya nang mahigit ng pamilyar na lalaki ang atensyon ko. I lifted the visor to check if I wasn't seeing things.
"Derek," tawag ko sa kaklase na nagbubukas ng gate.
Mukhang nagulat siya sa'kin dahil hindi agad siya nakapagsalita. Hinubad ko ang backpack at bumaba ng motor.
"Akala ko sa likod ka lang ng palengke," saad ko habang lumalapit sa kanya.
Unti-unti siyang ngumiti. "Taga-dito si Tatay."
Tumango-tango ako. Naramdaman ko ang paglapit ni Juancho sa'min. He then handed Derek his orders.
"Magkano?" nahihiyang tanong ni Derek.
"350."
Kumunot agad ang noo ko sa masungit na tono ng boses niya. There... there! Nagpapakita na naman ng ugali! Samantalang sa ibang customer, akala mo pinsan siya ni San Pedro!
Nag-abot ng apat na 100 si Derek. "'Wag mo nang suklian."
Umiling si Juancho, dahilan para lalong kumunot ang noo ko. Ano'ng problema ng damuhong 'to? 50 pesos din 'yon!
"Mill," kuha ni Derek sa atensyon ko.
I looked at him.
Lumabi siya. "Hindi ka umattend ng practice kahapon."
I grimaced. That shit of a pageant. How could I forget?
"Vinideo ko 'yong sayaw ng mga babae. Puwede tayong mag-practice after class para makahabol ka sa susunod."
Tamad akong tumango. Bakit ba kasi ako sumali sa punyetang 'yon? Mag-iisip pa tuloy ako ng dahilan para hindi ulit makasali. Dengue last year. Ano naman kayang magandang excuse ngayon?
"Bawal nang mag-back out, Mill."
Sinamaan ko siya ng tingin. Dahan-dahan naman siyang yumuko.
"I-send mo na lang sa'kin 'yong video. Ako na ang bahalang mag-practice."
Sasagot pa sana siya nang iabot ni Juancho ang sukli niya. Ni hindi ito nagpasalamat bago tumalikod.
"Sa project mo?" usisa ni Derek.
I snorted. "Ano pa nga ba? Hindi ko naman lalapitan 'yan kung hindi dahil do'n."
"Good lu—"
He was cut off by the motor's engine. Lumingon ako kay Juancho at nakitang inis na ito habang nakapaling ang ulo sa amin.
"Let's go," he commanded.
Tinapik ko sa balikat si Derek bago mabilis na naglakad papunta sa motor. Pagkasakay na pagkasakay ko ay hindi na nag-aksaya ng oras si Juancho.
I thought he would drive carefully again, but as soon as we got onto the highway, he picked up the speed, leaving me feeling like a feather in the wind.
"Bagal-bagalan mo naman!" hiyaw ko. Kung may hawakan sana ay wala naman akong pakialam. Ang kaso, may backpack na nga ako, ang hirap pang kumapit sa likod!
He didn't listen to me. Instead, he revved the engine and sped up like a nut.
"Bwisit ka talaga!" I yelled as loud as I could as I gave in to my safety. Mahigpit akong yumakap sa baywang niya kasabay ng pagsandal ko sa likod niya.
It didn't seem to matter to him because he just kept going! Pinaulanan ko siya ng mura kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya ako. Hanggang sa makarating kami sa Food Town ay hindi na ako nakabitaw sa kanya.
"Ano na naman bang droga ang tinira mo?!" bulyaw ko sa kanya nang tanggalin ko ang helmet. "Over speeding ka! Kung gusto mong mamatay sa aksidente, 'wag mo 'kong idinadamay! Madami pa akong requirements!"
Bumaba siya at pumunta sa likod ko.
"Para kang tanga, eh, 'no? Alam mong may iba kang kasama. Hindi ka dapat gano'n magpatakbo!" reklamo ko habang tinatanggal niya sa'kin ang backpack. "Kung ano'ng hina mong tumawag ng customer, siya namang lakas ng topak mo!"
He held the bag in his hand and stood in front of me, listening to my complaints.
"Pumasok ka na ro'n! Bilisan mo! Gusto ko nang bumalik sa school at makalayo sa'yo! Nakakabadtrip ka."
Tumikhim siya. "Babalik pa 'ko sa bahay. Kukunin ko ang gamit ko."
"Kung bibilisan mo lang din ang pagpapatakbo mo, iwan mo na 'ko rito. May pamasahe ako."
He slowly shook his head. "Hindi na..."
"Hindi ako naniniwala sa'yo, impakto ka." I glared at him. "Bahala ka na nga sa buhay mo. Kung ayaw mong magpa-interview ngayon, edi 'wag. Ibalik mo na 'ko sa school. Tapos na ako sa'yo ngayon."
He licked his lips as he shifted his weight. "Ngayon?"
"Malamang. Tingin mo titigilan kita hangga't hindi ka bumibigay?" I shook my head. "Try harder."
His lips curled slightly into a grin. "Okay."
I gritted my teeth. "May nakakatawa ba?"
Umiling siya, nangingiti pa rin. "Ipapasok ko na 'to sa loob. D'yan ka lang."
I sulked the whole time. Kahit nang abutan niya ako ng supot ng pagkain ay pabalang ko lang 'yon na tinanggap. Hanggang makarating kami sa school ay nakasimangot lang ako. Mabuti nga at hindi na niya inulit ang pagpapatakbo nang mabilis.
"Mag-isa ako sa bahay," he murmured as I rode down on his motorcycle. "It was my mom's."
Kahit irita ako sa kanya ay hindi ko maiwasang magulat na sinagot niya ang isa sa mga tanong ko. I wasn't sure if this was his way of saying thank you or what, but somehow... it felt enough. He was a private person, and the fact that he let me linger around him... parang hindi tama ang ugaling ipinapakita ko.
"Mom...?" I asked slowly.
He nodded. "She used to stay there after giving birth to me."
"Sa Agusan del Sur ka ipinanganak, 'di ba?"
"Yeah."
Napakurap ako. "Eh, saan ka lumaki? Doon din sa bahay mo ngayon?"
"No, I was raised in Baler. My mom only bought that house for personal use."
"Personal na personal? Bawal i-share?" pangungusisa ko.
He scoffed as he shook his head. "Go ahead. You said you don't want to see me anymore today."
I grunted. Dalawang oras at kalahati kaming magkasama tapos ang unti lang ng napisil ko sa kanya.
"Last question," pahabol ko.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Close ka ba sa tatay mo?"
He chuckled sarcastically. "Nice try."
Tiningnan ko siya nang masama. Alam kong wala na akong makukuha sa kanya. I stood up straight and prepared myself to leave. Dahil tanghaling tapat, wala nang mapaglagyan ang init. Ang layo pa naman ng room namin. 'Wag lang akong aartehan ng mga kaklase ko sa pawis ko.
I felt a nudge on my arm. I looked at Juancho, and saw an umbrella being handed to me. Sa malayo siya nakatingin pero iniaabot niya iyon sa akin.
"Take this. Your man isn't tall enough to cover you in his shadow."
"Man?"
Tamad niyang ibinaba ang tingin sa'kin. "The one with glasses?"
"Sino? Si Derek?"
He clenched his jaw. "Do I seem to care? Pake ko kung ano'ng pangalan no'n."
God, ika-ilang episode na ba ng pagsusungit niya 'to? I lost count.
"Don't assume things," saad ko.
"You'll rehearse together, and he'll send you a video," iritableng sabi niya. "It's a date."
Napatawa ako. Magpa-practice lang, date agad? Ang boring siguro ng landian ng matatalino.
Hinablot ko ang payong sa kanya. "Bahala ka d'yan. Aalis na 'ko."
Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya. Binuksan ko ang payong at nagsimula nang maglakad. Now that he brought it up, susubukan ko rin palang itanong sa kanya ang tungkol sa relationship status niya. Hindi ko 'yon ilalagay sa article. Curious lang ako kung girlfriend niya ba si Psyche o ano. Kapag totoo ang haka-haka ko, titigilan ko na ang ilusyon ko sa kanya.
I breathed heavily as I reflected on everything that happened in those two and a half hours... and I felt my heart racing as I remembered his endearing smile and soothing, low voice. Miski ang pagsusungit sa mukha niya ay nakapagpainit ng pisngi ko. Behind his furrowed brows was a hardworking man who made a living on his own when he could have relied on his family's money. He had a soft spot for animals, and he treated me with patience, even though I was a pain in the neck for him.
"Oh, God..." I whispered to myself. "Irita ka sa kanya, Mill. You can't do this!"
I was lost in thought when I felt a hand on my arm. Napaigtad agad ako sa pagdaloy ng kuryente sa ugat ko.
Stunned, I turned around and saw the man dominating my mind. Kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay roon ang paper bag ng pagkain na hindi ko namalayang naiwan ko.
Before he walked past me, he said four words that forced me to admit to myself that I did have a big, fat crush on him. This time, hindi ako sigurado kung sa mukha na lang.
"Enjoy your lunch, Mirae."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro