Chapter 7
Chapter 7
With a little information from Juancho, I was able to start writing his article. Inilagay ko roon ang sinabi sa kanya ng mga professor niya at ang hindi niya paghingi ng pera sa ama. I also mentioned that the campus director was footing the bill for his tuition, answering the question about why he was enrolled at our university.
Kaming mga undergraduate student ay walang tuition fee pero ang mga nagla-law at med school ay meron. Hindi ko alam kung magkano, pero sabi ni Juancho, hindi naman daw mura kahit na public school pa. Tuloy ay hindi ko maiwasang maisip na may tampuhan sila ng tatay niya. I mean, why didn't he just ask him for money? He was even working part time while attending law school!
It made me wonder how he managed his time. Hindi siguro 24 hours lang ang isang araw niya. Ako ngang normal na working student lang ay hirap na sa pagbabalanse ng oras. Siya pa kayang law student, leader, at part-timer? I'm sure he's illuminati!
"Kailan mo ba sasabihin sa'kin kung ano'ng trabaho mo?" tanong ko habang sinasabayan siya sa paglalakad. "Come on! Sinabi mo na sa'kin na working ka. What's the point of hiding the nature of your job?"
Matapos ang kaswal na pag-uusap namin sa telepono, nagpasya akong ligawan siya ulit para ma-interview ko. I don't know what got into me, but I felt braver now that I realize he doesn't seem as bad as I thought he would be. Para akong nakahinga nang maluwag. I really didn't like the idea of having a little crush on him knowing that he was using his father's plundered money... pero ngayon, it felt liberating. Like I could be attracted to him without worrying about anything.
"I won't give you any more information, so stop pushing it," walang-tinging sabi niya sa akin.
Sumimangot ako. "Pumapatay ka?"
His forehead knotted as he glanced at me. Bahagyang nagwala ang dibdib ko sa pagtatama ng mga mata namin.
"No. Why would you think of that?"
I shook my head, holding my ground. "Nagnanakaw?"
"No."
"Nanloloko?"
Nagbuntong-hininga siya bago ibinalik ang mga mata sa daan. "No, I'm not a scammer."
"Kasabwat sa human trafficking?"
He had an impatient look on his face. "No."
"Nagbebenta ng illegal drugs?"
"No."
I was almost out of breath trying to keep up with his pace. Mahaba ang mga biyas niya kaya ang isang hakbang niya ay dalawa ko na.
Mula nang lumabas siya sa room nila ay hindi ko na siya tinantanan. Ni hindi ko nga alam kung saan siya papunta ngayon. I just followed him without thinking of that.
"Kung hindi ka naman pala gumagawa ng krimen sa trabaho mo, bakit ayaw mong sabihin?" tanong ko.
He ignored me. He just continued walking, oblivious to the attention he was earning. Pansin ko ang pagtataka sa mukha ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Iniisip siguro nilang stalker ako ni Juancho pero wala naman akong pakialam. I needed answers and only this guy could give me that.
"Secret ba ang pagtatrabaho mo? Bawal ilagay sa article?"
Hindi niya ulit ako pinansin. Napanguso ako lalo dahil mukhang ginagamit niya na naman ang right niya to remain silent. Pakshet. Hindi naman ako detective o prosecutor para ganituhin niya.
I slowed my pace as I panted. Heto na nga at hinahapo na ako sa pagsunod sa kanya pero hindi niya manlang ako mabigyan ng solid na sagot. Paano ko siya titigilan kung hindi niya ako pagbibigyan? Akala ko pa naman ay tuloy-tuloy na ang pagiging mabait niya dahil binigyan niya na ako ng nickname.
He must have noticed that I couldn't keep up with him anymore because he slowed down too. Lumingon siya sa akin, magkasalubong ang makakapal na kilay at mukhang inis na naman.
"Inaano kita?" mahinang tanong ko, ni hindi sigurado kung narinig niya 'yon. He was already about five meters away from me. Kapag nakabawi ay saka na lang ulit ako hahabol. Kung bakit ba naman kasi 6'2" ang height niya!
But then he stopped walking, his eyes never leaving me.
He looked like he was plotting my death in his head. Wala ang ngisi na minsan niyang ipinakita sa mga kaklaseng nang-asar sa kanya. Wala rin ang lambing sa mukha na ipinamalas niya kay Psyche. He just looked irritated. Para bang may ginagawa akong hindi tama.
"Tsk."
That was the first thing that came out of his mouth as soon as I arrived at his level. Tamad siyang umayos ng tayo, at bago ko pa siya mabungangaan ay nagsimula na ulit siyang maglakad.
Putangina mo ka! Sa call ka lang mabait na hayop ka!
Pikon na pikon ako habang naglalakad sa tabi niya. Hindi na ako umiimik. Nagngingitngit ako sa galit dahil iritang-irita siya sa'kin.
I mean, I get it, okay? You hate my presence! No need to shove it in my face!
Pero kasi... ako ang may kailangan sa kanya! Ako ang nangungulit! He had every right to be mad because I was literally forcing him to talk. Hindi dapat big deal sa'kin ang irita sa mukha niya. Marami naman talagang may ayaw sa'kin. Bakit inis na inis ako kung isa man siya ro'n?
I gritted my teeth as I remembered my friends' words. "You're being irrational, Mill."
Napatigil ako sa pakikipagtalo sa sarili ko nang mapansing magkasabay pa rin kaming maglakad kahit na hindi na ako nagmamadali. I was walking at my usual speed, and we were still next to each other!
Bumilis ba akong maglakad o... bumagal siya?
Tumikhim ako. Mas binagalan ko ang paglalakad, at ganoon na lang ang pagwawala ng dibdib ko nang makitang bumagal din ang bawat paghakbang niya. I felt my cheeks heat up at that. Parang mahikang nawala ang inis ko dahil lang sa ganoong kasimpleng bagay.
Oh, edi sinasabayan niya ako! Ano'ng nakakakilig do'n? Parang gago. Kapag ba tumakbo ako, tatakbo rin siya? Kapag tumalon ako, tatalon din ba siya? Eh, kung gagawin niya rin naman pala ang mga ginagawa ko, bakit hindi niya subukang i-crush back ako? Kahit sa mukha lang para magkaalaman!
"May gusto ka?"
Halos mapamura ako sa naging tanong niya. For a brief moment, I thought he could access my mind. Kung hindi ko pa napansing nasa canteen kami ay iba ang maisasagot ko.
"Wala."
He heaved a sigh. "I'll eat. Ano'ng gagawin mo? Tutulala lang?"
"Wala ka na ro'n. Hindi naman pagkain ang habol ko rito."
Nagkibit-balikat siya. "Suit yourself."
Nang makatalikod siya ay suminghal lang ako. I looked for an empty table and sat down there. Alam kong doon na nagtatapos ang episode namin ngayong araw dahil malabo namang samahan niya ako sa mesa. There were tons of vacant seats. I'm sure he'd rather eat alone than be close to me.
I leaned my back against the chair as I watched him fall in line. Kapansin-pansin hindi lang ang tangkad niya, kung hindi maging ang kanyang tindig. He was clad in a pair of black slacks and a dirty white button-down shirt, with the sleeves rolled up to his elbows. Naka-brush up ang makapal na buhok at kitang-kita ang prominenteng hubog ng panga.
He really looked formal and intimidating. If I weren't so biased, I'd say Maria Psyche was the perfect match for him. Pareho silang may hangin ng karangyaan. They were in a world that only people like them could understand and live in. Kaya siguro naging magkarelasyon sila; nakakita sila ng pag-unawa sa isa't isa.
"Mill!"
Abala ako sa paninitig sa likuran ni Juancho nang marinig iyon sa entrance ng canteen. Nakita ko sina Derek at Jewel na papasok sa loob, ang huli ay kumakaway pa sa'kin na parang hindi kami magkikita sa room mamaya.
Taka man ay hinayaan ko silang makiupo sa puwesto ko. Both of them looked tense, and I knew what that meant because, for some reason, most of my classmates were afraid of me. Para namang kakainin ko sila nang buhay.
"Mill, itong nasa group chat..."
My head throbbed instantly. Limang salita lang ay alam ko na kung ano ang gusto nilang mangyari.
I noticed that Derek's face had paled. Marahil ay napansin ang inis ko. Tahimik niyang inayos ang salamin at ibinaba na lang ang tingin sa kamay niya.
"I-consider mo na, Mill..." pagmamakaawa pa ni Jewel habang itinutulak palapit sa akin ang telepono niya. "Para sa section natin."
I swore under my breath as I looked at her phone, which had our group chat open on the screen.
Jewel Madrigal:
Magco-conduct tayo ng 1-day symposium kapag walang sumali sa section natin sa Mr. and Ms. Journalism. 70 participants, 2 speakers.
😠17 👎11 😢9 🍆1
I clenched my fist. Kagabi ko pa 'yon nabasa pero naiinis pa rin ako. Alam ko kasing inaasahan nila ang pagsali ko. Hindi rin naman nila ako lalapitan ngayon kung hindi.
Derek Ejercito:
Sasali ako.
❤️37 🍆1
Napailing ako. How could he join with so little self-confidence? Baka manginig lang siya sa stage. No incentives should make him do that. He couldn't even report in front of the class without trembling. Alam naming lahat na matalino siya pero ang pageants ay hindi niya expertise. Neither am I.
I scrolled down to see more of my classmates' messages and chatter.
Roman Valle:
Sa Ms. ba? Problema pa 'yang symposium.
👍15 🍆1
Kimberly Macalipay:
Tag n'yo nga kung matapang kayo hahahaha
😨9 🍆1
Adriel Fabroa:
pass hahahahahaha mag-symposium na lang
😆4 🍆1
Nicholas del Rosario:
Takot kayo ro'n?
Nicholas del Rosario:
Same.
😆37 🍆1
I scoffed. Kung makapag-usap sila ay parang hindi ako kasali sa group chat. Active na active pa silang lahat base na rin sa reactions.
Jesusa Calinao:
Magca-canvas na ako kung sino'ng puwedeng speakers.
😆10 🍆1
David Baquiran:
Gawa na rin ako ng invitation.
😆10 🍆1
Christen Sadie Velecina:
Ano na, Millicent Rae Velasco?
😮37 🍆1
Napailing na lang ako sa chat ni Sadie. Siya lang ang naglakas-loob na i-mention ako. None of my classmates could get me to do it. They wanted me to, but I knew they weren't going to force me. Hindi ko alam kung dahil nirerespeto ba nila ang choice ko o talagang takot lang sila sa'kin. Miski si Jewel na madalas akong pagsabihan tungkol sa pagiging cleaner ng Monday ay walang ginagawang pamimilit.
Millicent Rae Velasco:
Ayoko.
❤️38
Nicholas del Rosario:
Putangina ba't nawala yung talong
😆37 🍆1
There were a lot of messages that followed, but none of them brought up the idea of me going to the pageant again. It was a closed case. Hindi ko alam kung ano pang ginagawa nina Jewel at Derek ngayon sa harap ko.
"Kapag sumali ka, aalalahanin ko nang every Tuesday ka cleaner," sabi ni Jewel.
I chuckled as I shook my head. "Ang convincing, ah?"
"Bilis na..." She pouted. "Hindi ka pipilitin ng mga kaklase natin. Takot 'yong mga 'yon, eh. Kaya ka lang nilang harapin kapag may teacher."
"Ayoko nga, Jewel. Mag-symposium na lang tayo as a section. 'Wag n'yo naman akong gawing panapal," sabi ko. "Ano 'yon? Sasaluhin ko 'yong responsibilidad? Matagal ko nang sinabi na hindi ako interesado sa mga gan'yan pero in-elect n'yo pa rin ako. Wala kayong maaasahan sa'kin."
"Wala naman kayong gagastusin ni Derek kapag nagkataon. May fund ang section natin. Doon kukuh—"
"Kahit bayaran n'yo pa 'ko, hinding-hindi ako sasali," putol ko sa kanya. "Ang dami ko nang iniisip para pagkaabalahan pa 'yan."
Tumunghay si Derek. "Sumali na tayo, Mill. I can't go there alone."
"Then don't," I said. "Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo? Ang dami mong puwedeng salihan. Sure pang mananalo ka. You don't have to force yourself into it, Derek."
"Hindi ako napipilitan. Gusto ko talagang sumali."
Sarkastiko akong humalakhak. "P'wes ako, hindi."
"Mill..." Jewel clasped her hands. "Please na. Magandang training ground din 'to para ma-practice ang self-confidence n'yo."
"Mababa pa ba ang confidence ko para sa'yo?"
Halos sabay silang nagpakawala ng buntong-hininga. They knew nothing could change my mind. Kahit si Ma'am Capuso pa ang iharap nila sa'kin ay hindi pa rin ako papayag.
"May meeting mamaya. Baka sakaling gusto mong pumunta," sabi ni Derek. "Final call na sa participants."
Umiling ako. "'Wag na kayong umasa."
Naunang tumayo si Jewel, ang pagkabigo ay nakapinta sa mukha. Isang beses niya lang akong tinanguan bago niyaya si Derek na umalis na. Kaya lang, bago tumayo ang huli ay kinuha nito ang kamay kong nakapatong sa mesa at determinadong tumitig sa akin.
"Kapag hindi mo 'ko binitawan in 3 seconds, sa clinic ka magkaklase."
Hinigpitan niya ang hawak sa akin. "Sumali na tayo, please."
"3..."
"Mahirap mag-symposium. Tayo pa ang mag-iisip ng theme. Tayo rin ang maghahanap ng participants at speakers."
"2..."
"Maganda ang incentives kada subject. Kahit mag-chill ka na lang sa finals, siguradong papasa ka."
"1..."
Dahan-dahan niya akong binitawan. He stared at me, pleading with his eyes. Kung itsura at itsura lang din, may laban naman siya. Moreno, chinito, at manipis ang mga labi. He was just so quiet and reserved that I found it hard to imagine he would actually join in and try to convince me into it. Hindi ko alam kung ano'ng rason kung bakit niya naisipang sumali gayong sa mga nakalipas na taon ay iba't iba rin ang palusot niya.
"Kinausap ako ni Ma'am Capuso. She said I'd be a good journalist if I wasn't so shy. She wants me to do things I'm not used to. 'Yon lang daw ang paraan para mag-grow ako."
Umarko ang kilay ko. "Ano'ng pakialam ko ro'n?"
He sighed, shaking his head. "I'm just hoping you also want to do things you're not used to."
"Wala tayo sa telebabad, Derek. Hindi drama ang magpapaakyat sa'kin sa stage na may makeup sa mukha at suot ang damit na hindi ko gusto. If you want to grow, good for you. But leave me out of it. I'm okay with who I am."
Pilit siyang ngumiti bago unti-unting tumango. "I understand. Pasensya na sa abala, Mill."
Nagpaalam sila sa akin ni Jewel. Bagsak ang mga balikat nila nang lumabas ng canteen. Binabagbag man ng konsensya ay isinangbahala ko na lang 'yon. I had no debts to pay. Hindi nila ako mapipilit sa isang bagay na ayokong gawin.
I was deep in thought when a tray was brought over and put on my table.
Gulat kong nilingon si Juancho pero ang mga mata niya ay nasa pagkain lang. He pulled up a chair and sat where Derek had been sitting earlier—in front of me. Tatlong order ng kanin at ulam ang binili niya kaya ang gulat ko ay napalitan ng pagkamangha.
Ang lakas niyang kumain!
"What was that?" he asked as he took the plates out of the tray.
Binasa ko ang labi bago sumandal sa upuan. May parte sa akin ang gustong mangiti. Parang ngayon lang nag-sink in sa'kin na lumapit talaga siya.
Inilagay niya ang isang plato sa harap ko. He filled it with rice and positioned the dishes in our middle. Bahagya niya ring itinulak ang kutsara at tinidor palapit sa'kin kasama ang mga table napkin. Ni hindi niya ako tinitingnan habang ginagawa 'yon.
I sighed slowly, not wanting to assume he had ordered those meals for us.
"What was that?" pag-uulit niya. His voice is a bit more assertive now.
I pursed my lips. "Wala."
His brow arched. Nag-angat siya ng tingin sa akin, puno ng pagsusungit ang mukha.
"Parehas kayo ng uniform. Mga kaklase mo?"
I scoffed. "Bakit ko sasagutin 'yan? Ni hindi mo nga sinagot ang tanong ko kanina kung ano'ng trabaho mo."
"I'm a delivery driver. I work every weekend and after my classes. Nag-aaral ako sa shop kapag walang delivery," aniya. "I also receive my allowance every time we have our leadership training, inspection, or project. I'm currently thinking of becoming a virtual assistant, but I don't have much time, especially with my upcoming Krav Maga classes."
Ramdam na ramdam ko ang pag-awang ng labi ko sa mahabang litanya niya. Parang hindi siya nag-isip. Dire-diretso lang ang pagsasalita niya. No pauses... I'm not sure if he even breathed.
"Now, answer my question," he said. "Kaklase mo 'yon?"
Lumunok ako bago dahan-dahang tumango. "Si Derek saka si Jewel..." It sounded almost like a whisper.
He chuckled. "Gano'n ang tipo mo?"
"Huh?"
"'Yong kaklase mo..." He poked his tongue against the inside of his cheek. "Type mo?"
My brow furrowed, confused by his line of questions.
"You do," he concluded after my silence. Ang mga mata niya ay tutok na tutok sa akin na tila ba binabasa niya ang laman ng utak ko. Dahan-dahan siyang umiling bago ibinaba ang tingin sa pagkain. "Hindi kayo bagay," aniya pa.
Hindi ako makasagot sa kanya. My heart felt like it was being hammered into my chest. Ni hindi ko nakita sa ganoong paraan si Derek, pero ngayong nababanaag ko ang inis sa mukha ni Juancho ay hindi ko mapigilang mag-isip kung bakit ganito siya umasta.
He didn't like me. I was sure of that. He may have said I was pretty, but it was clear he found my presence annoying. Bakit naging ganito ang pakikitungo niya sa'kin? Bakit tunog... nagseselos siya?
Imposibleng magustuhan niya ako nang ganoon kabilis. I had known him for a long time, but he had no idea I even existed. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin... ni hindi niya ako napapansin. Why is he putting up with me now? And more importantly, why was he acting so jealous?
"So, you like quiet guys with glasses..." he said.
Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin kaya ngumisi na lang ako. He lifted his head, and I saw his jaw tense as he caught sight of my grin.
"Siguro." Mahina akong tumawa. "Bakit ikaw? Ano'ng tipo mo?"
My heart beat even faster, but I made sure it didn't show on my face. I could have asked him questions that were related to my article, but I just couldn't bring myself to do it!
His lips turned up at the corner, and his eyes became more intense. "I like feminine women."
I felt a few sharp needles prick my gut instantly. Putangina, ayos. Basag agad ang pagiging assuming ko.
Tumango-tango ako. "Ilalagay ko 'yan sa article. Ano pa?"
"I like someone who respects my privacy."
Oo na, punyeta ka!
"Someone sweet, rational, and always does something that surprises me."
I swallowed hard. Bakit hindi niya na lang sabihin lahat ng ugaling wala ako?!
I stood up, the chair squeaking behind me. Basa ko ang kaunting gulat sa mukha niya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Mahirap na. Baka kung ano na namang i-assume ko.
"May klase pa 'ko. D'yan ka na. Mamaya na lang ulit kita guguluhin."
His grin faded. "Hindi ka kakain?"
"Busog ako," I reasoned out. "I have a lot of follow-up questions for you. Mostly about your father's governance. 'Yon na lang at matatapos na tayo."
He licked his lips. "Ipapabalot ko 'to?" tanong niya sabay turo sa pagkain.
"Hindi mo ba 'ko narinig? Busog ako."
"For later..." he trailed off. "You said you'd bother me again later."
Pinandilatan ko siya. "Pupuntahan kita tapos hindi mo na naman sasagutin ang mga tanong ko. Paano tayo matatapos niyan?"
"I didn't say I'd do the interview, did I? You should be grateful that I'm tolerating you and even answering some of your questions."
"Edi thank you!" I rolled my eyes. "Kaunting tanong na lang naman at matatapos na ang pagto-tolerate mo sa'kin. After that, I won't even be in your shadow anymore."
Sasagot pa sana siya nang tumikhim ako.
"Enjoy your lunch! Salamat sa pagtitiyaga sa'kin ngayon!"
Nagmartsa ako palabas ng canteen. Great! I let my irrationality get the best of me again. Ano ba naman kasi 'tong naiisip ko? Si Juancho, magugustuhan ako? Huh. Kulang na talaga ako sa tulog!
May Psyche siya. Hindi ko dapat binibigyan ng kahit anong kulay ang mga kilos niya. I was only spending time with him because of the article, and things should stay that way. Ang pagtawag sa'kin ng Mirae, pagpapaalala sa'kin na huwag matulog sa garden, pagngisi sa pang-aasar ng mga kaklase niya, at pagbili ng pagkain para sa'ming dalawa ay ginagawa niya lang dahil mabait siya!
He was right. He was indeed tolerating me. Hindi ko alam kung ano'ng hangin ang nakapagpabago ng isip niya para tiyagain ako. Hindi naman siya ganito no'ng una. He would literally throw me off a cliff just to get me to leave him alone.
Habang nagkaklase kami ay lumilipad ang utak ko sa qualities na gusto niya sa isang babae. It was an indirect confession that he wouldn't be interested in someone like me.
Hindi ako feminine at hindi ko babaguhin 'yon para sa kanya. Hindi ko nirerespeto ang privacy niya dahil kailangan kong maka-graduate on time. Hindi rin ako sweet. Bilang na bilang sa daliri kung ilang beses akong nag-I love you sa mga kaibigan ko. Sa rational naman, God! What more do I need to say? I was the embodiment of impulse! At ano pa? Someone who does something that surprises him? Eh, kung saksakin ko kaya siya sa leeg? Ewan ko kung hindi pa siya magulat do'n.
My head was all screwed up. Gusto ko na lang matapos ang article niya para hindi na ako pumunta ulit sa kanya. I couldn't just assume things and put them in my article. I still needed to know his views about his father's leadership. Pagkatapos no'n, I'm good to go.
"Delivery driver..." basa ni Sadie sa notepad ko. "Ano 'yan?"
Umiling ako. "I'm almost done."
"Nice." She grinned. "Puwede ka nang sumali sa Mr. and Ms. Journalism."
"Fuck you."
"Straight ako, sorry."
Hindi niya ako tinigilan hanggang sa matapos ang lahat ng klase namin. She bugged me about joining because she didn't want to do the symposium.
"Ayaw mo bang gumawa ng isang bagay na hindi mala-Millicent Rae?" tanong niya pa. "Exciting 'yon. I've never seen you in a dress. I wonder if a feminine style looks good on you."
Doon tumaas ang kilay ko. "Feminine?"
"Oo. You're always with your popular girlfriends, and your style is usually out of place. I'm sure people will be surprised to see you in a beauty pageant."
Napatawa ako. "Surprise..."
No, don't even go there, Millicent. Not even a single soul could push you to join. Mamamatay ka, pero hindi mo ibebenta ang dignidad mo! Joining the pageant means you're giving in to being Juancho's type. At hindi ikaw 'yon! You won't change a goddamn thing about yourself!
Nang i-dismiss kami ay hindi na ako nag-aksaya ng oras. I got up and prepared myself for another interaction with Juancho. Nasa library siya ngayon, at hindi ko alam kung paano ko siya makukumbinsing sagutin ang mga huli kong tanong. I wanted to get this done and over with. Natatakot ako dahil pakiramdam ko, hindi magtatagal at pagtataksilan ako ng sarili ko.
"Bawal ang walang ka-partner, 'di ba?" rinig kong usapan ng mga estudyante pagkalabas ko ng room. They were looking at the bunch of students standing outside the faculty office, whom I assumed would be the contestant pool for the pageant. Nandoon kasi si Derek.
"Oo. Pang-asar nga 'yong mga kaklase natin. Pinagtatawanan pa 'yong sa 4A."
Parang nagpantig ang tainga ko roon. That's our section.
"Dahil walang ka-partner?"
"Tanga, hindi."
I heard laughter. Hindi ko sila nililingon pero alam kong 4B sila. Maraming mga estudyante ang nasa hallway pero nasa kanila lang ang atensyon ko. Their chuckles were insulting.
"Sa Ms. Gay raw sumali..."
Naikuyom ko ang kamao ko sa pagpipigil ng galit. They were even laughing while saying that... para bang may nakakatawa sa katangahan nila.
"Bakla si Derek?"
"Ewan ko. Sabi lang nila."
"Sabagay, halata naman, eh. Silahis talaga siya no'ng first year pa."
"Sayang. May itsura pa naman."
Hindi na ako nakapagpigil. Tumayo ako nang maayos at naghanda nang komprontahin sila. I felt Sadie's hand on my arm, probably because she knew what angered me, but I brushed her off.
"Hoy."
Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ng mga kaklase ko pero ang mga mata ay itinutok ko lang sa dalawang babaeng nag-uusap. I was right; they were from 4B.
I walked up to them, irritation filling my gut. Pareho silang natahimik.
"May problema kayo?" tanong ko.
Hindi sila sumagot. I knew everyone's eyes were on me, but I couldn't care less.
"Putangina ang yayabang n'yo, ang sasama n'yo namang babae," bulaslas ko, tuluyan nang nawalan ng pakialam sa singhapan sa paligid. "Sayang si Derek, ha? Tarantado ba kayo? Straight o bakla, hindi kayo papansinin no'n."
"Mill..."
I laughed. "Sadie, sa Ms. Gay raw dapat sumali si Derek. Halata raw kasing bakla. Eh, 'tong mga 'to kung hindi pa nagkaroon ng bunganga, hindi ko mahahalatang tao."
Pinalibutan na kami ng mga estudyante. Tahimik pa rin ang dalawa kahit na halata sa mukha nila ang kaba. My classmates were trying to talk me out of it, but I couldn't just forget what I heard. Hindi ko alam na uso pa pala ngayon ang pag-a-assume ng sexuality ng isang tao.
I took a deep breath, and right at that moment, I decided on something even I wasn't sure about.
"At sino'ng may sabi sa inyong walang ka-partner si Derek? Hindi ba puwedeng tinatamad lang akong umattend ng meeting?"
Halos mabingi ako sa pagsinghap ng mga kaklase ko. Kahit si Sadie ay hindi nakaimik.
"One of the principles of journalism is truth and accuracy. Kung 4th year na kayo at hindi n'yo pa rin pina-practice 'yan..." I shook my head. "Mag-shift na kayo."
With my head held high, I walked away and marched up to the group of contestants in the pageant. Tumabi ako kay Derek na namimilog ang chinitong mata habang nakatingin sa akin. Even the other candidates seemed surprised to see me there.
"Wow, Ms. Velasco..." pansin sa akin ni Ma'am Capuso. "Good decision."
Hindi na ako nagsalita. Alam kong pagsisisihan ko 'to. Alam kong bumigay na naman ako sa impulsivity ko. Alam ko rin na sa kaibuturan ng pagkatao ko ay hindi lang si Derek at ang dalawang impaktang 'yon ang dahilan kung bakit ako nandito.
Bahala na. Puta. Ma-e-extend naman ang due date ng online publication dahil sumali ako. Sa ibang araw ko na lang ulit aabalahin si Juancho.
But then, life would never always go as planned.
Because after the meeting, my desire to get everything done was ruined when I read the messages I knew would make things even harder for me.
From: Salty Juancho
Saan ka na?
From: Salty Juancho
Hindi ka pupunta?
From: Salty Juancho
Akala ko ba gusto mo nang matapos 'to? I was actually planning to do the interview today after you finished your meal, but you didn't show up. I'm never considering it again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro