Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5




Chapter 5

Rae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 1s
Anong crush putangina kadiri anak yan ng gobernador millicent

"Isang tower at isang order ng sisig," sabi ni Sadie sa server. "Ikaw? Magyoyosi ka ba?"

I nodded as I put my phone down. "Isang pakete na ang bilhin mo."

Ngumisi siya. "Grind, ah?"

Inirapan ko siya bago pasalampak na sumandal sa monobloc. Matapos niya akong samahan sa trabaho ay dumiretso na kami sa C Square—bar kung saan madalas kaming mag-inom. Sagot niya raw lahat ng magagastos namin kaya hindi na ako pumalag. Syempre, hindi naman ako tanga para tumanggi sa libre.

"Bukas ulit?" tanong niya.

"Ang alin?"

"Pag-o-observe mo kay Juancho." She laughed. "Observe amputa. Akala mo supervisor, eh."

I exhaled loudly when I heard the asshole's name again. Hindi alam ni Sadie na nahuli kami ni Juancho dahil sa buhok ko. Tuloy ay gusto kong i-contemplate ang pagpapakalbo. Lagi akong pinapahamak nito, eh!

"Hindi ko alam. Bahala na."

Pinanood ko kung paanong ilagay ng server ang tower sa gitna ng mesa namin. Inilapag niya rin ang sisig at utensils.

"Hindi ba puwedeng bastahin 'yan?"

"May specific questions si Capuso na kailangang sagutin." I shook my head. "Ewan ko ba. Parang tarantado 'yon. Pina-practice niya yatang maging gossip columnist ako. Pang-paparazzi 'tong ipinapagawa niya sa'kin, eh."

She poured her cup. "Mabuti na lang pala hindi niya ako isinali d'yan. Wala akong patience."

"At ako meron?" Sarkastiko akong tumawa. "Kung may choice ako, tingin mo gagawin ko 'to? Bwisit na bwisit na kaya ako sa impaktong 'yon."

"Parang hindi naman 'yan ang nakita ko kanina."

I raised a brow. "Pinagsasabi mong gago ka?"

"Mukha kang nag-e-enjoy sa panonood kay Juancho."

Tumikhim ako. "Funny mo pala."

"Hindi naman kita masisisi. Guwapo talaga siya, so..." She shrugged. "Normal ang ma-attract."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago naglagay na ng alak sa baso ko. While doing that, I couldn't help but think of how Juancho was so close to me earlier—the way his minty breath tickled my skin and his eyes darkened with intensity.

Punyeta lang. Wala dapat akong ibang maramdaman sa kanya kung hindi kuryosidad. Appreciating his looks was not on my to-do list... kahit pa matagal ko nang ginagawa 'yon. He was blessed with well-crafted features, and if not for his background, I probably would have grown to really like him.

Crush? I scoffed.

Okay sige, tangina. I might have a little—littler than my patience—crush on him. Pero sa mukha niya lang! Ang sama-sama ng ugali niya, eh! Ang bigat pa ng kamay!

"Dahan-dahan!" tawa ni Sadie nang inisang lagok ko ang nasa baso ko. "Namumula ka agad. May tama ka na?"

I could only scream in my head.

No... hindi puwede. Attraction was the first step to developing feelings to someone, at kailangan kong tigilan ang katarantaduhang naiisip ko bago pa tumambay si Juancho sa utak ko.

Come on! Ilang beses ko pa lang siyang nakakausap! Ni wala nga akong alam sa kanya na kagusto-gusto!

I breathed deeply as I took another shot. Bakit ba kasi ang guwapo ng hinayupak na 'yon?! May paglapit pa ng mukha at pagtingin sa labi ko! Oh, ano?! Gusto niya akong halikan?! Edi, go! Duwag pala siya, eh! Halikan niya 'ko kung matapang siya!

"You've got it bad, Mill."

Napatigil ako sa pag-iisip sa sinabi ni Sadie.

"Kung ano o sino man ang iniisip mo ngayon..." Umiling siya, nangingisi. "It'll get you into trouble."

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-inom. Basta ang sigurado ako, isang malaking ilusyon lang ang pagkaka-crush ko kay Juancho. Sinabi ni Sadie na guwapo siya kaya nailagay ko sa utak ko na guwapo nga siya. It was just a chemical reaction, a social influence. Posibleng maganda rin ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya kaya nagkaroon siya ng epekto sa'kin. Ganoon naman madalas. You would start to like someone only because other people do.

Ang malakas na pagri-ring ng telepono ko ang gumising sa akin. Iritang-irita ako I wanted to ignore it because I had only been asleep for a little over two hours, but it kept ringing.

"Puta," bulong ko sa sarili habang pikit-matang kinakapa ang telepono sa gilid ng kama.

Nang mahawakan iyon ay ibinaba ko ang tawag, hindi pa rin nagmumulat. Mabigat ang talukap ng mga mata ko kaya alam kong kailangan ko pa ng tulog. Dalawa lang naman ang klase ko mamayang hapon. Puwede akong gumising kahit bago magtanghalian.

Babalik na sana ako sa pagtulog nang muling mag-ring ang phone ko. Tatlong mahihinang mura ang pinakawalan ko bago muling kinuha ang telepono sa gilid ko.

I was so furious and dazzled that I didn't give a damn who was calling. Good god, I just wanted to sleep!

"Ano ba 'yon?!"

I could feel my temples throbbing. Marami ang nainom namin ni Sadie dahil nang maubos namin ang tower ay umorder pa siya ng isang pitcher. Hindi ko nga alam kung magkano ang nagastos niya. I was too drunk and invested in my own thoughts to know.

"Ang aga-aga pa! Nagpapahinga pa 'yong tao. Langya naman, dalawang oras pa lang ang tulog ko."

There was a brief silence.

"Velasco?"

"Ano?!" bulyaw ko. "Nakapikit pa 'ko ngayon. Kapag nagmulat ako at hindi mo pa rin binababa 'tong tawag, sinasabi ko sa'yo... pati singit mo may latay."

I heard deep, hoarse chuckles from the other line, which annoyed me a bit more. Huminga ako nang malalim at unti-unting umupo sa kama. My eyes were half-closed as I leaned against the wall on top of our small headrest.

Pakiramdam ko ay umiikot pa rin ang paningin ko. Damn, Sadie. Talagang nilasing ako. At ako naman 'tong tanga, tuwang-tuwa pa!

Isang text niya lang na hindi siya papasok, bukas na rin talaga ako makikita ng mga kaklase ko!

"You sounded different yesterday when I called."

Doon ko iminulat ang mga mata ko. Inilayo ko nang kaunti ang telepono sa tainga ko para makita kung sino ang kausap, at parang sinuntok ang diwa ko nang tuluyang makilala iyon.

Salty Juancho

Nawala ang antok ko. I rubbed my eyes to check if I was seeing things right, my heart hammering aggressively inside my chest.

"Natahimik ka."

Fuck. Fuck! I just blew my cover! All because of alcohol!

Muli kong narinig ang malalalim na pagtawa niya. I clenched my fist as tightly as I could. Pakiramdam ko ay nawala sa akin ang nag-iisang pinanghahawakan ko para maisulat ang article niya. Now that he knows who I am, I'm sure he won't do the interview anymore.

"Oh, tapos ka na ba? Puwede na ba akong bumalik sa pagtulog ko?" tanging nasabi ko na lang.

Sandali siyang natahimik. I checked to see if he had already hung up, but he hadn't. I closed my eyes again, reclining my head more comfortably against the wall. I took a deep breath to calm my still racing heart. Nakaupo pa rin ako sa kama, nagbabakasalaking panaginip lang ang kapalpakan ko.

I guess I have no choice then. Mukhang babalik ako sa pangungulit sa kanya. Ayos din talaga, eh. Kasusulyap lang ng pag-asa, lumubog din agad amputa. Edi 'wag na lang mag-aral! Lintek na 'yan. Pahirap sa buhay.

I heard water being poured into a cup, but I kept my eyes closed. Juancho must be preparing a drink.

"Bakit dalawang oras pa lang ang tulog mo?"

Akala ko ay napatahimik ko na ang puso ko, ngunit sa isang tanong lang, naramdaman kong muli itong nagwala sa dibdib ko, mas agresibo kaysa kanina.

"It's past 7. Did you come home late?"

Napalunok ako. Why the fuck was he asking me irrelevant questions?

"Pake mo?" I blurted out.

He chuckled. "I don't want my small stalker to get eyebags."

Hinigit ko ang sarili pahiga. I opened my eyes and stared at the ceiling. I was so mad at him for always trying to get ahead of me... but I was mad at myself too because I couldn't do anything!

Hindi pa nakatulong na naguwapuhan ako sa kanya kahapon. Tanginang mata 'to. Magka-extrang pera lang ako ay ipapa-check ko na!

"I'll still go through with the enrollment interview."

Umawang ang labi ko. Did I hear him right?

"Keep your tricks up your sleeve. Kapag may itinanong ka sa'kin na hindi related sa enrollment ko, I'll tell your boss that you misled me for your own interest."

Tumikhim ako. God, Millicent Rae! Lagi ka na lang bang matatanga kapag kausap mo 'yang gagong 'yan?!

"Okay..." I sounded tense.

"I'm done submitting my requirements. When can we do the interview?"

I tightened my hands on my thin blanket because I could feel my knees buckling even while lying in bed. Inisip kong mabuti ang schedule niya na medyo saulo ko na para malaman kung saan ko puwedeng isingit ang interview.

"Tomorrow night?"

"Okay," he answered. "I-text mo na lang ako."

Wow. I can't believe I'm having a normal conversation with him.

"I'm dropping the call. Go back to your sleep now."

Hindi na ako nakatulog matapos 'yon. Pabalik-balik sa isip ko ang naging pag-uusap. He clearly let me off the hook again... kahit pa huling-huli na ako sa akto. Kahit ayokong aminin, naging mabait nang slight si Juancho ro'n. Kung ganoon lang sana siya lagi, baka nagkasundo pa kami.

I also thought about his enrollment in Knockout. Hindi ako ang magt-train sa kanya dahil limited lang ang alam ko sa Krav Maga. Coach would be handling him for sure. Isa lang ang kailangan kong gawin—siguraduhing matapat ang schedule niya sa shift ko.

First period na namin nang mapagtanto kong hindi papasok si Sadie. Iritang-irita ako dahil hindi manlang niya ako itinext. Si Capuso pa naman ang last period namin!

"Dahil paparating na ang Journalism Week, kailangan na nating mag-prepare sa activities. Kung sino'ng mga sasali at kung ano'ng incentives ang matatanggap n'yo kapag nag-participate kayo."

Nakatulala lang ako sa whiteboard habang tuwang-tuwa naman ang mga kaklase ko dahil tatlong araw na walang klase 'yon. Yearly 'yon ginaganap at madalas ay aktibo ang klase namin sa paglahok sa mga contest. Kami lang yata ni Sadie ang wala masyadong pakialam doon. Pumapasok lang kami para mag-attendance.

"Meron tayong quiz bee, essay writing, radio script writing and broadcasting, photojournalism, battle of the bands, dance contest, singing contest, at syempre..." Tumingin sa akin ang adviser namin. "Mr. and Ms. Journalism."

Yumuko ako at nagkunwaring kinukutkot ang armrest ng silya ko.

"Sino ngang muse n'yo?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagmumura.

"Si Mill, ma'am!" halos magkakasabay na sabi ng mga kaklase ko. "Go, Mill!"

I lifted my head and glared at my classmates. Kung wala si Ma'am dito ay napakyuhan ko na sila isa-isa. Pinagtripan lang naman nila ako no'ng first year kami! Simula no'n, hindi na nila ako inalis sa lintek na posisyon na 'yan! Yearly akong ibinoboto kahit never naman akong sumali sa mga pageant na sinasabi nilang required salihan ng muse!

"Magpalista ka ng pangalan kay Jewel, Mill."

Malakas ang naging pag-iling ko. Halos maramdaman kong matatanggal ang ulo ko sa leeg ko.

"Ma'am, mawalang galang na ho pero mamamatay muna ako bago sumali d'yan." Pilit akong ngumiti bago nilingon ang class president namin. "Si Jewel na lang po ulit. Maganda naman 'yan. Yieee..."

Rinig ko ang halakhak ng mga kaklase ko. Miski si Jewel ay napatawa.

"Oh, basta. Pag-usapan n'yo 'yan, ha? I need the list as soon as possible. Magtanong na rin kayo sa ibang prof n'yo tungkol sa incentives. Baka ganahan kayong mag-participate," putol ni Ma'am sa tawanan nila. "Sa akin kasi, kagaya lang ng dati. Additional points sa finals at wala nang final project."

Hindi ko na iyon binigyan ng pansin hanggang sa mag-discuss na si Ma'am. Kung kinakailangan kong mag-review ng isang buwan para lang hindi makasali sa lintek na pageant na 'yan, gagawin ko 'yon nang nakangiti. 'Wag lang talaga silang magkakamaling pilitin ako kagaya ng mga nagdaang taon! Talagang maghahalo ang balat sa tinalupan!

Thankfully, naging madali ang araw ko dahil hindi nagklase si Capuso. May meeting daw sila ng faculty members kaya maaga rin kaming dinismiss.

Dahil walang gagawin ay tumambay muna ako sa garden ng school. May bakanteng bench sa ilalim ng malaking puno ng mangga at doon ko iniitsa ang bag ko. I lied down and used my backpack as a pillow. Kulang na kulang ang tulog ko dahil sa pambubulabog ni Juancho. Ngayon lang ako nakaramdam ulit ng antok.

As I was lying down, I couldn't help but stare at the sunlight filtering through the leaves of the trees. Hindi masakit sa balat ang init at nakatulong ang puno para mabigyan ako ng masisilungan. The sky was clear and bright, blessing a few birds passing by. They were soaring above their freedom, spreading their wings and basking in the light.

It was a beautiful sight. Ang huling beses na nakakita ako nang kaparehong eksena ay noong nasa Bahay Tuluyan pa ako.

Dahil maraming puno sa ampunan ay nakahiligan ko ang magpahinga sa ilalim noon. Mill tamad, sabi ni Mari. Little did she know, I just liked seeing the birds relish their liberty and wishing I could be like them one day. Flying high without fear of getting burned, flying high without fear of not reaching the destination, flying high without fear of falling.

I wanted to be a journalist, but there were times when I knew I wasn't cut out for this field. Tamad akong mag-aral. Hindi rin ako creative. Bukod sa bayag na kailangan ng mga mamamahayag, wala na akong ibang maipagmamalaki.

Slowly, I closed my eyes as I covered them with my forearm. May kaunting estudyante sa garden pero maliban sa kaunting kuwentuhan ay hindi naman sila maingay. Just the right amount of noise I needed to drown out my once-again raucous head.

Nagising ako sa kaunting kaluskos sa paligid. Kahit tinatamad ay unti-unti akong naupo sa bench. Nakaramdam ako ng ngalay sa leeg ko kaya minasahe ko iyon.

Hindi gaya kanina ay may madilim na ang langit. Nag-inat ako ng ilang minuto bago tumayo at umalis sa lugar. I can't believe I had a decent sleep there. Wala na halos estudyante dahil tapos na lahat ng klase ng alas sais.

Hawak ko ang puson ko nang pumasok sa isang restroom. I crinkled my nose at the foul smell, but I managed to pee. Nang lumabas ako ay isinarado ko na ang pinto dahil wala namang ibang tao ro'n.

"Ouch..."

Napatigil ako sa tuluyang pag-alis sa building kung saan ako umihi nang marinig iyon. It was a voice of a woman. Ayoko mang pansinin ay hindi ko mapigilang magtaka.

"Mahapdi."

I turned to face the door of the room where the voice came from. Mahina lang 'yon, pero dahil katabi lang halos ng restroom ay rinig na rinig ko. Wala na rin kasing mga estudyante. May mga nakasalubong ako kanina pero mga pauwi na sila.

"Don't press it too hard!"

Tuluyang napukaw ang atensyon ko. I walked toward the room and noticed that one of the lights in the lower corner was turned on. Sumilip ako sa jalousie, at bahagyang nagtaka nang makilala ang babae.

Si Maria Psyche Alvarado.

Nakaupo siya sa armchair, puno ng mga galos ang braso. Nakasando lang siya at ang uniform ay maayos na nakatiklop sa isa sa mga armrest.

She was in her third-year. Matunog ang pangalan niya sa school dahil nagmula siya sa makapangyarihang pamilya. Nang gumawa kami ng article tungkol sa tatay niyang politiko noon ay walang nakaalam kung bakit dito siya nag-aaral.

Hanggang dibdib ang tuwid niyang buhok, at kahit may mga galos ang balat ay kapansin-pansin ang aliwalas noon—parang naalagaan ng mamahaling produkto. Taliwas sa lagi kong nakikitang pagmamaldita sa mukha niya ay nakanguso lang siya ngayon, tila paiyak na. Her gaze was drawn to the opposite corner of the room, as if she were watching someone.

Bago ko pa masundan ang tinitingnan niya ay naglakad na ito papunta sa direksyon niya. Nang makilala iyon ay ramdam na ramdam ko ang pamimilog ng mga mata ko.

Even though I couldn't see his face clearly, I knew it was Juancho by the way he stood. Parehong relo, sapatos, at ayos ng buhok.

Umupo siya sa katabing armchair ni Psyche—sa gilid kung nasaan ang mga galos nito. May dala rin siyang bulak, tubig, at ointment.

"This will be quick, so do as I say, okay?"

I gulped as I confirmed his voice. Dumikit ako sa dingding at mas lalo silang pinanood mula sa maliit na awang ng jalousie.

I could see Juancho's side profile—the way his brow knotted as he cleaned Psyche's scrapes. Madiin ang paraan ng pagtingin niya sa mga sugat na para bang malaki ang galit niya roon. Pansin ko rin ang pagiging banayad niya kay Psyche. Every time she would complain, he would become gentler and gentler. Halata sa kanya ang takot na masaktan ito.

"Why didn't you tell me you had these? Kung hindi pa kita nakasalubong, you wouldn't even dare tell me, would you?"

I grinned sarcastically at the softness of his voice.

Wow. Kaya niya palang maging malambing? Bakit hindi niya i-try sa'kin para hindi ko siya isinusumpa?

"It's nothing," Psyche replied. "I just got into a catfight."

Gumalaw ang balikat ni Juancho, nagbuntong-hininga.

"How long did you have these?" he asked instead.

"4 hours."

Hindi na nasundan ang usapan nila. Pinanood ko kung paanong lagyan ni Juancho ng gauze pad ang mga galos ni Psyche—puno ng pag-iingat at pag-aalaga. It was like a side of him that only a few selected people could see, and that beautiful woman was one of them.

Ako... nakita ko lang dahil nanood ako nang hindi nila nalalaman. Like a camera lens focusing on the real actors.

I chuckled inwardly as I took a step back. Suddenly, I felt guilty for witnessing their private time. For seeing Juancho lose his guard.

I never considered him to be dating Psyche because they were never seen together... but today, I had a lot of pondering to do.

"What were you doing in the garden pala?"

Tumalikod na ako at hindi na naghintay sa isasagot ni Juancho sa tanong ni Psyche. I walked away from there, telling myself several times that I had just gotten a scoop—even if I wasn't so sure or overjoyed about it. Ni hindi ko nga sila nakuhanan ng picture... at may parte sa akin ang hindi nanghihinayang doon.

"Sige, I'll let you off the hook this time, Juancho," I whispered to myself. "I'll forget what I see for now."

God, Millicent. You must thank the heavens for not showing you Juancho's gentle side. He's the heat and you're a fucking ice.

Rae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 1d
Anong crush putangina kadiri anak yan ng gobernador millicent

Rae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 2m
— Replying to @doraemill
Anong crush putangina may shota hahahaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro