Chapter 4
Last update before 2023. Happy New Year in advance, inks! So happy to have spent this year with you! 💐🤍
***
Chapter 4
Knockout PH <[email protected]>
to: Juancho ▾
Hi Juancho,
We've received your email, and we'll put you in touch with one of our trainers who can help you with the enrollment process. May we have your contact information, please? We'll have someone contact you.
Thank you.
Regards,
Knockout PH
Napangiti ako sa reply ko. I stared intently at the screen as I tapped my fingers on the desk. Hindi ko alam kung mabilis siyang mag-reply sa emails lalo at may isang oras na rin nang i-send niya 'yon. But then, kapag ibinigay niya ang number niya, isa-save ko agad 'yon.
I could have transferred him to our recruiter to complete the enrollment formalities, but I wasn't stupid enough to do that. Puwede namang ako ang mag-assist sa kanya. Medyo mahihirapan lang talaga siya.
Nag-boxing muna ako habang wala pa siyang reply. Nilinis ko na rin ang ilang equipment dahil wala rin naman akong magawa.
Hindi ko maiwasang maisip na talagang simple lang si Juancho. Knockout, despite being a bit popular, was not the finest martial arts training center. Mayroon lang kaming apat na trainer, tatlong assistant trainer, at isang recruiter. Trabaho ng recruiter ang pagpo-post sa social media at pagsagot ng emails, pero dahil madalas ay nag-e-edit siya ng promotional videos at infographics, tumutulong na kaming mga assistant trainer sa kanya.
If Juancho knew judo, aikido, and taekwondo... saan naman kaya siya nag-aral? At bakit ayaw niyang doon na lang din mag-enroll?
With his grip and physique, I knew his training wasn't for show. Tama lang na may ganoon siyang background lalo at hindi naman isang daang porsyentong ligtas ang ginagalawan niya. He was the son of a corrupt politician. Of course, his environment would be chaotic.
Nang bumalik ako sa tapat ng PC ay nakita kong may reply na siya, dahilan para mahina akong mapatawa. Ang bait ng mundo sa'kin ngayon, ah?
Juancho Alas Montero <[email protected]>
to: me ▾
Can I contact the trainer instead?
"Napakaarte mo." I scoffed as I typed my reply to him.
Knockout PH <[email protected]>
to: Juancho ▾
Sure. Here: (+63) 928-555-9459
Hindi ko na pinatagal ang pagco-computer. Ibinigay ko naman na ang number ko. All I needed to do was wait for his reply. I turned off the PC and did one last check of the gym before locking it.
Madilim na nang makalabas ako. When I checked the time, it was already 10. Hindi pa ako naghahapunan kaya dumiretso ako sa malapit na sari-sari store malapit sa gym para bumili ng makakain. I also texted Karsen and Mari to ask if they had eaten yet, and both of them said yes.
"Magkano sa Marlboro lights?" tanong ko sa tindera. Kasisilid ko lang sa bag ko ng binili kong de-lata.
"Nuebe."
Napasimangot ako. Ang mahal na ng mga bilihin.
"Dalawa lang."
Inilapag ko ang bente sa maliit na awang bago naupo sa bangko na nasa tapat lang ng tindahan. Nang isilid ng tindera ang yosi ay wala naman akong pag-aalinlangang kinuha iyon. May nakasabit na lighter sa gilid ng tindahan kaya ginamit ko iyon para sindihan ang stick ko.
While smoking, I looked at the seemingly dead, empty street. Dahil nasa looban ang gym, tahimik na ang paligid nang ganitong mga oras. Bukod sa iilang nakatambay at nag-iinom, at mahinang tunog mula sa mga sasakyan sa highway, wala nang ibang maririnig. It felt just like the streets that women fear at night.
I blew the smoke out of my mouth and sighed. Alam kong pinoproblema ko dapat ngayon ang mga requirement ko sa school—thesis, exams, recitations, online publication, at maging ang pangungumbinsi kay Juancho—pero habang nakatingin sa kawalan, wala akong ibang maisip kung hindi ang mga bagay na matagal ko na dapat nailagay sa likuran ko.
It had always been like that. I was happy. I joked all the time... even in my head. I shrugged everything off my shoulders and believed that nothing could hurt me.
I knew I was strong. Not only physically. Mabilis akong makabawi sa sakit at lungkot. Na kahit tandang-tanda ko kung paano nagpaalam si Nanay sa akin na iiwan niya na ako sa Bahay Tuluyan, wala akong pinatulong luha.
I was three, and it was my first memory. Sa tapat ng ampunan, nakaluhod at umiiyak si Nanay habang hawak ang mga balikat ko, nagpapaalam na hindi na niya ako kayang alagaan.
I didn't cry. I just stared at her, dead in the eyes. At that moment, I knew it would be the last time I would see her.
And I was right.
Marahan akong napatawa sa una't huling alaala sa'kin ni Nanay.
I grew up fine... at least, para sa'kin. I have my friends with me. I have Kat who likes to straighten out my values, Mari who can make my day just by rolling her eyes, and Karsen who brightens up everything with her pink hair clip.
Hindi ko kailangan ng nanay at tatay. Hindi ko kailangan ng maglalagay ng pagkain sa bunganga ko. Hindi ko kailangan ng magtatago sa'kin sa likuran kapag may kaaway ako. Ni hindi ko kailangan ng magsasabi sa'kin na sila na ang bahala sa lahat kapag pagod ako sa trabaho.
I could handle everything on my own. Kahit pa sinabi sa'kin ng guidance counselor noon na lumaki akong balahura dahil wala akong mga magulang, kahit pa nala-late ako sa pagkuha ng card dahil walang mag-c-claim no'n, kahit pa walang nagsasabit ng medal sa'kin kapag nananalo ako sa meet... hindi ko kailanman hiniling na balikan ako ni Nanay.
I was strong, both mentally and physically. I never let a single thought ruin me.
But then, every time I was alone, just like now, the smallest and weakest part of my being liked to sneak in.
Tumawa na lang ako. Parang tanga amputa. Nagyosi lang, ang dami na agad naiisip. Jusko, kung ganito sana kaaktibo ang utak ko kapag may klase, edi sana hindi ko kailangang gumawa ng online publication. Dagdag pa sa problema ko ang lintek na 'yon.
"Magsasara na kami, neng."
Umiling ako. "Mamaya ho."
"Aba."
I chuckled as I stood up. "Joke lang. Sige ho. Salamat."
Sumakay na ako ng jeep pauwi. Naabutan ko pa sina Mari at Karsen sa sala pero hindi ko na sila binadtrip. Naglinis lang ako ng katawan bago dumiretso sa kwarto namin ni Karsen.
I hugged my small Doraemon stuffed toy as I closed my eyes. "Sabi ko naman sa'yo, eh. Ilabas mo ang time machine mo para mapigilan natin sina Nanay at Tatay na mag-sex. Kadamutan mo. Edi sana wala tayong dalawa ngayon dito."
I spent my entire Sunday editing my RRL in the morning and working until the evening. Nagyaya ang ilang kaibigan ko na mag-inom, mga ka-batch sa frat na sinalihan ko dati. Hindi naman ako sumama dahil kailangan kong maghapit sa gym. Mahirap na. Baka may biglang pagkagastusan. Wala akong malaking ipon.
When Monday came, I woke up to a not-so-surprising-but-still-shocked-the-shit-out-of-me message.
From: Unknown Number
Good morning. This is Juancho Alas Montero. I've already emailed the training center last Saturday about my interest in enrolling in Krav Maga classes. I got this number from one of your admins. They said you'd guide me through the procedure. I'll wait for your response. Thank you.
"Wow, good morning." Kinusot ko ang mata ko bago sumandal sa headboard ng kama. "Buti naman at nag-text kang gago ka. Muntik na kitang malimutan."
Isinave ko muna ang number niya bago nagtipa ng reply.
To: Salty Juancho
Good morning, sir. Are you still a student?
"Mill, magkape na lang tayo. Tinatamad akong magluto," sabi ni Mari nang buksan niya ang pinto ng kwarto. "Maagang umalis si Karsen. May klase yata."
"Ge. Sunod ako sa'yo."
Hinintay kong umalis siya sa pinto bago ibinalik ang atensyon ko sa telepono.
From: Salty Juancho
Yeah. What requirements do I need to submit?
Sasagot na sana ako nang mag-send siya ulit ng panibagong message.
From: Salty Juancho
Can I call you instead? Texting is time-consuming.
Namilog ang mga mata ko. Naghanap ako ng sagot sa paligid ng kwarto pero wala akong ibang nakita kung hindi ang mukha ni doraemon.
"Gago ka. Maglabas ka ng voice changer!" bulyaw ko sa stuffed toy.
Tumatahip sa kaba ang dibdib ko. Puwede kong sabihin kay Juancho na sira ang speaker ng telepono ko pero patay ako kay Coach kapag hindi ko siya na-guide nang maayos! Baka hindi pa siya sa amin mag-enroll! Sayang ang bayad! Hindi ko pa naman na-delete ang email niya!
Kung bakit ba naman kasi saksakan siya ng arte. Parang ang mahal mahal ng oras niya! Bwisit na hinayupak. Relo niya lang ang mahal!
To: Salty Juancho
Okay, sir.
Tinakbo ko ang notepad ko at inilista ang lahat ng kailangan kong hingin sa kanya. Certified true copy ng birth certificate, documented application form na sasagutan sa page, reason for training, program na ita-take, medical records, at NBI clearance.
Kapag nadulas, itatanong ko na rin kung ano ang relasyon niya sa tatay niya, kung bakit sa public school siya nag-aaral, kung ano'ng kinamatay ng nanay niya, kung single ba siya, o kung puwede ba siyang ma-interview.
Naupo ako sa gilid ng kama, ang mga mata ay nakatutok sa luma ko nang telepono. Nang mag-ring iyon ay tatlong beses akong huminga nang malalim.
"Hello, sir." Pinaliit ko ang boses. "Good morning."
Tangina, Capuso. Para sa'yo 'tong hayop ka.
"Good morning."
Pinigilan ko ang mapasinghap sa lalim ng boses niya. Kagigising niya lang ba? Bakit may pa-paos na style? Tarantado amputa. Kung inaakala niyang maaakit ang mga tao sa boses niya, p'wes, tama siya! Hindi lang talaga ako tao kaya walang talab sa akin!
"Kailangan n'yo pong i-submit online ang certified true copy ng birth certificate n'yo. Saka... nasagutan n'yo na po ba 'yong application form sa page?" Halos hindi ko makilala ang sariling boses.
Deputa, bakit ko ba ginagawa 'to?! Malalaman at malalaman niya rin namang sa Knockout ako nagtatrabaho kapag nag-enroll nga talaga siya!
"Yeah. What else?"
Isinalaysay ko sa kanya ang mga dapat dalhin. Butil-butil ang pawis ko sa takot na mahuli. At least, hindi ko puwedeng ipaalam sa kanya na may number niya ako. Uunti-untiin ko ang pagtatanong sa kanya tungkol sa personal niyang buhay. Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon pero magkukunwari na lang akong required sa training ang pakikipag-bff sa tumulong sa kanya sa enrollment procedure.
"Is that all?"
Lumunok ako. "I'll have to interview you."
"Now?"
"Hindi po. Last step 'yon. After mong i-submit lahat ng requirements."
Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko. Totoong kasama ang interview sa procedure, pero kailangan kong maisingit ang agenda ko! I already have his email address and phone number. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga 'yon pero puwede ko sigurong magamit kapag mangungulit ako sa kanya. Mabuti at may isa pa akong sim card. Doon ko siya ite-text!
"Thank you."
"Thank you rin, sir."
"What's your name again?"
Shit. Retreat, retreat.
"Sir?"
"Yeah? What's your name?"
"Sir? Hello? Nandito pa po ba kayo?" I tapped the speaker of my phone. "Hindi ko po kayo marinig."
"Hello?" He sounded confused.
"Choppy po kayo, sir. Mahina yata ang signal mo." I bit my lower lip, thinking hard of all the possible excuses while maintaining my fake voice. "Maraming bar naman ang signal ko. Sa'yo po yata may problema."
"My place is only a kilometer away from my network's tower."
Keep the act, Millicent. System error 'to.
"Sir? Hindi ko po kayo maintindihan. Sa susunod na lang po ulit tayo mag-usap. Asikasuhin n'yo po muna ang requirements n'yo," dire-diretsong sabi ko. "Ibababa ko na po."
I ended the call before he could answer. Pinunasan ko ang pawis sa noo bago muling humilata.
Kapag nalaman ni Coach na may sarili akong agenda, siguradong yari ako ro'n. Ngayon pa lang, kailangan ko nang mag-ingat sa mga itatanong o sasabihin ko. Hindi puwedeng makahalata si Juancho na si Mill ako. Malalaman niyang nanggagatas lang ako ng information! Baka isumbong pa 'ko no'n!
"Mill, malamig na ang kape mo! Lumabas ka na d'yan!"
That same day, I decided not to show myself up in Juancho's face. Dahil may interview naman akong hinihintay, wala akong nakikitang rason para lapitan siya. Sigurado namang ide-decline niya lang din ako. Baka makagat ko lang siya ulit sa panggigil sa kaartehan niya.
"Pupunta ka ulit kay Juancho?" tanong ni Sadie nang i-dismiss kami ni Capuso.
I nodded weakly. "Observe lang. Hindi ko lalapitan."
"Bored na bored, ah."
"May trabaho pa 'ko mamaya, eh. Gusto ko nang matulog sa apartment." Sumimangot ako. "May ibang araw pa naman. Kaso, ayokong isabay 'to sa thesis. I-o-observe ko lang siya this week."
"Observe o stalk?"
"Maganda ako kaya observe. Pang pangit ang stalk." Ngumisi ako. "So, stalk para sa'yo."
Pinakyuhan niya ako kaya tuluyan akong napatawa. Sabay kaming lumabas ng room, at narinig ko pa ang class president namin na halos magwala dahil cleaner daw ako. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ako uto-uto. Pang-Tuesday ako, tarantado!
"Inom tayo," yaya ni Sadie habang bumababa kami ng hagdan.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Sininghalan ko siya. "May Juancho akong pupuntahan at trabahong aasikasuhin. God. Kaya ambababa ng scores mo, eh! Wala kang focus!"
"Anong oras ba ang tapos ng work mo?"
Wow, hindi ako sinagot ni Ms. Calm.
"Hanggang 9 ang session ngayon."
"Tapos? Wala ka nang gagawin?"
I rolled my eyes. "Matutulog sana kasi gabi na 'yon."
"Inom tayo after. Sasamahan kita kay Juancho at sa trabaho mo," aniya. "Tinatamad pa akong umuwi."
'Yon nga ang naging plano namin. Hindi ko ipinahalata sa kanya na halos pasalamatan ko lahat ng anghel sa pagsama niya sa'kin. Bukod sa may karamay ako sa pamba-bash kay Juancho, may kausap pa ako buong oras. Kahit madalas naman kasing walang kuwenta ang usapan namin, she was actually a fun company.
"Library?" rinig ko ang pandidiri sa boses niya nang matanaw ang building.
Tumango ako. "Tapos na ang klase niya one hour ago. Nagbabasa siya rito."
"May gano'n palang tao."
I laughed. "Two hours siya d'yan, so isang oras tayong tatambay kasama ang mga minamahal nating aklat."
"Tangina," she muttered. "Paano mo nalalaman 'yan?"
"Nasa class schedule niya. Uuwi na siya pagkatapos."
Nang makapasok kami sa library ay hinanap agad ng mata ko si Juancho. Hindi naman ako nahirapan dahil kapansin-pansin talaga ang aura niya. Ikaw ba naman ang naka-brush up ang buhok at nakaputing button-down shirt habang abalang-abala sa mamahaling laptop, ewan ko na lang kung hindi mapatingin ang mga tao sa'yo.
"Pogi."
I sneered at Sadie. Basher tayo n'yan, hinayupak ka!
"Crush ko 'yan no'ng orientation. Parang mabango, eh." Ngumisi siya. "Boring lang ng hobbies niya kaya na-turn off ako."
"Ang laking kawalan kay Juancho," sarkastikong sabi ko bago siya hinigit papunta sa isa sa mga bookshelf.
I picked up a book and handed it to her. Takang-taka man ay hindi siya nagtanong. Kumuha rin ako ng para sa'kin. Pareho kaming walang dalang laptop kaya itong mga libro lang ang props namin para magkunwaring studious.
"Bakante sa mesa sa likod niya. Do'n tayo?" tanong niya habang parehas kaming nakasilip kay Juancho.
Umiling ako. "Masyadong malapit."
"Hindi niya na alam 'yon. Nakatalikod naman, eh. Para makita mo rin kung anong ginagawa sa laptop."
"Baka lumingon. Dito na lang tayo. Malapit din naman."
"Punyeta. Isang oras tayong nakatayo?"
Bahagyang lumakas ang boses niya kaya napabaling sa amin ang ilang estudyante. Agad akong umupo bago pa makalingon din si Juancho. I dragged Sadie down and glared at her.
"Mananahimik ka o isusugod ka sa ospital?"
Sinamaan niya rin ako ng tingin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at muling sinilip si Juancho. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok sa screen ng laptop kaya napahinga ako nang malalim.
May makapal na libro rin sa tabi niya at kitang-kita ko sa spine noon ang all caps na "Reviewer on Commercial Law."
"Hindi ba reviewer sa bar exam 'yong librong 'yon?" mahinang tanong ko kay Sadie na ngayon ay nakasilip na rin kay Juancho. "Ang aga niya namang mag-review. May lakad ba siya?"
"First year pa lang nagre-review na 'yan."
"Seryoso?"
"Oo, ah? Pinag-uusapan sa faculty dati. D'yan nga napuri ang time management niya." She shrugged. "'Yan din ang isa sa mga rason kung bakit tinamad akong magka-crush sa kanya. Parang wala siyang social life."
Wala na palang time. Bakit mag-aaral pa ng Krav Maga?
Hindi na ako nakasagot kay Sadie. She sat on the floor and flipped the pages of the book as if taking a deep interest in that. Nagbuntong-hininga ako bago ituon ang buong atensyon kay Juancho.
His stance and expression barely budged. Palipat-lipat lang ang mga mata niya sa laptop screen, sa libro, at sa makapal na notebook kung saan siya nagsusulat. He would lick his lips from time to time, making them even shinier and redder. Kumukunot din ang noo niya, siguro ay kapag hindi naiintindihan ang nababasa. He would then bite the top of his pen and tap his long, nimble fingers on the desk.
He was so intriguing to watch. Hindi nakakasawa. I knew him as someone who was reserved and guarded, so seeing him display emotions I could recognize was new to me.
I wonder what he looks like when he's scared... or when he's crying. God, it will be a fun watch. Gustong-gusto kong mawala ang tapang sa mukha niya. He'd been sporting that face ever since I set my eyes on him. Like he knew nothing could touch him.
"Hindi ka ba nangangalay?"
Umiling lang ako sa tanong ni Sadie pero hindi ko inalis ang tingin kay Juancho. I was staring at him hard. I just couldn't help it. Ni wala na akong pakialam kung maramdaman niyang may nanonood sa kanya. He would find me creepy, but he'd blessed my eyes with his features, so it was a win-win situation.
Kumunot ang noo ko sa naisip. Blessed? Saan galing ang punyetang salita na 'yon?!
Wala kaming nakuhang importante para sa article ko sa tagal ng pananatili namin sa library. But then, from what I had seen, I believed I could write an entire book about Juancho's face, hands, and physique. Kung paanong tipid siyang ngumingiti habang nagbabasa, kung gaano kabilis ang pagtitipa niya sa laptop, at kung paanong masahihin niya ang leeg at balikat kapag ngalay na siya.
Watching him reminded me so much of how I felt when he walked up to the stage during freshmen orientation. Parang pinagpala niya ang buong school sa pagtayo niya roon. He silenced everyone with a good-morning greeting over the microphone, his eyes serious and his posture commanding. Tila ba parurusahan niya lahat ng hindi makikinig sa kanya.
"Nasaan na?"
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig si Sadie. Lumingon ako sa kanya at nakita kong may malalim na kunot na sa noo niya.
"Nawala si Juancho," aniya.
"Huh?"
Tumingin ako sa unahan at napansing wala na nga ang sinusundan namin. Kalalabas niya lang sa library, at plano naming sundan siya hanggang sa parking lot dahil wala kaming napala sa pakikipag-isang dibdib sa mga libro. Ni wala kasing lumapit sa kanya. May mga napapatingin, pero walang nangahas na kausapin siya.
"Why are we even doing this?" Sadie sighed. "Para tayong paparazzi."
"Observation nga. Titingnan ko kung paano siya umakto kapag mag-isa o may kasama," sagot ko. "Sa online publication, tingin ko, dito pinaka-interesado si Ma'am. I need to write the most accurate and catchy article about him."
"At magagawa mo lang 'yon habang pinapanood siya?"
"I don't know, Sadie. Hindi ako papayagan ni Juancho na ma-interview siya. I have no idea how to squeeze information out of him." Muli akong nagbuntong-hininga. "There are ways, but..." Umiling ako. "I don't think they're legal."
"Takot ka?"
"Hindi, ah. Mai-interview ko naman 'yan. Sure ako..." I chuckled as I thought of the enrollment procedure. "May naiisip na akong article sa kanya, actually."
"Ano?"
I shrugged. "I'll focus on his stand about his father's governance. Kung totoo bang ma-prinsipyo siyang tao kagaya ng ipinapakita niya sa lahat, o isa siyang malaking piece of shit na sunud-sunuran."
"Good luck with that." Ngumisi siya. "Paano? Hahanapin pa ba natin?"
Umiling ako. "Tama na muna."
"Jusko, maraming salamat!" She exhaled exasperatedly. "Hintayin mo 'ko d'yan. Pupunta lang ako saglit sa canteen at kanina pa 'ko nauuhaw."
Tumango na lang ako bago naupo sa isa sa mga bench na nasa ilalim ng puno sa gilid ng pathway. My thoughts kept returning to Juancho's face and how much I drooled over him the first time I saw him. Sa ilang engkwantro namin, parang nalimutan ko kung paano niya nakuha ang atensyon ko. I faced him head-on, ignoring the fact that I used to have a petty crush on him.
Today, though, I was reminded of it all. Guwapo siya sa malapit, guwapo siya sa malayo. Hell, he makes me feel like a girl.
"I've got myself a small, angry stalker."
Dahil nasa reflex mode, susuntukin ko na sana si Juancho sa pagkalalaki niya nang mahuli niya ang kamao ko at mahigpit na hinawakan iyon. I was panting, gulat na gulat sa pagsulpot na naman niya. Ni hindi agad ako nakapagsalita.
Tarantado talaga ang punyetang 'to! Hobby niya ba ang gulatin ako?! Una, noong nahuli niya ako sa likod ng building ng College of Law! Pangalawa, sa palengke! At ngayon, pati ba naman ang pagpapahinga ko sa ilalim ng puno?! Walang kuwentang gago.
Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkagulat nang ipatong niya ang isang kamay sa sandalan ng bench kung saan ako nakaupo. He was leaning in to me, really close, and my heart was not taking it lightly. Kung kanina ay sasabog ito sa kaba, ngayon ay halos hindi ko na 'to maramdaman sa loob ko. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng kulay sa mukha ko dahil sa lapit niya.
"You were watching me in the library," he stated, his eyes focused on mine.
He was staring at me closely, as if he could see right through me... as if he was memorizing my features. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa isa kong kamay at halos idikit na niya iyon sa dibdib ko. Nang bumaba ang mga mata ay bahagyang umawang ang namumula niyang mga labi.
"We were out in the open, Juancho." I gulped as my voice almost trembled. "Lumayo ka sa'kin kung ayaw mong ma-chismis na boyfriend ng laman ng guidance office."
He scoffed sarcastically. His eyes then went down to my lips, making me swallow hard.
"I told you. Take note of your little hair peeking." He grinned as he leaned close to my ears. "And if I see you stalking me again, I swear to fucking god, I'll do something you won't like."
Binitawan niya ang kamay ko, at bago pa ako makabawi sa nangyari ay tinalikuran niya na ako.
Naiwan ako roon na hindi alam kung ano dapat maramdaman. Ni hindi ko magawang tingnan ang paligid para i-check kung may nakakita ba sa amin o ano. My heart was pumping furiously in my chest, almost strangling me. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga kahit na wala naman akong ginawa.
"Oh, bakit namumula ka?"
Napahawak ako sa pisngi ko. "H-Huh?"
"Para kang reglang may mukha."
Hindi na ako nakasagot dahil muli akong natulala sa sariling realisasyon.
Hindi ko hiniling na bumalik ang mga magulang ko, pero putangina! Hindi ko rin hiniling na bumalik ang pagkaka-crush ko kay Juancho!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro