Chapter 3
Chapter 3
Hindi ko nahanap si Juancho ng sumunod na araw. I skipped lunch to try to find him, but I couldn't. Sa College of Law rin ako dumiretso pagkatapos ng klase pero wala talaga ang hinayupak.
May pakiramdam ako na nagtatago siya sa'kin. Pinuntahan ko ang room na naka-indicate sa schedule niya pero wala naman siya roon nang i-check ko! Bwisit talaga! Blocked na nga ako, mahihirapan pa akong i-track down ang damuho!
"Irespeto mo ang gusto niya, Mill," sabi ni Kat habang magka-video call kami. "How would you feel if you were forced to do an interview?"
Pinaglaruan ko ang doraemon keychain na nakasabit sa zipper ng wallet ko. It was the weekend, and Kat was scolding me first thing in the morning. Para siyang guidance counselor na nakikipag-usap sa nagrerebeldeng estudyante. Kung alam ko lang na hindi niya ako ichi-cheer, dapat ay hindi ko na lang sinabi sa kanya ang ginagawa ko nitong mga nagdaang araw.
"Sabi mo nga, hindi naman siya public figure. And even if he is, kapag sinabi niyang ayaw niya, hindi mo dapat pinipilit," pagpapatuloy niya.
"Ten minutes lang ang hinihingi ko, Kat."
"Kahit dalawang segundo pa 'yan. Kapag ayaw, ayaw. It's called respect."
Napabuga ako ng hangin. Minsan, ayoko na lang talaga siyang kausapin. Sinisira niya ang plano ko! Masyado siyang mabuting tao para sa'kin. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan. Eh, samantalang lagi ko siyang kinukurot no'ng mga bata kami kapag natutulog siya. Lagi kasing nakangiti sa akin si gaga. Feeling close.
"You know me, Kat. I'll do something if I have a good enough reason to." Sumandal ako sa upuan. "And so far, good enough ang pag-graduate. Hindi ikamamatay ni Juancho ang pagpayag sa interview. Hindi ko naman siya tatanungin ng mga masyadong personal na tanong. If he doesn't want to answer, I will not force it."
"But you're forcing an interview, Mill."
"Para maka-graduate, Kat."
"Wala siyang kinalaman d'yan."
"Meron na ngayon."
"Millicent!"
"Katana!" I exhaled. "I know I'm invading his privacy, but I'm a future journalist, Kat. One way or another, I'll be invading more people's privacy. Because that's how you get to the truth."
Pumikit siya, parang nawawalan ng pasensiya sa akin.
"Tingin mo ba, gustong magpa-interview ng mga politician? Ng celebrities? Ng mga public figure?" I asked her as I shook my head. "You have to force your way in, dig into their lives, and broadcast the anomalies."
"Juancho is not a public figure, Mill. Let's start with that." Nang magmulat siya ay dumiretso sa akin ang kulay abo niyang mga mata, naniniil. "You're forcing your way into a private person's life. Wala kang karapatang mag-dig o i-broadcast ang buhay ng isang tao without their permission. Libel ang babagsakan mo."
"Shut up, Kat... please." Ginulo ko ang buhok ko, napagtatantong may punto siya. "Bahala na. I'm still weighing the consequences."
"Hindi ka titigil?"
Ngumuso ako. "Not now."
Nagbuntong-hininga siya. "I warned you, Mill. You're old enough to know what's right."
Nakasimangot akong nag-umagahan. Mag-isa ulit ako sa apartment. Hindi ko alam kung nasaan sina Mari at Karsen pero nangako ako sa kanilang ako na ang bahalang mamili ng groceries namin. Mamaya pa naman kasi ang trabaho ko.
Matapos mag-jogging at workout ay naligo na ako. Hindi maalis sa isip ko ang mga salita ni Kat dahil alam kong tama siya. She had always been. Kaya lang, hindi niya ako mapipigilan ngayon. I knew Juancho would eventually let me do the interview. Kaunting pamimilit pa.
Lalo at sinabihan niya akong maganda.
I laughed to myself. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang itsura ko. Wala akong pakialam kung maganda o pangit ako para sa mata ng ibang tao. I was just not conscious of my looks.
Bata pa lang ay marami nang pumupuri sa itsura ko pero hindi ko iyon pinagtutuunan ng pansin. I was half-Irish—my shithead mom being the full-blooded one. And having a mashup of foreign and local features always dazzled Filipinos.
Pansin na pansin ko iyon. Madalas ay napapatitig ang kausap ko sa kulay ng mga mata ko. They were a mix of green and hazel. Ilan pa nga sa mga co-athletes ko dati ang nagsabi sa akin na dumidilim ito kapag galit ako.
My lips were like a cupid's bow—that's what Mari told me. Noong nagpa-practice pa lang siyang mag-makeup ay tuwang-tuwa siya sa hugis ng labi ko kahit na para sa'kin ay mas magandang tingnan ang hugis ng kanya. Her lips were her asset for me. Pero gustong-gusto niya ang sa'kin.
My snow-white skin was another plus in her book. Mabilis niya raw makita ang totoong kulay ng eyeshadow.
Kahit nang ipa-pixie-cut ko ang buhok ko bago kami mag-grade 10, siya ang pinakamasaya. She said it matched my personality. Si Karsen naman ay umiyak dahil mas nagmukha raw akong guwapo kaysa maganda. Sinumpungan niya pa ako. Pare-parehas kasing mahahaba ang buhok namin noon. Gusto niya yata ay magkakapareho kami. After a few weeks, though, she played with my hair and said it was small and cute. Magulo pa sa bulbol amputa.
Namili ako sa palengke ng mga gulay at karne na puwedeng i-stock. Hindi masyadong marami ang napamili ko dahil hindi kalakihan ang naging ambag ni Karsen. Ang sabi niya ay babawi siya sa susunod na buwan. Nag-iipon lang talaga siya para sa thesis niya.
"Magkano po ang kilo ng patatas?"
Nagpantig ang tainga ko nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kabilang stand. With my eyes wide open, I took a step back and bent my body to sneakily look at the vegetable stand.
Ganoon na lang ang pag-alpas ng ngiti ko nang makumpirmang si Juancho iyon. Taliwas sa mga kadalasang formal attire, ngayon ay naka-sweat shorts lang siya at plain na t-shirt. Nakaputing saklob at may bitbit pang itim na eco bag.
"Rich-ass boy in a wet market. Ano'ng shitshow kaya 'to?" natatawang tanong ko sa sarili habang kinukuha ang telepono. "Kunwari simple si Kuya kahit naka-MacBook, Rolex, at Birkenstock."
Itinapat ko ang camera sa kanya. Sayang at hindi ko dala ang DSLR ko. Hindi pa naman masyadong malinaw ang camera nitong phone ko.
I took a picture of him and was about to take another when he looked straight through the camera.
Mabilis pa sa pagbabago ng mood ni Mari ang pagtatago ko sa likod ng estante ng mga upo at patola. My heart was racing furiously. Wala akong planong magpakita sa tarantadong 'yon dahil weekend ngayon! Ayokong gumawa ng kahit anong school-related! Isa pa, secret lang ang pagpi-picture ko! Puwede ko nang gawan 'to ng kuwento!
Halos hindi ako huminga. Kabadong-kabado ako sa bigla niyang pagtingin sa camera. Mahirap na. Baka mapisil na naman niya ang braso ko at kaladkarin ako palabas mismo ng palengke! Lintek siya! Hindi kinaya ng salonpas ang sakit ng hawak niya sa'kin!
"Kuya, bibili ka ba?"
Tinapunan ko ng matalim na tingin ang tindera, at nakita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya. She swallowed hard and turned her head away.
Sumilip ako muli sa puwesto ni Juancho at napahinga ako nang malalim nang makitang wala na siya roon. Thank fuck. Akala ko ay dadanak pa ang dugo.
I stood up and glared at the vendor again.
"Babae ho ako," sabi ko. "Ganito lang ang gupit ko dahil tamad akong magsuklay."
Hindi ko na hinintay na makasagot siya. I marched up and headed toward the stands selling the goods I needed. Walang Juancho na nanggulo sa akin kaya malaya akong nakapaglibot sa palengke habang iniisip ang article na puwede kong maisulat tungkol sa picture.
"Juancho Alas Montero, despite coming from a privileged household, chose to embrace a humble lifestyle," I told myself. "Or... contrary to popular belief that politicians' children exploit their status for personal gain, Juancho Alas Montero never compromised his moral compass."
I sighed. Nag-e-exaggerate ako. Bumili lang siya ng patatas tapos humble lifestyle at moral compass na agad?!
Pero kasi! May pera siya! Why would he set his feet down in the wet market? Tapos sa public school din siya nag-aaral. Miski ang motor niya ay isa sa mga pinaka-affordable na motor. I knew because I was familiar with the brand and how much it cost. Hindi pang-malakasan.
Was he putting on a show for his dad's campaign? Magkunwaring hindi ginagatasan ang mga mamamayan? Magkunwaring hindi nakikinabang sa kaban ng bayan?
If that were the case, I should write the article from a different angle.
Juancho Alas Montero, faking a humble lifestyle to support his father's campaign or Juancho Alas Montero, selling his moral compass just to continue reaping the benefits of being a governor's son.
Palabas na ako ng palengke nang tumigil ako sa paglalakad. I pulled my phone out of the back pocket of my jeans and jotted down the things in my head.
I had two options for writing his article: encouraging or degrading. Kung ako lang ang magdedesisyon, I preferred the latter. Marami akong maisusulat at puwede ko pang maipasok ang nepotismo o ang pagbibigay ng politiko ng unjustified advantages sa mga kapamilya nila.
But then... is it the truth? Is Juancho really abusing the benefits available to him, or does he lead an honest, simple life?
Hay. Putanginang mental gymnastics 'to. Sabing weekend, eh!
"Let me see what you have here."
Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na nawala sa palad ko ang telepono. Dala ng gulat ay agad kong sinuntok sa tiyan ang kumuha noon sa akin.
"Fuck..."
Umawang ang labi ni Juancho kasabay ng bahagyang pag-atras niya mula sa impact ng suntok ko. Holding his stomach, he threw me a death glare.
Napatikhim ako kasabay ng bahagyang pagkalabog ng dibdib. I didn't even know he was in front of me!
"Bakit ka kasi nanggugulat?!" bulyaw ko sa kanya nang makabawi. "'Wag mo 'kong samaan ng tingin! Reflex kong protektahan ang sarili ko kapag may nararamdaman akong peligro!"
He took a deep breath and stood up straight, recovering from my punch. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa telepono ko pero ang mga mata niya ay nakatutok lang sa akin.
"Then can I hit you?"
I licked my lower lip. I could say sorry, but my poor, little pride wouldn't let me. Eh, sa nagulat ako, eh! Bakit ba! Siya 'tong tangang sulpot nang sulpot!
"You're a danger to me," he said. "Can I punch you and say it was a reflex, too?"
I cleared my throat and held my chin up. Pinilit kong hindi kabahan sa nanlilisik niyang mga mata. My heart was pounding like a fuckton of hornets, but there was no way I would show it.
Nakita niya akong kinukunan siya ng litrato. Sigurado ako. Hindi niya ako para lapitan kung hindi. He was allergic to me. Sorry na lang siya dahil walang gamot sa allergies.
"Go." I put my hands up, as if surrendering to him. Ang supot ng mga pinamili ay naingat ko rin. "Hit me as you wish."
Huh. Mas matatanggap ko pang masuntok kaysa humingi ng tawad sa kanya. Malay ko ba kung totoong nakikinabang siya sa mga kinukurakot ng tatay niya. Dapat lang siyang masuntok kung gano'n. Kung hindi naman, edi okay. Deserve niya pa rin dahil nanggugulat siya!
He shook his head in disbelief as he looked down at my phone. Wala pang isang minuto ay kitang-kita ko ang pag-angat ng isang dulo ng labi niya sa mga nakasulat doon.
Lalo naman akong nairita. Feeling guwapo amputa. Kung hindi naman mayaman, siguradong wala siyang dating!
"Akin na nga 'yan!" sigaw ko.
Sinubukan kong kunin ang telepono sa kanya pero hinawakan niya lang ang palapulsuhan ko na para akong pinapakalmang tuta.
"Juancho! Akin na!" I insisted as I tried to fight my way out of his grip. "'Wag mong masyadong kalkalin at baka makita mo ang mga porn ko!"
He gave me a sidelong glance, making me stop in my tracks.
"Oh, bakit? Lalaki lang ang puwedeng manood ng porn?" hamon ko. "'Wag na 'wag mong bubuksan ang gallery ko! Talagang ipapakalat ko na nagpapapasa ka sa'kin!"
Umirap siya bago muling ibinaba ang tingin sa screen ng phone ko. I was lying about having porn videos because he couldn't see my gallery! Bukod sa posibleng i-delete niya ang pictures na kinuha ko kanina, baka makita niya ang videos ko!
But of course, sino ba ako para makinig siya sa'kin? He knew I took pictures of him, so it was obvious he wanted to delete them. Tahimik na lang akong napamura nang makita kong miski ang class schedule niya ay idinelete niya.
Huh. Bobo siya. Naisulat ko na 'yon!
I knew I could punch him again, but I didn't want to give him more reason to hate me. May kailangan pa ako sa kanya. Hindi ako puwedeng mag-risk... kahit pa sa utak ko ay pinaglalamayan ko na ang kanyang matcho-pero-halatang-mayaman-na-palamunin body. Isa pa, hawak ko sa kabilang kamay ko ang pinamili ko.
I breathed a few times to calm myself. I couldn't act on impulse. Baka kung ano pang magawa ko sa kanya.
Pero ewan ko ba. May paraan talaga ang mundo para ipaalala sa'kin na si Millicent Rae ako, ang taong may pinakamahabang pasensiya sa balat ng lupa.
"Putangina, Juancho! 'Wag mong panoorin 'yan!"
Halos mabingi ako sa sarili kong sigaw, wala nang pakialam na nasa palengke kami at maaaring may makapansin sa amin.
Nagkumawala ako sa hawak niya nang i-click niya ang video na nagbo-boxing ako sa gym. He kept staring at the screen, kahit pa halos isangla ko na ang kaluluwa ko sa impyerno para lang makawala sa hawak niya.
"Juancho!"
Inapakan ko ang paa niya ngunit hindi siya nagpatinag. Ngayon ko lang hiniling na sana ay suot ko ang heels ni Mari para naitanim ko sa balat nitong si Juancho ang takong no'n!
"'Wag mong panoorin!" pagpupumilit ko pa. "Tangina mo! Ituloy mo 'yan at magse-send ako ng nudes sa'yo hanggang sa ma-trauma ka!"
I was so frustrated when he didn't budge. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko... at sigurado akong dahil sa matinding galit 'to! Punyeta naman kasi! Naka-sports bra lang ako roon at leggings! Baka bakat pa ang pepe ko sa suot ko!
Not having any other choice, I lifted my wrist and bit his hand. I sank my teeth into him as hard as I could because I wanted to leave my marks on his flesh.
"Velasco!"
Sinubukan niyang ilayo ang kamay niya sa akin ngunit lalo ko lang diniinan ang kagat ko.
"I'll..." Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, tinutulak iyon.
I grinded my teeth together against his skin. Kung hindi siya madadaan sa pakiusapan, siguro naman ay madadaan na siya sa kagatan!
"I'll return your phone for Christ's sake! Stop biting me like a dog!"
Isang mariing kagat pa bago ko dahan-dahang inalis ang bibig ko sa kamay niya. I was heaving when I saw the deep, red marks on his fair skin.
Habang tinitingnan niya ang kagat ay kinuha ko ang pagkakataong 'yon para hablutin sa kanya ang telepono ko. I pressed the lock button and slipped it onto the back pocket of my pants.
"Serves you right! Na-delete mo na! Hindi mo na kailangang mapanood ang video ko!" I yelled. "Lintek na 'to. Hihintayin pang mag-pisikalan bago tumigil!"
I thought he would glare back, but he just looked at me like he was trying to figure out what I was thinking.
Wala na nga ang pictures na kinuha ko sa kanya, napanood niya pa ang pagbo-boxing ko! I recorded it to check my hand speed and pinpoint any postural flaws I might need to work on. I was keeping track of my improvement. Hindi para makita niyang hinayupak siya!
His eyes moved to my left shoulder.
Doon ako napamura. He definitely saw it.
Bago pa siya makapagsalita ay suminghal na ako. "Wala na 'yong picture. Okay na ba? Puwede na ba akong umalis?" Pinandilatan ko siya. "May trabaho pa 'ko. Sa Monday na ako manggugulo sa'yo. Bye!"
Tumalikod na ako pero nang may maalala ay muli akong tumingin sa kanya. He was still looking at me, his eyes growing darker. I shot him a death glare and stuck out my middle finger.
"Ang alat mo!"
Halos takbuhin ko ang papunta sa terminal ng tricycle. Agad naman akong nakasakay. Hindi lang isang libo ang murang napakawalan ko sa utak ko. Ang sarap niyang pakyuhan! Sa susunod, dugo na sa nguso ang ibibigay ko sa kanya.
"Saan ka, toy?"
Napatigil ako sa pag-iisip.
"Sa Coop, ho..." Tumingin ako sa lalaking tricycle driver na mukhang nagulat na babae ako. "Ate."
Wala pa ring tao sa apartment nang makauwi ako. I arranged the groceries before preparing for work. Maunti lang ang napamili ko. Hindi magtatagal. I had to work my tail off to buy more groceries. Sa pagkain na lang kami madalas magkasama-samang magkakaibigan. I should at least stock up on food. Wala naman na akong pending na bayarin sa thesis ko. Hindi naman siguro malaki ang magagastos ko sa pagpapa-print ng revised version.
Habang nagbibihis ay napatingin ako sa salamin. Wala pa akong suot na T-shirt kaya nagtagal ang titig ko sa kaliwang balikat hanggang itaas na bahagi ng dibdib ko.
Tattooed there was a gray and black peony with a tangle of vines wrapping around it. At the bottom of the flower, there was a small, cursive Irish phrase that my mom used to indicate at the end of the letters she sent me before—ar scáth a chéile a mhaireann na daoine.
"We live in each other's shadows..." I whispered as I traced the tattoo with my fingers.
The peony began at the edge of my collarbone and wound its way over my chest. It was embellished with vines that curled over my shoulder blades. May ilang dahon at mga baging din na nasa kanang gilid ng bulaklak na umabot hanggang sa itaas na bahagi ng dibdib ko. The phrase was written on the left side, sloping down to suit the contours of the flower.
Napailing na lang ako. I'm sure Juancho had seen it. Kitang-kita iyon sa video dahil naka-sports bra lang ako. Aside from Kat, who had inked it herself, he was the second person to see it. Laging may sleeves ang suot ko kaya hindi iyon nakikita nina Mari at Karsen. Kapag naman lalabas ako ng banyo ay sinisigurado kong may nakataklob sa balikat ko.
It wasn't that I wanted to keep it a secret; I just didn't feel like explaining myself. Siguradong uusisain nila ang tattoo ko at hindi imposibleng makita nila ang dahilan kung bakit ko ipinalagay iyon kay Kat. I was only fifteen when I had that. Ako ang una at huling nilagyan niya ng tattoo. She said she had studied it so that she could do it for me... and she did a really good job.
"Sagot ka ng emails after ng training," sabi sa akin ni Coach nang makita akong pumapasok ng gym. "Ang dami ko pang hindi nare-replyan."
Tumango ako. "On it, Coach."
Aside from serving as a diversion, being drenched in sweat was a good way for me to think... kahit pa wala naman akong dapat isipin. It cleared my head. Kaya kapag natatapos ang sessions ko ay madalas akong magpaiwan sa Knockout para magpapawis.
With every blow I landed on the punching bag, I would think of my studies. Every drop of sweat that ran down my brow, I would think of my friends and how thankful I was to be a part of their lives.
Every time my shoes scuffed the floor, I would think of my parents, who abandoned me... my mom who used to write me letters explaining everything I couldn't understand.
Wala akong nararamdaman sa kanila kung hindi galit. Alam ko man ang dahilan kung bakit nila ako iniwan at tanggap ko mang makatarungan ang rason nila, hindi kailanman maaalis sa puso ko ang poot dahil hindi nila ako pinili... dahil hindi nila ako inisip.
My parents were the reason I wanted to be a journalist. The reason I hated politicians. The reason I learned how to defend myself.
I knew why they left me, but it would take the freezing of hell for me to forgive them.
"Clock out ka na?"
Umiling ako kay Coach. "Ako na po ang magsasara. Replyan ko lang 'tong mga email."
"Okay. Ingat." Ngumiti siya. "Send ko na lang ulit."
Hinintay ko siyang makalabas bago muling ibinalik ang atensyon sa PC. Nagpaiwan ako ngayon dahil maraming naglalaro sa utak ko. I wanted to sweat it out. Matagal-tagal na noong huli kong nabigyang pansin ang tattoo ko. It reminded me so much of why I loathed my parents.
Pinalagutok ko ang daliri bago muling binuksan ang isang email. Last na 'to.
Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita kung sino ang sender... at ang mismong laman ng email niya.
Inquiry: Enrollment Procedures
From: Juancho Alas Montero
<[email protected]>
To whom it may concern,
I've seen your promotional videos on YouTube, and I'm interested in taking Krav Maga classes. I have judo, taekwondo, and aikido training under my belt.
Can you tell me how to sign up and what the possible schedule is?
Thank you.
Sincerely,
Juancho Alas Montero
Awtomatikong umangat ang gilid ng mga labi ko. Kapag ganitong pinaglalapit kami ng mundo, sigurado akong makakapagtapos ako.
I laughed to myself as I took a picture of his email address.
"Maghanda ka na sa nudes ko, Juancho."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro