Chapter 24
Chapter 24
From: Juancho
Prepared na lahat.
Takang-taka ako nang matanggap ang mensaheng iyon. Bukod sa apat na oras kaming hindi magkausap dahil nagpaalam siyang magre-review, wala akong naaalalang kailangan niyang paghandaan.
To: Juancho
Ang alin?
It was a few days after my defense. My body was still buzzing with happiness from all the positive comments I'd received. Hindi ko akalain na magiging matindi ang epekto ng salita ng mga tao sa akin. Hindi naman kasi talaga ako mahilig tumanggap ng mga papuri.
Pero sa mga nagdaang araw, napagtanto kong niloloko ko lang ang sarili ko. Masarap sa pakiramdam ang mapansin at makilala. Kaya nitong bigyan ka ng inspirasyon para mas lalo mong galingan.
And maybe I just said I didn't like compliments because I don't hear many good things about myself from others.
Sure, I received praise for my appearance, scent, and skin, but it didn't stick much in my head because I didn't give a hoot about how I looked.
But to be recognized for my skills and passion... it was profound; its meaning stood out from the surface-level compliments. It was an instant mood elevator, a confidence booster. Maalala ko lang ang narinig, kahit nasaan ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti.
I was lost in quiet contemplation when my phone beeped. Napatigil tuloy ako.
From: Juancho
Hindi mo tanda?
Nagsalubong ang kilay ko. Ano'ng aalalahanin ko? Alam niya namang mahina ako sa memorization tapos may pa-suspense pa siya.
To: Juancho
'Wag mong gawin sa'kin 'to, please. 200 mb lang ang utak ko.
Hindi ko na binitawan ang telepono. Hinintay ko lang ang sagot niya.
From: Juancho
The human brain has 2.5 million gigabytes of storage space, Mirae.
"Amputa," bulong ko sa sarili bago nagtipa ng sagot sa kanya.
To: Juancho
Yabang mo. Sinabi ko bang tao ako?
From: Juancho
Silly. But in your 200 mb, how come our date didn't make the cut?
"Date?" I muttered, confused. "'Yong real date?! Seryoso ba siya ro'n?!"
From: Juancho
I was looking forward to it, and you don't remember?
Manonood ng movie, kakain sa isang restaurant, pupunta sa art gallery at magpho-photoshoot, magpapakain ng stray animals, at magca-camping sa gabi?! Mapagkakasya ba namin sa iisang araw 'yon?
Kumamot ako sa ulo ko. Hindi ako prepared!
To: Juancho
Tanda ko. Jinojoke lang kita. Handa na nga ang isusuot ko, eh. I love you.
To: Juancho
'Wag kang magtatampo. Saksakan ka pa naman ng arteng hayop ka.
From: Juancho
Really? What are you wearing? A dress?
Napatulala ako sa screen. Una, date. Tapos ngayon, dress?! Saan galing 'yon?! Sweatpants lang, T-shirt na malaki, at ang luma kong Chuck Taylor!
From: Juancho
Oh, and I love you, too. I'm excited to spend the whole day with you.
I grunted as I erased my planned reply of "Anong dress ang pinagsasabi mong impakto ka?" because I realized how sweet he was even in text messages.
Nakakabwisit. Wala naman akong dress! Saang impyerno ako maghahanap no'n ngayon?!
"Amari!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto ng kaibigan.
"What?!" masungit na sigaw rin niya mula sa loob.
Pinagpatuloy ko ang pagkatok, hindi alintana ang pagtataray niya.
"Itutumba ko 'tong pinto mo kapag hindi mo ako pinagbuksan!"
Rinig na rinig ko ang pagdaing niya. "Nag-aaral ako!"
"Sampung minuto lang! Sisigaan ko 'yang mga libro mo!"
She stomped in with her heavy feet, and soon enough, she was standing at the door, a tangle of loose curls framing her glaring almond-shaped eyes.
"What the fuck is wrong with you?" maarteng bungad niya na parang hindi ako ang naglalaba ng panty niya kapag busy siya sa pag-aaral.
"Pahiram ng dress," mabilis na sabi ko.
"Huh?"
"Dress!" Pinandilatan ko siya. "Pahiram ako."
Nagsalubong ang kilay niya. "Aanhin mo naman? Wala ka namang pageant, ah?"
Tumikhim ako. Tangina naman kasi ni Juancho! May pa-dress pang nalalaman! Alam na alam naman niyang hindi ako mahilig sa ganoon!
"May event ako bukas," pagpapalusot ko.
"At sinasabi mo talaga sa'kin 'yan ngayon?" Tumingin siya sa orasan sa dingding ng sala. "Mag-a-alas dose na!"
"Bawal makalimot? Kapag ikaw ang nagpapabili ng mga kailangan sa school project mo, kahit madaling araw, naghahanap ako ng bukas na tindahan!"
She grumbled in frustration. "May mga naiwan si Karsen. Doon ka na lang maghanap. Hindi ko pa naayos ang damitan ko."
"Mukha ba akong magsusuot ng pink?"
Huminga siya nang malalim, parang nagtitimpi. "You are such a pain in the ass, Millicent."
Iniawang niya ang pinto kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok. Dumiretso siya sa cabinet niya habang pinagmamasdan ko ang maliit na mesang puno ng mga papel na inaaral niya.
Mabuti na lang talaga at hindi siya kilalang-kilala ni Juancho. She was literally his dream girl, and I wouldn't dare blame him. Kung lalaki ako, siya rin talaga ang gugustuhin ko. Bukod sa maganda at matalino siya, pinapahaba niya rin ang pasensya ko.
"Ano bang kulay ang gusto mo?" tanong niya, malumanay na.
Napabuga ako ng hangin. Jusko, salamat naman! Kung bubungangaan niya ako, baka masabi ko pang may date ako bukas kaya ako magde-dress! Na-i-imagine ko na agad ang tawa ng gaga!
"Neutral lang," sagot ko.
"Give me the deets." Mula sa cabinet ay lumingon siya sa akin. "Tell me what the event is so I can choose the right dress for you."
I cleared my throat. "Basta. 'Yong casual lang. Hindi mahaba. Hindi maikli."
"Okay..." she trailed off. "Here."
Para akong mahihimatay nang maglabas siya ng puting damit.
"Gago, ano 'yan? Polo?!" bulalas ko.
Short sleeve lang iyon, at kahit hindi ko pa naisusukat, sigurado akong aabot iyon hanggang sa kalahati lang ng hita ko. It was collared and buttoned down.
Umirap siya. "It's called a shirt dress. Binili sa'kin 'to ni Kat dati. Hindi ko na lang nagamit kasi bitin sa'kin."
"Ang gulo naman n'yan. Shirt dress? Ano ba talaga? Shirt o dress? Ang ikli!"
Itinapat niya ang hanger sa balikat ko at sinipat ang fit noon sa akin. "Sakto lang sa'yo 'to."
"Dress ang kailangan ko, hindi puting polo!"
"Dress 'to!" pamimilit niya. "Feeling mo ba ang tangkad mo?"
"Eh, ayoko 'yan!"
She raised her brow. "Then I won't give you anything else. That's the most casual dress I have."
Mukhang desidido siya sa pagpapahirap sa buhay ko kaya wala akong ibang nagawa kung hindi haklitin ang hanger sa kanya. Kunot ang noo kong pinagmasdan ang "shirt dress," iniisip kung kaya ko bang isuot 'yon.
"What time are you leaving tomorrow?" she asked.
"Hindi ko pa alam."
Tumikhim siya. "Sabihan mo 'ko. Aayusan kita."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ayokong gawin 'yon. Hindi ako sanay.
"Light makeup lang. Kung event 'yon, hindi ka puwedeng pumunta na para kang napadaan lang," aniya pa.
I heaved a sigh. Juancho Alas Montero, ano'ng ginagawa mo sa'king tarantado ka?
"Ge," sagot ko. "Baka hindi rin ako rito matulog bukas. Ipagluluto na lang kita ng hapunan mo. Iinit mo na lang pag-uwi."
Bumalik ako sa kwarto ko na nahihiwagaan pa rin kung paano ko isusuot ang lintek na dress. Sinubukan kong mangalkal sa damitan ni Karsen, pero bukod sa pink, puro pastel colors ang nandoon.
Para tuloy akong nakakita ng rainbow at unicorn!
The following day, I got up thirty minutes before 7, even though Juancho had told me we'd see each other at 9. Hindi na ako nagpasundo sa kanya kahit na nagboluntaryo siya.
Inayos ko ang mga dadalhin ko—T-shirt, sweatpants, at extra underwear para sa camping, DSLR at tripod para sa pictures, charger ng camera at phone, at ilan pang gamit para sa toiletries at personal hygiene.
Pagkatapos kong maligo ay inayusan na agad ako ni Mari. She painted a thin layer of eyeliner on my upper lash line, filled in my eyebrows, and coated my lips with a tinted lip balm. Binigyang-buhay niya rin ang pilik-mata ko. Ginamitan niya iyon ng curler at mascara.
"Magpi-piercing ka?" tanong niya nang dumaplis ang tingin sa kanang tainga ko.
Tumango ako. "Hindi naman OA, 'di ba?"
"Oo..." Napangiti siya. "Maganda."
Ngumiti na rin ako. Matagal-tagal na akong hindi naghihikaw dahil bawal sa school ang maraming ganoon. I have three studs in my lobes and two huggie hoops in my helix. Gusto ko ang pagsusuot noon dahil na-a-accessorize ang mukha ko.
"Ayan," saad ni Mari at saka inayos ang hibla ng buhok ko para magmukha iyong curtain bangs. "Aalis na rin ako. May kliyente ako after lunch. Manghihiram lang muna ako ng libro sa library. Sabay na ba tayo?"
Agad ang pag-iling ko. Hindi naman kasi ako sa school pupunta. "Umuna ka na," sabi ko pa.
She just shrugged. I watched her as she moved around the house, and in less than twenty minutes, she left.
Tumayo ako sa salamin. Hindi ko maiwasang mamangha sa nagagawa ng kamay niya. Angat na angat ang kulay ng mata ko dahil sa manipis na eyeliner at mascara. Nagmukha ring malambot na malambot ang labi ko. Kahit tuloy hindi ko hilig ang mag-ayos, sigurado akong magugustuhan ni Juancho ang itsura ko ngayon.
The dress I was wearing also went well with my fair complexion. Tama nga si Mari—sakto lang ang haba noon sa akin. It ended about three inches above my knees, and despite having a straight cut, it was tailored in such a way that it gently clung to my hips. Mas maliit ang balakang ko kay Mari. Kung siya ang magsusuot, talagang mabibitin sa kanya 'to.
I waited another thirty minutes before receiving a message from Juancho saying he was on his way to the mall, where we would see the movie as soon as the cinema opened. Dahil naisara ko na ang mga bintana at nahugot na ang plugs ng appliances, hindi na ako nag-aksaya ng oras at umalis na rin.
From: Juancho
Parking na, baby. Meet me here.
Sa parking lot na ako dumiretso nang makababa ako ng jeep. Halos magtago ako sa hangin para hindi agad ako ma-haggard. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Juancho sa itsura ko. Subukan niya lang na pagtawanan ako, uulanin ko talaga siya ng mura maghapon.
Dahil maaga pa at halos kabubukas lang ng mall, wala pang masyadong sasakyan. Naging madali sa akin ang makita siya.
Nakasandal siya sa motorsiklo, ang sikat ng araw ay tumatama sa may kaputiang balat kahit na nakasilong siya sa maliit na puno. Medyo magulo rin ang buhok niya. Marahil ay dahil sa pagsusuot ng helmet.
He didn't notice I was already there because he was too preoccupied with his phone. His ripped shoulders were displayed through his slim black leather jacket, and I couldn't help but adore them. Sinamahan pa ng puting T-shirt na hakab na hakab din sa dibdib niya. His crisp, dark blue jeans and white sneakers finished off his look.
Binasa ko ang labi at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kanya. Nang maramdaman ang presensya ko, mabilis siyang nag-angat ng tingin.
Kahit na may bitbit akong tripod case habang nakasabit sa balikat ko ang may kalakihang shoulder bag, hindi iyon naging alintana para kumaway at ngumiti ako sa kanya.
Hindi siya ngumiti pabalik kaya unti-unti kong ibinaba ang kamay. Usually, when we were this far apart, he would take out his phone and film me while keeping a close eye on me. Pero ngayon, nakatitig lang siya sa akin. Ni hindi na halos gumagalaw.
Nang makalapit sa kanya ay ipinatong ko ang tripod case sa upuan ng motor. Amoy ko ang bango niya, at muling ipinakita sa akin ng mundo kung gaano ako kaliit kapag siya ang katabi ko. Kahit hindi siya nakatayo nang maayos, ni hindi ko siya natangkaran.
He drew himself straight and walked behind me, making me feel even smaller.
"Hi," he breathed out.
Humarap ako sa kanya at bahagyang tumingala para tingnan ang mukha niya. Nakayuko na siya sa akin, para bang hinihintay na gawin ko 'yon.
"Nag-ayos ka..." kumento niya.
Ngumuso ako at pabirong napangisi. "Natural ko 'to."
His perfect set of pearly whites appeared as he let out a chuckle. "Really?"
Imbes na sumagot, itinagilid ko ang ulo. Nag-iinit ang puso ko habang tinitingnan ang saya sa mga mata niya.
"What?" he whispered with a ghost of a smile.
Umiling ako. "Ang guwapo mo."
Mukhang nagulat siya roon dahil natigilan siya. Napaiwas pa siya ng tingin habang binabasa ang labi.
"Arte..." panunudyo ko.
Huminga siya nang malalim at ibinalik ang atensyon sa akin.
"I wish we were indoors," he said.
Sinimangutan ko siya. "Lagi na lang sa bahay mo! Ngayon nga lang tayo lalabas, eh!"
His gaze lowered to my mouth, and before I could react, his thumb brushed against my lower lip.
He swallowed hard. "I want to kiss you..."
Nag-iinit ang mukha kong tinabig ang kamay niya. "Malandi ka!"
"Yeah." He laughed softly as his right hand made its way to mine. "But for now, this will do."
Hindi niya binitawan ang kamay ko habang kinukuha ang tripod case sa upuan ng motor. Pinalagay niya rin sa compartment ang ilang laman ng bag ko para hindi raw ako mabigatan.
Magkahawak-kamay kaming tumulak papasok ng mall. Unlike most malls, this one had a storage container at the security checkpoint, so we left my tripod case there. We then had breakfast, with him footing the bill. Ni hindi niya ako hinayaang maglabas ng kahit piso. Ang rason niya, siya ang nagyaya at wala raw akong dapat alalahanin dahil ginalingan ko noong defense.
"We still have forty minutes before the movie. What do you want to do?"
Alas onse ang pinakamaagang show. Kahapon ay inasikaso na niya ang tickets kaya hindi na namin kailangang pumila para bumili.
"Hindi ko alam," sagot ko. "Wala ka bang ibang kailangang gawin?"
"Bakit? Sasamahan mo 'ko?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Malamang. Halos nakaposas na ang kamay ko sa'yo. Kahit saan ka pumunta, talagang makakasama mo 'ko."
He grinned as he glanced at our intertwined hands. "I'm actually looking for a book—"
I grunted, cutting him off. Napahalakhak siya.
"Gusto ko lang mag-advance study. May taxation na kasi kami next school year," pagpapaliwanag niya.
"Oo na..." Inirapan ko siya. "Isa-isahin na natin ang bookstores na nandito."
He broke into a smile. We started exploring bookstores, perusing rack after rack of publications. Humiwalay ako sa kanya habang hinahanap niya ang kailangang libro. I browsed the biography, literary fiction, and history shelves. When I finished, I returned my gaze to him, only to sulk because he wasn't done yet.
"Ang tagal," reklamo ko sa sarili.
Dahil walang magawa, kinuha ko ang DSLR sa bag ko at itinutok iyon sa kanya. He was so absorbed in his reading that I was able to sneak some great shots of him without his knowledge. He was hauntingly attractive, with dark, mysterious eyes and slightly parted lips.
Mula sa camera, nakita ko ang pagbababa niya ng libro at pagsilip sa puwesto ko kanina. Kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa paligid, at nang makita ako ay napahinga siya nang malalim.
"Ma'am, excuse me."
Nawala ang atensyon ko kay Juancho nang may lumapit sa aking lalaking staff.
"Yes?"
Ngumiti ito. "Puwede po ang camera pero bawal picturan ang pages ng libro."
Tumango ako. "Okay, thank you."
Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili lang siya sa puwesto. Hindi ko na sana siya papansinin kung hindi lang siya tumikhim.
"May kailangan ka pa?" mahinahong tanong ko.
Agad siyang umiling. "I-a-assist ko po kayo."
"Ah!" I chuckled awkwardly. "Wala naman akong bibilhin. May hinihintay lang ako."
Nahihiya siyang ngumiti. "Pinababantayan po..." dahan-dahang sabi niya, parang nagdadalawang-isip pa.
Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. In-off ko ang camera at ibinalik na iyon sa loob ng bag ko.
"Babe, what's going on here?"
Hindi pa ako nakakapag-angat ng tingin kay Juancho ay naramdaman ko na ang pagpulupot ng bisig niya sa baywang ko.
"Mag-a-assist lang po, sir," sagot ng lalaki.
Hindi agad ako nakapag-react. Para akong naestatwa sa paraan ng paghawak ni Juancho sa akin.
"Why? Do you need anything?" he asked me, his voice gentle.
Iling lang ang tanging naisagot ko. Ibinalik niya ang atensyon sa lalaki at tipid na ngumiti rito.
"She's okay," he said. "Thank you."
Nakakaintinding tumango ang huli. Nagpaalam siya sa aming dalawa, at nang makaalis siya sa harap namin ay tinanggal ko ang kamay ni Juancho sa akin.
"PDA ka!" mahina ngunit mariing saad ko.
Nagkibit-balikat siya. "My bad. I thought he was hitting on you."
"Nagtatrabaho 'yong tao! Ang dumi ng utak mo!"
He ignored my remark; instead, he gently took my hand as if I were a child.
"Dito ka nga," sabi pa niya bago ako isinama sa puwesto niya kanina.
Nakasimangot akong nanahimik habang pinapanood siyang maghalungkat na naman ng mga libro. He would take two or three minutes to skim the book before putting it back on the shelf. We moved to different frames, and I just went with him.
"Tagal mo," reklamo ko nang higit limang minuto na niyang sinusuri ang isang itim na libro.
Lumapit ako sa kanya. Akmang sisilipin ko na kung ano ang binabasa niya nang mabilis niyang ibinalik iyon sa shelf—sa pinakaitaas—kahit na hindi naman iyon doon nakalagay.
"Ano 'yon?" takang tanong ko.
"Wala."
Lalo akong nagtaka sa tipid na sagot niya. "Ano nga?"
"Wala nga..." Marahan siyang tumawa. "Wala rito 'yong hinahanap ko. Tara na?"
Umiling ako. "Ano muna 'yong binabasa mo? Bakit hindi mo ipinakita sa'kin?"
Dinampot niya ang kamay ko. "Kulit."
"Nahihiya ka? Hindi ba tungkol sa batas 'yon?" tanong ko pa.
Hindi niya ako sinagot. Diretso ang tingin niya sa labas habang binabasa ko naman ang ekspresyon niya.
"Ah, alam ko na! Bible 'yon, 'no? Ayaw mong ipaalam sa'kin na relihiyoso ka!"
Nanliliit ang mga mata niyang sumulyap sa akin. "Your brain is really something."
"Eh, ano kasi? Kama Sutra?"
Napalitan ng gulat ang pagtataka niya.
"What?"
Napatawa ako. "Sabi na, eh! Kama Sutra 'yon. Mag-aaral ka ng sex positions."
"Millicent!" Pinandilatan niya ako. "We're in public."
"So? It's sex education," pagrarason ko. "Tama 'yan. Aralin mo. Kapag hindi ka magaling, habambuhay kitang tutuksuhin."
Halos higitin niya ako palabas ng bookstore. Namumula ang mukha niya kaya malaking-malaki ang ngisi ko.
"The book is called The Art of Seduction," hirap na pag-amin niya. "Now stop talking about sex in public."
I burst into laughter. "The Art of Seduction? Shuta ka! Sino namang aakitin mo at limang minuto mong binasa?"
Inirapan niya ako at hindi na pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hawak pa rin ang kamay ko.
"Invested ka pa, ha!"
I probably looked like a madwoman teasing him while he patiently held my hand.
"Kung wala ako ro'n, sigurado akong nabili mo na 'yon! Kaya pala magaling kang lumandi. Inaaral mo rin!" pagpapatuloy ko pa.
Hindi ko siya tinigilan hanggang makarating kami sa cinema. Hindi naalis ang ngisi ko kahit habang bumibili siya ng snacks namin. Tuwing magtatama tuloy ang mga mata namin, suplado siyang umiirap sa akin.
The movie was two hours long. Even though it was dark and there were only a few people in the cinema, he never touched me. Parang iwas na iwas pa siya. Kapag hinahawakan ko ang kamay niya, hindi iyon nagtatagal ng higit tatlong minuto dahil bumibitaw agad siya.
After the movie, we went to the security desk to get the batteries for my DSLR because cameras weren't allowed inside the cinema.
Juancho had already made reservations at a casual dining restaurant for us, so although I was still a little full, I devoured everything that was brought to the table—braised short ribs served with house salad, French fries, and steamed vegetables, pumpkin soup, and a slice of red velvet cake.
"You like it?" he asked as he dabbed the corner of my mouth with his handkerchief.
"Mhmm!" I nodded, all giddy. May lamang cake ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita agad.
"I'll save more. I'll take you to fine dining next time."
I swallowed the food in my mouth and gave him a broad smile.
"Mag-aambag ako. Mahal ba 'yon?" tanong ko. "Wala akong idea. Hindi kasi kami kumakain ng mga kaibigan ko sa ganitong lugar. Kapag may pera kami, ipinandadagdag lang namin 'yon sa grocery. Marunong naman kaming lahat magluto... lalo si Kat! Kahit kakaunti ang sahog, kaya niyang pasarapin. Ginugupitan niya pa ng dahon ng pechay o malunggay 'yong mga plato namin para kunwari maganda 'yong plating."
Nakatingin lang siya sa akin habang nagkukuwento ako. May maliit na ngiti sa labi na parang naiisip niya ang sinasabi ko.
Tumingin ako sa paligid at napansing nasa akin ang atensyon ng ilang customer. Natutop ko ang bibig, bahagyang natatawa.
"Maingay ako?" pabulong na tanong ko.
He put his elbow on the table and rested the side of his face on his knuckles, staring straight at me.
"No," he said. "Continue your story."
I narrowed my eyes. "Nasaan na ba ako?"
"Plating ni Kat."
"Ah, ayun!" Bahagyang tumaas ang boses ko. "Badtrip na badtrip si Mari kapag nangyayari 'yon. Siya kasi ang nakatokang magwalis. Dahil hindi naman namin kinakain, minsan, hinahangin sa sahig. Nahihirapan siya kapag dumidikit do'n."
Panay ang kuwento ko tungkol sa mga kaibigan at mataman naman siyang nakinig. Madalas ay may follow-up questions pa siya kaya alam kong nasa akin ang buong atensyon niya.
"Your eyes..." he said as we left the restaurant.
"Hmm? Bakit?"
"They look even more beautiful when you talk about what you love." A sincere smile spread across his face, clouding his features with happiness. "I wonder what they'll look like when you tell people about me."
Our date went smoothly. We went to an art gallery, where I took many pictures of him. I was pretty good at photography, and though I knew he was hesitant to do everything I asked, I still made him pose for the camera.
Mayroong nakatalikod, mayroong pinaggigitnaan siya ng dalawang malaking statue, mayroong parang naglalakad lang siya, at mayroong seryoso siyang nakatingin sa camera habang ang nasa likuran niya ay ang dingding na puno ng painting.
Isinet-up ko rin ang tripod para makuhanan kaming dalawa. Pinatanggal ko pa ang itim niyang leather jacket para parehas kaming nakaputi.
I felt complete joy just imagining how good these pictures would look after I had edited them. He was the pinnacle of masculinity with his rugged good looks, making him an ideal model.
He attempted to photograph me several times, but his shots only highlighted how short I was. Ang katwiran pa, hindi niya raw kasalanang maliit ako.
Kung hindi lang talaga ilegal at mahal ang babayaran, naibato ko na ang mga antigong banga sa kanya!
"Wala naman kasing matino, Juancho!" reklamo ko habang iniisa-isa ang mga larawan. "Ang gaganda ng kuha ko sa'yo, tapos itong akin kung hindi nakabusangot, puro naman nakatawa!"
Sumilip siya sa camera. "I-send mo sa'kin 'yan lahat, ha?"
"He! Ide-delete ko 'tong akin! Ang papangit!"
"Tsk. 'Wag kasi. Ang totoo ng mga tawa mo d'yan, eh."
"Totoo rin 'yong simangot ko!"
Ginulo niya ang buhok ko. "Hindi na 'ko nanalo sa'yo, Millicent."
Napakalma niya ako nang bilhan niya ako ng Doraemon na lobo sa matandang nagbebenta sa labas ng art gallery. Dahil may katapat na parke iyon, doon namin napagdesisyunang maghanap ng stray animals. Bumili kami saglit ng ulam at kanin sa mga karendirya. Itinanong pa niya ang lahok ng mga putahe na para bang alam na alam niya ang puwede at bawal sa mga hayop, lalo na sa aso.
The park was home to a lot of strays, the majority of which were cats and dogs. I helped Juancho feed them, but he did most of the work. He told me to sit on a bench where I watched him have so much fun with them. Kahit tapos nang kumain, nakipaglaro pa siya sa mga ito.
I smiled to myself. I think that's one thing I often forget about him—his soft spot for animals, especially homeless ones.
Since he began his term as student council president, the university has not had a single stray animal go unchecked. If not adopted, most were taken care of by the maintenance and canteen staff. He took the time to organize a charity event to help them, which reflected well on his character.
For some reason, even though it was the last thing I wanted to think about, I knew that he would develop more into a remarkable leader... a great politician.
Napailing na lang ako sa sariling isipin.
Great and politician—two words I never thought I would put together.
I had long given up on politics because I realized that there was no such thing as a good politician—only the lesser of two evils.
Kung mayroon man, hindi ibinoboto ng mga tao o hindi kaya'y sinisiraan sa publiko ng maruruming kalaban. Kapag naman may mabuting nailuklok, inaalisan ng boses at kapangyarihan. Sa dulo, gaano man kalinis ang intensyon nila, wala rin silang nagawa para sa bayan.
It was mortifying, and what made it worse was that many people continued to trust these filthy politicians even after being confronted with the truth.
"Mirae, look!" tawag ni Juancho, dahilan para maputol ang pag-iisip ko.
May buhat na siyang isang tuta habang ang ilan pa ay nagkukumahog sa binti niya. Halata sa mukha niya ang saya, at alam kong tinawag niya ako para ipakita na gusto siya ng mga ito. He patted their heads, rubbed their chins, and treated them so gently.
Tumayo ako at naglakad papunta sa direksyon nila.
"Hoy, akin 'yan!" pagbibiro ko sa mga aso. Ang mga pusa kasi ay tamad lang na nakayukyok sa semento.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay nag-una-unahan na ang mga ito sa pag-alis. Miski ang tuta sa bisig ni Juancho ay naglumikot kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang ibaba ito.
"Joke lang kasi!" nakangusong angal ko habang pinapanood ang paglayo nila.
"Tinakot mo," natatawa namang saad ni Juancho.
"Makatakbo akala mo gagawin ko silang pulutan..." bulong ko. "Makikihimas lang, eh..."
Si Juancho na ang lumapit sa akin at inakbayan ako. Halos bumaba ang balikat ko sa bigat niya. Pabiro ko siyang sinuntok sa tiyan at gumanti naman siya sa pamamagitan ng pag-ipit sa akin.
"Juancho!"
Ngumisi siya at lalo pa akong inipit. Tuloy, habang naglalakad papunta sa motor ay para kaming tanga sa daan. May ilang napapatingin sa amin pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Not when my man was having the time of his life squishing me!
"Kapag nagpakasal tayo, gusto ko ng alaga sa bahay, ha?" sabi pa niya.
"Ayoko!"
"Gusto ko ng hayop..."
Kinalmot ko ang bisig niyang nakapulupot pa rin sa akin. "Meow!"
Napahalakhak siya. "What?"
"Hayop hayop ka pa!" Napatawa na rin ako. "Hindi pa ba sapat ang pagkahayop ko sa'yo?!"
"No! That's not what you said!"
We were still so pumped up when we got to the farm. I found out that it belonged to the mayor, his uncle, and that it had been abandoned for many years. He just turned it into his own private spot where he could run to when life became too much to bear.
Sa lahat ng pinuntahan namin ngayong araw, masasabi kong ang farm ang pinakainihanda niya.
Dahil alam niyang madilim na kaming makakarating sa lugar, nakapagset-up na siya ng solar lights sa paligid. May water hose na rin na nakakabit sa gripo at isang drum ng tubig.
"Hindi ko pa naaayos ang tent," sabi niya nang makababa kami sa motor.
"Tutulungan kita."
Tumango siya. "I know you'll say that."
Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Itinali ko sa side mirror ng motor ang lobo habang kinukuha niya ang tent sa loob ng cabin.
When he stepped out, I was surprised at how big the tent was. I'd say five to six people could easily fit inside. He also carted out some mats, pillows, a blanket, a cushion, and a few more sleeping pads. Hindi ko alam kung sinong reyna ang nasa isip niyang pagsisilbihan niya at ganito siya kahanda.
"I don't want you to hurt your back," he said when he caught me giving him a puzzled look.
"Ako ba talaga o ikaw? Sanay ako sa matigas na kama, 'no! Saan mo ba napagkukuha 'yan?"
Binasa niya ang labi. "Sa kaklase. Nanghiram ako."
Something warmed my heart in an instant. I realized that he really had gone to great lengths to make this day memorable, even though there wasn't any special occasion other than the success of my defense.
Alam kong busy siya. Kung susumahin, halos wala na nga siyang oras para sa sarili. Ang isiping naglaan siya ng panahon upang ihanda ang lahat para sa akin... hindi ko maiwasang lalong mahulog sa kanya.
Natahimik ako. Habang isine-set-up namin ang tent, binalikan ko ang nangyari buong araw.
Our loud, gut-busting laughter, our constant teasing, our peaceful dialogues, our entwined fingers—everything.
I didn't know that Valentine's Day could happen at any time. I didn't know how he turned an ordinary day into something I knew I would remember for the rest of my life.
I was doomed... but happy. Ever since he came into my world, I felt like I could write millions of words about him, describing how his soothing, big hands and soft, reddish lips could make my heart flutter and how his small smiles could render me speechless.
Hindi lang siya masarap magmahal; ang sarap niya ring mahalin.
"Kain na tayo," yaya niya matapos naming mag-set-up.
Walang imik akong lumapit sa kanya. Humawak ako sa braso niya at bahagyang sumandal doon.
"Pagod ka na?" malambing na tanong niya.
Umiling ako. "Masaya lang..."
Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "Ako rin."
We stood there in silence for a while, feeling each other as if we hadn't just spent the whole day together.
He started arranging the folded chairs and small table a few feet from the tent's opening while I prepared our dinner, which we bought at the carinderia we went to earlier.
As I ate, I quietly hoped that life could always be this comfortable—free of clamor, expectations, sadness, and painful pauses.
"Ako na ang mag-aayos dito. Maligo ka na muna," sabi ko sa kanya.
Inamoy niya ang T-shirt. "Mabaho na 'ko?"
"Hindi. Para lang makapagpahinga ka na."
Umalpas ang ngisi sa labi niya. "Is that concern I'm hearing?"
I glared at him. "Tigilan mo 'ko. Bilisan mo nang kumilos."
"Grumpy." Tumawa siya at umabante sa akin. Bago ko pa malaman ang gagawin niya, gigil na gigil na niyang pinisil ang ilong ko. "Ibulsa kita, eh."
Mabilis siyang nagnakaw ng halik sa akin, dahilan para hindi na ako makapagreklamo. Nang maglakad siya patungo sa tent, rinig ko pa ang mahihinang paghuni niya. Hindi ko tuloy maitago ang ngiti ko. Kahit hindi ko kita ang mukha niya, alam kong masaya siya.
It didn't take me long to clean up everything. Pumunta ako sa tent para ihanda na rin ang mga gamit ko. Nag-send din ako ng text kay Mari para ipaalala ang pagkain niya. Nang mapansing pa-lowbatt na 'yon, kinuha ko sa bag ni Juancho ang powerbank niya. Kaya lang, napagtanto kong nasa motor pa ang charger ko. Hindi ko naman puwedeng gamitin ang kay Juancho dahil magkaiba kami ng brand ng phone.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa motor. Nakatuon doon ang atensyon ko, ngunit nang marinig ang tunog ng pagtalsik ng tubig sa lupa, napalingon ako sa pinanggalingan noon.
Agad na namilog ang mata ko nang makita ang hubad na likod ni Juancho. Naka-pitis at may kahabaang boxer shorts lang siya habang binabasa ng water hose ang matikas na katawan.
Tuluyan akong napatigil sa paglalakad, bahagya pang umaawang ang labi sa nasasaksihan. Madilim sa puwesto niya, pero dahil sa mga solar light sa paligid, kitang-kita ko ang paglagaslas ng tubig sa likod niya.
I had always known he had a body that women would give their lives for. Halata naman kasi iyon sa paraan ng pananamit niya. Malapad na balikat, matitigas na mga braso, matipunong dibdib, mahahabang biyas, at makinis na balat. Sa tuwing magkayakap pa kami, wala akong nararamdamang taba sa tiyan niya. Halatang batak sa trabaho at workout.
Pero ngayong harap-harapan kong nakikita ang kabuuan niya, hindi ko maiwasang manibago. I knew he was ripped and muscular... I just didn't know it was this much.
Napasinghap ako nang mapagtanto ang tinatahak ng isip. Kung bakit ba naman kasi lumabas pa ako ng tent gayong alam kong naliligo siya!
I sighed heavily. I was about to return to the tent when he shifted his gaze toward me, stopping me dead in my tracks.
Agad na puminta sa mukha niya ang pagkamangha nang magtama ang mga mata namin. Sinubukan kong ibukas ang bibig para magpaliwanag, ngunit walang namutawing salita roon.
I just froze in place, unable to take a single step. My heart was pounding furiously, and the blood was boiling from my cheeks.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Ang sigurado lang ako ay nahuli niya akong pinapanood siya... namboboso!
"Come."
Halos manlamig ako sa sinabi niya. Tuluyan niyang ipinihit ang katawan paharap sa akin, ni walang bakas ng hiya. Lalo tuloy nagwala ang dibdib ko.
"M-May kukunin ako..." My voice betrayed me. "Sa motor! Oo! 'Yong motor mo! May bagay akong naiwan do'n!"
Rinig sa akin ang pagkataranta. Itinagilid niya ang ulo, parang nahihiwagaan sa inaasal ko.
"Doraemon!" sabi ko pa, hindi na maalala kung bakit ba ako pupunta sa motor niya. "'Yong lobo... tama! Kukunin ko si Doraemon! Ipapasok ko sa tent!"
Tumango siya, medyo naaaliw. "Really..."
"Oo!"
Pinatay niya ang gripo at minuwestra akong lumapit. Sunod-sunod naman ang pag-iling ko.
"You're so tense," he said, chuckling. "It's okay. I won't punish you for watching."
"I'm not watching!"
"And crows are white..." he muttered as he motioned for me to come over again. "Come on. Help me wash my back."
"Eh!" pagtanggi ko. "Aasarin mo lang ako!"
Umiling siya. "Hindi."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Promise?"
"Yes, ma'am."
I gulped. Nagkibit-balikat siya at muli akong tinawag. Binasa ko ang labi ko bago napabuga ng hangin.
I made my way toward him—deliberate and slow. I could feel my spine tingling while the hairs on my nape stood up because of panic. My mouth was running so dry that I had to swallow hard as I walked.
He handed me the bar of soap and the water hose. Hindi ko alam ang gagawing pag-iiwas ng tingin sa katawan niya, at alam kong pansin niya iyon dahil marahan siyang tumawa. Hindi ko na lang siya pinatulan lalo't nanaig sa akin ang pagkailang.
"Ayaw mong makipag-usap?"
Ngumuso ako. "Ayaw."
"Okay..." Tumalikod siya sa akin. "I won't say anything..."
Binuksan ko ang gripo at binasa ang likod niya. Nanginginig pa ang kamay ko nang sinimulan kong sabunin iyon.
It was silky smooth, and massive. It was perfect... like that of a god who could impose power just by looking.
He was bulky, and whenever I touched his muscles, I could feel them trembling weakly against my fingertips.
Nanunuyo ang lalamunan ko habang ginagawa iyon. Para akong nawalan ng lakas. Ni hindi ko sigurado kung nasasabon ko pa ba siya nang maayos.
"Put a little pressure on," napapaos na sabi niya.
I licked my lips before following his order. Idiniin ko ang sabon sa balat niya. Dahan-dahan at puno ng pag-iingat. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging ganito kahinahon samantalang para na akong matutumba sa pagkabalisa.
"That's enough. Wash it now."
Muli ko siyang sinunod. Kasabay ng pagbabanlaw ng likod niya, banayad ko rin iyong hinaplos. The goal was to get rid of all the foam, but I felt like I couldn't do it right... especially because he stiffened slightly as if my touch startled him.
Hindi pa ako tapos ay humarap na siya. Halos mapaatras ako sa gulat. Tikom ang mga labi niya at madilim na ang itsura.
Tumikhim ako. "Bakit..."
Mula sa mukha, bumaba ang mata niya sa leeg ko. Agad akong napalunok. Akala ko ay magtatagal doon ang atensyon niya, pero nagkamali ako.
Bago pa man ako magkaroon ng pagkakataong makapagbitaw ng salita, nalipat na ang tingin niya pababa... sa dibdib ko.
I clenched my fist in restraint. Slowly, I turned to look at myself, following his gaze. I felt a shiver ran through my veins when I realized that my upper body was already exposed.
Because the water got to me, my black bra was on display, revealing a fraction of my breasts.
Nanlalamig ang kamay kong hinila palayo ng katawan ko ang damit para hindi iyon dumikit sa balat ko. Narinig ko siyang napabuntong-hininga.
"I'll finish in five minutes. Go back to the tent first," mariing sabi niya.
Parang sinilaban ang katawan ko nang madaplisan ng tingin ang umbok sa harapan niya. Even against the boxer shorts, it was bulging... like it wanted so badly to spring open. Hindi ako inosente para hindi maintindihan ang ibig sabihin noon.
"A-Ano..." I stammered.
"Yes. So, do yourself a favor before I lose control."
Kinuha niya ang water hose at sabon sa kamay ko. Mahigpit na nakakuyom ang panga niya, kita ang ugat sa leeg, at mabababaw ang paghinga.
"Alis na..."
Humakbang ako patalikod, at kahit nanghihina ang tuhod ay sinikap kong maglakad palayo. Ramdam ko ang nakakapaso niyang tingin pero hindi ko na siya ulit nilingon.
Hinihingal ako nang makarating sa tent. Hinawakan ko ang dibdib at pinakiramdaman ang mabilis at malakas na kabog noon. Hindi ko alam kung paanong nag-iinit ang katawan ko gayong medyo nabasa ako.
Pumikit ako at pilit na ikinalma ang sarili.
I was a grown woman; it was normal for me to feel sexual tension, especially around someone as fuckably attractive as he was!
Juancho... he was smoking hot. Sculpted, rough, and massive—the emblem of a man. All so masculine and commanding.
"Millicent," mahinang pagalit ko sa sarili. "For Christ's sake, think about something else!"
Wala akong ideya kung ilang minuto ang naaksaya ko sa pagpapatahimik sa utak ko. Sinilip ko si Juancho, at napahinga ako nang maluwag nang makitang papasok na siya sa cabin. Kahit kinakapos pa sa paghinga, kinuha ko na ang mga gamit para makapaglinis ng katawan. Inilabas ko rin ng tent ang bag ko para hindi ako magdumi sa loob mamaya.
Underwear lang ang itinira ko habang naliligo. Sumiksik pa ako sa pinakamadilim na parte ng bukid para hindi ako makita ni Juancho... kahit pa duda akong titingnan niya ako.
I rubbed every inch of my body, trying to get rid of the scorching heat. Nang matapos, isinuot ko ulit ang dress, pero this time, hinubad ko na ang basang underwear ko.
Kipit ko sa dibdib ang tuwalyang inihanda ni Juancho nang tahakin ko ang daan papuntang tent. Sa isiping nasa cabin pa siya, hindi na ako nagdalawang-isip na maging pabaya nang makarating ako roon. Isinilid ko lang sa bag ang plastic kung saan nakalagay ang underwear ko at isinampay ang tuwalyang ginamit ko.
"Hey."
Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Juancho. Lumingon ako sa tent, at laking gulat ko nang makitang nakasilip na siya roon.
"Kanina ka pa d'yan?!" bulalas ko.
"Yeah?" Itinagilid niya ang ulo. "No'ng naliligo ka..."
"Ba't hindi ka nagsasalita?"
"Because I was fixing our bed."
Lumabas siya ng tent, naka-sweat shorts na at muscle tee.
"Wala kang dalang extrang damit?" tanong niya pa.
Hindi ko alam kung bakit, pero nanumbalik sa akin ang hiyang naramdaman kanina nang mahuli niya akong pinanonood siya.
God, I don't think I can ever forget that! Para akong manyak!
"Meron," tipid na lang na sagot ko.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago naglakad patungo sa bag ko na nasa bukana lang ng tent. Idiniretso ko ang tingin doon... kahit pa hinihigit ni Juancho ang atensyon ko. Hindi pa nakatulong na nasa gilid lang 'yon ng paanan niya.
I carefully bent down to pick up my clothes. Imposible nang dito ako makapagbihis dahil nandito siya. Kahit isarado ko ang tent, mas magiging komportable ako sa cabin.
Dahil bahagyang natataranta, nahirapan akong halungkatin ang gamit ko. Pasasalamat ko na lang na hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay. Amoy ko pa ang mabangong singaw ng sabon sa katawan niya.
"Millicent..." His baritone sent chills down my spine.
Bitbit ang kahahanap lang na pantulog ay tumayo ako. Hinarap ko siya, at sa pagtatama ng mga mata namin, halos matupok ako sa alab ng tingin niya. Mas mainit at madilim kaysa kanina... mas naaanigan ng makamundong pagnanasa.
"What are you doing?" he asked, his voice straining from impatience.
I didn't know what to say. The intensity in his eyes reignited the fire I felt earlier, deeming me silent and frail.
I mean, I was just picking up my clothes. I didn't do anything for him to be this... triggered.
Nahigit ko ang hininga nang inisang-hakbang niya ang distansya namin. Gamit ang hintuturo ay iniangat niya ang baba ko.
"What? Hindi mo alam?" hamon niya, ang mainit na hininga ay humaplos sa aking mukha at tainga.
"Alin..." napapaos na tanong ko, hindi na malaman kung saan itututok ang atensyon.
Gumalaw ang dibdib niya sa tahimik na pagsinghap. Mula sa baba ko, naglandas ang kamay niya sa likuran ko, at hinila ako palapit sa kanya. Nabitawan ko ang nasa kamay at mabilis na kumapit sa balikat niya. Ang mga mata namin ay nanatiling nasa isa't isa.
I breathed deeply when I felt his fingers gliding across my hip.
"Juancho..." I muttered, breathless.
Instead of soothing me, he slid his lips up my neck and nibbled at my ear lobe, tasting my sensitive flesh.
"This," he whispered as he cupped my rear.
I tightened my grip on his shoulder and closed my eyes, almost shivering at his touch. He stroked it with his palms, making me lose all sense of reality.
With a muffled grunt, he moved his free hand to my waist and then slowly raised it to my left bosom.
Bumikig sa lalamunan ko ang daing na gusto ko sanang pakawalan. Nangunyapit ako sa balikat niya para suportahan ang sariling bigat.
"I told you I'm not a saint," he mumbled. "Why did you have to walk around me in that skimpy dress without any underwear on?"
Hindi ko na naproseso ang sinasabi niya. Ang atensyon ko ay tuluyan nang nahigit ng paglalaro ng daliri niya sa dibdib ko.
Without my dress between us, I would feel his hand on my bare skin. From my neck, he made his way up. He taunted my lips with a deep kiss, sucking on them so hard that it felt like he was taking all the air out of me.
I shrieked into his mouth when he picked me up. I wrapped my legs around his torso as our tongues battled for control.
Naramdaman ko ang paglalakad niya papasok ng tent, at nang ihiga niya ako sa kutson, natunaw na lahat ng pangamba ko.
Sandali siyang humiwalay sa akin para isarado ang net ng tent. Humihingal ako habang pinapanood siyang i-zip iyon, wala nang pakialam sa mga mangyayari. Nang bumalik sa akin, pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko, ang mga mata ay nababalutan ng pagnanasa.
I knew my legs were out in the open because I could feel the brisk air brushing against them. I also knew that with a flick of his hand, he could see my center. But I didn't care. I wanted him... and I wouldn't dare deny my own desire.
He carefully climbed on top of me, making sure not to squish me. His length immediately poked my legs, driving me into another frantic pit.
"I'll only ask you once, so you have to be honest," he said in a low, controlled voice.
My lips were apart, my gaze hazy from wanting him. I focused on his eyes because they were looking down at me.
"Are you sure about this?"
Mapanghanap ang mga mata niya—marubdob at nakakapaso. Inabot ko ang kamay niya, na tila sinadyang hindi humawak sa akin, habang nagtatanong. Ipinatong ko iyon sa kaliwang dibdib ko, at pinanood kung paanong lalong dumilim ang mga mata niya.
Hindi siya gumalaw. Unti-unti kong pinisil ang kamay niyang nasa dibdib ko, kulang na lang ay magmakaawa akong haplusin niya iyon.
"Use your words..." he breathed out.
"Please..."
His eyes fluttered. He started drawing a series of concentric circles around my throbbing tip, teasing, and making sure not to touch it. In my folds, I could feel a pulsating need for him.
"Juancho..." I pleaded.
He gave me a lopsided grin while still massaging my globe. "Hmm?"
"Please..."
"Please, what?" His hand traveled to my legs, and I bit back a cry when he touched the inside of my thigh, almost brushing against my folds.
Parang sinasadya niyang hindi ibigay sa akin ang gusto. He would touch me, but not in the places I craved.
"I will not continue without your verbal consent," he whispered.
Gusto kong mapamura. I was in my peak! Ano'ng gusto niya? Pumirma pa ako ng waiver?!
"Fuck you..." I panted.
He chuckled sexily. "You will. Just say the word."
"Ang dami mong seremonyas," nanghihina pa ring saad ko.
Impatient, I reached for his hand again, and this time, I put it on top of the garment covering my core. He was taken aback, but I couldn't care less.
I looked right into his eyes and gave him a firm nod.
"Say it..." he rasped.
I let out shallow, shaky breaths. I was almost arching my back, begging him to touch me.
"Do it," I whispered, panting. "You're the one I want to give myself to. Take me as you please..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro