Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23




Chapter 23

For weeks, it occupied my mind—marrying Juancho and spending the rest of my life with him. It gave me more drive to do well in everything I did. Parang biglang nawalan ng lugar ang pagod sa puso ko.

"Your thesis is quite good," he commented as he read my manuscript on his laptop.

Nasa bahay niya kami ngayon—sa kwarto. Galing pa ako ng school dahil nagpasa ako ng weekly report ko sa internship coordinator namin, at dito na ako dumiretso para magpahinga. Wala kasi akong pasok sa opisina tuwing Sabado at Linggo. Sakto pang gabi ang shift ko sa gym.

"Na-proofread na kasi ni Mari," sabi ko naman.

"I mean, the topic itself," he said, his gaze settling on me. "Maganda."

Niyakap ko ang unan niya. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nakaupo sa study table niya. Nagpalit pa ako ng damit bago humiga dahil alam kong ayaw niyang madumihan ang bed sheet niya—kahit pa hindi niya naman ako pinagagalitan tungkol doon.

"Mag-aral ka, hindi 'yang thesis ko ang pinapakialamanan mo," saad ko, nakatagilid ang katawan paharap sa kanya.

He had been sitting there for more than an hour, studying some cases and reading his notes, but he still hadn't stood up. Ngayon niya nga lang din ako pinansin. Mabuti na lang at nag-e-enjoy akong panoorin siya.

Mahina siyang tumawa habang ibinabalik ang tingin sa laptop. "I'm taking a break."

Napangiwi agad ako. Punyetang break 'yan. Thesis?!

"Ayaw mo bang humiga na lang?" tanong ko.

"And what?" Sumulyap siya sa'kin. "Cuddle you for hours?"

Umawang ang labi ko. "Aba, wala naman akong sinabi, ah?! Mukha bang uhaw na uhaw akong makipagyakapan sa'yo?! Ang init-ini—"

"Ako ang may gusto," agap niya bago tuluyang iniikot ang swivel chair paharap sa akin. "I'd love to stay in bed with you, but you should know by now that every time I do that, I miss out on studying."

Bumusangot ako. Totoo naman 'yon. Tuwing may ginagawa siya at nakikitang bakante ako, tumitigil siya at tumatabi sa akin—nasa kwarto man kami o sala. Kapag tuloy may exam o recitation siya, inaabisuhan niya akong huwag nang bumisita.

"Hindi ko kasalanang masyado kang clingy," sabi ko.

He shrugged. "I'm not blaming you."

Itinaas ko ang yakap-yakap na unan hanggang sa matakluban ang bibig ko.

"Nadi-distract ba kita?" tanong ko.

Tumango siya kaya lalo akong napasimangot. Hindi ba ang pag-aaral niya ang distraction sa amin?

"What?" He chuckled, probably noticing my frown.

"Wala!" sumpong ko bago tumalikod sa kanya. "Magbasa ka na d'yan. Ako na lang ang magpapahinga kung ayaw mo."

Narinig ko ang muling pagtawa niya. "Come here. Let's review your thesis."

"Ulol. Mag-isa ka."

"Bilis na," pamimilit niya. "Defense mo na next week. You should be preparing."

"Prepare," I echoed mockingly. "May damit na 'ko."

"You know that's not what I mean."

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya umisod ako pagitna sa kama. Alam na alam ko ang mga ganitong padali niya! Pipilitin niya akong mag-thesis!

"Natutulog 'yong tao, Juancho, ha!" reklamo ko nang madama ang kamay niya sa baywang ko. "Kung hindi ka nang-aabala, nananaginip na sana ako!"

Napapiksi ako nang higitin niya ang katawan ko. Mabilis lang iyon, parang hindi manlang siya nabigatan sa akin. Iritable akong humarap sa kanya, at lalo lang dumoble ang inis ko nang makitang naaaliw pa siya.

"Kung bubwisitin mo lang ako, bumalik ka na lang sa pagno-novena mo!"

Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng ngisi.

"Ano'ng nakakatawa?" tuya ko.

Umiling siya at pinilit na sumeryoso. "Bumangon ka na kasi. Mag-mock defense tayo."

Ibinaba ko ang yakap pa ring unan at nang-aakusang tinitigan siya.

"Hindi mo ba ako kilala?" ekseharadang tanong ko. "Si Mill ako! Nag-aaral lang ako kasi required, at may thesis lang ako kasi nasa curriculum!"

He nudged forward and pinched my nose, parang gigil na gigil.

"Ang kulit mo," sabi niya pa.

Tinabig ko ang kamay niya. "Aprubado na ng adviser ko ang thesis ko kaya tigilan mo na 'yan. Kung magkakaroon man ng revisions, minor lang. Ayokong i-stress-in ang sarili ko d'yan."

"But you have a good topic." Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan, nasa akin pa rin ang mga mata. "Ayaw mong i-discuss sa'kin?"

"Bakit? Panel ka ba?"

Agad ang pagsimangot niya. "You really have no romance in your bones."

"Romance? Sa thesis?!" bulalas ko.

"It's a study date."

Halos mapatanga ako sa kanya. Ako ba talaga ang niyayaya niya no'n?! Parang hindi niya naman alam na mas maraming beses pa akong nakapunta sa guidance office kaysa sa library!

"Puwede bang yayain mo na lang akong mag-shabu?"

Napairap siya sa biro ko. Pinadausos niya ang swivel chair pabalik sa mesa at humarap na ulit sa laptop.

"Sige na. Magpahinga ka na. Tatapusin ko lang 'to," walang-tinging aniya.

Ngumuso ako. Puta, ang arte.

"Nagtatampo ka agad?" tanong ko.

"Hindi."

Iniarko ko ang kilay, hindi naniniwala sa kanya. "Totoo?"

Isang beses lang siyang tumango.

Napamura ako. Inis akong umupo sa kama, at agad siyang napatingin sa akin.

"Napakaarte mo," angal ko bago tumayo at lumapit sa kanya. "Mag-aaral pa. Kitang Sabado, eh!"

Awtomatiko akong umupo sa kandungan niya at madali namang pumaikot ang kamay niya sa baywang ko.

"Sa Lunes pa kami magmo-mock defense ng mga kaklase ko. Nangunguna ka masyado," patuloy na reklamo ko. "Ang sarap-sarap ng higa ko tapos susumpungan mo 'ko."

Tahimik niyang iniayos ang upo ko sa kanya. Ang kanang kamay ay nagkokontrol sa laptop habang ang isa ay nakapalibot sa akin. Ramdam ko ang banayad na pagtama ng hininga niya sa leeg ko at ang pirmi ng bisig niya sa baywang ko.

"You're done?" mahinang tanong niya nang itigil ko ang pagmamaktol.

Hindi ako sumagot. Narinig ko na lang ang mababa at marahang pagtawa niya.

"You love me," kumento niya pa.

Paangal akong lumingon sa kanya. I noticed a glint in his eyes and a grin on his lips, as if he was having a great time. Siniko ko ang dibdib niya, pero lalo lang lumawak ang ngisi niya.

"This is emotional manipulation."

Binasa niya ang labi. "How so?"

"Ginagamit mo ang nararamdaman ko para masunod ang gusto mo. Alam mong mahal kita at hindi kita matitiis—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may mapansin. "Seryoso ako! 'Wag kang ngumiti-ngiti d'yan!"

Tuluyan siyang napatawa. "You're so clueless."

"Huh?"

Inilipat niya ang tingin sa laptop. Saka ko lang napansin ang pamumula niya.

"Puta," bulalas ko. "Kinikilig ka?!"

"No." He poked his tongue into his inner cheek as if he was trying to hold back his emotions. "Come on. Ituloy mo na ang reklamo mo."

"Ang alin?!"

"Continue." His lips curled back into a faint smile. "'Yong sa hindi mo 'ko matitiis..."

We stayed that way for a few more minutes before discussing my thesis. Ni-review niya ang research questions, methodologies, at findings ko. Tinulungan niya rin akong gumawa ng outline para sa possible loopholes. He then advised me to finalize my presentation quickly so we could run through a more formal practice defense before the actual thing.

Gusto kong magreklamo. Inaalis niya ang pagiging relaxed student ko. Alam ko mang para sa'kin 'to, tinatamad pa rin ako!

"'Wag ka nang sumimangot," paglalambing niya. "Pagkatapos ng defense mo, I'll take you out on a real date."

Pinanatili ko ang kunot sa noo. "Anong real date? Manonood tayo ng sine?"

"Mhmm..." pagsang-ayon niya. "Gusto mo 'yon?"

"Kakain tayo sa labas?" tanong ko pa.

"Yeah."

"Art gallery? Photoshoot?"

"Anything you want." He chuckled. "We could also buy food for stray animals and go camping at night."

"Doon sa bukid na pinuntahan natin?"

Tumango siya. "Kahit saan mo gusto..."

My heart thumped with excitement. Dito kami sa bahay niya laging nagda-date. Bukod sa mas komportable, nakakatipid pa kami. Kuntento man ako roon, hindi ko pa rin maiwasang masabik sa kaisipang lalabas kami.

"Basta seryosohin mo ang defense," aniya. "Deal?"

I nodded eagerly. "Deal."

Nag-aral pa siya pagkatapos noon bago kami tumulak sa gym. Isa't kalahating oras siyang nag-training at saka nagpaalam sa akin na pupunta na sa trabaho. Madaling araw na siyang natapos kaya madaling araw na rin akong natulog. Bukod sa hinintay ko siyang makauwi, nagpasundo rin si Mari.

My days went on like that. Araw-araw kaming magkasama at magkausap. Kahit hindi ako nagre-reply kapag nagso-sort ako ng documents sa office, patuloy ang pag-u-update niya. Miski ang mga dini-discuss ng professor ay sinasabi niya sa'kin. Para bang manghang-mangha siya sa natutunan at walang ibang mapaglabasan noon.

He didn't have any close friends; he just had a lot of acquaintances. May mga nakakasama at nakakatawanan ngunit walang kadikit na kadikit. Kaya siguro ang pagkakakilala sa kanya ay masikreto. Parang piling-pili kasi ang mga pinapapasok niya sa buhay niya.

Magkaibigan sila ni Psyche, pero inamin niya sa'king hindi siya komportableng magsabi ng problema o magkuwento kahit kanino. Probably because he was an only child and his father was rarely around. Nasanay na siyang kimkimin ang lahat ng pinagdadaanan—masaya man o hindi.

So now that he was opening his heart to me, I felt special. Tahimik siya sa iba pero madaldal siya sa'kin. Suplado siya sa iba pero malambing at maalaga sa'kin. Although his strict and authoritative side was always on display, he never once treated me like I was beneath him. Isang dilat, iling, at saway lang, kaya niya akong papirmihin... lalo tuwing nagiging sutil ako.

Unang araw ng defense, halata sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkabalisa. Kanya-kanya sila ng hawak ng papel, nagsasaulo ng sasabihin. Inabisuhan kaming 15-20 minutes lang ang pagpe-present dahil marami-rami kami, at dalawang araw lang available ang lahat ng panelist.

"Nanggigisa raw!" hiyaw ng isang kaklase kong kapapasok lang sa room. "Tingnan n'yo! Kalahating oras na si Chua hindi pa lumalabas!"

Lalo silang nataranta—halos bulatlatin na ang mga manuscript nila. May parte sa akin ang kinakabahan din, pero may tiwala ako sa thesis ko. Kung mahahanapan man ng mga panelist ng butas, wala na akong magagawa.

"Si Mill ang chill lang!" Si Jewel.

Napatingin sa akin ang ilang kaklase kaya napatawa ako. "Back to back n'yong saulo ang mga thesis n'yo tapos natataranta pa kayo?"

"Nanggigisa raw, eh!"

Umismid ako. "Edi mamaya na kayo mataranta."

They looked at me helplessly, and I just gave a shrug. Nagpapahangin lang ako sa tapat ng electric fan. Ang laptop at manuscript ko ay iniwan ko na sa arm rest. Alam ko na ang flow ng presentation ko. Bahala na kung ano'ng mangyayari.

Naramdaman ko ang pagvi-vibrate ng telepono ko sa bulsa ng suot kong slacks. Isang beses ko pang tiningnan ang mga kaklase ko bago kinuha ito.

From: Juancho

Done with my first subject. What are you doing?

To: Juancho

Nag-aaral. Kinakabahan na ako.

Napatawa ako sa sagot ko. Hindi kami magkasabay na pumunta sa school ngayon dahil maaga ang klase niya. Gusto niya pa nga sana niyang manood kung wala lang siyang ibang pinagkakaabalahan. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat 'yon o ano.

From: Juancho

I don't believe you. Baka pinagtatawanan mo pa ang mga kaklase mo.

"Hindi maloko si gago..." bulong ko sa sarili.

To: Juancho

Ang pangit naman yata ng imahe ko sa'yo?!

Dalawang minuto ang lumipas bago ako nakatanggap ng sagot.

From: Juancho

I can hear you in my head, baby. It's funny.

From: Juancho

And for the record, you're never ugly.

Labis na nag-init ang mukha ko. Putangina, ang landi-landi! Kung gaano siya ka-landi sa personal, ganoon din siya ka-landi sa text! Gustong-gusto ko naman! Bwisit!

Magre-reply na sana ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Nilingon ko agad kung sino iyon, at nakita ko si Derek. Nakatayo pa siya sa gilid ng arm chair, parang hinihintay ang pagsang-ayon ko bago siya maupo.

"Magpapahangin lang din..." malumanay na sabi niya.

Tumawa ako. "Ge lang. Para ka na namang kakainin, eh."

Napakurap siya bago dahan-dahang umupo. Ibinalik ko ang atensyon sa telepono at ni-replyan na lang si Juancho na mabilis din namang sumagot. Sanay na siyang hindi ko pinapatulan ang panghaharot niya sa'kin sa text, pero natatawa pa rin ako kapag nagrereklamo siya.

To: Juancho

Tigilan mo 'ko. Baka hindi mo kayanin kapag pinatulan ko ang panlalandi mo.

From: Juancho

Try me.

To: Juancho

Sure ka?

From: Juancho

Yeah.

Pinisil ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngisi. Naririnig ko rin siya sa utak ko! Ang arte ng boses!

Nang makaisip ng sasabihin ay isinend ko agad sa kanya 'yon.

To: Juancho

Tite ka ba?

From: Juancho

WHAT THE FUCK

From: Juancho

MILLICENT RAE

I couldn't help but laugh at his reaction. Inasahan ko na 'yon.

"Nakakatawa ka pa, Mill. Iba ka talaga," kumento ng isang kaklase.

Sa aliw ko sa kausap ay hindi ko na siya napansin. Nagtipa agad ako ng panibagong reply.

To: Juancho

Sasabihin ko sana pasok ka kasi nang pasok sa utak ko, pero 'wag na tangina ka.

From: Juancho

You could've said that directly!

To: Juancho

Eh, pick-up line nga, eh! Makapag-inarte ka parang ang linis ng bibig mo! Hindi naman taboo word 'yon!

From: Juancho

Still. You shocked the hell out of me!

It was so entertaining. Naiisip ko na ang pamumula niya. Ang arte talaga. Akala mo naman bago sa pandinig niya 'yon.

To: Juancho

Tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite tite

From: Juancho

One more word, and I'll really think you're asking for it.

Mabilis kong naibaba ang telepono ko sa pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ramdam ko ang pamumutil ng pawis ko kahit na nakatutok pa rin sa akin ang electric fan.

Bwisit na lalaki! 'Wag niya akong hamunin dahil papatol talaga ako!

"Ayos ka lang?"

Napalingon ako kay Derek.

"Ano..." Lumabi siya. "Namumula ka kasi..."

Huminga ako nang malalim at bahagyang ikinalma ang sarili. Nakakahiya, puta. Kitang-kita yata ang bakas ng kalandian sa mukha ko! Nahahawa na ako kay Juancho!

"Mainit," pagrarason ko.

Mahina siyang tumawa. "Oo nga, eh. Dapat siguro tanggalin mo muna ang coat mo."

Hindi ko maiwasang mamangha sa lumanay ng boses niya. Para siyang takot na kuting mula sa paraan ng pagsasalita hanggang sa paraan ng paggalaw niya. I always wondered why he wanted to be a journalist when he was this scared. Para siyang mababasag... napakayumi at banayad.

"Sorry," bawi niya, marahil ay napansin ang paninitig ko.

Nagkibit-balikat ako at muling humarap sa electric fan.

"Sinabihan na kita tungkol d'yan, 'di ba?" saad ko. "'Wag kang mag-sorry kapag wala kang kasalanan."

"S-Sorry..."

I grunted. "Jusko ka, Derek."

Natahimik siya kaya nagbuntong-hininga ako. I looked back at him and saw that he was still in the same submissive position. Nakayukyok at parang nahihiya.

"Umamin ka nga," pahayag ko.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nang makitang nasa kanya ang atensyon ko, bumalik siya sa pagkakayuko.

"Punyeta," bulalas ko. "Pinatay ba kita no'ng past life mo at gan'yan ka katakot sa'kin?"

Napahawak siya sa tainga. "H-Hindi naman ako takot..."

"Sus! Kulang na lang mapaihi ka kapag nakikita mo 'ko."

He slowly looked up at me again. "Nahihiya lang... ako."

Sa hina ay hindi ko na halos iyon marinig.

"Ano'ng nakakahiya? Apat na taon na tayong magkaklase. Dapat nga nayayaya mo na 'kong makipag-inuman ngayon."

Tumawa pa ako para pagaanin ang mood sa pagitan namin.

"Hindi naman ako nag-iinom, Mill..."

Sininghalan ko siya. "Ang corny mo, 'no? Hindi ka nagsasalita, hindi ka tumatawa, hindi ka nakikisalamuha. Paano ka magiging mamamahayag n'yan? Magaling ka mang magsulat, kailangan mo pa rin ng tapang at boses. Paano ka makikipag-usap sa tao? Ano 'yon? Mamumutla at yuyuko-yuko ka lang?" litanya ko.

He didn't answer. He just kept looking at me.

"Sayang ang potential mo. Matalino ka, eh. Kaya lang sa career na tatahakin natin, hindi puwedeng wala tayong bayag," pagpapatuloy ko. "Masyado kang takot. Mabubugbog agad ang kumpyansa mo kapag nakapasok ka na sa industriya."

Napabuntong-hininga siya. "Sinabi na rin sa'kin 'yan..."

"Nino? Ni Capuso?"

Umiling siya. "Ni Tatay."

"'Yon naman pala, eh. Ba't ayaw mong subukan? "Talk to people, socialize with them, and listen," saad ko. "Eh, ako pa nga lang ang kausap mo parang manginginig ka na."

"Sinubukan ko naman, Mill." Ngumiti siya nang pilit. "Sumali pa nga ako sa pageant, 'di ba?" Halata sa tinig niya ang dismaya. "Kaso, ano'ng magagawa ko? Ito talaga 'ko, eh..."

Nangalumbaba ako at lalong tumitig sa kanya. He obviously had very low self-esteem. Sa loob ng apat na taon, ni hindi siya nanlaban o sumagot manlang sa mga akusasyon na bakla siya. Mas naiinis pa nga ako kapag naririnig ko 'yon. In the first place, wala naman sa amin ang may karapatang i-assume ang sexual orientation niya. Bobo lang talaga ang mga taong nag-iisip na may "gay radar" sila.

Mabuti na rin at hindi ko siya kaibigan. Lagi akong mapapaaway kapag nagkataon.

"'Wag ka ngang yumukyok," saway ko.

"Huh?"

Tinapik ko nang may kalakasan ang likuran niya at nahalata sa mukha niya ang gulat.

"Tuwid!"

"M-Mill..."

Pinandilatan ko siya. "Tumuwid ka!"

He straightened his back, which gave him a little more height.

"'Yan!" saad ko bago bahagyang itinulak pataas ang baba niya.

He looked awkward... but much, much better. Maitsura siya. Maganda ang malalamlam na mga mata at bagay na bagay sa kanya ang morenong kutis.

"Hindi kailangang malaman ng mundo na mababa ang tingin mo sa sarili mo," mariing saad ko. "Lahat tayo may takot; talo ka lang kung magpapalamon ka d'yan."

Tumayo ako at isang beses na tinapik ang likuran niya.

"Galingan mo sa defense. Mabalitaan ko lang na nagpatanga-tanga ka, ako ang unang babatok sa'yo."

Umalpas ang maliit na ngiti sa labi niya. "I-Ikaw rin..."

"Huh? Laksan mo ang boses mo! Hindi kita marinig!"

"Ikaw rin," mas may kalakasang sabi niya.

Umiling ako. "Hindi ko marinig. Bahala ka."

"Ikaw rin!"

Lihim akong napangiti. "Wala 'to..."

"Ang sabi ko, ikaw rin!" His clear, loud voice was enough to get everyone's attention. "Galingan mo rin!"

Iniipod ko ang upuan at lumikha iyon ng ingay. I chuckled smugly, pleased with the outcome of my provocative action. Kailangan lang talaga niya ng practice at trigger. Sana ay sanayin niya ang sarili dahil nakakabadtrip ang mukha niya kapag lagi siyang nagpapanggap na hangin.

"Hanggang graduation, kung lalapit ka sa'kin na para kang tuta, kamao ko ang sasalubong sa'yo, naiintindihan mo?"

Inosente siyang tumango.

Umismid ako at iginalaw ang ulo ng electric fan papunta sa mismong puwesto niya. "Ayan na. Solohin mo. Pawisan ka, eh."

"Thank you..."

"Thank you," tudyo ko. "Ayusin mo!"

Dinampot ko ang telepono sa armrest at tumalikod na sa kanya. Wala sa plano kong bungangaan siya. Hindi ko lang talaga maiwasan lalo't alam kong nakakahon pa rin siya. Hindi lang naman siya sa akin takot—halos sa lahat ng tao. Malaking bagay nang nakakausap niya 'ko. Tahimik kasi talaga siya sa room.

Sa labas ng room ako tumambay para magpahangin, at nang silipin kong muli ang telepono ko ay halos mapanganga ako sa dami ng notification noon. Ni hindi ko manlang napansin ang vibration!

From: Juancho

Bakit hindi ka na nag-reply?

From: Juancho

30 minutes before my next subject. Ano nang ginagawa mo?

From: Juancho

Miraeeeeeee

From: Juancho

Oh, you're probably studying. I understand. I actually like that. You should know your priorities.

From: Juancho

Fuck, ang tagal naman.

From: Juancho

Wala na. My prof's already here.

From: Juancho

Best of luck, baby. I'll see you later.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ang pag-iinit noon. God, nobody else could make me blush like this but him! Kuhang-kuha niya ako sa mga kalandian niya! Kahit tuloy alam kong hindi bagay sa akin ang mag-inarteng parang matuwid na babae, hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakairita. Paniguradong mukha akong bruskong namumula.

To: Juancho

Arte mo puta akala mo kikiligin ako sa gan'yan?

To: Juancho

Oo hahahahaha pakyu ampanget

Isinilid ko na sa bulsa ng slacks ang telepono ko dahil alam kong hindi na siya makakapag-reply.

"Juancho, Juancho..." bulong ko sa sarili, napapangiti habang naiisip siya.

Tangang-tanga ako sa kanya. I liked how he could keep me in place, tie me down, and still make me feel a broad range of emotions. I liked how I could show him everything without shame and say things without reservations. I liked myself with him. And it was a novel sensation because I had never liked myself before.

In the back of my mind, I knew that the only kind of man who could capture my interest was a strong leader or someone who took life virtuously.

Nang makilala namin ang kasintahan ni Karsen—si Kobe—humanga ako sa pagiging lalaking-lalaki niya. Siya ang tipo ng taong alam kong aalagaan ang kaibigan ko. Ganoon din si Leon na kahit hindi pa pormal na ipinakikilala ni Mari sa amin, sigurado akong iingatan siya. They were both serious and quiet. Almost had the same personalities. Magkaiba lang talaga ng interes. O siguro may pagkakaiba sila na hindi ko malalaman dahil hindi ko naman sila personal na kilala.

At some point, Juancho wasn't that different from them. Seryoso rin siya at tahimik. Aalagaan niya ako at iingatan. Ramdam na ramdam ko 'yon hanggang sa kaibuturan ng puso ko.

I guess what drew me to him was that he wasn't someone I could completely command and that he wouldn't throw away his values for anyone, not even me. Hindi siya ang tipong mauulol sa isang tao. Yes, he was all over me, but that didn't change the truth that he was a natural leader who could realign someone's moral compass.

Hindi mahina ang loob niya. Hindi siya takot na pagalitan ako kahit pa ang kapalit noon ay ang galit ko.

And I liked that so much about him. I liked how he wouldn't turn a blind eye. I liked that he wasn't submissive or vulnerable. Masyadong brusko ang ugali ko. Hindi ako matitiis ng mga lalaking mahihina ang loob. Wala rin naman akong balak na magbago para sa kanila. Kaya nga ang mga tipo ni Juancho ang gusto ko.

For the next few hours, he exerted total control over my thoughts. Isang oras kong pinasahan ng basa ang manuscript ko, at nang mabakante ay nag-browse lang ako ng pictures namin. It got me so pumped up that any tension I felt about my defense went away.

"Mag-prepare na raw 'yong next!"

Nang marinig iyon mula sa kaklase ay tumayo na ako. Pangalawa ako sa huli at kakaunti na kaming nasa room. Ang ilan ay nag-iiyakan dahil sa dami ng revisions na ipinapagawa. Sayang nga at wala si Sadie. Bukas pa kasi ang schedule niya.

To: Juancho

Next na 'ko. Kung mamamatay man ako sa loob, pakisabi na lang sa mga kaibigan ko na mahal ko sila.

To: Juancho

At saka ikaw.

Isang malalim na buntong-hininga pa bago ako tuluyang nag-focus. Sa ibang room kami magde-defense kaya tumambay ako sa labas noon para hintaying matapos ang nakasalang. Hindi naman nagtagal at namumutla itong lumabas.

Tahimik akong napadasal. St. Juancho and St. Mari, pray for me.

Pumasok ako sa loob at isinet-up na ang laptop ko. Kahit hapon na ay mukhang laban na laban pa rin ang panelists. Sa dami ng araw na pipiliin nilang magsipag, ngayon pa talaga nila naisipan.

"Good afternoon," I said as I faced them. "I'm Millicent Rae Velasco, and my research is entitled, Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib: How the Government Influences Public Opinion Through the Media."

Nagsimula akong magsalita. Inalala kong mabuti ang mga naaral ko at ang mga naituro nina Juancho at Mari sa akin.

"It focuses on what BS Criminology students think about how the government uses censorship to influence the community when people see content that is critical of the current administration," I said.

Sinusubukan kong huwag mag-focus sa reaksyon nila pero hindi ko maiwasan. Pare-pareho silang nakasalubong ang mga kilau habang nakatingin sa manuscript ko.

"The widespread red-tagging of journalists inspired my research because it prompted me to question the basic principles of journalism.." I breathed deeply. "Could it be that objectivity is just neutrality? As an aspiring journalist, I was taught to not only report the facts but also to take a stand."

Halos palakpakan ko ang sarili nang makita ang pagngiti ni Dean. Naging tuloy-tuloy ang pagpapahayag ko, ni hindi na masyadong tinitingnan ang nasa presentation. Kung ano ang laman ng puso ko tungkol sa ginawang pag-aaral, 'yon lang ang sinabi ko.

"Ms. Velasco..." sabi ng isang panel matapos kong magsalita.

Nagwala ang dibdib ko dahil alam kong strikta siya. Nakatingin lang siya sa manuscript ko, nakakunot ang noo at parang anumang oras ay may sasabihing hindi maganda.

"Maghapon na kami rito. Buong araw, narinig na namin ang iba't ibang topic at halos lahat kayo ay iisa ang pinakatinutumbok."

May bumikig sa lalamunan ko. Narito ang karamihan sa mga professional. May ilan ding homeroom officers na nakaantabay. Sanay man akong mapahiya at tanggap ko man ang magiging resulta ng thesis ko, ipinanalangin kong huwag sana silang masyadong marahas magsalita. I could take suggestions for improvement, but I couldn't take insults.

"I didn't expect this from you."

Pinilit kong ngumiti. Bahala na. At least, tapos na. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Don't let their words get to you, Mill.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, at ganoon na lang ang gulat ko nang bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya.

"You'll make an outstanding journalist. Mark my word."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Ni hindi ako nakapagsalita sa gulat.

"Your manuscript is well written. Your presentation is very articulate. I can feel the passion and resolve in your voice."

It sounded new to me. Kinurot ko ang sarili para tingnan kung nasa utak ko lang ba ang lahat o ano... pero hindi. It was really happening. To me. To a person who never once heard a compliment from a teacher.

"I agree." Si Dean. "I saw your potential at the pageant, and I applaud you for that. You know what your stance is. And now it's refreshing to hear you talking like a professional." Tumawa siya. "Not even a stutter."

I was speechless. There was an unfamiliar tightening in my chest... unfamiliar because it was not painful. Sa buong buhay ko, hindi naabot ng isip ko na makakatanggap ako ng mga ganitong salita sa kanila.

Nang tumingin ako sa likod ay nakita ko si Ma'am Capuso. Sa unang pagkakataon matapos ang pagtatalo namin tungkol sa pulitika, totoo at malawak ang ngiti niya sa akin.

"Good job," she mouthed.

Wala nang pumasok sa utak ko matapos 'yon. Sa formatting lang ako may babaguhin pero sa mismong content, plantsadong-plantsado na. Dumiretso ako sa room at halos marinig ko ang sabay-sabay na buntong-hininga ng mga kaklase ko nang makita ako.

"Okay lang 'yan, Mill. May ire-revise naman tayong lahat," pagpapakalma pa nila sa'kin.

"Ang sungit ni Dean, 'no?"

"Hoy, oo! Saka si Ma'am Quizon! Perfectionist!" tukoy sa babaeng pumuri sa akin.

Tulala akong naupo, hindi pa rin makapaniwala sa magagandang bagay na narinig. Parang hindi para sa akin... parang imposibleng sinabi nila na... magiging magaling na journalist... ako.

Kinuha ko ang telepono at agad na itinext ang mga kaibigan ko tungkol sa nangyari. Nanginginig pa ang kamay ko. Tatawagan ko na sana si Juancho nang makatanggap ako ng text mula sa kanya.

From: Juancho

Done with class. I'm outside your department. Tapos ka na?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dali-dali kong iniwan lahat ng gamit at tumakbo pababa ng building. Hindi ako nahirapang mahanap siya. Nasa gilid ng gusali, nakayuko, at nakasandal sa dingding.

"Juancho!" sigaw ko.

Lumingon agad siya sa akin. Patakbo akong lumapit sa kanya at bago pa siya makapagsalita, mahigpit na akong yumakap.

"Tapos na 'ko!" Halos mabasag ang boses ko sa saya.

He wrapped his arms around me, and it didn't take him long to start stroking my back.

"How did it go?"

Mula sa dibdib, iniangat ko ang mukha para tumingala sa kanya.

"Hindi ka maniniwala!" saad ko. "Pinuri nila akong lahat! Magaling daw akong magsalita, maganda raw ang manuscript ko, at magiging outstanding daw ako na journalist!" Kasabay ng pagyayabang ay ang muling pamumuo ng bikig sa lalamunan ko. "Para daw akong professional! Hindi raw ako nautal! Tapos si Ma'am Capuso, sinabihan ako ng good job!"

"Bakit naman hindi ako maniniwala?" He broke into a smile. "I never doubted your abilities."

My lips trembled. "Ang bait nila... Wala silang sinabing masama sa'kin ngayon..."

Lumamlam ang mga mata niya. "As they should."

Sumubsob ako sa dibdib niya, ang puso ay punong-puno ng kasiyahan. "Ang galing ko. Ang galing natin. Ang galing n'yo ni Mari!"

"The credit is all yours." I could feel him hugging me closer. "Nakaka-proud ka."

It was one of the extents of my happiness—to hear kind words and to have the best people around me. Nagpaalam ako sa kanyang tataas ako para kunin na ang gamit ko. Excited na excited akong ibalita sa mga kaibigan ang mga papuring narinig ko.

Ang balak ko lang ay kunin ang gamit ko pero hindi iyon natuloy dahil nalaman ng mga kaklase ko ang resulta ng defense ko. Everyone was applauding me. Hindi ko alam kung dahil sa totoong proud sila o dahil sa takot.

"Mill..."

Inaayos ko ang gamit ko nang lumapit si Derek. Nakangiti ko siyang hinarap.

"Congrats," aniya.

"Congrats din. Narinig ko 'yong usapan nina Jewel na tuloy ang paglaban mo sa research congress."

Napakamot siya sa batok. "Kinabahan nga ako, eh. Buti na lang kinausap mo ako kanina."

"Bakit? Ano'ng meron do'n?"

Tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko. Kinuha niya ang laptop bag at isinilid doon ang charger ko.

"Naalala ko sa'yo si Tatay. Ayaw rin kasi no'n na naduduwag ako..." saad niya. "Thank you. Hindi mo alam pero halos lahat ng kaklase natin, humahanga sa'yo."

Tumawa ako bago nagpatuloy sa pagliligpit. "Siraulo."

"Basta salamat. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang paborito kong kaklase."

It warmed my heart. "Paboritong bwisitin!" tukso ko at saka sinikop ang mga gamit. "Bababa na 'ko. I-reserba mo 'yang magaganda mong salita sa ibang araw. Puno na ang puso ko ngayon."

I walked up to the door and ran down the hallway to get to where Juancho was. Ubos na halos ang mga tao sa school dahil padilim na rin. Malaya niyang hinawakan ang kamay ko. Hanggang sa makarating kami sa motor niya ay hindi niya ako binitawan.

Kumain lang kami sa nadaanang fastfood bago niya ako inihatid sa apartment. I spent the entire night thinking about the events of that day, and I fell asleep smiling, loving every second of it.

Mirae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 1s
I didn't ask for this, but thanks for being a little gentler with me, life :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro