Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Chapter 22

It was a peaceful moment. All I could hear was his strained, shallow breathing and his heart thumping—loud and rapid. He cradled me closely, cautiously. Almost like I was a frail glass he didn't want to break in his hands.

"Really?" he asked in a low, raspy voice. Para bang hirap na hirap siyang sabihin ang katagang 'yon.

I seized the initiative to squeeze into an even tighter hug, pressing my body against his and feeling his soothing heat seep into my wounds.

"Answer me..." he pleaded.

Tumingala ako sa kanya at nakita ko kaagad ang desperasyon, pagkalito, at nag-aalab na pagmamahal sa mga mata niya.

"Hindi mo ba sinasabi 'yan dahil lang sinabi ko na?" napapaos na tanong niya pa.

I tiptoed, bringing my lips closer to his, and he lifted my waist, knowing exactly what I was trying to do.

I closed my eyes as I gave him a peck. Our lips were a bit shaky against each other. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Ngayon, hindi na ako sigurado kung dahil pa ito sa mga sugat ko o dahil na sa paraan ng paghawak niya sa akin.

"Nagtiis ako kasi alam kong pagkatapos ng lahat, makikita na kita..." bulong ko matapos ang mabilis na halik. "For me, you are the reward after the hard times."

His eyes gleamed.

"Miss na miss kita." Muling nanubig ang mata ko. "Gusto kitang tawagan, puntahan, i-text. Kahit ano. Gusto kitang makasama ulit."

Umawang ang namumula niyang labi, parang may gustong bigkasin pero hindi maituloy.

"If that isn't love, then what is it?"

Hindi ako magaling sa malalambing na pangako. Hindi ako mabulaklak. Hindi ako gumagamit ng magagarbong parirala.

Para sa akin, ang mga salita ay matatalas na kutsilyo na handang tumusok sa puso ng mga taong kailangang marinig ang katotohanan. Hindi ako nagsasabi ng matatamis na kasinungalingan para sa kapakanan ng iba.

I was frank and straightforward. I wouldn't adorn my words with flair and roses. I wouldn't want them to be a lyrical melody; rather, I wanted them to cut right to the core.

But at that moment, as I stared deeply into his eyes, I wished I could tell him a flower bed of poetry and a forest full of ballads.

To show my earnest love. To prove the essence of my pledges.

"Please don't take me as a reward," he mumbled, breathless. "You don't have to win to have me."

Yumuko siya at banayad na sumubsob sa leeg ko.

"Baby, what shall I do now?" he asked helplessly. "I don't think I'll ever forget how excited you are while wearing those gears... I don't think I'll ever forget the bruises on your body."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Gagaling din 'yon."

"No," matalas na aniya. "I'll sue them."

Humawak ako sa balikat niya at bahagyang tinulak 'yon pero hindi manlang siya gumalaw.

"Everyone who hurt you, even that company... I'll sue them all."

"Bayad ako, Juancho."

"I don't care. They assaulted you. There's no other way to put it."

Umiling ako. "Ako ang lumapit. Lahat ng ginawa nila sa'kin, may kapalit na pera."

Narinig ko ang mahina niyang pagmumura. Para bang nagtitimpi siya ng galit na hindi niya alam kung kanino ididirekta.

"Bakit kasi..." he muttered in frustration. "Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa'kin? Bakit kailangan mo pang magpabugbog, Mill? Bakit?" Ramdam ko ang pangangatal niya. "I'm so mad at you. What were you thinking? Ilang araw ka lang nawala sa paningin ko, halos patayin mo na ang sarili mo."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob.

"You have no idea how hard I prayed not to see you. You have no idea how much I tried to convince myself it wasn't you." Hirap na hirap siya. "Pero isang salita ko lang, tumigil ka. Yumuko ka pa na parang mas nag-aalala kang nahuli kita."

Rinig ang matinding pag-aalala, galit, at sakit sa boses niya. Tila ba sa tagal ng pananahimik niya kanina, ang mga bagay na 'yon ang bumabagabag sa utak niya.

"Promise me you won't do it again," he begged.

Tumango ako.

Inangat niya ang mukha mula sa balikat ko at mariing tumingin sa akin. "Don't just nod. I need words. Promise me."

I sniffed.

"Hindi ko na uulitin," mahinang-mahinang sabi ko. "Promise..."

Matagal bago ko siya napakalma. He just blew up so much that he couldn't concentrate on cooking anymore. Tumahimik lang ako habang pinagsasabihan niya. Alam ko naman kung kasi saan siya nanggagaling. Kung ako nasa posisyon niya at ginawa niya ang ginawa ko, sigurado akong hindi rin ako basta-basta mapapanatag.

We ate together, with him feeding me from the same plate. Hindi na ako nagreklamo. Hinayaan ko lang siyang subuan ako dahil ayokong galitin pa siya.

"We'll go back to the hospital tomorrow morning," he said. "Dito ka na matulog."

My breathing hitched. "Huh?"

He sighed. "I can't let you out of my sight until all your bruises heal."

"Kaya ko naman..."

"Ako, hindi," giit niya. "I swear to god I'll lose my mind if I give you space and time again."

Nanikip ang dibdib ko sa pinaghalong kirot at kaligayahan.

Nakakatuwa... nakakilala ako ng taong kapareho ko kung magmahal. Iyong sinasabi ng iba na nakakasakal at mapang-angkin. Iyong hahayaan akong maglaro sa dumi, pero hihigitin din ako pauwi para linisan.

Habang hinuhugasan ni Juancho ang pinaglutuan at pinagkainan namin, nag-text ako kay Mari na hindi ako makakauwi. I didn't know what to feel. Madalas man kaming magsama ni Juancho ng gabi, ito ang unang beses na sa bahay niya ako matutulog. Ni hindi pa ako nakakapunta sa kwarto niya. Lagi lang kaming sa sala at kusina.

"Take a shower first," he said. "I'll prepare your clothes."

"Clothes? Wala akong dala."

"I have small T-shirts and boxers you can use."

Tumango ako. "Okay..."

Nagbuntong-hininga siya bago lumapit sa akin. Dahil nakaupo pa rin ako, yumukod siya at marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Kaya mo?" malambing na tanong niya, tuluyan nang napuksa ang ngitngit.

"Maligo?"

"Hmm..." he agreed as he kissed my head again. "Or do you want my help?"

Nag-init ang mukha ko sa isipin. "H-Hindi ako baldado!"

"Which amazes me." His chest heaved. "How can you walk around with those bruises?"

"Sabi ko naman sa'yo, eh. Kaya ko."

Bahagya siyang lumayo sa akin at pinanlisikan ako ng mata.

"Proud ka pa," saway niya.

Binasa ko ang labi at dahan-dahan siyang itinulak. Mukhang papunta na naman kasi kami sa sermunan.

"Maliligo na 'ko. Saan ang banyo?"

He groaned heavily, knowing he had lost.

He led me to his bathroom, and I was impressed by how clean it was. Hindi iyon kalakihan pero maayos ang puwesto. May maliit na sink at parihabang salamin sa taas nito. Kaunting hakbang at naroon na ang toilet. Sa tabi noon ay ang kulay-tsokolateng laundry bag, at sa kabilang gilid ay ang bidet. Isang makapal na salamin naman ang humaharang sa pinaka-liguan. Sa loob ay kita ang nakasalansan niyang shampoo, sabon, at shower gels.

"May towel at extra toothbrush do'n sa cabinet," aniya sabay turo sa ilalim ng sink. "Call me when you're done. Iaabot ko sa'yo ang damit mo."

Nang iwan niya ako ay halos tatlong minuto pa akong natulala sa mga gamit niya. Puti ang mga dingding at kulay abo naman ang sahig. Hindi ko alam kung saan pa siya kumukuha ng oras para maging ganito kalinis. Given that he was living alone, I assumed he would be messy like most men.

Nagsimula akong maligo, at sa bawat pagtama ng tubig sa katawan ko, siya ring pagngiwi ko sa sakit. Ni hindi ko makuskos nang maayos ang mga parte ko na may sugat at pasa.

Ang tanging kinatuwaan ko lang doon ay ang pagkalat ng amoy ni Juancho sa buong banyo.

"Juancho, tapos na 'ko!" sigaw ko mula sa pinto habang nakabalot ng tuwalya. Medyo napatuyo ko na rin ang buhok ko. Mabilis lang naman 'yon lalo't hindi naman mahaba.

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang presensya niya sa labas. Pinaawang ko nang kaunti ang pintuan, at inilawit niya ang kamay roon bitbit ang isang puting T-shirt at asul na boxers na agad ko namang kinuha.

The T-shirt went halfway down my legs. I didn't have any underwear on, but it wasn't obvious because the T-shirt was loose. Ni hindi ko na kailangan ang boxers lalo't duda akong kasya sa akin 'yon. Kaya lang, hindi naman ako puwedeng magpalakad-lakad sa bahay niya nang walang suot pang-ibaba.

I was holding the excess fabric of the boxers when I went out. Nakita agad ako ni Juancho. He gazed at me in detail from head to toe, and I noticed his jaw tighten as his attention drifted down to my legs. Limang segundo ang itinagal bago niya napansin ang hawak ko sa garter ng boxers.

"Luwag?" tanong niya. "That's the smallest I have."

"Okay lang. Pahiram na lang ng karayom at sinulid. Tatahiin ko."

"I'll do—"

Umiling ako. "Ako na. Para makaligo ka na rin."

Makikipagtalo pa sana siya pero umiling ulit ako. Wala siyang nagawa kung hindi ang dalhin ako sa kwarto niya.

The moment we walked in, the sides of my lips stretched out a little. In the middle was a double-sized bed with two pillows and a blanket. Sa kaliwang bahagi nito ay ang study table kung saan nakalagay ang mga librong nakita kong binabasa niya sa school. May swivel chair din na naka-tuck sa mesa.

Sa kanang bahagi naman ng kama makikita ang may kalakihang bintana niya na kasalukuyang natatakpan ng blinds. His closet was then located around three meters from the foot of his bed.

"Don't sleep yet. Lalagyan ko ng ice pack ang mga pasa mo mamaya," sabi niya.

Naglakad ako palapit sa kama niya at naupo roon. Napangiti agad ako sa bahagya kong paglubog. Ang lambot.

I heard him chuckle lowly. First time after we saw each other again.

"Dito ka," saad ko sabay tapik sa tabi ko.

Umiling siya, nangingiti pa rin. "I haven't showered yet."

"Ano naman?"

He shrugged. "I don't go to bed with dirty clothes on."

"Ahh..." Napatango ako. Buti wala kaming ganoong rule sa bahay. Hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang paliligo muna kapag pagod na pagod ako. "Sige na. Pahingi nang karayom at sinulid."

He walked toward his closet and got something from there. In silence, I observed the muscles in his broad back flexing in response to his every movement.

It wasn't long before he gave me what I needed and then left the room.

Habang nanahi ay hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa nangyari.

We said it—the I love you's. We finally did. Kahit na ramdam ko naman 'yon, iba pa rin talaga ang epekto ng salita. It was like a confirmation of his actions, a guarantee of my place in his life. Mahal niya ako at ganoon din ako sa kanya. Parang ang hirap paniwalaan. Parang hindi niya naman kasi ako para patulan.

Mabilis kong natapos ang pananahi. Imbes na humiga at magpahinga, tumayo ako at naglibot sa kwarto. Hindi maligasgas ang sahig at walang kagabok-gabok ang mga muwebles. Tumapat ako sa study table, at sa dingding ay napansin ko ang dalawang naka-hang na frame. Ang isa ay blangko, at ang isa pa ay larawan niya kasama ang ama. Sa ibaba noon ay nakasingit ang maliit na larawan ng babae.

Inilapit ko ang sarili roon para makita ang mukha nito. Her lips were the same shape as Juancho's, and what stood out about her was her prominent jawline. Mabait ang mga mata ngunit strikta pa rin ang itsura. Miski ang ngiti ay nakuha ni Juancho sa kanya.

"What are you doing?"

Lumipad agad ang tingin ko sa pinto kung saan nakatayo si Juancho habang tinutuyo ang buhok niya. Bahagya akong natulala sa kakisigan niya.

"Weren't you supposed to be in bed?"

I moistened my lips as I looked away. "Tumitingin lang naman..."

Narinig kong bumuntong-hininga siya at saka lumapit sa akin. Pumuwesto siya sa likod ko, at naamoy ko ang bango niya.

I stiffened when he leaned forward and pressed his chest against my back to open the drawer at his table. May kinuha siya mula roon pero hindi ko agad natingnan kung ano 'yon dahil nasa katawan namin ang atensyon ko.

He picked up the empty frame and put a picture in it. Para siyang nakayakap sa akin habang ginagawa iyon. Hindi ako gumalaw. Dinamdam ko lang ang ginhawang dala ng presensya niya.

Nang ibalik niya ang frame sa dingding, nag-init ang puso ko sa nakita. Larawan namin iyon mula sa laptop niya. Nakapikit siya at nakangisi habang humahalik sa panga ko. Ako naman ay malawak na nakangiti sa camera, ang mga kamay ay nakahawak sa braso niyang nakayakap sa baywang ko.

"That's my mom. Her name is Graciella," he said, referring to the small photo I was looking at earlier. "We don't have a lot of memories together, but I grew up hearing good stories about her."

Ngumiti ako. "She seems like a nice woman."

"Yeah," bulong niya. "Sadly, it's the only picture I have of her."

"Nasaan 'yong iba?"

Naramdaman ko ang pag-iling niya. "Sinunog ni Papa. Ayaw niya kasing naalala kung paano nawala si Mama."

"It must have been so hard for him..." I breathed deeply. "Hindi ko maisip kung paano nakakapagpatuloy ang mga taong nawalan ng mahal sa buhay. Kung sa akin kasi mangyayari 'yon, baka namatay na rin ako."

"Me too," he mumbled. "So please, don't put yourself in danger again. Don't make me burn our pictures. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa'yo."

He made me sit on the bed while he went to get the ice pack he would use on my bruises. Tahimik lang akong naghintay sa kanya, ang puso ay hindi na kumakalma dahil nasa iisang kwarto kami.

He was touchy, but today he was really careful not to touch me. Para bang takot siyang magdikit ang balat namin.

I heaved a sigh. I knew he was hurt, probably worse than I was. There was a dark expression of fear and fury in his eyes that wouldn't go away, even though I said a million times I was okay. Alam kong sinusubukan niya lang kumalma. Kung bubuksan ulit namin ang paksang 'yon, sigurado akong marami pa siyang masasabi.

"Saan masakit?" tanong niya habang umuupo sa tabi ko.

My heart immediately clenched at the question. It sounded so comforting. Para bang kapag itinuro ko sa kanya kung nasaan ang kirot, kaya niyang alisin 'yon.

"Wala naman," saad ko.

He breathed. "Millicent, 'wag nang matigas ang ulo..."

May kung anong bumikig sa lalamunan ko. How could his voice be so authoritative and yet so sweet? Puno iyon ng pagmamahal kahit na alam kong malaki ang pagtatampo niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya bago dahan-dahang itinuro ang braso ko.

"D-Dito," sabi ko pa.

Hindi siya nag-aksaya ng oras. Itinaas niya ang manggas ng T-shirt, at nang muling makita ang pasa ko ay napaiwas siya ng tingin.

I lowered my gaze. Kaya ayoko, eh. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya.

"Magpahinga ka na," bulong ko. "Ako na ang bahala..."

Hindi siya nagsalita. Kinain kami ng katahimikan kaya't rinig na rinig ko ang mabababaw niyang paghinga.

Iimik na sana ulit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na bagay sa braso ko. Napatingin ako roon. Nakita ko ang magkasalubong niyang kilay habang minamata ang pasa ko. Dahan-dahan at puspos ng pag-iingat ang paglapat ng ice pack doon, salungat sa nag-aalab na pagkabalisa sa mukha niya.

"Juancho..." I called.

Umiling siya, hindi tumitingin sa akin. "I hate you. Don't talk to me yet."

I took a few long breaths and chose not to say anything. I didn't want to make him worry even more. Sapat na ang nanginginig niyang kamay para patahimikin ako.

After lying there in silence for a while, he came around to my back, sat down in the middle of the bed, and placed the ice pack on my shoulder while I was still wearing my T-shirt. Ang paghinga lang naming dalawa ang maririnig sa buong silid.

"Remove your shirt," he ordered.

I bit my lower lip. "W-Wala akong bra..."

Dinampot niya ang kumot at ibinigay iyon sa akin. "Cover yourself. I need to see your back."

I was hesitant. I didn't want him to take a closer look at my bruises. Lalo siyang magagalit.

"I won't do something sexual to you if that's what you're worried about. I can't even think straight now," he said flatly.

"Hindi naman 'yon..." I swallowed. "Marami kasi..."

He muttered a curse. "The more reason I need to see it."

I exhaled as I pulled off my top. Kasabay ng muling pagmumura niya ay ang pagtakip ko ng kumot sa dibdib. Hindi ko kita ang reaksyon niya dahil nasa likuran ko siya, pero alam kong sinusuri niya ngayon ang mga pasa ko.

Kagaya ng ginawa niya sa braso, mahinay niyang pinadampi ang ice pack sa likod ko. Tahimik lang ulit kami. Hindi na ako nag-abalang magsimula ng pag-uusap lalo't alam kong maraming naglalaro sa utak niya.

I knew I shouldn't, but it was a wonderful feeling. To have someone this scared and worried. To have someone love you so much that your pain became his. To have someone take care of you after you've gone through a battle on your own.

It was amazing. To have... someone.

For the first time in my life, I felt like I had someone to call my own... my person. Iyong sigurado akong hindi ako iiwan. Iyong sigurado akong lagi akong uunahin, pipiliin. Kahit pa lagi niya akong simangutan kapag may sinasabi o ginagawa akong hindi tama, kahit pa sermunan niya ako maghapon, parang kaya kong tanggapin lahat.

I didn't know I had this side—being reliant, gentle, and patient. He showed me parts of myself that I didn't even know were there.

"I'm sorry," he said softly, putting an end to my thoughts.

Humigpit ang hawak ko sa kumot nang maramdaman ang mainit at malambot na bagay sa likod ko.

"I'm so... so... sorry..."

I froze, tears welling up in my eyes again.

"Hindi ko dapat hinayaan 'to. I'm sorry..." he whispered, his voice shaky, as he continued to plant kisses on my bruises. "How can your small body handle this? Ang dami... Paano ka humihiga? Paano ka natutulog?"

Haharap na sana ako sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Don't look."

My lips trembled when I realized something.

"Umiiyak ka?"

He kissed my shoulder, the one with a tattoo and a bruise.

"No..." His voice cracked. "Just don't look, okay?"

Pinagpatuloy niya ang pagdampi ng ice pack sa akin habang paulit-ulit na humihingi ng tawad. He said he wasn't crying, but I could feel his tears leaving a paddle on my skin whenever he kissed my back and shoulders.

Hindi ko alam kung gaano katagal, pero nang matapos kami, ramdam ko ang pagginhawa ng mga pasa at sugat ko. He told me to put my shirt back on, and then tucked me into bed. Malambot ang kama niya kaya parang inihehele ang katawan ko.

He spent an hour cuddling me, running his fingers through my hair, and kissing the top of my head until I started to feel sleepy. We didn't say any more words to each other. I just laid back into the security I felt in his arms.

"Sa sala na 'ko. Gigisingin na lang kita..."

Sumiksik ako sa kanya. "Hindi mo 'ko tatabihan?"

"I'm back to my senses now."

"Hmm?"

Gumalaw ang dibdib niya. "I'm not a saint, Mirae."

Hindi ako tanga para hindi maunawaan ang ibig niyang sabihin, pero imbes na lumayo, lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Braso niya ang unan ko habang halos nakadikit ang mukha ko sa dibdib niya.

"Dito ka na lang," I muttered, my voice slurring. "Paano kapag may masakit sa'kin?"

He exhaled frustratedly. Napangiti ako.

"You sure know how to play your cards."

Hindi na nga siya lumipat. Hinaplos niya lang nang paulit-ulit ang buhok ko hanggang sa tuluyan akong higitin ng antok.

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Nang lumabas ako ng silid ay nakita ko agad siya sa sala, nag-aaral. May hawak siyang ballpen habang hini-highlight ang mga nasa papel. Bahagya akong tinamaan ng hiya lalo't alam kong naaabala ko siya.

Naramdam niya yata ang presensya ko dahil napatingin siya sa direksyon ko. A ghost of a smile appeared on his lips when he saw me. Ibinaba niya sa center table ang inaaral at tinapik ang hita niya.

"Come here," he said.

I pursed my lips. "Nag-aaral ka, eh. Mamaya na."

Umiling siya. "I'm up early. Kanina pa ako nagbabasa."

Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. He grunted lowly in protest but didn't insist that I sit on his lap. Instead, he had me lean against his shoulder while he continued his readings.

"How are you feeling?" he asked.

"Maayos," sagot ko. "Nakatulong 'yong ice pack. Medyo namanhid ako."

Sinilip ko ang inaaral niya at napagtanto kong puro cases iyon. Maraming annotations at highlights ang papel kaya alam kong seryoso siya sa ginagawa.

Bumaba ang isang kamay niya sa kamay ko at maingat na hinawakan iyon. Hindi ko alam kung sinasadya ba iyon o hindi. Para kasing natural lang iyon sa amin. He played with our hands as he kept reading. Kumpara kahapon, masasabi kong mas maayos na ang timpla niya ngayon.

"Puwedeng magtanong?" basag ko sa katahimikan.

Ibinaba niya sa hita ang binabasa at bumaling sa akin.

Dahil nakasandal pa rin ako sa balikat niya, hindi ko nakita ang ekspresyon niya. Alam ko lang na hinihintay niya ang sasabihin ko.

"Si Psyche..." I stumbled.

Simula noong nakita ko ang babae sa ganoong ayos, hindi na ako nilubayan ng konsensiya ko. It felt like there was something between us that I had to fulfill.

"Nakakausap mo pa ba siya?" pagpapatuloy ko.

Nagbuntong-hininga siya. "Not until yesterday. She called and told me about you."

I swallowed hard. At the back of my head, I knew it was her who spilled the beans. Wala namang ibang nakakaalam ng trabaho ko maliban sa kanya.

"Gusto mo ba siya?" tanong ko.

"Not romantically." He shook his head. "But now, I'm upset with her. She attacked you."

"Juancho naman," saway ko. "Napag-usapan na natin, 'di ba? Bayad nga ako."

"I don't care."

Pinisil ko ang kamay niya at hindi pinansin ang pagsumpong. "Can you do one thing for me?"

He paused for a moment and intertwined our fingers as if trying to calm himself.

"Of course."

Napangiti ako. "Puwedeng lapitan mo ulit si Psyche?"

"What?" Lumayo siya sa akin. "How can you say that? She hurt you."

Tumingin ako sa kanya. "Hindi siya malakas sumuntok."

"So? She still did," he insisted. "And you're jealous of her. Why would I do that?"

Umipod ako palapit sa kanya at muling ipinahinga ang ulo sa balikat niya.

"I trust you, and I know you care about her," I whispered.

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.

"Juancho, I think she needs a friend..."

Naputol doon ang usapan namin. Dahil nagfa-fasting pa rin ako, hindi na siya nag-umagahan. Inihatid niya ako sa apartment para makapaligo at makapamalit ng damit. Hinintay niya na ako bago kami tumulak papuntang ospital.

Siya ang sumagot ng lahat. Nagpagawa pa siya ng medical certificate na ipapasa raw niya sa mga instructor ko para bigyan ako ng consideration. Binayaran niya rin nang buo ang balance ko kay Coach at binigyan pa ako ng panghulog sa alkansya.

Kahit na tumanggi ako, ipinilit niya ang gusto. I asked where he had gotten his money, and he told me that he had sold his watch. Muntik pa kaming magtalo dahil doon.

Sa mga sumunod na araw, siya ang patuloy na nagpaalala sa akin ng mga gamot ko na siya rin ang bumili. Wala mang nakita sa blood test at x-ray ko, pinayuhan pa rin ako ng doctor na magpahinga at uminom ng vitamins. Dahil hindi ako makapasok sa gym, doble-kayod si Juancho sa pagtatrabaho. Araw-araw ay inaabutan niya ako ng pera at pagkain.

I was taken care of. He didn't help me carry my problems; he carried them himself.

Unang araw na nag-report ako sa school—hupa na ang pasa sa panga at pagaling na ang ilan sa katawan—sinamahan niya pa 'ko. Parang wala na siyang pakialam kung ano'ng iisipin ng mga tao sa aming dalawa.

"Kayo?" tanong ni Sadie nang ihatid ako ni Juancho sa company kung saan siya nag-i-internship.

Habang wala ako sa school, si Sadie ang nag-asikaso ng mga dokumento ko. Bayad niya raw 'yon sa ibinigay kong mga pakete ng yosi sa kanya noong enrollment.

"Chismosa," tawa ko.

She pouted. "Kaya pala naiirita ka kapag ipinapares kay Psyche."

I didn't confirm anything to her, but she wasn't stupid enough to not realize what was going on... lalo't hatid-sundo ako ni Juancho. Talagang hindi na niya ako hinayaang mawala sa paningin niya. Parang lagi siyang takot sa gagawin ko kapag hindi ko siya kasama.

After that argument, we decided to meet each other halfway. Parang naging mitsa iyon ng mas maayos na samahan namin.

Nang makabalik sa pagtatrabaho sa gym, inabisuhan ko siyang tumigil na sa pagbibigay ng allowance sa'kin. Para naman kasi kaming mag-asawa sa ginagawa niya. Sigurado akong kung hindi niya alam na hindi ko kayang iwan si Mari sa apartment, doon na niya ako pinatira sa bahay niya.

I was happy... inspired. Hindi ko inasahang darating ang araw na hindi na galit ang emosyon na mananaig sa puso ko. Parang bigla kong naintindihan kung bakit may mga taong paulit-ulit na nagpapatawad at nagbibigay ng tyansa.

"Babye," I told him one morning when he dropped me off at my internship.

He was unusually quiet that morning. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi mabigkas kung ano 'yon. Ayoko namang sabayan ang hindi magandang timpla niya dahil walang maayos na maidudulot iyon. I learned my lesson. The last time I argued with him, everything went wrong for me. Para akong pinarusahan ng mundo, at ayoko nang maulit iyon.

"Babye," pag-uulit ko.

He gave a nod. "Bye."

Sumimangot ako, hindi nagustuhan ang pagiging one-liner niya.

"May kasalanan ba 'ko?" tanong ko.

"Wala..."

"Eh, bakit hindi ka madaldal? Nagtatampo ka sa'kin?"

He smiled sweetly as he played with my hair. "You're bothered?"

"Hindi." Umirap ako. "Magtampo ka hangga't gusto mo."

Napatawa siya—mahina ngunit malalim. Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at hinaplos ang buko ng mga daliri ko.

"I'm just thinking..." he said, his eyes dropping on our hands.

"Alin nga? Ba't ayaw mong sabihin?"

He licked his lower lip. Lumunok pa siya na parang hirap na hirap siya sa iniisip.

"Ano?" I asked, impatient.

He chuckled, but I could tell that he was tense.

"I don't want to pressure you," he muttered as he raised his gaze to me. "But..."

"But?" I urged.

He exhaled. "What are we?"

I was caught off guard. He looked so nervous, and I could feel that in his cold hands.

"Girlfriend na ba kita?" tanong niya pa.

That word sounded new to me. Ako, magiging girlfriend? Everyone who knew me would laugh in my face.

"Gusto mo?" I asked weakly.

"Hmm..." Isang beses siyang tumango.

"What difference would it make?"

"Assurance?" He chuckled, still tense. "If you don't want to, I'll take whatever you offer. We love each other. Everything's fine to me."

Assurance... I never thought he'd be the one to ask for that. I was so in love with him. I never thought he would actually have doubts.

I wonder what he's thinking if he's basically asking for that... not that it doesn't matter... I'm just curious.

"You're not just my boyfriend. Don't underestimate your worth to me," I said firmly.

Nakita ko ang pagpinta ng kakaibang saya sa mga mata niya, parang nagustuhan ang narinig. If he wanted assurance, I could give him way better than that.

"Labels like boyfriends and girlfriends don't prove anything about how much I love you." Hinigpitan ko ang hawak sa kanya. "You're my other half."

I smiled at him, silently thanking the universe for sending me such a wonderful man.

"When you finish law school..."

My chest tightened as I considered the thoughts racing through my head.

"What?" he asked, almost breathless.

Huminga ako nang malalim, ang mga mata ay tutok na tutok pa rin sa kanya.

"Do you want to get married to me?"

His face showed a range of emotions, with shock and sheer happiness prevailing. Hinigit niya ako sa para sa isang mainit na yakap. Ramdam ko ang sinseridad at pagmamahal doon. Tila isang pangakong hindi kailanman mababali.

"I love you," he said with strong conviction. "I'll study and work hard to marry you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro