Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21


Chapter 21

May parte sa akin ang ayaw pumayag. Parang hindi ko kayang lunukin ang realidad ko. I mean, how could I endure punches from someone I was jealous of? Isa pa, hindi pa rin ako nakakabawi sa pamimintang niya sa akin. Ni hindi manlang siya humingi ng paumanhin sa abalang ginawa niya.

I clenched my fists as I put on my protective gears. Wala na akong magagawa. Kailangan ko ang pera niya at kailangan niya naman ng mapaglalabasan ng galit... lalo't madami siyang pasa.

Sa likod ko ay rinig ko ang malalalim niyang paghinga na parang nagpipigil siya ng halo-halong emosyon. Binilisan ko ang paglalagay ng gears at saka humarap ulit sa kanya.

Without saying a word, I handed her the gloves she should wear. Dali-dali niyang isinuot iyon, at nang matapos, puno ng poot ang mga matang tumingin sa akin.

"I fucking hate you," she said under her breath, her eyes bloodshot.

Huminga ako nang malalim at pumikit hanggang sa marinig ko ang paghakbang niya palapit sa akin. I heard her stifle a scream as she punched me in the face. Agad na tumagilid ang mukha ko.

Bumalik ako sa maayos na pagtayo, at muli kong naramdaman ang suntok niya. Mas malakas iyon kumpara sa una kaya bahagya akong napaigik. Laglag na laglag na ang katawan ko ngayon dahil tatlong kliyente na ang napuntahan ko. Kahit pa hindi siya kasinglakas ng ilang na-handle ko, iba pa rin ang epekto kapag alam mong nanghihina ka na.

"Die!" sigaw niya bago buong lakas na pinaulanan ako ng suntok sa panga, braso, at sikmura.

Nagmulat ako at sumalubong sa akin ang namumula ngunit lumuluha niyang mga mata. She was hysterical. Nanginginig sa galit habang patuloy na nagpapaulan ng suntok sa akin.

I put my hands in front of my face to protect myself as she kept hitting me. Sumisigaw siya at tumatangis, tila hindi importante sa kanya na kilala namin ang isa't isa.

Hindi ko maiwasang maramdaman ang sakit sa hinagpis niya.

She was assaulted... I was sure of that. Noong ginamot ni Juancho ang mga sugat niya, noong nakitaan ko siya ng pasa habang pinagsasalitaan niya ako, at ngayong bugbog-sarado siya, alam kong iisang tao ang gumawa noon sa kanya.

I never saw her in this light. For me, she had the polar opposite of the life I had led. May kumpletong pamilya, may pera sa bulsa, at may bahay na tinitirahan. She was influential because of her fame, intimidating demeanor, and knack for getting what she wanted. She was even on par with the guy I loved. 'Yong babaeng hindi na kukwestyunin kung bakit mamahalin.

She also had this place she could go to when everything was falling apart. She had the money to pay me to take her anger away. She had everything I could only imagine.

Pero ngayon, kahit na taglay niya ang lahat ng materyal na bagay at impluwensyang dala ng pangalan, wala akong ibang makita kung hindi isang babaeng takot at minaltrato.

Patuloy ang pagtanggap ko sa mga suntok niya. Minsan, napapaatras ako sa puwersa. Minsan naman, tinitibayan ko ang dikit ng paa sa sahig para tuloy-tuloy niyang mailabas ang galit.

She was hitting me in places where I already had bruises, but I didn't care. This was my job, and she was my client. This was the only thing I could do for her.

Iyon na ang pinakamahabang dalawampung minuto ng buhay ko. Nang matapos siya ay pinalis niya ang mga luha sa mukha at tumayo nang maayos na parang walang nangyari. She took off the gloves, her face emotionless. Parang ang pagsuntok sa akin ang tuluyang nakapagpakalma sa kanya.

"Don't tell this to anyone," she said while still removing her gloves.

Tumalikod ako at nagsimula na ring tanggalin ang protective gears ko. "Wala akong plano."

The silence engulfed us. Inilagay ko ang gamit ko sa malaking bag at ininda ang sakit ng kalamnan. I was done for the day. Maipapahinga ko na rin 'to.

"It's my first time doing this," she said in a weak, shaky voice. "I requested a girl. I didn't expect it to be you."

Binasa ko ang labi, hindi pa rin siya hinaharap. I wasn't used to having conversations with my clients, so I didn't feel the need to do this with her. We were not friends to confide in each other, and I had no plans of befriending her. Hindi rin ako para magtanong tungkol sa problema niya. I didn't want to get in her way, and I already had too much on my plate. Bayaran niya na lang ako para matapos 'to.

"Let's just pretend we didn't see each other," I said flatly. "I don't need your specifics."

She cleared her throat. Dahil wala akong magawa sa patay na oras sa pagitan namin, nagkaroon ako ng pagkakataong ilibot ang mga mata sa paligid.

It was spacious, almost more extensive than our apartment. The furniture and decorations gave off an air of high-end luxury, hinting that an interior designer had been hired to manage the place.

I could only scoff. Iba talaga ang mayayaman. Ang bilis bayaran sa kanila ng lahat.

"You're Millicent, right?"

Doon ako napatingin sa kanya. Nakaupo na siya sa sahig, ang likod ay nakasandal sa paa ng sofa. Inosente ang mga mata niya habang nakatingin din sa akin.

"I'm sorry..." she whispered, looking away, "for punching you."

Ikinuyom ko ang kamao. "Trabaho ko 'yon. Hindi mo kailangang ihingi ng tawad."

"Ah, right." She let out a weak chuckle. "You're being paid to take a beating."

I closed my eyes, took a deep breath, and calmed myself. It was the truth, but hearing those words from her mouth rattled my ego. Nagpapasuntok ako, nagpapabugbog, para sa pera. There really wasn't a better way to say it.

"Alam ni Juancho?"

I gritted my teeth. "At kung hindi, sasabihin mo?"

She chuckled as she looked back at me. Her eyes were sorrowful, but I didn't give a crap about that. Hindi ako nandito para makipagkuwentuhan sa kanya. Nasuntok niya na ako. Nailabas na niya ang galit niya. What was the point of doing all this now?

"Do you like him?" she asked.

My heart immediately skipped a beat. Lumunok ako bago sarkastikong tumawa. "Puwede bang bayaran mo na lang ako? Wala akong oras makipagdaldalan sa'yo."

Tumitig siya sa akin, matagal at malalim, para bang binabasa niya ang laman ng utak ko.

"You do," she concluded.

Hindi na ako sumagot. She was hopeless. Akala niya yata ay magkaibigan kami para magsabihan ng mga ganitong sikreto.

"He isn't talking to me much anymore. Is that because of you?" muling tanong niya.

Napangisi ako. "I won't feed your curiosity."

"You must have known I was his fiancé if you think I'm a threat..."

"Isipin mo ang gusto mong isipin." I shrugged jokingly, even though my insides were churning. "At payo ko na lang din, kung alam mong may ibang karelasyon ang isang tao, matuto kang lumayo. It's called respect."

Dalawang minuto pa kaming natahimik. I wanted to get out of there so badly, but I didn't want to leave without my money. Gusto ko nang ihiga ang katawan ko. I was tired. I didn't have the emotional energy to listen to her ramblings anymore.

"You're lucky."

Halos mapapikit ako sa sinabi niya.

I fucking endured being punched by four different people tonight. My body was already covered in bruises, and my bones were starting to give out on me. I'd been doing this job for ten straight days. I even missed the start of my semester for financial reasons.

Tapos ano? Lucky? Halos hindi ko na makilala ang sarili ko, tapos lucky? Walang parte sa katawan ko ang hindi masakit! Ang hindi kumikirot! If it weren't for my mind telling my body it could withstand this, I would have died a horrible, horrible death a lot sooner!

"You have a strong support system. You have friends, and the guy you like feels the same way about you," she added.

"You have money and connections. Your family name can intimidate someone." I scoffed. "To have a woman of privilege tell me I am lucky sounds like a fucking insult."

"Money isn't everythin—"

"Sa'yo," putol ko. "Tingin mo ba gusto kong magpabugbog para sa mga barya n'yong mayayaman?"

Her breathing hitched as she fell silent. I was so offended by her insensitivity that I exploded.

"Hindi mo maiintindihan ang importansya ng pera kasi lumaki kang hindi pinagtatrabahuhan 'yon. Hindi mo kailangang magtinda, magpabugbog, magpuyat, magtiis ng gutom, magnakaw ng pagkain, mauhaw, at mangutang kasi may hihingian ka," mariing litanya ko. "Yes, I'm lucky to have good people around me, but do you really think that's enough to stay alive?"

"I'm just saying..." she murmured. "It's rare to find people who are true to you. It's not something you can buy with money."

My lips quivered when I realized that our lives were really different. She had everything I'd worked hard for, and I had the type of friends she wanted.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya kaya hindi ako nagbibigay ng kumento tungkol doon. She should have shown the common courtesy to refrain from speculating about my life as well, given that we were strangers. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa utak niya. Hindi naman kasama sa serbisyo ko ang makinig sa kanya.

"Don't hurt Juancho," she said. "He's the nicest person I've ever met."

"I will, but not because you told me to," I replied firmly.

She smiled. "You've taken my only friend. You're a bad girl."

I knew she was joking, yet her words cut straight to my soul. I clenched my teeth, resisting the desire to strike back.

"Nasa taas ng ref 'yong bayad ko," mahinang saad niya. "Thank you for helping me get past my anger. I need that..."

Parang may bumikig sa lalamunan ko sa narinig na lungkot sa boses niya. I wasn't the type to feel sorry for the rich, but something about her loneliness got to me. Nakakainis. Nakakagalit. How could she have everything I wanted and still feel like she has nothing?

"Report it," I said, my voice strained.

"Hmm?"

"'Yong nanakit sa'yo..." Tinitigan ko siya. "Stand up for yourself and tell someone about it. Hindi 'yan titigil hangga't hindi ka nagsasalita."

"What are you saying?" She chuckled. "Are you thinking I'm abused or something?"

"Hindi ba?" I challenged.

"Of course not!" she said, still wearing the ghost of a smile from her chuckle. "If I did, I wouldn't back down. I'd report it right away. I am not a coward."

Tumango na lang ako. Kilala niya ang sarili niya. Alam niya ang ginagawa niya. Hindi ko siya para panghimasukan.

Walang imik kong kinuha ang mga gamit ko bago naglakad papunta sa ref. Nakita ko roon ang magkahugpong na isang libo at limang daan. Psyche told me to take it all, so I sucked up my pride and did. Hindi na rin ako nagpaalam bago tuluyang umalis.

The session was physically and emotionally exhausting. Habang nasa biyahe pauwi ay hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan. Bukod pa roon ay nanunumbalik sa akin ang maikling usapan namin ni Psyche.

Naiinis ako sa sarili ko, dahil sa sitwasyon ko, nakuha ko pang maawa kanya. She could afford to go to the hospital to get her wounds treated. Hindi niya kailangang tiisin lahat ng 'yon na parang wala siyang ibang pamimilian.

I didn't want to get in the way, but I found myself calling the hospital that had looked at my X-ray before to send someone to her. I gave them the address and explained why she couldn't go there herself. Kung hindi niya ipatitingin ang mga sugat niya, baka magpeklat ang mga 'yon. Kailangan ding malapatan ng paunang lunas ang mga pasa niya.

She had a nice skin. Sayang ang pag-aalaga niya roon kung hahayaan niya lang.

I sighed as I looked out the window. Madaling araw na. Hindi magtatagal at liliwanag na ulit. Kakailanganin ko nang pumunta sa gym. Siguro ay magpapahinga muna ako kahit dalawang araw bago pumasok. Pagagalingin ko lang nang kaunti ang mga pasa ko.

I almost stumbled as I walked to our apartment. Ramdam ko ang ngalay at bigat ng katawan ko pero pinilit kong hindi matumba sa paglalakad.

Marahan kong tinapik ang braso ko, bumubulong ng paumanhin sa hindi pakikinig na kailangan ko ng pahinga, nagpapasalamat dahil hindi ako sinukuan.

Rest—it was a luxury that most poor people couldn't afford. In all my life, I had never gone to bed feeling rested. Iyong masaya ka naman dahil kasama mo ang mga mahal mo sa buhay at natutustusan mo ang sarili mo, pero sa gabi, bago ka matulog, ramdam mong masakit ang katawan mo.

I was thankful my body hadn't abandoned me yet, even though I'd put it through a lot. Laging panangga sa sakit. Laging sandata sa hamon ng buhay.

I passed out on my bed, too exhausted to even wash. Kung hindi ko pa narinig ang pagsigaw ni Mari na papasok na siya, hindi pa ako magigising. I felt like I was failing her lately because I always had a reason not to pick her up. Sometimes it was because my body couldn't handle it anymore. Sometimes it was because I needed to see my client.

Pinilit kong bumangon. Halos apat na libo ang kinita ko kahapon at kapag binigay ko na iyon kay Coach lahat, kaunting-kaunti na lang ang matitira sa bayarin ko. Kaya ko nang pagtrabahuhan ng ilang araw 'yon. Ibig sabihin, puwede na akong makipagkita kay Juancho.

The thought put a smile on my face. Miss ko miss ko na siya. I would tell him I was sorry and probably cook for him. Saka na ako bibili ng regalo kapag nakapag-ipon-ipon ulit. Walang okasyon, pero gusto kong ipakita sa kanya na totoo ang paghingi ko ng tawad.

I would never get into a fight with him again. It seemed as if the whole world would fall on me if I did. Isa pa, hindi ko gusto ang pakiramdam na malayo kami sa isa't isa.

I was about to get ready for work when my phone rang. Hindi ko pa sana sasagutin 'yon kung hindi nakita kung sino ang tumatawag.

"Good morning, Coach," bati ko.

"Good morning, Mill."

Seryoso ang tinig niya kaya bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. May nagawa na naman ba akong hindi tama?

"Nasaan ka na?" tanong niya.

I licked my lips, feeling the drying of my mouth. 'Wag naman sana. Ngayon pa lang ako nakakabawi. Hindi ko na kakayanin kung may kailangan na naman akong bayaran.

"Nasa bahay pa..." mahinang sagot ko.

I heard him breathe as he went silent for a moment. Lalong nagwala ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nadismaya ko na naman siya. Sa oras na sabihin niyang may nagawa akong mali, ilang suntok pa ang tatanggapin ko? Ilang araw at linggo pa ang titiisin ko? Gusto ko nang simulan ang semester dahil ayokong ma-delay. Gusto ko nang bigyan ng pahinga ang katawan ko. Gusto ko nang makita si Juancho.

"Take a day off," he said.

Naputol ang pag-iisip ko. "Coach?"

"'Wag kang mag-alala. Ibabawas ko pa rin 'to sa bayarin mo."

"Bakit..." I trailed off, not knowing what to say.

"Nagsimula na pala ang sem n'yo. Bakit hindi ka pumapasok?" tanong niya,, ang boses ay mas naging strikto. "You're working two jobs. Iyon ba ang rason? Para makapagbayad?"

I gulped as I forced a chuckle. "Hindi ba puwedeng tinatamad pa, Coach? Kilala mo naman ako."

"Yes, I know you, at alam kong gusto mong makapagtapos on time. Paano mo magagawa 'yon kung hindi ka pumapasok?" He sounded stressed out. "And what's your other job? Other trainers are complaining that you aren't getting better at sparring. Palamya ka raw nang palamya. What's up with you?"

Yumuko ako, tinamaan ng hiya sa sinabi niya. Why—just why couldn't I do things right?

"Magpahinga ka muna ngayon," pagpapatuloy niya. "Hindi ako galit. Nag-aalala lang ako sa'yo. You seem to be too hard on yourself these days, and I'm sorry if you did all of this to pay me."

Umiling ako. "Kasalanan ko. 'Wag na po kayong humingi ng tawad. Babayaran ko nang buo ang utang ko at saka ako babalik sa school. Kakausapin ko rin ang ibang trainers sa susunod na araw. Pasensya na po sa abala."

Nang maibaba ang tawag ay nanlulumo akong naupo sa sofa. I knew I shouldn't berate myself, but I couldn't help it. Sa katangahan ko, ang dami ko nang isinakrispisyo. Hindi na ako magugulat kung tatanggalin din ako ni Coach sa trabaho kapag nabayaran ko na ang balanse ko.

Buong tanghali, matapos maglaba at maglinis ng apartment, inihiga ko ang pagod. The pain was all over me; it was throbbing in my back, shoulders, chest, arms, legs, and toes. Kaya ayoko ring magkakaroon ng oras para gawin 'to, eh. Nararamdaman ko lahat. Hindi naman ganito katindi ang sakit kapag nasa trabaho ako.

"Babaw mong puta ka," sabi ko sa sarili nang manubig ang mga mata ko. "Para 'yan lang, iiyakan mo? Ulol. Gagaling din naman ang mga 'yan. Makapag-inarte ka akala mo hindi 'yan dahil sa kabobohan mo..."

Ayokong magdrama. Aksaya lang ng oras. Marami akong ibang puwedeng gawin kaysa ang iyakan ang problemang ako rin ang gumawa.

Nang maghapon, pinilit kong hindi magbigay ng oras sa sarili. Umakyat ako sa bubong at tinapalan ang kung ano-anong makikitang butas doon. Inayos ko rin ang bintana sa mga kwarto na hindi nabubuksan nang maayos. Kinudkod ko ang sahig at dingding ng banyo, nilinisan ang kubeta, at pinalitan ng bedsheet ang mga kama. Miski si Doraemon ay nilabhan ko. Medyo kupas na ang kulay niya pero buo pa rin naman ang mukha.

It was almost six in the evening when I finished. Hindi pa rin ako kuntento. Pakiramdam ko ay wala pa akong karapatang magpahinga. Mamaya pa ang uwi ni Mari, at baka masirain lang ako ng bait kung mag-iisip pa ako.

I needed some disturbance, and this silence wasn't giving it to me.

Aayusin ko na sana ang damitan ni Mari para abalahin ang sarili nang tumunog ang telepono ko mula sa kwarto. After my phone call with Coach this morning, I didn't look at it again.

Kahit nagdadalawang-isip ay pinuntahan ko pa rin iyon. Namatay na ang tawag na mula sa kumpanya. Ni hindi manlang pala ako nakapagsabing aayaw na ako.

Nagtitipa na ako ng email sa kanila tungkol sa pag-alis ko at sa taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay ng kliyente, nang muli silang tumawag. Huminga muna ako nang malalim, iniisip na sa tawag dapat ako magpaalam.

And so, after a few more rings, I picked up the call.

"Mill!" It was the excited voice of my employer. "I have some good news for you today."

"Good evening, ma'am." Tumikhim ako. "I'm actually planning to quit now. Thank you for having me, and I'm really sorry I can't stay longer."

Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Are you sure?"

I nodded. "Yeah."

She sighed. "I appreciate it. Most of our employees leave without a word. Thanks for telling me."

"I'm not the right person for the job. I also have other things on my mind."

I could hear her steady breathing on the other end of the line as if she were taking in my words.

"I have this client now, and what he's looking for is the perfect way to describe you. Female, 21, and slim," she said. "He's willing to pay up to 4,000 for no more than 20 minutes."

Parang nagpantig ang tainga ko. "4,000?"

"Yes! I can't believe it myself, either. A few more thousands and he can afford a legit punching bag."

4,000... malaking pera 'yon. Kagabi lang ay naka-tatlong libo at anim na daan ako sa apat na kliyente. Kung tatanggapin ko ang isang 'to, puwede kong kunin ang kalahati para maibili ng regalo si Juancho. Pang-peace offering sa pang-aaway ko.

"He's 23, 188 centimeters tall, weighs 78 kilograms, and has a muscular body," she continued. "He's heavy for you, but I'm pretty sure you can take him."

I swallowed. "Did he pay in advance?"

"Not yet, but he has already paid the company."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nag-isip nang mabuti. Kung 700 ang natatanggap namin per client, kalahati noon ang binabayad nila sa kumpanya. Upon calling and asking for a stress coach, they had to put down 50% of the total fee, including the tip.

Apat na libo... sayang din 'yon kung hindi ko tatanggapin. Isa pa, sa bahay lang naman ako naglagi ngayong araw. I shouldn't let this day pass without earning.

"Last client, ma'am," I concluded.

She gasped. "Thank you! I was nervous you'd decline. Come to the office now. He'd be here any minute."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kumikirot ang mga pasa at sugat ko habang nagbibihis pero ininda ko 'yon. Kita ko sa salamin ang bakas ng pang-aabuso ko sa katawan ko at pilit ko lang isinantabi ang pagninilay-nilay roon. I was lucky that my clothes covered up those bruises. Only the one in my jaw was visible.

Hindi ako nahirapang sumakay papunta sa kumpanya. Inihanda ko agad ang sarili at isinuot na ang protective gears.

I felt energized by the idea of getting a bit more money after this. Iniisip ko na ang mga puwedeng bilhin para kay Juancho. I could get him a new polo shirt or a new lamp for his study table. Puwede ring sunblock dahil madalas ay tutok ang araw kapag nagtatrabaho siya.

"Mill, sa parking kayo. Nasa baba na siya."

Tumango ako at hindi na inabalang tanggalin ang protective gears. Kakaunti naman ang kliyenteng bumibisita sa kumpanya mismo kaya alam kong makikita ko agad siya.

My mind was ecstatic, but I could feel my body writhing in protest. Bawat hakbang, nararamdaman ko na agad ang hagupit na matatanggap ko. I got so used to being punched without being able to defend myself that my body had memorized the feeling.

I guessed I would just close my eyes again, stay as still as a rock, get up when I fell, and that would be it... everything would be over.

Kaya ko 'to. Iisipin ko na lang na may magandang mangyayari pagkatapos nito. Liliit ang babayaran ko kay Coach, makikita ko si Juancho, at magkakaayos na kami. Makakapasok na 'ko at makapagsisimula ng internship ko.

Everything would fall back into place. Kaunting suntok na lang.

Suot ang gloves, pinagtama ko ang kamao. Nag-echo agad iyon sa kulong na parking lot. My heart was beating rapidly because I knew what I was here for. I was worried about the pain I would have to go through again.

Inulit-ulit ko ang pagpapatunog ng kamao para ibsan ang kaba. Tumingin ako sa paligid, hinahanap ang kliyente, taimtim na nagdarasal na hindi ko agad siya makita.

"Here."

One word was all it took for me to stop dead in my tracks. Dumoble ang pagwawala ng dibdib ko sa pamilyar na boses na narinig. Hindi ako nakalingon agad sa gilid ko kung saan iyon nagmula. I was frozen with fear. I felt a constriction in my chest and a tremble in my lips as a knot rose in my throat. Kahit naka-gloves, ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko.

"Come here," he said firmly.

Ibinagsak ko ang tingin sa paa. Hindi sa ganitong sitwasyon ko pinangarap na magkita kami. I was a terrible sight, stuffed with lumpy gears. Isa pa, wala akong balak sabihin sa kanya 'to. Wala dapat siya rito... Hindi ko kayang lunukin ang dangal ko sa oras na malaman niya kung ano ang kaya kong isakripisyo para sa pera.

"Come here," pag-uulit niya.

Hindi ako sumunod at pinanatili ang pagkakayuko. "N-Nalimutan ko 'yong gloves mo sa taas. Kukunin ko muna."

My chest heaved as I took a deep breath. Paano kapag umayaw siya sa'kin dahil nalaman niyang nagsinungaling ako? Paano kapag ayaw niya sa babaeng desperadong kumita? Hindi pa namin napag-uusapan ang huling pinag-awayan namin. Paano kung mapagod na siya sa ganito kong ugali?

"Mirae..."

Nanubig agad ang mga mata ko sa lambing ng pagtawag niya.

"Hindi ka galit?" mahinang-mahinang tanong ko.

"Come here."

Umiling ako. "Umalis ka na. May trabaho pa 'ko..."

Narinig ko ang paglapit niya, at kahit na gustuhin kong tumakbo papasok ng opisina, hindi ako nakagalaw. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko at lalong pagbilis ng tibok ng puso. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang sapatos niya sa tapat ko.

Magsasalita na sana ako nang kunin niya ang isang kamay ko. I looked at him and saw that he was paying close attention to my hand as he carefully removed my glove. His brow was scrunched, and there was a burning anger in his eyes, opposite to the way he held me.

Sinunod niya ang isa pang kamay ko, ang nasa dibdib, at nasa balikat. He quietly stripped away all of my gears, leaving only the one in my head. I just stood there and watched him do it, afraid that he would hate me for having this kind of job.

Nang headgear ko na ang tatanggalin niya ay saka lang nagtama ang mga mata namin. Unti-unting natunaw ang tapang sa itsura niya ngunit wala pinanatili niyang tikom ang bibig.

Marahan niyang inalis ang headgear at kitang-kita ko ang pagkuyom ng panga niya nang dumaplis ang tingin niya sa pasa ko. His eyes stayed there for a long time, making it look like he was planning a crime. Nagsitayuan ang balahibo ko sa isiping makikita niya ang ilan ko pang pasa.

I lowered my gaze again as I remembered how I looked. While he appeared all attractive and robust, I was a nervous wreck.

Wala siyang sinabi nang umalis sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin at pinanood kung paanong walang kahirap-hirap siyang sumakay sa motor niya at pinatunog iyon. Dalawa ang helmet na nandoon, para bang nasa plano niyang magkita kami ngayon. Isang beses pa siyang tumingin sa akin bago minaneho iyon palapit sa puwesto ko.

"Sakay," aniya habang iniaabot sa'kin ang helmet.

Tiningnan ko ang gears na nasa semento.

"Don't mind those. Lilinisin nila 'yan."

I clenched my fist as I thought about all the possible excuses I could muster. Hindi ko gustong sumama sa kanya sa ganitong ayos. Baka... ayawan niya ako. Baka mapagtanto niyang masyado akong magulo at marumi para sa kanya.

"Please," he whispered. "Let's get out of here..."

Isinuot ko ang helmet at hinang-hinang umangkas sa likod niya. Hahawak na sana ako sa gilid ng upuan sa likuran ko nang marahan niyang abutin ang dalawang kamay ko at buong pag-iingat na iniikot iyon sa baywang niya.

Iyon lang ang hinihintay ko bago ako tuluyang sumandal sa kanya. I tightened my arms around his waist and gave him a firm embrace, silently hoping he wouldn't hate me too much.

He started driving, and I just closed my eyes, basking in the comforting warmth of his body and the peace of his presence.

Nahuli niya 'ko. Nakakahiya. Ano ang sasabihin niya ngayong alam niyang ito ang pinagkakaabalahan ko? Ang... dungis ko pa naman. Ang dami kong sugat at pasa. Kaya nga magpapagaling muna ako bago makipagkita ulit sa kanya. Bakit niya ako inunahan? Paano ako magpapaliwanag n'yan?

Halos manlamig ako nang tumigil kami sa isang ospital. Hindi pa kami nakakababa ay paulit-ulit na akong umiling.

"Ayoko, Juancho," saad ko. "Hindi naman masakit... wala namang masakit..." Nanginig ang boses ko. "'Wag na tayo rito."

Tinanggal niya ang helmet. "We'll just check. You have a bruise. We need to know the condition of your body."

Muli akong umiling. "'Wag na. Okay ako. Hindi kailangan 'yan."

He let out a sigh as if he were trying to keep his temper in check.

"Baba."

"Juancho naman..."

"You're not okay," he said, his voice sturdy. "You flinched when I removed your chest gear and shoulder pads. You can fool yourself, but not me."

Mariin kong kinagat ang labi. "Ayoko. Kaya ko namang tiisin..."

"Bumaba ka na dahil hindi ako papayag na aalis tayo rito nang hindi ka natitingnan."

Yumakap ulit ako sa kanya. "Please, 'wag na. Nilalagyan ko naman ng yelo 'to. Gagaling din agad."

He shook his head.

"Ang kulit mo naman... sabing kaya nga..." mahinang reklamo ko. "Sayang ang pera. Ang mahal-mahal d'yan."

I felt him stiffen. The silence settled between us as I hugged his waist.

"Is that what you're worried about?"

Hindi ako nakasagot.

"Nag-aalala ka ro'n?" tanong ulit niya.

Niluwagan ko ang kapit sa kanya pero hinigit niya lang ang kamay ko.

"Wala akong pera," bulong ko. "Hindi naman masakit. Bakit mag-aksaya ako kung kaya ko namang tiisin?"

"Kasama mo 'ko. Bakit inaalala mo 'yan? Ako ang gagastos."

Umiling ako. "Hindi rin naman malaki ang kinikita mo..."

"Are you being serious now?"

"Juancho..." I pursed my lips. "Tama n—"

"If I have to sell my motorcycle, put my house on lease, and kneel in front of my father just to have you checked, I will," mariing sabi niya. "Hindi kita isasakripisyo para sa pera, Millicent, kaya bumaba ka na d'yan."

Kumirot ang dibdib ko sa kaisipang alam niya kung paano ako alagaan. It was almost as if he could figure out what I needed without me having to say it. He memorized me better than I could... and was ready to accept every facet of me, whether it be laughter, tears, remedies, or fears.

Hawak niya ang kamay ko nang pumasok kami sa ospital. Ipinalista niya ang pangalan ko at tahimik lang kaming naghintay hanggang sa tawagin kami sa consultation room.

The doctor immediately asked what I was there for, and Juancho answered her for me. We were sitting next to each other, but I kept my hands to myself even though I wanted to feel his warmth again.

"Napaano 'yang pasa mo?" tanong ng doctor.

I gulped because I knew that was something Juancho couldn't answer.

"Sa suntok po..."

Kumunot ang noo niya, parang naalerto. "Nino?" Tumingin siya kay Juancho.

Agad akong umiling. "Hindi po siya. Sa kliyente ko po. May... pinasukan po kasi akong... trabaho. Wala namang may kasalanan. Ginusto ko po 'to."

"No, you didn't," the doctor said. "Saan ka pa may pasa?"

Kinakabahang sumulyap ako kay Juancho. Nakatingin lang din siya sa akin, hinihintay ang sasabihin ko. Isa lang ang alam niyang pasa ko. Baka ayawan niya ako kapag nakita niyang marami. Dahil pa sa katigasan ng ulo ko.

"Hija, do you want us to be alone?"

"Hindi po..." Halos kapusin ako ng hininga. "W-Wala na po akong ibang pasa."

I heard Juancho sigh. "Please check her shoulders and chest."

My heart pounded so quickly that I began to sweat.

The doctor reached out and squeezed my shoulder, causing me to cry out of pain. Kinuha ni Juancho ang isang kamay at ipinakapit iyon sa palapulsuhan niya. Walang pag-aalinlangan kong hinigpitan ang hawak ko roon.

"You have to take your shirt off. I'll see if you have any serious bruises," sabi ng doctor bago tumingin kay Juancho. "Sir, sa labas na lang po muna kayo..."

Naramdaman kong tatayo na si Juancho pero pinigilan ko siya. Ayokong maiwan dito. Kahit pa may posibilidad na magalit o mandiri siya sa'kin, gusto kong kasama ko siya... gusto kong marinig niya ang lahat ng sasabihin ng doctor sa akin.

"Okay," the doctor said as if she understood my action.

Pinagilid niya si Juancho samantalang ako ay pinatayo niya. She checked my bruise on the jaw again before telling me to remove my shirt. Tumalikod ako, nagwawala ang dibdib, bago maingat na tinanggal ang pang-itaas ko.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Juancho, dahilan para manginig ang kalamnan ko. Alam kong kitang-kita niya ang mangilan-ngilang pasa at sugat ko sa likod.

I pressed my fingers as I faced them. Sinalubong agad ako ng namumulang mata ni Juancho.

Bumaba ang tingin niya sa ilalim ng sports bra ko kung saan alam kong kapansin-pansin ang nag-uube kong pasa. May mga galos din doon na hindi pa natutuyo. Hindi rin nakalampas sa mata niya ang namamaga kong pasa sa magkabilang braso at balikat.

I saw how he clenched his fists and looked away as if it hurt him to see me.

Habang sinusuri ako ng doctor ay hindi na siya ulit tumingin sa akin. Nanatili siyang nakayuko at nakakuyom ang kamay.

"We have to conduct a blood test and an x-ray on your chest. Titingnan natin ang ribs mo kasi malala ang swelling ng bruises mo," saad ng doktora. "Sumama ka sa'kin sa rad room for your x-ray, tapos kailangang bumalik bukas para sa blood test. You have to fast for 10 hours, but I'll tell you more about it later."

Tahimik lang kami ni Juancho hanggang sa matapos. Narinig ko lang ulit ang boses niya nang itanong sa doktora kung puwede akong kumain muna bago simulan ang fasting. Siya rin ang nagbayad sa cashier ng consultation fee at x-ray.

Nang makabalik kami sa motor ay ramdam ko ang dobleng pag-iingat niya sa'kin. Wala pa rin kaming imik sa isa't isa kaya alam kong may hinanakit siya sa akin.

Dumaan kami sa pharmacy bago tuluyang umuwi sa bahay niya. Pinagpahinga niya ako sa sala dahil magluluto raw siya ng pagkain namin pero sinundan ko lang siya sa kusina. Hindi niya naman ako pinagalitan kaya ikinalma ko ang sarili.

I watched his back as he moved around the kitchen, and I realized then how much I meant to him. Gumatos siya sa'kin, nag-aksaya ng oras, at ngayon, pinagluluto pa 'ko. Ni hindi niya matingnan nang diretso ang mga pasa ko na para bang kasama ko siyang nasasaktan.

Juancho—he wasn't just a random stranger who walked into my world; he became an integral part of my being, one I could never do life without.

Sa harap niya, puwede akong magpakita ng kahinaan at kaduwagan. Sa harap niya, puwede kong ituro kung anong bahagi ng katawan ko ang masakit. Sa harap niya, puwede kong aminin na hindi ako laging malakas... na gaya ng ibang babae, ayoko ring magkapeklat. Sa harap niya, puwede akong tumangis, puwede akong magpahinga nang hindi iniisip na isang krimen 'yon.

Giving him my heart was like entrusting it to a child I knew would protect it.

If my friends sat in the dark with me, holding torches, then he was the one who kept showing up at my doorstep, showing me how beautiful the day was and how different everything would be if I could take comfort in the light.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Bago pa siya makaharap sa akin, buong-tapang kong niyakap ang likuran niya, isinandal ang pisngi roon, at tuluyang pinigilan siya sa paggalaw.

"Sorry..."

He stiffened as my voice cracked.

"Sorry, pasaway ako," bulong ko. "Sorry, hindi na lang ako nakinig sa'yo..."

Tuluyang umalpas ang mga luha ko. This time, hindi ko na sila pinigilan. Hindi ko na sinabing kababawan 'yon dahil ramdam na ramdam ko ang lalim ng pagmamahal ko sa kanya.

"Sorry, hindi ako nagsabi. Sorry, lagi kitang ginagalit..."

He was going to turn around, but I held on to him tighter.

"Babaguhin ko na ang ugali ko. Hindi na ako makikipag-away sa'yo, hindi na ako mag-iinom at magyoyosi, hindi na rin ako gagawa ng bagay na mag-aalala ka..." I sobbed. "B-Basta, 'wag mo 'kong iwan, ha? Takot ako ro'n, eh... takot akong maiwan at ipagtabuyan."

Nawalan ako ng lakas para higpitan ang hawak sa kanya dahil nagawa niyang humarap sa akin. I covered my face with my hands and sobbed, ashamed to show him how weak I actually was.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagtanggal sa kamay ko. Iniangat niya ang mukha ko gamit ang isang mga daliri at mabilis na nagtama ang mga mata namin. Ang akin—lumuluha. Ang kanya—namumula, tila nasa bingit ng pagitan ng galit at pag-iyak.

"Why did you come to me looking like you were so ready to get beaten up?" Nabasag ang boses niya. "Hmm, Mirae? What are all those gears for?"

Napahikbi ako. "S-Sorry..."

"No." Umiling siya. "You can't tell me you let people punch you for money..."

Hindi ako nakapagsalita dahil iyon ang totoo. At alam kong alam niya 'yon. Binitawan niya ang mukha ko at bahagyang lumayo sa akin.

"Ang dami mong pasa..." His breathing was labored. "Tapos sasabihin mong hindi masakit? Sasabihin mong kaya mo? Halos mangitim na 'yong iba. Sa paltos nga, halos mamatay na ako sa pag-aalala sa'yo. Bakit hindi mo 'ko sinabihan? Bakit mo tiniis 'yan?" dire-diretsong litanya niya na parang kanina pa niya iniipon 'yon. "Hindi ko pa nga napoproseso ang nag-iisang pasa mo sa panga, makikita ko pang halos wala nang paglalagyan ng sugat ang katawan mo."

"Gagaling din naman 'yon..."

"Gagaling? Paano kung ibang kliyente ako? Magpapabugbog ka ulit? Edi, lalala 'yan?" hirap na hirap na aniya. "Ni hindi mo manlang sinabi sa'kin na may problema ka sa pera."

"Baka kasi mag-alala ka."

He looked like he had just heard nonsense. "Mag-aalala talaga 'ko. Mahal kita, eh!"

Umawang ang labi ko.

"Ayokong nasasaktan, napapahamak, o napapaaway ka kasi mahal kita," dagdag niya pa. "Binigyan kita ng oras para mag-isip kahit parang masisiraan na ako ng bait kaiisip kung babalikan mo pa 'ko kasi ayokong ikulong ka sa pagmamahal ko. Ayokong isipin mong preso kita."

"J-Juancho..."

"Pero kung alam ko lang na gagamitin mo ang mga oras na 'yon para ipahamak ang sarili mo, sana hindi na lang kita hinayaan," napapaos na saad niya. "Sinusubukan ko ngang alagaan ka tapos aabusuhin mo lang ang katawan mo?"

My eyes were blurry as I walked up to him, feeling all the emotions in my chest. Sa gitna ng kirot ng mga kasukasuan, antak ng mga kalamnan, daing ng mga sugat at pasa, niyakap ko siya. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya at tumangis doon... hindi dahil sa sakit, kung hindi dahil sa nag-uumapaw na saya.

Naramdaman ko ang pagyakap din niya sa akin, ang mga braso ay halos hindi na lumapat sa katawan ko, tila ba takot na takot siyang humawak sa akin. Puno ng lambing niyang hinalikan ang noo ko bago inillagay ang baba niya sa tuktok ng ulo ko.

"Mahalin mo naman ang sarili mo," halos magmakaawa siya.

Tumango ako.

"Don't try to solve your problems on your own; I'm here to help you with everything. Kung nahihirapan ka sa assignment, kung hindi mo gusto ang ulam n'yo, kung wala ka nang lakas maglinis ng bahay, kung gusto mong mag-day off sa gym, kung kulang ka sa pera... sabihin mo lang sa'kin. Tutulungan kita sa lahat."

Gumalaw ang dibdib niya sa paghinga niya nang malalim.

"Control me all you want, use me until I'm spent, complain to me every day—I don't care," he said, the sincerity palpable in every word. "I'm so, so in love with you."

It was a love that was unwavering, unchanging, and gentle in every way. The kind that could take me on my worst day and still treasure me. He was everything I couldn't put into words, everything I wanted to memorize, everything I wanted to write in stone—a love that could never be forgotten.

Hinaplos niya ang sugat na inilagay ko sa sarili ko, hinubad ang armas na pumoprotekta at pinalitan iyon ng katawan niya.

He wasn't mad; he was worried because he loved me.

"Juancho..."

"Hmm?"

If he were the relief from my pain, I wouldn't think twice about going through it all over again.

Rinig ko ang mabilis at malakas na pagwawala ng puso niya. Lalo kong idinikit ang sarili sa dibdib niya, naaaliw sa magandang ritmo noon.

Ipinikit ko ang mga mata, at sa pinakabanayad na boses at pinakapayapang bisig, ibinulong ko sa kanya ang mga katagang matagal nang nakasulat sa pagkatao ko.

"Mahal din kita..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro