Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


Chapter 20

From: Juancho

Okay, baby. Take your time. Hit me up when you're ready.

Iyon ang bumungad sa'kin nang magising ako kinabukasan. It was sent in the middle of the night, and I was sure he was taking a break from work at the time.

Nakonsensya akong hindi mag-reply lalo't ang hindi ko pagpaparamdam ang una naming hindi pinagkaunawaan noon. Kaya lang, kilala ko siya. Pagagalitan niya ako kapag nalaman niya ang likas ng pinag-a-applyan kong trabaho.

Dahil mabilis ang process ng hiring sa pagiging stress coach, naka-receive agad ako ng email sa kanila. They told me that the work would be physically taxing, even with protective gears. I also looked into the company and saw that there were a lot of part-time workers there. Hindi kilala ang ganitong linya ng trabaho dahil sa risk na dala nito, pero iba ang nagagawa ng pera.

"Work ka na?" tanong ni Mari, kalalabas lang sa kwarto.

Tahimik akong tumango. Wala ako sa mood makipag-asaran.

Mukhang nakuha niya naman ang nais kong mangyari dahil hindi na siya nangusisa. Sa bulsa ay bitbit ko ang kalahati ng ipon para iabot kay Coach. Kailangan kong unti-untiin ang pagbabayad. Tatagal ako ng tatlo hanggang apat na buwan na walang suweldo kapag hinayaan ko.

Ibang-iba ang ambience ng gym nang pumasok ako. Dahil maaga pa, si Coach pa lang ang nandoon. Naglilinis siya ng mats at ibang equipment.

Kahit nahihiya sa nangyari, naglakas-loob akong lumapit sa kanya.

"Good morning, Coach," bati ko.

Napatingin siya sa'kin. Ganoon pa rin ang tapang ng mga mata niya, at hindi ako tanga para hindi maunawaang may galit pa rin siya sa akin. Kung hindi man, dismayado. Madalas niya akong pagalitan noon bilang athlete, pero hindi ko kailanman naranasan ang pumalpak nang ganoon sa trabaho. I always gave my all at work because I felt lucky to be there.

"Nakapag-isip-isip ka na?" mariing tanong niya.

Tumango ako. "Pasensya na po ulit."

Nagbuntong-hininga siya. "Ayokong magalit sa'yo, Mill. Ikaw ang isa sa mga pinakauna kong empleyado, at kung hindi ko lang alam na mas gusto mong maging journalist, na-i-train na kita para maging licensed instructor."

Yumuko ako, lalong tinamaan ng hiya. He had been so good to me. Mabilis niya akong pinapayagan kapag nagpapaalam akong hindi makakapasok. Minsan pa, kahit anim na oras lang akong nagtrabaho, pang-walong oras ang ibinibigay niya sa aking suweldo.

"You messed up, and we both know why. Hindi puwedeng laging gan'yan, Mill." Umiling siya. "Kung gan'yan ang mangyayari sa'yo kapag nagtatalo kayo ni Montero, hangga't maaga tumigil ka na. Nawawalan ka ng focus."

Pilit kong nilunok ang sinabi niya. He had a point. I kept thinking about my dispute with Juancho that I spaced out during work. Hindi magandang tingnan lalo't siya ang employer ko. Malaking bagay na nga na hinahayaan niya ako kahit pa estudyante niya si Juancho.

I lifted my gaze. "Aayusin ko, Coach."

"You should."

Kinuha ko ang nakatiklop at magkakayapos na pera. Puro isang daan, singkwenta, bente, at apat na limang daan iyon kaya may kakapalan. Kita ko ang pagbaba ng mata roon ni Coach, tila nagtataka sa pag-aabot ko.

"Limang libo pa lang po 'yan..." saad ko. "Kumuha rin ako ng isa pang part-time job para makapag-unti-unti ako ng hulog. Hindi kasi kayang naka-tengga ako, Coach. Pasensya na."

Tumaas ang dalawang kilay niya pero tinanggap din naman ang pera. "Saan ka magtatrabaho?" tanong niya habang isinisilid iyon sa bulsa.

I pursed my lips, not wanting to answer but knowing I had to. "Hindi pa po sigurado. May interview ako mamayang hapon. Kapag umayos, makakapagsimula rin agad ako."

"Ang bilis naman?"

Pilit akong ngumiti. "Urgent hiring."

That conversation seemed to have cleared the air between us. Tinulungan ko siyang maglinis ng gym, at sinugurado kong isa-isahin ang lahat ng sulok na puwedeng pagtirahan ng mga daga. Nagsagot din ako ng inquiries at nag-check ng inventories. Hindi na ako puwedeng magkamali dahil wala akong pera pambayad kapag nagkataon.

Isang oras bago ang interview, nag-clock out na ako. Online lang naman 'yon. Kapag nakapasa, saka ako ipapatawag para ibigay ang protective gears.

Wala na si Mari sa apartment nang makauwi ako. Mabilis akong nagbihis at saka isinet-up ang laptop. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang tawag.

It was harmless. Pinaliwanag nila sa'kin na ang ideyang 'yon ay mula sa iba't ibang bansa. Some people do it solo, so when they brought it to the Philippines, they decided to start a company with that as its practice. Sila ang ico-contact ng clients at sila rin ang mag-a-assess kung sino ang puwedeng ipadala.

"We look at the clients' BMIs and backgrounds before deciding who to dispatch. We can't send someone with a small frame to a macho. We can't risk putting the coaches in danger," they explained. "You're a part-time assistant martial arts trainer. I'm sure you have a fairly high pain tolerance and endurance. That's a plus."

Bukod sa mga technical, wala nang pumapasok sa utak ko kung hindi ang kagustuha nang magtrabaho. I could take punches. I'd been doing that ever since. Mabilis pa kumita ng pera dito dahil labinglima hanggang dalawampu't limang minuto lang ang isang session. Imagine getting 700.00 to 1,000.00 pesos in that time frame.

"Why did you apply for this job?" the interviewer asked.

I breathed deeply. "I know the dangers it entails, but I don't mind taking a few hits for money."

Ngumiti siya. "Thank you for your honesty. Most of our coaches answer the same."

Hindi naman naging mahirap ang proseso ng interview. Hindi rin ako kinakabahan sa magiging trabaho dahil may tiwala naman ako sa katawan ko.

I could handle physical pain well. I would only flinch when something hurt, but there was nothing my body couldn't take.

Napatingin ako sa kalendaryo at napabuntong-hininga nang mapagtantong hindi ko kayang simulan agad ang semester. Baka ma-late ako ng isa hanggang dalawang linggo. Mag-iipon lang ako para sa internship at thesis. Malaki-laki kasi ang magagastos ko ro'n.

"Mill..." Si Mari, kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Mabilis kong inayos ang sarili.

"Pasok."

Tumunog ang pinto sa maliit na awang na ginawa niya. Sumilip siya sa akin, kunot ang noo, at bahagyang nanghahaba ang nguso.

"Ano?" I taunted.

"Umuwi ako nang maaga," anunsyo niya na parang hindi ko siya nakikita.

Pinilit kong ngumisi. "Magpapa-party ako?"

"Gaga." Umirap siya at bahagyang nilakihan ang bukas ng pinto. "Inom tayo?"

I was taken aback. Naramdaman kong umawang ang labi ko sa surpresa.

"Tanga ka ba? Ikaw ang nagsasabing aksaya ng pera 'yon," saad ko nang makabawi.

"Ikaw ang tanga!" ganti niya naman, lalong nagsalubong ang mga kilay. "Kahapon ka pa tahimik. Hindi ka naman magsasabi ng problema mo kung hindi ka mag-iinom."

Hindi agad ako nakasagot. There was something in my heart that warmed up. Parang ipinapaalala sa akin ng mundo na may rason kung bakit kami magkaibigan, kung bakit siya ang pinakakadikit ko, at kung bakit isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Madalas ay magkaiba kami ng pananaw sa buhay pero marami kaming pagkakapareho sa ugali.

She didn't like talking about her problems; I didn't like talking about mine without a drink. We were also both prideful, so Kat and Karsen made sure we didn't get into a severe argument. Kung magkakaroon man, ako pa rin ang unang namamansin. Mukha kasing kaya niya akong tanggalin sa buhay niya kapag hindi ko ginawa 'yon.

She could see right through me, the same way I could see right through her. Alam ko kapag bagong iyak siya at alam niya naman kapag masama ang araw ko.

If Kat and Karsen were my tender touches on the knuckles whenever I did anything reckless, Mari was my hard blow to the face.

Naglakad siya papunta sa kama ko at pasalampak na naupo ro'n. Napasimangot pa ako nang yakapin niya si Doraemon.

"Just because I'm busy doesn't mean you can't talk to me about anything," aniya sa masungit na boses bago nag-iwas ng tingin. "We're not huggers, but I'll give you one if you need it. Isipin mo na lang na kay Karsen galing."

Kumirot ang puso ko sa pinaghalong sakit at pasasalamat. Sakit para sa aming apat na naghirap at patuloy na naghihirap sa pagsustento sa mga sarili namin at pasasalamat dahil alam kong kasama ko sila.

Walang salita akong humiga, ang ulo ay nasa kandungan niya at ang paa ay nasa headrest ng kama. Naramdaman ko ang bahagyang pagpiksi niya ngunit hindi naman siya nagreklamo.

I closed my eyes and felt comfort in her presence.

"Hayaan mo muna akong matulog, ha?" sabi ko. "Magiging busy rin ako sa mga susunod na araw. I-a-advance ko na hangga't may oras pa."

There was a moment of silence before she spoke again.

"Pera?"

Isang beses akong tumango.

Nagbuntong-hininga siya. "Wala akong extra..."

"Alam ko." I smiled a little. "Kaya pahiram muna ng hita mo. Patulog ako."

It didn't take her long to brush through my hair, calming my scalp with each stroke.

Iniisip ko pa lang ang gagawin ko sa mga susunod na araw, gusto ko na agad sumuko. Sanay man akong kapusin, nakakapagod pa rin. Kaya ang suwerte ng ibang may mahihingian. Kaunting daing, may mabubunot sa bulsa. 'Yong mga hindi na kailangang magbanat ng buto para may panglaman sa sikmura at pangtustos sa mga hindi maiiwasang gastos.

Bilang mga salat at ulila, maaga kaming namulat ng mga kaibigan ko sa kahalagahan ng pera. Kung hindi kami makakabenta noon ng mga sako at sampaguita, wala kaming ibabaon sa school. Ang hirap pa namang tumanghod lang sa mga kaklaseng may baong biskwit at juice. Matatakam ka pero hanggang panonood ka lang. Mabuti nga at kaklase ko si Mari. May kasama akong magpanggap na hindi gutom habang kumakain ang lahat.

Tanda ko pa ang unang beses na naipatawag ako sa guidance office. Elementary ako noon, Grade 2. Inireklamo ako ng nanay ng kaklase ko dahil tatlong sunod-sunod na araw kong ninakaw ang baong tinapay at fruit juice ng anak niya. Sinigaw-sigawan niya ako pero hindi ako sumagot dahil alam kong mali ako. Ang nasa isip ko lang no'ng mga panahong 'yon, at least, kahit sa kakaunting araw, may napaghatian kami ni Mari.

"Ba't hindi mo sinasabi sa'kin 'yang tattoo mo?" mahinang tanong niya habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko.

"Hindi naman big deal," sagot ko. "Hindi ko alam kung tanda mo pero may saksak ako dati d'yan. Tinakpan lang ni Kat 'yong pinakapeklat."

I felt her breathe heavily. "Tanda mo pa?'

"'Yong rason?"

"Hindi," tugon niya. "'Yong sakit."

Unti-unti akong nagmulat at agad kong nakita ang mukha niya. Nakapikit siya at nakasandal sa dingding na parang nagpapahinga.

"Hindi ko na tanda."

Kita ko ang pagngiti niya. "Mabuti naman..."

Bumalik ako sa pagpikit. Nakalimutan ko man ang hapdi noon bilang sugat, may pilat naman sa puso ko ang hindi na maghihilom. Pilat na hindi kayang takpan ng kahit na anong tattoo, pilat na habambuhay nang nakatatak sa akin.

Sa lalim ng iniisip, naging banayad ang paghinga ko hanggang sa tuluyan akong makatulog sa pagod.

Madaling araw na nang magising ako at ganoon pa rin ang puwesto namin. Mukhang hindi nga man lang siya gumalaw.

Alam kong hindi siya komportable, kaya tumayo ako at inihiga siya nang maayos sa kama. Hindi naman siya nagising. Kinuha ko ang kumot at itinakip iyon sa katawan niya.

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang telepono ko. Sa bintana, kita ko ang dilim ng paligid.

Hindi ko maiwasang matawa sa sarili dahil kapag ganitong oras, isang tao ang agad na pumasok sa utak ko. It was still two in the morning. Baka kauuwi lang noon mula sa trabaho. Wala naman siyang text o kahit anong update para makumpirma ko 'yon. Alam ko ring sinusunod niya lang ang gusto ko.

I sat on the sofa and went through all the texts Juancho and I had sent each other.

Puro pagpapaalala, pagtatanong, pagsuway, at pagbati ang nandoon. Para niya akong bata kung pagsabihan lalo kapag inaasar ko siya. Siya rin ang madalas na humiling na magkita kami. Minsan nga, kapag magkasama kami, sinasadya kong painitin ang ulo niya dahil gusto ko ang pakiramdam na nakatingin siya sa akin, kahit pa sabihing nanlilisik ang mga mata niya.

Hindi ko masaulo ang ugali niya. Sometimes he was chill, and sometimes he wasn't. Sometimes he wouldn't tolerate me; sometimes, he would. Sometimes he would speak formally, and sometimes he would speak nastily.

Still, I liked everything about him. He had a lot of different angles that only I could see.

I didn't even know which one I liked best—the flirty, strict, jealous, or mysterious one. Ewan ko ba. Lahat yata ng ibigay niya sa'kin, taos-puso kong tatanggapin.

I let out a sigh of longing as I realized how much he meant to me. I wasn't sure if it was the silence or what, but I got to hear that still, small voice in my head encouraging me to do the most reasonable thing.

Texting him.

To: Juancho

Bigyan mo 'ko ng kaunting araw. Pagsasawain ko lang ang sarili ko na gawin lahat ng gusto ko. Pagkatapos no'n, makikinig na 'ko sa'yo. 'Wag kang mag-alala, hindi ako sasagad. Sorry kung naging matigas ang ulo ko at nag-away pa tayo. Babawi ako sa'yo.

It was a white lie, but it was the truth I could tell him. Simula noong nagtalo kami, hindi na ako sumubok magyosi o mag-inom. Hindi ko alam kung bakit kinailangan ko pang makipag-away gayong alam kong susunod din naman ako. Ang dami pa tuloy nangyari.

Later that day, I got an email from the job I was applying for telling me to come in for a physical assessment. Libre iyon kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumunta. Bumilib pa sila sa'kin dahil kadalasan daw sa stress coach nila ay malalaking lalaki. I just told them that I could deal with pain like a man. Mukhang naniwala naman sila roon base na rin sa laman ng resume ko.

From: Juancho

I'll be waiting. I'm sorry, too, for being worked up.

From: Juancho

Thank you for texting. I needed that.

I was so excited to see him again that I exerted every ounce of energy I had to get things done.

Over the next few days, I worked without getting sidetracked. I'd get some rest for three to five hours, and then I'd be ready to tackle my workday with complete determination.

Hindi ko inihihiwalay ang telepono ko sa akin dahil, surprisingly, marami ang nangangailangan ng stress coach. Tuwing alas siete ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, sa gym ako nagtatrabaho. Magche-check naman ako ng internship na puwede naming pag-applyan ni Sadie pagkauwi. Kapag nag-alas otso, stand by na ako sa tawag ng kliyente.

Kapag may bakanteng oras, naglilinis ako ng apartment at nagluluto. Nagpapatulong din ako kay Mari sa pag-e-edit ng thesis ko kapalit ng paglalaba ko ng mga damit niya. I would push myself so hard all day that by the time I went to bed, it felt like every muscle in my body was tense with pain.

Diretso kay Coach ang mga kinikita ko. Bukod sa pamasahe at minsanang pangkain, wala akong tinitira sa akin kahit piso.

Isa hanggang tatlong kliyente lang naman ang tinatanggap ko, at sa ngayon, puro babae ang napupunta sa akin. I have gloves, a mouthguard, a chest protector, shoulder pads, athletic cups, and a headgear to shield my body. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga pasa at sugat ay normal, lalo na kung ang kliyente ay nasa ilalim ng matinding stress.

"Mamatay ka na!" my client wailed as she punched me in the face.

Ramdam ko ang galit niya sa suntok na 'yon. From what she was yelling, I could tell she was upset with her boss.

"Putangina mo, ano'ng karapatan mong iduro-duro ako?!" sigaw niya pa.

Sa iilang araw, nasanay na akong mamura, matadyakan, masapak, at maisumpa. May mga pagkakataon pang sa braso ko sumusuntok ang kliyente, at dahil wala akong gear doon, nag-u-ube na ang ilan sa mga pasa ko. Iisang area kasi ang tinitira nila. Hindi ko naman para ireklamo 'yon lalo't bayad nila ako.

"Makapagpundar lang ako, hinding-hindi ko na pagtitiisan ang nakakasuka mong ugali!" sigaw ulit niya sabay patama ng suntok sa panga ko.

I shut my eyes when I felt a little bit of discomfort there. Sunod-sunod ang pagpapaulan niya ng suntok, hindi nagdadalawang-isip na ilabas sa akin ang lahat ng sama ng loob. Patuloy rin ang pagsigaw at pagwawala. Sa loob ng dalawampung minuto, tinanggap ng katawan ko ang bawat palo niya.

Nang matapos ay napaiyak siya.

Naglakad lang ako papunta sa maliit na mesa kung saan niya inilagay kanina ang bayad sa akin. May sobrang isang daan iyon kaya napangiti ako.

I took off all my protective gears, and my body felt like it was falling apart. Masakit ang panga, dibdib, sikmura, at braso ko sa dami ng sinalong suntok. Malas pa na unang kliyente ko pa lang siya ngayong gabi.

Isang beses pa akong tumingin sa kanya bago tahimik na umalis sa lugar.

Hindi araw-araw ay nakakarami ako. Noong unang araw nga, isa lang. Kahit tuloy marami akong patay na oras, hindi ako makapagpahinga lalo't inaabangan ko ang tawag ng kumpanya. Baka kasi ako ang ipadala nila sa kliyente. Sayang naman ang kikitain kung hindi ko tatanggapin.

Umuwi muna ako sa apartment at nagtapal ng relief patches sa masasakit na bahagi ng kalamnan ko.

Dalawang araw nang nagsimula ang semester at hindi pa rin ako pumapasok. Nag-text na sa'kin si Sadie tungkol sa internship namin pero hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Kung sakaling bubukod siya, maiintindihan ko. Bahala na kung saan ako mapadpad. Ayoko namang i-delay siya kahit pa may usapan kami.

I looked at myself in the mirror and noticed that my jaw was red and swollen. I tried to press it, but even the faintest brush was enough to make me flinch. Alam kong magpapasa 'yon, pero kaya namang tiisin. Kaunting yelo lang ang kailangan.

"Patay ako kay Juancho kapag nalaman niya 'to..." bulong ko sa sarili.

Naiisip ko na agad ang galit na mukha niya. Sigurado akong mahaba pa sa SONA ang magiging sermon niya sa'kin kapag nagkataon. Mabuti na rin talaga 'tong hindi kami nagkikita.

I couldn't wait to spend time with him again—to ride on his motorcycle, to share a meal with him, and to have his scent linger on my clothes. Siya ang naiisip ko tuwing pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. I knew that after all these storms, the skies would be clear again. The rough days would eventually end. Hindi naman permanente ang paghihirap kong 'to.

After fifteen minutes of resting on the sofa, the company sent a message asking whether I was willing to take on a man as a client. I answered yes immediately without any doubts. Mabilis kong kinuha ang gamit ko at naghanda na para puntahan ang kliyente.

I was thrilled. Isang libo ang bayad ng lalaki at malaking tulong 'yon sa pagbabayad ko kay Coach. Hindi ko naman hinihiling na mabayaran ko agad nang buo; ang importante lang, makalampas ako hanggang kalahati. Hindi ko naman mabigay ang lahat ng ipon ko dahil wala akong mabubunot kung sakaling magka-emergency rin kami ni Mari sa bahay.

Pagkarating sa lugar, namatyagan ko agad ang kliyente. Kahit na malaking bulas siya, hindi ako nakaramdam ng kaba. Napailing lang ako dahil alam kong mabigat ang kamay niya lalo't mukha siyang brusko. Basa ko rin ang poot sa mga mata niya—sumasalamin sa galit ng lahat ng naging kliyente ko.

Iniabot ko sa kanya ang gloves niya bago inihanda ang sarili.

As soon as I put on all my protective gears, he walked up to me and landed a solid blow to my face. Muntik akong mapaupo sa impact noon. Ramdam ko rin ang pag-triple ng sakit ng panga ko. At bago pa ako makabawi, muli siyang humakbang palapit sa akin at walang pag-aalinlangan na sinapak ako.

Unlike most of my other clients, this one didn't say much. Kung hindi pa dama sa sidhi ng suntok niya ang galit, hindi ko malalaman na may pinagdadaanan siya. Mabigat ang mga paghinga niya at namumula ang mga mata.

What I've learned from working in this industry is that many people harbor anger inside and take it out on others when they feel they have nowhere else to direct it. Hindi nila kayang atakihin ang mga gumawa ng mali sa kanila, kaya pinagkakasya nila ang sarili sa pag-iisip na ako ang kalaban.

It's an effective stress reliever as people don't always have the courage to face their offenders. It's just too bad that they must shell out money to release their emotions.

Bugbog na bugbog ang katawan ko matapos ang labinglimang minuto. Nakailang maririing kurap din ako dahil maya't maya ang pagdidilim ng paningin ko.

"Umalis ka na," sabi ng lalaki at saka iniabot sa akin ang gloves at pera.

Hindi ko na sinilip kung magkano 'yon. Tinanggal ko lang lahat ng gear ko bago sumibat paalis.

It was the most intense session I had ever experienced.

Dahil hindi ako puwedeng makita ni Mari sa ganitong lagay lalo't ayokong magtaka siya sa panghihina ko, minabuti kong sa convenience store na lang magpahinga. Ramdam ko ang ngalay at pagkirot ng bawat buto't kalamnan ko. Nang silipin ko rin ang pasa sa braso ay napangiwi ako sa kulay noon. Mabuti na lang at hindi ako mahilig mag-sando. Walang makakakita noon.

I knew how much my body could handle, so when another client showed up, I told the company I couldn't take any more for the night.

Sa convenience store na ako natulog, at madaling araw na nang bumalik ako sa apartment para masiguradong tulog na si Mari. Matapos lang ang isang oras pang pagpapahinga, naghanda na ako para pumasok sa gym.

For the next couple of days, I continued doing that. Ang alam ni Mari ay pumapasok ako sa school pero ang totoo ay sa nasa gym ako. Panay na ang text at chat sa akin ng mga kaklase ko pero wala akong sinasagot sa kanila.

Papasok naman ako, mala-late lang. Isa pa, thesis at internship naman ang pinagkakaabalahan namin ngayon. 300 hours lang din ang bubunuin namin buong semester kaya mahaba-haba pa ang oras ko. Sadyang natataranta lang ako dahil marami sa mga kaklase ko ang nagsimula na. Kung hindi naman, nakahanap na ng papasukan.

From: Sadie

Nakahanap na 'ko. Non-government unit. Nagpapapalabas sila ng movies at short films na may kinalaman sa social issues like HIV, teenage pregnancy, at poverty. Ang pinaka-head ay movie director din. Kapag ready ka na, sabihan mo 'ko. Try kong iproseso ang papel mo rito.

Para may tinik na nabunot sa dibdib ko nang matanggap ang text na 'yon. Nagpasalamat ako at nangakong ililibre siya kapag nakabawi-bawi na.

She didn't ask about my problem, and I was grateful for that. Wala akong lakas at oras para magkuwento. Isa pa, kahit na kami ang madalas na magkasama sa school, hindi talaga kami nagsasabihan ng mga isipin namin. We just drank and laughed everything off. Kaya rin kami nagkasundo. Pareho kaming relaxed lang.

"Mill, ipinatatawag ka ni Coach sa office."

It was my last day as a stress coach when Dash told me that. Pagkatapos nang gabi 'yon, titigil na ako. Wala na rin naman kasing rason para magtagal ako. Bukod sa nakapagunti-unti ako sa pagbabayad ng gloves, bugbog-sarado na rin ang katawan ko. Good thing my clothes could cover everything up.

"Good morning, Coach," bati ko nang makapunta sa office.

Bumalik sa dati ang tratuhan namin. Hindi niya naman binig deal ang pagkakamali ko. Sadyang tinuruan niya lang ako ng leksyon, at hindi ko siya para isumpa dahil doon.

"I computed your payment so far," panimula niya habang ang mata ay nakatutok sa laptop. "Kasama na 'yong pagtatrabaho mo nang walang bayad."

Hindi ako umimik. Hinintay ko lang kung ano pa ang sasabihin niya.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin, ang mga kilay ay magkasalubong.

"Coach?" I hesitated, my nerves fraying at his gaze.

He squinted. "Ano'ng tinatrabaho mo?"

Isang klarong tanong lang at kumabog na ang puso ko. Kinuyom ko ang kamao at pinilit na hindi mag-iwas ng tingin sa kanya kahit na naduduwag akong magsinungaling.

"Bakit po?" I asked instead.

He shook his head, sighing as he did. "Nasa disisais mil na ang nabayaran mo."

Umawang ang labi ko. "Ganoon na ba kalaki?"

"Bakit? Bawat abot mo sa'kin, hindi mo ba binibilang?"

I held my breath, my chest pounding with joy. Inililista ko ang mga iniaabot ko sa kanya, pero sa laki ng perang dapat kong bunuin, hindi ko pa naiisip na tuusin.

"Thank you, Coach," bulalas ko, hindi pa rin makapaniwala. "Mag-aabot po ako ng dalawang libo pa bukas."

Hindi naalis ang tingin niya sa'kin samantalang nagpipigil na ako ng ngiti. Puwedeng-puwede na talaga akong mag-quit mamaya sa pagiging stress coach. Tapos pagkagaling ng mga pasa ko, makikipagkita na kay Juancho! Sabi na, eh! Ang galing talaga ng katawan ko.

"Mill..."

I stood up straight. "Yes, Coach?"

Nagbuntong-hininga siya, ang mata ay unti-unting lumamlam. Napakurap ako bago ipinaling ang ulo sa kaliwang parte ng opisina.

Alam ko ang tingin na iyon. I'd been getting that my whole life.

Awa.

"Saan ka nagtatrabaho?" mariing tanong niya, para bang bawal ko siyang pagsinungalingan. "I mean, I'm glad you can pay, but I'm wondering how you're getting the money when you were so worried about it the last time we talked."

Huminga ako nang malalim at pinuwersa ang sarili na tumawa. Ibinalik ko ang tingin sa kanya, pinananatili ang ngiti sa labi.

"Basta hindi ako nagnanakaw, Coach," sagot ko. "Sabihin na lang natin na may mga tinutulungan akong tao na maglabas ng sama ng loob nila."

Tumango-tango siya bagaman ang mga mata ay nanatiling nagdududa. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"'Yong pasa sa panga mo—"

"Sinabi ko naman sa'yo, Coach, 'di ba? Napahampas lang 'yan sa sofa namin habang nagmo-mop ako." I chuckled. "'Wag kang mag-alala d'yan. Isipin mo na lang na madiskarte ako."

His stare lingered. "Sigurado ka?"

Puno ng kumpyansa akong tumango. "Ako pa ba?"

"Okay, then..." He shrugged. "Good job paying so quickly. I hope this teaches you something."

"Salamat, Coach."

It pumped me up the entire day. Excited na excited na akong makipagkita ulit kay Juancho pagkatapos ng lahat ng 'to. Ang alam niya ay nagpapakasasa pa ako ngayon sa bisyo ko, pero miski ang ilang lighter ko ay itinapon ko na.

Gaya nga ng sabi ko, hindi ako 100% committed sa pagyoyosi. Kahit madalas kong gawing pampalipas oras 'yon, hindi ko idinepende nang buo ang sarili roon. Ayoko kasing dumating sa punto na maadik ako.

I sighed when I realized how stupid I was. Kaya ko namang bitawan pero nakipag-away pa 'ko. Now I had to suffer from missing him.

Matapos ang shift ay pumunta ako sa locker room para magpalit na ng damit. Ramdam kong nakangiti pa rin ako sa isiping makakasama ko ulit si Juancho. Natunaw lang 'yon nang mapadaan ako sa bilog na salamin.

I stopped dead in my tracks as a wave of shock swept over me.

I looked... different.

Maitim at lubog ang ilalim ng mga mata ko, hupyak ang pisngi, may mangilan-ngilang maliliit na tigyawat sa noo, at napaka... putla.

Kumurap ako, hindi makapaniwala sa inilaglag ng itsura ko.

Even my hair was dry and unruly. The skin on my lips was flaking off, and there was a tiny cut on one side. Halata sa akin ang pagod, puyat, at kawalan ng buhay. Hindi pa nakatulong ang pasa ko.

I looked horrible... disoriented. Parang hindi ako naliligo. Miski sa mata ko ay nasasalamin ang pananamlay. Kahit subukan kong ngumiti at sabihin sa sariling ayos lang ang katawan ko, iba pala ang nakikita ng tao.

Umiling ako. Hindi, okay lang 'yan. Itsura lang, eh. Mas importante pa rin ang pera. Hindi ko naman maibebenta ang mukha ko. Isa pa, patapos naman na. Wala na akong dapat ipag-alala.

Pilit kong isinantabi ang nakita sa salamin at nagpatuloy sa araw ko. Something good came out of this. I paid more than half of what I needed to. I'm sure Juancho wouldn't even notice. If he did, he wouldn't tell me about it. Hindi niya para punain ang itsura ko.

"Last client. Female. Age, 20. Willing to pay double..." sabi ng employer ko sa'kin. "Kukunin mo?"

Wala silang alam na hindi na ako magpaparamdam pagkatapos ng gabing 'to. I would leave without saying anything, and I wouldn't hold back because I wouldn't do this again. Hindi ko na kayang pagurin ulit nang ganito ang katawan ko. Marami pa akong pasa at sugat na hindi gumagaling... lalo ngayong ikaapat na kliyente ko na 'to.

"Yes," I said, ignoring the pain in every part of my body. She would be my last client in this job, and I wanted to take the money.

"Good. Nakarami ka ngayon. You really have high pain tolerance," aniya pa. "Alam kong may mga araw na matumal pero hindi ka naman talo, 'di ba?"

Nang ma-i-send sa akin ang address ng kliyente, hindi na ako nag-aksaya ng oras. May mga pagkakataong sinasadya ng kliyente ang kumpanya para doon mag-session, pero kadalasan, lalo kapag kayang puntahan, ako na ang pinalalakad nila. Wala namang kaso sa'kin dahil, again, bayad ako.

It was a flat in a well-known condominium complex. I was given access right away as if the client had told security I was coming. Sa 17th floor ang unit kaya medyo natagalan bago ako nakarating doon. When I was already there, I knocked on the door twice.

Hindi sinasabi sa amin kung ano ang pangalan ng kliyente para na rin sa confidentiality. Hindi naman ako para maging interesado rin sa mga problema nila.

I mean, I was there to be the representation of the people who wronged them. Ang pangungusisa sa buhay nila ay labas na sa kailangan kong gawin. I wondered about it sometimes, but I never once initiated conversation to find out more.

Muli akong kumatok nang walang nagbukas sa akin ng pinto. While I was ready to dial the company's number to report the problem, I heard a little, weak voice coming from within.

"Bukas' yan..."

It was my cue. I opened the door only to be taken aback at the items and junk lying all over the floor as if the client had tossed them out.

Nang mag-angat ako ng tingin, mabilis na nagsalubong ang mga mata namin. Ramdam ko agad ang pag-awang ng labi ko sa gulat, hindi inaasahang siya ang makikita ko rito.

Mapula ang isang pisngi niya... halos namamaga. May namuong dugo sa isang gilid ng labi at magulong-magulo ang buhok.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin o sasabihin, at alam kong ganoon din siya. Pareho kaming nakatingin lang sa isa't isa, hindi makakilos.

Ibang-iba siya sa Psyche na nakikita ng lahat sa school. Gone was the rich, socialite, and feminine. All she was left with was a broken soul and a beaten body.

Siya ang unang nakabawi. Bumaba ang atensyon niya sa hawak kong mga protective gear.

"Wear them now," she said weakly. "I need someone I can punch."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro