Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2


Chapter 2

Rae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 2s
Tinanggal ni Juancho ang friend request ko hahaha tarantado ka pala eh

Alas sais y media pa lang ng umaga ay sira na ang araw ko. Bumungad kasi sa akin ang pagre-remove ni Juancho sa request ko. Inis na inis ako kahit na alam kong mas magtataka ako kapag in-accept niya 'yon. Hindi naman kami personal na magkakilala. Mukhang na-badtrip ko pa siya sa last encounter namin.

Kung bakit ba naman kasi umiral ang katangahan ko! Dapat ay inuna kong ma-secure ang pagiging Facebook friends namin kaysa sa lumapit sa kanya para sa lintres na interview na 'yan! Mukha pa namang naka-friends only ang privacy setting niya. Ni wala kasi siyang picture!

Huminga ako nang malalim bago pumunta sa messenger. I typed his name and opened our chat box. I didn't know his email address, so this was the only way to contact him.

Millicent Rae Velasco:
Pa-accept.

I put my phone down after sending that. Ang main goal ko ngayong araw ay malaman ang class schedule niya. Hindi ko alam kung saan ko 'yon kukunin dahil hindi naman 'yon posted sa bulletin board. Depende yata sa estudyante kung anong timeslot ang kinuha nila.

I got up and went to my notebook to write down at least one class I knew he had.

Wednesday, 3:00 – 5:00 p.m., Room 311, College of Law

Nang lumabas ako ng kwarto ay napagtanto kong wala na akong kasama sa apartment. Sayang. Hindi ko manlang na-bash si Mari bago siya pumasok. Ni hindi ko narinig ang pagkilos ni Karsen kahit na magkasama lang naman kami sa iisang kwarto. Ewan ko ba. She'd been unusually silent lately. I was beginning to think that her relationship was taking its toll on her. Subukan lang ng boyfriend niya na saktan siya, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na makipagpatayan.

Habang hinihintay na lumambot ang noodles ng paborito kong cheesy seafood cup noodles, humigit ako ng isang silya at umupo roon.

I looked around our apartment and noticed how quiet it was without my friends. Walang maingay na Karsen na nagpapatugtog ng kanta ni Kobe. Walang Mari na nakasimangot sa gilid habang nagbabasa. Walang Kat na pinahihinaan kay Karsen ang speaker dahil nag-aaral si Mari.

It was silent and empty—two things in the world I hated most.

Kapag mga ganitong pagkakataon, tama si Mari—gumagawa ako ng paraan para abalahin ang sarili ko. I was filled with so much anger and misery that I needed a way to let it out. Hindi ko alam kung saan nagmula 'yon. Basta ang sigurado ako, ang ugat ng lahat ng galit ko ay nagsimula noong iwan ako ng mga magulang ko sa ampunan.

Growing up, I was a happy-go-lucky kid. Wala akong pakialam kung may magalit o mapikon sa'kin. As long as I wasn't trampling on anyone's toes, I didn't give a hoot about anything else. Maagang itinuro sa akin ng mundo na hindi lahat ng taong darating sa buhay ko ay mananatili. I knew someday, even my friends, whom I grew up with, would eventually leave... like my parents. I just had to enjoy it while it lasted.

Mabilis kong inubos ang cup noodles. Wala akong pakialam kung mapaso pa ang dila ko. I couldn't stand the silence; it wasn't for me. Kapag kasi tahimik, may isang bagay sa loob ko ang maingay. At hangga't hindi pa ako naririndi, kailangan ko nang kumilos para mapatay 'to.

"Oh, wala ka namang schedule ngayon, ah?"

Nagsusuot ako ng Gi jacket nang marinig iyon mula sa co-trainer ko. After lunch pa ang klase ko, pero dahil wala naman akong gagawin sa apartment ay minabuti ko na lang na pumasok sa Knockout. This is where I work part-time, and my salary as a martial arts assistant trainer is enough to cover my expenses.

"Papapawis lang," sagot ko. "Si Coach?"

"Nasa loob."

Tumango ako. "Salamat."

Matapos mag-ayos ay pumunta na ako sa gym. Ang mga estudyante ay nasa harap na ni Coach, nakaupo sa sahig at matamang nakikinig sa kanya. Mukhang kasisimula lang din nila. Nang makita ako ni Coach ay bahagyang kumunot ang noo niya.

"Good morning, Coach," bati ko nang lumapit siya sa akin. "Marami bang estudyante ngayon? Wala ako masyadong gagawin."

"Mamayang gabi pa ang shift mo, ah? Hindi ka na papasok mamaya?"

"Worried ka?" Tumawa ako. "Papasok pa rin ako."

He squinted at me but didn't ask about anything. Not that he had the right to do so.

Dahil tiwala sa akin ay ini-hand over naman niya ang ibang trainees sa akin. Women, mostly. Kadalasan sa mga nag-e-enroll ngayon ay puro babae. Hindi naman nakakagulat 'yon dahil pataas nang pataas ang crime rate sa Pilipinas. Kahit pa sabihing ang mga kriminal ang dapat sugpuin, once the crime was over, the victims were left to deal with the aftermath. Kaya importanteng aralin ang self-defense. It was a way to protect yourself against such violence.

"Always project confidence," sabi ko sa trainees. "Human predators prey on people they think are the most defenseless. Parang hayop. Kadalasang target ng assailants ay 'yong mga babaeng halatang takot... or distracted. Keeping your head up, shoulders back, and attention to your surroundings, while you walk, will help you look confident. Hangga't hindi pa kayang kontrolin ang mga kriminal, we need to be strong enough to handle ourselves."

Buong umaga ay nagturo lang ako ng basic self-defense techniques. Sa mga susunod na sessions pa ang complex training na kadalasan ay taekwondo, boxing, judo, o mixed martial arts. Assisted pa rin ako ni Coach sa pagtuturo dahil hindi ko pa naman alam lahat... lalo ang history. Hindi ko naman kasi para sauluhin pa 'yon.

"Pumasok ka mamaya pero mag-reply ka lang sa queries," sabi ni Coach. "Na-i-send ko na sa account mo 'yong sahod mo ngayon. Check mo na lang."

Mabilis akong nagpasalamat sa kanya. I took a shower before changing into my school uniform. Habang papunta sa school ay hindi ko maiwasang mapangiti. The money I earned today would be useful for my thesis. Sakto at hindi pa ako fully paid sa panelists.

I could still remember how I landed my job. I was 14 then. Track and field athlete ako sa school at si Coach naman ang instructor namin. People told me I was the best athlete on the team, but Coach never agreed. Pinahirapan niya ako sa training. Kapag nala-late ako, kahit isang minuto lang, pinagfo-four laps niya agad ako sa oval. Ako rin ang pinaglilinis niya lagi ng mga equipment na ginagamit namin.

Mainit ang dugo niya sa'kin—that's what everyone, including me, thought.

Bago siya mag-resign, sinabi niya sa'kin na magbubukas siya ng martial arts training center, at kung gusto ko raw ay ite-train niya ako para maging assistant instructor. He told me he was impressed by my body control and intensity during our training sessions and that he wanted me to keep pushing myself to greater limits.

"Tara na sa library."

Halos pandilatan ko si Sadie nang marinig iyon sa kanya. Kalalagay ko lang ng bag ko sa upuan, please lang!

"Mag-isa ka," saad ko.

Tumawa siya. "Gago. Hindi ka ba nagbabasa sa group chat?"

"Library, basa..." Parang may pumitik sa sintido ko. "Umalis ka sa harap ko. Nandidilim ang paningin ko sa'yo."

"May research assignment tayo!"

Agad ang pagsasalubong ng kilay ko. "Sa elective?!"

"Oo."

"Hindi na naman magdi-discuss si Sir?!" Halos sumigaw ako. "Punyeta, Sadie! Hamunin mo 'ko at ipapaalala ko sa kanyang minor subject ang hawak niya!"

Good mood akong pumasok! Wala pang limang minuto, nanggagalaiti na naman ako!

"Tigilan mo 'yan. Tara na. Sayang oras."

Wala akong nagawa kung hindi ang sumimangot habang papunta sa library. Wala pa man ay nahihilo na ako. Tahimik doon at puro mga libro. Perpektong lugar para i-torture ang mga kagaya kong studious.

"Mag-attendance na lang tayo," pagyayaya ko kay Sadie. "Kain tayo sa canteen. Hindi pa ako naglu-lunch."

"May ipapasa."

I clicked my tongue. "Boring mo."

Masamang-masama ang loob ko nang makarating kami sa library. Nakita ko pa sa left wing si Mari na may kasamang nakasalamin na lalaki. Nag-aaral sila pareho kaya hindi na ako lumapit sa kanya. Mahirap kasing kausapin 'yon kapag busy. Nagiging maton.

"Isang PC na lang ang open," sabi ng librarian sa amin. "Wala na rin sa computer lab."

Nagkatinginan kami ni Sadie. Alam kong iisa ang iniisip namin kaya kailangan ko na siyang maunahan.

Matamis akong ngumiti sa kanya at nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya.

"Sige na, iyo na 'yon..." Nilambingan ko ang boses. "Magpaparaya na 'ko."

"Fuck you," she hissed under her breath.

Huminga ako nang malalim at ninamnam ang mura niya. "Ako na ang bahalang magsabi kay Sir na wala nang available na PC. Nakakalungkot man, pero hihingi na lang ako ng extension. Gagawin ko na lang sigurong assignment 'to." Tinapik ko ang balikat niya. "So long, Sadie. See you in two hours."

Para 'kong nasapak si Capuso habang naglalakad palabas ng library—malaki ang ngiti at magaan ang pakiramdam. I was even humming. Pupuntahan ko sa room si Karsen at i-e-excuse. Wala akong pakialam kung may klase siya. Kakain kami! Ililibre ko na rin siya tutal hindi ako natutuwa sa pagnipis ng katawan niya nitong mga nagdaang linggo! Kaunti na lang nga at sasama na ako sa mga nambaba-bash sa boyfriend niya. Walang kuwenta si gago. Hindi ata pinapakain nang maigi ang bunso namin!

Kaya lang, ang magandang plano sa utak ko ay mabilis na naglaho nang makita ko kung sino ang papunta sa library.

Mag-isa lang siya... which is rare. He looked neat with his brushed-up hair, beige short-sleeved button-down shirt, black slacks, and well-polished black shoes. Nakasukbit sa balikat niya ang laptop bag habang ang isang kamay ay may hawak na makapal na libro. Sakto lang ang kulay ng kutis niya. Hindi maputing-maputi, hindi rin maitim. Sa bisig niya ay may silver na relo, at kahit sa malayo ay mahahalata mong may sinasabi siya sa buhay.

I chuckled inwardly. Kahit saang anggulo, guwapo talaga si gago. Sayang lang at hindi ko kayang lunukin ang prinsipyo ko para sa mga taong malapit sa magnanakaw na politiko. I'd rather die than get involved with people like them.

Tiis-gutom muna, Millicent.

"Juancho!"

Napangisi ako nang mapatigil siya sa pagpasok sa library. He looked back, and our eyes met in an instant. Kumaway ako sa kanya na para kaming long-lost best friends kahit na ni-reject naman niya ang friend request ko. Kitang-kita ko ang pagdidilim ng itsura niya pero hindi ako nagpatinag. Patakbo pa akong pumunta sa puwesto niya.

"Wala kang klase?" I asked casually. "O katatapos lang?"

He took a deep breath and ignored me, which I expected. Naglakad siya papasok sa library, at walang pag-aalinlangan ko naman siyang sinundan. Nang maupo siya sa dulo ng right wing ay humigit din ako ng silya sa harap niya.

"Ganitong araw ka ba talaga pumupunta rito?" tanong ko. "Same time?"

Hindi siya sumagot. Binuksan lang niya ang laptop bag at inilabas ang MacBook niya.

I grinned at the sight of his laptop. Hindi ko maiwasang maisip na galing iyon sa tatay niya.

"Ano'ng aaralin mo?" I asked instead of fretting. "At bakit hindi mo in-accept ang friend request ko? Active liker ako. Sure ka bang ayaw mo?"

He didn't look like he was going to pay any attention to me, so I stood up. Ni hindi niya ako tiningnan. Pinakyuhan ko siya sa utak ko bago isinagawa ang isang bagay na alam kong makakakuha ng atensiyon niya.

I pulled out a chair next to him and sat down, taking in his manly scent.

"Hello," I said.

His jaw clenched. Halatang pikon na pikon na siya sa akin. Ni hindi pa nga ako nagsisimula.

"Leave me alone before I drag you out of here."

Chills run through my body. Itinukod ko ang siko sa mesa at ipinatong ang panga ko sa nakasarado kong kamay.

"Kailan ka may free time? Kung gusto mo, via email lang. I'll send you the questions."

My heart hammered. I was intruding on his personal space, and if I were in his shoes, I would have hated myself, too. But then, wala naman akong ibang choice kung hindi ang tiisin ang kaba. Made-delay ako ng isang semester kapag hindi ako nakapagsulat ng article tungkol sa kanya.

"Leave." He gave me a sidelong glance. "While I'm asking nicely... umalis ka na."

Umiling ako, hindi pinansin ang pagdoble ng takot sa dibdib. "I'll give you whatever you want. Pumayag ka lang."

He gritted his teeth as he dragged his eyes back to the screen of his laptop.

"Sungit mo naman. May regla ka ba?"

He was back to ignoring me, so I just leaned against the chair. Mag-iisip pa sana ako ng mga paraan kung paano siya mapapapayag nang makita ko ang naka-note sa home screen ng laptop niya. Naka-table iyon at klarong-klaro. Subjects, room numbers, time, and instructors.

Not thinking twice, I took my phone out of the side pocket of my bag and snapped as many pictures of his class schedule as possible.

Napansin niya iyon dahil muli siyang napatingin sa akin. Bumaba ang mga mata niya sa hawak ko at agad niyang naintindihan ang ginagawa ko.

His eyes were piercing cold, but I knew that fear was the last emotion I should entertain.

"What do you think you're doing?"

I almost choked on my own breath when he grabbed my wrist with so much force. Napalunok ako. Parang bakal ang kamay niya habang nakahawak sa akin.

I stood my ground. "My project."

Nagtagis ang panga niya. Sinilip niya ang telepono ko at bahagyang napangisi nang makitang naka-lock iyon.

"You asked for this."

Namilog ang mga mata ko sa pagtayo niya. He snatched my arm and hauled me out of the place, not caring that the students were looking at us. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa'kin.

Nang makalabas kami sa library ay pabalang niya akong binitawan. Kung hindi malakas ang tuhod ko ay siguradong napaupo na ako sa semento.

I bit the inside of my cheek to remind myself of what I needed from him. Kahit gustong-gusto kong iganti ang siguradong namumula ko nang braso ay kailangan kong kumalma. Wala akong pakialam kung ako ang nasa mali. Punyeta! Namamanhid sa sakit ang braso ko!

"Juancho has a firm and calloused hand, like that of a true leader who has fought many wars," sabi ko. "How does that sound? Okay bang introduction sa article mo?"

A side of his lips rose. Not in an amused way, though.

"Sayang ka." He eyed me from head to toe. "Maganda ka na sana kung hindi ka lang bastos."

Hindi pa ako nakakasagot ay tinalikuran niya na ako. Parehong-pareho sa nangyari kahapon nang halos paliparin niya ang motor para layasan ako.

"Hoy, Juancho!" sigaw ko.

Hindi siya tumigil sa paglalakad. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

Lintek! Hindi naman ako naghubo para tawagin niyang bastos!

"Araw-araw kitang pagpapalain ng kagandahan ko!" sigaw ko ulit. "Hindi kita titigilan hangga't hindi ka bumibigay!"

Before entering the library again, he looked back at me. His eyes were void of any emotion. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian.

"See you tomorrow, Mr. President. To more kabastusan with you."

I gave him a flying kiss before I turned my back on him. Nagmartsa ako paalis doon, nanginginig ang tuhod sa kaba at nag-iinit ang mukha sa inis. Kahit nang makakain at makabalik sa room ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Punyetang nervous system! Kinausap yata ni Juancho at activated lagi kapag nasa paligid siya!

Ni hindi ako takot sa ahas... tapos sa mata ng lalaking 'yon, ma-i-intimidate ako?! Eh, ano kung kaya niya akong kaladkarin na parang sako ng bigas?! Baka kapag niyaya ko siya ng one-on-one, tumba siya! Jusko! Matapos lang talaga lahat ng 'to, tatambangan ko siya sa kanto!

"Nakausap mo si Sir?"

Tumingin ako kay Sadie na kararating lang. "Huh?"

"Hindi mo kinausap?" Nanlaki ang mga mata niya.

"Sino ba?"

"Si Sir!"

"Bakit ko kakausapin? Hindi naman kami close."

Umawang ang labi niya na parang hindi siya makapaniwala sa akin.

"Ipinasa na ang paper! No late submission daw! 'Yon din ang pinaka-attendance!"

Maghapon akong mura nang mura dahil doon. Kakaisip ko kay Juancho at sa kanyang punyetang kaartehan, nawala na sa isip ko ang pagkausap kay Sir tungkol sa PC! Badtrip pa na nagkaroon kami ng surprise quiz sa last subject! 

Susmaryosep. Oras na siguro para tanggapin kong masyado akong pandak para maabot ang pangarap ko.

At kung hindi pa sapat na rason ang mga 'yon para masabi kong kinukulam ako, nakita ko ang dalawang sentences sa chat box namin ni Juancho na nagkumpirma sa akin na hindi ko kakampi ang mundo.

You can't reply to this conversation. Learn more.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro