Chapter 19
Chapter 19
Hello, inks! If you haven't noticed, our characters tend to be intense and aggressive, so prepare yourselves to read a lot of swearing and other vulgar languages as the story develops. Please skip this book if you are not comfortable. Thank you!
***
Matapos magtapat sa isa't isa tungkol sa tunay naming nararamdaman, binitawan na ni Juancho ang mga pag-aalinlangan niya at naging komportable na sa pagpapahayag ng adorasyon niya sa'kin.
He became more transparent and outspoken. He made me feel like he couldn't wait to be with me, that he missed me a lot, and that he didn't want to let me go every time we were together.
He had many sides I kept discovering every day. He was clingy without denial, blunt about his hunger for me, gentlemanly but also really flirty, and authoritative but prepared to break the rules for a kiss.
He knew when to take control. He knew how to hold me down.
Para siyang magnet na nakadikit sa akin kapag magkasama kami. Kahit magkausap lang, ang mga mata niya ay tutok na tutok sa akin habang ang isang kamay ay nakapalibot sa baywang ko. Kapag naman may ginagawa ako at hindi siya pinapansin, ramdam ko ang maya't mayang pagtingin niya na para bang hinihintay akong matapos.
Hindi ko alam pero tila ang pag-amin sa isa't isa ang tuluyang nag-alis ng pagpipigil niya para maipakita sa akin ang lahat. And so, even though I was stunned by his vulgarity and dirty jokes, I found myself drawn to his strong masculinity.
From: Juancho
Are you busy?
Nag-e-edit ako ng thesis nang ma-receive iyon sa kanya. It was almost 1 in the morning. Hindi pa ako natutulog dahil hinihintay ko pang makauwi si Mari.
To: Juancho
Nag-aayos lang ng thesis. Bakit?
I placed the laptop on the center table and slumped onto the sofa to give my full attention to him.
From: Juancho
I'm off. Can I stop by?
To: Juancho
Bakit ngayon ka lang natapos? Umuwi ka na at magpahinga.
I was expecting a reply, but he called me instead after a few seconds. I didn't wait for anything; I just answered the call.
"Hey," his baritone greeted me.
Binasa ko ang labi, medyo napangiti. I could imagine him parking on the side of the road while talking to me.
Humiga ako sa sofa. "Ang late mo yatang natapos? Akala ko ba hanggang alas dose ka lang ngayon?"
Natahimik siya saglit bago malumanay na nagbuntong-hininga.
"Tough day..."
Napanguso ako. "Bakit? I-kwento mo."
"Your thesis?"
Umiling ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Saka na 'yon. Ano munang problema?"
Muli siyang nagbuntong-hininga kaya napaawa ako. Sa dalas ng pagsasama namin tuwing lunch break ko sa gym dahil sinusundo niya ako para magtanghalian kami sa bahay niya, alam kong limitado ang oras ng pagpapahinga niya. He could only sleep for a maximum of 5 hours. Swerte na siya kapag ganoon.
"Na-scam ako..."
Naikuyom ko ang kamao, hindi agad nakapagsalita.
"Bulk order worth 3,000. Ako 'yong tumanggap ng order kaya walang pananagutan ang Food Town."
I closed my eyes as I felt my anger rising. Hindi malaking-malaki ang kinikita niya. Hindi naman ito America na halos kabastusan ang hindi pagbibigay ng tip sa delivery riders. Most customers would just pay for what they bought and ask for their change, even if it was just a few coins. Hindi ko naman sila masisisi dahil bayad na ang delivery fee. Nakakalungkot lang dahil may instances na mahirap hanapin ang mga bahay nila. They should try to be a little more considerate.
"Pumunta ako sa Pearl Tower kasi doon 'yong naka-indicate na address..." he said. "They told me they were on their way down but kept me waiting for 45 minutes. No'ng nag-message na 'ko sa mga ka-trabaho ko, nabanggit nilang na-scam na rin sila rito. The customer was already banned from ordering, but it looked like they created a new account."
I just let him vent. Alam kong masama ang loob niya pero kalmado pa rin ang pagsasalita niya.
"It was my fault. Sa kagustuhan kong matapos na, saka dahil malaki ang fee, tinanggap ko kahit cash on delivery. I should've been more careful."
Bumangon ako at binuksan ang wallet kong nakapatong lang sa mesa ko sa kwarto. Kita ko ang labas sa bintana, at hindi ko maiwasang magdamdam lalo't naiisip kong naghintay siya nang matagal para sa wala. Ang dilim-dilim na.
"Kumain ka na?" I asked.
"Not yet..."
"Nasaan 'yong order?"
"Nasa akin."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang makitang wala na rin ako halos ekstrang pera. Nag-ambagan kami ni Mari para sa grocery at nag-iipon ako para sa pagpapa-bind ng thesis namin. Kinuha ko ang alkansya ko at pikit-matang sumungkit doon ng tatlong limang daan.
"Pumunta ka rito," sabi ko sa kanya. "Bibilhin ko ang kalahati."
"What?"
"Bilis na."
"No." His voice was firm. "Nagkukwento lang ako sa'yo. Hindi ko sinabing bilhin mo."
Nag-isip ako ng palusot. "Bobo ka. Ang tagal ko nang gustong umorder sa Food Town. Hindi ko 'to ginagawa para sa'yo. 'Wag kang feeling."
"Ba't hindi mo sinasabi sa'kin na gusto mong umorder? Nadadalhan sana kita."
"Ang arte mo naman, eh. Pumunta ka na lang dito at ibigay mo sa'kin ang kalahati. Kapag hindi, hindi kita kakausapin."
I heard him take a deep breath. "Are you being honest?"
"Huh?"
"Do you actually want the food, or are you just trying to help me?"
Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. Naupo ako sa pasimano sa labas para makita ko agad siya.
"We're both working. Ayokong gumagastos ka sa'kin."
"Pero kapag ikaw, okay lang?" I sighed. "Hindi ka nga nagpapabayad ng gas kapag sinusundo mo 'ko. Sa'yo rin ako naglu-lunch kaya malaki ang natitipid ko. Akala mo naman milyonaryo ka kung makagastos ka sa'kin."
"Mirae..."
"Mirae mo mukha mo," nakangusong saad ko. "Totoong gusto ko 'yong pagkain, pero mas totoong gusto kitang hatian d'yan. Pake mo ba? Gusto kita, eh. Alangan namang hayaan kita ma-stress d'yan? Para kang gago."
Natahimik siya.
"Bilisan mo na. Nasa labas ako."
"You really don't have to. May mga pinagkakagastusan ka rin. I'm just venting my frustrations because I've had a rough day. I wasn't asking for help," he muttered. "And I like you too."
Nag-init ang mukha ko pero hindi ko pinansin iyon.
"'Wag ka nang pumunta rito kung hindi mo ipagbibili sa'kin ang kalahati. Makaarte ka. Tingin mo ba wala akong pera? Bilhin kita d'yan, eh," I joked. "Bilis na. Magpapainit din akong tubig. Magkape tayo."
Ako rin ang nanalo sa huli. Sinabi ko sa kanyang 'yon muna ang gawin naming lunch sa mga susunod na araw para makatipid din siya. Hindi naman siya nagreklamo lalo't alam niyang hindi naman ako magpapatalo.
It was amazing. I never imagined that one person could fill you with all kinds of love—romantic, sexual, platonic, and enduring.
Romantic in the sense that your heart skipped a beat when you saw them waiting for you on their motorcycle; sexual in the sense that you wanted to run up and kiss them; platonic in the sense that you felt safe in their arms; and enduring in the sense that you wished it could last forever.
Alam kong malalim na ang nararamdaman ko sa kanya dahil ang mga bagay na ginagawa ko lang dati para sa mga kaibigan ko, ginagawa ko na rin ngayon sa kanya. I wanted to help him whenever I could, keep him close to me at all times, and shield him from harm even though my body was too small to cover his.
Kaya lang, ang pagmamahal ay hindi isang panatag na daan.
The road was plagued with bumps, obstacles, and wrong turns that both of you needed to grow from. It wasn't like a pool with a clear end; it was more like the ocean—vast, deep, and scary.
After the semester ended, we kept seeing each other almost every day for lunch. Doon lang talaga kami nakakapagkita. Pareho kasi kaming busy. We also faced a lot of disagreements, but we made up pretty quickly.
Madalas niya akong pagsabihan lalo't alam niyang mas inuuna ko ang emosyon ko kaysa sa pag-iisip nang tama. Hindi naman ako nagpapatalo, dahil para sa'kin, may katuwiran ang ginagawa ko. Siya rin naman ang kalimitang humihingi ng dispensa.
Maliban na lang sa isa sa mga pinakamatitinding pag-aaway namin.
"Kapag lalabas tayo, hindi tayo puwedeng gumastos nang malaki," sabi ko sa kanya isang beses habang kumakain kami ng tanghalian sa bahay niya. "Babawas-bawasan ko na rin ang pagbi-bisyo ko. Nagca-canvas na kasi ang mga kaklase ko, at mahal daw ang magagastos namin sa internship."
"That's fair," he said. "Hindi rin magandang lagi kang nag-iinom at nagyoyosi."
I frowned quietly. Imbes na sa internship mag-focus, talagang bisyo ko ang inatake niya.
"Ano? Darating na ba sa point na pagbabawalan mo 'ko?" tanong ko, hindi itinago ang inis sa pamumuna niya.
"Yeah," walang pagdadalawang-isip na sagot niya.
Suminghal ako. "Feeling mo susundin kita?"
"Your vices are costly and unhealthy." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Masama na bang magpaalala?"
Nilabanan ko ang masidhing mga mata niya. Ikinunot ko rin ang noo lalo't ayokong pinagsasabihan niya ako.
"Hindi mo naman pera ang gagamitin ko at hindi mo naman katawan 'to."
He sighed. "Nagsasabi lang ako."
"Nagsasabi," I echoed mockingly. "Bakit hindi na lang magtanong tungkol sa internship? Talagang 'yon pa ang pinansin mo. Sinabi ko na ngang babawasan ko, 'di ba?"
Kumuyom ang panga niya. "Bakit nagtataas ka ng boses?"
"Pakialamero ka kasi," bulalas ko. "Mas mabuti pa noong hindi tayo naglalandian. Sumasakay ka sa trip ko. Ano, porke't alam mong gusto kita, pagbabawal-bawalan mo na 'ko?"
"Don't interpret my concern as control, Millicent."
Alam kong nagagalit na siya dahil Millicent na ang tawag niya sa akin pero inignora ko iyon.
"Okay," pabalang ko pang sagot. "Kung ayaw mo sa babaeng may bisyo, hindi ako mag-a-adjust para sa'yo. Maghanap ka na lang ng ibang lalandiin mo."
He gritted his teeth. "Let's end this conversation now."
"Talaga."
Isang beses siyang huminga nang malalim at hindi na ako sinagot. Tahimik lang kami hanggang sa matapos kaming kumain at bahagya akong na-guilty dahil alam ko naman kung saan siya nanggagaling; ayoko lang talagang naitatama ako. Kahit kami ni Kat ay madalas na nagtatalo dahil dito.
Napikon ko yata talaga siya dahil nang ihatid niya ako sa gym ay hindi siya nangulit at humingi ng halik. Ibinaba niya lang ako at sumibad na.
While getting ready for my afternoon shift, I checked my phone to see if I had gotten a text from him, but there was none. Nadismaya ako. Kaunting oras na nga lang ang mayroon kami sa isang araw, nagtalo pa kami. Alam ko mang maaayos namin 'to, masama pa rin ang loob ko dahil sa nangyari.
"Mill, dumating na 'yong mga bagong gloves," nakangiting saad ni Coach nang makita ako. "I-try mo mamaya bago ka mag-clock out. Linisin mo na lang pagkagamit mo."
If it were a regular day, the thought of trying them on would fill me with excitement. Matagal nang minamata ni Coach ang pagbili ng mga bagong gloves dahil dalawang taon na rin ang nakalipas noong bumili siya ng isang bulto. Medyo magastos lang lalo't mas magandang kalidad na ang binili niya ngayon.
"Yes, Coach," tipid na sagot ko bago pumunta sa klaseng i-a-assist ko.
I tried to focus on my work, but I kept thinking about my conversation with Juancho. Sasamahan niya akong mag-enroll sa isang araw, pero sa tampuhan namin, hindi ko alam kung matutuloy pa 'yon. Kadalasan ay nauuna siyang mag-text kapag nagtatalo kami. Malakas lang ang kutob ko ngayon na wala siyang balak gawin 'yon.
Wala pa rin kaming label. I was the one stalling it. I trusted him with all my might and knew I wanted to be with him, but I didn't want to rush things. Gusto kong kilalanin niya muna ako bago siya tuluyang pumasok sa pakikipagrelasyon sa akin. I had some negative traits that I wanted him to be aware of so that he knew what to expect.
Maganda ang tandem namin. Komportable ako sa kanya, at nararamdaman kong ganoon din siya sa akin.
He liked filming me with his phone whenever we were training, eating at his house, or just doing random things. Noong una ay naiinis pa ako, pero nang magtagal ay nagagawa ko nang kumaway at ngumiti sa camera niya. Sinabi niya kasing pinapanood niya ang mga 'yon pagkatapos ng mahabang araw, at gumagaan ang pakiramdam niya. Hinahayaan ko na lang dahil limitado rin ang oras namin sa isa't isa.
I sighed. Dapat hindi ko na lang sinabing maghanap siya ng ibang lalandiin. Sigurado akong nagalit 'yon. Ang tapang kong mag-inarte. Hindi ko naman kaya kapag tinototoo niya.
"Bad day?" tanong ni Coach nang klase niya na ang i-a-assist ko.
Tumango lang ako.
"Nag-away kayo?"
Napanguso ako. Alam ni Coach ang tungkol sa amin dahil nakikita niya kaming madalas na magkasama. Sa kanya rin ako nagpapaalam kapag lalabas ako para magtanghalian. Hindi naman niya ako pinagbabawalan, at madalas pa nga'y kinukuha niya akong assistant sa training ni Juancho.
"Mag-sorry ka na," tawa niya. "Sigurado namang ikaw ang mali."
Umiling ako. "Hindi naman. Siya 'tong nauna, eh..."
"Kaya ginantihan mo?"
"Hindi ako gumanti, Coach. Sumagot lang."
Humalakhak siya. "Hindi ka nagpapatalo, eh. Mabuti nga at mahaba ang pasensya no'n sa'yo. Ang brutal pa naman ng bibig mo."
"Nanghihimasok, eh..."
"Hindi ba dapat?" takang tanong niya. "He's a part of your life. Normal lang na pagsabihan ka minsan. Dapat nga magpasalamat ka na may tumatapik sa'yo."
"Alam ko ang ginagawa ko, Coach."
He shook his head. "Hindi magandang mindset 'yan, Mill. Hindi kayo magkakasundo kapag gan'yan ang pananaw mo."
"Ayoko lang ng pinagbabawalan ako. May sarili akong utak para magdesisyon."
"Point taken." Tumango-tango siya. "But you should meet each other halfway. No'ng training niya, narinig kong pinagbabawalan mo rin siyang magtrabaho hanggang alas tres ng madaling araw. Sumunod ba o nagreklamo?"
I bit my lower lip as I thought of that. Pinagsabihan ko siyang dagdagan ang oras ng tulog niya dahil hindi tamang puyat siya kapag nagtatrabaho. He was driving, and I didn't want him to fall asleep while making deliveries. Baka maaksidente siya.
Lumunok ako. "Sumunod..."
"Hindi nagreklamo?"
Umiling ako at lalong na-guilty. Kinilig pa siya noong pinagsabihan ko. Kitang-kita ko ang saya sa mata niya dahil nag-aalala raw ako sa kanya.
"Nako, Mill. 'Wag masyadong matigas ang ulo." Tinapik ni Coach ang balikat ko. "Oh siya, magsimula na tayo, ha? 'Wag ihalo ang personal na buhay sa trabaho, okay?"
We continued working while I kept thinking about how I could say sorry to Juancho. Sumobra ako sa pagsasalita sa kanya. Ni hindi ko agad inisip na nag-aalala lang din siya sa akin. Noong siya ang pagbawalan ko, mabilis naman siyang tumalima. Ibinigay niya pa ang working schedule niya sa'kin na parang proud siya na sinusunod niya ako.
Napagdesisyunan kong i-text siya para humingi ng tawad nang mag-afternoon break ako. Kaya lang, hindi pa ako nakakapagtipa ay nakatanggap na ako ng text mula sa kanya.
I excitedly opened it, thinking he had apologized again, only to be disheartened by what I read.
From: Juancho
Let's take some time off. Naiinis ako sa'yo at alam kong ganoon ka rin sa'kin. I'm sure we'll have another argument about this when we see each other because I'm adamant that you don't give in to your vices too often. I'm not too fond of your words, and you, too, in my constraints. Our feelings are getting in the way, and I don't want to do or say anything I'll regret.
Natulala ako roon, naninikip ang dibdib sa naging resolusyon niya. Magso-sorry na nga ako, eh. Bakit hindi niya ako tinatanong? Bakit nagdedesisyon siya nang mag-isa? Ano, hindi niya na ako sasamahan mag-enroll? Hindi niya na ako susunduin kapag lunch? Hihingi naman ako ng tawad, eh... bakit kasi nangunguna siya?
To: Juancho
Ge. Gusto mo 'yan, eh. Bahala ka sa buhay mo.
I was so upset that I felt like crying. Taking some time off meant we wouldn't see or talk to each other. Paano kapag napagtanto niyang ayaw niya na sa'kin? Hindi ko kayang pigilan 'yon. Ayoko namang suwayin ang kagustuhan niyang humingi ng "space" dahil may parte sa akin ang gustong makapag-isip-isip din siya. Saka na ako magso-sorry kapag malamig na ang ulo naming dalawa.
Hindi na siya nag-reply. Nang magpatuloy ako sa pagtatrabaho ay masamang-masama ang loob ko. Alam kong may kasalanan ako, at mas mabigat 'yon dahil sigurado akong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Paano ako hihingi ng tawad kung ayaw niyang makipag-usap o makipagkita?
Madalas kaming magtalo sa maliliit na bagay pero mabilis kaming magkabati. He was so kind to me, but he was also really strict. Itinatama kapag nagkakamali, iniintindi kapag kaya.
Ayaw niyang nagpapalipas ako ng gutom kaya may mga araw na kahit gabi ay pumupunta siya sa apartment para dalhan ako ng pagkain. Iniilingan niya rin ako kapag nanlalait ako. Bilang aspiring journalist, bantayan ko raw ang lumalabas sa bibig ko. Ang sagot ko lang, hindi niya rin naman binabantayan ang kanya.
I continued with my day. I tried out five different pairs of the new gloves before I spotted the sticker on the package with the price. Napangiwi ako roon. Halos anim na libo kasi ang isa. Sigurado akong hindi 'yon ipapagamit ni Coach kung kani-kanino lang. Baka sa employees lang at private sessions.
Chineck ko ulit ang phone ko, umaasang may update kay Juancho, pero wala. Napagtanto kong seryoso ang away namin dahil hindi 'yon nakakatagal nang hindi nagte-text sa akin. Tiningnan ko kung online siya, at nang mamataan ko ang berdeng bilog sa gilid ng icon niya, nakahinga ako nang maluwag. Nakauwi na siya.
I boxed myself into isolation while spewing my frustration. Naintindihan naman ako ni Coach kaya hinayaan niya lang ako. Basta ang paalala niya, huwag kong kalilimutang linisin ang mga 'yon at ibalik sa storage room.
Nang makauwi ako ay dumiretso na ako sa kwarto dahil nakaligo naman na ako sa gym. Inasar pa ako ni Mari, pero hindi ko na siya pinansin.
I woke up the next day not feeling myself. There were no texts or missed calls from Juancho. Mukhang talagang paninindigan niya ang paglayo sa akin. Gustuhin ko mang magparamdam, ayoko namang baliin ang gusto niyang time off.
Natapos ang araw ko na walang kahit na anong update sa kanya. Ganoon din noong mismong umaga ng enrollment ko.
"Mahaba-haba 'to," sabi ni Sadie nang makita namin ang pila.
Wala kaming planong magsabay pero nag-chat ako sa kanya na magpapasama ako. Si Juancho sana, kaso mukhang nagtatampo pa rin siya. Mabuti na lang at ngayon din balak mag-enroll ni Sadie. Hindi matutuyo ang lalamunan ko sa pila.
"Nakapaghanap ka na ng company?" I asked as we got in line, referring to the internship.
Nagkibit-balikat siya. "May mga pinagpasahan na ako ng letter. Ang hirap ma-late, eh. Aasikasuhin pa 'yong thesis. Ikaw ba?"
Umiling ako. "Wala pa. Hindi tumatanggap ng interns 'yong ilang napagtanungan ko. 'Yong may sweldo pa naman sana ang hanap ko."
"Nako, 'wag ka nang umasa. Maswerte ka na kapag nakahanap ka. Kasabay nating mag-internship 'yong ibang school. Una-unahan na lang talaga."
Umipod kami paunahan ng pila.
"Ang gastos." Nagbuntong-hininga ako. "Puro malalayo ang nakikita ko online. Kapag walang-wala, mag-a-apply na rin ako ro'n."
"Talo ka sa pamasahe. Kapag malayo, mag-rent ka na ng apartment."
Umiling ako. "Hindi puwede."
"Bakit naman?"
"Walang kasama si Mari. Baka mapaano 'yon."
Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol doon. Nagdesisyon kaming magsama na lang sa iisang kumpanya para sabay kaming matanga kapag na-delay kami. Nag-set din kami ng date at time kung kailan kami magwa-walk in.
"Inom tayo pagkatapos nito?" yaya niya nang malapit na kami sa unahan ng pila.
Gusto kong umoo dahil pakiramdam ko ay kailangan ko 'yon, pero ayokong suwayin si Juancho. Isa pa, kailangan ko talagang mag-ipon. Kung lalayo kami, hindi biro ang magagastos ko sa pamasahe. Kapag minalas, mukhang weekends na lang din ako makakapagtrabaho sa gym. Kailangan ko talagang maghanap ng nagpapasweldo sa interns.
"Hindi ako puwede," saad ko kay Sadie.
Her eyes widened a fraction. "Seryoso? Bago' yan, ah?"
Ngumisi ako. "May nagbabawal na, eh."
"Sino? Si Kat?" Tumawa siya.
Napailing na lang ako. I doubt anyone would believe me if I announced who I was dating.
"Napaano pala kayo ni Psyche? Nag-away raw kayo?" usisa niya. "Kaya ka na-guidance?"
"Chismosa mo. Tapos na 'yon."
She laughed again. "Kaya ba galit si Juancho no'ng sinundo ka sa room? Syota pala niya ang kinalantari mo."
Agad na umahon ang inis sa dibdib ko. "Hindi sila."
"Huh?"
Tiningnan ko siya sa mata. "Wala silang relasyon ni Psyche. Nagde-deliver lang siya no'ng nakuhanan sila ng picture. Tanda mo 'yong delivery rider sa notepad ko? Siya 'yon. Part-time niya 'yon."
Naputol din naman agad doon ang usapan namin. Wala naman daw siyang pakialam talaga; tinutulungan niya lang ako sa impormasyon na puwede kong idagdag sa online publication ko. Dahil naipasa ko na, wala naman na akong problema.
Sa tagal ng proseso ng enrollment, hindi ko manlang nakita miski ang anino ni Juancho. Sinubukan kong hanapin siya sa department nila pero wala siya roon. Inisa-isa ko rin ang motor sa parking lot, at nakumpirma kong wala siya sa school dahil wala roon ang kanya. Hindi naman siya umaalis nang hindi dala 'yon.
Sa inis ko ay ibinigay ko kay Sadie ang lighter at ang huling pakete ng yosi na mayroon ako. Tuwang-tuwa naman siya. Gusto kong i-text si Juancho tungkol doon, pero ayokong manguna dahil wala naman siyang paramdam.
Naiirita ako dahil kaya niya akong tiisin. Ni hindi manlang siya pumunta sa school gayong alam niyang ngayon ako mag-e-enroll. Hindi naman niya kailangang ipagngudngudan sa mukha ko na ayaw niya akong makita.
I was busy contemplating things when my phone vibrated. Dali-dali kong kinuha iyon sa bulsa ko, at nagsalubong agad ang kilay ko nang makita kung kanino iyon galing.
From: Coach
Come here. ASAP.
Mamayang gabi pa ang shift ko. Nagpaalam ako sa kanya tungkol sa enrollment kaya hindi ko agad naintindihan kung bakit pinapupunta niya ako.
Hindi na ako nag-reply. Sumakay na lang ako ng jeep papunta sa gym lalo't mukhang emergency iyon. Baka kailangan niya ng assistant at walang ibang available.
However, as soon as I walked inside, I felt the tension in the room. Kinabahan agad ako. Nakatingin sa akin ang assistant trainers na nandoon na parang natatakot sila para sa'kin.
"Si Coach?" tanong ko kay Dash.
"Office."
Nanlamig ang mga kamay ko. Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa opisina, iniisip kung saan ako nagkamali, pero bukod sa away namin ni Juancho, wala na akong maalalang ginawa ko kahapon.
"Coach—"
"Pasok."
His voice was so serious and stern that it made my skin crawl. Alam ko ang ganoong tono niya, at alam ko kung paano siya magalit. He was nice, but also really ruthless. Kung may nagawa akong hindi tama, siguradong hindi niya iyon palalampasin.
Pagkasarado ko ng pinto ay lumipad agad sa akin ang isang glove. Tumama iyon sa sintido ko kaya napabaling ang ulo ko sa gilid. Ramdam ko pinagsamang bigat noon at puwesa ni Coach sa pagbato.
"Sinabi ko nang ihiwalay mo ang personal mong problema sa trabaho, 'di ba?!"
I tried not to flinch at his shout. Pinanatili ko ang pagkakayuko, at halos manghina ang tuhod ko nang makitang may mga ngatngat ng daga ang bagong glove.
Wala pa man ay naninikip na ang dibdib ko sa kaba. Kung sakaling hindi ko naibalik ang package sa storage room, malaki ang babayaran ko.
"Bagong bili 'yan, Mill!" Dumagundong ang boses niya sa buong silid. "Sa'yo ko nga unang pinasubok kasi alam kong magugustuhan mo 'yan, pero hindi ka nag-iingat! Binilinan ka naman!"
"S-Sorry po, Coach..."
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong bitbit niya ang buong kahon. Walang pag-aalinlangan niyang ibinuhos ang lahat ng gloves sa paa ko, at sa bawat pagtama noon sa akin, nanlulumo ako sa nakikitang wasak ng mga 'yon.
"29,000 lahat 'yan. Bukod pa ang shipping fee dahil sa Thailand ko 'yan inorder."
Dahan-dahan akong umiling. "H-Hindi ko kayang bayaran 'yan, Coach. Malapit na po ang internship ko at nag-iipon din ako para sa thesi—"
"Inisip mo dapat 'yan bago mo iniwang nakatengga sa sahig!"
Lumunok ako, nagpipigil ng luha. "Sorry po..."
"Tigilan mo 'yan. Hindi mababayaran ng sorry mo ang mga nagastos ko d'yan," matigas na sabi niya. "Kung hindi mo kaya ng cash, magtrabaho ka sa'kin nang libre hanggang sa mabayaran mo."
Nanginig ang labi ko. "Coach naman..."
"You know the rules, Mill. Hindi ako lalambot sa'yo. Ka-iresponsablehan mo 'yan."
I lowered my gaze as I felt my heart clamp. Wala akong ganoong kalaking pera. May scholarship kaming magkakaibigan na si Kat pa ang nag-asikaso pero matagal pa bago kami ulit makakuha. Muntik pa akong matanggal last school year dahil sa pasang-awa kong grade. Hindi ko sigurado kung mapagbibigyan ako ngayon.
Hindi malaki ang kita ko. Kung magtatrabaho ako nang walang bayad, aabutin ako ng halos tatlong buwan. 'Yon ay kung araw-araw pa akong papasok ng anim hanggang walong oras. Paano ko gagawin 'yon kung may internship at thesis ako?
"Leave."
I swallowed hard. "Wala bang warranty, Coach? Baka naman puwedeng magawan ng paraan. Ipapaayos 'yong mga sira..."
"Hindi ko 'yan sa official store binili kasi aabot ng walong libo ang isang pares. Walang warranty card ang reseller. Malay ko bang iiral ang katangahan mo?" mariing sumbat niya. "Umalis ka na sa harap ko bago pa ako magdire-diretso ng litanya sa'yo, Mill. Hindi mo magugustuhan ang masasabi ko."
Wala akong pinansin nang makalabas ng opisina. Nanghihina ang tuhod ko at ramdam ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.
Wala akong mapagkukunan ng pera. Bukod sa pagtatrabaho sa gym, wala naman akong ibang inaasahan.
Umuwi ako at nagkulong sa kwarto. Binasag ko rin lahat ng alkansya ko, pero kahit anong bilang ang gawin ko, ni hindi umabot sa kalahati ang ipon ko. Wala naman akong panahon para makonsensya pa sa perang nasayang ko sa mga bisyo ko.
Kahit hindi sigurado kung paano, naghanap ako ng agarang trabaho. May isang linggo pa bago magsimula ang sem kaya may isang linggo pa ako para makalikom ng pera. There are 24 hours in a day, and I should only spend 3 hours sleeping. Okay na 'yon. Saka na lang ako babawi sa tulog kapag nakapagbayad na.
Dahil alam ko ang pasikot-sikot sa internet, nakakita naman ako ng puwedeng pag-applyan.
Nagpasa ako ng mga importanteng dokumento, wala nang pakialam sa klase ng trabaho. Hindi ko puwedeng gayahin si Mari sa pagmamakeup niya dahil hindi naman ako marunong no'n. Wala rin akong abilidad na mag-commission lalo't hindi ko naman forte ang pag-aaral.
I had nothing left but my strength, so I applied for a job where I would essentially be used as a punching bag... despite knowing how painful it would be.
Maayos naman ang core ng trabaho. May protective gear din. Ihi-hire ako ng kliyente para ilabas sa akin ang sama ng loob nila sa pamamagitan ng pagsuntok o... pagbugbog sa akin. I would be regarded as a stress coach and would be well compensated. Pitong daan ang isang kliyente kapag babae. Isang libo naman kapag lalaki. Kung magtatrabaho ako rito kahit isang linggo lang, makakaunti-unti ako sa kailangan kong bayaran.
Gusto kong umiyak sa sitwasyon ko pero wala naman akong ibang puwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko.
Tama si Coach—naging iresponsable ako. Tama rin si Juancho—magastos ang bisyo ko.
Saka na ako maghahanap ng papasukang kumpanya para sa intenrship kapag may oras na 'ko. Ayos lang naman siguro 'yon. Magpapatulong na lang ako kay Mari sa pagre-review ng thesis ko.
Paulit-ulit kong sinabi sa sarili na kakayanin ko ang dilemma dahil kasalanan ko kung bakit ako nandito. Hindi ako nag-iisip nang maayos at masyado akong nagpapadala sa emosyon ko.
Ngunit ang pagpipigil ko ng luha ay tuluyang naputol nang makatanggap ako ng text mula sa taong gusto kong pagsabihan ng sama ng loob ngayon.
From: Juancho
Shall we talk now? I miss you.
At that very moment, I sobbed as I held my phone close to my chest. I knew I wanted to. I wanted to make peace with him. I wanted to apologize and maybe let off some steam.
Dalawa't kalahating araw lang kaming hindi nagkita at nag-usap pero para na akong masisiraan ng ulo kakaisip sa kanya. Ayoko nang magkaaway kami. Ayoko ring tumagal pa ang pag-iisip niya dahil baka mapagtanto niyang hindi ako ang kailangan niya.
Kaya lang, kahit na gusto ko nang makipag-ayos, sa oras na malaman niyang binabalak ko ang pagpasok sa isang trabaho na nakasalalay ang katawan ko, hindi niya ako papayagan. Sigurado akong pagsasabihan niya ako at pipigilan sa plano.
I needed money... and right now, I needed to be practical. Hindi ko puwedeng unahin ang emosyon ko.
To: Juancho
Ayoko pa. 'Wag muna tayong mag-usap. 'Wag ka na rin munang makikipagkita sa'kin. Salamat.
That night, I cried myself to sleep, frustrated with the situation I had put myself in.
I miss you too, Juancho. Give me a week or two. I'll make it up to you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro