Chapter 18
Chapter 18
Para akong nalalasing, natutunaw sa mariin at malalim na paghalik niya sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko lalo't rinig ko ang mahihinang niyang pagdaing tuwing nakakagat ko ang pang-ibabang labi niya. Parehong mabigat ang paghinga namin—humihingal—ngunit wala sa amin ang tumitigil.
It was sensual; it was almost physically impossible for me to stop wanting it.
His lips were warm and silky against mine. They made a little opening in the roof of my mouth, letting him stick his tongue in. I could feel the rhythm of our hearts pounding in unison and taste the breath we shared. Ang mga kamay namin ay nasa isa't isa—ang kanya ay nasa balakang ko, pinananatili ako sa puwesto, at ang akin ay nasa mga balikat niya, nagmamakaawang suportahan niya ang panghihina ko.
"Juancho..." My voice faltered as I gasped, breathless.
He grunted, slowing down in protest, before pulling away. Inilagay niya ang noo sa akin, ang paghinga ay mababaw at tila kapos.
"Galit ka pa?" he asked, his voice low and strained as if our kisses had sapped his vitality.
Hindi ako makasagot. Gaya niya, pakiramdam ko ay naubos nang tuluyan ang lakas ko. Paghinga lang nang malalim ang tanging naisukli ko.
"I thought you were working on your stamina." He kissed me again, briefly. "Why are you so out of breath?"
Rinig ko ang aliw at panunudyo sa tinig niya ngunit wala akong kakayanang makipagsabayan. I was still trying to catch my breath, for Christ's sake!
He pulled my hips closer to him, and with a gasp, he buried his face in my neck.
"Bango mo," bulong niya habang marahang humahalik doon.
My chest heaved. "Stop..."
"Why?" he asked, chuckling.
He broke away from kissing me on the neck and returned his attention to my face.
Half-awake, we stared at each other, still in the euphoric haze of our kisses.
Pulang-pula ang mga labi niya, ang buhok ay magulo, at ang mga mata ay namumungay. Nakahawak pa rin siya sa balakang ko at nakakapit pa rin ako sa balikat niya.
I'd always considered myself powerful and self-sufficient, yet in his hands, I was melting, helpless. Para bang kilala siya ng katawan ko. Parang puwedeng maging maliit at mahina kapag nasa kanya ako.
"You didn't like it?" napapaos na tanong niya.
Lumunok ako bago umiling. "Gusto."
Napangiti siya. "Me too."
Iniangat niya ang kamay sa labi ko at maingat na hinaplos iyon.
"You only wanted the interview," he remarked, staring directly at me. "Kaya no'ng pumayag ako, hindi mo na 'ko pinansin." Frustration sunk into his eyes. "God, if you only knew how much I regretted agreeing to that shit for weeks..."
I scrunched up my mouth, racking my brain for the right words to say. "Nalaman ko lang 'yong sa inyo ni Psyche..."
"And you didn't bother telling me."
"Para saan?" tanong ko. "Wala namang namamagitan sa'tin."
"You felt our connection. What lies have you been telling yourself?" He let out a cynical chuckle. "Even without words, you know our thing is more than just friendship."
My lips quivered. "Malay ko ba? I don't know how you treat your friends. Malay ko kung kaibigan ang tingin mo sa'kin."
Umirap siya. "A friend doesn't give me a hard-on."
Napasinghap ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko. "Tanga ka!" Nagbutil-butil ang pawis sa noo ko. "Malalaman ko ba 'yon?!"
Napangisi siya. Mula sa labi ko, ang kamay niya ay pinaglandas niya papunta sa noo ko, pinapalis ang pawis na nandoon, walang bahid ng pandidiri sa mukha.
"Well, you know now," aniya sa mababang boses. "Especially in your gym clothes."
Pabalang kong tinabig ang kamay niya lalo't nararamdaman kong tumitindig ang mga balahibo ko. He was so sensual, and if we talked more, I might cave in.
Tumawa siya. "Takot ka?"
"Hindi!" Ngumuso ako.
Lalo siyang napatawa. "Don't worry. I won't fuck you yet."
"Juancho!" I exclaimed, hitting him on the shoulder lightly. "Bobo ka!"
Nangingiti siyang lumapit sa akin at pinatakan ng marahang halik ang noo ko. Narinig ko ang pagwawala ng dibdib niya.
"If you think we have a problem, tell me right away. Don't disappear on me like that again," he muttered. "Wala kang kaagaw sa'kin. Ikaw lang ang gusto ko."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng puso ko sa kasiguruhang sinabi niya. It sounded like the most genuine and trustworthy of pledges, one that could never be broken.
"Nagkita raw kayo ni Psyche no'ng isang araw. Hinatidan mo raw ng pagkain," pagsusumbong ko.
Lumayo siya sa akin, ang mga kilay ay magkasalubong na. "I was working. Umorder lang siya."
Napakurap ako. "Delivery 'yon?"
"Of course," he answered. "Ano'ng iniisip mo?"
"Sabi nila..." Sumumpong ako, pikon sa nagbalita noon. Everyone assumed they were dating just because he brought Psyche the food she ordered!
"And you listen to them," pagalit niya sa'kin. "Napaaway ka pa."
Umiling ako. "Hindi ako ang nauna!"
"Alam ko. Psyche's just paranoid. She didn't want anyone to meddle with her life." He sighed. "She's a good friend, but I don't like how she makes baseless claims."
Nag-iwas ako ng tingin. "Ano'ng sinabi niya?"
"I don't know. I haven't talked to her yet."
Kumunot ang noo ko bago ibinalik ang mata sa kanya. "Hindi kayo nagkita sa office?"
"I left after you left. I realized you still didn't want to talk to me." Umiling siya. "Bumalik lang ako sa office pagkatapos ng klase ko para magtanong sa counselor."
"And what did you ask her?"
"If she got to the root of the problem, which she said, she did." Mukhang iritable siya. "She told me what happened, but it seemed like she had only heard one side... at alam kong hindi iyo 'yon."
Kinagat ko ang labi at tumango. "Masama ang ugali no'n. Nagrerebelde raw ako dahil wala akong magulang."
Dumilim ang mukha niya. "Sinabi niya 'yon?"
Muli akong tumango, nagsusumbong. "Kay Psyche lang nakinig tapos pinagso-sorry ako."
"Nag-sorry ka?"
I shook my head. "Ayoko. Wala naman akong kasalanan."
"Good," he said as he caressed my left cheek. "I've already spoken with the counselor. I'll talk to Psyche later on, too. I'll take care of things myself. Is that okay?"
I felt my eyes glisten, moved by his words.
"Busy ka, ah?" mahinang-mahinang saad ko.
He smiled slightly. "Not when my girl is being mistreated."
My cheeks warmed up in an instant. "Your girl?"
Sarkastiko siyang tumawa. "Don't fight it. For me, you're my girl."
Pinag-usapan pa namin ang ginawa niyang pakikipag-ugnayan sa counselor... o pakikipagtalo. Inis na inis niya dahil hindi agad naging epektibo ang pagtanggal dito.
He also assured me that he'd be the one to deal with Psyche, which made me a little jealous. Nang makita niyang nainis ako roon, hinalikan niya lang ako at humingi ng tawad. Ngayong hindi na sila tinuturing na mag-fiancé ng mga magulang nila, babawasan niya raw ang oras ng pakikipagkita o pagsama kay Psyche.
A part of me felt bad for Psyche, but my jealousy was getting the better of me. Kahit isang libong beses ipangako sa akin ni Juancho na ako lang ang gusto niya, ayoko pa ring magsama sila. Lalo pa't iniisip ng iba na may relasyon sila.
"Before I return your SD card, can I have some copies of your photos?"
I couldn't focus. Nasa table kami, pero inutusan niya akong umupo sa kandungan niya habang pinanonood namin ang edited interview tape. Nakayakap siya sa akin at ang baba ay nakapatong sa balikat ko.
Tumango na lang ako dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng boses kapag nagsalita ako. He was clingy and touchy, and I liked it.
Binuksan niya ang folder kung nasaan ang mga larawan ko noong pageant. He copied every solo photo of me that he could find, and he would frown if there were a guy in the shot.
"Wala tayong picture no'ng pageant?" tanong niya nang marating ang pinakahuling file.
Umiling ako. "Hindi ka naman lumapit."
"What..." He looked over every file again.
Napatawa ako. "Wala nga! Parang gago. Tigilan mo na."
"How come we don't have a picture? I was there!" He was frustrated. "Sa ibang lalaki may picture ka..."
Dahil mukhang wala siyang planong tumigil, inagaw ko ang cursor sa kanya at binuksan ang camera ng laptop niya. Bumungad sa akin ang mukha naming dalawa at nakita kong natigilan siya.
Mula sa camera ay pansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ko lalo't nakayakap siya sa akin. Mukhang nahiwagaan din siya sa nakikita dahil ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
"We look good together," he said gently, echoing my inner thoughts.
"I'm too pretty for you," I joked, pacifying myself.
His chest vibrated as he chuckled. "Yeah, I think so too."
Inayos niya ang pagkakaupo ko sa kandungan niya bago muling yumakap sa'kin. Leaning against him, I tilted my head to the side. I saw him give my jawline a quick look, which gave me a rush of self-assurance. Iniipod niya rin ang upuan namin hanggang sa makuha sa camera ang pagkakayakap niya sa'kin.
"How about we snap a shot here?" he asked. "It's far superior to those with your fanboys."
Ngumuso ako para pigilan ang pag-alpas ng ngiti ko. Ang seloso.
"Arte mo," saad ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin, at kitang-kita sa camera ang paghalik niya sa pisngi ko.
"Come on. I want a picture with you."
When I nodded, we started taking pictures of ourselves. At first, he only smiled for the camera, but after more than ten shots, he began flirting with me, kissing the side of my lips, neck, and jaw whenever the shutter clicked. And so, in the end, the "wholesome" selfies turned into a steamy make-out with me still perched on his lap, having a good feel for his growing erection.
What happened next was a jumble. All I knew was that we stopped kissing to make snacks, that he came with me to the apartment, and that he took me to the gym. Madaling araw na akong natapos sa pagtatrabaho at ganoon din siya. Inihatid niya ako sa kanto, at gaya ng nakasanayan, hinintay niya munang makapasok ako bago umalis.
From: Juancho
I want to talk more, but you should get some rest first. I'll see you tomorrow.
Napangiti ako sa text niya. Pakiramdam ko, sa ganda ng nangyari sa'kin, panaginip lang ang lahat. Amoy ko siya sa balat at damit ko na parang nakayakap pa rin siya sa akin.
To: Juancho
Ge, goodnight.
The whole thing seemed surreal, like a fantasy. The one who stole my heart, Juancho Alas Montero, felt the same way. Parang kailan lang ay umiiyak ako dahil hindi niya masuklian ang nararamdaman ko. Who would have guessed that everything was just a product of miscommunication?
From: Juancho
Ge? I'm hoping it's Germanium, not a shortcut for Sige.
Kumunot ang noo ko sa reply niya.
To: Juancho
Gago, anong germanium? Salita ba 'yon?
Dumapa ako sa kama at naghintay ng sagot niya.
From: Juancho
So that's a shortcut? Why are you using shortcuts with me? Are you not interested in me anymore?
Napatawa ako. Amputa. Iyon lang pala. Saksakan ng arte. Akala mo naman essay 'to at may points ang complete text and punctuation.
To: Juancho
Overthink ka na.
From: Juancho
Whatever. I know you won't. A lazy typist, that's what you are.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Mari kaya dali-dali akong nagtalukbong ng kumot. Mahirap na. Baka silipin niya pa ako. Kapag may nakita 'yon na ka-text ko, hindi ako titigilan no'n. Lalo't madaling araw na.
To: Juancho
Tutulog na 'ko. Alam kong mag-aaral ka pa. Sorry ka na lang hindi ako mahilig d'yan kaya hindi kita masasamahan.
From: Juancho
I don't want to study now either. I want you to come over here and kiss me.
Parang sinilaban ang mukha ko sa nabasa. Putanginang 'to! Ang landi! Porke't mabango ang hininga niya!
To: Juancho
Pakyu. May bayad na sa susunod. Sobra ka na. Pinag-cutting mo pa 'ko! Bobo amputa. Paano ang pag-aaral ko?
I didn't have to wait long before I received a reply.
From: Juancho
You said you didn't have class. Grade-viewing lang 'yon at tapos ka na.
From: Juancho
And how much do you charge for a make-out?
Hindi na kami nakatulog dahil naglandian lang kami hanggang mag-umaga. Mabuti nga at wala nang klase lalo't antok na antok ako nang mamaalam na si Mari na mag-aasikaso ng requirements niya. I didn't get out of bed until noon, and then I started working on Juancho's article in the afternoon. Lowbatt na lowbatt din ang phone ko kaya iniwan ko lang 'yon na naka-charge.
"For or Against: What the Morally Upright Son Thinks About His Father's Political Career," basa ko sa pamagat ng article.
Bahagya akong napangiti. I couldn't believe I could complete a piece in less than two hours. Kahit sabihing may mga nasimulan na 'ko, marami-rami pa rin akong inedit lalo't hindi naman lahat ay kailangang ilagay. I wanted to include all the interesting details I had learned about Juancho, but I couldn't have the article become too lengthy.
Binaba ko ang mata sa ilang sa mga talatang nagpatunay sa akin kung bakit ko siya nagustuhan.
With an authoritative voice and a compassionate heart, Juancho is poised to take the helm. He is committed to his pursuit and even chooses to create a life for himself away from his father in the hopes that the latter will recognize the mistakes in his governance. Despite growing up in a privileged household, Juancho started doing part-time jobs and lived frugally so that his father wouldn't have to help him financially.
For him, moral principles should take precedence over familial ties.
However, although he disagrees with his father's leadership style, deep down inside that fortress of unwavering values is a son who wants his father to be like he was when he was a kid.
"I want my father back," he says, unmistakable sorrow and despair evident in his eyes. He was caught between loving him and not tolerating his mistakes, which leaves an impression on his character—how firmly anchored he is in his integrity as a future lawyer and how virtuous he is as a son.
May kakaibang kiliti sa dibdib ko habang isinusulat iyon. Somehow, I was proud of the fact that I liked him. Hindi nagkamali ang puso ko sa pagpili ng taong gugustuhin.
Inayos ko ang format ng online publication, at sa loob ng tatlong oras ay natapos ko 'yon. It was relieving to finally throw off the shackles because I knew I also picked up some valuable insights along the way.
Halos mag-a-alas siete na nang patayin ko ang laptop. Mabuti't wala akong trabaho ngayon dahil nag-request si Dash na magpalit kami ng shift. Bukas ng umaga pa ako may pasok. Nagsaing at nagluto na muna ako ng pagkain namin ni Mari bago naligo. Wala siyang review ngayon pero hanggang madaling araw ay may kliyente siya.
As soon as I picked up my phone again, I saw a message from Juancho telling me to send him a text when I was done. Hindi naman ako para magpakipot dahil gusto ko ang pakiramdam na kausap siya.
To: Juancho
Hoy.
Pinapatuyo ko ang buhok nang i-send iyon sa kanya. Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply.
From: Juancho
Thank fuck, you're done.
From: Juancho
I'm resting from my deliveries. I'll go there in a sec.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Wala naman kaming planong magkita ngayon! Kahit pa malandi siya kaninang madaling araw, wala kaming pormal na usapan!
To: Juancho
Bakit ka pupunta?
From: Juancho
Because I want to see you?
To: Juancho
At ako? Gusto ba kitang makita?
From: Juancho
Oh.
From: Juancho
You don't?
Napangisi ako sa kaartehan niya. Syempre nag-iisip na naman 'to. Sarap pikunin.
To: Juancho
Gusto.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa'kin dahil matapos ang ilang palitan pa ng text ay dumiretso ako sa kwarto ni Mari. Nakita ko sa mesa niya ang ilan sa mga ginagamit niyang makeup, at kahit nahihiya sa sarili ay naglakad ako papunta roon.
I swallowed and reached for a tube of crimson red lipstick. Napangiwi ako lalo't alam kong ito ang lagi niyang gamit. Hindi ko type ang kulay dahil masyado itong mapula. Ewan ko nga kung bakit bumabagay 'to sa kanya nang hindi siya nagmumukhang kumain ng tao.
I gently rubbed it on my lips, applying just enough to color them. Kumuha pa ako nang kaunti para sa pisngi ko at ginaya ang madalas na ginagawa ni Mari. Hindi naman ako nagmukhang nasampal dahil sakto lang ang nailagay ko.
Nang lumabas ng silid ay naiiling ako sa sarili. What the fuck did I just do for Juancho? Wala naman akong pakialam kung pumangit ako sa harap ng kahit na sino! Pake ko kung haggard niya akong makikita?
From: Juancho
Labas na.
Inayos ko ang buhok ko, napapangiti sa katalandian niya. Puwede palang hindi mainis sa ganoon. Kahit halos inuutus-utusan niya 'ko, para akong gagong nakatawa pa. I sprayed myself down with cologne and made sure my breath didn't stink before heading outside.
Nagwala agad ang dibdib ko nang matanaw ang motor niya. Patay na ang makina noon pero nandoon pa rin siya, wala nang helmet at medyo magulo ang buhok. He looked good in his faded blue pants and a black T-shirt that was cut to his proportions. Kitang-kita ang lapad ng balikat niya at ang tikas ng mga braso.
Napahinga ako nang malalim. Nakakahiya sa kaguwapuhan niya ang itsura ko. Tangina naman kasing mukha 'yan. Parang tatlong dekada ginawa at pinag-isipan.
"Hi," he said sweetly when I walked up to him.
Binasa ko ang labi, naiilang sa kanya. Nanumbalik sa akin ang mga halik na pinagsaluhan namin.
"Tapos na ang trabaho mo?" tanong ko na lang.
He glanced at his wristwatch. "Two more hours."
Sumimangot ako. "Ba't hindi mo pa tinatapos? Pumunta ka pa talaga rito."
"I have a 30-minute break."
"30 minutes lang? Dapat nagpahinga ka na."
His lips curled into a grin. "That's what I'm doing."
Nag-init ang mukha ko. "Landi mo."
"Come on..." He chuckled. "Don't I deserve a kiss?"
Napatingin ako sa paligid. May mangilan-ngilang kapitbahay namin ang nasa labas, nangungusisa kung sino ang kasama. Ang ilan ay nagkukunwari pang nagwawalis kahit na nasa amin naman ni Juancho ang atensyon.
"Nahihiya ka?" There was amusement in his tone.
Tumikhim ako. "Hindi, ah? Conservative lang."
Iniangat niya ang kamay papunta sa labi ko kaya bahagya akong napaurong.
"You're wearing lipstick."
Agad kong tinabig ang kamay niya. "Natural 'to!"
Tiningnan niya ang hinlalaking pumahid sa labi ko at napangisi nang makita ang mantsa ng lipstick doon. Kahit may kadiliman ay kita ko ang pagdaan ng aliw sa mga mata niya at ang pamumula ng tainga.
With his eyes locked on mine, he brought his thumb to his lips and kissed it gently.
"Nag-lipstick ka para sa'kin," aniya.
Nag-iwas ako ng tingin. Parang tanga naman, eh! Bakit halata niya 'yon?!
"Assuming," saad ko. "Sabing natural, eh."
He chuckled. "I know the shade of your lips, Mirae. You can't lie to me."
Silence ruled over us. Gusto ko siyang imbitahin sa loob pero alam kong malapit na rin siyang umalis dahil kailangan niyang magtrabaho. Bitin man ako sa oras namin, ayoko namang mag-demand ng kahit na ano lalo't wala pa naman kaming pormal na label. Ayoko ring i-bring up 'yon. Sa ngayon, sapat na sa aking gusto namin ang isa't isa. Hindi ako para magmadali.
"Send me the article you've written," he said.
Tumango ako. "Aalis ka na?"
"Five minutes pa..." sagot niya habang inaabot ang kamay ko, tila walang pakialam sa mga makakakita sa amin. "How's your day?"
He looked directly at me as if he couldn't take his gaze off of me when he posed the question. Iyan na naman siya sa pagpaparamdam sa akin na handa siyang makinig kahit na wala namang kuwenta ang kadalasang lumalabas sa bibig ko.
"Tinapos ko lang 'yong project," sagot ko, hinahayaan siyang paglaruan ang kamay ko. "Ikaw?"
"Work." He intertwined our fingers. "At saka hinintay kang matapos sa project mo."
"Bakit?"
He kissed the back of my hand. "So, you can give me time."
"Clingy mo." I suppressed a smile.
Pumungay ang mga mata niya. "You don't hate it."
It was the first time I let myself get attached to a man. Pakiramdam ko nga ay hindi bagay sa akin. I was terse, frank, and laid back. For some reason, I always thought nobody would take me seriously in a romantic sense.
Kaya ngayong may Juancho, parang bago lahat sa akin. In a way, the warmer, more feminine parts of my character were being persuaded to come to the fore. I liked how he could show me things about myself that I didn't know were there.
"Take the night off on Sunday," I said.
His eyes widened a fraction. "Why?"
"Nabitin ako sa oras natin ngayon," pag-amin ko. "Give me your Sunday. Let's drink."
Pinanood ko ang unti-unting pagsibol ng ngiti sa labi niya. Sinubukan niyang pigilan iyon pero tuluyan pa rin itong kumawala. The supposed small smile then turned into a low chuckle.
"Pag-iisipan ko," aniya, kahit hindi na maitago ang ngiti.
Umirap ako, wala sa planong sakyan ang pag-iinarte niya. "Okay lang naman kahit hindi."
"Tsk." Sinamaan niya ako ng tingin. "You always spoil the moment."
I laughed as I crept up on tiptoe to give him a peck on the cheek. His body stiffened, but I didn't give a hoot. I wanted to be open and vulnerable in front of him.
"Ingat." Halos hindi ko makilala ang boses ko. "May date pa tayo sa Sunday..."
It wasn't something spectacular; it was simple. Being with him was comfort in all forms. Hindi ko kailangan ng malaking pera o anumang magagarang damit. Walang pagpapanggap at pagtatago.
Napagtibay ko 'yon nang mga sumunod na araw. Pagtawag niya sa telepono ang gumigising sa akin sa umaga, at boses niya ang huling naririnig ko bago matulog. Dahil wala na akong dapat ipasa sa school, nagkaroon ako ng maraming oras para makasama siya. Sabay kaming nagtatanghalian. Sinusundo niya ako sa trabaho at ipinagluluto sa bahay niya. Isang beses pa na tinatamad akong kumilos ay pinuntahan niya ako sa apartment at nilinis iyon para sa akin.
In just a few days, I realized how perfect we were together. My devotion to him was something I knew would last a long time, if not forever.
Ngayon pa lang, alam kong may kakayanan na siyang durugin ako. I let him into my life, giving him access to both the light and dark sides of my personality. Sa oras na magdesisyon siyang saktan ako, hindi ko alam kung paano ako aahon.
Everything I felt about him was permanent and unbreakable, like words written in stone—they could be wiped clean but never rewritten.
Sana ganoon din siya sa akin.
"Mag-isang tower tayo," saad ko sa kanya habang papasok kami sa pub.
"No, isang bucket lang," pagalit niya.
Sumimangot ako. "Damot mo. Ngayon lang tayo mag-iinom, eh."
Matigas ang pag-iling niya. "Kung nasa bahay tayo, hahayaan kita."
"Jusko, laman na 'ko nito! Kilala ko na nga 'yong barista. Hindi tayo mapapahamak." Tumawa ako. "Hirap kapag may kasamang matanda. KJ."
"I'm just two years ahead of you." He glared at me. "And it's still a no. We'll drink in moderation."
Sumpong akong pumunta sa mesa. Umorder siya ng isang bucket, chicken tenders, at sisig. Napagtanto ko agad na ang tipo niya ang gastador sa inuman. Kung sakaling ako ang umorder, kropek lang ang pulutan namin.
Imbes na maupo sa tapat ko ay tumabi siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-ikot ng braso niya sa baywang ko pero ang kamay niya ay ipinahinga sa hita ko.
"'Wag ka nang sumimangot. We'll drink more next time," he said.
Tumango na lang ako dahil ayoko namang pilitin siyang mag-inom. Malaking bagay na nga sa akin na sinamahan niya ako sa ganitong lugar.
It was an odd choice of date, but I believed that alcohol was the best way to get to know people... kahit pa parang wala naman na kaming itinatago sa isa't isa. I wanted to bring him into my world, with all of my carefree ways. Para alam niya kung ano'ng pinapasok niya.
I was wild, or, as others might have said, rebellious. For the most part, I just went with the flow rather than trying to force anything. I surrendered to the winds of fate and went wherever they blew me. Lumiliko lang ako kapag alam kong dehado ako. Hindi ko rin hinahayaan na magtagal ako sa isang puwesto dahil iniiwasan kong masanay na kapayapaang dala noon.
"Ang daming nakatingin sa'yo," mahinang sabi niya habang nilalagyan ng rum ang baso ko.
Iniikot ko ang mga mata sa paligid pero agad ding tumigil dahil nagreklamo siya.
"Titingin pa," suway niya.
"Para ka kasing siraulo. Papakyuhan ko lahat para matahimik ka."
Umangat ang isang sulok ng labi niya kaya pabiro kong hinampas ang hita niya. Nagsalin siya ng alak sa baso niya bago muling bumaling sa akin.
Even though it was loud because a band was playing and people were talking, all I cared about was him. Parang walang makaaagaw ng atensyon ko dahil nasa tabi ko siya. Ang init ng palad niyang tumatagos sa suot kong pantalon, ang kislap ng tuwa sa mga mata niya, at ang banayad at magkasabay naming paghinga. It was magical.
"Nakita ko 'yong shinare mo..." saad ko.
Naging mutuals na kami sa Facebook dahil in-add niya ako, at nang kalkalin ko ang profile niya, nakita kong shinare niya ang picture ko no'ng photoshoot. Walang kahit na anong caption 'yon pero inaasar siya ng mga kaklase sa comment section. Wala naman siyang ni-replyan kahit isa. Shinare niya rin ang post ng page ng department namin nang i-announce na ako ang panalo. He didn't share the post with my fellow winner, though. 'Yong akin lang talaga.
"Alin do'n?" tanong niya.
"'Yong sa pageant."
Tumango siya, dahan-dahan. "Nagbasa ka ng comments?"
"Sa post mo?"
Umiling siya. "Sa picture mo."
"Pinabasa lang sa'kin ni Sadie." Nagkibit-balikat ako. "Nakakairita naman. Puro kagaguhan."
Agad na lumapat ang ngisi sa labi niya. "Right?"
"Oo, puro lalaking corny. Akala mo first time makakita ng babae." I shook my head. "Na-appreciate ko 'yong iba. Hindi lang talaga ako mahilig sa compliments."
"You do—you just don't know how to react to one."
"Hindi nga," pamimilit ko. "Feeling ko kaplastikan lang."
Humalumbaba siya at pinakatitigan ako. Ang mapupungay na mga mata ay bumaba sa labi ko at bahagyang nagtagal doon.
"You have smooth, sweet lips," he muttered, warming my face. "Every day since I kissed you, I've been dreaming about it."
Umawang ang labi ko, parang alam na kakapusin na naman ako sa paghinga. Ang kamay niyang nasa hita ko ay pumisil doon. Hindi ako makaimik dahil alam kong alam niya ang epekto niya sa'kin.
Muling naglandas ang mga mata niya paikot sa ibang parte ng mukha ko.
"I like how your jaw looks when you make an angle with it, how your brows furrow in disapproval, how your nose creases when you're in pain, and how your eyes flutter when you laugh," he said. "I like how your hair makes you feel comfortable, how your forehead sweats when you're tense, and how hot you appear when you're working out."
I swallowed hard, unable to process everything he was saying.
"I like your determination, the way your eyes brighten when you see me, your jealousy, and the fact that you let only a few people into your inner circle—and I'm honored to be counted among them."
Nag-iwas ako ng tingin. "Tama na nga..."
He chuckled. "I like you. I like that I can finally talk about it."
"Isa!" Pinanlisikan ko siya ng mata. "Tigil na!"
Hindi nawala ang saya sa mukha niya. "You like compliments. You're just shy."
"Ako?" Tinuro ko ang sarili. "I can be a lot of things, but shy?" Umiling ako. "I can even dance in the middle if you tell me to."
"Not a chance."
Nagsimula kaming mag-inom at kaswal na magkuwentuhan. Nakausap niya na si Psyche at mukhang nahimasmasan na ito sa nangyari. Tinanong ko rin siya tungkol sa pag-aaral niya kahit na wala naman akong interes doon, pero sa paraan ng pagsasalita niya, hindi ko maiwasang hindi mawili.
People really should stop saying that Juancho was silent because he wasn't. Even though he was good at listening, he had no trouble expressing himself, especially regarding his firm beliefs. Nakahahalina siyang magkuwento, at kapag magsasalita ako, parang ako lang ang nakikita niya.
Something about how he stared at me got me thinking he'd be an outstanding lawyer; he struck me as the type of man who would push me to speak the truth.
Nakadalawang bucket din kami. Kadalasan ay ako naman ang umiinom. Halos wala ngang napunta sa kanya. Nababahala siya dahil alam niyang magmamaneho pa siya. Isa pa, hindi raw kami parehas puwedeng malasing lalo't nasa ibang lugar kami.
He was different from everyone else I'd been with. Wala naman kasing pakialaman kung makakauwi pa o hindi na. Kaya malaking tulong sa akin ang pag-aaral ng self-defense. May kumpyansa akong makalaban kapag may gustong magsamantala sa kalasingan ko.
Wala akong tama nang mag-bill out kami. Gusto kong mag-ambag lalo't ako ang nagyaya sa kanya, pero hindi niya ako pinayagan.
Nang tumayo ako, doon ko naramdaman ang kaunting tama. Hilo lang iyon na alam kong hindi magdidiretso sa hangover. Sakto lang. Iyong masarap at diretso ang tulog.
"Hihintayin kita rito. Tinatamad akong maglakad," sabi ko sa kanya nang nasa entrance na kami ng pub. Kukunin niya ang motor niya sa maliit na lote sa gilid.
"Kaya mo?"
I scoffed. "Hindi ako lasing."
Tumango siya at naglakad na papunta sa lote. Pinanood ko pa ang pagliko niya. Alam kong hindi naman siya tinamad sa paglabas namin, pero may parte sa akin ang nagu-guilty dahil sigurado akong hindi siya sumagad sa pag-inom sapagkat binabantayan niya ako. I didn't want to be a burden for him, but I knew he was watching out for me. Sana lang ay hindi siya na-turn off na ganito ang klase ng paglabas ko.
Five full minutes had gone by, and he hadn't come back yet. Sinilip ko ang pinaglikuan niya ngunit wala pa rin siya roon. Ni wala ang tunog ng motor niya.
Hindi ko alam kung bakit umahon sa akin ang kaba, kaya nakinig ako sa sinasabi ng utak kong sumunod sa kanya. Parang nawala ang hilo ko habang binabagtas ang daan, at nang makarating sa lote, pakiramdam ko'y nawalan ng kulay ang mukha ko sa nakita.
Four men surrounded him, and they all looked wasted. Halata sa mata ng mga ito na nakadroga sila at mukhang si Juancho pa ang napiling pag-tripan. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.
I looked at the table and was instantly angry when I saw what was on it.
Tinulak ng isa ang balikat ni Juancho ngunit hindi manlang kumibo ang huli. Mukhang wala rin siyang balak gumanti.
Kinuyom ko ang kamao, pilit na nagpipigil ng galit habang tinitingnan ang mga lalaki na pagkaisahan siya. I wanted him to fight back, and I was so mad that he didn't!
Tuluyang naputol ang pisi ko nang kunin ng isang lalaki ang pitaka niya. With my jaws set in a death grip, I walked silently toward them, my rage boiling over. The desire to punch them all prompted my hands to tremble.
"May kasamang girlfriend 'to. Ayaw lumaban, eh," tawanan nila.
Wala na akong pakialam. Nagtama ang mata namin ng isang lalaki pero bago pa niya masabi iyon sa kasamahan, buong puwersa kong sinipa ang likuran ng isa, dahilan para mapatilapon siya sa lupa.
"Millicent!" sigaw ni Juancho na hindi ko na pinansin.
Dinampot ko ang boteng nabitawan ng lalaking sinipa ko at tiningnan sila isa-isa sa mata.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Juancho, pero bago niya pa ako mapigilan ay sinugod ko na ang isa pang lalaki na mukhang gulat pa rin sa presensya ko. I smashed the bottle over his head, and the impact sounded exceptionally painful. Dumugo agad ang ulo niya.
Mukhang napikon ang mga kasama nito dahil magkakasabay na umulos sa akin ang tatlo—kahit ang nasipa ko ay nakatayo na.
Not wanting to accidentally stab them, I threw the shards of the bottle to the ground, and, as soon as they approached, I gave one of them a solid punch to the groin. Ang isa ay sinubukang hatawin ng bote ang ulo ko pero nahuli ko ang kamay niya. Pinilipit ko iyon hanggang sa mapasigaw siya.
Even though their moves made it clear that they weren't formidable fighters, I wasn't about to take it easy on them after they messed with Juancho.
I pounded on their chests, jaws, faces, and stomachs with every ounce of strength I possessed. With my emotions at a fever pitch, all I could think about was Juancho and how these dickheads would screw him over.
Napatingin ako sa isa pang hindi umaatake sa akin at napatikhim ako nang makitang nasa paanan na ito ni Juancho, walang malay.
"Millicent!"
Napatilapon ako sa lupa nang suntukin ng isang lalaki ang dibdib ko. Mabibigat ang mga hakbang ni Juancho para gantihan ito.
Agad na dumagundong ang lakas ng suntok niya sa lalaki at malakas ang kutob kong hindi na iyon magkakamalay hanggang mamaya. I got to my feet, walked over to where the first downed man was lying, and stomped him in the chest as he struggled to get up and go to Juancho.
"Saan ka pupunta?" tanong ko habang dinidiinan ang apak sa dibdib niya.
Paulit-ulit niyang sinuntok ang binti ko pero hindi ko siya pinakawalan. Siya ang lalaking kumuha sa pitaka ni Juancho.
I stooped down to his level and slapped him so hard that he bled from the corner of his mouth.
"Sino'ng nanakawan mo?" mariing tanong ko bago muli siyang sinampal. "At ano'ng sabi ng kaibigan mo? May girlfriend kaya ayaw gumanti?"
Sinubukan niyang bumangon pero buong lakas ko siyang itinulak ulit pahiga. I was so angry that I needed someone to take it from me!
"Hindi n'yo kakantiin ang lalaking 'yan," saad ko, ang sampal ay pinalitan ko ng suntok. "Pagtutulung-tulungan n'yo pang mga putangina n'yong adik."
"Millicent, that's enough."
Hindi ako nakinig kay Juancho. Galit na galit ako dahil kasalanan ko kung bakit siya naagrabyado. Ako ang nagyaya sa kanya rito, at mapapahamak pa siya nang dahil sa'kin.
"Millicent..." may pagbabanta sa tinig niya.
Umiling ako. "May kutsilyo sila sa mesa, Juancho! Don't fucking tell me to stop!"
Handa na akong paulanan ng suntok ang lalaking nakahiga kung hindi niya lang ako hinawakan sa braso. Sinubukan kong magwala para mailabas ang galit ko pero niyakap niya lang ako nang mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ko sa galit at ang pamumuo ng luha sa mga mata ko dahil wala akong magawa.
I wasn't done being mad yet! I was still mad as hell! And it was so annoying that he was the one settling me down!
"Bakit ba kasi hindi ka lumaban?! Ano'ng gagawin ng mga 'yan sa'yo kung hahayaan mo lang?!" sigaw ko sa dibdib niya.
Hinaplos niya ang likod ko. "You're with me. I don't want to turn you off..."
"Mas importante ba 'yan? May kutsilyo sila! Kung nakatakbo sila sa mesa, baka napagsasaksak ka na!" Nabasag ang boses ko sa labis na pag-aalala. "Kung hindi pa 'ko sumunod sa'yo, hindi ko malalaman na tinatarantado ka na rito!"
He remained silent. He just hugged me and let me vent my frustrations.
"Kaya mo namang mag-isa, eh! Gusto mo pa 'yong mapagtutulungan ka!" saad ko pa. "Dapat hindi na lang kita niyaya! Mapapahamak ka pa dahil sa mga kababawan ko."
I felt him kiss the top of my head. "Don't say that. It was a great night. I love being here with you."
Nagwala lang ako. Kahit na gustong-gusto kong ilabas ang galit ko, nang sabihin niyang siya ang suntukin ko ay nawalan ako ng lakas. I could feel tears stinging my eyes, but I was too frustrated to let them out. Tumawag siya ng pulis at ambulansya. Ipina-check niya rin ang dibdib kong nasuntok sa malapit na ospital, at pinilit pang ipa-X-ray ako. Pumunta siya sa police station para pormal na mag-file ng report at bumalik siya sa akin sa ospital matapos 'yon.
Nang makuha namin ang resulta at normal naman ang lahat ay inihatid niya ako hanggang sa labas ng apartment namin. Patay na ang ilaw noon kaya alam kong tulog na si Mari.
"Makakasuhan ba 'ko?" mahinang tanong ko nang bumaba sa motor.
"Of course not."
"Hindi ba assault 'yon?"
He sighed. "We did so under justifiable conditions. May nakita kang kutsilyo sa mesa nila, which means that the harm intended to be avoided exists. May bote rin silang hawak at mga naka-droga. We only attacked to prevent something horrible from happening, so we couldn't be held legally liable for it."
"Nauna pa rin ako..."
"No. They picked on me. I just didn't fight back."
"Eh, ikaw 'yon. Hindi naman ako."
He held my hand. "Do you know those people?"
Umiling ako.
"Did you have bad intentions, a desire for revenge, or a grudge against them before this?"
"Hindi. Hindi ko nga sila kilala, eh."
"Then, stop worrying. It's a form of defense. You stood up for me." Malumanay ang boses niya habang nagpapaliwanag sa akin. "You didn't cause them any serious injury. Thank you for not stabbing them."
Ngumuso ako. "Syempre. Ayoko namang pumatay, 'no? Nagalit lang ako."
"Kasi?"
Ikinunot ko ang noo. "Kasi syempre, sasaktan ka, eh." Yumuko ako. "Ayoko."
He gently pushed my chin up with his fingers, and his eyes lit up with pride. "I don't want to put you in danger, but I can't lie—I love the way you protected me." Hinigit niya ako palapit sa kanya at marahang hinalikan. "I'm sorry for worrying you. Hindi na mauulit."
I bit my lower lip so I wouldn't lash out at him again, but I failed.
"Kaya ka nga nag-aaral ng Krav Maga para sa mga gan'yan," panunumbat ko.
"Ito ang unang beses na lumabas tayo na ikaw ang nagyaya," sabi niya. "I don't want to screw things up."
"Kahit pa! Hindi naman ito ang huli, ah? Yayayain kita lagi, basta 'wag kang mag-iinarte nang gano'n. Know how to defend yourself. Isipin mong mamamatay ako sa pag-aalala kapag may nangyari sa'yo," litanya ko.
His eyes glimmered as he took a deep breath. "Aside from that, I'm not really a fan of violence."
"It is needed when you are in danger, Juancho!" bulalas ko. "Ano'ng gusto mo? Nasaksak ka na't lahat pero hindi ka gaganti kasi ayaw mong makasakit? Hindi ka gan'yan katanga! You can do martial arts! You know about self-defense! I know you're trying to talk them out of it, but you should know when someone doesn't care and just wants to beat you up!"
He looked at me with such adoration that I wondered if he was even listening.
Bago ko pa maitanong ay yumukod na siya sa balikat ko at nagpakawala ng malalim na paghinga.
"I'm sorry..." he mumbled. "I promise I'll never worry you again."
"Dapat lang!" sagot ko kahit na natutupok na niya ang galit ko.
"I'm sorry," mas malambing na sabi niya.
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang suyuin ako. Umangat ang mukha niya, at napakurap na lang ako nang ilapat niya ang mga labi sa akin.
"I'm sorry," pag-uulit niya, ang mga kamay ay humahawak na sa panga ko. "I'm sorry, baby..."
His voice was so raspy that all I could do was melt into his touch.
Before we went our separate ways, he kissed me over and over, telling me he was sorry for making me worry and thanking me for standing up for him even though I knew he could stand up for himself.
Ramdam ko ang saya niya sa nangyari na kahit gusto niya akong pagalitan, mas nanaig sa kanya ang kasiyahan na may pakialam ako sa kanya.
Silly guy. Of course, I do.
And so, before I turned in for the night, I tweeted the words I couldn't bring myself to say to him directly yet.
Mirae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 1m
Hay, Juancho Alas E. Montero.
Mirae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 2s
Mahal na mahal kita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro