Chapter 17
Chapter 17
Growing up was never easy for me. I used to be a defenseless three-year-old girl who was left alone outside an orphanage with a patched stab wound in the shoulder. Hindi ko na tanda ang detalye kung saan, paano, at bakit ako nasaksak. Ni hindi ko kilala kung sino ang gumawa noon sa akin. Kung wala nga ang sugat ko, hindi ko na maaalalang may ganoong parte ang nakaraan ko.
Ang alam ko lang, madilim pa noong iniwan ako. Hindi ko sigurado kung anong oras 'yon o kung tama ba ang nasa alaala ko, pero tanda kong hindi ako umiyak o humabol manlang. Sinilip ko lang ang babaeng nagluwal sa akin, pinanood ang paglalakad niya palayo hanggang sa mawala siya sa linya ng paningin ko.
At that time, I knew I wanted her to turn around and look at me, even if it was just to wave goodbye or to run back and kiss my forehead and tell me she loved me... but she didn't.
She just walked away without taking a second look after telling me she had to be with my father and that staying with them would only cause me pain.
And now, after so many years, even if I had long forgotten the pain of being stabbed, the memory of being abandoned had stayed deeply embedded in my soul.
Tumanim sa akin ang realidad ng buhay— kailangan mong matutunan kung paano protektahan ang sarili mo, kasi kung hindi, maiiwan ka lang.
At lahat ng pang-iiwan, sa kahit anong mukha at oras, laging madilim.
"Munggo at pritong galunggong ang lulutuin ko. Mag-sangag ka ng kanin pagkauwi natin, Mari..."
Umaga matapos ang pakikipag-usap nang maayos kay Juancho ay nagpasundo si Kat sa amin ni Mari sa terminal, ni walang paabisong ngayon siya dadalaw. Nang makita kami ay pumagitna siya sa amin at agad na kumapit sa braso naming dalawa. May kakaibang ningning ang mga mata niya, at doon pa lang, alam ko nang masaya ang pamumuhay niya sa probinsya.
"Ikaw naman, Mill, magche-check tayo ng mga sira sa apartment ngayon," saad niya habang pinapara ang tricycle. "Sa loob na kayong dalawa. Ako na ang aangkas."
Iikot na sana siya papunta sa likod ng driver nang higitin ko siya. Parang tanga talaga 'to. Kitang nakapalda siya tapos magvo-volunteer na sumabit. Kahit pa hanggang tuhod 'yon, iba pa rin ang nagagawa ng hangin!
"Sa loob ka," sabi ko sabay tingin kay Mari. "Ayokong katabi 'to. Hindi pa naliligo."
"Excuse me? Ikaw nga galing pa sa jogging! Kadiri kaya ang pawis mo!"
Ngumisi ako. "Hindi naman magulo ang buhok ko."
She wrinkled her nose in annoyance as she ran her fingers through her silky, loose curls. Bagay naman sa kanya 'yon. Kahit nga walang suklay ay maganda pa rin siyang tingnan. Hindi ko lang sasabihin 'yon sa harap niya dahil masarap siyang inisin.
"Utak kasi ang magulo sa'yo!" she fired back.
Tumikhim si Kat. "Manong, pasensya na po..."
Sinenyasan niya ako na tumigil na kaya napangisi na lang ako sa nanlilisik na mata ni Mari. I shrugged and plopped down on the seat, still smirking foolishly.
On our way to the apartment, I couldn't help but realize that having people you could turn to for support when times were tough was a privilege people rarely acknowledged. It was a treat that was taken for granted.
Okay, may kaibigan. Okay, may kasama sa tawanan. Okay, may kakuwentuhan.
But a true friend... wasn't just there for the labels, jokes, and stories; they were there for the peaks and valleys, the yeses and no's, the smiles and tears.
Sure, money could buy a lot of things, but it couldn't buy you the kind of warmth that a person could provide when things went astray.
Gaya ngayon.
Mabigat pa ring isipin na dapat ko nang pakawalan si Juancho, pero dahil nandito ang dalawang importanteng tao sa buhay ko, pakiramdam ko ay mas lamang ang kakayanan kong sumaya. They were the same ones who helped me see the light again after I'd been left in the dark by my mother. And no, they didn't take me out; rather, they used a torch to look into my chamber.
Buong araw ay hindi na kami naghiwa-hiwalay. Nagpaalam ako kay Coach tungkol sa pagliban at sinamahan naman namin si Mari sa dalawang kliyente niya. Tinawagan din namin si Karsen na inggit na inggit dahil malaya kaming nakakalabas. Nasa pad pa rin kasi siya ni Kobe, at mukhang maayos naman ang trato sa kanya nito dahil bumalik ang sigla ng mukha niya.
"Mill..."
Dali-dali kong ibinagsak sa semento ang sigarilyo at pinatay ang upos noon gamit ang tsinelas ko. Nasa labas ako ng apartment, nakatambay sa maliit na gate, at iniisip ang isa pang importanteng tao na hindi ko nakausap o nakasama ngayon.
"Nagyoyosi ka pa rin?" tanong ni Kat nang tuluyang makarating sa puwesto ko, ang mga mata ay nasa paa ko.
"Minsan na lang," pagsisinungaling ko. Lagi kasi niya akong pinagsasabihan tungkol dito.
Sumimangot siya. "Sus. Sinabi sa'kin ni Mari na dumadalas 'yan."
Napamura ako sa isip. Epal talaga ang malditang 'yon.
"Akala ko ba tulog ka na?" pag-iiba ko ng topic. "Nagawa mo na ang ritwal mong pagpapahid ng kung ano-anong essential oil tapos lumabas ka pa."
"Wala ka sa kwarto mo, eh. Tatabihan sana kita."
Umarko ang kilay ko. "Bakit naman? Do'n ka kay Mari."
"Nag-usap na kaming sa'yo ako tatabi. Mag-aaral pa 'yon ng madaling araw. Baka raw magising ako."
Lihim akong napangiti. 'Yon lang din ang dahilan kung bakit hindi kami nagsasama ni Mari sa iisang kwarto. Nagbabasa siya kapag madaling araw kaya binubuksan niya ang ilaw.
"Mag-aaral din ako," sabi ko na ikinahalakhak lang niya. "Aba. Iniinsulto mo ba 'ko? Baka baligtarin kita."
Lalo lang siyang tumawa kaya nahawa na rin ako. As it died down, we stood silently in the dark, basking under the stars and crescent moon. Naramdaman ko ang pagdulas ng kamay niya sa akin, at kahit nagulat, hindi gumana ang reflexes ko dahil kilala ko siya... kilala siya ng katawan ko.
"Tell me a story," she said sweetly, caressing the back of my hand with her thumb.
Ngumisi ako. "Ang alamat ng pagong..."
Napatawa siya. "Siraulo ka talaga."
Binawi ko ang kamay ko para maakbayan siya. She was a little shorter than me, but her wisdom and insight were years ahead of her age. Parang alam niya lahat. Hindi ko nga alam kung bakit pinagtitiisan niya ako.
Hinila ko siya palapit hanggang sa halos magkadikit na ang mga ulo namin. Ang paghinga namin ay magkasabay, mahinahon, at banayad.
"Nag-usap kami ni Juancho kahapon," mahinang saad ko. "Binigyan niya ako ng tasa tapos nagpaalam na rin ako. Hindi ko lang sure kung na-gets niya."
"Kumusta?"
I smiled sadly. Buti na lang hindi niya kita.
"Tama ka naman. Wala naman akong magagawa."
"Hindi ko naman itinanong kung ano'ng plano mo." I felt her hand around my waist. "Tinatanong ko kung kumusta ka."
May kumirot sa dibdib ko pero mabilis na sa akin ang hindi iyon pansinin.
"Ewan. Ano bang dapat?"
Marahan akong tumawa. Naduduwag akong aminin sa kanya na hindi pa rin ako maayos. Sa kaibuturan ng puso ko, nandoon pa rin ang selos, pagtatampo, at panghihinayang. Alam ko kasi na ang nararamdaman ko kay Juancho ay hindi lang panandalian.
My feelings... they had settled in and taken up residence in me.
And it was scary.
I mean, how could I make these feelings leave when I was so happy to have them there in the first place?
"Walang dapat o tama, Mill. It's natural to be heartbroken and upset at having to let go of someone you cared about."
I nodded slowly. "Makakalimutan ko rin naman 'to, 'no?"
Naramdaman ko ang pag-iling niya. "You won't forget, but you'll find a way to live with the pain without letting it consume you."
Nagbuntong-hininga na lang ako. Ganoon naman lagi. Hindi maaalis ang sakit; matututunan mo lang kung paano 'yon pakisamahan.
Nagtagal kami sa ganoong posisyon bago pumasok sa loob. Gusto kong ikuwento sa kanya ang lahat tungkol kay Juancho, pero miski ako ay nagsasawa nang idaldal siya sa iba. Paulit-ulit na lang kasi. Hindi naman nagbabago ang dulo tuwing magsasabi ako.
Kat spent the entire night snuggling up to me, and by dawn, I felt Mari squishing herself in between us. Nag-umagahan lang kami at saka muling inihatid si Kat sa terminal.
It was magical how being with them soothed a wounded part of my heart.
"Mill, tama ang hinala natin!"
Humahangos si Sadie nang lapitan ako. Wala na kaming klase dahil tapos na ang exams at nalalapit na ang sembreak pero pumapasok kami para mag-asikaso ng thesis at ibang final projects. Magkakaroon din kami ng grade viewing bago matapos ang semester. Wala pa man ay nanlalamig na ako.
"Anong hinala?" tanong ko, ang mga mata ay nakatutok lang sa screen ng laptop lalo't abala ako sa pagfo-format ng paper ko.
"'Yong kina Psyche at Juancho."
Natigilan ako sa pagtitipa kasabay ng unti-unting paninikip ng dibdib sa narinig. Kaswal akong tumawa at nagkunwaring hindi masyadong interesado sa sinabi niya.
"Wala naman akong hinala sa kanila," saad ko.
She pulled a chair up next to me and leaned in. "They have a thing. Nalaman no'ng gumagawa ng article ni Psyche."
Hindi ko siya tiningnan. "Hayaan mo sila."
"Hindi mo ilalagay sa article mo?" Banaag ang gulat sa tanong niya. "Sayang naman. Magandang angle 'yon."
"Na-interview ko na si Juancho. 'Yong tungkol sa tatay niya ang isusulat ko."
"Up to you," she said as she shrugged. "Ewan ko nga sa'yo kung bakit hindi mo pa tinanong ang tungkol sa kanila. Feeling ko naman magsasabi siya."
I laughed. He surely would... I just didn't want to hear it from him.
"Alam mo ba kung paano nalaman?"
Umiling ako. Wala akong pakialam pero ayokong isipin ni Sadie na apektado ako.
"Nagpunta si Juancho kahapon sa bahay nila. Nagdala raw ng pagkain." She chuckled. "Hindi halata, 'no? Para kasing kapag naging boyfriend si Juancho, siya 'yong tipong walang pakialam sa girlfriend niya kasi busy siya sa pag-aaral."
Hindi ko na siya pinansin kahit na gustong-gusto kong siyang maliin. Juancho was the most thoughtful guy I had ever met. The one who paid attention to every detail and made himself available whenever you needed him.
Hindi na ako interesadong alamin pa ang panliligaw o pakikipaglandian niya sa ibang babae. Sapat na sa aking alam ko ang estado nila. There was no reason for me to know everything. Pasasalamat ko na ngang tago ang relasyon nila dahil baka hindi ko kayanin kung makikita ko silang magkasama.
Napangisi na lang ako sa sariling iniisip. Hindi man ako dinalahan ng pagkain ni Juancho, naranasan ko namang makasama siya sa pagluluto. Wala lang talagang may pakialam sa akin para i-detalye ang mga bagay na 'yon. I was sure that if I told someone about the way he treated me, they would immediately realize that we were close... somewhere in between friends and lovers.
Hindi na ako nagulat nang ipatawag ni Ma'am Capuso sa faculty room. Bukod sa pagpapaalala tungkol sa online publication ko, sigurado akong nakarating sa kanya ang relasyon ng dalawa.
"What did Juancho say about it?" she asked.
Gusto kong sabihin sa kanya ang nalaman ko pero hindi naman 'yon mula sa credible source. Kahit pa nakumpirma ko na 'yon, pakiramdam ko ay hindi tamang i-broadcast 'yon lalo't hindi naman mismong nanggaling sa bibig ni Juancho.
"Hindi ko tinanong, Ma'am."
Kumunot ang noo niya. "But you did the interview?"
"Yes po."
"Then why didn't you ask him? You were given the opportunity." Basa ko ang dismaya sa mukha niya. "You could have maximized your resources, Ms. Velasco."
"His relationship status has nothing to do with his thoughts about his father, Ma'am." Umiling ako. "It's not what my article is about."
"It's a profile article, so, of course, it's related."
Nagbuntong-hininga ako. "I'll only write based on what I've gathered. Aayusin ko po ang piece ko."
"The other student learned that the two were in a relationship. Nakuhanan din ng picture na dinadalhan ni Montero ng pagkain si Alvarado. With a solid confirmation from him, you could have gotten yourselves another angle." Dismayado siyang umiling. "Anyway, malapit na ang deadline mo. Submit it as soon as you can."
Mabigat ang loob kong bumalik sa room para kunin ang gamit ko. Bigla ay nawalan ako ng ganang asikasuhin ang mga kailangang tapusin. Para kasing may sariling paraan ang mundo para ipaalala sa'kin ang bagay na tinatakasan ko.
Oo na, putangina. Nagkita na sila kahapon. Kailangan ko pa bang marinig 'yon nang dalawang beses sa dalawang magkaibang tao? Baka gusto na rin nilang ipaalam sa'kin kung nagse-sex sila? Idetalye nilang maigi para tuluyan akong matanga.
I marched up to the garden and was a little dismayed to see a few students hanging out there. Pumuwesto ako sa bench na may mesa at doon ipinagpatuloy ang ginagawa. Sigurado kasing pag-uusapan sa room sina Psyche at Juancho... at hindi ako manhid para hindi masaktan sa kung anumang maririnig.
I knew that if word got out about their relationship, people would say they were a good match—gaya ng sinabi ni Sadie. Bukod sa linya ng trabaho ng pamilya, pareho rin silang mahilig sa mamamahaling mga gamit. They could give each other luxurious items on their birthdays or anniversaries. Samantalang ako, ang pinakamahal na nabili ko na ay ang secondhand DSLR ko. Kung hindi pa nanalo sa raffle noong nag-Christmas party kami sa gym, hindi ako magkakaroon ng laptop.
I guessed that was one of the ghosts of being abandoned—feeling worthless all the time and convincing yourself it was fine. Laging iisiping may kulang, laging mararamdamang walang dahilan kung bakit ka nandito. Kahit minsan, hindi mo naman kasalanan na naiwan ka, darating pa rin sa puntong sisisihin mo ang sarili mo kasi kasi hindi ka sapat.
If only I had a good upbringing, a promising career path ahead of me, and some sort of social standing, I wouldn't hesitate to tell Juancho how I really felt about him. After all, his relationship with Psyche was just compelled. Wala naman talagang pagmamahalan sa pagitan nila—well, at least, in Psyche's end.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ng kaluskos malapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin, at halos maestatwa ako nang makita ang babaeng nasa isip ko. Humihingal siya, parang galit na galit. Nang magtagpo ang mga mata namin, dumoble ang dilim ng itsura niya.
I didn't think anything would happen, so I was taken aback when she grabbed my arm forcefully and dragged me out of the garden.
Nang makabawi sa gulat ay buong puwersa kong tinanggal ang braso ko sa kanya at halos mapatilapon siya sa semento sa epekto noon.
"Ano'ng problema mo?!" bulyaw ko, wala nang pakialam kung nasaan kami.
Rage burned fiercely in her eyes. "You! You are my fucking problem!"
Hindi ko alam kung bakit nagwala ang dibdib ko. We didn't have a close connection or anything. We hadn't even talked. Ang tanging nagkokonekta lang sa'min ay ang fiancé niya... ang lalaking gusto ko.
"Umayos ka. Wala akong ginagawa sa'yo," mas kalmado nang saad ko.
"Oh, please!" She panted. "Stop acting like a fool! You stalked me yesterday!"
Umawang ang bibig ko. "Natatanga ka na ba?"
"I'm sure it's you! You take a picture of me no'ng nasa labas ako ng bahay!" Nanginig ang boses niya. "Nakita rin kita sa Grand Hyatt! I let it go because I thought it was just a coincidence! But, fuck! You are fucking scary! You're scaring me!"
Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Nabasag ang tinig niya na para bang totoong takot siya at nagtatapang-tapangan lang. Hindi ko lang napagtuunan ng pansin iyon dahil pinoproseso ng utak ko ang katotohanang nakita niya ako sa Grand Hyatt.
"I need to report you! You're a freaking stalker!"
Umiling ako. "Hindi ako 'yon."
"God, huling-huli ka na pero nakukuha mo pang tumanggi! You're creepy, do you hear me?" Idinuro niya ako. "You're a journalism student! Ano 'to?! Assignment n'yo 'ko, ha?! Ano'ng gusto n'yong malaman sa buhay ko?!"
"Hindi nga ako 'yon! Para kang tanga!" pabalik na sigaw ko. "Oh, sige! Nakita mo 'ko sa Grand Hyatt. Pero nakita mo bang ako ang sumusunod sa'yo kahapon, ha?!" Tinulak ko ang balikat niya. "At 'wag mo 'kong maduro-duro! Hindi mo 'ko palamunin!"
Matatanggap ko kung huhusgahan niya ako tungkol kay Juancho, pero hindi ko matatanggap ang paratang niyang sinusundan-sundan ko siya. I might have observed her before to know her relationship with Juancho, but I wouldn't go so far as to follow her into her house.
Tinitigan ko ang mukha niya at napansin ko ang pasa sa pisngi niya na tinakpan lang ng makeup. Agad niyang tinakpan iyon at nang-aakusang minata ako.
"What? You'll write things about this, too?"
Napairap ako. "Hindi umiikot sa'yo ang mundo. 'Wag kang feeling maganda."
"You stalked me, and now you'll insult me?!"
I grunted. "Hindi nga ako 'yon! Hindi kita para sundan sa bahay n'yo!"
"You followed me into the Grand Hyatt!"
"Hindi ikaw ang sinundan ko!"
Sasagot pa sana siya nang suwayin kami ng isang teacher. Napatingin ako sa paligid at agad na napahinga nang malalim nang mapansing napalilibutan na kami ng mga estudyante, para bang naghihintay na magsabunutan kami.
"You two, come with me," the teacher said.
Tinanggal ko ang isang butones ng uniporme ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Wala pa man, alam ko nang ako ang mapag-iinitan. Bukod sa alam niyang nasa Grand Hyatt ako, kilala ng mga importanteng tao sa school na 'to ang pamilyang Alvarado. They'd rather mess with me than a fucking politician.
Si Psyche muna ang unang kinausap kaya naiwan ako sa labas. Matapos lang ang sampung minuto ay ipinatawag na rin naman ako sa loob.
"Ms. Velasco, we meet again..." the guidance counselor said. "Last week ko na rito pero nakita ulit kita."
I clenched my fist as I sat down in front of her. Next sem ay iba na ang counselor ng school. Hindi ko alam kung bakit humabol pa ako sa pakikipag-usap sa kanya.
"Naikwento na sa'kin ni Ms. Alvarado ang nangyari, at normal lang na matakot siya sa ugaling ipinakita mo. Imagine being watched and photographed. To think na hindi naman siya public figure."
"Hindi niya ako stalker. 'Yong nasa 4-C 'yon na gumagawa ng article tungkol sa kanya. Kasama ko ang mga kaibigan ko kahapon. Pinaratangan niya lang ako na ako ang sumusunod sa kanya. Nag-aayos ako ng requirements ko sa garden tapos sumulpot na lang siya bigla at hinigit ako," litanya ko.
Tumango-tango siya. "I noticed a bruise on her cheek..."
Umarko ang kilay ko. "Hindi ako ang may gawa no'n!"
"And you say that every time you are here."
I shook my head. "Hindi talaga ako. Ano? Katatapos lang naming mag-away tapos magkakapasa agad siya? Tanungin n'yo 'yong mga nakakita sa'min kung kinanti ko 'yan."
"Mill..."
Putangina. I knew that tone. Hindi siya naniniwala sa'kin.
"I know you're rebelling."
Napangisi na lang ako habang yumuyuko. I knew what I'd hear after this.
"You can't hurt other people just because you were hurt. Walang record si Psyche dito at kahit kailan ay hindi siya na-report ng estudyante. This is her first time, and her reason is valid," aniya. "Pilit kong iniintindi ang pinagmumulan ng ugali mo dahil alam kong wala kang mga magulang, pero hindi ba sobra na 'to?"
Mahigpit kong pinisil ang kamay ko hanggang sa pakiramdam ko ay madudurog na ito. Kahit ano'ng gawin o sabihin ko, lagi akong ibinabalik sa pinagmulan ko.
"Humingi ka ng tawad kay Psyche. She was Mr. Alvarado's daughter. You don't want her to take this legally."
Umiling ako. "Hindi nga ako..."
"Humingi ka ng tawad kay Psyche at ipatawag mo ang guardian mo."
Lalo akong umiling. Nasa probinsya si Kat at kauuwi niya lang kaninang umaga. Wala akong mapapapunta.
Isa pa, bakit ako hihingi ng tawad kay Psyche? Hindi ko naman kasalanan. Hindi naman siya ang sinundan ko sa Grand Hyatt.
But I knew that no matter how hard I tried to make my point, it wouldn't mean a thing because I had no power. Gagamitin lang lagi sa'kin na nagrerebelde ako dahil wala akong mga magulang. Nakakasawa nang marinig. Para bang sila ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko.
Nang ipatawag si Psyche para pag-ayusin kami ay tumahimik na lang ako. Ni hindi itinanong ng counselor kung sino ang may gawa ng pasa niya. Personal pa siyang humingi ng tawad dito dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Mill?"
"Hindi ako magso-sorry," saad ko. "Ipakulong n'yo 'ko kung gusto n'yo. Wala akong pakialam."
Napasinghap ang counselor nang tumayo ako. Binalingan ko siya at saka inilingan.
"Hindi ko alam kung bakit may lisensya ka sa ugali mong 'yan. Ako ang hinaklit at kinaladkad, pero ako ang magso-sorry?" Sarkastiko akong tumawa. "Kung gan'yan pala ang palaki ng mga magulang, magpapasalamat na ako sa lahat ng santo na ulila ako."
"Millicent!"
Hindi ko siya pinansin. Inilipat ko na lang tingin kay Psyche. Naiintindihan ko naman kung saan nagmumula ang galit niya. Hindi ko lang matanggap na ako ang pinagbibintangan niya.
"Pumunta ka sa room ng 4-C. Nandoon ang hinahanap mo," saad ko. "Si Juancho ang sinundan ko sa Grand Hyatt, hindi ikaw. 'Wag kang tangang nanghihigit na lang basta-basta."
Muli akong tinawag ng counselor pero tumalikod na ako at naglakad palabas ng opisina. Masamang-masama ang loob ko dahil nakita ko ang pagkakaiba ng trato sa amin ni Psyche. Para bang ang panig niya lang ang dapat pakinggan dahil hindi mahalaga ang sa akin.
At that moment, I understood how dramatically our circumstances, upbringings, and viewpoints differed from each other. She was at the pinnacle, and I was at the bottom. She could touch the sky by just raising her arms, but all I could do was daydream about it from the ground.
"Hey..."
Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko roon si Juancho, nakatayo sampung metro mula sa opisina, tila naghihintay na may lumabas doon.
If I didn't know his relationship with Psyche, I would have assumed he was there for me... lalo't nasa balikat niya ang bag ko.
Masyado akong pagod para mangatwiran kaya naglakad na lang ako palapit sa kanya. Walang imik kong kinuha ang bag ko na agad niya namang ibinigay.
"Your laptop's inside," he murmured.
Tumango ako. "Salamat."
Lalagpasan ko na sana siya nang marahan niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Umahon sa akin ang kagustuhang magsumbong sa kanya tungkol sa nangyari pero mabilis kong tinupok iyon.
"Ano'ng nangyari?" he asked so kindly that I wanted to cry.
Iyong dalawang salitang 'yon lang naman ang gusto kong marinig. Gaano ba kahirap pakinggan ako?
"Gagawan mo ng report?" pagbibiro ko at saka siya hinarap.
Hindi siya tumawa. Tinanggal ko ang kamay niya sa akin bago sumulyap sa pinto ng opisina.
"Itanong mo na lang kay Psyche. Alam niya na 'yon."
Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya. Tumalikod na ulit ako at nagsimula nang maglakad. Pasasalamat kong hindi niya ako sinundan dahil masyadong masama ang loob ko para makipag-usap sa kahit na sino. Isa pa, malabo namang mangyari 'yon lalo't hindi naman ako totoong pakay niya.
Ang galing talagang mag-alaga ng isang 'yon. May klase siya ngayon pero nalaman lang na nasa guidance office ang fiancé niya, talagang nagpunta pa.
Ibinuhos ko sa pagtatrabaho at pag-e-ensayo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sino'ng guardian ang papupuntahin ko o kung ano'ng plano ni Psyche sa nangyari. Baka magsumbong pa 'yon kay Juancho tungkol sa sinabi ko, at wala akong magagawa kung hindi ang umamin na sinundan ko sila.
I was so furious, but I had no idea at whom or what I was furious. And in times when you didn't have anyone to direct your wrath toward, you turned the wrath inward and put the blame on yourself.
Kung hindi lang ako nasaksak noon, hindi sana ako iaabanduna ng nanay ko sa ampunan. Kung hindi ko nagustuhan si Juancho, hindi sana ako ganito kaapektado sa nangyari. Kung naging mabuting estudyante lang ako, hindi sana ako mag-iiwan ng markang nagrerebelde ako dahil wala akong mga magulang.
Ewan. Ang drama ko. Hindi naman mabigat ang nangyari para pagnilay-nilayan ko. Saka... hindi naman sila importante para maapektuhan ako.
I just let it pass like any other thing I couldn't control. Nang pumasok ako noong sumunod na araw ay wala akong pakialam kung ipatawag ulit ako sa guidance office. Lalo pa't napagsalitaan ko ang counselor.
Hindi naman ako nagkamali dahil habang nag-g-grade viewing kami ay kumatok si Juancho sa pintuan ng room namin.
"Excuse po kay Millicent, Sir..." malalim ang boses na aniya sa subject teacher namin.
Hindi pa nakakasagot si Sir ay tumayo na ako.
"Sa guidance office po."
Kumunot ang noo ni Sir. "Bakit?"
"Magpapahangin lang," I joked.
Nailing na lang siya dahil naunawaan niya ang nangyayari. Isang beses siyang tumango at walang pakundangan ko namang kinuha ang bag ko para makaalis doon.
"Ikaw pa talaga ang pumunta, ah?" kaswal na saad ko kay Juancho nang makalabas. Gan'yan ba siya ka-worried na tatakasan ko ang fiancé niya?
Hindi niya ako sinagot. Nang pagmasdan ko siya, napansin kong mabibigat ang bawat paghinga niya at mukhang isang kalabit lang ay sasabog siya.
Mapait na lang akong napangiti dahil alam kong sa akin siya galit. Baka nga naniniwala rin siyang pinagbuhatan ko ng kamay si Psyche.
"Diretso," saad niya nang akmang liliko na ako sa guidance office.
Nagsalubong ang kilay ko. "May iba bang daan?"
"Dumiretso ka," utos niya, nagtatagis ang panga.
May bumikig sa lalamunan ko sa napagtanto. Hindi niya ba ako sa office dadalhin? What? He wanted to take things into his own hands? Dahil alam niyang matigas ang ulo ko?
With a heavy heart, I obeyed him. Nagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa marating namin ang parking lot. Iniabot niya sa'kin ang helmet, at kahit kinakabahan sa posible niyang gawin ay isinuot ko iyon.
"Sakay."
He didn't have to repeat his order. I hopped on his motorcycle and just let him do what he wanted. Hindi na rin ako nagreklamo nang kunin niya ang dalawang kamay ko para iikot sa baywang niya. My heart was beating painfully because I knew he was mad at me for hurting the girl he loved.
Nagmaneho siya. Hindi ko alam kung gaano katagal, at wala na akong pakialam kung saan kami papunta. Nagsumbong siguro si Psyche sa kanya na itinulak ko siya... at halos tumilapon siya nang bawiin ko ang kamay ko. Kung sakaling parurusahan niya ako dahil doon, hindi ko na para ipagtanggol ang sarili ko. Magsama-sama silang lahat na ayaw makinig sa'kin.
I was fuming and hurting when we got to his house. Pagkatanggal na pagkatanggal ng helmet ay ipinarada niya ang motor at hinaklit ang palapulsuhan ko, nagmamadaling hinigit ako papasok.
"Ano ba!" reklamo ko.
I thought we would stop in his living room, but he continued dragging me into the kitchen, where his laptop was propped up on the table.
"Look—"
"You will only speak when I say so," he cut me off, his voice low and commanding.
Umiling ako. "Ibalik mo na lang ako sa guidance office. I'll do whatever they want me to do."
Hindi niya ako pinansin. May inilabas siyang brown na envelope sa laptop bag bago kinalikot ang mismong laptop niya.
"I won't defend myself, Juan—"
"Stop talking."
"Ano ba kasing gagawin mo?! Papasaan mo rin ako? Edi, tapusin mo na! Bugbugin mo pa 'ko kung gusto mo!"
He ignored me again, causing my anger to stir.
"Naniniwala ka ba talaga sa isinumbong ng counselor?" mahina ngunit mariing tanong ko. "Sabagay, you wouldn't drag me the fuck out of here if you didn't." Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Paniwalaan n'yo ang gusto n'yong paniwalaan. Nakakapagod nang magpaliwanag."
"Really?" he said sarcastically. "How the hell did you grow tired of explaining when you never explained anything to me?"
I was all set to answer him when he opened the envelope and spread out on the table the photos I had taken of him and Psyche. He also flipped the laptop around and showed me the shaky video I had recorded at the Grand Hyatt.
Natahimik ako. That one video focused on him, and even though it was muted, I knew I was close to crying when I took it.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ko inalis ang mga mata ko sa laptop. Kung paanong naglakad siya papasok sa loob ng restaurant habang nakahawak sa braso niya si Psyche at kung paanong nanumbalik sa akin ang selos na minsan nang naghari sa dibdib ko.
"It's your SD card. You can't tell me those pictures aren't yours..." he whispered as he towered over me.
Umiling ako at pilit na kinolekta ang sarili. Buong-tapang ko siyang tiningala, at halos manghina ako sa kislap ng lambing sa mga mata niya.
"B-Bakit mo pinapakialamanan ang gamit ko?" My voice cracked. "Alam mong isang file lang ang i-e-edit mo. Bakit mo ginalaw ang ibang folder?"
The corner of his mouth curled into a sinister grin. "Do you think that's what matters?"
I took a step back, but I bumped against the kitchen counter that I hadn't noticed was behind me. Napakurap ako, iniisip na mabuti kung ano ang gusto niyang marinig sa akin.
"Edi, oo..." Pinatatag ko ang napapaos na boses. "Oo, pinicturan ko kayo! Oo, toong nasa Grand Hyatt ako! Oo, sinundan ko kayo dahil narinig kong magkikita kayo ni Psyche!" I enumerated. "Oo, 'yan 'yong rason kung bakit iniisip niya na ako ang sumusunod-sunod sa kanya! At oo, alam ko kung ano ang namamagitan sa inyo!"
He came forward and put his right hand on my side, almost trapping me. Yumuko siya para pantayan ang mukha ko, at sa lapit namin ay halos malimutan ko kung paano huminga.
"Do you think that's what matters?" he echoed in a deep, rough baritone.
My lips trembled and I noticed how his gaze fall on them.
"A-Ano bang gusto mong marinig?" Halos kapusin ako sa hangin. "Sinabi ko na nga, ah? Oo na... mali na 'ko. Hindi ko naman ilalagay 'yan sa article. Ide-delete ko na rin agad pagkabalik mo ng SD card..."
Ibinalik niya ang mga mata sa'kin. "Really?"
Masugid akong tumango. "Yes!"
"And you think it will change a thing?"
Kinagat ko ang nangangatal pa ring labi para pigilan ito. "Then, tell me! Ano'ng gagawin ko? Ano'ng gusto mong mangyari?" I sounded nervous. "H-Hindi ko naman ikakalat na... na mag-fiancé kayo. I will keep it to myself, I promise."
"I don't care..."
"Eh, ano nga?!" Muling nanginig ang boses ko. "Hindi nga ako 'yong nag-s-stalk kay Psyche! No'ng nalaman kong may gusto ka sa kanya, tumigil naman ako, ah? Inalam ko lang kung ano'ng relasyon n'yo, at no'ng nalaman ko, wala ka namang narinig sa'kin tungkol d'yan, 'di ba?"
His eyes glistened. "So, that was the reason you avoided me?"
My mouth ran dry. At that moment, it seemed like the boundaries that were keeping me from saying how I felt about him would come crashing down.
"Syempre..." halos ibulong ko 'yon.
"Hmm?" He urged me to talk. "Syempre ano?"
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ako makahinga nang maayos sa emosyong nababasa ko sa mga mata niya.
"Iniisip ko si Psyche." I panted. "H-Hindi naman magandang tingnan kung... kung... may nakakasamang iba 'yong fiancé niya."
"Uh-huh?" Inilapit niya lalo ang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paghinga niya. "How about you?"
Hindi na ako gumalaw. Pakiramdam ko, sa oras na kumilos ako, magtatama ang mga balat namin.
"Hindi kita naiintindihan, Juancho."
He let out a low chuckle, and I swear to God I felt him move. Ganoon kami kalapit.
"What about telling me how you felt when you found out Psyche was my fiancé?"
Lalo siyang lumapit, ang malakas at mabilis tibok ng puso ay rinig ko na. I clenched my fist, not wanting to answer that pointless question. Hindi naman 'yon importante sa gusto niyang mangyari. If this was how he wanted to punish, I'd rather have him beat me.
Bahagya siyang lumayo at agad na hinanap ng katawan ko ang init niya. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis sa harap ko kaya ganoon na lang ang gulat ko nang marahan niyang hawakan ang panga ko at dahan-dahan ihinarap ang mukha ko sa kanya.
The moment our gazes met, I knew I could never lie to him.
"Nagselos ka?" malambing na tanong niya.
I stiffened, losing my will to nod or shake my head. Lalong lumamlam ang mga mata niya, para bang isang maling sagot ko lang ay madudurog siya. Binitawan niya ang panga ko para haplusin ang nakakuyom kong kamay. Ang isang kamay niya ay nakatuon pa rin sa gilid ko habang ang buong atensyon ay nakatutok sa akin.
"Tell me..." he pleaded. "Tell me you were jealous..."
Umiling ako. "May fiancé ka..."
"It was arranged," he answered weakly. "We called the engagement off before I started law school."
"Sinungaling. Hindi ko kayo makikitang magkasama sa Grand Hyatt kung totoo 'yan."
He shook his head. "Our parents didn't know until the day you saw us."
I stood my ground. "Hindi ako naniniwala sa'yo," panunumbat ko.
"Psyche and I are just friends. At first, I told her to consider the wedding because I wanted to do what my dad wanted, but when she refused, I let it go."
Bahagya akong nasaktan sa sinabi niya. He really wanted it.
"Gusto mo siya..."
"As a person? Sure. She was kind..." He brushed my chin. "Napagkasunduan naming dalawa na tapusin ang anumang ugnayan namin pero hindi agad namin 'yon nasabi sa mga magulang namin dahil hindi sila papayag. When you saw us, that was the day we told them everything."
Sinubukan kong itulak siya palayo pero hindi manlang siya kumibo.
"Psyche's mom cut off her allowance, pero ayos lang dahil naasikaso na namin ang scholarship niya. 'Yon lang ang hinihintay namin para makapagsabi."
"Liar," I insisted, not listening to his words anymore. "You are lying, Juancho!"
For some reason, my eyes started to brim up with tears. Inalala ko lahat ng naramdaman ko sa ilang linggong pag-iisip tungkol sa kanilang dalawa ni Psyche—ang selos, inggit, at pagtatampo. Hindi isang paliwanag lang ang makakabawi sa sakit na naranasan ko.
"Narinig ko siyang kausap ka sa phone! Sinabi niya na 'wag ka nang mamilit dahil may iba siyang gusto!" My heart clenched at the thought. "'Wag mo 'kong gawing tanga! Hindi niya sasabihin 'yon kung hindi mo siya nilalandi!"
Bahagyang kumunot ang noo niya, tila nagtataka sa sinasabi ko. Maya-maya'y nagbuntong-hininga siya at marahang umiling.
"She was just teasing me..." he said. "Kung hindi ka maniniwala, tatawagan ko siya ngayon din."
Paulit-ulit akong umiling. "No! No! You are in love with her! Kaya mo ako dinala rito kasi nagalit kang inaway ko siya! Nagalit kang itinulak ko siya at malamang sa malamang, iniisip mong ako ang may gawa ng pasa sa pisngi niya!" Humingal ako. "You... You love her! You're just making me confused! O... baka dahil alam mong wala kang pag-asa sa kanya! Kaya sa'kin ka sumusubok!"
He studied my face, as if he were trying to memorize my anger.
Mula sa kuyom kong kamao ay umangat ang kamay niya at hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok ko.
Kapalit ng galit na ibinigay ko, lambing sa haplos at tingin ang isinukli niya. Kapalit ng pamimilit ay pang-unawa. Kapalit ng selos ay pagmamahal at pagkalinga.
"Sa'yo ako walang pag-asa, pero nakita mo bang sumubok ako sa iba?"
He put his hand on the counter behind me, completely pinning me there. He lifted his head a little, and it wasn't long before I felt him sniffing my hair.
"You dumped me without a word," may panunumbat sa tono niya. "Do you know how painful that is?"
Unti-unting bumaba ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko ang banayad na paghalik niya sa noo ko. It was soft, almost like a feather. Parang idinaplis niya lang ang mga labi niya.
"Hindi ko alam kung may nasabi akong mali... kung may nagawa akong hindi mo nagustuhan... o kung nalaman mong masyado na akong nahuhumaling sa'yo kaya kinatamaran mo na 'ko..." dahan-dahang sabi niya. "You just left me without saying you would. Matatanga na 'ko kaiisip kung saan ako nagkamali."
His words cut deep because I could feel the sweat of honesty on each one of them. From my forehead, he lowered his lips to my nose and kissed it softly, as if he were nervous about getting it wrong.
"Mirae, I missed you..." He closed his eyes and planted another kiss on my nose. "I missed you so much..."
Walang lakas akong kumapit sa damit niya dahil pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. Inalis niya ang pagkakatukod sa counter sa likod ko at puno ng ingat na hinawakan ang mukha ko.
Nang lumayo siya sa akin, nagmulat siya at mabilis na nagtagpo ang mga mata namin. Ang kanya ay puno ng pangungulila, at alam kong nasasalamin din noon ang akin.
"Answer my question," he said, his voice begging me.
Umawang lang ang labi ko, hindi na maproseso nang maayos ang sinasabi niya.
"Were you jealous?"
Mapanghanap ang mga mata niya, umaasang sasagot ako nang tama at maingat para sa puso niya. Gustuhin ko mang umiling, alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang pagsinungalingan.
And so I nodded.
Agad na kumislap sa saya at pananabik ang mga mata niya.
"You like me?"
Napalunok ako, pero wala na sa hinagap ko ang pag-iling.
Bahala na. Kung masasaktan ulit ako bukas, hahayaan ko munang sumaya ako ngayon.
So, for the second time, I nodded.
But that was all he needed to know, because as soon as I did, he pulled my face right up to his, and before I could even blink, his lips touched mine.
Mabilis lang iyon. Parang hindi nangyari. Lumayo na agad siya bago ko pa tuluyang maramdaman.
He moistened his lips as if savoring the brief kiss, his eyes dark with longing. Banayad niyang hinaplos ang mga labi kong nakaawang pa sa gulat at marahang pinakiramdaman ang lambot noon.
"I like you, too," he said in hushed tones. "I think it's more than that but I don't want to overwhelm you."
He took a deep breath like he was having a hard time taking everything in.
"I'm jealous of Derek, the pageant guy who took a picture with you, and your fanboys. I don't want them to like you. I don't even want them to have the chance to get to know you..."
Kahit naninikip ang dibdib ay pinilit kong magsalita. "H-Hindi ko naman gusto 'yong mga 'yon..."
He gave a deep, faint chuckle. "And me?"
Nag-init ang mukha ko at hindi agad nakasagot. Pakiramdam ko ay nasa ulap pa rin ako ng halik niya.
Tumango-tango siya. "Well, that's good enough."
"Alin?" napapaos na tanong ko.
He didn't respond; instead, he snatched me up and carried me to the counter, prompting me to shriek in an instant.
"I'm still mad at you, Mirae..." he said before I could complain.
The moment his gaze landed on my lips, I understood immediately what he wanted.
"Make it up to me," bulong niya, ang mukha ay dahan-dahang inilalapit sa pagitan ng panga at leeg ko.
Easily lured by his warmth, I draped my arms around his shoulders.
"I'm mad at you, too..." pag-amin ko.
"I'm sorry." He chuckled, slightly biting my earlobe. "Let's talk more later. I'll make it up to you first."
With my guard down and my attention focused squarely on his fingertips, I could only nod in approval. I let go of my inhibitions, fascinated by the way he touched me.
And so, when his lips worked their way to mine slowly and deliberately, I knew I had found something a little more addicting than smoking.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro