Chapter 16
Chapter 16
"May I see the questions first?" he asked as I finished setting up the camera.
I forced down a gulp, hoping to relieve the pain in my gut. Hindi ko alam kung paano ako aarte na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. We sure had a great time; I wouldn't feel attached to him if we hadn't. I just couldn't bring myself to treat him casually after ignoring him for weeks.
"Sigurado ka? Kapag hindi ka komportable sa tanong, puwede mo namang hindi sagutin. I-e-edit ko naman 'to." Sinulyapan ko siya, pero umiwas din agad ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
Narinig ko ang pagtikhim niya. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko pang umayos siya ng upo.
"At least give me the highlights?"
Huminga ako nang malalim at isang beses na tumango. Mula sa likod ng camera ay buong-tapang akong naglakad papunta sa bag ko na nakalagay sa tabi niya. Yumukod ako roon para kunin ang notepad ko, at dahil sa lapit niya, amoy ko ang bango niya.
I was certain I'd miss that distinct scent—masculine and upscale. Iyong tipong kahit pagpawisan ay kumakapit pa rin sa damit ang pinaghalong amoy ng pabango niya at natural na samyo ng katawan.
"Oh," saad ko, hindi makatingin sa kanya, habang inaabot ang bukas na notepad. "Hindi pa lahat 'yan. Puwedeng magkaroon ako ng follow-up questions."
Bumalik ako sa likod ng camera, at mula roon ay tiningnan ko ang paggalaw ng mga mata niya, binabasa ang nakasulat sa notepad ko. Magkasalubong ang mga kilay niya at pinaglalaruan ng daliri ang pang-ibabang labi na para bang mataman siyang nag-iisip.
He had a fatal allure—the type of man you'd spend sleepless hours dreaming about even though you knew you could never have him.
Kung bakit ako nag-isip na may pag-asa kami, hindi ko alam. Anak siya ng nasusuhulan na pulitiko at kahit baligtarin ang mundo, hindi ko kayang pakisamahan ang tatay niya. Unlike Psyche, I don't think I could hold my tongue and dine with him. I would have to ask him straight out if the rumors of corruption were true and why he was taking so much money from his people.
Nasa magkabilang panig kami ni Juancho. Tama lang na sila ni Psyche ang magsama dahil sila ang makakaunawa sa isa't isa. Their fathers worked in the same field, while I was among those who would always criticize them. Hindi kami puwedeng ilagay sa iisang lugar.
I could still remember the first time I saw him—he was standing in front of the crowd, looking all authoritative as he read off the school's core mission, objectives, and list of policies and guidelines. He spoke in a way that commanded respect and attention.
I just stood there in awe, knowing that something about him captivated me. Guwapo siya at lalaking-lalaki. The kind you knew you could play the damsel in distress in front of.
Hindi ako madalas humanga sa itsura ng isang tao. I could appreciate good visuals, but I was never sucked in by them just for that reason. Para sa akin, ang tunay na kagandahan ay namamalagi sa kalooban. One could be downright attractive while harboring absurd thoughts and attitudes. Some might even resort to exploiting their appearance alone to manipulate others.
Kaya nang malaman kong anak siya ng pulitikong marumi ang kamay, kahit gaano niya nakuha ang atensyon ko, hindi ko na ulit siya tiningnan sa parehong paraan.
Para sa akin, hindi ang kagaya niya ang babali sa prinsipyo kong pulaan ang mga nakaupong magnanakaw sa gobyerno at ang mga pamilya nitong sunod nang sunod sa kanila na parang mga taong walang sariling prinsipyo.
Pero nang makita ko mismo ang daan na tinatahak niya, nawala ang nag-iisang rason kung bakit ko siya inayawan.
He was perfect for me. He was studying law and could be a ray of hope for the people. He could be the backbone of our impartial movement, and I could be the rallying cry. We shared common values, and as strange as it may sound, our personalities actually complement each other.
He was perfect for me. With him, I felt like a girl—one who could cry and let down her defenses. One who could admit that she needed help and care.
Kaya niyang puksain ang baga ng galit ko—bagay na masasabi kong pang-depensa ko sa lahat. Kaya niyang haplusin ang kunot sa noo ko at lambingin ang kuyom kong mga kamay.
He was perfect for me, but in my reality, I was never going to be perfect for him.
Dahil ang pulitika, madalas, nadadaig ng dugo. Kahit sabihing hindi siya sang-ayon sa pamamalakad ng tatay niya, hindi ko magagawang putulin ang ugnayan nila. Madali sa akin ang sabihin na walang relasyon ang dapat na humadlang sa katarungan at hustisya, dahil umpisa pa lang, wala naman akong pamilya; hindi ko mararanasan ang sumalungat sa sarili kong kadugo dahil wala ako noon... hindi ko alam ang totoong bigat noon para sa iba.
Hindi ako karapat-dapat sa kanya dahil wala akong maibibigay kung hindi ang sarili ko; sira pa at hindi kumpleto. Sa mga linggong nakapag-isip-isip ako, napagtanto kong masyado akong makasarili para hangarin siya.
While he could give me many things, all I could give him was myself, possessiveness, and anger.
"Simula na tayo?" tanong ko, nakatingin pa rin sa kanya mula sa camera.
Nag-angat siya ng tingin, at sa mga sandaling 'yon, naramdaman ko ang pagsuko ng nag-iisang parte ng puso ko na umaasa pa.
"Okay," he answered.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga at saka naglakad papunta sa kanya. Iniabot niya sa'kin ang notepad na inilagay ko naman sa upuan.
Matapos lang 'to, susubukan kong alisin na siya sa sistema ko... kahit alam kong imposible.
"You only need an article. Para saan 'tong shoot?" tanong niya nang makaupo ako sa single couch sa gilid niya.
"For validity," sagot ko. "Hindi naman 'to ipo-post publicly. Kung ayaw mo, puwedeng ipakita ko na lang kay Ma'am 'yong interview. Hindi ko na ilalagay sa article mismo."
"It's okay." He shook his head. "I think I can answer the questions."
"Thank you." I smiled a little, grateful that he wasn't making it any harder for me. "Okay na? Puwede ko nang i-record?"
Isang beses siyang tumango.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Bukod sa camera, inihanda ko rin ang telepono ko para i-voice record ang pag-uusap namin. Ramdam ko ang panonood niya sa akin habang gumagalaw ako.
"Uhm... I'll start with some simple questions that you can choose to answer or not," I said, nervous. "Is that okay?"
"Yeah."
Tumango ako. "As far as I know, you're studying law, right?"
He gave a nod, looking casual, even though he was the one being interviewed.
"Are you really interested in this field, or has someone in your life influenced you?"
Binasa niya ang pang-ibabang labi, ang mga mata ay nakatutok sa akin. "I was influenced not by someone, but by a situation."
"And what is this situation?"
He tilted his head a little. "My mother's death."
Bahagya akong natigilan sa biglaang pagpasok ng sensitibong paksa. Wala sa inihanda kong tanong ang tungkol sa nanay niya dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na wala na ito.
"Can you elaborate?" mahinang tanong ko, hindi sigurado pero interesado.
Ibinalik niya ang mga mata sa akin. "Sure. What exactly do you want to know?"
Tinatagan ko ang loob. "Her cause of death."
"Oh..." He chuckled darkly.
Umiling ako. "Again, kung hindi mo kayang sagutin, you can always say no."
"Let's just say she died because of her power," he responded. "She used to be a governor. Originally, siya talaga ang nasa politics. And, you know, it can get dirty most of the time."
Hindi ako naging handa sa sagot niya. Wala akong planong tanungin ang tungkol dito. I just wanted to know what he thought about his father.
"It can get dirty most of the time..." I echoed. "And your dad got in there anyway."
Umiling siya. "I was against it, Mirae."
Bahagyang tumalon ang puso ko sa itinawag niya sa akin.
"I didn't want to lose another loved one to politics."
Napakurap ako. Loved one... He had a loved one, and it was his father. Parang ibinaba niya ang kurtinang humaharang sa katauhan niya at hinayaan na lang akong basahin siya.
"Is your mom the reason Governor Montero got into politics?"
"You can say that..."
Tumango ako. "Close kayo?"
"Well..." His chest heaved. "We used to."
His eyes glistened, and at that point, I realized he was just telling me about himself, not because of the interview but because we were somehow... friends.
"Ngayon ba?" Umiling ako. "Hindi na?"
"May gap na," sagot niya.
"Bakit nagkaro'n?"
Mabilis na dumaan ang lungkot sa mga mata niya.
"I don't always agree with the way he governs. Lagi kaming nagtatalo. Lagi kong kinukwestyon ang moralidad niya."
He sighed heavily as if he no longer gave a crap about being on camera or being featured in the article. Parang gusto niya na lang magkuwento.
"I looked up to him the most, Mirae..." he muttered, making my heart throb. "He's the only one I've ever had in my entire life. It's hard for me to see him changing."
Gustong-gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto kong ipaalam sa kanya na, kahit mahirap, tama ang naging desisyon niya. He was really living up to what he was known for—a man rich in principles.
Gayunpaman, hindi ko maiwasang kaawaan siya. Alam kong nahati siya sa pagitan ng pagmamahal sa ama at paninindigan sa katuwiran.
"Kaya ka ba naninirahang mag-isa ngayon?" tanong ko, hindi na sumusunod sa mga inihanda kong tanong. "Kaya ba, kahit alam mong mahihirapan kang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, pinili mo pa ring panigan ang prinsipyo mo?"
"I want to say yes, but I know my values aren't the only reason I'm doing this." Sadness clouded his features. "I want my father back..."
Hindi agad ako nakabawi. Para akong sinasakal ng lungkot sa mga mata niya.
"How..." I stalled. "How could you get him back?"
"By walking away from his life until he found his moral ground again."
"And if he doesn't?"
His lashes fluttered. "Then I guess I'll just have to accept that I just lost my dad."
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa kanya. There was something about the way his voice wavered between pain and determination that struck me. Para bang masasaktan siya pero lagi siyang papanig sa alam niyang tama.
"Magsisimula na next year ang campaign," I said weakly. "Will you support him?"
Umiling siya. "Don't include this in your article, but I won't. He needs to reevaluate his intentions for entering politics."
"Intentions?" tanong ko. "What are his intentions?"
Huminga siya nang malalim, at sa mabilis na pagtatama ng mga mata namin ay nakita ko ang bahagyang pag-aatubili niya.
"To carry out my mother's plans," he said, unsure.
Ikinunot ko ang noo. "What plans?"
"She plans to run for senator so she can reach out to more people, help those who are left out, and get to the bottom of society's most critical matters," he answered. "Pero si Papa... I don't think he's fit to be a national leader. Not when he can be bought off with money and power."
"May chance na tumakbo bilang senador si Governor Montero?"
He nodded. "After his last term."
"And what's your plan?"
"I don't know..." bulong niya. "I want to stop him, but how? I'm just a student who's barely surviving."
Nagbuntong-hininga ako, napayuko, hindi alam ang sasabihin sa kanya.
"Am I disappointing you?"
Agad akong umiling. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at mabilis na nagtama ang mga mata namin.
"Alam ko lang na mahirap sa'yo 'to," sagot ko. "Salamat kasi hinayaan mo 'kong malaman 'yan..."
Sandali niyang ibinaba ang tingin sa kamay ko bago ibinalik ang atensyon sa mukha ko. He looked sad and disheartened, making me wonder what was going through his head.
"I'm just giving you what you've always wanted," mahinang tugon niya.
Kumirot ang dibdib ko pero pilit kong inignora iyon. Nag-isip ako ng tanong na puwede akong iiwas sa sarili kong nararamdaman.
"Your mom..." I trailed off, unsure of what to say. "How does her death influence you?"
Halos mahigit ko ang hininga nang magdilim ang itsura niya. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero tumitig lang siya sa akin, diretso sa mga mata ko.
"I want to understand why she has to die at the hands of someone she once served," he said, his voice firm.
Umawang ang labi ko, hindi agad nakapagsalita, gulat sa impormasyong sinabi niya. I racked my brain for a logical response but came up with nothing.
"My mother was murdered," he stated with more conviction.
Nanikip ang dibdib ko sa isiping masalimuot ang naging kabataan niya.
"By..." I gulped, lowering my gaze. "By who?"
"Esteban."
"Esteban..." pag-uulit ko. "Surname?"
Umiling siya. "I wish I could tell you."
"Hindi mo alam?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi siya nakakulong. He's been hiding for more than two decades."
My brow furrowed. "Your father is powerful. You can put out a nationwide plea for help if you want to. Bakit hindi n'yo pa nahuhuli? Kung dalawampung taon na, imposibleng walang nakakita sa kanya. There would be witnesses."
"He's scared," sagot niya. "He said Esteban threatened him with bloodshed if he continued."
"He has access to the top private security forces. Mahirap mabuhay nang may tinatakasan. Magiging multo n'y—"
"My father is traumatized, Millicent," he cut me off. "My mother was killed right after they said "I love you" to each other."
Natahimik ako.
"Of course, he has the resources to find him. Alam niya 'yan. Araw-araw niyang iniisip 'yan." Umiling siya. "He's just too afraid to do so because of me, at iyon ang dahilan kung bakit ako mag-aabogado—ako ang maghahanap ng hustisya para sa nanay ko."
Tuluyan akong nawalan ng sasabihin. Bukod sa pakiramdam ko'y nagalit ko siya, alam kong hindi ako nagkaroon ng puso para makisimpatya. Hindi ko naisip na takot sila... na may iba pa silang pinoprotektahan.
"Do you have any more questions?"
Para akong kakapusin sa hangin. Hindi ko matanggap ang pinagdadaanan niya at ang pagdadaanan niya pa. He lost his mother at an early age, and now politics is taking his father away. He was alone... He didn't even have many friends besides his classmates, with whom he rarely hung out.
Gusto ko mang iparamdam sa kanya na nandito ako, alam ko sa sarili kong kailangan kong dumistansya dahil hindi ako ang kailangan at gusto niya. I just hoped that Psyche could make him laugh like I did. Kahit sandali lang, alam kong napasaya ko siya lalo't sinabi niyang nalilimutan niya ang problema niya kapag kasama niya ako.
I didn't want to feel sorry for him because he wasn't pitiful, but God, I wanted to share his pain and sorrow... para kahit papaano, gumaan ang nararamdaman niya.
I may not be a lot of things, but I knew I would be all ears to hear what he had to say. If he wished to, he could even dump all his problems on my lap, and I would accept them with open arms. Iyon na lang kasi ang tanging magagawa ko para sa kanya—ang samahan at pakinggan siya. Loving him should be out of the picture.
"I'm sorry, Juancho..." I whispered, lowering my gaze. "I'm sorry you have to say all of this in front of a camera..." Sa dami ng araw na magkasama kami, ni hindi manlang ako nagtanong kung ano ang lagay ng puso niya. Laging siya ang nangungumusta, ang nagtatanong kung maayos ako.
"It's okay. I know it's bound to happen anyway."
Umiling ako. "Sabi mo nga, we had a great time together. I should have known at least that much about you."
"Don't." Matigas ang boses niya. "Ito naman talaga ang kailangan mong gawin. Don't feel guilty."
Pinisil ko ang mga daliri. Alam kong paglabas ko ng bahay niya, hinding-hindi na kami magkakaroon ng tyansang makapag-usap ulit. Lalayo na ako at manonood na lang sa kanya, mangangarap na iba na lang sana ang naging kapalaran ko.
And so, if this was really our end, I wanted to tell him everything about myself too. Kahit magkaiba kami ng landas na tatahakin, mananatili kaming estranghero na may malalim na koneksyon sa isa't isa.
"I was abandoned by my parents when I was 3," I said faintly, sharing a portion of my life with him... kahit wala namang kuwenta 'yon.
"Hindi mo kailangang magsabi rin, Millicent."
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya, walang pakialam kung makikinig siya o hindi. "I have no birth certificate. My birth isn't registered. Hindi ko alam kung saan ako pinanganak, kung ano'ng pangalan ng totoo kong mga magulang, at kung kailan ang totoo kong birthday."
He looked away.
"I don't have an identity. Alam lang na Millicent Rae Velasco ang pangalan ko dahil nakalagay 'yon sa notebook ko na dala-dala ko no'ng iwan ako ng nanay ko sa Bahay Tuluyan," saad ko pa. "My birth was registered by a caretaker. August 19 'yong nilagay nilang birthday ko kasi 'yon 'yong araw na nakita nila ako sa labas ng ampunan. Hindi ko naman tanda 'yong totoong date kasi wala naman akong naaalala na nag-celebrate ako kasama ang mga magulang ko."
Umiling siya. "That's enough."
Hindi ako tumigil. I wanted to tell him everything about myself because I felt bad knowing so much about him for the sake of a fucking article. Isa pa, we'd be strangers again after this. What more could I lose?
"Nagpadala ng mga sulat sa'kin 'yong nanay ko. Ang nakalagay na pangalan niya sa letter, Clodagh." Mahina akong tumawa. "Tangina, hanggang ngayon hindi ko alam kung paano i-pronounce nang tama 'yan."
I never told someone this much about my life. Hindi naman namin pinag-uusapang magkakaibigan ang pinakapinagmulan namin. Alam lang namin ang kaunting impormasyon tungkol sa isa't isa pero hindi namin napagkukwentuhan ang nararamdaman namin tungkol sa kanila.
"Sabi niya sa letter niya, mag-aral ako ng journalism. Maging layunin ko raw ang maglabas ng baho ng mga pulitiko at maging boses ng masa." My voice trembled. "Parang gago, 'di ba? Imagine saying that to a kid. Hindi manlang sinabing kumain ako nang mabuti at matulog nang tama sa oras..."
Ibinalik niya ang tingin sa akin, ang mga mata ay malumanay.
"Did you eat and sleep well?"
Napatawa ako. "Sa ampunan, hindi. Mahirap ang buhay ro'n, eh. Aasa ka sa kung ano'ng ibibigay sa'yo. Pero no'ng nakaalis kami, okay naman..."
Binasa niya ang labi at ang balikat ay gumalaw sa paghinga nang malalim. "So, the letters... they're the reason you took journalism?"
Tumango ako. "I wanted to get back to every politician whose hands were dirty. Ang pamilya ko ang isa sa mga biktima nila. How many more victims do they have?"
Nanuyo ang lalamunan ko, hindi na alam kung ano pang sasabihin sa kanya dahil wala naman akong kumpletong impormasyon tungkol sa sarili ko.
"I don't know much about my life, Juancho," I said, smiling. "I just know that I was put in the shelter because I couldn't protect myself." Kaya ako may peklat sa balikat. "I also know that my parents are opposed to the government... or a particular politician. Ewan. Ni hindi ko nga tanda ang mukha ng tatay ko. Paano ko maaalala ang ibang detalye tungkol sa kanila?"
I got up and walked over to the camera, putting an end to my drama.
"But do you remember your mom?" he asked.
I chuckled. "Just her eyes. Parehas kami."
"Nagpapadala pa ba siya ng letter?"
Sumilip ako sa kanya at umiling. "Hindi na. She stopped when I was 8."
A line appeared between his brows. "Do you know where they are?"
"No. And I'm never gonna search for them," sagot ko. "I'm okay with my life."
Tumango siya. Mapait naman akong napangiti bago itinigil ang pagre-record. I knew it wasn't necessary to tell someone about my background, but knowing Juancho on a deeper level made me want to connect with him before we parted ways.
Gusto ko sanang makilala siya sa mas natural na paraan; hindi iyong ganitong napilitan siya dahil sa interview. Pero at least, kahit ayaw niya, may alam na rin siya tungkol sa akin na hindi ko sinasabi kahit kanino. To some extent, it felt forced, but I could go wherever life wanted us to be.
"Na..." May bumikig sa lalamunan ko. "Nagustuhan ko 'yong Mirae."
Pinanood ko ang reaksyon niya sa camera kahit na hindi na naka-record 'yon. Nakatingin lang siya sa akin, halo-halo ang emosyon sa mga mata.
"Ikaw lang ang nagbigay ng nickname sa'kin. Feeling ko tuloy may iba akong identity," saad ko pa.
Yumuko siya at mukhang wala nang balak sumagot. Tumawa na lang ako dahil wala namang punto ang sinasabi ko. I packed up my belongings and got ready to go.
"Uhm..." I cleared my throat as I sat back in my seat earlier. "I don't know how to thank you. May gusto ka ba? I'll buy it for you."
Tahimik lang siyang umiling.
Nang mga oras na 'yon, pakiramdam ko ay kating-kati na siyang putulin na ang ugnayan namin. Hindi naman ako makaalis dahil nababagabag ang kalooban ko. I knew that if I left now, I'd probably never be able to talk to him again.
Magandang bagay 'yon dahil makakapagsimula na akong sanayin ang sarili na wala siya, pero alam kong hindi rin magiging madali ang proseso.
"Give me your SD card. I'll work on the video," he said, breaking his silence.
I shook my head. "Ako na."
"I want to personally edit it. Para matanggal ko 'yong mga hindi kailangan."
Gustuhin ko mang magreklamo ay tumango na lang ako. Kinuha ko ang SD card ng camera ko at inilagay iyon sa center table. Ayokong pangunahan siya sa mga gusto niyang ilagay sa video. Kung ano ang magagawa niya, doon lang din ako magbabase ng isusulat ko. I wouldn't include anything without his permission... kahit iyong tungkol kay Psyche.
"Okay na ba?" tanong niya.
Muli akong tumango. "Kung ano 'yong ititira mo sa video, 'yon lang ang isusulat ko. May ilang linggo pa naman ako para matapos 'yan."
He licked his lower lip subtly. "I'll send you your SD card in a few days. Ite-text na lang kita. You don't have to reply."
Hindi ako tanga para hindi matunugan ang pagtatampo niya sa ilang linggo kong hindi pagre-reply. If only he knew why, I was sure he would understand. There was no need to send me confusing signals because, no matter how much I liked him, I was not a backup plan.
Natahimik kaming dalawa, nagpapakiramdaman. Alam kong dapat na akong umalis pero hindi ko magawang ihakbang manlang ang mga paa ko papunta sa pinto. Pasimple akong tumingin sa kanya, at nang magtama ang mga mata namin ay marahan akong ngumiti.
"Thank you," halos ibulong ko iyon sa hangin.
Inihatid niya ako hanggang sa labas ng subdivision. Naglakad lang kami—hindi magkatabi at hindi nag-uusap. Nakasunod lang siya sa akin bitbit ang tripod at camera ko. Mabuti nga at hindi na masakit sa balat ang init. Puwede na akong maglakad nang hindi nagtatago sa anino niya.
"Humaba ang buhok mo..." mahinang saad niya habang naghihintay kami ng jeep.
Napahawak agad ako sa tuktok ng ulo ko. "Hindi pa ako nagpapa-trim. Nawala sa isip ko."
"Kahit ano naman bagay sa'yo."
Nag-init ang mukha ko. Palihim akong tumikhim para supilin ang papausbong na ngiti.
Huli naman na 'to. Pagbibigyan ko na ang sarili kong matuwa sa maliliit niyang kumento.
"Kahit kalbo?"
Nakita ko ang kaunting pag-angat ng isang sulok ng labi niya kasabay ng marahang pagtango.
"Hindi ako mukhang lalaki?" pangungulit ko pa.
Sumulyap siya sa akin. "You never look like a man to me."
"But I don't look like a woman to you either, right?" I chuckled.
Napailing siya, nangingiti pa rin. "You're a crybaby and a nagger rolled into one."
Sumimangot ako. "Ikaw rin naman. Ang hirap-hirap mong timplahin. Minsan, cool ka lang. Madalas, mainit ang ulo. Napakasumpong mo."
Hindi na siya sumagot. Naramdaman ko na lang na inihaharang niya ang kamay niya sa itaas ng ulo ko para takpan ang araw na tumatama sa mukha ko.
I wanted to thank him, tell him how much I was going to miss him and apologize for just disappearing without a word, but all I could do was roll my eyes at him and keep my feelings bottled up. Ang hirap-hirap niyang ibigay sa iba, pero simula pa lang naman, hindi na siya sa akin.
That night, I went out with my classmates and drank as much alcohol as I could to forget everything for a while. In that place with the blinding lights, blaring music, and intoxicated people, no one could have known that I had just let go of the first guy I had ever cared so much about.
Hindi kami nag-away. Ni walang palitan ng salita tungkol sa totoo naming nararamdaman.
Wala. Natapos lang kami nang hindi nalalaman kung ano bang nasimulan namin.
"Kat..." tawag ko sa kaibigan.
"Mill?" aniya mula sa kabilang linya.
Tumawa ako. "Kat, umuwi ka."
Narinig ko ang parang pagbangon niya.
"Lasing ka ba?"
Hindi ko siya pinansin. Sumandal ako sa dingding sa labas ng pub at inapakan ang upos ng ikaapat na stick ng sigarilyo. "Umuwi ka, Katana. Umuwi ka." Nanginig ang boses ko. "Bubugbugin ko si Mari kapag hindi ka umuwi..."
"Hindi mo kaya 'yon."
Tumango ako, tangang-tanga na sa sarili. "Oo nga, 'no?"
She chuckled softly, clenching my heart because I missed her. I missed my friends. I missed all of them.
"Ano'ng problema ng panganay ko?"
Sa tanong niyang 'yon ay tuluyang nalaglag ang luha ko. "May mali akong nagawa..."
"Hmm?"
"May..." Humikbi ako. "May nagustuhan ako..."
"I'm listening, Mill."
Pinalis ko ang luha ko. "M-May fiancé... Hindi ko alam... Ang sakit-sakit sa dibdib..."
Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sarili na umiyak. Nahihiya ako dahil sa kanya ko pa talaga ginagawa 'to gayong ang layo-layo niya sa'kin. Gabi na kasi. Alam kong tulog na si Karsen. Si Mari naman, nag-aaral panigurado. Baka pagsabihan pa 'ko no'n kapag nalamang nag-iinom ako.
"Ano'ng gagawin ko, Kat? Isama mo na lang ako d'yan. Ayokong makita siya rito."
Rinig ko ang banayad niyang paghinga. "Kaya mong iwan si Mari?"
Nagmulat ako, umiiling. "H-Hindi. Kaming dalawa ang pupunta d'yan. D'yan na lang din kami. Magsama-sama na lang kasi ulit tayo. Bakit ba ang layo n'yong lahat?" Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. "Si Mari, laging late umuwi. Ni hindi na kami nagsasabay maghapunan. M-Magkukwento pa sana ako sa kanya tungkol kay Juancho tapos sinabi niya may fiancé... Ano'ng sasabihin niya sa'kin kapag nalaman niyang gusto ko 'yong tao?" pagsusumbong ko.
"Juancho?" malamyos na tanong niya. "Ito ba 'yong ini-interview mo?"
Tumango ako na parang nasa harap ko lang siya. "Oo."
Sandali siyang natahimik.
"Millicent, para kang bata," maya-maya'y aniya. I could imagine her smiling sadly. "Hindi mo ba talagang kayang sabihin 'yan sa'kin nang hindi ka lasing?"
Hikbi lang ang naisagot ko.
"Alam mo naman na hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin, 'di ba?"
"K-Kat, ayoko..." Paulit-ulit akong umiling. "Gusto ko si Juancho. Ibigay mo sa'kin si Juancho. Gawan mo ng paraan, Kat."
"Hindi naman ako Diyos, Mill," sagot niya.
"Natakpan mo nga ng tattoo 'yong saksak sa balikat ko, eh. Marunong kang kumanta, maggitara, mag-painting, mag-drawing, mag-bake, magluto ng masasarap na putahe, at saka magpalaki ng tatlong bata na halos kaedad mo rin," litanya ko. "'Wag mo namang sabihing hindi na kaya... maniniwala kasi ako sa'yo..."
Pinanood ko ang pagbagsak ng luha ko sa semento. Nasa tagong parte ako ng labas ng iniinuman naming pub kaya malaya akong nakakaiyak.
"Masama kasi ang ugali ko, eh. Ganti siguro sa'kin 'to, 'no? Lagi akong galit, nagrereklamo, at humahanap lang ng saya." May bumikig sa lalamunan ko. "Umuwi ka na lang, Kat, please. Yakapin mo na lang ako."
"Mill..." she called as if she was getting my attention. "Makikinig ka ba?"
I shook my head. "Ayoko. Pagagalitan mo 'ko."
"Hindi. May sasabihin lang akong importante."
Suminghot ako. "Ano?"
There was a moment of silence before she spoke again.
"Mahal kita..."
Another wave of tears welled up in my eyes.
"Alam mo naman na hindi natin kayang magawa lahat, 'di ba? Kung kaya ko lang, edi sana hindi ka umiiyak ngayon. Edi sana, pinabalik ko 'yong mga magulang natin para hindi tayo lumaking kulang." Nangarag ang boses niya. "Ano'ng magagawa natin kung nakapangako sa iba si Juancho? Ano'ng gusto mo? Ipapatay ko 'yong babae?" Mayumi siyang tumawa. "Hindi ka man mahalin ni Juancho, ako mahal kita. Ang sakit-sakit marinig na umiiyak ka kasi alam kong bihira lang 'yan. Kailangan mo pang mag-inom para makaiyak... para mailabas 'yan."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano'ng dapat isagot.
"Sa ating apat, ako 'yong tumayong nanay, pero ikaw 'yong tumayong tatay..." sabi niya. "'Yong nag-aayos ng ilaw, 'yong umaakyat sa bubong para takpan 'yong butas kasi tumatagas kapag umuulan. 'Yong tinatawag ni Karsen kapag sira 'yong gripo, 'yong pangalang isinisigaw ni Mari kapag kailangang buhatin 'yong gasul, 'yong nagche-check ng buong bahay bago matulog, at 'yong nakikipag-away kahit sa lasing kapag nababastos kami."
Nanginig ang labi ko. Miss ko na sila. Miss na miss ko na sila. Silang tatlo lang dapat ang hinayaan kong makapasok sa buhay ko. Sigurado akong hindi nila ako sasaktan nang ganito.
"Pero sa atin ding apat, alam kong ikaw ang pinakamabilis masaktan, pinakamabilis magtampo, at pinakamabilis magmahal..."
Umiling ako. "Hindi ako mabilis magmahal, Kat."
"You do," she said. "Kaya lumalayo ka sa mga taong napapalapit sa'yo... kasi ayaw mong mahalin sila."
"You're lying."
"You loved Karsen just by observing her. Kinukurot mo 'ko noon kapag natutulog ako pero ibinibigay mo sa'kin lahat ng pagkain mo sa umaga. Inaasar mong bruha si Mari pero halos makipagpatayan ka kapag may nang-aasar na iba sa kanya." She chuckled softly. "You have a pure heart, Mill. Hindi masama ang ugali mo; takot ka lang masaktan."
"Hindi ko alam... Hindi ko na alam, Kat," I whispered, my breathing labored. "Bukod sa inyong tatlo, wala na akong ibang minahal. Ngayon lang ako sumubok, bakit ganito pa?"
"The only place to find the answer is in life itself," she muttered. "Baka tinuturuan ka ng buhay, sinusubukan, o ipinararanas lang sa'yo ang isang bagay na hindi mo pinangarap maranasan."
Tumahimik ako bago dahan-dahang umupo sa semento.
"Uuwi ka? Magtatrabaho ako ng maraming beses sa isang araw para may pamasahe ka."
"May natira pa sa ipinadala mo."
Ngumiti ako nang maliit. "Uuwi ka, 'no?"
"Mhmm..." she agreed. "Nag-request ka ng yakap, eh. Paano ko ise-send 'yon?"
Sa mahabang usapang 'yon, pakiramdam ko ay naghilom ang sugat sa puso ko. Ikinuwento ko sa kanya ang simula, gitna, at wakas namin ni Juancho. Iyong mga araw na excited ako kasi makikita ko siya, 'yong pag-iyak ko sa kanya no'ng umalis si Karsen, 'yong pagmamasahe niya sa paa ko, at 'yong paghahatid niya sa'kin hanggang kanto.
As I narrated everything, I laughed like a mad woman, shrieked like a teenager, and cried like a grieving human. Ipinasundo niya pa ako kay Mari na nakasimangot noong dumating pero tumawa na parang tanga nang makita ang estado ko. Naramdaman ko ang pag-aalaga niya sa akin buong gabi. Ang pagpunas sa pawis at pagpapalit ng damit.
Alam kong nakita niya ang tattoo ko, pero wala siyang sinabi. Bagkus, hinaplos niya lang ang sugat doon, at sinabing pangit iyon.
I had been so drunk that it took me a day to recover. Nagtulog lang ako sa apartment at si Mari mismo ang nagluto ng mga pagkain namin. Nang sumunod na araw lang ako nakabangon dahil napagtanto kong kailangan kong pumasok para magpasa ng final requirements.
"Si Mill, biglang nawala!" saad ng mga kaklase kong nakasama ko sa pub.
Humalakhak ako. "Hihina n'yo kasing uminom! Hindi ako nalasing kaya tinamad ako!"
Sa buong araw na paikot-ikot kami sa school dahil hinahagilap namin ang mga teacher para magpasa ng kung ano-ano, ilang beses ko ring nakasalubong si Juancho. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay ako ang nauunang mag-iwas ng tingin lalo't hindi ko kayang tagalan ang tingin niya. Hindi ko alam kung nasa utak ko lang ang lahat pero nawawala ang sungit niya kapag nagkakatinginan kami. Parang tanga talaga. Asang-asa na naman tuloy ako.
Akala ko ay matatapos na ang araw na 'yon na hindi kami nag-uusap dahil wala naman na akong inaasahan sa kanya bukod sa SD card ko, kaya ganoon na lang ang gulat ko nang makita siyang nag-aabang sa akin sa gate.
"May naiwan ka sa bahay."
Para akong mahihimatay nang sabihin niya 'yon. Hindi siya galit o balisa, pero alam kong isa lang ang posible kong maiwan doon.
Ang bug.
Hindi ko nasundan kung paano, pero pinasakay niya ako sa motor niya. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis ko at ang panlalamig ng mga kamay. Sa likod ako kumapit—takot at nag-aalala. Bukod sa posibleng makita kami ni Psyche, natatakot ako sa reaksyon niya pagdating namin doon.
Nanginginig ako habang binubuksan niya ang pinto ng bahay. Wala akong ideya kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang pagtatanim ng ganoong device sa personal space niya dahil maling-mali ako sa parteng 'yon. Ni hindi ko manlang natanggal bago ako umalis dito!
"Sorry," saad ko agad nang makapasok kami. "Hindi ko alam kung ano'ng iniisip ko. Wala akong valid na rason kaya maiintindihan ko kung magagalit ka. I'm wrong... I'm sorry."
Puminta ang pagtataka sa mukha niya. "What are you guilty of?"
"Huh?"
"You're sorry for what?" Pinanliitan niya ako ng mata. "For ghosting me?"
Ako naman ang nagtaka. Pakiramdam ko ay nagkamali ako ng dinig. "Ano?"
Tumawa siya nang mahina bago umiling. "Wala."
He pointed at the couch, and there I saw my notepad.
"Ayan 'yong naiwan ko?"
"Yeah."
Nakahinga ako nang maluwag nang lapitan ang notepad. Mabilis ko iyong isinilid sa bag ko bago pasimpleng sinilip ang paa ng center table. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang nakadikit pa iyon doon.
"I transferred the file to my laptop. Hindi ko pa lang nasisimulang i-edit dahil nag-aral ako. I'll send it to your email after."
Tumango ako. Sa pag-uusap namin ni Kat, may parte sa dibdib ko ang tinanggap nang hindi kami puwede ni Juancho. Mas magaan nang dalhin 'yon ngayon.
"Do you want coffee?" he asked.
Ngumiti ako. "Sure."
"Okay. Hintayin mo 'ko rito. Ipagtitimpla kita."
Nang tumalikod siya para pumunta sa kusina ay mabilis kong kinuha ang bug na kusa nang namatay. Isinilid ko iyon sa bulsa ko at natatarantang naupo sa couch.
I took deep breaths in, soothing myself. Okay, Mill. Calm down. Hindi mo pakikinggan 'yan. Wala kang gagawing ikasisira mo kay Juancho. You were wrong to plant a bug in his place, so don't make another mistake of listening to it.
Nang akala ko'y kalmado na 'ko, dumating si Juancho bitbit ang dalawang tasa—ang isa ay itim at ang isa ay asul. Napatitig ako sa huli dahil nang ipatong niya iyon sa center table, may mukha roon si Doraemon.
I was just about to pick it up, all giddy with excitement, when he gently patted my hand. Napatingin ako sa kanya.
"That's mine," he said.
Nanlaki ang mga mata ko. "Gago?"
"What? I bought it."
Napabuga ako ng hangin. "Edi iyo na parehas!"
Yumuko siya sa mga tasa pero kita ko ang pagsupil ng ngiti sa labi niya.
"I'm joking..."
"P'wes, ang corny mo."
He laughed and then put the blue mug in front of me. "Drink it up. Iuwi mo 'yan pagkatapos."
Magtatanong pa sana ako nang magsalita ulit siya.
"I saw your mug in the apartment..." masuyong aniya.
I pursed my lips as I imagined my mug with a broken handle. Halos siyam na taon na iyon sa akin, regalo ng mga kaibigan ko nang manalo ako sa track and field noon. Nabasag lang ang hawakan dahil dumulas sa kamay ko. Hindi ko naman mapalitan dahil mahalaga iyon sa akin. Isa pa, hindi ko naman para unahin ang pagbili ng tasa.
"Hindi naman kailangan," sabi ko na lang.
"Consider it a gift. I was mean when I threw away the packs last time."
Hindi na ako nagsalita. Ayokong sabihin sa kanyang kinuha ko iyon sa basurahan dahil baka bawiin niya pa sa akin ang tasa.
Tahimik kaming nagkape, bagay na hindi ko inasahang mararanasan ko pa. It was a comfortable and soothing silence. Nagawa ko ring pasadahan ng tingin ang kabuuan ng bahay niya—ang linis ng mga mwebles at kintab ng sahig. Miski ang hangin ay kaamoy niya. Kung papayagan lang ay kaya kong magtagal dito.
Pero tama si Kat. Hindi lahat ng bagay ay makukuha ko. At sa kasamaang palad, kasama roon si Juancho.
I stood up and put out my arm in front of him, smiling sincerely. Nagtataka man ay inabot niya ang kamay ko, at sa oras na nagdampi ang mga balat namin ay napatunayan kong malalim pa rin ang bangin na kinalalagyan ko.
"Nice meeting you, Mr. Montero," I said, my eyes focused on him. "I'm not really good at saying nice things, but from now on, remember that someone has looked up to you and that someone is... me."
I wasn't sure if I was seeing things right, but I saw a twinge of pain flash across his eyes.
"Thank you for everything. I hope nothing but the best for you."
Babawiin ko na sana ang kamay ko pero mahigpit niya lang na hinawakan iyon. Tinitigan niya ako, kapareho ng titig na inilaan niya sa akin noong unang beses kaming nagkita matapos ang ilang linggong hindi pag-uusap.
Imbes na piliting mabawi ang kamay ay inilapit ko ang isa pang kamay para balutin ang kanya. At that time, I knew I could move forward without him. I knew I could admire him from a distance without feeling so bad. Patuloy akong maiinggit kay Psyche, pero alam kong hindi na ako maghahanap ng kapintasan sa kanya dahil hindi niya kasalanang gusto siya ng taong gusto ko.
I held onto his hand firmly, wishing that he would find happiness no matter what it was. Wala man siya, may tatlo pa namang nagmamahal sa'kin... may tatlo pa naman akong mamahalin.
"Kapag nakasalubong mo 'ko sa school, ngitian mo 'ko, ha?" saad ko. "Kapag nakita mo 'kong nagyoyosi sa garden o nagcu-cutting, 'wag mo sana akong isumbong. Graduating naman na 'ko. Pagtiisan mo na..."
Naramdaman ko ang panghihina ng kamay niya. Tuluyan kong binitawan iyon bago kinuha ang bag ko. Dinampot ko rin ang wala nang lamang tasa at saka muling tumingin sa kanya.
"I hope that when you like someone, you won't hide it anymore." Kasi napagkakamalan kong ako ang gusto mo. Na kung hindi pa sumingit sa larawan si Psyche, nakaamin na sana ako ng nararamdaman ko sa'yo. "Be honest with your feelings... and use words, not just actions. It's confusing at times."
The moment I turned my back on him, I confirmed to myself that, at 21, I had found happiness in falling in love and sorrow in having that love shattered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro