Chapter 15
Chapter 15
Hindi na ako nakapasok sa trabaho noong sumunod na araw. Hindi ko alam kung dahil sa masakit pa rin ang paa ko o dahil wala akong ganang lumabas ng kwarto.
For hours, I just looked up at the ceiling, at a loss for how to absorb the news that my heart just couldn't bear to accept. Hinayaan ko ang sarili na mapalapit nang husto kay Juancho na hindi ko na sinubukang tingnan ang ibang anggulo ng buhay niya.
Wala naman akong puwedeng sisihin. At the back of my head, I'd always suspected that Psyche had a special role in his life. I just refused to know what place she held in his heart so I could keep watering the seeds of my blossoming feelings for him.
Handa ako para dito. Simula noong nakumpirma ko sa sarili na may nararamdaman na ako para sa kanya, alam kong ang relasyon niya kay Psyche ang isang bagay na hindi ko puwedeng panghimasukan. I told myself that I could keep admiring him without ruining whatever he had with her, and that if they were indeed together, I could only be jealous of her for having him.
But now that I know their connection, it's like a thousand needles are being thrust into my chest. Handa ako sa katotohanan, pero hindi ko napaghandaan ang sakit na kalakip nito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Mari habang naghihintay kami ng masasakyang jeep papuntang school.
Tumango ako. "Badtrip lang ako kasi Lunes na naman."
Napahinga siya nang malalim bago ako sinamaan ng tingin. "Akala ko kung ano. Hindi ako sanay na hindi mo 'ko binubwisit."
Tumawa na lang ako at hindi na siya sinagot. Wala kasi ako sa kondisyon para asarin siya. Ni hindi ko nga alam kung paano ko napilit ang sarili na bumangon kahit na gustong-gusto kong magkulong muna.
I felt like I was overreacting. Hindi naman dapat ako nalulungkot dahil lang may ibang babaeng nakalaan para kay Juancho. It wasn't like he promised me anything. Inalagaan niya lang naman ako at hinayaang umiyak at magsabi ng saloobin sa kanya. Makuntento na dapat ako roon. If nothing else, I should be thankful for the experience of being cared for and listened to without expecting anything in return.
Hindi araw-araw ay may makikilala akong kagaya niya. Iyong mag-aalala sa sarili kong sugat na parang siya 'yong nasasaktan para sa'kin, 'yong tatakpan ng helmet ang ulo ko para malaya akong makaiyak, 'yong sisiguruhing nakapasok na ako sa apartment bago siya tuluyang umalis, at 'yong gagawa ng oras para suportahan ako kahit na marami siyang mga bagay na dapat unahin.
He was just like me. He was always worried, protective, jealous, and... loving. Gusto niya akong iganti kay Coach dahil nasaktan ako—parang ako sa mga kaibigan ko kapag napapaaway sila. I lost my sense of logic, too, because I didn't want anyone to hurt them for any reason.
Ganoon pala ang pakiramdam kapag may takot na masugatan ka—nakakagalit pero nakakapanghina. Galit dahil nawala ang katwiran niya, panghihina dahil nag-aalala lang naman siya.
Habang nasa jeep ay kinukuwentuhan lang ako ni Mari. Sinubukan kong intindihin ang mga sinasabi niya pero bigo lang ako lalo't okupado ni Juancho ang utak ko. Parang hindi sapat ang isang araw para isantabi ang nararamdaman ko sa kanya.
And as if the weight in my chest wasn't enough to throw me off, I got a message from him right before class started.
From: Juancho
Saw you at the gate. You cleaned up your blisters, right?
Natulala ako roon, hindi alam kung ano'ng gagawin. Ayokong sagutin siya dahil wala namang dahilan para alalahanin pa niya ako, pero ayoko ring iwasan siya lalo't wala naman siyang alam sa nararamdaman ko.
I wanted to fool myself into thinking that he had led me on by doing things that gave me the idea that he liked me, but I knew in my heart that those were only my own assumptions, not concrete evidence that he actually did.
Wala siyang sinabing gusto niya ako, ako lang ang nag-isip noon dahil gusto ko siya.
Hindi ko na lang siya ni-replyan. Hindi naman kasi importante. Bukod pa roon, si Psyche dapat ang inaalala niya, hindi kung sino-sinong babae lang. Ayoko namang dumating sa punto na pagselosan pa ako ng fiancé niya... kahit pa wala namang kainggit-inggit sa buhay ko.
"Maria Psyche Alvarado..."
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig si Sadie sa likod ko.
"Bakit mo ichine-check ang account niya?" tanong niya pa.
She sat next to me, her eyes never leaving mine. There was nothing meaningful in them, just utter confusion.
Tumikhim ako bago isinilid ang telepono sa bag ko. "Tiningnan ko lang kung may picture siya kasama si Juancho. Kaso, wala akong nakita. Naka-private siya."
"Bakit naman sila magkaka-picture? Close ba sila?"
I shrugged. "Just a hunch. Parehong anak ng pulitiko, eh."
Tumawa siya. "Layo ng narating ng utak mo. Magkaibang bayan naman ang pinamumunuan ng mga tatay nila."
Sumandal ako sa upuan at marahang nagbuntong-hininga. Truth is, I was just looking at Psyche, hoping to find something wrong with her that would make me feel better about myself... but failed.
She was feminine, someone who could wear heels without getting blisters afterwards. I didn't know how she ranked in her class, but I knew she wasn't like me—almost at the bottom. Maraming bagay na masasabi kong angat siya sa akin. Sa pamilya, pera, koneksyon, at ngayon, kay Juancho.
Napatawa na lang ako sa sarili. Iba talaga ang epekto sa akin ng lalaking 'yon. Wala naman akong pakialam kung ako ang nasa pinakadulo dahil hindi naman mauubos ang mga tao sa mundo. Someone out there would always be prettier, smarter, richer, and better. Trying to compare myself to others would only leave me feeling insecure.
"Kay Juancho ka?" untag ni Sadie.
Mayroon kaming dalawang bakanteng oras dahil nag-iwan lang ng gawain ang subject teacher namin. Nag-attendance lang ako bago tumayo para umalis na ng room. Hindi naman kasi ngayon ang submission.
"Hindi," sagot ko. "Bibili akong yosi sa labas. Sama ka?"
Nang tumango siya ay sabay na kaming tumulak paalis. Hindi na nagtanong ang mga kaklase namin dahil lagi naman naming ginagawa ni Sadie 'to kapag walang klase. Mas magtataka pa siguro sila kung mananatili kami sa room.
"Tatlong lights," saad ko sa tindera na agad namang kumilos.
Narinig ko ang pagtawa ni Sadie. "Stressed?"
Ngumisi ako. "Malapit na deadline ko, eh," pagrarason ko. "Nakakatamad na."
"Hindi mo pa rin ba na-i-interview si Juancho?"
"Hindi pa."
Kumunot ang noo niya. "Akala ko naman patapos ka na. Ang confident mo pang sumagot no'ng pageant na parang alam mo ang lahat sa kanya."
A lump instantly crept into my throat as I remembered him in the audience, holding a green balloon and cheering for me. Ano kayang reaksyon niya no'ng pangalan niya ang isinagot ko? Did he keep a straight face, or did his eyes beam with pride?
"Pumayag naman na siya sa interview. Magse-set na lang ako kung kailan."
"Oh, 'yon naman pala, eh! Bakit ayaw mo pa?"
I lit up a cigarette and took a drag, trying to block out the real reason why. Kapag natapos ang interview, wala na rin akong rason para lapitan siya... lalo ngayong may Psyche pala.
"Bahala na. Magpapahinga lang ako saglit..."
Naputol doon ang pag-uusap namin tungkol sa project ko. We just sat there, puffing away our cigarettes and talking about the pubs we should hit up after our final exams. Sadie was always like a reminder of who I really was—carefree and laid-back. Hindi ko dapat hayaang magbago ako dahil lang sa isang lalaki.
"Speaking."
Umarko ang kilay ko. "Huh?"
Ngumuso siya, parang may itinuturo sa likuran ko. "Si Psyche."
Like a reflex, I followed her gaze and saw Psyche walking through the gate. Her hair was nicely braided on one side, and her black shoes were about two inches high. Ang bag ay nagmistulang designer item dahil sa chained strap at chic style nito. Kahit ang puting blusa ng uniporme ay mahahalatang mataas ang kalidad ng telang ginamit; hindi gaya ng sa akin na halos naninilaw na.
"Ngayon ko lang naisip, pero parang bagay nga siya kay Juancho," saad ni Sadie.
Kinuyom ko ang kamay bago inalis ang tingin sa gate. I chuckled sarcastically at Sadie's remark as if it hadn't affected me at all.
"Pinagsasabi mo?" tanong ko pa.
"I'm serious!" she argued. "They're both attractive, and their families are in the same field, so that's a plus."
"Babaw mo," panunudyo ko.
"Tingnan mo! Try to ask him about Psyche during the interview. Mukha namang close na kayo para magsabi siya sa'yo. Isa pa, imposible namang hindi mo nase-sense na may something sila. You were even searching for a picture."
Pilit kong ipinagsawalang-bahala 'yon. Hindi ko na kailangan pang tanungin si Juancho dahil alam ko na ang namamagitan sa kanila. Sampal na sa akin ang isang araw na pagninilay-nilay sa nakita kong pag-aalaga niya kay Psyche.
I don't know how I made it through the day like nothing was bothering me. Nag-text ulit si Juancho sa akin tungkol sa paltos ko pero gaya ng una ay hindi ako nag-reply. I just couldn't find any reason to.
Alam kong wala pa akong lakas ng loob na harapin siya matapos ang nalaman. Alam ko rin na hindi ko siya madidiretso tungkol kay Psyche. Ang mahalaga na lang ngayon ay ang pagpayag niya sa interview. I would only ask him about his father because that was my initial plan. Ang relasyon nila ni Psyche ay labas na sa kailangan kong gawin.
From: Juancho
Morning. My training is at 6. Can you work?
Ang text niya ang gumising sa akin nang sumunod na araw. Nangangati ang palad kong replyan siya pero pinigilan ko ang sarili dahil hindi naman iyon related sa interview.
Sa kagustuhang umiwas sa kanya, nagsabi ako kay Coach na alas otso hanggang madaling araw ako papasok. Ayoko kasing maabutan pa siya sa gym.
I was... jealous. I wanted him for myself, not for other girls. Kahit ipagduldulan ko sa kokote ko na puwede ko naman siyang hangaan mula sa malayo, ayoko. Gusto kong akin siya at ako lang ang inaalagaan niya. Gusto kong ako lang ang iaangkas niya, ang poprotektahan, at susuportahan. I wanted to be the only one who could see all of his sides—the playful, the serious, the tamed, and the upset. Gusto ko ako lang. Kasi sa akin... siya lang.
It was unfair. I thought he liked me too, but how come he was engaged to another girl?
At ano'ng sinabi ni Mari? Psyche wanted to break off the engagement. Meaning, Juancho was the one pushing through it. Kaya ba hindi niya maihayag sa lahat ang relasyon nila? Kasi hindi siya gustong-gusto ng babaeng pakakasalan niya?
From: Juancho
I'll clean your blisters later. I'll check if they're healing well. See you?
I ignored it and went on with my day. Pumasok sa klase, binash si Capuso, tinarantado ang mga kaklase, umuwi sa bakanteng apartment, at nagluto ng hapunan namin ni Mari.
From: Juancho
You're not working?
From: Juancho
Training's over. I didn't see you.
Saka lang ako pumasok sa trabaho nang masiguradong wala na siya roon. Isinawalang-bahala ko ang mga text niya dahil alam kong sa oras na i-entertain ko ang ideya ng kaswal na pagre-reply sa kanya, lalo ko lang paaasahin ang sarili ko na may puwede kami.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya text nang text. Was he so heartbroken over not being with the girl he wanted that he was trying to settle for me?
From: Juancho
I left you last time. That must be it. Are you upset?
From: Juancho
I'm annoyed. You're basically asking me to like your friend and find someone you can date. I'm still annoyed when I think about it. How could you bring it up when we were having a great time?
From: Juancho
I won't apologize if that's it.
Those were his realizations, his text messages on a Wednesday morning. Following the lead of the card I was playing, I did not respond to any of them.
Iniignora ko man, tuwing gabi ay halos maduling ako kababasa sa mga 'yon. Iniisip ang kunot sa noo niya at simangot sa mga labi.
Hindi na rin ako blocked sa social media accounts niya. Hindi ko alam kung kailan pa, pero hindi na ako nag-send ng friend request dahil wala namang dahilan para gawin ko 'yon.
He sounded jealous. His constant messages made me feel like he was missing me. And before that day ends, he sent me another one that reminded me why I still like him.
From: Juancho
Mirae, I'm sorry.
I just let the days go by, acting like the stress-free student that I was. Dahil saulo ko ang schedule niya, alam ko ang mga lugar na hindi dapat puntahan para iwasan siya. Tahimik kong sinubaybayan ang pagkilos nila ni Psyche pero hindi ko sila nakitang magkasama. Ni hindi sila pumupunta sa iisang lugar o nag-uusap manlang.
For two straight weeks, I did a good job setting aside my feelings. I drank, worked as hard as I could, and carried on with my life as usual. Sa dalawang linggong 'yon, minsan ay nagte-text pa rin siya, itinatanong kung nasaan ako o kung ano ang ginagawa ko. Ramdam ko pa rin ang sayang umaahon sa dibdib ko kapag ganoon—kapag nagpaparamdam siya.
The day I had to hand in my work was only a few weeks away. I was past my initial due date, and I knew I couldn't waste any more time.
"I can't. I have a lot of assignments."
On that fateful afternoon, in my last attempt to keep tabs on Psyche, I happened to hear her talking to someone on the phone.
Nasa canteen kami at sinadya kong maupo malapit sa mesa niya. Sa ilang araw na panonood sa kanya, napansin kong wala siyang masyadong kaibigan. Ni wala siyang nakakasama kapag kumakain.
"Really?" she said, her voice thick with surprise. "Can we do that?"
I was curious, so I tilted my head in her direction to listen closely.
"Can you pick me up, then?" She chuckled. "Oh, nevermind. Motor nga lang pala ang sasakyan mo. I can't ride that."
I balled up my fist, my chest hammering as I guessed who she was talking to.
"My class ends at 4. Magbibihis lang ako. I can't show up in front of your dad wearing my uniform. My mom will go ballistic for sure," aniya pa. "Yeah, yeah... I'm okay. Stop worrying about me." Marahan siyang tumawa. "Wala kang chance sa'kin, Juancho. It's still Leon. Don't push your luck."
Sa bahagyang paglakas ng tawa niya ay siyang pagguho ng pag-asa sa dibdib ko. At that point, I was sure it was an arranged marriage and that their families were trying to get them together. Ang tanging pumipigil lang siguro para matuloy ang kasal ay ang nararamdaman ni Psyche. She didn't like Juancho, but that man... the one I actually liked... did.
We were in a loop. Gusto ko siya pero may iba siyang gusto na malabong suklian ang nararamdaman niya. Maybe he was just using me as a fallback, a cushion for his broken heart... kaya niya ako pinapaasa.
"Grand Hyatt, right? Okay, I'll see you there."
Hindi ako tanga para pakawalan ang pagkakataong 'yon. Kahit hindi ko alam ang oras ng pagkikita nila, nang mag-alas kwatro ay pumunta ako roon nang mag-isa. I even brought my camera so I could take pictures of them. Hindi ko 'yon ilalagay sa artikulong isusulat ko pero gusto kong maging sampal iyon sa sarili ko na hindi ko puwedeng pangarapin ang isang lalaking nakalaan na para sa iba.
I wasn't able to get in because the prices of the meals were way beyond my budget. For two hours and a half, I did nothing but let the mosquitoes feast on my blood and hoped that the Juancho Psyche was talking to was not my Juancho.
Alam kong imposible, pero umaasa ako. Wala sa kanilang dalawa ang may suot na engagement ring. Baka tsismis lang. Baka nagkamali lang ng dinig si Mari. They were too young to be engaged and Juancho wouldn't do this to me... or to Psyche. He told his employer that I was his girlfriend! It must have meant something! Maraming ibang puwedeng rason. Hindi puwedeng wala siyang nararamdaman sa'kin... kahit katiting lang.
But then, all my hopes went down the drain when I saw a familiar motorcycle pull up in front of the restaurant. He stepped down and removed his helmet, looking much like the guy I had been hoping to commit to, looking much like the guy who had just broken my heart.
He was dressed in a way that rendered me helpless—a white long-sleeved polo shirt with two buttons undone and sleeves rolled up to his elbows, black slacks, a silver watch, dark brown leather shoes, and those mysterious, lethal eyes.
Mula sa kinatatayuan ko, pinanood ko kung paanong tumigil ang isang SUV sa tapat niya at lumabas doon si Psyche, nakasuot ng hakab sa katawan na pulang bestida at sapatos na may apat na pulgadang takong. Kumapit agad ito sa braso niya, at wala akong ibang nagawa kung hindi ang itaas ang camera para kuhanan sila.
I zoomed in on their faces and saw that they really did look good together. Sandali silang nag-usap bago tuluyang pumasok sa loob.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang dalawang pamilyar na pulitiko kasama ang isang morenang ginang. They looked like they were having fun as they went inside. One of them was Juan Carlos Montero, and it was then that I realized that Juancho and Psyche were committed to their relationship for the long term.
I drank all by myself that night, drowning the pain in my chest and swallowing up the remnants of my feelings for him.
Putangina lang. Minsan na nga lang akong sumugal, doon pa sa taong umpisa pa lang, kailangan ko na agad sukuan. Minsan na lang akong makatagpo ng katahimikang hindi ko tatakasan, doon pa sa taong kaya rin akong paalisin kapag dumating na 'yong totoong kailangan.
Ang daya talaga ng mundo sa'kin—pinapamahal ako sa mga taong hindi naman pala nakatakdang manatili nang matagal.
Ang tanga ko kasi, eh. Hindi na dapat ako nagdadagdag sa listahan ko. Sapat na dapat sina Karsen, Mari, at Kat. Hindi na sana ako naghangad na makakahanap ako ng lalaking para sa'kin dahil ang isang kagaya ko ay hindi naman para pagtiisan ng kahit na sino.
I had no real talent, no notable behavior, no riches, and no connections. Isang malaking kagaguhan ang isipin na may magkakagusto sa'kin at magtatagal. Baka nga dumating ang araw na miski ang mga kaibigan ko ay umamin nang nahihirapan silang pakibagayan ang ugali ko. I was too possessive, even though, in reality, I didn't have anything to own.
Wala akong taong masasabi kong akin... walang yaman o ari-arian. It was just me and my fucked-up anger. Iikot ang mundo, aalis ang mga iniingatan ko, pero ako, nandito lang—hindi kailanman gagalaw o susubukang humakbang.
Because I knew that behind my strong-looking mask, I was scared. I was scared of seeing people leave, of having my friends find love with the men they were destined to be with, of laughing with a group of people, and then realizing that no one was looking at me.
I was scared of not being prioritized because I prioritized everyone. I was scared of not being chosen because, if given the chance, I would choose my loved ones, even if it meant choosing against myself.
And by "loved ones," I meant Karsen, Mari, and Kat... and that guy who kept tugging at my heart as if he knew he was on the list.
Para akong pinagtaksilan, pero ano pa bang magagawa 'ko? Kung ito ang plano ng mundo, sino ba ako para kumontra? Mapapaos lang ako kakasigaw—kakahiling na ibigay na siya sa'kin.
Mabuti na rin siguro 'to. Sapat na 'yong tatlong tao lang ang nagtitiis sa'kin. At least, nabawi siya bago ko tuluyang maangkin. Nakatakas mula sa nakakasakal kong hawak. Nakalayo sa pagmamahal kong nakakalason.
Juancho Alas Montero, you're one hell of a lucky guy. You've saved yourself from being caged. I just hope you never get close to my heart again, because if you do, I might lock you up for good.
"Mill, inom tayo!" sigaw ni Sadie matapos ang huling exam namin.
I lost count of the days that passed ever since I stopped talking to Juancho. Ang alam ko lang, pinaalalahanan na ako ni Ma'am Capuso tungkol sa online publication ko. Hindi ko nga inaasahan na pasasalamatan ko ang pagsali sa pageant dahil nagkaroon ako ng dagdag na panahon para tapusin 'yon.
"Saan?" nakangising sagot ko. "Tara!"
"Pasama!"
I chuckled at some of my classmates. Ever since the pageant happened, I somehow grew to like them. Na-appreciate ko kung paano nila ako sinuportahan noon kahit na matigas ang pag-ayaw ko.
"Kapag napasama n'yo si Derek, g tayo," pang-aasar ko.
Namula ang pisngi nito dahil sa atensyon. "Uuwi ako sa bahay ni Tatay..."
"Sus. Tatay mo o kami?"
"Mill!" Si Jewel.
Tumawa ako. "Si OA. Joke lang, eh. Corny mo talaga."
"Si Tatay, Mill..."
Lalo akong napahalakhak kay Derek. "Sumagot amputa. Sabing joke lang!"
Nag-set na ang mga kaklase ko. Mamayang gabi agad. Kanya-kanya sila ng reklamo dahil na-move nang na-move ang defense ng thesis namin. Sana raw ay matagal nang tapos kung nabibigyang importansya.
I was having fun with my classmates as we walked toward the gate to celebrate the end of the semester when we passed by the parking lot. And, as if on cue, I looked over to where Juancho had parked his motorcycle, and sure enough, there it was, right where I remembered it to be. However, this time I was caught aback by what fate was up to, for he was standing there, frozen in place, as our gazes locked.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Sandali akong napatigil sa paglalakad lalo't naramdaman ko ang pagragasa ng pananabik sa puso ko, nilulunod ako sa katotohanang nami-miss ko na siya. Bahagyang nakaawang ang mapupulang mga labi niya, tila hindi rin inasahang makikita ako roon.
It felt like we had an instant connection, that with a simple "hey," my barriers would collapse, and that if he took just one step toward me, I'd put his name back on my list... which I had never taken off in the first place.
But being the person who could drop anything when it was no longer fun, I looked away.
Patakbo akong sumunod sa mga kaklase ko. Marami kaming naghihintay ng jeep sa waiting shed, nagkukuwentuhan tungkol sa mga plano bago magsimula ang huling semester sa kolehiyo. Hindi gaya ko, wala na silang kailangang tapusing proyekto. In my case, it wasn't just the project I needed to put an end to.
"Millicent."
Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Ang ilan ay napasinghap nang makita si Juancho, ang ilan ay nag-iwas lang ng tingin. Sumukob siya sa bubong ng waiting shed, pinoprotektahan ang sarili sa araw, habang ang mga mata ay nakatutok sa akin.
I was speechless. We hadn't spoken in weeks, but now that he'd seen me, he decided to just... follow... me. Ni walang pakialam sa magiging reaksyon ng mga kaklase ko at ng ibang estudyanteng nag-aabang din ng masasakyan.
"Juancho," sabi ko nang makabawi.
I forced a smile over my lips, trying to drown out the void in my heart. Kung bakit ba kasi sa dami-rami ng tao, sa may sabit pa ako nagkagusto.
"Give me a second. I need to talk to you," he said, his voice authoritative.
Tumingin ako sa mga kasama ko at tahimik na humiling na pigilan nila ako. Pero dahil alam nila ang tungkol sa project ko, tumango lang sila sa akin at sinabing sa pub na kami magkita-kita mamaya.
Not having any more reason to stay there, I looked at Juancho and nodded, signaling him to go ahead. Nang magsimula siyang maglakad pabalik sa parking lot ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko—kaba, takot, at saya. Kaba dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, takot dahil baka makahalata siya, at saya dahil mapagbibigyan ko ulit ang sarili na isiping abot-kamay ko siya.
We made it to where he'd left his motorcycle, under the canopy of a tree. And when he faced me, I was greeted by his mad, accusing eyes.
"You're ignoring me."
It was a statement, a proclamation, like he was so sure of what I had been doing.
Ngumisi ako. Pilit. "Hindi ba puwedeng busy lang?"
"Too busy to smile at me? You literally saw me, but you walked away like you didn't know me," sabi niya, tunog nang-aakusa.
"Para 'yon lang. Masyado ka namang maarte." Tumawa pa ako. "Sinasanay lang kita na hindi na ako nambubwisit para kapag natapos 'yong interview, hindi mo 'ko hanap-hanapin."
He was mad. He clenched his fist and looked at his side as if he were trying to calm himself.
"I texted you..." he whispered.
"Wala akong load."
"And you didn't..." Yumuko siya, naiiling, "you didn't try to find a way to contact me."
"Wow, tangina naman nito! Akala mo shota mo 'ko kung makapag-inarte ka!" Humalakhak ako. "Makapag-demand, hindi ka rin naman sumubok ng ibang paraan para ma-contact ako."
"I went to your workplace, your apartment, and your classroom, but you were never there." He let out a sarcastic chuckle. "I now understand why. You're purposely ignoring me."
Nanikip ang dibdib ko. No, Mill, don't make any assumptions. He's fucking taken, so don't let yourself be fooled. Bobo at tanga ka, pero hindi ka kabit.
"Purposely ignoring amputa. Si Capuso ka ba?" natatawang tanong ko. "Hindi ko pa naaayos ang interview schedule mo. Wala namang dahilan para mag-bonding tayo na para tayong mag-best friend."
Nag-angat siya ng tingin, ang mga mata ay nagmamakaawang tumigil ako. Parang may kung anong sumakal sa dibdib ko sa tanawing 'yon. Parang nasasaktan siya at parang... totoo.
"Galit ka ba sa'kin?"
I mentally scolded myself for being moved by how softly he spoke. It was almost as if he could sense my sorrow at our sudden fall and was promising to make amends in some way.
"Ito ba 'yong pag-uusapan natin?" I asked, holding my ground. "Kasi i-te-text ko 'yong mga kaklase ko na hindi pala ako makakasunod kasi sinusumpungan mo pa 'ko."
He moistened his lips. "Sabi mo wala kang load."
Hindi ako nakasagot agad.
Napatango siya. "I understand."
Binuksan niya ang compartment ng motor, at napatulala ako nang ilabas niya mula roon ang dalawang pakete—ang isa ay ang parehong inilibas niya noon para sa mga paltos ko at ang isa ay mga band-aid na may tatak ng mukha ni Doraemon.
He went over to the big garbage can and dumped it in.
"If you don't have anything to do, let's finish your interview now. I don't have much time to waste, and I want everything between us to be over."
Huminga ako nang malalim, hirap na hirap, at alam kong sa oras na magsalita ulit siya, tuluyan akong madudurog. Ang hapdi sa dibdib ko ay katunayan na kahit anong layo at tagal na hindi ko siya nakasama, hinawakan ko pa rin siya malapit sa puso ko. Kahit hindi puwede... kahit alam kong imposible.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. "H-Hindi ko dala ang camera ko..."
"Then get it," he said, annoyed. "It's you who need me, not the other way around."
Pakiramdam ko ay bumalik ako sa Juancho na kilala ng lahat—walang awa at makapangyarihan. Tumingin ako sa kanya, nanghihinang tumango. Walang kahit na anong emosyon ang mga mata niya na parang hindi manlang siya matitinag kahit mamatay ako sa harap niya.
"Sa bahay tayo. I'll give you an hour. If you arrive a minute late, don't expect anything from me."
Hindi na niya hinintay na makasagot ako. Sumakay na siya sa motor niya at pinasibad iyon, ibang-iba sa Juancho na magboboluntaryong ihatid ako.
I felt tears welling up in my eyes, but I shoved them back before they could fall. Huminga ako nang malalim at muli kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Umiling ako sa sarili bago naglakad papunta sa basurahan. Tinanggal ko ang takip noon at walang pag-aalinlangan na kinuha ang mga paketeng alam kong binili niya para sa'kin.
"Baka may gadget ka d'yan pangtanggal ng sakit?" parang tangang kausap ko sa mukha ni Doraemon na nasa band-aid. "Gago mo. Wala kang kwenta. Itinapon ka tuloy..." Pinagpagan ko iyon bago isinilid sa bag ko.
Tricycle na ang sinakyan ko pauwi dahil mabilis lang ang isang oras, dahilan para mapamahal ako sa pamasahe. Kinuha ko ang mga gagamitin ko, at hindi ko alam kung bakit may sariling buhay ang mga kamay ko nang ilipat sa mas malaking bag ang recording bug na ginawa ko.
Hindi na ako nakaligo o nakapagbihis. Sakay ng parehong tricycle na napagdesisyunan kong arkilahin na, nakarating ako sa bahay ni Juancho, maaga ng limang minuto. Masakit sa bulsa ang pamasahe, pero mabuti na 'yon kaysa hindi ko siya ma-interview.
"We'll shoot here," sabi ni Juancho nang papasukin niya ako sa loob habang itinuturo ang may kahabaang couch.
Hindi ko na sinubukang tumingin sa paligid dahil nakatutok ang mga mata niya sa akin, at parang sa oras na may gawin akong hindi tama, hindi siya magdadalawang-isip na paalisin ako.
"You only need a few minutes, right?"
I nodded quietly.
"Mag-set up ka na."
Bumaba ang mata niya sa hubad kong mga paa pero mabilis ding inalis doon ang tingin. Namamawis ang kamay ko, at nang umalis siya papunta sa tingin ko'y kusina, imbes na ayusin ang tripod at DSLR, kinuha ko ang recording bug at wala sa sariling idinikit iyon sa tagong bahagi ng center table.
I didn't know what I was thinking, but I went with my gut. Ni hindi ko alam kung ano ang gusto kong malaman o marinig. Inilagay ko lang 'yon do'n... hindi sigurado kung magkakaroon pa ng pagtataon na makuha 'yon pabalik.
The recording bug I made could work for up to 2–3 days. It could record every sound for as long as it was turned on. Mapapakinggan ko lang 'yon kung nasa akin mismo ang device.
I felt guilty about doing this... I was ashamed that I had sunk so low.
"No, Mill..." I muttered to myself, ready to take back the device because Juancho was still someone I cared about and this was something I couldn't do to him... or anyone else.
Hindi ako desperado. Pinagbigyan niya na akong ma-interview siya. Hindi na dapat ako naghahangad ng iba pa.
"What are you doing?"
Napatigil ako sa akmang pagyuko para kunin ang bug. Dahan-dahan akong tumingin kay Juancho at nanghihinang umiling, takot na halos nahuli niya ako sa akto.
"Magse-set up na ako..." napapaos na saad ko.
Akala ko ay aalis ulit siya pero naupo na siya sa couch. Sumulyap ako sa paa ng center table, at walang nagawa kung hindi ayusin na lang ang tripod at camera ko. Mamaya ko na lang kukunin kapag umalis na ulit siya. Ayoko namang malaman niya na naisip kong taniman ng bug ang bahay niya nang walang permiso... kahit pa iyon naman ang totoo.
"Velasco..." he said gently.
Pinanatili ko ang mata sa sine-set up kahit nasa kanya ang atensyon ko. "Hmm?"
"Millicent Rae..."
Mula sa likod ng tripod ay sinilip ko siya. "Bakit?"
He stared at me long and hard, as if he were trying to read my mind. And I just stood there, letting him, hoping he'd see through my jealousy and anguish and desperate need to be with him.
Gusto kong ikuwento sa kanya ang paltos ko na tumagal ang paggaling, ang sparring sessions namin ni Coach at ilang beses kong pagsalo sa mga suntok niya, ang inggit na naramdaman ko dahil nakaharap niya ang mga magulang ni Psyche samantalang sa akin, wala manlang siyang nakilala.
Gusto kong dumaldal, magreklamo, umiyak, at makipag-away sa kanya. Kasi alam kong pagkatapos no'n, aalagaan niya ako at pakikinggan.
My voice wasn't really given much attention by most people because I was constantly written off as shallow and irrational, but Juancho... he would lean in close as if I were saying something important and ask follow-up questions as if he were deeply interested. I was used to being the one who looked out for others, so having him look out for me felt completely natural... and comforting... and reassuring. Na parang hindi ako mag-iisa at wala akong dapat ikatakot dahil nakikita niya ako.
"I..." he stalled, his eyes wavering.
"Juancho?"
Nagbuntong-hininga siya, yumuko, bago unti-unting umiling.
"If I did something offensive beyond my knowledge, I'm sorry. I don't want us to end on bad terms. We had a... really, really great time." He looked up at me. "Let's do your interview properly. Write an objective article and get that degree, okay?"
It sounded like a goodbye, but I nodded anyway. After all, even if I wanted him to be a permanent resident of my life, I knew he'd have to go back to his true home—to Psyche.
I got so close to the fire that I burned myself. I did not take a bite; I devoured. I became so comfortable that I couldn't leave. And right now, I had to accept the fact that there would be a vacancy in my heart that would never be filled again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro