Chapter 14
Chapter 14
Marami ang bumati sa akin sa social media accounts ko, nag-chat, at nag-send ng friend request. Halos mag-lag ang luma ko nang telepono dahil sa sunod-sunod na notification mula sa mga kakilala at mangilan-ngilang estranghero.
Karamihan sa mga nag-chat ay mga lalaking hindi pamilyar sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang pakay nila. Imbes kasi na maputol ang usapan pagkatapos ng palitan ng pagbati nila at pasasalamat ko, ang iba ay nagtatanong na tungkol sa personal kong buhay.
It was a nuisance. I even had to uninstall most of my apps just to stop getting a constant stream of useless push notifications. Hindi naman malaki ang sakop ng pageant para makakuha ako ng ganitong atensyon. For Christ's sake, it was just a college event!
"Saan ka?" tanong ko kay Mari nang mapansing bihis na bihis na siya.
She heaved a sigh as if the thought had already drained her. "Client."
Hindi ko maiwasang mapaawa sa kanya. She was tired from the event last night, and she had to go to work first thing this morning. Kahit pigilan ko siyang magtrabaho ngayon, alam kong hindi siya papayag. She was a workaholic. I barely saw her during the day. Pagkatapos mag-umagahan, gabi ko na ulit siya nakikita.
"Ikaw? Hindi ka papasok?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok.
Umiling ako at lalong niyakap ang throw pillow sa dibdib ko. "Ang dami kong paltos. Hindi ko kayang suotan ng sapatos."
"Sigurado ka? Sabado ngayon. Sayang naman." Naglakad siya palapit sa akin, sumilip sa paa ko at bahagyang napaurong. "Oh, by the looks of it, mukhang hindi mo nga kaya. Bibili akong cream mamaya bago ako umuwi. Baka magpeklat pa 'yan."
Tumango ako. "Kumuha ka ng pera sa wallet ko."
"How much?"
"Bahala ka. Kumuha ka na rin ng pambili ng mga kaartehan mo."
Lumapat ang malawak na ngiti sa labi niya. "Really?"
Muli akong tumango. Sa Lunes ko pa maasikaso ang prize money ko dahil sarado ang mga bangko kapag weekend. 'Yong freebies na products ay ipagbebenta ko na lang sa mga kaklase ko. Hindi rin naman kasi magagamit.
"Ano'ng gusto mong dinner? Mamamalengke ako mamaya."
She pursed her lips, her eyes bright with excitement. Simula nang mawala sa puder namin si Karsen ay hindi na kami masyadong nag-iisip ng uulamin. Kung ano ang nand'yan, 'yon ang kakainin namin. Kaya kapag wala, parehas na lang kaming natutulog.
I sighed when I realized that the last few days Karsen was here, we didn't really have much. There wasn't even enough rice and hot food to go around. Kadalasan ay iniinit na lang namin ang kanin nang ilang araw dahil wala na kaming bigas. Sa mga ulam naman ay halos mapurga ko na sila sa instant noodles at itlog.
Kaya ngayong nakikita ko ang saya sa mga mata ni Mari dahil lang mailuluto ang gusto niyang pagkain, hindi ko maiwasang makonsensiya. I was throwing a lot of money away on my vices, especially my cigars.
"Paghatian n'yo ni Kat 'yong prize money kapag naasikaso ko na," kaswal na saad ko.
Nanlaki ang mga mata niya, tila naputol ang pag-iisip. "Baki—"
"'Wag mo 'kong artehan. Ipambayad mo na lang sa internship mo kung gusto mo. May ipon pa 'ko. Baka maubos ko lang 'yon sa alak."
Sasagot pa sana siya pero tumayo lang ako at kinuha ang mga gamit niya. Dinala ko iyon sa labas ng apartment kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Nagsimula lang siyang magbunganga nang maglakad na kami pa-kanto. Hindi ko na lang pinagtutunan ng pansin dahil ibibigay at ibibigay ko rin naman sa kanila ang pera.
Nang makasakay siya ng jeep ay bumalik ako sa apartment para maglinis, maglaba, at magsaing. Iniisip kong pumasok sa trabaho dahil nanghihinayang ako sa araw. Hindi na kasi ako nakapagtrabaho kahapon dahil sa pageant. Kung papasok ako ngayon, full shift ako lalo't wala akong klase. And if I worked overtime, I'd get decent pay.
Napatawa na lang ako dahil matapos lang mamalengke ay naglalakad na ako papunta sa gym.
"Oh, akala ko ba absent ka?" gulat na tanong ni Coach nang makita ako.
My blisters on my feet were excruciatingly painful because the rubber shoes I was wearing were not made of a particularly soft material. Kahit nilagyan ko na ng mga band-aid ang paltos at nagsuot ng makapal na medyas ay kumikirot pa rin ang mga 'to sa loob ko. Hindi ko na lang binibigyang-pansin dahil mabilis naman nang ipahinga ito mamaya.
"Gusto kong maghirap ka, Coach," pagbibiro ko bago nag-clock in.
"Siraulo," tawa niya. "Mag-assist ka sa klase sa boxing. Maraming estudyante ngayon. Hardcore."
Mabilis akong tumalima. Iniwan ko ang gamit sa locker at saka nagsimulang magtrabaho. Sinabihan ko rin si Mari tungkol sa pagbabago ng desisyon. I just sent her a text message saying that I didn't want to stay at the apartment all day because I was bored. Hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil alam kong pauuwiin niya lang ako.
Coach wasn't lying when he said the training would be hard, because I could feel the blisters on my feet getting worse. I did my best to push through the searing pain and complete all of the drills and exercises because I didn't want Coach to send me home.
After spending a few hours working as the head instructor's sparring partner, I started helping with answering emails, sending invoices, and preparing inventory. Doon ko lang din naalala na mayroong training ngayon si Juancho.
"Coach!" tawag ko nang makitang tapos na siya sa klase.
"Oh?"
"Kailangan mo ng assistant mamaya sa Krav Maga? Kay Montero?"
Bahagya siyang nag-isip bago sumagot sa akin. "Gusto mo?"
Hindi na ako nag-inarte. Tumango ako, at sa kabutihang-palad, pinagbigyan niya naman ako. Inutusan niya akong linisin ang training mats at malugod kong ginawa iyon sa kaisipang makikita ko mamaya si Juancho.
Just by admitting to myself that he was the fourth person I'd want to commit to, I realized how far down the rabbit hole I had fallen.
I wasn't sure if I should deny the growing affection I felt for him out of fear for the future, but a huge part of me didn't want to deprive myself of the happiness that came with it.
Ever since I was young, I had always gone with the flow, finding fun wherever I could. I had always taken the road I felt would bring me the most joy, and right now, that road lies with him.
I could see where this was heading, but I didn't have the willpower to step on the brakes.
Nang magkaroon ako ng bakanteng oras ay gusto ko sanang maligo para hindi ako pawisan pagdating niya. Kaya lang, iniisip ko pa lang na tatanggalin ko ang sapatos, medyas, at band-aids ko, napapaigik na ako sa sakit. Kumikiskis kasi ang mga paltos, at malakas ang kutob ko na sariwang-sariwa ang mga 'yon mamaya kapag natanggal ko na ang band-aids.
"Mill, sumunod ka na lang," saad ni Coach mula sa labas ng locker room. "Dumating na si Juancho. Pinagsimula ko na."
Para akong tinamaan ng kidlat sa narinig. Napatingin agad ako sa pinto kahit na sarado naman 'yon.
Bakit ang aga niya?! May dalawang oras pa! Pawisan pa ako!
Dali-dali akong pumunta sa shower room at naghilamos. Wala akong dalang suklay kaya mabilisan na lang ang ginawa kong pag-aayos ng buhok. I was freaking out, worrying so much about how I smelled. Amoy pawis na yata ako dahil sa maghapong pagkilos.
In a state of panic, I slipped into a dark gray, form-fitting top. Hindi ko na nagawang palitan ang itim na compression leggings dahil ayoko nang tanggalin ang sapatos ko. My muscles were tense because I was stressed out for no good reason at all. For crying out loud, it was just Juancho, the guy who massaged my feet and calves last night! Bakit ba ako nagwawala?!
I took a few deep, slow breaths and calmed myself down before storming out of the locker room. Hinanap ko kung nasaan sina Coach at Juancho, at hindi naman ako nabigo nang makita sila sa studio kung nasaan ang boxing ring at isang hilera ng punching bags.
They were so focused on their boxing drills that they didn't even notice when I walked in, allowing me to ogle at Juancho's broad back as his muscles rippled with each blow. Naka-puting tank top lang siya at itim na training shorts. Ang maskuladong mga braso ay makinis, bahagyang nangingintab sa pawis. His thick and lustrous hair, even when damp, was a treat to watch.
Tahimik akong kumuha ng hand wraps at gloves para sabayan sila. I was thinking that Juancho had probably been here for over half an hour because he was already through with his warm-ups. Ni hindi ko manlang napansin ang pagdating niya dahil nasa locker room ako kanina.
I joined them, standing on the bag next to Juancho. Ramdam ko ang mabilis na paglipat ng atensyon niya sa akin. Tumigil siya sa ginagawa at bahagyang hinawakan ang bag para huminto iyon sa paggalaw mula sa puwersa niya.
After two blows to my bag, I decided to slow down. Even Coach stopped in confusion.
Pagkalingon ko kay Juancho, magkasalubong na ang mga kilay niya habang nakatingin sa sapatos ko.
"What's going on?" tanong ni Coach.
Pinaggigitnaan namin si Juancho kaya hindi niya kita ang masungit na ekspresyon nito. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam ko kung ano ang isinusumpong niya.
"How long has she been working?" he asked, facing Coach.
Sumilip sa akin ang huli, puno ng pagtataka ang mukha. "Ilang oras ka na ba? 7?"
Tumango ako. "More or less, Coach."
My heart almost sprang into my throat when I heard Juancho grunt softly, turning his attention back to me with a death glare as if I'd done something he didn't approve of.
Pinandilatan ko siya. "Ano?" I mouthed.
"May paltos ka, ah?" inis na sabi niya, parang walang pakialam na naririnig kami ni Coach.
Tumikhim ako at pilit na isinawalang-bahala ang pag-usbong ng tuwa sa dibdib dahil sa narinig na pag-aalala sa tinig niya. I was right. He was really upset because I was working.
"Hindi ko ikamamatay," saad ko.
Tuluyang lumapit sa amin si Coach.
"Mill, may problema ba?" usisa niya.
Umiling ako, bahagyang kinakabahan. Sa oras na malaman niyang hindi maayos ang paa ko, pagagalitan niya ako dahil nagtrabaho pa ako. Our health and well-being were his top priorities. Hindi naman big deal ang mga paltos ko para isaalang-alang ko ang pagpasok.
"Wala, Coach," sabi ko. "OA lang 'yang si Juancho. Hindi naman masakit, eh."
I looked at him and saw him shake his head in disagreement with my answer. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya pero tinutop lang niya ang bibig bago muling humarap sa bag.
"Sigurado, Mill?"
Ngumiti ako para masigurado siya. "Yes, Coach. Hindi naman ako tatagal kung masakit, 'di ba?"
"Okay. Tuloy na tayo," aniya. "Sparring tayo pagkatapos."
Hindi na ako pinansin ni Juancho habang pinagpapatuloy niya ang boxing drills. His blasts grew increasingly intense as he appeared to become more frustrated. Parang doon niya inilalabas ang inis niya.
"Hey, don't do it excessively," sabi ni Coach bago tapikin ang balikat niya.
Iniutos sa akin ni Coach ang paghahanda ng headgear at gloves. Masyado pang maaga para kay Juancho ang pag-s-sparring, pero hindi naman na siya baguhan sa martial arts kaya siguro mabilis din ang progress niya. For most students, it takes a few months to be ready for a sparring session.
Hindi rin naman nagtagal ay pumunta na silang dalawa sa gitna ng ring. Coach gave him some pointers, like how he shouldn't put all his energy into offense but rather make the defense better as well. After twenty minutes of explanations and demos, Coach looked at me and gestured for me to walk near the ring.
"Bumaba ka muna, Juancho," sabi nito. "We'll show you."
Napansin ko ang pagkabalisa sa mukha ni Juancho, ang mga mata ay mabilis na bumaling sa akin. I just pursed my lips and didn't say anything. Kanina pa ako ginagawang sparring partner ng trainers. Medyo immune na ang paa ko sa sakit.
"No need for that, Coach," he muttered. "Let's do it instead."
"We'll get there, okay?" Tumawa si Coach. "Mill, prep na."
Hindi ko na pinatagal ang usapin. I armored up with headgear and heavier gloves. Nag-stretching ako, pikit-matang iniinda ang kaunting pagkirot ng mga paltos ko.
"Hey."
Halos mapaigtad ako nang maramdaman si Juancho sa likod ko. Tumingin ako sa kanya, ang puso ay nagwawala ngayong malapit siya.
"You're straining your feet," he said in a monotone.
Sinilip ko si Coach. Nasa ring lang siya at inaayos ang gloves niya. Ibinalik ko ang tingin kay Juancho at sumupil ang ngisi sa labi ko nang mapansing nag-iinarte na naman siya.
"Magkaano-ano ba kayo ng paa ko at alalang-alala ka?" panunudyo ko.
He didn't buy my joke. He even furrowed his brow to show me how irritated he was. "Bakit ba kasi nagtrabaho ka pa? You didn't even tell Coach about your blisters."
"Hindi ako papayagan magtrabaho no'n kung alam niya," mahinang sagot ko. "Kaya 'wag mo muna akong sermunan. Kailangan kong kumita. Sayang ang maghapon kong pagtatrabaho kung pagagalitan din ako ni Coach bago matapos ang shift ko."
"If money's your issue, you should've told me. You could have come with me to work and shared my pay," he whispered back.
My cheeks heated up in an instant. Bakit niya naman ako isasama sa trabaho niya para lang paghatian namin ang kita niya? Siraulo ba siya? Akala mo naman marami siyang pera para bigyan ako. He was literally fishing when he ran out of food!
"Tanga ka..." I swallowed hard, my voice weakening in defense. "Ano'ng sasabihin mo sa employer mo? Asawa mo 'ko?"
He cocked his head to the side, licking his lips distractedly as if the thought affected him. His reaction hit me square in the stomach, and I immediately felt embarrassed about the words I had used.
Putangina. Saan ko na naman nasisimot ang mga sinasabi ko?
Tumikhim siya, hindi na makatingin nang diretso sa akin.
"I told him before that you're my girlfriend and you want to help me, so..." He licked his lips once more. "I could've... reasoned out... again," he said slowly, unsure.
Hindi agad iyon rumehistro sa utak ko. Natulala lang ako sa kanya, nakaawang ang mga labi at naninikip ang dibdib sa ideya. I knew it was far from real and that he was just making it up so his employer would let me come along with him, but I couldn't help but be elated about it.
"Mill, bilisan mo na!'
I breathed out when I heard Coach.
"E-Excuse me..." I stammered.
Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya. I hurried up to the ring, desperate to get away from him so he wouldn't hear my rapid heartbeat.
"Ready?" Si Coach. "Tap sparring muna."
I stole another look at Juancho and felt a sudden, intense pressure well up within me as our gazes met. Nakaupo siya malapit sa ring, tanggal na ang headgear. Magka-krus ang mga braso niya sa dibdib, at madilim ang mga mata.
Wow. Buhay na naman lahat ng lamang-loob ko.
"Juancho, focus," sabi ni Coach.
Tumango lang ang huli.
Coach then started darting forward, backward, and to the side, taking no more than three steps in each direction. I just followed his lead, staying within reasonable striking distance.
We also showed Juancho how to throw and match a jab, block a cross, and avoid a head hook. Si Coach ang sumusuntok, at inuulit ko lang ginagawa niyang pattern hanggang sa maging natural ang galaw namin. Kasabay noon ay ang pagpapaliwanag niya kay Juancho kung para saan ang mga technique.
"Mill, offense ka sa first set," anunsyo ni Coach matapos ang tatlong set ng tap sparring. "Juancho, watch our footwork."
I patched myself up and got in fighting shape for the actual sparring session. To maintain my stance, I stepped backward with one foot.
"Take Mill's position, for example," saad ulit ni Coach. "Her toes pointed in a direction that was neither too close nor too far apart. Kapag gan'yan ang posisyon mo, hindi ka mawawalan ng balanse at mas madali kang makakagalaw."
I gave Coach a nod to show that I was ready to go. I started throwing a punch to make him move his defense and another one to make him change where he was blocking. Hindi ko matatalo si Coach sa puwersa, pero madalas niyang purihin ang liksi ko. He told me I had an edge because most people valued strength over speed.
Dire-diretso ako sa pagsuntok kay Coach sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Kampante kasi ako na maiiwasan niyang lahat 'yon. Even if I had punched him hard enough to make him duck, he didn't. He just blocked my jabs as skillfully as he could.
Hinahapo ako nang matapos. It lasted for less than five minutes, but every second of that was crucial.
"That's how you do defense, Juancho. Don't expose yourself to counters," aniya, ni hindi manlang nahirapan sa pagsangga sa mga suntok ko. "Mill has a strong offense because she keeps throwing jabs, which is one of the most important components of boxing. Kaya lang, medyo predictable ang galaw niya. At kung ako ang nasa offense, mabilis ko siyang maco-counter. She doesn't direct the jabs in different directions at different times."
Napanguso ako. Predictable pa ba 'yon?! Kung saan-saan na nga lumalapag ang kamao ko!
Tinapik ni Coach ang balikat ko. "Defense."
Tumango ako para ipaalam na pwede na siyang magsimula, at hindi naman na siya nag-aksaya ng oras. He started hitting me so quickly and hard that my feet retreated slightly on their own. Alam kong hindi niya pa iyon todo. Pinagbibigyan niya lang ako dahil hindi naman ako ang nagte-training.
He punched me in the chest, and I wasn't quick enough to dodge it. Muli akong napaatras.
"Mill?"
Tumawa ako. "Proceed, Coach."
Tumango lang siya. Bumalik kami sa posisyon bago nagsimula ulit. I put my hands up in front of my face to protect myself from the jabs. He then went for my chest again, but this time I was able to deflect it. Kaya lang, hindi pala iyon ang totoong target niya dahil mabilis niyang nasuntok ang balikat ko. Though it was only a gentle blow, I was taken aback by it.
"Defense, Mill!" sigaw ni Coach.
Nahiya ako sa pagsuway niya. Napatigil kasi ako sa paggalaw nang matamaan niya ang balikat ko. Pinagpatuloy niya ang mahihinang pagsuntok sa akin, pero dahil mabilis siya at sa iba't ibang parte ng katawan ko tumatama ang kamao niya, sigurado akong magkakapasa ako.
I had been matched with several sparring partners earlier, but Coach's boxing technique was far and away the best of all of them. Kung gigil pa siya, alam kong kayang-kaya niya akong patumbahin.
For the last minute, he hit with a move, a double jab, and another powerful blow. I wasn't ready for how he switched between hard and fast attacks, so I had to put up defenses at the wrong time and in the wrong place.
Nang matapos kami, pakiramdam ko ay bugbog na bugbog ang katawan ko kahit pa alam kong hindi naman sumagad si Coach.
"Mill, mag-practice ka ulit ng depensa mo," striktong saad niya. "Mag-assist ka sa boxing sessions next week. Tama na muna sa taekwondo."
Tumango ako. "Yes, Coach."
"Isn't that a bit much?"
Sabay kaming napatingin kay Juancho. Nakakuyom ang mga panga niya habang mariin ang tingin kay Coach.
"No," tipid na sagot naman ni Coach. "It's a way to show you what strong defense and offense look like when sparring. Training na rin ni Mill. Kumakalawang na."
Pabiro ang tono ng boses niya kaya sa palagay ko ay hindi niya pansin na masama na ang timpla ni Juancho. Hindi ko naman maiwasang kabahan sa dilim ng mga mata nito.
"Let's do it then," Juancho said, posing a challenge to Coach.
Agad na umawang ang labi ko. Kahit si Coach ay hindi agad nakapag-react.
"Sa mga susunod na session mo pa yata 'yon!" I said, stumbling over my words in a panic. "Tap sparring lang kayo"—sabay tingin sa katabi ko—"'di ba, Coach?"
Nanliit ang mata niya kay Juancho, ni hindi pinansin ang pagpa-panic ko. "Gusto mo?"
"Coach!" pabalang na sabi ko.
"What?"
"Ba't mo pagbibigyan? Hindi pa sapat ang training n'yan!" pagdadahilan ko.
Coach shrugged. "He wanted to try it. Wala namang mali."
Halos malagutan ako ng hininga nang maramdaman ko ang pag-akyat ni Juancho sa ring. Suot na niya ang headgear habang nakapinta pa rin ang inis sa mukha. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Juancho seemed upset, and a bout of sparring wouldn't help him calm down! Isa pa, malakas si Coach! Kapag naangasan pa naman siya sa estudyante, hindi siya nagpipigil!
"Juancho," tawag ko.
Pairap siyang tumingin sa akin.
"Tap sparring lang," mariing saad ko.
Umiling siya. "I'm not a rookie."
Sarkastiko akong tumawa sa kayabangan niya. Naglakad ako palapit sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
"You're still a trainee. Don't act like you're better than your trainer."
He gritted his teeth.
"Ano? Galit ka?" I said mockingly. "You want Coach to feel your anger?"
"Mill, that's enough. We're training," untag ni Coach na hindi ko naman pinansin.
Umiling ako kay Juancho. "Sige, ituloy mo. Magaling ka, eh." Muli akong tumawa, inis sa wala sa hulog na galit niya. "Bahala ka nga sa buhay mo."
I rolled my eyes before walking past him.
"Sibat na 'ko, Coach," anunsyo ko. "Make sure to humble that guy."
Lumabas ako ng studio at pumunta na sa locker room para ayusin ang mga gamit ko. My muscles were sore all over, and I knew I had to ask Mari for a massage. Hindi pa nakatulong ang paa ko na nakikipagkumpitensya sa sakit ng mga parte ng katawan ko na natamaan ni Coach.
Nagbuntong-hininga ako nang maisip si Juancho at ang iritasyon sa mga mata niya. Hindi ko sigurado kung tama ang haka-haka ko na nainis siya kay Coach dahil sa sparring session namin kung saan medyo napuruhan ako. Asking Coach to a sparring match for that reason alone was highly unprofessional on his part. Ayoko pa namang dumating sa punto na mayabangan si Coach mismo sa kanya.
Nag-ayos lang ako saglit, nagpunas ng katawan, at nagpakalma. Bwisit na lalaki. Hindi niya ba naisip na walang-wala siya kay Coach? Paano kung siya ang masuntok-suntok no'n? Ang tanga lang. Alalang-alala siya sa paa kong may paltos pero hindi siya nag-aalala sa magiging pasa niya kapag nag-spar na sila? Bobo amputa.
Nag-clock out ako, iritable pa rin. Nang lumabas ako ng gym ay natanaw ko siyang nakaupo sa motor niya, tila may hinihintay. Nakasuot na siya ngayon ng maroon na sleeveless shirt na bumagay sa makinis niyang balat. He was so casual about showing off his muscles that I had to remind myself that I was annoyed.
I scoffed as I started walking. Mukhang hindi natuloy ang sparring session dahil nasa labas na siya.
"Mirae."
Putangina. Hindi ako titingin. Si Mill ako ngayon, tarantado ka! Inis ako sa mabilis magalit at hindi marunong makinig. At oo, inis din ako sa sarili ko!
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Muli niya akong tinawag pero hindi ko siya pinansin. After a few more steps, I sensed him approaching, and soon enough, I felt his hand lightly touch my arm. He spun me around in his direction, and our eyes locked in an instant.
"Problema mo?" bungad ko.
His chest heaved. "Ihahatid kita."
Umarko ang kilay ko. "'Wag mo 'kong utusan. Hindi ako sumasama sa mayayabang."
Tatalikod na sana ulit ako nang higpitan niya ang kapit sa akin.
"Ano?!"
He poked his tongue against the inside of his cheek. "Hindi naman natuloy..."
"Oh, ano'ng gusto mo? Trophy?" I taunted.
"Nag-sorry ako..." His voice was tamed.
Binawi ko ang braso ko sa kanya. "Wala akong pake. Makipagsapakan ka na rin d'yan sa mga nag-iinom sa kanto. Mukhang uhaw ka sa suntok, eh."
Huminga siya nang malalim at bahagyang napairap.
"Aba, putangina ka? Ikaw ang nakikipag-usap d'yan, magsusungit ka bigla?"
Umiling siya. "Your words..."
"Your words," I echoed, mocking him. "Kung may problema ka sa bunganga ko, p'wes may problema ako sa ugali mo! Nakakahiya kay Coach! Nag-react ka kasi napuruhan ako? Niyaya mo pa sa sparring match na akala mo naman hindi ka nando'n bilang estudyante niya! Sinabi ko nang tap sparring lang pero ayaw mo kasi hindi ka rookie? Oh, edi magtayo ka ng sarili mong gym! Mag-leadership training ka ro'n mag-isa mo!"
Nakatayo lang siya sa harap ko, nakikinig at tuluyan nang sumuko sa pakikipagtalo sa akin.
"Alam mo ba kung gaano kagaling 'yon? Months of training won't be enough to beat him. You're a rank amateur, and asking him to spar with you is a death wish. Kita mo na ngang kung saan-saan ako nasuntok tapos iisa ka pang tanga ka! Hindi ka ba nag-iisip?"
"That's why I'm annoyed. He punched you," he murmured.
"Malamang! Knockout ang pangalan ng gym. Syempre, suntukan! Ano'ng gusto mong gawin namin? Mag-sex?!"
"Millicent!" Bahagyang tumaas ang boses niya.
"Ano?!"
Nagbuntong-hininga siya at unti-unting lumamlam ang mga mata.
"I'm sorry. Hindi na mauulit..." mahinang sabi niya. "Just let me take you home."
Inirapan ako at mabilis na tumalikod na sa kanya. Masakit ang buong katawan ko at nauubos lang ang enerhiya ko sa pakikipag-usap sa kanya. Narinig ko ang mararahas na pagmumura niya, at bago pa ako makalayo ay hinarangan na niya ako.
"Pumunta ka sa motor," utos niya, ang sungit ay bumalik na.
Gumilid ako para lampasan siya pero muli lang siyang humarang.
"Tigas ng ulo," bulong niya sa sarili na narinig ko naman. "Are you numb? You can't even walk straight."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit mag-race pa tayo."
"Go over there now if you don't want me to carry you." Nilabanan niya ang tingin ko. "I won't say it again, Mirae. Don't test my patience."
Not taking his words seriously, I took a step forward to walk past him, but as soon as I did, he threw me over his shoulder like a sack of rice. I tried to yell out, but my voice was stuck in my throat, and all I could manage was a loud gasp.
"Fuck you..." was all I could muster.
"Once you're feeling better, sure," panunukso niya.
I gathered up my last bit of strength and punched him over and over in the back, ignoring his low growls of pain. Puta! Bakit ko ba nagustuhan 'to?! Pareho kami ng ugali! Hindi kami magkakasundo dahil ayoko sa sarili ko!
"Kapag hindi mo 'ko ibinaba, ipagkakalat kong supot ka pa!" sigaw ko.
Naramdaman ko ang paghalakhak niya.
"Ayaw mo, ha? Uutot ako, sige!"
Lalo lang siyang napatawa, dahilan para mag-apoy ang inis ko.
"Juanchoooo!" reklamo ko dahil patuloy lang siya sa paglalakad. "Ibaba mo 'ko! Nahihilo ako sa gan'tong posisyon!"
Napatili ako sa sunod niyang ginawa. Para akong bata na pinaglaruan niya sa braso niya dahil mabilis niyang inayos ang posisyon ko. We went from him carrying me like a sack of rice to fucking bridal style! Sinubukan kong maglumikot paalis sa bisig niya pero pirmi at matibay ang pagkakahawak niya sa'kin.
"Makababa lang ako rito, babayagan kita!" hiyaw ko. "Masakit ang katawan ko tapos gaganituhin mo pa 'ko!"
"I'll massage you later."
Magrereklamo pa sana ulit ako nang magsalita siya.
"You fit in my arms." A small smile tugged at the corners of his mouth. "It's nice..."
Natigilan ako nang mapagtanto ang posisyon namin. He was holding me safe in his arms, cradling me like how a groom would cradle his bride. Sinigaw-sigawan ko na siya pero gusto niya pa rin akong ihatid dahil... ano? Hindi ako makapaglakad nang maayos? Nag-aalala siya sa natamo kong suntok mula sa sparring?
Bago pa ako makabawi ay nakarating na kami sa motor niya.
He carefully slid a helmet over my head and tucked me in like a child who needed to be supervised. Mabilis ang naging pagkilos niya dahil wala pang isang minuto ay napatunog na niya ang sasakyan. He then grabbed both of my hands and wrapped them around his waist.
Tuluyan akong nagpadala na lang sa agos. Lagi namang ganito ang nangyayari. Maiinis ako sa kanya, maiirita, pero sa dulo, maiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. I was infuriated by his arrogance, but now I realize that it stemmed from his urge to pour scorn on Coach for punching me. Yes, it was irrational, but when did being rational matter to me?
Nakakainis. Irita ako kanina sa kanya, pero ngayon, bakit ako natutuwa na nag-aalala siya sa'kin?
"Sa bahay tayo."
Nasa tapat kami ng stoplight nang sabihin niya iyon. Halos mapabitaw ako sa kanya sa gulat kung hindi niya lang ipinirmi ang mga kamay ko.
"Hindi puwede," giit ko.
"Hindi mo gagamutin ang paltos mo. Sumagad ka pa kaya siguradong nagtutubig na 'yan," striktong saad niya.
"Hindi nga puwede!" sabi ko. "Nangako akong ipagluluto ko si Mari!"
Saglit siyang natigilan.
"May ingredients na?" maya-maya'y tanong niya.
"Oo, namili ako bago pumunta sa gym."
Tumango siya. "Then let's do it at your apartment. I'll cook and get everything ready while you go take a damn break."
Hindi na ako nakasagot pa dahil pinasibad na niya ang motor. Hindi tulad ng ibang pagkakataon, hindi siya tumigil sa kanto namin. Instead, he kept driving until he got to the front of our apartment. Madilim pa iyon kaya sigurado akong wala pa si Mari. Halos alas otso na rin, at kapag ganitong mga oras na wala pa siya, alam kong aabutin na naman siya ng madaling araw.
Nang makababa ako ay tinanggal ko ang helmet. Bumaba rin si Juancho at may kinuha sa compartment sa upuan ng sasakyan—isang pakete mula sa botika.
"Umuwi ka na," sabi ko bago kinuha iyon sa kanya. "Ako na ang gagamot."
Sinilip niya ang apartment at agad ang pagkunot ng noo nang makitang madilim pa iyon.
"Wala pa si Mari. Nagtatrabaho pa." Inunahan ko na siya.
"So, no one's gonna help you?"
"I don't need help."
He scoffed. "And all the lies you tell yourself."
Napanguso ako. That was a nice comeback. Magamit nga sa susunod.
"I appreciate your concern, pero totoong kaya ko na," saad ko ulit. "I'm sure you have a lot of other things to do. Unahin mo na 'yon."
Kumunot ang noo niya. "I have time. I went to training almost two hours earlier for this."
Napakurap ako. "Huh?"
He shifted his weight, his eyes darting at me. "Maaga akong nag-out sa trabaho. I know you're stubborn and won't take care of your blisters on your own, so I plan to finish my training earlier than usual before I come to see you. Kaya lang, hindi ko alam na gan'yan katigas ang ulo mo at pumasok ka pa pala."
A familiar warmth filled my chest. Masungit ang tono niya pero ang laman ng mga salita ay puspos ng pagkalinga.
I chewed my lower lip and thought about letting him into our apartment.
He let out a sigh. "I'm not trying to put guilt into your head. I won't force my way in if you aren't comfortable with it," he said. "Just promise me you'll treat your blisters properly."
Hating-hati ako. May parte sa akin ang gustong maalagaan niya pero may parte rin sa akin ang ayaw nang makaabala. He didn't have to go to great lengths to do all of this for me. Ni hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami o ano.
"Go inside. I'll leave afterwards..." he mumbled after some time.
Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa pinto. Tinanggal ko ang sapatos ko, at halos magdugo ang labi ko sa matinding pagkagat ko rito nang maramdaman ang hapdi ng mga paltos. I knew Juancho was still around because I could still hear his motorcycle, so I did my best to look confident even though the pain was almost making my knees buckle.
Lumingon ako sa kanya para magpaalam, pero nang magtama ang mga mata namin ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi nagtagal, nagsimula na siyang maglakad nang mabilis papunta sa akin.
"Tanggalin mo ang medyas mo. Patingin," aniya nang makalapit.
Nanginig ang labi ko. Naupo ako sa pasimano at walang imik na tinanggal ang may kakapalang medyas. Tumambad sa amin ang sugatan kong paa. Sa kanan ay may tatlong band-aid at sa kaliwa ay may apat. Dahil hindi ko naman iyon nasilip maghapon, halos manubig ang mata ko sa nakitang lagay noon.
Three out of the seven band-aids were undone and one of the blisters was painfully popped and had a lot of fluid coming out of it. Hindi naman ito ganito kalala kanina bago ako umalis. Ramdam ko lang na kumikiskis ang mga paltos sa materyales ng sapatos ko pero hindi ko inaasahan na mananakit ito nang husto.
"You sure you don't need my help?" he asked gently.
I sighed, giving in. "Gamutin mo 'yan..."
I was used to enduring a lot of pain, but today I was too worn out to do my own treatment. Sasamsamin ko pa ang mga sinampay para tiklupin. Ipagluluto at ipagsasaing ko rin si Mari para may pagkain na siya pag-uwi. Iniisip ko pa lang ang mga gagawin ay nasasaktan na ako para sa paa ko. I don't think I could keep standing for more than five minutes.
Inayos muna ni Juancho ang motor niya bago pumasok sa apartment. Ni hindi na niya tiningnan ang paligid dahil diretso na ang mga mata niya sa akin.
"Tubig at pamunas," aniya.
Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tatayo na sana ako para ihanda ang mga kailangan nang umiling siya.
"Sabihin mo na lang kung nasaan. Ako na."
I was hesitant, but he seemed so sure of what he was doing. Nakakahiya man ay pumayag na lang ako.
"Sa kusina 'yong tubig. Sa lababo. Tapos, 'yong pamunas"—itinuro ko ang pinto ng silid—"nasa kwarto ko, pangatlong drawer."
Tumalima agad siya. Inuna niya ang tubig bago pumunta sa kwarto ko. Iniwan niyang nakabukas ang pinto, at mula sa inuupuan ko ay kita ko ang paggalaw niya sa loob nito.
"Aling drawer?" tanong niya.
Nag-init ang mukha ko. "'Yong may ano... 'yong may mga blue..."
"Huh?"
Lumabi ako. "'Y-Yong may mga sticker ni Doraemon..."
"Ah, okay."
Hindi gaya ng posisyon namin sa school garden, naupo siya sa sahig para tingnan ang mga paltos ko. Basa ko sa mukha niya ang kagustuhang pagalitan ako pero wala naman siyang sinasabi. Naghugas siya ng kamay at saka sinimulang linisin ang mga iyon, dahilan para medyo mapaigik ako.
"You must like Doraemon," he said.
It distracted me a little from the searing pain.
"Sakto lang," sagot ko, nahihiya dahil baka asarin niya ako.
"Really?" Marahan siyang tumawa. "Kahit band-aids mo siya ang design."
"Wala lang akong ibang magamit!" depensa ko.
He put iodine on my blisters with a cotton swab. "And how will you explain your bedsheet, blanket, and even this towel?" Itinuro niya ang pamunas. "Wala kang ibang magamit?"
"Kay Karsen 'yan," pagdadahilan ko pa. "Hindi naman ako mahilig sa mga pambata."
He chuckled lowly, nodding his head. "Whatever you say."
Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng karayom. Sa nerbyos ay binawi ko ang paa sa kanya.
"Ba't may gan'yan ka? Paltos lang 'to! 'Wala kang tatahiin!"
He gently held my calves and pulled my feet back to him. "We'd have to pop the big ones and let the fluid out. Hindi pa 'to ganito kagabi. I just brought a needle in case we needed it, but I didn't think we would."
"Marunong ka ba?"
"Of course. Do I look like I'll risk infecting you?"
I frowned. "Malay ko. Baka mamaya may lihim kang galit sa'kin."
"I wouldn't worry about you if I do," diretsong sagot niya. "Stop being so hard-headed and let me wrap up, okay?"
I placed my head on the backrest of the sofa, holding his gaze as I did so. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin na ganito na ako kakomportableng magpaalaga sa kanya. Ipinaling niya ang ulo sa kaparehong direksyon kung saan nakapaling ang ulo ko habang hinahaplos ang paa ko.
"Rest after this, hmm?" malambing na sabi niya.
He then reached for my head and gently patted it.
"Stop trying to look tough in front of me, because I can see right through you," he said. "I'm letting my guard down when I'm around you, so you can do the same."
I was so happy that my heart started to swell. Ni hindi ko inalis ang kamay niya sa ulo ko.
"Oo nga. Sabi nila tahimik ka," bulong ko. "Ang ingay-ingay mo, eh..."
Napatawa siya. "Am I?"
Bumaba ang kamay niya sa hita ko at naramdaman ko ang pagragasa ng kuryente sa buong katawan ko. It felt good... He felt good. His hand position was strangely soothing and sensual.
"Akin si Doraemon..." mahinang-mahinang sabi ko.
His eyes glistened. "I know."
"Favorite ko 'yon," dagdag ko pa.
"Mhmm." Tumango-tango siya. "I'll take note of that."
We talked casually as he tended to my blisters. Minasahe niya rin ang binti, hita, at likod ko at wala akong naramdamang pagkabalisa sa paraan ng paghawak niya sa akin. It wasn't flirtatious; it was genuine concern.
Tinulungan niya rin akong magluto ng kare-kare at magtiklop ng mga damit ko. Itinira ko lang ang underwear dahil ayoko namang makita niyang pati ang ibang panty ko ay may tatak ni Doraemon.
"Anong oras darating ang kaibigan mo?" tanong niya habang kumakain kami.
"Hindi ko alam. Magte-text 'yon. Baka magpasundo."
Sumimangot siya. "Lalabas ka pa?"
"Oo, kapag nagpasundo si Mari. Ayokong ginagabi 'yon. Marami kasing bastos sa daan. Baka mapaano..."
"Saan mo susunduin?"
Nagkibit-balikat ako. "Kung saan niya sabihin."
He heaved a sigh and went silent for a moment. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain, ganado dahil masarap ang pagkakaluto namin. At that point, I realized we were headed down a road together as more than just friends. Hindi siya mag-aabala nang ganito kung kaibigan lang ang turing niya sa akin, at hindi ko rin siya hahayaan kung hindi ko siya gusto.
I cleared my throat. "Nakita mo na si Mari, 'di ba?" I asked, trying my hypothesis.
"Yeah, why?"
Binasa ko ang labi. "She's exactly your type—feminine, rational, and full of surprises. Sa sweet? Hindi ako sure, pero kaya sigurong ma-practice. Sa pagva-value ng privacy, wala kang magiging probl—"
"What's your point?" He cut me off.
Pinigilan kong mapangiti sa pagsumpong niya. "Wala lang..."
"Tsk."
"Inaano kita?" natatawang tanong ko.
"Wala," iritableng sagot niya. "Bilisan mo na. Huhugasan ko na 'yan."
"Ba't muna ang arte mo?"
He clenched his jaw. "Stop playing games, Mill."
"Mill? Not Mirae?" pang-aasar ko. "Ikaw. You know my type. Baka may kakilala ka."
Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Stop annoying me. Hindi kita tutulungan d'yan." Tumayo siya, ang upuan ay umingay sa pagsalpok sa sahig. "Aalis na 'ko."
"Sabi mo maghuhugas ka!" I said, chuckling.
"Do it yourself," inis na sagot niya. "Or better yet, find your boy and tell him that."
Tawa lang ako nang tawa habang inihahatid siya ng tingin. Pumunta ako sa pinto at kumaway sa kanya pero inirapan niya lang ako bago nagsuot ng helmet. Kahit nang mawala siya sa paningin ko ay hindi naalis ang ngiti sa labi ko dahil sigurado akong nagseselos siya... sigurado akong hindi one-sided ang nararamdaman ko.
He likes me. I'm sure of that. He won't go this far and won't put in much effort if he doesn't. His warm smile, soothing voice, and loving treatment are all hints of his affection for me.
Habang tinititigan ang bagong linis na mga paltos ay hindi matunaw ang ngiti ko. Alam kong mahirap umasa dahil walang kasiguraduhan ang lahat, pero hindi ako manhid para hindi siya maramdaman.
"Mill..."
Ang pagkatok ni Mari sa pinto ng kwarto ko ang nakapagpabangon sa akin. Kumirot ang paa ko pero ininda ko iyon dahil hindi ko napansing nakarating na siya. Halos ala una na ng madaling araw ngunit malayo pa ako sa pagtulog.
"Mari," tawag ko sa kanya nang makalabas ng silid.
Lumingon siya sa akin.
"May pagkain d'yan. Samahan kita?"
Nang tumango siya ay napakain na ulit ako. We talked about random things, and even though I knew she'd tease me, I was excited to tell her about Juancho because I knew she'd be happy for me at the end of the day. Wala pa mang kumpirmasyon, kaunting tulak lang sa akin ay alam kong ako na mismo ang magtatanong.
"May sasabihin ako."
"I have something to tell you."
Napaarko ang kilay ko nang sabay kaming magsalita.
I squinted at her and chuckled. "Ginagaya mo ba 'ko?"
Ngumisi siya. "Excuse me? Sa history nating dalawa, hindi ako ang nangongopya."
"Namersonal amputa," I said as I frowned. "Siya, mauna ka na. Magparaya ang mas nakakaintindi."
As our conversation came to a halt, she put her spoon and fork down. She looked straight at me, her expression tinged with distress as if she were reliving a painful memory. Parang naputol din ang gusto kong sabihin dahil sa pag-aalala sa kanya.
"Maria Psyche Alvarado is not Leon's ex-girlfriend..."
The sound of a familiar woman's name instantly slowed my heart. Hindi ko alam kung bakit gusto kong takpan ang tainga ko para hindi marinig ang sasabihin ni Mari, pero parang nawalan ako ng lakas para gawin 'yon.
Instead, the way Juancho took care of Psyche in that room, treating her wounds the same way he treated mine, came to my head. Marahan din ang boses niya at banayad din ang paghawak. Puno ng pag-aalaga at lambing.
They had some sort of connection... Ma'am Capuso said. Why did I get so caught up in how I felt that I forgot about it? Or... Was I just trying to avoid the truth?
Ibinaba ko ang tingin sa kare-kare na niluto namin kanina, inaalala ang sayang naramdaman nang maisip na nagseselos siya. I mean... he was, right? I didn't make it up. The way he eyed me whenever a man came near me, the way he encouraged me and let me weep and annoy him, the way he fretted over me—all of these things must have been done out of affection, right? Gusto niya ako. It was mutual.
"Okay, sabi mo, eh..." saad ko, sinabayan ng pagtawa para hindi niya mahalata ang pagbigat ng dibdib ko.
She exhaled. "Nagpanggap lang sila, Mill."
"Okay. Labas naman ako d'yan. Hindi ko naman sila kilala." I looked up at her. "Why are you saying this?"
"Because you were asking about Psyche, and I knew something confidential about her."
Napatulala lang ako sa kanya, hindi alam kung maghihintay ng susunod niyang sasabihin o magdadasal na tumigil na lang siya.
Either way, my heart kept tightening in my chest because I knew this wasn't something I could escape—Psyche was a part of Juancho's life, and there was nothing I could do about it.
With another sigh, Mari dropped the bomb.
"Psyche is engaged with the governor's son."
Naramdaman ko ang pagdulas ng mga kamay ko papunta sa dulo ng damit ko. I gripped it hard, twisting the fabric in my palm as if doing so would ease the intense pain in my chest. Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko alam kung anong ekspresyon ang nakikita ni Mari sa mukha ko.
"Psyche hired Leon to act as her boyfriend to make her fiancé jealous. It's her way to call off the wedding," pagpapaliwanag pa ni Mari. "Please don't tell this to anyone. I just don't want you to stress yourself out about Psyche."
Wala na akong naintindihan sa mga sumunod na sinabi niya. Ang pananabik na banggitin sa kanya ang tungkol kay Juancho ay tuluyan nang nalunod sa dibdib ko.
All of a sudden, the aches in my body that Juancho soothed earlier came back at once, making me feel even worse.
"Your turn," sabi ni Mari.
I just shook my head, my heart coming to a full stop because I knew my fantasy was over. "Let's just say I made a fool of myself..."
"Hmm?"
"Wala." Pilit akong tumawa bago dahan-dahang tumayo. "Salamat na lang sa walang kwentang impormasyon."
As I made my way back to my room, I realized that the feeling of joy and excitement that had filled my chest earlier had disappeared completely.
One cardinal rule of journalism is to never assume the truth, and right now, I guess I'm getting the painful consequence of breaking that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro