Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12


Chapter 12

At that point, I admitted to myself that I'd never been afraid to let people in; I was just waiting for someone to ask me how I was doing, lean in close, and listen without judging.

Minsan kasi, iyon lang naman ang kailangan ng isang tao—iyong handang makinig at umintindi, iyong makikita ang mga bagay na hindi mo masabi, iyong maglalaan ng oras para samahan kang ilabas ang mga problemang hindi mo kayang isantabi.

And perhaps that's what we often misunderstand about ourselves.

Sometimes, we were not really scared of speaking our minds; we were just scared of having our voices go unheard.

Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Juancho matapos ang ginawa kong pag-iyak. I was ashamed, but a small part of me was relieved for letting my thoughts out. Nakakapanibago. Wala akong ibang pinagsasabihan ng tungkol sa sarili ko bukod sa mga kaibigan ko. Ni walang ibang nakarinig ng pagtangis ko kung hindi sila. For me, they were the only ones who should witness my vulnerability.

"Kumapit ka..."

Juancho's deep, throaty voice interrupted my train of thought. Nakasakay na kami sa motor niya, ang mga ginamit na upuan at fishing equipment ay naisilid na rin sa cabin. Sa pag-aalo sa akin ay wala siyang nahuli kahit isang isda. Hindi naman siya mukhang galit dahil doon.

I pursed my lips as I gripped the handles behind me. Bigla akong tinubuan ng hiya sa mga pinaggagawa ko. I even put my arms around his waist earlier while we were driving here. He might have thought I was getting too comfortable with him.

"Hindi d'yan," panunuway niya.

Binasa ko ang pang-ibabang labi sa pagguhit ng kaba sa dibdib ko.

"Dito na..." My voice sounded unbelievably tamed. Tuloy ay hindi ko maiwasang pag-initan ng mukha. God, I'm crushing on him like a fucking cutesy teenager. Very out of my character!

"Kulit," mahinang sabi niya bago walang kahirap-hirap na kinuha ang dalawang bisig ko. I immediately held back a shriek. Mabilis niyang iniikot ang mga ito sa baywang niya, at bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. "I'll drive fast. Mamimili pa ako sa palengke. Baka magsara."

Wala na akong naisagot. Noong mga oras na 'yon ay parang naramdaman ko lahat—ang pagdaloy ng kuryente sa paglalapat ng mga balat namin, ang init ng katawan niya, at ang kaginhawahang dala ng presensya niya. Miski ang maliliit na bagay ay hindi ko maiwasang pagnilay-nilayan—the way he covered my face so I could cry in private, the way he bought root beer instead of an actual alcoholic drink, and the way he must have rushed to me to the extent that he forgot to take off his helmet.

Those were just little things that I didn't notice before because I was too caught up in my own thoughts, but now that I'm thinking about them, I think I come to like him... even more.

"Stay here. Mabilis lang ako," aniya bago bumaba ng motor. Tinanggal niya ang helmet at bumaling sa akin.

Dahil nakaangat ang salamin ng helmet ko, agad na nagsalubong ang mga mata namin.

"May gusto ka?" tanong pa niya.

Having trouble finding my voice right away, I just shook my head.

Sumimangot siya. "Hindi ka kakain?"

"Kakain..." Tumikhim ako. "Sa apartment."

"Oh," parang may napagtanto siya. "Right, okay."

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papasok sa palengke. Pinanood ko lang ang likuran niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I checked in on myself and realized my heart was in its most erratic state again, and I knew for sure it was because of him.

May trabaho pa ako pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang pumunta sa gym sa ganitong estado. My emotions were jumbled. I didn't even know it was possible to be sad and happy at the same time.

Gaya ng unang beses ay inihatid ako ni Juancho hanggang sa kanto ng apartment. Laking pasasalamat ko na lang na wala nang reporters doon. Nang nasa tapat na ako ng bahay ay saka lang ulit siya tuluyang umalis.

And so, before walking in, I sucked up my pride, removed the taunting word I used in his contact name, and sent him a message.

To: Juancho

Thanks. Sana hindi mo 'ko asarin. Ingat ka sa pagmamaneho. I-interviewhin pa kita.

I smiled to myself as I went inside. Naabutan ko si Mari sa sala na katapat ang laptop niya, mukhang kausap si Kat.

Ilang segundo kaming nagkatitigan, hindi alam kung sino ang unang magsasalita. Nagbuntong-hininga ako at naglakad papunta sa puwesto niya.

"Thank fuck," she whispered to herself.

"Mill..." malamyos na pagtawag sa akin ni Kat. "Gusto mong makipag-usap?"

I sat beside Mari and realized that I should put my feelings aside because I was not in control of the situation. Nagpasya na si Karsen, at gaya ng lagi kong pagkunsinti sa kanya, suporta ang kailangan niya ngayon.

"May choice ba 'ko?"

Mabilis na napangiti si Kat sa naging sagot ko. Rinig ko rin ang paghinga nang malalim ni Mari.

"Napakaarte n'yo," saad ko. "Si Karsen ang problemahin n'yo, 'wag ako."

"Duh! Ikaw kaya ang sumumpong!" bulyaw ni Mari. "Akala mo naman hindi mo na makikita si Karsen kung makapag-walk out ka."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sana kaya mo ring makeup-an ang ugali mo para gumanda, 'no?"

Bumakas agad sa mukha niya ang pagkapikon. Sa marahang pagtawa ni Kat ay alam kong napanatag na ang loob niya. Lagi naman kasi kaming ganoon kapag may tampuhan. We'd talk about it, then go on as if nothing had happened.

"Kailan puwedeng bumisita kay Karsen?" maya-maya'y tanong ko. "Live-in na sila ni Kobe. Nakikipag-sex na 'yon. Kailangan kong magtanong ng details."

"Mill!" magkasabay na sigaw nila na nginisian ko lang.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila na pupunta sa trabaho. Si Mari ay nagpaalam na rin kay Kat dahil may kliyente pa siya. She then told me to come pick her up later, and I just agreed because I would work until the morning. For some reason, I felt pumped up and motivated, as if I hadn't had a breakdown earlier.

The predicament taught me that I should just enjoy things while they last... gaya ng lagi ko namang ginagawa. Hangga't kasama ko pa ang mga kaibigan ko, hangga't hindi pa ako tuluyang mag-isa, hindi dapat agad ako nalulungkot.

After all, I still have Mari to look after. Nagpapasundo pa nga. And perhaps, in contrast to my assumptions, I am still needed.

"Mill, bilisan mo!" sigaw ni Mari sa labas ng apartment. Sasabay na rin daw kasi siya sa akin pa-kanto. Nahuli lang ako sa loob dahil nagsasarado pa ako ng mga pinto at bintana.

But then, instead of rushing over to her, I was halted dead in my tracks as I received a reply from Juancho.

From: Juancho

I'm home. I'll make dinner in a few. Kumain ka na?

I felt like fire was sweeping through my entire body, and something strange was tickling my veins. I nervously chewed my bottom lip as I typed my response.

To: Juancho

Hindi pa. Sa gym na siguro bago ako pumasok.

Inilagay ko ang kamay sa dibdib ko para pakalmahin ito. Hindi ko kasi akalain na magre-reply talaga si Juancho sa text ko dahil napakababaw naman noon at maaring hindi na lang pansinin. Nang mag-vibrate ulit ang phone ko, I swear to heaven, I almost jumped for joy.

From: Juancho

Magtatrabaho ka?

Hindi ko na pinatagal ang pagsagot. I was still a little shaken up, but it felt great.

To: Juancho

Yup. Friday, eh. Maraming naka-sched. Hanggang madaling araw ako. Ikaw ba?

From: Juancho

I'll head to work too after my readings. Training ko bukas d'yan. Will you be there?

Nang muli akong tawagin ni Mari ay saka lang ako lumabas. Habang papunta sa trabaho, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil magkausap pa rin kami ni Juancho.

To: Juancho

Hindi ko alam. It's a private session. Baka hindi na mag-require si Coach ng assistant. Pati, twice a week ka, 'di ba? Kailan 'yong isa?

From: Juancho

Tuesday, 6.

Napanguso ako nang mapagtantong putol na ang usapan namin. Hindi na ka-reply-reply ang mensahe niya.

Kaya lang, muli kong maramdaman ang pagvi-vibrate ng telepono ko sa bulsa ng suot kong track pants habang isinasalansan ang gamit ko sa locker room. And when I checked, I had to stop myself from smiling.

From: Juancho

Eating?

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagpalitan ng mensahe. It was casual... and not really needed. Kapag natatapos ang isang buong training session, pumupunta ako sa locker room kung saan ko iniwan ang telepono para makapag-reply sa kanya. Sometimes, he would take a little longer to answer. Sometimes, it was almost immediate. Nasa trabaho na rin kasi siya.

Naputol din naman ang pagte-text namin sa isa't isa noong nagpaalam akong matutulog na. I chose not to respond to his good night message because I was too sleepy. Hindi na rin naman siya nag-good morning... not that I was expecting it.

The weekend went by, and I never saw him again because Coach told me he didn't need any assistance during the private session. Our pictures from the photoshoot were also posted, but I didn't share them because they were too painful to look at. Hindi ko kayang tagalan. Isang beses ko lang iyon tiningnan noong sinabi ni Ma'am Capuso sa group chat namin na uploaded na. After that, I totally lost track of them for a while.

"Ganda ng pictures n'yo," sabi ni Sadie habang nakatambay kami sa labas ng room.

Parang may pumitik na inis sa sintido ko nang maaalala ang mga larawan. Although I appreciated the panoramic effect created by the buildings in the background and the general appearance of the candidates, the fact that I had an entry made me feel sick to my stomach.

"Easy win ang People's Choice Award sa'yo," dagdag pa niya.

Dahil malapit na ang Journalism Week, halos wala nang nagkaklase sa amin. Ang mga kaklase ko ay kanya-kanya ng practice at paggawa ng booth. Ang iba ay abala sa paghahanap ng isusuot ko kahit na sinabi ko na sa kanilang si Mari ang bahala sa akin.

"Easy win?" halos matawa ako.

Sadie grinned slightly. "I knew it. Hindi mo tinitingnan, 'no?"

"Ba't ko titingnan?" I made a face. "Nandidiri ako."

Umiling siya. "Maganda ka ro'n. It won't get 9,000 likes overnight if not."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Itinagilid ko ang ulo at ikinunot ang noo dahil pakiramdam ko ay nagpantig ang tainga ko sa numero.

"Ilan?" tanong ko.

Napahalakhak siya. "Nasa 15,000 likes na no'ng huli kong check kaya 'wag kang mag-panic," aniya. "Ang daming nagtatanong kung may boyfriend ka o kung saan gaganapin 'yong pageant kasi manonood daw sila. You actually gain a lot of supporters."

I scoffed, not taking her words seriously. "'Wag mo 'kong tarantaduhin."

"Seryoso!" she insisted. "Mag-check ka kasi ng account mo! Sigurado akong marami nang nagme-message sa'yo."

Umiling ako. "Shunga ka."

Determined to prove her point, she pulled out her phone to look for whatever it was she was trying to find. Tumanga lang ako sa harap niya at naghintay sa kagaguhang ipapakita niya. I mean, I was sure as fuck she was just imagining it. Bagama't naiisip ko minsan na medyo kaakit-akit ang itsura ko dahil sa ibang kulay ng mga mata ko, hindi naman ako sikat o mayaman para makakuha ng atensyon.

"Oh, ayan!"

Nang itapat ni Sadie sa mukha ko ang telepono niya, ramdam na ramdam ko ang pag-awang ng labi ko at ang pamimilog ng mata sa nakitang mga numero—19.3k likes, 1.8k comments, 11k shares.

"Puta," bulaslas ko. "Ano 'yan, trolls?!"

"Hindi ako sanay na humble kang gago ka," tawa ni Sadie.

Hindi ko maalis ang tingin sa screen. Ipinakita pa niya sa akin ang mga comment at tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang mabasa ang mga 'yon. Nasa comment section din ang mga kaklase ko na tuwang-tuwa sa bilis ng pagtaas ng engagement sa picture ko.

"See? Sa ibang candidates, nagme-mention pa para mapadami 'yong likes, tapos ikaw..." Napailing siya, nangingiti. "Kung itsura't itsura, puwede ka nang model. Sadly, sa ugali, hindi puwedeng role model."

I sneered. "Kaysa sa'yo. Hindi puwede parehas."

"Tangina ka talaga."

Dala ng kuryosidad ay ichineck ko ang mga nag-share, comment, at like. Mas marami ang hindi ko kakilala. Ang iba ay taga-ibang lugar pa. Most of the captions were either heart and fire emojis or positive things about my face. Kahit ang mga kapwa kandidata ay nag-iwan ng comment na parang hindi nila ako nakasama no'ng practice at photoshoot. Ang ilang lalaking schoolmate ay may nakakabuwisit pang mga litanya dahil nagagandahan naman daw sila sa akin; kaya lang, may pagka-maton daw ako.

I was frowning all throughout. "Kung gan'yang energy rin sana ang ibinibigay nila sa kapalpakan ng mga pulitiko, nakakulong sana ang mga magnanakaw at walang puwesto sa gobyerno."

"Agreed."

Ititigil ko na sana ang pagtingin ng mga nag-like no'n nang mahagip ng mata ko ang pangalan ni Juancho. Nag-init ang mukha ko nang mapagtantong naka-heart siya sa picture ko.

Tumikhim ako bago pumunta sa profile niya. Hindi sila friends ni Sadie pero naka-public ang pagsha-share niya ng album ng photoshoot namin. I looked through the other candidates' pictures to see if he liked or reacted to any of them, but I couldn't find his name listed anywhere other than mine.

"Sino 'yan?" untag ni Sadie.

Agad akong umalis sa profile ni Juancho. Kaunting browsing pa at iniabot ko na kay Sadie ang telepono niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon karami ang nakuhang atensyon ng larawan ko. My green eyes really popped out in that picture because my makeup was subtle and they complemented my dress. Nakatulong din ang kutis ko at hubog ng labi para magmukha akong babae... babaeng-babae.

I recoiled in disgust at my line of thinking. Pagkatapos ng pageant, hinding-hindi ko na uulitin ang ganoong pag-aayos.

"Mill, ipinatatawag ka ni Ma'am Capuso sa office!" sigaw ni Jewel habang papasok sa room namin.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat siya. "Puntahan mo na lang. Wala naman tayong klase."

I sighed as I nodded. Nagpaalam ako kay Sadie bago naglakad papunta sa faculty room. Sa bintana ay kita ko agad si Ma'am Capuso na abalang-abala sa mga papeles niya. I knocked twice before walking in.

Dalawang rason lang ang naiisip ko kung bakit niya ako ipinatawag—pageant at project. Nalalapit na ang deadline ko at kapag hindi ko pa na-interview si Juancho pagkatapos ng pageant ay ipapasa ko iyon kay Ma'am nang hindi kumpleto ang impormasyon. Kung mayroon man, it would be purely based on my opinion. Hindi factual.

Pero kung sakaling magkaroon ako ng place sa pageant— which I wasn't aiming—may oras pa para pilitin si Juancho. Hindi ko nga alam kung ano pang gagawin kong pamimisil ng datos sa kanya. I tried everything. Kinilala ko siya sa mas malalim na paraan, kaya ayan, nagustuhan ko pa siya.

"How's your online publication?" she asked, halting my thoughts.

"'Yong kay Juancho na lang po ang tinatapos ko."

Tumango-tango siya. "What angle are you now looking at?"

"His relationship with his father," sagot ko. "It's a personal question, so I'd like to address it by asking him directly. Kaya lang po ako natatagalan ay dahil hindi pa siya pumapayag."

"Okay." She shrugged. "It's your paper. Ikaw ang bahala."

I just gave a nod. I couldn't understand why she needed me here if she would only ask about the update.

"Do you know why I'm making you do this, Ms. Velasco?"

Umarko ang kilay ko. Sigurado ba siya sa tanong niya?

"Yes," I replied. "It's my project for failing my midterm exam and quizzes."

Tumawa siya. "I mean, in a different sense, do you know why this is your project?"

Umiling ako. May rason ba?

"Your friend was one of the hottest topics at our school last week, and you've seen how hard reporters worked to find out the truth and get a lead," she said. "What you're doing now is a mirror of what they were doing. It's your practice, your training. Gaya ng kaibigan mo, Montero isn't a public figure. But since they were related to one, their lives needed to be looked at."

Hindi ako nagsalita. I was at a loss for words.

"Your online publication will not be accessible to the public."

My lips parted. "Po?"

"You're not a reporter yet, and this is just a school project. You are free to disclose your data in any way you want."

"Bakit..." I was puzzled. "I mean, kung hindi ko ipu-publish publicly, ano'ng purpose po kung bakit ko ginagawa 'to?"

"I told you, practice. I want to see how far and deep you can go as an aspiring journalist. And in the future, if you happen to bump into Montero again, you can use your exclusive information. Lalo at may bali-balitang susunod siya sa yapak ng tatay niya."

Hindi ako sanay na may sense si Ma'am kausap. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapahiya o pinagagalitan. Kaya ngayong may mga tama siyang sinasabi, hindi ko maiwasang isipin na ibang tao ang kaharap ko. Not unless, may kapalit ang kabaitan niya ngayon.

"I need you to add another angle to his article."

Halos mapatawa ako sa sarili. Sabi na, eh.

Ipinatong ni Ma'am ang magkahugpong na mga kamay sa mesa at seryosong tumingin sa akin. At that point, I felt a little tense.

"Do you remember Maria Psyche Alvarado?"

I tried my hardest not to react. Ikinuyom ko ang isang kamay sa uniporme ko para pigilan ang pangungusisa.

"May isang estudyante na nagsusulat tungkol sa kanya. Special project din 'yon dahil bumagsak siya sa midterm ko," saad niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko 'yon. "While investigating and writing about Alvarado, he discovered that she and Montero shared some sort of connection."

My nails were digging into my palm, attempting to take my mind off the slight tightening in my chest. Nanumbalik sa akin ang nakita sa silid. Ang banayad na paggamot ni Juancho sa mga sugat ni Psyche at ang marahang pagkausap niya rito.

"I need you to find out what it is. Check natin kung parehas kayo ng malalaman no'ng nasa 4C," pagpapatuloy ni Ma'am. "Their parents are both politicians. Hindi man big deal kung may koneksyon nga sila, it's still interesting, right?"

Gusto kong umiling. Wala namang interesante kung may relasyon sila. It was their right to privacy, and trying to pry into it wouldn't change anything. At kung totoo man 'yon, sigurado akong may rason kung bakit nila itinatago 'yon.

"Go and challenge yourself, Ms. Velasco. This isn't something you can learn from textbooks."

Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang tanungin ang bagay na 'yon kay Juancho. Kahit pa sabihing hindi mapu-publish publicly ang article, may parte sa akin ang gustong iwan na lang sa kapalaran ang aspetong 'yon. I wanted it to be a mystery, something I had no idea about.

But then, I knew in my heart that ignorance was a surefire way to meet failure, as it would indicate resistance to change.

Hindi ako hipokrita. Alam kong isa lang naman ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman ang tungkol sa relasyon nila—ang nararamdaman ko para kay Juancho.

Sa oras kasi na malaman ko ang totoong estado nila, mawawasak ang mga ilusyon ko at wala akong magagawa kung hindi ang kalimutan siya o ang pilitin ang sarili na makuntento sa paghanga sa kanya mula sa malayo.

Gayunpaman, alam kong kailangan kong gawin ang dapat gawin. Mabuti na nga siguro 'yon. At least, wala na akong rason para iwasan ang paksang 'yon.

And so, I spent the next few days, whenever I had some downtime, working on a recording bug. Hindi ko alam kung saan ko magagamit ko 'yon dahil sigurado akong hindi legal 'yon. Listening to someone's conversation without their permission was against the law.

Still, I found myself working on it. Ni wala akong ideya kung bakit ko pinag-aksayahan ng oras 'yon. After I finished making it, I stuffed it inside my bag and promised myself that I wouldn't use it because there was no need for me to resort to desperate stalking tactics.

"Wala ka ring kuwenta..." bulong ko pa habang nakatingin doon.

While all of these were happening, I visited Psyche's accounts to find something. Tinanong ko rin si Mari tungkol sa kanya dahil sa pagkakaalala ko ay ex-girlfriend ito ng kaklase niya, pero isang iling lang ang ibinigay niya sa akin. Pakiramdam ko ay may alam siya, ngunit mukhang wala siyang balak na sabihin iyon sa akin.

To: Juancho

Malapit na ang deadline ko. Pumayag ka na sa interview.

The entire week, I only got to text and observe him from a distance without his knowledge because I wanted to be cautious with my feelings. Kahit isang beses ay hindi ko siya nakitang kasama si Psyche. He seemed to be looking around him most of the time like he was waiting for someone, but when no one ever came, he just shook his head and focused on his readings. Halos buong linggo siyang ganoon.

On the night of the pageant, I could tell I wasn't prepared at all. May parte sa akin ang medyo nami-miss si Juancho dahil ilang araw ko rin siyang hindi personal na kinulit. Hindi rin naman siya nagre-reply sa akin kaya lalo akong tinabangan.

"'Yong tinuro ko sa'yo, ha? Ayusin mo," sabi ni Mari habang nire-retouch ako. "Your facial expressions should suit the rhythm of your walk. 'Wag puro ngiti. 'Wag puro simangot. Magsasawa ang audience at ang judges."

Nasa backstage kaming mga kandidata. Karamihan sa kanila ay may professional handler at talagang pinaghandaan ang kanilang evening at casual wear.

Sinabihan ako ng mga kaklase ko na magsuot ng wig, pero nang banggitin ko iyon kay Mari ay halos sugurin niya ang mga ito dahil naniniwala siya na ang buhok ko ang lamang ko sa ibang kandidato. Gabi-gabi rin, bago kami matulog ay paulit-ulit niya akong tinatanong ng pageant questions na binabara ko lang naman. Kung pupuwede nga lang na siya ang lumaban, maluwag sa loob ko ang pag-alis.

"Gusto ko nang matapos," tamad na reklamo ko nang ayusin ni Mari ang ilang hibla ng buhok ko.

"Mill naman! Kung hindi mo goal ang manalo, hindi mo rin dapat goal ang mapahiya," suway niya. "May 20,000 ka kapag nanalo ka. Sigurado ka bang hindi ka motivated?"

Umirap ako. "Tingnan mo ang mga kasama ko. May veterans sa mga 'yan. 'Wag ka nang umasang mananalo ako."

"Then, at least do your best. Enjoy the show and stop whining like a kid. Sayang ang pagtuturo ko sa'yo kung paano maglakad nang naka-heels kung magtatanga-tangahan ka sa stage." Halos pandilatan niya ako. "Your classmates prepared your casual wear, and I sucked up my shame to ask my handler before to lend me a gown."

"Edi, thank you."

She grunted. "God."

I laughed. "Chill. Kapag napahiya ako, ako na ang bahala ro'n. Don't stress yourself too much. Nagra-rant lang ako na gusto ko nang matapos 'to kasi ayoko naman talagang sumali."

Pinagpatuloy niya ang paglilitanya sa akin. Halos marindi ako sa mga sinasabi niya pero ayoko naman na siyang inisin. For a school pageant, she sure made it sound like a national production.

"Ang dami nang tao sa amphitheater! Good luck, guys!" masayang sabi ng isang kandidata. "Ang ganda nating lahat ngayon. Picture tayo mamaya, ha? 'Wag muna kayong uuwi!"

Para sa unang segment, naka-white T-shirt at denim jeans lang kami. Nagmakaawa pa ako kay Mari na magsasapatos na lang ako pero minura niya lang ako at inutusang isuot ang limang pulgadang heels. The tight fit of the jeans around my small waist and the way they clung to my toned thighs and legs made me look taller. The T-shirt was tucked into it, and I could say it was my favorite outfit out of everything I would wear tonight.

"Matagal pa naman, 'no?" tanong ko kay Mari.

Kumunot ang noo niya. "Pumirmi ka lang d'yan."

Hindi ako nakinig. Lumapit ako sa bag ko at kumuha ng dalawang stick ng yosi at lighter. Dinampot ko rin ang telepono ko na nakapatong lang sa monobloc.

"Mill!"

"Para hindi ako kabahan," pagrarason ko kay Mari nang makita niyang may dala akong yosi. "D'yan lang ako sa labas. Papasok din ako pagkatapos."

Magrereklamo pa sana siya nang tumalikod na ako. I knew she was frustrated, but I was more frustrated because I really didn't want to do this. Dumaan ako sa fire exit hanggang sa makarating ako sa pinakalabas at likod ng amphitheater.

Dahil gabi na at halos lahat ng manonood ay nasa loob na, mag-isa lang ako roon.

I heaved a sigh. My body was here, but my mind was wondering about Juancho and Psyche. Simula nang sabihin iyon sa akin ni Ma'am Capuso ay hindi ko na iyon nakalimutan.

Psyche was the embodiment of Juancho's ideal type, while I was the polar opposite of it. And the fact that I was thinking about these things when I should have been freaking out over the pageant that would start in less than an hour... I didn't know what to feel anymore.

Inilagay ko ang isang stick sa bibig ko at handa nang sindihan iyon nang umilaw ang telepono ko. Without putting out my cigarette, I peered at my phone to check who had texted me, and right at that instance, a wave of emotion washed over me when I recognized the sender.

From: Juancho

Where are you?

Iyon ang unang beses na nag-text ulit siya matapos ang palitan namin ng mensahe noong inihatid niya ako sa kanto ng apartment. I didn't want to get my hopes up, but I couldn't deny the excitement those three words sparked within me.

To: Juancho

Why? Magpapa-interview ka na ba?

Tinanggal ko ang yosi sa bibig habang hinihintay ang sagot niya. Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kong walang patutunguhan 'to, pero kapag kaharap ko na siya, parang gusto kong pagbigyan ang sarili.

I would try to justify my actions by telling myself that it wasn't wrong to have a crush on someone as long as I didn't get in the way of their relationship. But then, at the end of my senseless thoughts, my better judgment would always convince me to give up while it was still early... hangga't kaya pang pigilan.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng mga yapak sa gilid ko. I looked up to see who it was, and it wasn't long before I saw Juancho standing five meters away from me.

Dahil kumpirmado ko na ang nararamdaman ko, tila mas naging guwapo siya sa paningin ko. Wearing only a navy-blue polo shirt, beige pants, white leather low-top sneakers, and a silver watch, he looked like he'd stepped out straight from the pages of a men's fashion magazine.

Nakita ko ang pagbaba ng mga mata niya sa suot ko at ang bahagyang pag-arko ng kilay sa takong ko.

"Smoking is prohibited on the school premises," he said as he marched up to me.

Hindi pa ako nakakasagot ay mabilis na niyang naagaw sa akin ang hawak kong stick at lighter. Napasimangot tuloy ako.

"Hinanap mo pa talaga ako para pagalitan?"

Imbes na tumugon, muling bumaba ang mga mata niya sa paa ko. "Ilang inches 'yan?"

I felt a bit conscious about my toenails, but I managed to pull my shit together.

"Five," I answered.

"That's gonna hurt."

I scoffed. "Thanks for pointing out the obvious."

Ibinalik niya ang tingin sa mukha ko, at hindi ko napaghandaan ang kaunting pag-angat ng isang sulok ng labi niya.

"You're still shorter," he said teasingly.

"Eh, ano?" I mocked. "I'm still pretty."

Lumawak ang ngisi niya. "Really?"

Tumikhim ako at nilabanan ang panunudyo niya. "Why? You don't think so?"

He just let out a low chuckle as he lowered his gaze. There was a part of me that feared he would bring up the thought that he witnessed me having a breakdown, but he didn't.

Nang mag-angat ng tingin ay nagtama agad ang mga mata namin.

"Try to make it out alive," he muttered.

I gave him a sheepish grin, charmed by the way he wished me luck. His eyes gleamed slightly, but I didn't linger on the thought because it could have been my mind playing tricks on me.

"Ibalik mo sa'kin 'yang yosi ko, ha? Ang mahal na n'yan," sabi ko na lang.

Tumayo ako nang maayos bago bahagyang naglakad paunahan para lampasan siya. Hindi naman kasi ako puwedeng magtagal dito lalo at malapit nang magsimula ang pageant.

"I'll be in the audience. Text me if you need anything," he said before I could enter the backstage.

Tumigil ako at ngumisi sa kanya. God, I liked him so much, and the way he looked at me made me feel like he knew I'd be uncomfortable. Kung totoo mang may relasyon sila ni Psyche, then I guess I'd spend a lot of time being jealous of that girl because she got a really good guy.

"I need you to do the interview," I joked.

Natulala siya sa akin kaya ipinaling ko ang ulo sa gilid para putulin ang tingin niya.

After a few seconds, he sighed and nodded slowly, saying words that I knew would motivate me for the rest of the night.

"If you keep that smile and confidence up, I might think about it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro