Chapter 1
Chapter 1
"Sublimation."
Mariin akong napapikit nang marinig iyon kay Mari.
Nasa sala kami, katatapos lang maghapunan. Si Karsen ay nagpapahinga na sa kwarto namin. Si Kat naman ay kausap namin via video call. Hindi na kasi namin siya kasama. Nang makapagtapos siya ay hindi siya nag-abalang mag-submit ng application form o resume sa mga kumpanya sa syudad. She made it clear that she wanted to work in the province. Hindi naman namin para pagdiskusyonan iyon. It was her life. She had full control over it.
"Defense mechanism."
Pinilit kong hindi pansinin si Mari. Nag-aaral siya sa sahig kaya hindi na naman normal ang mga termenolohiyang lumalabas sa bibig niya.
I kept my eyes on the screen of my phone. Simula noong sinabi ni Capuso na gagawa ako ng article tungkol kay Juancho, inaraw-araw ko na ang pagbisita sa social media accounts niya. It had been a week. Wala namang kwenta. Wala akong makuha kung hindi updates tungkol sa projects ng student council at law department.
"Alam mo ba 'to, Mill?"
I sighed heavily. Mukhang hindi ako patatahimikin ni Mari ngayon.
"Tinanong mo 'to sa'kin no'ng nabasa mo sa reviewer ko no'ng first year. I don't know if you remember."
"Ni hindi ko nga tanda ang lesson namin kahapon. 'Yan pa kaya?"
Napangisi ako nang mukha siyang nairita sa akin. She scoffed before dragging her eyes across her notebook. Ang bahagyang kulot na buhok ay sumunod sa pagyuko niya.
"Bakit? Ano'ng meron?" tanong ni Kat, dahilan para muling mag-angat ng tingin si Mari.
"Wala naman. It's interesting." Her eyes glistened a bit. "Nagbabasa-basa na ako. Magkakaroon kasi kami ng review next sem para sa board exam. I just happened to read it again."
"Tell me about it."
Tumingin ako kay Kat. She was sitting in a hammock outside her place, looking a little more rested than when she was here. Ang mga mata niya ay nakatingin sa screen na para bang interesado siya sa sasabihin ni Mari.
Napasimangot ako. Jusko. Graduate na siya't lahat. Aanhin pa 'yon? Hindi naman magagamit sa totoong buhay.
"Sublimation, healthiest defense mechanism as per Freud."
I sighed loudly, making sure they heard me. Suminghal sa akin si Mari bago muling itinuon ang atensyon kay Kat.
"It involves turning destructive urges into something good."
"Example?" si Kat.
Lintek. Itutuloy ba talaga nila 'yan? At sa harap ko pa?!
"Si Mill."
Amputa. Nandamay pa.
I put my phone away and looked at Mari, waiting for her next words. Subukan niya lang gamitin sa masamang bagay ang pangalan ko. Talagang do-drawingan ko ng tite ang mga notebook niya.
"She had a lot of aggression, so she studied martial arts," Mari said.
Ikinunot ko ang noo. "'Wag kang magdesisyon. Nag-aral ako no'n para may sasapak sa mga mabubwisit sa kaartehan mo."
Hindi niya ako pinansin. Ang atensyon niya ay na kay Kat lang. "Basta gano'n 'yon. Kapag nasasaktan, may mga nagsusulat ng poems, 'di ba? Kapag malungkot, nagbabasa. It's a way to control harmful impulses."
"That's hard," kumento naman ni Kat. "Ang mga tao, kapag may nararamdaman silang hindi maganda, their natural impulse is to get even or find something else to blame. Parang nasa DNA na natin ang magpadala sa emosyon natin. It's okay, but I wouldn't say it's always right. Our feelings are our own. We should know how to handle them."
Sumandal ako sa sofa. Alam kong marami akong bagay na dapat unahin ngayon, pero dahil naririnig ko ang pinag-uusapan nila ay hindi ko maiwasang mapaisip.
It was kind of... off. O siguro depende lang sa sitwasyon. Lalo kung biktima ang pinag-uusapan. We couldn't tell them to take martial arts classes or write a damn poem to get over their anger at their abusers. Isang malaking katangahan 'yon. Sometimes, retaliation was needed.
"Internal solution lang 'yan," hindi napigilang sabi ko.
Napatingin sa akin ang dalawa.
"Oo, mas magaan sa loob ang maghanap ng diversion para makalimutan ang negative emotions, pero after ng diversion... ano na? Na-address ba 'yong issue? Nasolusyonan ba 'yong dahilan kung bakit ka galit, malungkot o nasasaktan?" I pursed my lips. "Being understanding all the time is bullshit. One day you'll be taken advantage of."
"Diversion is just a way to help you think clearly; solving the problem is a different matter," sabi ni Mari.
Kat shrugged. "Basta hindi magandang mauna lagi ang bibig. It'll make you regret a lot of things."
Napanguso si Mari. "Yeah..."
Hindi na lang ako sumagot. Hahaba ang usapan. We had different views. They believed that goodness always prevailed; I didn't. Kung mauna ang bibig ko, at least nasabi ko ang hinaing ko. I'd shown my true feelings. Sugarcoating words to get people to like them would never be in my dictionary. Bakit ko iisipin ang mararamdaman ng taong hindi naman naisip ang mararamdaman ko?
Nang pumasok ako sa kwarto namin ni Karsen matapos ang mahabang oras na pakikinig sa mga paalala ni Kat ay hindi ko maiwasang tamaan ng isang bagay na hindi ko kailanman ginustong maramdaman—takot.
Karsen, Mari, and Kat were the only people I considered friends. I grew up with them at Bahay Tuluyan, the orphanage where my parents left me. Sa kanila, kaya kong baliin ang prinsipyo ko. Basta hindi sila masaktan. It was my oath to hurt people who would hurt them. They were the only ones I had. Kaya kapag nasasaktan sila, wala akong ibang nakikita.
However, there were times when I felt like we were... drifting... apart.
Si Karsen, abala kay Kobe at sa pagha-handle ng relasyon nila. Si Mari, halos hindi na tumatagal ng dalawang oras sa pakikipag-usap sa'kin dahil sa trabaho at pag-aaral niya. Si Kat naman, malayo na. Hindi ko na puwedeng puntahan na lang basta. May mga bagay siyang dapat unahin kaysa sa pag-aaksaya ng oras sa'kin.
Napailing na lang ako sa sariling takbo ng utak. I hoped I hadn't gotten so attached to them. Para kapag umalis sila, hindi ako masyadong masasaktan.
Sublimation? That was funny. No amount of distraction could take away the pain.
Rae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 1m
Putanginamo, Capuso. Kasalanan mo lahat ng 'to.
"Ano'ng balak mo kay Juancho?"
Parang tama ng baril ang tanong sa akin na iyon ni Sadie. Nagsimula na ako sa pagsusulat ng ilang news article, pero ang sulatin para kay Juancho, blangko pa rin.
I only knew that he was Juancho Alas E. Montero, 23, and that he was born on July 25 in Prosperidad, Agusan del Sur, where his mother was from. She died when he was 2 years old, and he moved in with his father in Baler, Aurora—lugar kung saan kasalukuyang gobernador ang tatay niya.
"Wala ka pang nasisimulan?"
Umiling ako kay Sadie. "Hahanapin ko siya mamaya after class. Itatanong ko kulang kailan siya puwede."
"For interview?"
"Oo."
Tumawa siya. "Kunwari posible, pero sige. Good luck."
Nasa labas kami ng room, nakatambay. Katatapos lang naming i-format ang RRL ng thesis namin at may oras pa bago ang susunod na klase. Ayoko ngang matapos ang araw dahil ayokong harapin si Juancho. Punyeta naman kasi. Kung alam ko lang na may kakailangananin ako sa kanya, hindi ko sana hinayaang ganoon ang first interaction namin!
"Mag-i-install na sila ng CCTV sa likod ng buildings, 'no?"
Tumango ako. "Ang tatanga kasi ng tumatambay. Nag-iwan ng bote. Huli tuloy."
"Biglaang inspection, eh."
"Student council na nag-iikot amputa. Ano 'yon?" I laughed. "Para tayong elementary."
"Malapit na ang accreditation. Syempre, kailangang magpakitang-gilas ng school para masabing maayos ang sistema nila."
"Hangga't nandito si Capuso, hinding-hindi tayo aayos."
May dalawa sa kabilang section ang kagaya kong gagawa ng online publication. Ang isa ay naatasang gumawa ng article tungkol kay Maria Psyche Alvarado, anak din ng isang politiko. We were tasked to write an article about her father last year. Kung siya ang natapat sa'kin, mas madali sana. Kumpara kasi kay Juancho, mas mukha naman siyang approachable.
Buong maghapon ay laman ng utak ko ang gagawin. Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase ko kung saan puwedeng mahanap si Juancho. Sa library, College of Law, o student council office—doon lang daw pumupunta 'yon. They knew because he was the kind of guy most of the girls in our room wanted to date. Kapag pumupunta sa newsroom ang student council ay nagvo-volunteer pa silang mag-assist.
"Mabait 'yon," sabi pa ng kaklase ko. "Kahit busy, nakakapag-conduct pa rin ng leadership training para sa mga student leader."
Tumango ang isa ko pang kaklase na kinakausap ko rin tungkol kay Juancho. There were five of them, and each one told me what they knew about him.
"Sa pagkakaalam ko, no'ng gumraduate siya ng PolSci, kinausap siya ng university director na tumakbo ulit na president ng student council. Marami kasi siyang naging successful na project no'ng unang term niya. First time 'yon. Ang rule noon, sa undergrad ng bachelor's degree dapat kukuha ng president. Bawal na 'yong mga nasa med at law school."
Our state university was the largest one in the region. It housed both a medical school and a law school. It also offered a graduate school for students who wanted to get their master's degree.
Perfect na sana kung hindi lang kulang ang mga teacher. May mga Math major na napipilitang magturo ng Literature. Science major na nagtuturo ng Filipino. Double work pero underpaid. Mayroon pang mga contractual. Madamot masyado sa benefits.
"Last term niya na ngayon kaya full force din ang ibang officer sa leadership training. Feeling ko ginagawa niyang training ground 'to. May bali-balita kasing susunod siya sa yapak ng tatay niya."
Kumunot ang noo ko. "Totoo ba?"
"Chismis pa lang pero hindi imposible, 'di ba?"
"Jusko," bulaslas ko. "Ang ganid naman ng pamilya niya. Wala ba silang ibang alam gawin? Politician ang tatay. Politician ang tito. Tapos papasok din siya sa politiko? Tanginang family bonding 'yan."
Nagkibit-balikat ang kaklase ko. "Magkakaiba naman sila."
Natawa na lang ako. Political dynasties were common in the Philippines, so I shouldn't be shocked if Juancho followed in his father's footsteps. Kapag nasa katungkulan, madali ang mangurakot. Sasabihing milyon-milyon ang proyekto, pero ang totoo, malaki rin ang porsyento nila ro'n. Pag nag-propose ng 10 million-worth of expenses at ang totoong nagamit ay 2 million lang, saan napupunta ang iba? Binubulag nila mga tao sa pagpapatayo ng infrastructure. Ipapangalan pa 'yon mismo sa kanila. At ang mga panatiko? Wala. Bulag na papalakpak.
Pagkalabas ng professor namin sa last subject, hindi na ako nag-aksaya ng oras. I went to the school library to look for Juancho, but he wasn't there. Pinuntahan ko rin ang student council office pero nabigo lang ako. Kung wala siya sa College of Law ay hindi ko alam kung saan pa siya hahanapin.
I started looking through the rooms, hoping to come across him. Ibang-iba ang rooms nila kumpara sa amin. There were three rows and seven columns of the long, wooden desks. Each column was positioned higher than the one that came before it. Ang bintana ay tinatakluban ng blinds, pero mayroong ilan na walang harang kaya malaya kong nakikita ang loob.
"Authorities must comply with the law and treat informal settlers with civility when ordering them to leave the land."
Napatigil ako sa pagbubukas ng pinto nang marinig iyon. It was from the room next to me. Bahagyang nakaawang ang pinto kahit pa nakababa ang mga blinds. I peeped through the crack in the door and saw Juancho standing in the middle of the room, his eyes darting toward the front.
Napahinga ako nang malalim sa postura niya. He was dressed in a black long-sleeve button-down shirt tucked into khaki slacks. His hair was neatly combed, and his stern expression gave him an air of dominance.
Kahit estudyante pa lang ay mukha na siyang professional. Lalo ngayong nakatayo siya sa gitna ng klase habang ang mata ng ilang kaklase ay nakatutok sa kanya.
"They should be given at least a 30-day notice before the date of eviction or demolition. Contrary to popular belief, property owners are not legally obliged to look for new locations for the informal settlers," he said. "Kung ayaw umalis, the best course of action is to collaborate with the LGU. Get a court ruling for eviction or demolition. Dito papasok ang housing, labor, and financial assistance programs."
"And the professional squatters?" I guess it was the professor.
"Corrective measures will be taken against them. Punishable by up to six years in prison or monetary fines."
I squinted at him. Walang kaba sa mukha niya habang sumasagot. Kung ganito ang recitation sa amin, hindi ko alam kung buhay pa ako. Baka tanggapin ko na lang siguro na araw-araw akong nakatayo buong klase. Tapos si Capuso pa ang prof? Puta. Hindi na ako mag-aaral.
Titig na titig ako kay Juancho. Paano ko siya i-a-approach kung gan'yan siya? Not that I was afraid, but his confidence made me a little uneasy. Siguro dahil may parte sa akin ang alam na sa kanya nakasalalay ang pagpasa ko kay Capuso. At sa oras na wala akong maisulat tungkol sa kanya, wala akong magagawa kung hindi ang i-execute ang huling plano ko—i-rewatch ang How to Get Away with Murder at isagawa iyon kay Capuso.
I was mentally laughing at my own joke when Juancho turned his head toward me.
Napatayo ako nang tuwid. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko kung paanong tumaas ang isang kilay niya. My heart pounded in my chest, the same way it pounded the first time he caught me. Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa kanya. Ginulo ko ang buhok ko at bahagyang lumayo sa pinto para hindi niya ako makita.
Wow, totoo pala ang nervous system.
Aligaga akong naghintay sa labas ng building. Hindi na ako tumambay sa labas ng room nila dahil pakiramdam ko ay may masamang enerhiya roon. Halos tatlumpung minuto rin ang lumipas hanggang sa marinig ko ang ingay nila.
Dahil sa third floor ang room, naghintay lang ako sa dulo ng hagdan. Pansin ko ang pagtingin sa akin ng ilang estudyante dahil halata namang taga-ibang department ako. Pinabayaan ko na lang. Alangan namang tirikan ko sila ng mata sa pagtingin sa akin.
Isang malalim at mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang matanaw si Juancho. Pababa siya ng hagdan, magkasalubong ang mga kilay. May mga kasabay siyang bumababa pero nangingibabaw ang tangkad niya. Considering my height of 5'3", I guess he was more than 6 feet tall.
Oh, edi siya na. Nag-aagaw kulay naman ang green at brown sa mata ko! His common brown eyes couldn't.
As if hearing my thoughts, his gaze shifted to me. Bahagya akong napasinghap sa kaba. Kung makatingin kasi siya ay para akong napatay ng isang pamilya!
"Juancho."
Kusang lumabas iyon sa bibig ko nang akmang lalampasan na niya ako.
Palihim kong kinurot ang sarili ko. Punyeta. First name basis agad, Millicent.
Tumigil siya sa paglalakad at bumaling sa mga kasama niya. Pinauna niya ang mga ito bago tumingin sa akin.
Nasa gilid lang kami ng hagdan. Sa likod niya ay lumalampas ang mga kaklase. Parang kinikiliti ang ilong ko sa bango niya. Syempre, hindi ako maniniwalang natural scent niya 'yon. Sigurado akong may air freshener sa room nila.
"I'm Millicent Rae Velasco, BA in Journal—"
"We've met."
Agad na tumalim ang mata ko. Hindi niya ako pinatapos?
I faked a smile. Putangina nito, ah. Kung hindi lang kita kailangan, nunkang pansinin kita!
"Isa sa mga requirement ko ang gumawa ng online publication, at in-assign ako ng prof ko na magsulat ng article tungkol sa'yo." My voice was calm, even though I was raging inside. "Itatanong ko lang sana kung may free time ka ba para ma-interview kita?"
He towered over me, but I could see clear frustration in his eyes. Gustong-gusto ko siyang murahin dahil nagtatanong naman ako nang maayos pero pinigilan ko ang sarili. Habambuhay ko na lang siyang iba-bash kapag naging politician na talaga siya.
"I'm busy," he said in a dismissive voice.
"Kahit ten minutes lang."
Kumuyom ang panga niya. "I don't do interviews, not even for a minute."
Tumalikod siya sa akin kaya nataranta ako. As if in reflex, I stood next to him.
"Five questions lang!"
Nagsimula siyang maglakad kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanya. Kitang-kita ko ang lalim ng kunot ng noo niya.
"Bilis na! Dito nakasalalay ang pag-graduate ko on time! Hindi naman ako magsusulat ng pangit tungkol sa'yo! Promise!"
Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang wala siyang naririnig.
"Bahala ka, sige! May isang future ang masisira dahil sa'yo. Student leader ka ba talaga n'yan?"
Irita siyang tumingin sa akin. "I let you off easy the first time. Don't get on my nerves."
"Bilis na kasi! Mabilis lang naman 'yon! Kung gusto mo, babayaran kita ng 500 per question!" Nagsisi agad ako pagkasabi ko no'n. Limang araw ko nang baon 'yon!
That didn't matter much to Juancho. He just walked along with his long legs, and I had to almost run to keep up with him. God! De-gulong yata ang paa niya!
"Ano bang gusto mo? Five questions lang naman."
"I want you to leave me alone."
"Bukod d'yan!"
Hindi niya ulit ako pinansin. A lot of the students who were greeting him also looked at me like I was losing my mind. Maliit ang ngiti niya sa ilang kakilala. Ang iba ay tinatanguan lang.
"Imagine, with just five questions, you can help me graduate!" I was practically begging.
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school ay hindi ko siya tinantanan. He went to his motorcycle and rode it with ease. Agad kong kinuha ang helmet niya para hindi siya makaalis. Napatingin siya sa akin, ang mata ay nandidilim.
I took a breath and calmed myself. "I'll pay for your time... or your answers. Basta pagbigyan mo lang ako. I'll write a really good article about yo—"
"I don't care," he cut me off. "Sinabi ko nang ayoko, 'di ba? What else do you want to hear?"
My chest hammered at his low, angry voice. Sasagot pa sana ako nang haklitin niya ang helmet sa akin.
"Get out of my way, and stop acting like I owe you."
Pinasibad niya ang motor at naiwan akong nakatayo roon. Pumikit ako para alisin ang panggagalaiti sa dibdib ko. Inasahan ko namang mahihirapan akong mapapayag siya dahil hindi naman lihim ang pagiging pribado niya, pero desperado na ako. I had to graduate on time, and when people said education was the key to success, I think Juancho held my fucking lock.
Kinuha ko ang phone ko at ginawa ang isang bagay na matagal ko na dapat ginawa.
Juancho Alas Montero
Add Friend
I clicked on it and smiled to myself.
Juancho Alas Montero
Cancel Request
"Akala mo titigilan kitang gago ka?" bulong ko. "Ulol. Hindi ako si Mike Enriquez, pero hinding-hindi kita tatantanan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro