24 | The Choice
24 | The Choice
Blood is running out of her belly as the knife pierced her skin. Her white dress is now drenched with red, flowing down her feet. Her eyes are on Pildo, begging him.
My eyes are wide opened as my brain can't seem to process what just happened. My heart is beating rapidly as tears began to form on my eyes. I could feel my body numbing as my legs shake in panic and fear.
“Tanah! Shit!” sigaw ni Asahi.
“Tanah!” sigaw ni Pildo.
Mabilis silang nakalapit ni Persy at Pildo sa kay Tanah. Tanah lost her balance but Asahi immediately caught her. Persy was holding Tanah's hands that are trying to hold the knife. And Pildo was crouching in front of them, terrified.
“Jusko! Anong nangyayari?”
“Si Tanah! Jusko! Sabihin mo sa Nanay niya ang nangyari!”
Nagkakagulo na ang mga tao. Ang iba ay umiiyak dahil sa takot at gulat, at iba ay sinusubukang kumalma sa kabila ng mga nakita. Ang iba naman ay pinapaalis ang mga anak nilang nakakita sa nangyari.
“Huwag kayong magkagulo. Mahinahon kayong umuwi sa inyo. Pakisabi sa ina at ama ni Tanah ang nangyari. Dadalhin namin siya ngayon sa hospital,” kalmado ngunit ramdam kong natatakot rin si Tito Paul.
“Bilis! Umalis na tayo!”
“Jusko! Kawawa naman si Tanah!”
Sabay-sabay at halos magtakbuhan ang mga tao paalis ng lawa. Unti-unting naubos ang mga tao ngunit hindi pa rin ako makagalaw sa nakita.
“D-Dom?” Tanah still managed to call Pildo.
She was trying to reach for Pildo's face. Pildo immediately held her hand.
“Tanah, dadalhin ka namin sa hospital. Huwag kang pumikit. Tatawagin namin ang Nanay at Tatay mo.” Kalmadong sabi ni Pildo sa kanya.
What broke me is seeing those tears cascading down her cheeks as she look at Pildo with those broken eyes. Small and soft sobs came out from her mouth.
“H-Huwag mo akong iwan. H-Hindi ko kaya k-kapag wala ka, Dom.”
“Tanah, tama na. Huwag ka nang magsalita,” saad ni Asahi dito.
Marahan siyang umiling. Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ni Pildo. “D-Dom, huwag mo akong iwan.”
“Nandito lang ako, Tanah. Huwag kang pipikit. Dadalhin ka namin sa hospital,” wika naman ni Pildo sa kanya.
I felt a hand held my arm. Tumutulo ang mga luhang wala sa sariling napalingon ako rito.
“Precy, umuwi muna tayo sa bahay. Sila na ang bahala sa pagdala kay Tanah sa hospital,” wika ni Tita Dahlia sa akin.
Just like me, she's also in tears. She's also horrified. I went to look at my Mom, and my Dad is hugging her tight on his chest, preventing her from looking at the dreadful scene.
“Shit!” Napalingon kami kay Pildo.
That's when we noticed how the blood gushed out even faster than before.
“Persy, ihanda mo ang sasakyan doon! Bilisan mo!” asik ni Pildo saka mabilis na binuhat si Tanah mula kay Asahi.
Walang salitang mabilis na tumakbo paalis ang kapatid ko. Saglit akong nilingon ni Pildo habang buhat niya si Tanah sa braso niya.
Tumutulo ang mga luhang dahan-dahan akong tumango bilang pagbibigay paanyaya sa kanya na saklolohin si Tanah.
When he noticed my nod, he immediately ran away from the lake, Asahi is following him.
“Precy, umuwi muna tayo sa bahay,” bulong sa akin ni Tito Paul habang hawak niya ang mga likod namin ni Tita Dahlia.
That's when I lost my balance.
“Precy!” sigaw ni Dad.
Ramdam ko agad ang pagyakap ni Daddy sa katawan ko. My breathing hitched. My body is shaking.
I could no longer feel my strength. I am panicking.
“Precy, anak? Masama ba ang pakiramdam mo? Uuwi muna tayo. Magpahinga ka sa bahay,” Dad said as he caressed my hair.
I can't speak. I want to talk but there's something blocking my mouth to do so.
“Honey, it's alright. It's gonna be fine,” bulong ni Mommy sa akin na hindi ko man lang namalayang nakalapit na.
“Dalhin na natin siya sa bahay, Kuya Sim. Sigurado akong nagulat at natakot siya sa nangyari,” wika naman ni Tita Dahlia.
Kaya mabilis na lang akong binuhat ni Daddy.
Tears keep on falling from my eyes. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kay Tanah. Hindi maalis sa isipan ko ang pagmamakaawa niya kay Pildo. Ang pagsaksak niya sa sarili para lang balikan siya.
I can't blame her. She's in love. She loved Pildo to the point that she will sacrifice herself to have him back. But unfortunately, her love is dangerous and deadly.
Dahan-dahan kong inihilig ang ulo sa dibdib ni Daddy. I slowly closed my eyes. Hindi ko na pinigilan pa ang mga luha. Hinayaan ko na lamang kumawala.
Balot ng katahimikan ang paligid. Walang nagsasalita kina Mom at Dad or kina Tito Paul at Tita Dahlia. Pawang mga yapak lang nila ang maririnig sa madilim na gabi na mas lalong nagpabigat sa dibdib ko.
When we arrived at the house. Dad immediately went straight to my bedroom and tucked me on the bed. Even Mom, Tita Dahlia, and Tito Paul were there. All worried for me.
My Dad held my hand tight as he sat beside me.
“May gusto ka bang kainin, anak? Tubig? Gusto mo ba ng tubig?” he asked, worry is visible on his face.
I breathed in and slowly shook my head. Dad wiped my wet cheeks and kissed my forehead.
“I'm sorry, Precy ko. I can't protect you from things like this. I am sorry, anak,” bulong niya.
I bit my lower lip. I breathed in. Trying to calm myself. I want to speak. I want my Dad to know that I'll be fine. I want them to know that I'm going to be alright.
I held his hand back. “D-Don't worry about me, Dad. I-I'll be okay.”
Mabilis na lumapit si Mommy saka naupo sa tabi ni Daddy. She then hugged me as tight as she can.
“Thank goodness, honey. Just tell us if you need anything, okay? Just call us, okay?” wika ni Mom.
I nodded. “I-I just want to... rest, Mom.”
She nodded understandingly. She looked at Dad. “Let's go out for now. She needs time to process everything.”
Dad nodded and looked at me. He squeezed my hand. “Nandiyan lang kami sa labas kapag may kailangan ka, okay?”
I nodded. Sabay silang lumabas na apat. As soon as they closed the door, I closed my eyes tight as I gripped my hair. Tears won't stop from falling. My chest keeps on tightening.
I felt sorry for Tanah. I felt sorry for the things she has to sacrifice to have Pildo back. I felt sorry for her parents.
Ano na lang ang naramdaman ng mga magulang niya ngayon? I'm sure that they are terrified. They are probably scared for their daughter.
Tahimik akong umiiyak hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.
I creased my forehead as I felt something stroking my hair. Dahan-dahan kong minulat ang mga maga kong mata. Only to see Pildo watching me with worry in his eyes.
“Babe?” bulong niya nang magsalubong ang mga mata namin.
I looked around. I am still inside my bedroom here in Casa Caballeros. But I am no longer wearing the same clothes.
“Pildo? W-Who dressed me?” I asked in a small voice.
He smiled a bit and caressed my cheek. “Si Mommy mo.”
I nodded. I went silent.
“Ayos lang ba ang pakiramdam mo?” he asked. “Tatawag ba ako ng doctor?”
I shook my head. “Hindi na. I'm gonna be fine.” I answered. “S-Si Tanah. How is she?”
He sighed. “Tapos na siyang gamutin kahapon. Tinurukan lang siya ng sedatives para makatulog at kumalma. Sabi ng doctor, wala namang masamang sugat sa kanya. Mabuti na lang.”
Tumango ako. “Thank God. Ang mga magulang niya. Alam ba nila na nasa hospital si Tanah? Sinabi mo ba sa kanila?”
Tumango siya saka muling hinaplos ang pisngi ko. “Sinabi ko na. Huwag kang mag-alala.”
I nodded. “Sina Mommy at Daddy, nasaan?”
“Nandoon sa baba. Nagugutom ka na ba? Dadalhan kita ng pagkain dito,” sabi niya.
I shook my head. “Bababa na lang ako. Sasabay ako sa pagkain.”
“Sigurado ka?” he asked.
I nodded. “Yes.”
Agad niya akong inalalayan sa pagbangon. Pati sa pagbaba sa kama ay nakaalalay siya sa akin. Tapos ay hawak niya ang likod ko habang naglalakad kami pababa sa hagdan, patungo sa kusina.
Naabutan ko doon sina Mommy, Daddy, Tito Paul, Tita Dahlia, at Persy. Nakaharap na sila sa hapag.
When they saw me, my Dad immediately stood up, as well as my Mom. Sumunod na rin sina Persy at ang mga magulang ni Pildo.
Lumapit si Dad sa akin. “Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak? Bakit bumaba ka pa? Dadalhan ka lang sana namin ng pagkain doon sa kwarto.”
I smiled softly at him. “Ayos na ako, Daddy. Sasabay na lang ako sa inyo sa pagkain.”
Mom worriedly look at me. “Are you sure, honey?”
I nodded and gave off a reassuring smile. “Yes, Mom.”
“Sige na, maupo na tayo at nang makakain na. Bibisita pa tayo mamaya kay Tanah. Sabay-sabay tayong pupunta doon,” wika ni Tita Dahlia.
“Ayos lang po ba kay Ate na pumunta?” tanong ni Persy na nakatingin sa akin.
Tumango naman ako agad. “Ayos lang sa akin, Persy. Gusto ko rin naman na malaman ang kalagayan ni Tanah. Tsaka, gusto kong humingi ng paumanhin sa pamilya niya sa nangyari.”
Kumunot ang noo ni Tita Dahlia. “Bakit ikaw ang hihingi ng tawad, hija? Wala kang kasalanan. Kung tutuusin, kami ang dapat humingi ng tawad sa kanila dahil naging insensitive ako noong inimbita ko sila sa engagement party ninyo. Dapat naisip ko ang dating relasyon nila ni Pildo bago ko sila inimbita.”
“Galit po ba sila?” tanong ko.
Inalalayan ako ni Pildo sa pag-upo. Sa tabi ko siya naupo.
“Hindi sila galit. Huwag kang mag-alala,” si Pildo ang sumagot.
Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan na nasa harap ko.
Tita Dahlia sighed shortly. “Baka sa akin, galit sila.”
I looked at her with question on my eyes. Even my parents looked at her in confusion.
Bumuntong-hininga siyang muli. Si Tito Paul sa tabi niya ay tahimik lang din at hinahayaan si Tita na magsalita.
“Si Tanah...” she paused. “... hindi siya ganoon kabait na bata. Kung hindi mo siya kilala, kung titingnan mo siya sa malayo, masasabi mong isa siyang ideal na babae. Mahinhin, maganda, mahinahon, mabait.”
She sipped on the juice in front of her. “Akala ko rin noong una ganoon siya. Gustong-gusto ko siya para sa anak ko. Sabi ko, kung mag-aasawa man si Pildo, dapat si Tanah. Dahil tiyak akong aalagaan siya ng mabuti at ang mga magiging anak nila.” Saglit siyang tumigil. “Pero nagkamali ako. Iba pala siya sa inaakala ko. Dahil noong magkarelasyon na sila ni Pildo, unti-unti kong natutunghayan ang kalidad niya.”
She looked at me with eyes I can't read. “Ayaw niyang lumalayo si Pildo sa kanya. Gusto niyang palaging nakasunod ang anak ko, o kaya ay palagi siyang nakasunod sa anak ko. Isang araw ay gumawa rin siya ng gulo rito sa hacienda. May bisita kami noon, isang malapit na kaibigan, may anak silang babae, siguro ay kaedad mo.” She chuckled. “Mabait ang batang iyon. May boyfriend rin. Ang kaso ay syempre sa kay Pildo siya ini-asa ng mga magulang niya dahil wala naman siyang kilala rito sa hacienda. Sinugod siya ni Tanah at...”
She suddenly went silent. Tito Paul caressed Tita Dahlia's back.
Tita Dahlia cleared her throat as she started talking again. “... tinulak niya mula sa third floor si Sheena. Hindi sana siya mapupuruhan kung katawan niya ang unang bumagsak, kaso ulo niya ang unang tumama sa garahe.”
I felt my body numb. Ramdam ko ang paghawak ni Pildo sa kamay ko. Rinig ko rin ang singhap ni Mommy sa tabi ni Dad.
“W-What? I-Is it really Tanah?” tanong ko.
Malungkot na ngumiti si Tita Dahlia sa akin. “Nakita siya ng kasambahay namin. Dalawang kasambahay. Simula noon, hindi na muling nakipag-usap sa amin ang kaibigan ko. Umalis rin ang mga kasambahay namin. Dumalang rin ang mga nagtatrabaho sa rancho at sa hacienda.”
“Tanah didn't go to jail, Dahlia?” Mom asked.
Tumingin si Tita Dahlia sa kanya at umiling. “Hindi. Dahil noong kinausap siya ng mga pulis, hindi siya makausap ng maayos. Dinala siya sa doctor, at sabi ng doctor may psychiatric disorder siya. Kaya sa mental facility siya dinala, imbes na sa kulungan. Walang hustisyang natanggap si Sheena. Na hanggang ngayon... kinalulungkot ko.”
Looking at this hacienda, you can see how beautiful it is. From the lake with swans and fish, with a guy who looks like an enchantment himself, to the vegetable garden, to the lands filled with huge trees that bears fruit, to this magical house.
This hacienda isn't that magical anymore. Who would have thought that the beauty of this hacienda hides the darkest crime? A crime without justice.
And Tanah? Who would have thought that behind those soft spoken voice, pretty smile, and innocent figure, hides the darkest side of a woman? Hindi ko lubos akalaing... kayang gawin ni Tanah iyon.
After that dreadful talk, I went back to the bedroom to get dressed. I still haven't recovered from what I saw last night, and now another set of truth have been revealed.
“Sigurado ka ba na sasama ka?” Malumanay na tanong sa akin ni Pildo.
I sighed. Nilingon ko siya. I stared at him for awhile. “Pildo, ano ba talaga ang rason kaya mo hiniwalayan si Tanah?”
Kita ko ang bahagya niyang pagkagulat sa tanong ko. Pero bumuntong-hininga na lamang siya saka naupo sa kama.
He then motioned me to come closer to him. Mabilis naman akong lumapit sa kanya.
He made me sat on his lap, as he encircled his arms on my body.
“Matagal ko nang tinatago ang bagay na iyon, Precy. Ayokong masira lalo ang imahe ni Tanah o ng pamilya niya. Dahil kahit baliktarin ang mundo, minahal ko siya,” bulong niya. “Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan kaya ko siya hiniwalayan?” tanong niya.
I immediately nodded as I looked at his veiny arms around my waist. “Oo, Pildo. Gusto kong malaman ang totoo.”
He sighed. He put his chin on my shoulder as he held my hands.
“Noong niyaya ko siyang magpakasal, hindi pa dumating si Sheena rito sa hacienda. Oo, noong una, nakipaghiwalay ako dahil hindi ko na siya mahal. Pero noong mapagtanto kong sasayangin ko ang limang taon, biglang nagbago ang isip ko,” bulong niya.
“Aayusin ko sana ang lahat, ang relasyon namin, pero dumating si Sheena. Isa siyang malapit na kaibigan. Hindi ko alam na hahantong sa malagim na krimen ang pagmamahal niya sa akin, Precy,” bulong niya at hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko. “Dahil noong tinulak niya si Sheena sa third floor, nandoon ako. Nakita ko lahat.”
Nagulat ako sa narinig. “A-Akala ko kasambahay lang ang nandoon, Pildo?”
Marahan siyang umiling. “Iyon ang pinapalabas ni Mama. Oo, may mga kasambahay rin doon, pero ayaw ni Mama na lumabas na kakampihan ko si Tanah dahil nobya ko siya, kaya tinago niya sa lahat ang katotohanang iyon.”
He sighed hard. “At alam mo kung ano ang sinabi sa akin ni Tanah matapos niyang itulak si Sheena sa balkonahe?” Iniyakap niya ang mga braso sa katawan ko, mahigpit. “Ngumiti siya sa akin, Precy. At sabi niya, 'Nakita mo iyon, Dom? Kapag nagmahal ka ng iba, ganoon din ang gagawin ko sa kanya'.”
“Natakot ako, Precy. Iyon ang dahilan kaya wala na akong naging nobya matapos sa kanya. Lalo pa't matapos ang krimen, inilabas siya agad sa mental ward, dahil ang sabi maayos na siya.” He stopped for a moment and breathed in. “Kaya no'ng tutukan ka niya ng kutsilyo kagabi, natakot ako. Baka saktan ka niya gaya ng ginawa niya kay Sheena.”
I sighed. Marahan akong humarap sa kanya. When I was already facing him, I hugged his nape as he put his face on my neck and embraced my body tight.
“Then... why did you chose to love me?” bulong ko.
“Hindi naman pwedeng habambuhay akong duwag, Precy,” wika niya. “Kaya no'ng mapagtanto ko sa sarili na mahal kita, unang pumasok sa isip ko ay ang tumira malayo sa hacienda. Kahit saan, basta malayo. Iyong hindi ka masasaktan.”
I sighed and caressed his hair. It would have been traumatizing. Imagine, seeing your girlfriend kill another woman just for you. Imagine having your girlfriend threatening you. It must have been hard for him.
“Bakit parang walang alam ang mga kaibigan at kaklase mo, Pildo?” tanong ko.
Bumangon siya mula sa leeg ko at tumingin sa akin. “Dahil tinago ng pamilya ko ang nangyari. Dahil iyon rin ang gusto ng mga magulang ni Tanah. Handa silang ipakulong si Tanah, basta huwag lang kumalat ang nagawa niya.”
And with that talk, I suddenly have the courage to face Tanah in the hospital. I want to stay beside Pildo and show him that I can stand up for him, and that I won't leave his side no matter what.
So, when we arrived at the hospital, I held his hand tight and securely. But we were about to enter her hospital room when her mother stopped us.
“Nandito ba kayo para bumisita sa anak ko?” tanong ng Nanay niya, maga ang mga mata.
“Opo, Nay. Gusto lang naming alamin kung maayos ba siya?” si Pildo ang sumagot.
Tumingin ang Nanay ni Tanah sa amin. Saka siya umiling. “Hindi pwedeng pumasok kayo doon at magpakita sa kanya. Magwawala siya kapag nangyari iyon. Si Pildo lang ang gusto niyang makita. Kaya nakikiusap ako, si Pildo na lang papasukin ninyo sa kwarto.”
Pildo looked at me. Dahan-dahan akong tumango.
“Sige na. Pumasok ka na at kumustahin siya. Dito lang kami sa labas,” bulong ko.
He sighed and nodded. Nag-alangan pa siyang bitawan ang mga kamay ko pero wala rin siyang nagawa sa huli. Saka pumasok sa kwarto.
Naiwan kami sa labas kasama ang Nanay ni Tanah. Tapos ay malungkot siyang tumingin sa akin.
“H-Hija, patawad sa gulong nangyari,” wika niya. “Dapat ay binantayan ko ng maayos ang anak ko kagabi. Hindi sana siya nakaalis. Hindi sana siya nakagawa ng gulo.”
“Wala po kayong kasalanan, Nay. Ang mahalaga po ngayon ay ang kalagayan ng anak ninyo,” wika ko.
Umiling siya. “Hindi siya maayos, hija. Gagawa ulit siya ng gulo kapag hindi siya dadalhin sa mental facility. Kasalanan ko ito, eh. Noong una ay kinulit ko ang mga doctor at nurse doon na maayos na ang kalagayan niya. Kaya siya pinalabas. Ngayon, nagsisisi na ako. Gusto ko na siyang ibalik.”
Tumingin siya kina Tita Dahlia at Tito Paul. “Madam, Sir, humihingi po ulit ako ng tawad. Alam kong sobrang laki na ng kasalanan ng pamilya namin sa inyo. Pero huwag kayong mag-alala, itatama ko ito. Ibabalik namin siya sa mental facility. At...” she sighed. “... hindi siya ilalabas.”
Tita Dahlia sighed and went closer to Tanah's mother. “Wala kang kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Bilang isang ina, naiintindihan kita. Ang hinihingi ko lang ay... mabalik sa mental facility si Tanah. At maraming salamat dahil ikaw na mismo ang nakaisip niyan. Maraming salamat.”
Tumango siya. Akmang magsasalita siya nang biglang sumigaw si Tanah mula sa loob ng kwarto.
Nataranta kaming lahat. Mabilis kaming tumakbo papasok.
When we were already inside, I was surprised to see Tanah. She's on a white hospital gown. Her hands are tied on the headrest of the hospital bed. And she's crying while looking at Pildo who's sitting on the chair beside her bed.
When she noticed our entrance, her eyes immediately stopped on me. Then she started crying and shouting.
“Paalisin niyo siya rito! Paalisin niyo iyang babaeng iyan dito! Papatayin kita! Papatayin kita!” she kept on shrieking.
Mabilis na tumayo si Pildo at lumapit sa akin. Agad niya akong tinago sa likod niya kahit pa nakatali si Tanah.
“D-Dom, umalis ka diyan! Dom, layuan mo siya! D-Dito ka lang sa tabi ko! D-Dom, mahal na mahal kita!” She keeps on crying.
Malungkot na lumapit sa kanya ang Nanay niya. Tapos ay tumingin sa amin.
“Sa tingin ko ay hindi magiging maayos si Tanah hangga't makikita niya kayo, Pildo,” wika niya. “Kaya maraming salamat sa pagbisita rito. Ipaparating ko na lang sa inyo kung naipasok na siya sa mental facility.”
Tumango si Tito Paul. “Kung ganoon ay aalis na kami. Kami na ang bahala sa bayarin rito sa hospital. Aalis na kami.”
Hinawakan niya sa likod si Tita Dahlia at naglakad sila palabas. Sina Mommy at Daddy na gulat sa nakita ay tahimik na rin na lumabas. Samantalang si Persy ay hindi pumasok at naghihintay lang sa labas.
Nang kami na lang ang natira muling tumingin si Tanah sa amin.
“D-Dom, huwag kang aalis! D-Dito ka lang sa tabi! D-Dom, huwag kang sumama sa kanya!” she cried.
Pildo sighed beside me. He then looked at Tanah's mother. “Mauuna na po kami, Nay.”
Tanah's mother just nod. “Mag-ingat kayo.”
Akmang lalabas na kami nang muli naming marinig magsalita si Tanah. Wala nang hikbi. Isang malumanay na tanong lang. Iyong klaseng lumanay na magpapatindig ng balahibo mo.
“Dom, pumili ka. Si Precy o ako?” Tanah asked.
Sabay kaming napalingon ni Pildo sa kanya. Bumigat ang dibdib ko at bumangon ang kaba sa dibdib ko nang makitang nakangiti siya.
Umiling ang Nanay niya. “Umalis na kayo, Pildo.”
Tumingin si Pildo kay Tanah. Tapos ay malungkot siyang bumuntong-hininga. “Si Precy, Tanah. Siya palagi.”
Saka mabilis niya akong hinila palabas ng kwarto kasabay ang pagsisigaw ni Tanah sa loob at ang Nanay niyang pilit siyang pinapakalma.
...
Do follow me on my Facebook page, everyone: Thorned_heartu.
Thank youu <3.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro