23 | Life Threat
23 | Life Threat
I was blinking the whole time, sitting stiffly on the sofa of our living room, as I watched how Mom and Tita Dahlia cried on each other's shoulders like they are going to never see each other again for the rest of their lives.
My Dad and Tito Paul were sitting beside them, caressing their backs and glancing at each other like they are speaking with their eyes. They are probably complaining how overreacting their wives are.
While Persy is sitting on the single sofa just beside them, watching them with his annoyed face. And Pildo and I are sitting on the sofa across them, sitting stiffly, watching them crying over our marriage.
Bakit mas mukhang sila ang ikakasal kung mag-iyakan?
I felt Pildo caressed my back. I glanced at him and he is watching our parents with mouth hanged open, stroking my back unknowingly.
Persy cleared his throat as he scratched his head. “Dad, patigilin mo nga iyan si Mommy.”
I raised my brows at him. Kung makaasta ito parang hindi naglasing at umiyak dahil ikakasal ako.
My Dad signaled him to stop talking and to just let Mom and Tita Dahlia do what they want.
Persy sighed. “Mommy, tama na nga iyan. Ikakasal lang si Ate, hindi naman siya lalayas.”
Wow! Nagsalita!
He probably don't remember what he did three days ago in the kitchen. After he weeped, I sent him to his bedroom and made him sleep. Ayaw niya pa akong bitawan, yakap-yakap niya ako habang tulog siya.
He's such a big baby!
Mom shook her head as she cried while hugging Tita Dahlia. “You can't tell me what to do, Perseus Sarem! I am in mixed emotions right now! I don't know what else to do but cry!”
Tita Dahlia agreed. “Hindi niyo alam ang pakiramdam na maging isang ina! Hindi niyo kami mahuhusgahan! Ang Pildo ko!” she sobbed.
Bumuntong-hininga si Pildo na nasa tabi ko. “Ma, kung makaiyak ka naman, parang mamamatay ako. Magpapakasal lang kami ni Precy—”
“Iyon na nga, eh! Magpapakasal na kayo! Aalis ka na sa bahay! Hindi ka na bibisita palagi sa amin ng Papa mo!” Tita Dahlia cried as she covered her face with her palms.
Napakamot ako sa leeg ko. Well, it's understandable. Nag-iisang anak lang nila si Pildo. Sigurado akong talagang nasasaktan siya ngayong aalis na nga sa puder nila ang unico hijo nila.
“Ma, bibisita pa rin ako. Ako nga ang mamamahala sa hacienda, diba? Kaya palagi niyo pa rin akong makikita,” wika ni Pildo.
Bahagyang tumigil sa pag-iyak si Tita Dahlia saka tumingin sa gawi namin ni Pildo. “Talaga?”
Tumango naman si Pildo. “Oo naman. Bakit? May iba pa ba kayong naiisip na mamamahala sa hacienda maliban sa akin?”
Mabilis na umiling si Tita Dahlia saka mahinang pinunasan ang pisngi niya. “Wala naman. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na pabalik-balik ka nga pala sa hacienda natin. Hay, buti pinaalala mo, anak.”
Napailing si Pildo na nasa tabi ko.
Samantalang si Mommy ay hindi pa rin tumigil sa pag-iyak. Parang noong nakaraang araw lang tuwang-tuwa siya, ah. Ngayon, iyak nang iyak na siya.
“Babe, tama na. Bibisita rin naman ang Precy natin sa atin. Huwag ka nang iyak nang iyak,” Dad said, consoling her.
Mabilis siyang umiling. Takip niya ang mukha niya gamit ang mga palad niya. “A-Alam ko, Simour! But I just can't accept the fact that she's not gonna use my maiden name anymore! She's no longer gonna be Precious Snow Corpuz-Villegas! She's gonna be Precious Snow Villegas Caballeros!” At muli siyang humagulhol.
Napasagap ako ng hangin. I blinked a few times. “Mommy, ganoon naman po talaga kapag kinakasal, diba? Tsaka, mapapalitan lang ang apelyido ko pero sa inyo pa rin naman ako galing ni Daddy. Stop crying na. Nothing's gonna change, we're still getting married.”
She sobbed. “Simour, I think I need a vacation. I'm in so much emotions right now!”
Mabilis namang hinaplos ni Dad ang likod niya saka hinalikan ang noo niya. “We'll go have a vacation soon, babe. After our Precy's wedding—”
“Mom, magbakasyon tayo ngayon. Kahit huwag na tayong um-attend sa kasal ni Ate. Tutal, malaki naman siya. Pa-proxy na lang tayo,” sabad ng mabait kong kapatid.
Inis ko siyang tiningnan. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Tumigil ka nga, Persy.”
Inirapan niya lang ako saka nakangusong tumingin kay Mommy.
Mom is already leaning on Dad's shoulder. Now, Tita Dahlia's trying to console her.
“I think I will never get used to my kids starting to build their own family,” wika ni Mommy. “Sooner or later, my Persy will build his own family too. Tayo na lang ang matitira sa bahay, Simour.”
Dad sighed. “Kahit naman ngayong hindi pa sila kasado at wala pang pamilya, tayo lang din naman ang natira sa bahay dahil may sarili silang condo, babe, eh. Tahan na. Pwede naman natin silang utusan na bisitahin tayo araw-araw. Responsibilidad nila tayo dahil magulang nila tayo.”
I shook my head. I don't know what to say anymore. Hindi naman sila ganito noong nakaraang araw.
“We'll give you grandchildren, Mom. We'll gonna visit you all the time. You can take care of your grandchildren sooner or later. You don't have to worry,” I said.
“Anong grandchildren, Precy?” si Daddy ang sumagot. Magkasalubong ang kilay niya. “Magpapakasal pa lang kayo, Precy. Bakit naman anak agad ang iniisip mo?” Bumaling siya kay Pildo. “Huwag mo munang hahawakan ang anak ko, Pildo, ha? Baka makalimutan kong anak ka ni Paul.” Banta niya.
Tipid na ngumiti si Pildo saka tumango. “Ah, opo, Tito.”
Mabilis at marahas na tumango si Daddy. “Dapat lang.”
My Mom started wiping her wet cheeks. Then she smiled softly at Pildo and I.
“I still can't believe that you're gonna end up with each other. Parang dati lang, nagbabangayan pa kayo dahil ayaw niyo sa isa't isa. Now, look at you. Wala man lang ligawan. Deretsong magpapakasal,” ani Mommy.
I felt Pildo stroking my back. “Ano pa po bang hihintayin namin? Doon rin naman po kami patungo.”
I saw Persy rolled his eyes. Inis ko siyang tiningnan. Nanggigigil na talaga ako sa lalaking ito.
“Alright, then. I think, I'm calm enough. Let's go to the kitchen and eat. Then after that, let's all plan for your wedding,” sabi ni Mommy.
“Gusto ko sanang magpapiging sa hacienda, Primm,” wika ni Tito Paul. “Iimbitahan ko ang mga tauhan ko roon.”
Mom looked at him and smiled. “Well then, let's do that. This is only gonna happen once so let's do the best that we can.”
“Okay, kumain na muna tayo. Nagutom ako sa kakaiyak ko,” wika ni Tita Dahlia at sabay silang tumayo ni Mommy.
“Ako rin. I never been so emotional like this for so long. It took all my strength,” natatawang sabi ni Mommy saka sabay silang naglakad patungo sa kusina.
Dad and Tito Paul glanced at each other and shook their heads.
“Kailan ba iyang piging na iyan, Paul?” tanong ni Daddy na kasabay rin si Tito papasok sa kusina.
“Bago ang kasal nila. Para malaman ng mga tao doon na ikakasal na si Pildo. Isa pa, si Pildo ang magmamana sa hacienda kaya nararapat lang na magkaroon siya ng magandang relasyon sa mga tao,” sagot ni Tito Paul.
While Persy stood up lazily and followed the four. But before he could even start walking, he looked at me with his annoyed eyes making my blood boil.
“Inaano ba kita?” asik ko agad sa kanya.
“Ewan ko sayo, 'te,” aniya saka nakapamulsang naglakad patungo sa kusina.
Inis akong napapadyak. Hinaplos ni Pildo ang likod ko saka mahinang natawa. “Mukhang galit nga ang kapatid mo sa akin, babe. Mukhang hindi niya ako tanggap sa pamilya niyo.”
“Kapag iyan nag-asawa, makikita niya. Ako naman ang magsusungit sa kanya!” saad ko.
Pildo chuckled. “Halika na. Nagugutom na ako.”
So, we followed our family to the kitchen. When we arrived there, the foods are already settled on the table and the five of them are already sitting, waiting for Pildo and I.
“Ang tagal naman, gutom na ang tao rito, oh,” bagot na wika ni Persy.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Andito na po, senyorito.”
Another three days later, we arrived in Leyte. Tita Dahlia and Tito Paul immediately went and told the people about the occasion that will be held on the lake of the Casa. My parents were busy buying all kinds of food. And Persy... well, he was just there, playing dumb.
“Persy, diba inutusan ka ni Mommy na sumama kay Pildo papunta sa barrio? May bibilhin raw kayo doon,” wika ko ka sa magaling kong kapatid na nakatutok lang sa TV at nakadekwatrong hawak ang remote.
Pildo just left a while ago. Inutusan siya nina Tita Dahlia at Mommy na bumili ng mga ingredients dahil malapit ng maubos ang laman ng pantry nila. Sinabi pa ni Mommy na pasamahin itong magaling na kapatid ko pero hindi naman sumama.
“Ba't naman ako sasama doon? Malaki na si Kuya Pildo, mag-aasawa na nga, eh,” aniya sabay lipat sa channel ng TV.
Inis na namaywang ako sa harap niya. “You can't act like that the whole day, Persy. Dapat ay tumutulong ka kina Mommy at Daddy sa paghahanda para sa piging. Hindi iyong nandito ka lang sa bahay at walang ginagawa. Everyone are busy, and you should be helping out.”
Nakangusong magkasalubong ang kilay na tumingin siya sa akin. “Bakit pa ako tutulong, eh, marami nang taong tumutulong sa kanila? At isa pa, 'te, anong 'the whole day', 'the whole life' kamo.”
“Persy, you're not a kid anymore. You should understand that everyone are getting married. Sooner or later, ikaw ang magpapakasal na rin,” wika ko.
Ngumuso siya. “Paano ako magpapakasal, eh, gusto no'n haciendero?”
Kumunot ang noo ko. I looked at him suspiciously. His brows are meeting as he kept on changing the channel of the TV.
Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya. I peeked on his annoyed face.
I think my brother is in love. But he won't tell.
“Sino iyan?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
Magkasalubong ang kilay na nilingon niya ako. “Anong sino?”
“Iyang sinasabi mo. Taga-saan iyan? Taga-rito sa Leyte? So, gusto niya haciendero? Kaya ba pabalik-balik ka rito sa Leyte dahil nandito ang babaeng gusto mo, ha? Kilala ko ba iyan?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Ilang beses siyang kumurap habang nakatitig sa mukha ko. Tapos ay nag-iwas ng tingin sa akin at muling humarap sa TV.
“Wala kang narinig,” aniya.
Ngumisi ako saka mas lalong lumapit sa kanya. “Persy, ha? Hindi mo naman sinabing in love ka na pala? May boyfriend ba siya? Nililigawan mo ba siya? Anong pangalan niya? Ilang taon?”
Bumuga siya ng hangin. “Wala nga, 'te. Kalimutan mo na iyon. Basta ang alam ko lang, wala siyang taste sa lalaki. Imagine, si Perseus Sarem Villegas hindi niya gusto? Wala! Wala siyang taste!”
Mala-demonyo akong humagikhik. Ilang beses kong tinusok ang tagiliran niya kinaigtad niya.
Inis niya akong tiningnan. “Tumigil ka nga, 'te!”
“Sabihin mo muna sa akin ang pangalan niya, Persy! Baka kilala ko!” wika ko.
Umiling siya. “Ayoko. Bahala ka.”
“Yiee! Sasabihin na niya! Sasabihin na niya sa akin!” Sabay paulit-ulit na tinutusok ang tagiliran niya.
Inis siyang tumayo. “Wala akong sasabihin, 'te! Bahala ka diyan.”
Saka mabilis siyang tumakbo paakyat ng hagdan. I laughed as I watched him feeling annoyed.
In love pala siya, hindi niya sinabi. Iyon naman pala dahil hindi siya ang type. Kawawa naman ang tarantado kong kapatid.
At dahil na-bored ako sa bahay, pinatay ko ang TV at lumabas. I went to the lake where some organizers that Tita Dahlia hired are designing. But my eyes gleamed when I saw Asahi feeding the swans and the fishes.
Mabilis akong lumapit sa kanya. “Asahi!” tawag ko.
Mabilis siyang napalingon sa akin. Tapos ay mabilis na ngumiti nang makita ako.
“Anong ginagawa mo rito? Nagbabakasyon ka na naman? Mag-iingay ka lang rito sa Casa Caballeros, eh,” aniya.
I smiled wide at him. “Hindi mo pala alam? Ikakasal na ako!”
Ilang segundo siyang tumitig sa akin. Tapos ay tumawa siya saka nailing.
“Nakahanap ka na ng lalaking aalagaan ka? Ambilis naman!” aniya.
I smiled and nodded. “Oo! Ang galing nga, eh!”
“At sino naman iyan?” aniya na katatapos lang magpakain sa mga alaga niya.
“Si Pildo,” I answered swiftly.
Napatigil siya. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin. Bahagya pang nakanganga ang bibig niya.
“Gulat ka, 'no? Well, siya ang pakakasalan ko! Ikakasal na kami! At imbitado ka! Dapat nandito ka sa piging mamaya, okay?” saad ko.
Ilang beses siyang kumurap bago siya nagsalita. “Gulat? Hindi naman ako nagulat na kayo ang magpapakasal. Nagulat lang ako na ang bilis niyong magpakasal dalawa.”
Now it was my turn to blink. “Ha? Ibig mong sabihin, alam mong... magkakatuluyan kami? Ano ka, engkanto?”
Ngumisi siya sa akin saka tumingin sa mga organizers. “Ramdam ko lang. Unang kita ko pa lang sa inyong dalawa, may pakiramdam na ako na kayo talaga ang magkakatuluyan, eh. Iyong tingin niyo sa isa't isa, ang lagkit, eh.”
Tumaas ang kilay ko. Ganoon ba kami magtinginan ni Pildo? Parang hindi naman. Ang gusto ko lang talaga noon ay mawala siya sa paningin ko.
“Teka, anong oras na pala? Aalis na ako, Precy. Ako muna magbabantay sa bar ko dahil may lakad ang kapatid ko,” paalam niya bigla.
“Babalik ka ba rito? Mamayang gabi ang piging,” wika ko.
Ngumiti siya saka tumango. “Oo, babalik ako. Alis na muna ako.”
I smiled as I watched him walked away. I went to look at the organizers who were busy setting up the place.
This is gonna be one of the happiest event of my life. Who would have thought that I'll get to celebrate an event like this? Who would have thought that I'm going to be marrying someone? I really thought I'm going to grow old alone.
While I was looking around the lake, some organizers asked me my opinion about the designs. Tinanong rin nila ako kung ano ang mas gusto ko para iyon ang susundin nila. I felt glad when they followed some of my ideas.
Night came, the engagement party is starting. A lot of people attended, mostly are from their barrio. I was all smiles as people congratulated Pildo and I. Even our parents were congratulated as well.
I saw Pildo rubbing his palms over again. I held his arm and smiled softly at him. “Kinakabahan ka ba?” tanong ko.
He looked at me and sighed. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinaplos ang bewang ko.
Nakaupo kami sa gitnang mesa. Nakaharap kami sa mga tao. Lahat ng mga tao ay nagkakatuwaan, ang iba sumasayaw, ang iba kumakain. Even our parents are enjoying.
“Medyo,” sagot niya saka nginitian ako.
He's wearing a simple white long sleeved polo. And I'm wearing a simple white sleeveless dress.
I smiled and held his huge hand. “Ba't ka naman kinakabahan? Your parents are just going to announce our marriage.”
He smiled a bit. “Ayokong nasa gitna at tinitingnan ng maraming tao, eh.”
I laughed. “Ako rin naman, ah! Huwag kang kabahan para hindi rin ako kabahan.”
He sighed and tightened his hand on mine. “Okay. Basta higpitan mo lang ang hawak mo sa akin.”
I chuckled and nodded.
Tita Dahlia and Tito Paul then went to the middle holding a microphone. They are all smiles as they look at the people around the lake.
“Maayong gabii sa inyong tanan,” bati ni Tita Dahlia.
(Magandang gabi sa inyong lahat.)
Agad namang bumati pabalik ang mga tao. Nakangiti rin sila habang pinapanood ang mag-asawa. Talagang napakabuting loob nina Tita Dahlia at Tito Paul, halata kasi sa pakikitungo ng mga tao sa kanila. Nirerespeto sila.
“Nandito kami ngayon sa harap ninyo upang ipaalam ang pag-iisang dibdib ng anak kong si Pildo at ang anak ng mga Villegas na si Precy. Ang dahilan kung bakit imbitado kayong lahat ay dahil gusto ko kayong pasalamatan sa walang sawa ninyong pagmamahal sa hacienda namin at sa aming buong pamilya. Nandito kami ngayon kasama kayo upang e-celebrate ang engagement party ng anak ko. Maraming salamat sa pag-attend sa party na ito at huwag kayong mahiyang mag-enjoy,” wika ni Tita Dahlia at ibinigay ang microphone kay Tito Paul.
Tito Paul accepted it and smiled at the people. “Magandang gabi sa inyong lahat. Pinapaanyayahan namin kayo sa selebrasyong ito bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa hacienda namin. Hindi magiging ganito ka-successful ang hacienda kung hindi dahil sa tulong ninyo. Kaya sa isa sa pinakamahalagang okasyon sa buhay namin ng pamilya ko, inimbitahan namin kayo biglang pagpapahalaga sa inyong sikap at tiyaga. Maraming maraming salamat sa lahat-lahat. Nawa'y huwag kayong mahiyang magkatuwaan ngayong gabing ito.”
And after their welcoming message, everyone went back to dancing, eating, and drinking. I even saw Asahi talking to my sulking brother at the end of the lake.
I smiled as I looked at the people. I feel happy watching them happily playing around.
“Alis tayo, babe,” biglang bulong sa akin ni Pildo habang hinahaplos ang likod ko.
Nilingon ko siya. “Bakit naman tayo aalis? Hindi pa tapos ang party.”
Ngumuso siya saka hinapit ako palapit sa kanya. Nakaupo lang kami sa iisang sofa kaya mas madali sa kanya na hila-hilahin ako kung kailan niya gusto.
“Inaantok na ako, eh,” bulong niya.
Mahina akong natawa saka hinampas ang hita niya. “Tiisin mo iyan. Aalis tayo kapag tapos na ang celebration. Nag-effort ang parents natin para dito kaya magtiis ka.”
Bumuntong-hininga siya saka padabog na sumandal sa sofa. “Oo na.”
“Ba't hindi ka na lang uminom muna? O kaya sumayaw ka doon. Makipag-usap ka sa mga kaibigan mo kung may kaibigan ka man,” wika ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Ang sakit mo magsalita, ah. Si Jaehee lang kaibigan ko.”
Umirap ako. “Nasaan nga pala ang kalabaw mo? Hindi ko iyon nakita, ah.”
Ngumisi siya bigla. “Andiyan. Buksan mo ang zipper.” Sabay nguso sa pantalon niya.
Sinamaan ko siya ng tingin saka piningot ang tenga niya kasabay ng pamumula ng pisngi ko. “Tarantado ka talaga. Baka may makarinig pa sayo.”
“Bakit ba? Magpapakasal rin naman tayo. Doon rin naman patungo ang lahat,” wika niya.
Umirap ako. “Bakit hindi mo kausapin si Asahi? Rinig ko ay malapit kayong magkaibigan dati. Ano bang nangyari sa inyong dalawa?”
Tumaas ang kilay niya. Pansin ko ang pagsulyap niya sa kinaroroonan ni Asahi na kasama ang kapatid ko.
“Wala,” maikli niyang sagot.
Kinunutan ko siya ng noo. “Sabihin mo na lang kasi sa akin, Pildo. Ayaw rin naman sabihin sa akin ni Asahi ang totoo. Alam ko namang kasinungalingan lang ang ibang sinasabi niya.”
Bumuntong-hininga siya saka umiling. “Wala, ayokong sabihin.”
Inis ko siyang tiningnan. “Magpapakasal na tayo. Dapat alam ko ang tungkol sa inyong dalawa!”
“Bakit kailangan alam mo? Hindi naman siya kasama kapag gagawa na tayo ng bata, ah,” aniya.
Muli kong hinampas ang hita niya. “Tarantado ka talaga. Sabihin mo na lang kasi.”
“Oo na. Basta huwag mong ipagsabi,” wika niya tsaka muling sumulyap kay Asahi.
“Oh, ano?” tanong ko saka bahagya pang inilapit ang tenga ko sa kanya.
Pero sa halip na magsalita siya ay isang mabilis na halik sa pisngi ang natanggap ko mula sa kanya.
Inis ko siyang tiningnan. “Pildo, seryoso ako, ah. Gusto ko talaga malaman! Maliban sa nag-lips-to-lips kayo, ano pa ang rason?”
Bumuntong-hininga siya. “Oo na, oo na. Ganito kasi iyon.”
“Oh?” I looked at him waiting for him to talk.
When he noticed that I'm interested to whatever he's going to say, he sighed hard.
“Noong high school kami, masyadong mabait iyang gagong iyan. Kapag may hihingi ng tulong sa activities, tutulungan agad. Kaya madalas siyang binu-bully kasi uto-uto ang gago,” aniya. “Isang araw, nilalagnat siya no'n. Iyong kaklase naming bully, inutusan siya na gawan sila ng tropa niya ng diorama. Tinakot siya na kapag hindi siya susunod, bubugbugin siya. Kaya sumunod rin siya.”
Tumango-tango ako. “Tapos, tapos?”
“Ayon, lumala ang lagnat niya. Nadala siya sa hospital. Tinanong ako ng Mama niya kung may nangyayari bang hindi maganda sa school. Nagsinungaling ako dahil ayaw niya na sinasabi ko sa magulang niya na uto-uto siya,” wika niya. “Kaya binalikan ko iyong mga gagong nang-uto sa kanya at binigyan ng leksyon. Tapos bumalik ako sa hospital ng maraming pasa. Nagalit siya sa akin, sabi niya dapat hindi ako nakikialam sa buhay niya.”
Napakurap ako. Hindi ako makapagsalita at nakinig lang sa kanya. “Sinabi niya iyon?”
Tumango siya. “Oo. Tapos no'ng ma-discharge na siya sa hospital, nagulat na lang ako na kasama na niya ang mga nam-bully sa kanya. Nagalit ako at sinabihan siya na lumayo sa mga ito, pero sinabihan niya lang ako na huwag siyang pakialaman. Kaya ayon, lumayo ako. Ayaw niya pala na pakialam ko ang buhay niya, eh. Hindi naman ako mamimilit.”
Napatango-tango ako. Kaya naman pala galit na galit siya. O baka hindi galit, nagtatampo lang.
“So, bakit nandito siya sa casa ninyo ngayon? Sabi niya gusto niyang bumawi sayo kaya siya nag-volunteer na alagaan ang mga alaga mo,” wika ko.
Umismid siya. “Gago iyon, eh. Uto-uto. Kaya pala siya lumayo sa akin ay dahil binantaan siya ng mga gago na hihintayin ako sa gitna ng gubat at tatanggalan ng hininga kapag hindi siya susunod sa kanila. Kaya no'ng mag-college at umalis na ang mga iyon, sinabi niya sa akin lahat at humingi ng tawad.”
My eyes widened. “Wow! Edi, ibig sabihin, mahal na mahal ka niya bilang kaibigan! Bakit hindi na lang kayo mag-ayos?”
Umirap siya. “Ayos naman kami. Napipikon lang ako sa mukha niya.”
It made me smile. “So, hindi ka talaga galit sa kanya?”
Ngumuso siya saka umiling. “Hindi, ah. Napipikon lang ako.”
I smiled and snaked my arm on his arm. “Well, I'm glad to know that you're relationship is fine! Now, pwede na akong makipag-usap sa kanya anytime!”
Kinunutan niya ako ng noo. “At bakit ka naman makikipag-usap sa kanya, eh, nandito naman ako?”
I chuckled. “It's good to befriend your husband's friends. Para kapag may ginawa kang kalokohan, may magsusumbong sa akin.”
Ngumisi siya saka nailing. “Hindi ka lang pala maganda, matalino ka rin.”
I shrugged proudly at him. “Small things!”
“D-Dom?”
Napatigil ako sa pagtawa. Sabay kaming tumingin doon. Napakurap ako nang makitang si Tanah ito.
Isang simpleng puting damit ang suot niya at sa likod ang mga kamay na tila ba nahihiya o kinakabahan. Nahihiya siyang tumingin kay Pildo.
“Tanah, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Pildo sa kanya saka tumayo.
Saglit siyang tumingin sa akin bago bumaling kay Pildo. Namumugto ang mga mata. “P-Pwede ba kitang makausap? Tayong dalawa lang?”
I looked at my feet. Hindi ako nagsalita.
Pildo sighed. “Pwede mong sabihin iyan dito, Tanah. Sa harap ni Precy. May karapatan siyang malaman kung ano man ang sasabihin mo.”
My heart beat rapidly. Really? He really wants me to listen?
Well, I know that we're getting married and that he told me he loves me, but this is the first time that he never left my side just to be with her. Or maybe because this is the first time to meet Tanah again after I left here.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanila. Tumitig si Tanah sa akin. Hindi ko mapaliwanag ang nais niyang iparating.
Muli siyang bumaling kay Pildo. “H-Hindi ba talaga pwedeng tayong dalawa lang?”
Umiling si Pildo. “Pasensya na, Tanah. Pero hindi pwede. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo ngayon.”
Saglit na tumahimik si Tanah. Tapos ay nataranta ako nang makitang unti-unti siyang lumuha.
“D-Dom, mahal kita,” bigla siyang umiyak. “D-Dom, hindi ko kaya nang wala ka. Nagmamakaawa ako, bumalik ka na lang sa akin. L-Limang taon tayo, Dom! H-Huwag mo namang sayangin iyon para sa isang babae lang! N-Nagsisisi na ako na hindi ako umu-oo noong niyaya mo akong magpakasal. P-Patawarin mo ako, Dom. B-Bumalik ka na lang sa akin.”
Kita ko rin ang gulat sa mukha ni Pildo. Tila ba hindi niya alam kung ano ang gagawin sa babaeng nasa harap niya.
“T-Tanah, tumigil ka. Huwag mong ipahiya ang sarili mo. Napag-usapan na natin ito, diba? Sabi ko, hindi na kita mahal. Mananatili na lang tayong magkaibigan. Sinabi ko na sayo ito limang buwan na, diba? Na si Precy ang mahal ko,” wika ni Pildo na kinagulat ko.
L-Limang buwan. Ang tagal na pala niya akong mahal pero hindi ko alam? Bakit hindi niya sinabi sa akin?
Paulit-ulit na umiling si Tanah. “H-Hindi ko maintindihan, Dom! H-Hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan mo sa kanya? D-Dom, ibibigay ko lahat sayo! Mahal na mahal kita. H-Huwag naman ganito! Handa na akong magpakasal sayo, Dom.”
I felt heart broken for Tanah. I can see it in her eyes that she loves Pildo so much. I can see myself in her. Way back when I was so in love with Pildo and he didn't know anything. Way back when I thought, he was still in love with Tanah.
Bumuntong-hininga si Pildo. “Tanah, huwag mo namang ipahiya ang sarili mo. Naririnig ka ng mga tao, Tanah.”
That's when I noticed that even amidst the loud music, some people were already watching us. Even Asahi and Persy who were now standing up and are about to come over.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ni Pildo kinasinghap ko. Napatayo ako saka nanlalaki ang mga matang tiningnan siya.
“T-Tanah,” bulong ko.
Agad siyang pinigilan ni Pildo. Pilit siyang pinapatayo pero matigas siya.
“Tanah, tumigil ka. Nasaan ang Nanay mo? Kasama mo ba? Iuuwi ka namin,” wika ni Pildo.
Ramdam kong naaawa rin siya kay Tanah ngayon.
Panay iling si Tanah sa kanya. “D-Dom, ayoko! H-Huwag mo siyang pakasalan! Ako na lang, Dom! Aalagaan kita! B-Bibigyan kita ng anak. A-Ano pa ba ang gusto mo?”
“Tanah, hindi nga kita mahal. Tanah, hindi na kita mahal, hindi mo ba ako naririnig? Ayoko. Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?” wika ni Pildo.
“P-Paano ako, Dom? P-Paano ako? Mahal na mahal kita—”
Biglang dumating si Asahi at pinatayo si Tanah. Nasa likod niya si Persy na kunot-noong pinapanood si Tanah.
“Tanah, tumigil ka nga. Huwag kang gumawa ng gulo rito,” asik ni Asahi saka hinila patayo ang babae.
Nagpumiglas siya mula kay Asahi. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako, Asahi! Kakausapin ko si Dom! D-Dom, nagmamakaawa ako!”
“Ihahatid ko na lang siya pauwi, 'tol,” wika ni Asahi kay Pildo.
Tumango naman si Pildo.
“Samahan na kita,” wika ni Persy kay Asahi.
Muling nagpumiglas si Tanah. “Ayoko!” sigaw niya.
Unti-unting humina ang ingay sa paligid. Ang atensyon ay nasa kanya na. Gulat na nakatingin at lumapit sa amin sina Mommy at Daddy pati na sina Tito Paul at Tita Dahlia.
“Anong nangyayari dito?” tanong ni Tita Dahlia.
Biglang nakawala si Tanah kay Asahi at mabilis na lumuhod sa harap ni Tita Dahlia.
“N-Nagmamakaawa ako, sabihin mo kay Dom na mahal na mahal ko siya. S-Sabihin mo po sa kanya na hindi ko kaya nang wala siya. H-Huwag mo siyang hayaang magpakasal sa iba!” aniya Tanah habang umiiyak.
Muli siyang kinuha ni Asahi. “Tanah, tama na—”
“Bitawan mo ako!” tili niya.
Nakawala siya sa hawak ni Asahi. At mas ginagulantang namin ang susunod na nangyari. May hawak na siyang kitchen knife sa kamay niya. At mas kinatakot ko ay dahil nakatutok ito sa akin.
Napaatras ako. Agad na itinago ako ni Pildo sa likod niya.
“Tanah, tumigil ka na! Ibaba mo iyang kutsilyo!” asik niya rito.
Paulit-ulit siyang umiling. Mahigpit ang hawak niya sa kutsilyo. “K-Kung hindi ka babalik sa akin, Dom, magpapakamatay ako.” Banta niya.
Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ako. Nanginginig ang mga palad na humawak ako sa damit ni Pildo.
“T-Tanah, hija, ibaba mo iyang kutsilyo. Baka makasakit ka,” wika ni Tita Dahlia.
“Hindi ito ang solusyon sa problema, hija. Ibaba mo ang kutsilyo,” wika naman ni Tito Paul.
Panay iling lang si Tanah. Tumingin siya kay Pildo. Puno ng lungkot, galit, at pagkabigo.
“K-Kung hindi ka babalik sa akin, Dom... m-magpapakamatay ako!” sigaw niya kasabay nang isang malakas na tilian.
Nanlalaki ang mga mata at nanlalamig ang buong katawan ko nang makitang nakatarak na ang kutsilyong hawak niya sa sarili niyang tiyan. At ang kanyang maputing damit ay unti-unting sinakop ng pulang likido.
...
Do follow me on my Facebook page, everyone: Thorned_heartu.
Thank youu <3.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro