Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20 | Admission

20 | Admission

“Where do you think you're going? Ba't kayo sunod nang sunod sa amin? Wala ba kayong sariling hotel room?” asik ni Phira sa dalawang ugok na panay sunod sa amin.

After one night of camping slash hiking, we immediately went home the next morning due to Phira's fear of island sinking. We ride the same yacht that sent us yesterday. We thought that as soon as we will arrive at the port, we will separate ways with these two monkeys. However, these two just keep on following us.

“Tama ka! Wala,” ngisi ng magaling kong kapatid.

Masama ko siyang tiningnan. “Ang dami mong perang nilulustay sa mga babae mo tapos ang mag-renta ng hotel room hindi mo kaya?” saad ko saka humalukipkip.

Nandito na kami ngayon sa terminal ng bus. Kakarating lang namin sa Seoul at magtatawag na sana kami ng taxi nang mapansin nga namin ang dalawang ito na nakasunod sa amin.

Bumaling sa akin ang magaling kong kapatid. “Bakit pa ako magrerenta kung may hotel room na naman na kayong ni-renta?” aniya.

“Excuse me lang, 'no? For your information, kung doon rin kayong dalawa sa hotel room namin mananatili, we will have to pay extra expenses. Kaya syempre, magbabayad pa rin kayo,” wika ni Phira nang nakapamaywang.

Sobrang laki ng camping bag niyang nakasukbit sa likod niya. Ganoon rin naman ako. Medyo, nangangalay na nga ang likod at balikat ko sa bigat.

“Oo nga naman. Sige, magbabayad kami sa additional expenses. Basta sa hotel room niyo kami mananatili,” wika ni Pildo.

Bumaling ako sa kanya saka masama siyang tiningnan. Tarantado ba siya? At bakit doon rin silang dalawa sa hotel room namin? Pwede namang mag-rent na lang sila ng kanila? At isa pa, ayokong kasama siya sa isang hotel room!

“Hindi pwede. Hindi ako papayag,” wika ko saka tumalikod. “Phirs, tara na. Magtatawag na ako ng taxi.”

“Heard her? She said no. So, no. Mag-rent kayo ng ibang room,” rinig kong sabi ni Phira. “Bye!”

Nang makitang may paparating na taxi ay agad kong tinaas ang kamay ko. Agad naman itong tumigil sa harap namin.

“Let's go, Phirs. Nangangalay na ang balikat ko,” ungot ko saka pumasok.

“Mine too, 'te! Pero hindi pa rin ako nagsising nag-camping slash hiking tayo! Dahil may nakilala akong gwapong koreano! Feeling ko siya na ang ibibigay ni Lord sa akin!” Impit niyang tili sabay upo sa tabi ko rito sa backseat.

Parehas na naming hinubad ang backpack at nilagay sa sahig ng taxi. Hindi kami magkakasya kung buhat-buhat pa rin namin ito hanggang sa pag-upo.

“Ewan ko sayo. Nakuha mo ba ang number niya?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang seatbelt ko.

Mabilis siyang tumango saka ngumisi. “Of course, 'te! Ako pa!”

Napailing na lang ako saka tumingin sa driver ng taxi. Ngumiti ako. “Ka-ja—”

Napatigil kaming dalawa ni Phira nang sumutsot bigla sa tabi ni Phira si Persy. Tapos si Pildo naman ay pumasok sa passenger seat ng taxi.

Kita ko ang pagtataka ng driver. “Ah, jam-kkan-man, are you foreigners?” tanong ng driver.

Agad akong tumango. “Ne.”

Tipid siyang tumango. “I can't allow all four of you to ride my taxi. I only allow two people inside.”

Napakurap ako. Agad na tumingin si Phira sa dalawang ugok. “Narinig niyo iyon? Lumabas kayong dalawa! Labas!” Tumingin siya sa driver saka tipid na nginitian. “I'm very sorry about them, Sir. They're going out now.” Tapos ay pinanlakihan ng mata ang dalawa.

“Bakit kami ang aalis?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Persy.

Inis ko siyang nilingon. “Alangan namang kami? Lumabas kayo bago ko kayo pagbubuhulin dalawa!”

Bumuntong-hininga na lang siya saka lumabas. Tahimik naman na sumunod sa kanya si Pildo. Sabay nilang sinara ang pinto saka pinanood lang kami.

“Let's go, Sir,” wika ni Phira nang malawak ang ngiti sa labi.

Agad namang pinaandar at pinatakbo ng taxi driver ang sasakyan. Habang ang dalawa ay nanatiling nakatayo doon habang pinapanood kaming umalis.

Nang makarating kami sa hotel ay agad na pabagsak na nahiga si Phira sa sofa. Panay ungot niya dahil masakit raw ang likod at balikat niya.

“Hindi na ako uulit talaga,” aniya at panay hilot sa balikat niya.

I chuckled and just shook my head. I immediately took all of the camping stuffs out of the bag. Para mamaya, matapos kong magbihis ay aayusin ko na lang ang mga ito sa lagayan.

Napaungot ako nang maramdaman ang sakit sa balikat at likod ko. Ilang beses akong nag-stretching para kahit papaano ay maibsan ang sakit.

Then minutes later, we heard a doorbell. Tiningnan ko si Phira na nakapikit at nakahiga sa sofa.

“May in-order ka ba, Phirs?” tanong ko.

Umiling siya habang naka-cross ang mga braso sa dibdib at ang mga kamay ay nasa balikat niya.

“Wala, 'te,” sagot niya.

Nagsalubong ang kilay ko. Wala pala siyang in-order, ba't may tao?

Lumapit ako sa hotel room. I looked at the monitor that is attached to the wall near the door.

Naningkit ang mga mata ko nang makilala ang nandito.

Napabuntong-hininga ako saka binuksan ang pinto. Magkasalubong ang kilay na tiningnan ko sila.

“Paano niyo nalamang nandito kami?” asik ko.

Ngumiti ng matamis ang gago kong kapatid. At tipid na ngiti naman ang binigay sa akin ng gagong si Pildo.

“Secret. We find ways!” ani Persy. “Papasukin mo na kami, 'te. Kinausap na namin ang staffs ng hotel. Pumayag.”

Napakurap ako. “Anong pumayag? Agad-agad? Pumayag agad-agad na dito kayo mananatili kasama namin?”

Tumango siya saka ngumisi. “Madali lang naman silang palambutin, eh.”

Napairap ako. “Bwesit talaga kayong dalawa. Para kayong aso, sunod nang sunod.”

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Mabilis na pumasok ang magaling kong kapatid at nilagay ang mga bitbit niya sa mesa ng sala. Saka ko lang napansin na may mga bitbit pala silang dalawa.

Nang si Pildo na ang pumasok ay nag-iwas ako ng tingin. Pero tumigil siya sa harap ko saka bahagyang yumuko sa akin upang magpantay ang mukha naming dalawa.

“Nandito ako, ba't iba tinitingnan mo?” bulong niya.

Sinamaan ko agad siya ng tingin saka tinulak ang mukha niya. Pilit inaalis ang pag-iinit ng pisngi ko. “Tarantado talaga.”

Sinara ko ang pinto saka muling bumalik sa camping bag. Tinuloy ko ang pag-aayos sa mga kagamitan doon. Pati kay Phira ay nilabas ko na rin mula sa bag dahil mukhang wala siyang plano. Pagod na pagod nga talaga siguro siya.

“Ano na namang ginagawa mo rito, Persy?! Bakit ka ba sunod nang sunod sa amin ng Ate mo?! Kaya hindi nagkaka-jowa ang Ate mo, eh!” Ungot ni Phira nang maupo sa may paanan niya si Persy.

“Hindi ako sumusunod. Na-swertehan lang talaga na parehas tayo ng goal dito sa Korea,” wika naman ni Persy.

Nagmulat si Phira saka tumingin sa kapatid ako. “Anong goal?”

“Goal! Diba, iyong goal mo ay makuha ang bataan mo dahil matanda ka na—”

Agad na tinadyakan ni Phira si Persy kaya napaigik ito at napahawak sa braso niya.

“Gago ka, ah! Hindi pa ako masyadong matanda!” asik ni Phira.

“Oh, edi, okay! Basta iyon na iyon! Iyong amin naman, ang goal namin ay makahanap ng babae rito,” saad ng kapatid ko.

Napataas ang kilay ko saka napabaling kay Pildo. Nakangiti siyang pinapanood si Persy at Phira na magbangayan. Nilalabas niya na mula sa plastic bags ang mga pinamili nila at nilagay sa mesa ng living room.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang napatigil sa pagngiti saka painosenteng nag-iwas ng tingin.

Babae pala, ha? Nandito pala mambabae, ha? Talagang tarantado siya, eh! Magsama sila ng magaling kong kapatid!

Napairap ako saka padabog na nilabas lahat ng gamit sa camping bag.

“'Te, maawa ka naman sa kaldero,” wika ni Persy sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Naiinis ako! Napipikon ako!

“Tulungan mo kaya ang Ate mo!” saad ni Phira sa kanya.

“Aba, bakit ako? Ikaw nga hindi tumulong, eh. Pahiga-higa ka lang,” saad ng magaling kong kapatid.

“Ako na ang tutulong,” sabad ni Pildo saka lumapit sa akin.

Tumulong siya sa paglabas ng mga kagamitan mula sa bag. Pero imbes na lumambot ay mas lalo akong napikon. Padabog akong tumayo saka iniwan siya doon na nagtataka sa kinikilos ko.

“Anong nangyari doon?” rinig ko pang tanong ni Persy.

Dumeretso ako sa kwarto saka padabog na sinara ang pinto.

“Maghanap ng babae pala, ha? Samantalang ang landi-landi naman niya sa akin! Pero naghahanap pa rin pala siya ng babae! Bwesit siya!” bulong ko.

Kumuha ako ng damit sa maleta ko saka nag-hot shower. Kahit sa shower ay hindi pa rin nawala ang galit ko. Halos lahat ng bagay na nahahawakan ko ay padabog kong nilalagay.

Nakakaawa tuloy.

Nang matapos akong mag-shower ay nagbihis ako ng pajamas na kulay itim. I then dried my hair. Nagdalawang-isip pa ako kung bababa ba ako pero wala na akong nagawa dahil kumulo bigla ang tiyan ko.

Pagbaba ko ay nasa sofa pa rin sina Phira at Persy. Nanonood sila ng Netflix at panay bangayan.

“Feeling ko iyan ang salarin,” wika ni Persy na focus na focus sa pinapanood.

“Hindi. Hindi iyan. Trust me,” sabi naman ni Phira.

“Anong hindi? Siya iyan! May anger issues, eh!” sagot naman ng kapatid ko.

“Nope! Hindi siya! Kung sino ang pinakainosente diyan, at kung sino ang wala masyadong screen time, siya ang salarin,” sabi naman ni Phira.

“Ay, hindi. Hindi ako naniniwala diyan,” wika ni Persy. “Maniwala ka sa akin—”

Agad na hinanap ng mata ko si Pildo. He's already at the kitchen, preparing some ingredients. Napanguso ako.

Lalapit ako o hindi?

Bigla siyang napatingin sa akin. Bahagya akong napaigtad saka agad na nag-iwas ng tingin. I acted like I was about to go to the sofa where Phira and Persy are.

When he suddenly called me. “Precy, halika nga rito.”

Of course, who am I not to follow him? Uto-uto tayo, eh.

Kanina galit tayo. Ngayon, lumalambot na naman.

I immediately went to the kitchen with my still annoyed face, because I am. Naiinis pa rin ako sa parteng naghahanap pala siya ng babae rito sa Korea! Pagkatapos niyang sabihin sa akin na hindi na niya mahal si Tanah, tapos matapos niyang landiin ako, bigla kong malalaman na nag-girl hunting pala siya?

Tarantado!

“Ano?” asik ko nang makalapit.

Tumayo ako sa harap niya. The counter is in between us.

I looked at the ingredients on the counter. There are sweet potatoes, teokbokki, green onions that are not sliced still, a fishcake in square-shape, and some sticks, probably for the fishcake. He also prepared some unsliced basil, big tomatoes, onions, uncooked rice, crab stick, green and red peppers, and so many more.

He was making a sauce or something on a bowl. I can see how red the sauce is, so it's probably really hot.

“Ano?” asik ko.

Napatingin siya sa akin. Tapos ay bumaba sa counter na nasa gitna namin.

“Ba't ang layo mo?” tanong niya. “Dito ka sa tabi ko.”

Kinunutan ko siya ng noo. “Ba't ako lalapit diyan? Pwede namang dito lang ako. How can I help? Should I slice all these unsliced ingredients?”

He nodded. “Yes, pero lumipat ka rito sa tabi ko.”

Inirapan ko siya at hindi nakinig. Kinuha ko ang onions, green onions, peppers, the knife, and the cutting board. I was about to start slicing when he sighed.

Binaba niya ang bowl at wooden spoon na hawak niya. I got alerted when he went towards me.

Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng bewang ko saka hinila ako papasok sa counter.

“Sabing dito, eh. Ang tigas ng ulo,” aniya.

“Bakit ba kasi kailangang nandito rin ako sa loob?” asik ko.

He smiled sweetly. “Para makapagtrabaho ako ng maayos. Sige na, maghiwa ka na. Huwag mong hiwain ang tomatoes, ako na bahala diyan.”

Umirap ako pero sumunod rin naman sa sinabi niya. He did the cooking and I did the slicing.

“What am I gonna do with these fishcakes?” I asked him.

“Roll it,” aniya. “Tapos ay tuhugin mo gamit iyang sticks. Huwag mong masyadong liitan ang pagkarolyo, iyong sakto lang.”

I nodded and immediately started rolling the fishcakes. I then picked up one stick and put the fishcake on it.

“Like this?” tanong ko sa kanya saka pinakita ang gawa ko.

Tumingin siya doon. Abala siya sa paggisa ng onions sa pan. “Oo ganyan.”

I nodded saka tinapos ang ginagawa. I was asking him the whole time because I don't know stuffs.

He smirked at me. “Sabi ko naman sayo, mag-aral kang magluto.”

Sinamaan ko siya ng tingin habang pinapanood siyang hinahalo ang niluluto niyang teokbokki. “Ayoko nga! I told you, I can hire a house helper!”

Ngumisi siya. “Ayokong may kasambahay, Precy. Kaya dapat mag-aral kang magluto, dahil wala kang magiging kasambahay sa magiging bahay natin.”

Agad akong napatingin sa kanya saka sinamaan siya ng tingin sa kabila ng pag-iinit ng pisngi ko at malakas na kabog ng dibdib ko. “Tarantado.”

He chuckled. “Dito ka. Haluin mo ito. Hihiwain ko lang ang tomatoes.”

Hininaan niya ang apoy ng stove at binigay sa akin ang wooden ladle. Agad ko naman itong tinanggap saka mahinang hinalo ang toekbokking niluluto niya.

I was tempted on tasting it so I did. I tasted the soup first that looks so red.

In fairness naman! Masarap siya kahit maanghang.

“Sarap?” tanong niya sa akin.

Agad akong tumango. “Masarap.”

Mahina siyang natawa. “Mukhang ako na lang pala ang magluluto para sa atin kapag kasal na tayo,” bulong niya.

Muling namula ang pisngi ko. “Tumigil ka nga!”

Na ikinatawa niya lang.

When we're done cooking, we immediately called the two. Mabilis naman silang lumapit. Sabay na kaming kumain.

Nang matapos ay sinabihan ko sina Phira at Persy na sila ang maghuhugas dahil kami ni Pildo ang nagluto.

“Kayo ang maghuhugas, okay?” wika ko. “Tsaka, kayo rin ang magliligpit sa hapag-kainan.”

Napaungot si Persy. “Bakit kami?”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Dahil kami ang nagluto!” Saka pinamaywangan siya.

Umismid si Persy sa akin. “Weh? Sigurado ka ba na tumulong ka kay Kuya sa pagluluto o panay halo ka lang rito tapos kain?”

Inis ko siyang tiningnan. “Kahit tanungin mo pa si Pildo!”

Nilingon naman niya si Pildo na may tipid na ngiti habang nakikinig sa amin. “Totoo, Kuya?”

Tumingin sa akin si Pildo. Tinaasan ko siya ng kilay.

Mahina siyang tumawa. “Oo naman, Persy. Kayo na ang maghugas. Pagod iyang Ate mo sa pagluluto.”

“Marunong ka nang magluto, 'te?” takang tanong sa akin ni Phira.

Napakurap ako. “Oo naman, 'no!”

Napakurap siya. “Okay. Lutuan mo ulit ako bukas!” Malawak siyang ngumiti sa akin.

Tapos ay bumaling kay Persy at piningot sa tenga. “Maghugas ka na lang, ang dami mo pang sinasabi!”

“Aray ko!” Ungot naman ng kapatid ko.

Tapos ay bumaling sa akin si Phira. “Sige na, pahinga na kayo doon. Kami na ang bahala rito.”

Lumawak naman ang ngiti ko saka taas-noong tumungo sa sofa. Agad kong binuksan ang TV para manood. I felt Pildo sat beside me, and when I say beside me, I meant super beside. As in, dikit na dikit.

Inis ko siyang nilingon sa kabila ng mga paru-paro sa tiyan ko. “Ah, excuse me? Ang lawak ng sofa, oh. Pwede kang umusog doon.”

Inosente niya akong nilingon. “Bakit? May problema ba kung dito ako sa tabi mo?”

“Oo, may problema. Ang sikip-sikip!” asik ko habang hawak ang remote.

Pero imbes na umusog palayo ay nilagay niya ang isang braso sa likod ko. “Sakto lang itong lapit ko sayo para hindi ka ginawin.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Tutal naman gusto ko rin ito ay sige! Hayaan na natin! Marupok ka rin naman, Precy!

When Phira and Persy were done washing the dishes. They immediately went to us. Mabilis akong tumalon pababa ng sofa na kinagulat ni Pildo pero mukhang hindi naman napansin ni Phira.

“Anong ginagawa mo diyan, 'te?” tanong ni Persy sa akin habang kunot ang noo.

Inosente akong tumingin sa TV. “Natural! Nanonood ng TV!”

Tumabi ng upo sa akin si Phira. Si Persy naman ay sa sofa.

“Ilipat natin, 'te! Netflix tayo! May alam akong korean drama! Maganda!” wika ni Phira.

Tumango ako. “Okay sige, go.”

Agad naman niyang nilipat. Nanood kami ng Bloodhounds. Sobrang tuwa ko naman dahil sobrang gwapo ni Woo Do Hwan doon. Tsaka ang ganda rin kasi ng storyline niya.

Habang nanonood ay bigla akong nakaramdam ng antok. Ngumuso ako saka nilingon si Phira.

“Phirs, hindi ka pa ba inaantok?” tanong ko sa kanya.

Nakahilig siya sa balikat ko. Agad siyang umiling. “Nope. Bakit? Inaantok ka na, 'te?”

Tumango ako. “Oo, eh.”

Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko. “Ang bilis naman! Hindi pa natin tapos ang pinapanood natin!”

“Ang haba kaya niyan! May ilang episodes pa! Jusko, matutulog ako, Phirs. Ayokong mamatay!” wika ko.

Kumurap siya. “Ako nga, kayang-kaya kong tapusin ang isang k-drama ng may twelve episodes sa loob ng isang araw at isang gabi, eh! Tapos ikaw, nakaka-dalawang episode pa lang tayo, sumusuko ka na?”

Ngumuso ako saka umiling. “Ay, hindi. Matutulog na talaga ako, Phirs.” Tumayo na ako. “Bye.”

Hindi ko na tiningnan pa sina Pildo at Persy. Mukhang focus rin kasi sila sa panonood.

Agad akong dumeretso sa kwarto. Mabilis akong tumalon sa kama saka humikab.

Ilang segundo pa lang akong nakahiga sa kama ay biglang may kumatok sa kwarto. Napaungot ako. Agad akong bumangon saka binuksan ang pinto.

“Bakit?” Napatigil ako nang makitang si Pildo ito.

Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit?” tanong ko ulit. “Inaantok ka na ba? Hindi ka pwedeng matulog rito. Doon kayo ni Persy sa sala.”

Ngumuso siya ng bahagya. “Bakit hindi pwede? Wala naman si Phira rito. Tsaka ikaw lang naman mag-isa.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Pupunta si Phira dito mamaya. So, no. Doon ka sa baba matulog.”

Akmang isasara ko ang pinto nang pigilan niya. Inis ko siyang tiningnan.

“Tumigil ka nga, Pildo!” asik ko.

He sighed. “Galit ka ba?” tanong niya sa akin sa malumanay at malalim na boses.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ako galit. Naiinis ako. Sige, na doon ka na. Inaantok na ako, Pildo.”

“Kung hindi ka talaga galit sa akin, halikan mo ako,” aniya.

Napakurap ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa pinagsasabi niya. Dumagundong ang puso ko at namula ang pisngi ko.

“A-Ano bang pinagsasabi mo? U-Umalis ka na nga—”

“Hindi ako nagbibiro. Kung hindi ka talaga galit sa akin, halikan mo ako,” aniya saka bahagyang lumapit sa akin.

I took a step back. Jusko! Malambot ako! Diyan ka lang!

“H-Hindi nga ako galit! Tsaka, huwag ka nga'ng tarantado! Pagkatapos kong malaman na naghahanap ka pala ng babae rito sa Korea lalandi-landiin mo ako?! Gago ka ba?!” asik ko sa kanya saka hinigpitan ang hawak sa pinto.

Tumaas ang kilay niya. “Ano? Saan mo naman narinig na naghahanap ako ng babae rito?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Sa kay Persy! Sinabi niya kanina! Nakangiti ka pa nga, eh! Tuwang-tuwa ka!”

“Ah, iyon ba?” Tumawa siya ng mahina. “Siya lang iyon. Naghahanap siya ng babae rito. Pero ako, sinusundan ko ang babae ko.”

Napakurap ako. Mas lalong nag-init ang mga pisngi ko. “M-May babae ka?”

Marahan siyang ngumiti. He took a step towards me. I was too overwhelmed that I wasn't able to stop him. He immediately grabbed my waist and pulled me closer to him.

His other hand lifted my chin up and gave me a peck on my lips. “Oo. At lagi lang siyang galit sa akin,” bulong niya sa labi ko.

My cheeks heated. I tried pushing him away. “T-Tumigil ka nga, Pildo! Akala ko ba hindi mo ako magugustuhan?!”

Kumunot ang noo niya saka tumingin ng deretso sa mga mata ko. “Saan mo naman narinig iyan?”

Oo nga, Precy?

“A-Ah, k-kasi hindi naman ako ang type mo! S-Si Tanah naman talaga ang type mo—”

“Ayan na naman tayo kay Tanah,” bulong niya sabay marahan na hinalikan ng isang beses ang labi ko.

Inis ko siyang hinampas sa dibdib pero mukhang nanlalambot na talaga ako dahil masyadong mahina lang iyong hampas.

Gaga ka, Precy!

“T-Totoo naman, ah! Y-You like girls like her! Iyong mahinhin! Iyong hindi marunong manigaw! I-Iyong housewife material! M-Marunong magluto—” He gave me another peck on my lips.

“Sabi ko iyon ang gusto ko sa babae. Pero hindi ko sinabing si Tanah ang gusto ko. At isa pa, mas gusto ko ang maldita. Iyong palagi akong sinisigawan,” bulong niya.

Napakurap ako. I innocently bit my lower lip together with my cheeks heating. “B-Bakit?”

He chuckled on my lips. “Dahil masarap pasigawin,” he whispered.

Mas lalo akong namula. Inis kong hinampas ang dibdib niya. “B-Bitawan mo na nga ako! Pinaglalaruan mo ako, eh! Isusumbong kita sa Daddy ko—”

He gave me a peck once again. That made me ask for more.

“I love you, Precy. Hindi kita pinaglalaruan,” bulong niya sa akin.

Napatigil ako. I can feel everything on me froze. My eyes stared at his that are staring straight to my lips. My heart stopped beating hearing those words.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. And I don't know where my strength came from, but I really pushed him out of the door. Then slammed the door on his face.

While I was staring at the door, cheeks heating, heart beating, butterfly playing.

All that my head could think of is that...

“H-He loves me?”

...
Do follow me on my Facebook page, everyone: Thorned_heartu.

Thank youuu <3.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro