19 | Getting Married
19 | Getting Married
The deleted comment kept me awake the whole night. That feeling where you are too exhausted but your eyes are still wide open, until it becomes sore. And I blame everything on Pildo.
Kaya nang magising ako kinaumagahan, maga ang mga mata ko at sobrang laki ng eye bags ko.
“Anong nangyari sayo, 'te? Ang tagal mong gumising, ang dami pa naman nating planong gawin today!” ani Phira na inaayos ang in-order niyang pagkain sa mesa.
Ako naman ay nakahiga pa rin sa sofa at pupungas-pungas pa rin. Wala pa akong ligo.
“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo ngayon, Phirs? Pagod na pagod ang katawan ko,” wika ko sabay kamot sa buhok ko.
“At bakit? Isang linggo lang tayo rito, 'te! Tapos marami pa tayong gagawin! Pupunta ng Costco, magha-hike, pupunta sa palasyo na nakalimutan ko ang pangalan, at marami pang iba! Hindi tayo pwede magpahinga! Walang magpapahinga!” aniya.
Bumuntong-hininga ako. “Puyat pa ako. Parang ayoko pang lumabas. Gusto ko pang bumawi ng tulog.”
“Ba't ba kasi hindi ka nakatulog kagabi? Anong nangyari?” tanong niya. “Bumangon ka na diyan, 'te, or uubusin ko itong pagkain.”
May gago kasing nag-comment sa post ko kagabi tapos biglang dinelete. Sino ba naman ako para hindi magulat at mahulog sa patibong niya? Hayop siya.
“Insomnia lang,” sagot ko saka bumangon mula sa sofa.
Lumapit ako sa mesa, napataas ang kilay ko nang makitang sobrang daming pagkain sa mesa. Si Phira ay panay kain na. Para bang wala siyang ibang nakikita maliban sa pagkaing nasa harap niya. Naupo ako sa upuan.
Watching her eat like she worries nothing aside from herself made me envy her. Sana hindi na lang ako na-in love. Kung hindi ako na-in love ay baka chill lang din ako gaya ni Phira.
“Bakit naman ang daming pagkain na inorder mo, 'te? Maaubos ba nating dalawa 'to?” tanong ko pero nagsimula na rin na kumain.
“Edi, ilagay natin sa ref para hindi mapanis. Tsaka malamig na rito sa Korea, kahit hindi na natin ilagay sa ref itong pagkain, hindi na ito mapapanis sa lamig,” wika niya.
Napailing na lang ako saka kumain na lang din. Panay hikab pa rin ako kahit na kumakain. Talagang ilang oras lang ang tulog ko.
After we ate breakfast, we immediately cleaned the kitchen. I took a bath and get dressed. We're planning to go shopping at Costco. Then after Costco, we'll search some small shops on the alleys of Seoul.
We bought a lot of foods in Costco and mostly are sweets. Everything looks so pleasing on the eyes. Everything are well packed and arranged properly. The only problem I encountered is that, I don't understand anything.
“OMG! I'm definitely coming back here tomorrow, Presyas! Ang daming matatamis rito! Favorite pa naman ni Enna ang sweets kaya dadalhan ko siya pag-uwi natin,” aniya saka halos walang patawad sa paglagay ng sweets sa cart niya.
“Bakit naman bukas ka babalik, eh, may isang linggo naman tayo rito? Mauubos mo lang iyan habang nasa hotel tayo, eh,” wika ko.
“Well, because that's the goal, girl! Uubusin ko ito lahat while nasa hotel tayo! Iba naman iyong dadalhin ko kay Enna,” aniya.
Napasinghap ako saka napatingin sa cart niyang puno. Parang hindi ko na nga makita pa ang cart niya sa dami ng pinamili niya. Samantalang ang akin ay hanggang kalahati pa lang ng cart ang may laman.
“Phirs, sinasabi ko sayo, mamamatay ka sa kakakain sa dami niyan,” sabi ko.
She shrieked. “No problem! Oh, dito tayo! Mukhang masarap rin ito, ah!”
Napakurap ako saka napailing na lang. Kumuha na lang din ako ng mga nagustuhan ko. Panay pigil pa rin ako sa kanya pero ayaw niyang makinig kaya hinayaan ko na lang siya sa huli.
Halos isang oras kaming nag-shopping sa Costco. Ako, mga kalahating oras tapos na. Ewan ko lang kay Phira, parang bibilhin niya yata ang buong Costco sa dami ng pinamili.
Kaya nang matapos kami at matapos magbayad ay sobrang dami ng bitbit niya. Halos magkanda-dapa-dapa siya sa bigat ng dalahin niya.
“Grabe! Ang bigat naman nito! Sana pala iniwan ko na lang ang iba!” aniya.
May tote bag na malaki na nakasabit sa kanang balikat niya. Tapos may plastic bag pa siyang bitbit sa magkabilang kamay. Buti na lang walang malalaking karton. Slay pa naman ang damit niya ngayon tapos magbubuhat lang siya ng karton.
Isang itim na coat ang suot niya sa itaas ng puti niyang turtle-neck dress. She wore a pair of black boots same as mine to somehow ease the cold temperature.
While as of for me, I am wearing a khaki coat and a black shirt and black jeans underneath it. It's a good thing that my coat's collar is thick that helped me somehow alleviated, a relief from the cold.
“Sabi ko sayo huwag mo masyadong damihan, eh. Pwede naman tayong bumalik mamaya o kaya bukas,” wika ko habang bitbit rin ang dala kong tote bag.
“Dumeretso na lang kaya tayo pauwi, 'te?” Hinihingal niyang sabi. “Sobrang bigat ng bitbit ko kung papasok pa tayo sa mga kalye ng Korea. Ngayon pa lang, naiiyak na ako.” Madrama niyang sabi.
Mahina akong natawa. Nakakita ako ng wooden chair sa tabi ng kalye na dinadaanan namin kaya lumapit ako doon saka tinawag si Phira. “Pahinga muna tayo, 'te. Kawawa ka naman. Wala na nga'ng nag-aalaga sayo, pinapagod mo pa sarili mo.”
“Ay, mabuti na lang may upuan rito sa kalye ng Korea! Parang feeling ko tutubuan na ng abs ang braso ko,” aniya saka halos patakbong lumapit.
We immediately sat on the chair and placed the stuffs we just bought beside the chair. Beside us is an unfamiliar tree but with flowers that looks like cherry blossoms. The flowers are slowly and emotionally falling from the branches of the tree.
An idea creeped in my head and took my camera from my bag.
“Phirs, picture-ran kita. Diyan ka lang,” sabi ko.
“Wait, 'te! Ibaba ko lang itong mga bag na ito! Baka isipin ng iba hindi ako aesthetic,” sabi niya saka nahihirapang binuhat ang dalawang plastic bag at tote bag niya at bahagyang nilayo.
Tapos ay muli siyang bumalik sa upuan sabay dumekwatro at inayos ang buhok niyang kulot na hanggang bewang.
“Okay, 'te! I'm ready!” aniya.
Agad kong tinutok sa kanya ang camera. “Okay, 1, 2, 3, smile!”
“Isa pa, isa pa. Damihan mo, 'te, para marami akong ma-post mamaya!” aniya.
“Okay, okay. 1, 2, 3, smile!” wika ko.
“Ikaw naman, 'te. Dito ka sa baba ng puno,” aniya.
Agad akong lumapit. Kinuha niya ang camera saka pinicture-ran ako.
Since Phira bought a lot of foods, we were not able to go visit some alleys of Seoul. We went straight to the hotel room we rented and took some rest there.
After lunch, we went out again. Now we were able to visit some small shops and bought cute and aesthetic stuffs. I even bought a couple of wooden utensils that I'm definitely excited to use at home.
The next morning, we decided to go hiking at Soya-do in Soya Island. It will be hiking and camping at the same time.
Kasalukuyan kaming naghahanda ni Phira ng mga gagamitin at dadalhin namin sa isla. Dalawang camping bag ang dala naming dalawa. Tig-iisa kami. Kulay green sa akin at sa kanya ay kulay pula.
“Okay na ba lahat nang dala natin? Isang gabi tayo doon, diba?” tanong sa akin ni Phira.
“Akala ko dalawang gabi?” tanong ko.
Napasinghap siya saka bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Dalawang gabi?! Ayoko, 'te! Baka mamatay ako bigla sa gutom doon! Wala pa naman akong survival skills!”
Natawa ako saka napailing. Isinusuot ko na ang camping bag ko saka tinali sa tiyan ko. “May mga kasama naman tayo doon, Phirs. Hindi tayo mamamatay dahil may staffs naman sa isla.”
Pagbalik-balik siyang umiling. Naka-ponytail ang buhok niya. Sinusuot na rin niya ang camping bag niya at tinatali siya tiyan. “Ay, hindi! Ayoko pa rin! Baka biglang mag-sink iyong isla, naku! Jusko! Hindi ako marunong lumangoy!”
“Tara na nga naka maiwan tayo ng yacht na sasakyan natin,” wika ko.
“Okay, let's go! Pero, ha, Precy, ha? Isang gabi lang tayo! Baka may cannibal doon, jusko, ayoko pang mamatay, 'te!” aniya.
Napailing na lang ako at natawa saka nauna akong lumabas ng hotel room. Hinintay ko siyang lumabas. Nahirapan pa siya sa camping bag. Mukhang nabibigatan siya.
Nang makalabas siya ay napaungot siya. “Ngayon pa lang, parang gusto ko nang umuwi.”
Natawa ako. “Ano ka ba?! Fighting, 'te! Akala ko ba e-enjoy-yin natin ang visit natin rito sa Seoul, Korea?”
Bumuga siya ng hangin saka humawak sa straps ng camping bag na nasa likod niya. “Fine. Tara na.”
Agad kaming tumungo sa elevator. We then went out of the building and called a taxi. We spent 30 minutes towards Costco. We're going to buy foods that we'll bring to the island.
When we arrived at Costco, we hurriedly bought foods. We only have 20 minutes before the yacht at the dock will start sailing.
After shopping, we then went to the bus stop and ride a bus towards the dock. There are a lot of yachts on it, there were also a lot of passengers going on the yachts. Each yacht must have an amount of 5 or less people on it. Each campers have their numbers given by a staff, the number represents the yacht that we will be using. Good thing was when we arrived, the yachts were just about to leave.
“OMG, na-e-excite na ako, Presyas! Ang dami palang pupunta doon! Feeling ko mahahanap ko na rito ang kukuha sa bataan ko!” ani Phira sabay talon-talon.
Napailing ako saka mahina siyang hinampas. “Manahimik ka nga. Nakakahiya ka, 'te. Tara na, baka maiwan pa tayo.”
Agad kaming lumapit sa isang yacht saka bumati sa magmamaneho nito. “Annyeonghaseyo!”
Agad rin namang bumati pabalik sa amin ang lalaki saka pinapasok na kami.
“Aw, thank you, lord! Mapapahinga ko na rin ang balikat ko,” saad ni Phira saka mabilis na pumasok sa loob.
Natawa ako sa sumunod sa kanya. Excited rin akong pumasok dahil gusto ko rin na ipahinga ang balikat ko.
Nang mapatigil kaming dalawa ni Phira pagkapasok na pagpasok namin sa loob.
“Saan ba patungo itong yate na ito?” tanong ni Persy sa kapitan ng yate.
Hinampas siya ng katabi na nagpakabog ng puso ko. “Tanga. Mag-korean ka!”
Nilingon ito ni Persy habang magkasalubong ang kilay niya. “Eh, sa hindi ako marunong, Kuya.”
“Edi, mag-english ka na lang,” wika naman nito kay Persy.
“Okay.” Muling nilingon ni Persy ang kapitan ng yate. “Uhm... Excuse me, where is this yacht going to—”
“Anong ginagawa ninyong dalawa rito, Persy?” si Phira ang nakapagsalita ng una.
Agad na napalingon ng sabay ang dalawa sa amin. Mabilis na dumapo ang mga mata ni Pildo sa akin. He looks dashing on his plain white v-neck t-shirt and a black cargo shorts. Hindi ba siya giniginaw?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ako makagalaw. Parang bigla kong gustong tumalon sa dagat dahil sa klase ng titig niya.
“Ah, mag-ca-camping kami,” sagot ni Persy saka naupo sa upuan ng yate.
“Bakit nandito rin kayo sa yate namin ni Precy? Dapat sa ibang yate kayo bumiyahe,” wika ni Phira saka tumungo sa upuan sa tabi ni Persy saka naupo.
Nilagay niya ang camping bag niya sa sahig ng yate. Kumakabog ang dibdib na naupo na rin ako sa kabilang upuan. Nilagay ko rin sa sahig ang camping bag na dala ko.
“Kung makaangkin ka naman sa yate, parang ikaw ang bumili,” wika ni Persy kay Phira.
Biglang umalon ng bahagya ang inuupuan ko. Ramdam ko ang pag-upo ni Pildo sa tabi ko.
Nanigas ang katawan ko. Ang mga palad ko ay nasa mga hita kong nanginginig sa presensiya niya.
“Saan ba patungo itong yate na ito?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Persy habang ang tingin ay nasa amin ni Pildo.
Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba kasi sila nandito? Akala ko ba kakampi ko siya rito? Bakit sinama niya itong si Pildo rito sa camping niya?
“Akala ko ba plano mo talaga na mag-camping? Bakit hindi mo alam kung saan patungo ito?” saad ni Phira na binubuksan ang isang bote ng mineral water sa uminom.
“Plano ko nga mag-camping, pero hindi ko pinlano kung saan. Sumunod lang ako sa agos ng hangin,” wika ng magaling kong kapatid.
“Teka, Precy, nadala ba natin ang camera?” tanong ni Phira sa akin.
Agad akong tumango. “Oo, nandiyan lang iyan sa bag. Tingnan mo.”
Mabilis naman niyang binuksan ang separate bag na nakapatong sa camping bag niya. Naroroon naman ang camera niya.
“Owkay! Ano pa nga ba ang gagawin maliban sa mag-picture-picture sa dagat?” aniya.
Mabilis siyang lumapit sa gilid ng yate na medyo malayo sa gawi ko saka kumuha ng mga larawan. Sumunod naman si Persy sa kanya saka kinulit siya na kuhanan siya ng picture.
“Ako rin, Phirs. Picture-ran mo ako. E-po-post ko mamaya,” wika ni Persy.
“Okay, dito, dito, tayo ka,” wika naman ni Phira.
Ngayon pakiramdam ko ay mas lalong sumikip ang yate. Kami na lang ni Pildo ang naiwan sa upuan. Naninigas ang katawan ko sapagkat ngayon ko lang ulit siya nakasama ng malapitan simula no'ng umuwi ako sa condo ko galing sa Leyte.
“Hindi ka ba kukuha ng picture?” tanong niya bigla sa malalim niyang boses.
Umiling ako nang hindi tumitingin sa kanya. “Hindi.”
Binalot kami ng katahimikan. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Napapakagat ako sa labi ko at panay ang lingon ko kina Phira at Persy na natutuwang kuhanan ng picture ang isa't isa.
“Hindi ka ba lalapit sa kanila?” tanong niya sa akin.
Agad akong nag-iwas ng tingin kina Phira at Persy. Syempre, gusto ko. Gusto kong lumayo sayo.
“H-Hindi na,” sagot ko saka umayos ng upo.
“Galit ka ba?” tanong niya sa pabulong na paraan at baritonong boses.
Agad akong umiling. “Hindi.”
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa tabi ko. Bigla siyang umusog palapit sa akin kaya nataranta ako saka napalingon sa kanya. Mabilis akong umatras palayo.
Napatigil siya. Saglit ko siyang tiningnan. Nakatukod ang isang palad niya sa upuan at akmang uusog na naman palapit sa akin.
“Ba't ka lumalayo?” tanong niya sa akin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sabay iling. “H-Hindi ako lumalayo.”
Tumango siya. Muli siyang umusog palapit sa akin. Muli na naman akong umusog palayo sa kanya.
Ano ba ang ginagawa niya? At ano ba ang ginagawa niya rito sa Korea? Dapat nandoon siya sa Leyte, nakikipaglandian sa Tanah niya!
Bumuga siya ng hangin. “Akala ko ba hindi mo ako nilalayuan? Galit ka ba sa akin?”
Agad akong umiling. “Hindi—”
“Kung ganoon, ba't panay layo ka sa akin? Wala naman akong gagawin sayo,” aniya.
Wala akong tiwala sa sarili ko. Baka kapag naglapat ang mga balat natin ay bigla na lamang kitang tanggapin ulit sa buhay kong tarantado ka!
“A-Ah, kasi masikip,” sagot ko.
Bumuntong-hininga siya saka tumango. Naupo na lang siya ng maayos at hindi na gumalaw pa.
“Okay. Hindi na ako lalapit para hindi ka masikipan,” aniya sabay halukipkip at sandal sa dingding ng yate.
Napahinga naman ako ng maluwag. Naupo na lang ulit ako ng maayos. Pinapakinggan ko lang bawat paghinga naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ang sikip bigla ng yate na ito.
“Precy?” paos ang boses na tawag niya sa akin.
“B-Bakit?” sagot ko sa kabila ng mga pagkabog ng dibdib ko.
“Hindi ka talaga galit?” tanong niya.
Napakagat-labi ako. Ano naman ngayon sayo kung galit ako? May Tanah ka na. Doon ka sa kanya.
“Hindi nga,” asik ko.
“Ba't naninigaw ka?” aniya saka nilingon ako.
“Hindi, ah!” asik ko.
“Naninigaw ka, eh,” aniya saka muling umusog palapit sa akin.
Naalarma ako saka mabilis na umatras. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang wala na palang upuan sa dulo. Kumabog ang dibdib ko nang akala ko ay mahuhulog na ako. Pero mabilis niyang nahawakan ang braso at bewang ko saka hinila palapit sa kanya kasabay ang pagdapo ng pang-upo ko sa mga hita niya.
Nanlalaki ang mga matang sinubukan kong umalis sa pagkakaupo sa mga hita niya nang pigilan niya ako.
“P-Pildo?” Kinakabahan kong tawag sa kanya.
Hinawakan niya ang dalawang pulso ko gamit lang ang isa niyang kamay. At ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa bewang ko, pilit nilalapit ang katawan ko sa katawan niya.
“Hmm?” sagot niya.
Napakagat-labi ako nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko.
“B-Bitawan mo ako, Pildo. Baka makita nila tayo,” bulong ko.
Mas lalo niyang hinapit ang bewang ko sa katawan niya. Sa kabila ng malamig na temperatura sa loob ng yate at ng Korea, ramdam ko pa rin ang init ng katawan niyang nakalapat sa akin.
“Ano naman ngayon kung makita nila tayo?” tanong niya sa malalim na boses.
“B-Baka anong isipin nila, eh,” bulong ko.
“Wala akong pakialam, Precy. May kasalanan ka pa sa akin,” bulong niya sa tenga ko.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang bigla kong maramdaman ang labi niya sa tenga ko. Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak niya sa akin pero mas malakas siya.
“W-Wala akong kasalanan sayo, Pildo. Bitawan mo ako,” wika ko sabay nagpumiglas.
“Ipaliwanag mo sa akin ang tungkol sa tanginang Kil na iyon, Precy. Napipikon ako,” bulong niya.
Tarantang napapalingon ako sa gawi nina Persy at Phira. Ngunit busy naman ang dalawa sa pagtuturo sa kung saan-saan.
Napakagat-labi ako at naikuyom ang mga palad ko. “W-Wala iyon—”
“Ipaliwanag mo sa akin kung paano nangyaring may relasyon kayo habang nakikipaghalikan ka sa akin,” wika niya sa madilim na boses.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Napakagat-labi ako lalo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Napasinghap ako nang biglang gumapang ang kamay niyang kanina'y nasa bewang ko patungo sa hita ko sa pinisil iyon.
“Explain, Precy. Or else...”
“O-Or else?” bulong ko habang malakas ang kabog ng dibdib.
Marahan siyang tumawa sa tenga ko. Ramdam ko ang muling paglapat ng labi niya sa tenga ko. “Paparusahan kita. Iyong klase ng parusa na isisigaw mo ang pangalan ko.” Sabay pisil muli sa hita ko.
Agad na namula ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay buong katawan ko na ngayon ang namumula.
I can't help but notice the size difference of his body from mine. He can really pin both of my hands using his one hand only. And his other hand on my left thigh, looks so huge. Not to mention his thighs where I'm at that I can't even cover completely with my body.
“M-Magpapaliwanag na ako, Pildo. P-Pakawalan mo na ako, please?” bulong ko.
Sa halip na pakawalan ako ay mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa mga pulso ko at bumalik sa bewang ko ang isa pa niyang palad. “Hmm? Ulitin mo nga ang sinabi mo.”
“P-Pakawalan mo ako—”
“Ayoko, Precy. Kapag pinapakawalan ka kung sino-sino lang ang gustong kumuha sayo,” bulong niya.
“M-Magpapaliwanag na ako,” wika ko.
“Magpaliwanag ka ngayon,” wika niya sa madilim na boses.
Napakagat-labi ako. Sumagap ako ng hangin bago nagsalita.
“H-Hindi ko naging boyfriend si Kil. J-Joke lang iyon,” sabi ko.
Iniyakap niya ang isang braso sa katawan ko saka hinapit ako palapit sa kanya. “Joke? Alin doon? Iyong parteng broken hearted ka sa kanya dahil ayaw niyang mag-commit? O iyong parteng naging magkarelasyon kayo pero nag-cool off? Alin doon, Precy?”
Umiling ako. “Hindi ko talaga siya naging boyfriend. And I don't like him at all. It was just Persy's jokes.”
Biglang humaplos ang isang palad niya sa bewang ko, pataas at pababa. Ramdam ko ang ilong niya sa likod ng tenga ko.
“Kung gano'n... Bakit sinasabi iyon ni Persy sa akin? Ano ang dahilan?” bulong niya.
Napakagat-labi muli ako. Anong sasabihin ko? Na mahal ko siya?!
“D-Dahil—”
“Dahil ba alam niyang magagalit ako at hindi ako papayag?“ bulong niya.
Napatigil ako. Napakurap ako. “A-Anong sabi mo?”
“Sabihin mo sa kapatid mo na hindi papayag si Pildo na mapunta ka sa iba dahil hindi siya namimigay ng mga pag-aari niya. Understand?” bulong niya.
Napalunok ako. Ilang beses na napakurap. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.
Anong ibig niyang sabihin? Ako? Pag-aari niya?
Bakit parang natutuwa ako?
Lumalakas ang kabog ng puso ko sa tuwa.
Nilingon ko siya. Nawalan na ako ng paki sa lapit ng mukha naming dalawa.
“P-Paano si Tanah? A-Akala ko ba mahal mo siya? N-Niloloko mo ba siya, ha, Pildo?”
Kumurap siya ng ilang beses. “Si Tanah? Sinong may sabing mahal ko si Tanah?”
Kumurap rin ako. Magkasalubong na ang kilay ko. Unti-unting bumangon ang inis sa katawan ko.
“Bitawan mo ang mga kamay ko, Pildo,” wika ko.
Pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak rito. “Si Tanah?” Mahina siyang natawa. “Hindi ko siya mahal, Precy. Minahal, pero hindi na mahal. Saan mo ba narinig iyan—”
“Bitawan mo ako! Ang sabi mo noong nandoon tayo sa beach, siya lang ang babaeng minahal mo at hindi na nasundan pa—”
“Siya lang naman talaga ang babaeng minahal ko, Precy. Hindi na nasundan pa dahil hindi ko na siya minahal ulit.” His eyes softened as he look at my face. “Dahil napalitan na siya ngayon,” wika niya sabay haplos sa pisngi ko.
Hindi ako nakapagsalita. Wala akong nagawa kundi ang tumitig lang sa gwapo niyang mukha.
Bobo ba ako? Hindi ko ba agad naintindihan ang sinabi niya noon sa beach?
Dahan-dahan niyang binitawan ang mga kamay ko. Kaya mabilis akong tumayo saka lumayo sa kanya.
Hinihingal at malakas ang kabog ng puso na hinanap ng mga mata ko sina Phira at Persy na nag-uusap sa may di kalayuan. Agad akong naglakad palapit sa kanila pero sa kabilang railings ay tumigil agad ako.
Nasapo ko ang dibdib kong sobrang lakas ng kabog. At walang ibang rason kundi ang lalaking pinaka-ayaw ko.
Biglang tumigil ang yate. Ang sabi ay nakarating na kami sa isla.
Mabilis kong kinuha ang camping bag at akmang isusuot ko na nang agawin ito ni Pildo mula sa akin. Hindi na ako umalma dahil nandito sina Persy at Phira.
“OMG! Ang ganda rito! Parang gusto ko tuloy mag-swimming kahit malamig!” tili ni Phira.
Buhat rin ng kapatid ko ang camping bag niya. At camera na lang bitbit niya.
“Subukan mo, 'te. Tingnan natin kung hindi ka manigas,” hamon naman ng kapatid ko.
“Persy, baba ka na! Picture-ran kita, dali!” Mabilis na hinila ni Phira si Persy pababa ng yate.
Nang makababa sila ay mabilis niyang pinicture-ran ng ilang beses ang kapatid ko. Tinuturuan niya pa kung paano mag-posing.
“Huwag kang tumingin rito. Sa malayo ang tingin para aesthetic,” sabi ni Phira na sinunod naman agad ng kapatid ko.
“Ganito?” tanong ni Persy.
“Oo, ganyan, ganyan. Huwag kang gumalaw. Ganyan ka lang,” saad naman ni Phira.
Agad na lang akong bumaba ng yate. Nang mapansin ako ni Phira ay agad niya akong tinawag.
“Halika rito, Precy! Picture-ran kita! Dali!” aniya.
Ngumiti naman ako saka agad na lumapit. Mabilis niya akong pinicture-ran. Tapos ay kaming dalawa ni Persy. Tapos ay binigay niya kay Persy ang camera para picture-ran kaming dalawa. Tapos ay tinawag niya sa Pildo at pinicture-ran siya kasama si Persy.
Nang mapagod kaka-picture ay agad kaming tumungo sa loob ng kakahuyan. As we entered, we were embraced by a much colder temperature due to the huge trees around us. We saw a lot of wooden floors without anything on it as we followed the trails. We noticed that some campers and hikers placed their tent on that floor.
Ginaya namin ang iba. Agad si Phira ay abala sa kaka-picture. Kaya ako na lang ang nagbukas sa tent. Tinulungan naman agad ako ni Pildo sa pag-set-up.
It took us 10 minutes setting up our home. The tent is huge enough for the four of us.
Beside the wooden floor is a tiny vintage circular well made of bricks. I guess, this is where we can wash our dishes.
“Presyas, look here!” tawag sa akin ni Phira.
Agad naman akong tumingin sa kanya. Nang makitang hawak niya ang camera at nakatutok sa akin ay mabilis akong ngumiti.
“Pretty!” aniya. “Persy, ako naman, picture-ran mo ako dito.”
Kita kong napakamot sa ulo ang kapatid ko. Pero sumunod na lang din naman ito.
While as of for me, I started assembling the kitchen tools that we bought yesterday for today. And of course, Pildo helped me.
I suddenly felt the cold breeze of the wind making me shiver. I rubbed both of my palms. Then I noticed Pildo.
“Hindi ka ba magpapalit ng mas makapal na damit?” Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
Gumagawa na siya ng apoy gamit ang acorn. Mabuti at may nakahanda na rin na apat na bricks sa sahig na tingin ko ay talagang para sa apoy. May mga nakahanda rin na kahoy at acorns.
How nice of the owner?
Napatingala siya sa akin tapos ay napatingin sa sarili niya. “Bakit? Anong meron sa damit ko?”
“Ah, hello? It's cold in here?” wika ko sabay irap sa kanya.
An amused smile and laugh showed off on his face. “Hindi naman ako giniginaw.”
Napasinghap ako saka tumango-tango. “Okay. Bahala ka.”
Akmang papasok ako ng tent para kunin ang ibang kagamitan nang bigla siyang tumayo.
“Pero kung gusto talaga ng magandang si Precy na magbihis si Pildo, magbibihis si Pildo,” aniya saka naunang pumasok sa tent.
I was left dumbfounded. My mouth were hanged open and I was stuck standing still in front of the tent.
Napakurap ako. Hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa tent. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko at ang tanginang paru-paro sa tiyan ko. Nagwawala na naman ang puso ko.
Hayop!
We ate a bit before I and Phira decided to go up the mountain. Of course, Pildo and Persy didn't let us hike alone, they followed us all the way to the top.
It took us 1 hour before we arrived at the top. I was astonished to see that there were some shops along the way to avoid the campers and hikers from starving or dehydrating. So, we bought some foods and drinks from the shops as well. There were first aid kits as well, but for free.
When we arrived at the top of the mountain, we immediately took photos. It was colder than I thought. Halos yakapin ko ang sarili ko sa lamig kahit pa isang makapal na jacket na ang suot ko.
“I have arrived!” sigaw bigla ni Phira.
Dito sa itaas ay kitang-kita namin ang mga punong-kahoy mula sa ibaba. Pero dahil sa temperatura ngayon, ang tuktok lang ng mga kahoy ang nakikita namin dahil natatakpan ito ng fogs.
“Wala na ba talagang willing na kukuha sa bataan ko?!” sigaw niya.
Napangiwi kami ng sabay ni Persy. Samantalang si Pildo ay natawa sa pinagsasabi ni Phira.
Nakadipa ang mga braso niya at feel na feel niya ang pagsisigaw. Pinagtitinginan siya ng ibang hikers.
“Lord, bigyan mo na ako ng sarili kong Adan! Maawa ka po sa akin? Ayokong tumandang dalaga!” sigaw niya.
Napailing ako. “Anong masama sa pagiging matandang dalaga? Okay lang iyon, ano ka ba?”
“Hindi, Precy! Magpapabuntis tayong dalawa! Bukas na bukas! Pag-uwi natin sa kabilang isla, punta tayong bar! Tapos ipatikim natin sa isang gwapong koreano ang tahong natin!” sigaw niyang muli.
Napakamot ako sa kilay ko. I suddenly heard Pildo's coughs beside me. Saglit akong napatingin sa kanya.
Nakataas ang kilay niya sa akin at madilim ang tingin, para bang nagbabanta.
Agad akong nag-iwas ng tingin. Pasensya na, Phirs. Mukhang may kakain na sa tahong ko.
“Tama na nga iyang kakasigaw mo diyan, mag-picture ka na lang,” wika ni Persy dito.
Umiling si Phira. “Hindi! Hindi ako titigil hangga't walang gwapong koreano na mahuhulog mula sa langit!”
Napailing ako. Lumapit ako sa kanya saka dinipa rin ang mga braso ko tapos ay tumingala rin sa langit gaya ng ginagawa niya.
“Lord, maawa ka! Patigilin mo na ito si Phira! Sana ay tumino na po siya! Maawa ka!” sigaw ko.
Natawa siya sa sinabi ko saka hinampas ako. “Grabe ka naman sa akin, 'te! Iba ang isigaw mo! Tsaka, isa pa, minsan lang tayo rito sa Korea! Ilabas na natin ang dapat ilabas!”
Natawa na rin ako. “Wala naman akong isisigaw, eh!”
“Anong wala? Meron! Nakita mo si honeybunch sugarplum mo! E-pray mo kay Lord, baka ibigay niya sayo!” sigaw niya saka muling dumipa.
Agad na nagliwanag ang mga mata ko. Dumipa ako saka sumigaw. “Lord, kung hindi mo alam ang para sa akin, may kilala ako! Siya na lang ibigay mo, Lord! Pakakasalan ko na po siya!”
“Sino iyan, 'te?” biglang tanong ni Persy mula sa likod namin.
“Oo nga, hindi pa kita inaaya, ah,” wika naman ni Pildo na kinatigil ko.
Napakurap ako. Napatingin ako kay Phira na tila walang pakialam sa narinig. Tapos ay napatingin ako kay Persy. Magkasalubong ang kilay niya na nakatingin kay Pildo.
Samantalang si Pildo ay nakatingin lang sa akin at may pagtatanong sa mga mata.
Lord, nakita ko na.
...
Do follow me on my Facebook page, everyone: Thorned_heartu.
Thank you so muchhh <3.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro