17 | What A Brother Can Do
17 |What A Brother Can Do
After that very tear-jerking dinner, my parents were too kind enough to even sleep beside me. I was so heart broken that I was crying the whole night. I kept on telling my parents how I hate Pildo and how I badly want to forget him.
Heck! I never cried for any jerk before!
And so, when morning came, I immediately told my parents that I'm going back to my condo. They were even worried about me that they don't want me to go back yet.
“Are you sure, honey? Are you sure you wanna go back to your condo early? You can stay here in our house if you want,” saad ni Mommy sa akin.
Nasa loob na kami ng sasakyan ni Dad ngayon. Patungo kami sa school para ihatid si Mommy sa work niya. Saka na raw ako ihahatid ni Daddy kapag nahatid na namin si Mommy.
I am sitting on the backseat while they're both sitting in front. Daddy's driving the car and Mom's on the passenger seat.
Mapapakanta na lang tuloy ako ng Passenger Seat nito habang tinitingnan sila.
“Yes, Mom. Sure na po ako. I really have a lot of things to do. Tatapusin ko po lahat,” sagot ko.
Daddy sighed. “Bakit hindi ka muna magpahinga, 'nak? Heart broken ka pa naman. Kailangan mo pang lagyan ng band aid iyang puso mo.”
Kung pwede lang tahiin gamit makina itong puso ko, Dad, eh.
I chuckled and sighed. “I really hope a band aid can do, Dad. Pero magpapahinga naman po ako. After kong matapos lahat ng projects ko.”
“What kind of pahinga would it be?” Mom asked.
I pursed my lips. “Hm... I don't know. Maybe, go out of the country.”
My Mom smiled as she looked at me. “That's a great idea, honey! Are you going alone? Or should I call Persy so he can accompany you?”
“Hmm? Pag-iisipan ko pa, Mom. Pero baka pupunta lang ako nang mag-isa,” wika ko.
She nodded. “Okay, if you love to.”
Pagdating namin sa school ay agad nang nagpaalam si Mommy sa amin. Dad even kissed her on her cheek as she go out of the car.
Grabe naman ito, Lord? Paano naman ako?
Agad naman akong hinatid ni Daddy sa harap ng building ng condo ko dahil ma-le-late na siya kapag ihahatid niya pa ako sa loob. So, when I went out, I bid goodbye to him.
“Bye, Dad. Take care sa biyahe, ah?” I said as I looked at him on the opened window.
He nodded and smiled at me. “Are you sure you're gonna be okay?”
I smiled and nodded. “Yes, Dad. I will be fine.”
He sighed and stared at me for awhile. “Anak, tell me if you need me, okay? Kapag masakit na talaga, tawagan mo ako. I will immediately teleport in front of your door.”
I chuckled and nodded. “Opo, Dad. And don't worry about me too much. Kayang-kaya ko ito. Ako pa.” Sabay tapik sa dibdib ko.
He nodded and smiled. “Okay, then. Sige na, pasok na. Papanoorin kitang pumasok bago ako aalis.”
Ngumiti ako saka tumango. “Okay po. Bye, Daddy!”
Agad akong tumalikod na saka naglakad papasok ng building. I immediately went straight to my condo.
And when I arrived, I let off a hard sigh. Naupo ako sa sofa ko saka hindi mapigilang isipin ang mga panahong nandito si Pildo sa condo ko. Parang nakikita ko pa nga siyang nagluluto sa kusina ko.
Agad kong ipinilig iyon. Hayop na iyan! Dapat kalimutan ko na talaga siya! Nasasaktan na ako!
I just decided to get dressed into pajamas and went to my studio. I then started creating the projects that are temporarily on pause because of my broken heart. I still have to finish an opera gown inspired from Odette of Barbie.
The gown is already finished, I just need to design it with white diamonds. It's in color white and is only up to mid-shank. It only has a single strap on the right shoulder. I also created the ballet shoes and the simple crown of Odette.
As I was busy finishing the gown, a doorbell interrupted me.
Bumuntong-hininga ako. Lumapit ako sa pinto tapos ay tumingin sa monitor.
My brows raised to see that it's my brother.
I opened the door and crossed my arms as I faced him.
“Hi, Ate—”
“Anong ginagawa mo rito? Walang laman ang ref ko, kaya magugutom ka rito,” wika ko agad sa kanya.
Agad siyang napairap. Tapos ay itinaas niya ang mga bitbit niyang ngayon ko lang napansin.
“Hindi ako nandito para magnakaw ng pagkain sa ref mo. Nandito ako para magdala ng groceries,” saad niya at deretsong pumasok sa loob.
Napailing ako. He went to the ref and placed all of it there. I bet he even bought an ice cream for me.
“Anong nakain mo at binilhan mo ako ng groceries?” Pinaningkitan ko siya. “Hindi mo naman siguro ako pagbabayarin niyan, 'no?”
Hindi siya humarap sa akin at patuloy lang sa pag-a-arrange ng mga pagkain sa cabinet at ref ko.
“Magpasalamat ka na lang kaya na bumuti ang kalooban ko at binilhan kita ng groceries, 'te? Ang dami mong sinasabi samantalang ako nagmamagandang loob lang sayo.”
Napataas ang kilay ko. “Eh, ba't ka ba kasi nagmamagandang loob, eh, wala ka naman niyan.”
“Siguro dahil broken hearted ka?” aniya.
Napasinghap ako. Agad akong lumapit sa kanya. Humalukipkip ako at saka tinitigan siya.
He's crouching on the floor, putting some foods inside my cabinet near the floor. A huge bag is beside him where all the foods he bought were.
“Saan mo nalaman na broken hearted ako? Sinong may sabi sayo? Bakit mo alam?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Nilingon niya ako saka tiningala. “Bakit hindi ko malalaman? Tumawag lang naman sa akin sina Mommy at Daddy tsaka sinabi sa akin na broken-hearted ka daw. Eh, ano pa nga bang magagawa ko maliban sa bilhan kita ng mga pagkain para hindi ka magka-ulcer kakaiyak dito sa condo mo.” Tsaka muling bumalik sa pag-a-arrange.
Napanguso ako. “Aba! Kahit pa ma-broken ako ng paulit-ulit, kakain pa rin ako ng tama, 'no! Lalabas ako! Pupunta sa pinakamamahaling restaurant! E-enjoy-yin ko buhay ko!”
“Aba, dapat lang!” Tumayo siya saka namaywang sa harap ko. “Hindi iyong maririnig ko na iiyak-iiyak ka! Nasaan na ang malditang Precy na nakilala ko? Iiyak lang pala sa isang lalaki diyan!”
Mas lalo akong napanguso. “Alam mo ba kung kanino ako broken hearted?” tanong ko.
Ngumuso siya saka saglit akong tinitigan. Tapos ay nag-iwas siya ng tingin sabay halukipkip. “Sino ba namang hindi makakakilala kay Phil Dominick Caballeros?”
Napanguso ako lalo. Pakiramdam ko ay nagmumukha na akong bebe sa kakanguso ko.
Nananakit na naman ang ilong ko sa emosyong nararamdaman. Nagbaba ako ng tingin.
“H-Hindi naman gwapo iyon,” bulong ko.
“T-Tama! Hindi naman gwapo iyon, ba't mo minahal? Hindi ka ba marunong pumili? Akala ko ba mataas ang standards mo?” aniya habang nakapamaywang na nakaharap sa akin.
Bakit parang pakiramdam ko ako ang bunso ngayon? Bakit feeling ko pinagagalitan niya ako at siya ang mas matanda sa aming dalawa?
“Mataas nga ang standards ko pero pumasa naman siya,” wika ko habang nanlalabo ang mga mata.
Tangina! Naiiyak na naman ako! Ayoko talaga pag-usapan ang gagong iyon! Nasasaktan ako!
Napasinghap siya. “Ay, jusko! Ibagsak mo! Bakit mo hinayaang pumasa, Ate? Ibagsak mo iyan, ibagsak mo! Hindi pwedeng iiyak-iiyak ka lang! Maghigante ka!”
Tapos ay naupo siya sa upuan na nasa counter ng kusina. May bucket ng ice cream doon na nakalagay at may kutsara pa. Mukhang hindi ko man lang napansin na kumuha na pala siya ng kutsara at nilagay sa counter.
Binuksan niya ang dalawang bucket ng ice cream tapos ay padabog na tinusok ang kutsara doon. Parang sinaksak niya pa nga.
“Bakit mo ba kasi siya nagustuhan? Sa dami-daming lalaki sa mundo, kay Kuya Pildo ka lang nahulog?!” aniya sabay saksak na naman sa ice cream.
Naaawa na ako sa ice cream.
Napanguso ako lalo. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay ang paulit-ulit na pagtarak sa puso ko. Para bang puso ko iyong sinasaksak ni Persy ng kutsara.
“H-Hindi ko rin alam! Kung pwede lang pumili, hindi ko siya pipiliin! Ang swerte naman niya!” Napapadyak ako.
Mabilis akong lumapit sa counter at naupo sa upuan sa tabi ni Persy. Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin niya sa akin na parang nagsasabing nababaliw na ako dahil totoo naman.
Agad kong kinuha ang kutsarang nakatarak sa ice cream na tingin ko'y hinanda niya para sa akin. Tapos ay agad akong sumubo no'n.
“Ang dungis mo, 'te! Huwag ka nang umiyak! Maghahanap tayo ng iba! Iyong mas pogi!” aniya sabay subo rin ng ice cream.
Sumisinghot akong kumain ng ice cream. Panay tulo rin ang luha ko at panay hikbi ko.
“S-Saan, Persy?! Saan ako makakahanap?! Iyong tipo ng pogi na makakalimutan ko kaagad ang tarantadong si Pildo!” hagulhol ko.
Hinaplos niya ang likod ko. Panay pa rin ang kain ko, gayundin siya.
“Huwag kang mag-alala, 'te. Ako ang bahala sayo! May mga kakilala ako! Pogi! Mayaman! May abs! Huwag ka doon sa haciendero, 'te! Kalabaw lang inaalagaan no'n hindi babae!” aniya.
Tumango ako habang panay hikbi. “T-Tama ka, Persy! Maghahanap talaga ako ng iba! Iyong hindi haciendero at iyong hindi housewife material ang hanap! Iyong papayag kahit hindi ako marunong magluto!” Napahagulhol ako.
Saan naman ako makakahanap niyan? Lahat yata ng lalaki ganoong klaseng babae ang gusto, eh!
“T-Teka, sinabi niya na iyong gusto niya iyong marunong magluto?!” Suminghap siya habang puno ng ice cream ang bibig.
Tumango ako habang humihikbi. Basang-basa na ng luha ang pisngi ko.
“O-Oo! Hayop siya!” sagot ko.
Hinaplos ulit ni Persy ang likod ko. “T-Tama na, 'te! Tama nang iyak! Hindi mo deserve iyakan ang mga lalaking kalabaw lang ang mahal!”
Humikbi ako. “A-Anong kalabaw lang ang mahal, Persy?! Hindi naman kalabaw si Tanah bakit mahal niya iyon?!”
“H-Ha? B-Baka mukhang kalabaw! Nalito lang siguro si Kuya,” aniya.
Iyak lang ako nang iyak. Panay lang din ang pagkain ko sa ice cream. Buti hindi natuluhan ng luha, kadiri!
“S-Sabihin mo sa akin kung ano ang pangalan ng kaibigan mo, Persy! Jojowain ko!” saad ko sa kanya habang sumisinghot.
Napakurap siya. Nakaumbok ang magkabilang pisngi at bahagyang nakaawang ang labi habang nakatingin sa akin.
Muli niyang hinaplos ang likod ko saka tumango-tango. “K-Kainin mo iyang ice cream. Ubusin mo. Tapos aalis tayo. Pupuntahan natin ang kaibigan ko.”
Agad naman akong tumango at sinunod ang sinabi niya. Halos maghabulan kami sa pagkain ng ice cream. Tapos nang matapos ay agad niya akong tinulungang maghanap ng maisusuot.
Isang simpleng white round-neck dress ang suot ko. Fitted ito sa akin pati na sa mga braso at umaabot lang hanggang sa ibaba ng tuhod ko.
“Ayan! Iyang gandang iyan? Hindi pinansin ni Kuya Pildo?! Bulag ba siya?!” saad ni Persy habang nakapamaywang sa likod ko.
Parehas naming sinusuri ang imahe ko sa salamin na nasa harap ko.
Bahagya akong ngumisi habang nakatingin sakanya sa salamin. “So, inaamin mo na na maganda nga ako?”
Umirap siya. “Ngayon lang dahil broken hearted ka. Pero kapag maayos ka na, pangit ka na ulit.” Nauna siyang naglakad patungo sa pinto ng kwarto ko. “Tara na, bilisan mo. Baka naghihintay na ang mga kaibigan ko doon sa cafe.”
Napakurap ako. Nilingon ko siya. “Mga? Madami ba sila?” tanong ko.
Ngumisi siya saka tumango. “Aba'y oo! Sinigurado ko na sasama lahat ng gwapo kong kaibigan para ikaw na mismo ang pumili! Ang kapal ng mukha ng iba diyan na hindi ka piliin, eh!”
Napangiti ako. Sa kakaiyak ko kanina hindi ko man lang na-appreciate ang effort ng tarantado kong kapatid na ito. Kahit siya ang palagi kong kaaway, siya naman ang tunay kong kakampi.
I breathed in and smiled. “Okay, let's go!” saad ko.
Agad kaming lumabas ng building. Mabuti at may dala siyang sasakyan kaya dumeretso agad kami sa cafe na sinasabi niya.
Pagkarating namin doon ay agad niya akong inalalayan patungo sa table na may nakaupong dalawang lalaki. Kapwa nakasuot ng long sleeves ang mga ito. Matitikas rin ang dating gaya ng kapatid ko.
Akala ko na lahat ng gwapo? Ba't dalawa lang ito?
Ay! Gahaman ka rin, Precy!
“Hey, motherfuckers, I have arrived,” bati ng kapatid ko sa dalawang ito.
Agad naman itong napatayo nang makita kami. Unang nagsalita ang isa na nakahalukipkip at naka-top knot ang buhok na itim.
“If not because of your lovely sister, you could've kissed my fists, asshole,” wika nito bago tumingin sa akin. “Hello there, Perseus' sister. I'll be happy to introduce myself to you. Ishmael Cassiannogova is the name.” Sabay kuha sa palad ko at hinalikan ang likod ng kamay ko.
Tipid akong ngumiti sa kanya. “It's nice to meet you, Ishmael.”
Mabilis na tinampal ni Persy ang kamay ni Ishmael na nakahawak sa akin. “Stay away, motherfucker. Who gave you the right to kiss my sister?”
Tanga ba 'tong lalaking ito? Akala ko ba ipapakilala niya sa akin ang mga ito? Tapos ngayon pinapalayo niya.
Bagot na tumingin si Ishmael sa kapatid ko. “It was just the back of her hand, Perseus. Don't be overacting.” Nilingon nito ang katabi na kanina pa tahimik at tingin ko ay bagot na. “Won't you introduce yourself, asshole?”
Bagot na tumingin ang nakasalamin nitong mga mata sa kay Ishmael bago bumuntong-hininga at bumaling sa akin. Parang nanlamig yata ako sa klase ng tingin niya. Parang nagyeyelo yata ang mga mata niya.
“It's wonderful meeting you in person, Miss Villegas. I am Kilosys Ravendinna,” aniya saka nakipag-kamay sa akin.
I nodded ang smiled at him. “It's nice meeting you as well, Kilosys.”
“Kilo will do,” aniya.
Napatango ako. “Kilo it is.”
“Okay, tama na iyan. Let's take a seat and let's get this thing started,” wika ng kapatid kong nag-iiba ang awra kapag kasama ang kaibigan.
Nagpapa-cool ba itong si Persy? Tsaka, hindi niya pala ginagamit ang 'Persy' kapag kasama niya mga kaibigan niya, ah?
Agad naman kaming naupo. Magkaharap kaming apat. Sa tabi ko ay si Persy at sa harap namin ay sina Ishmael at Kilo. May mga pagkain na sa mesa at bigla tuloy akong nagutom kahit pa kakakain lang namin ni Persy ng ice cream.
Ngayong tinitingnan ko sila ay bigla tuloy nagbago ang isip ko. Ayoko na pala maghanap ng ibang lalaki diyan. Nakakapagod. Maging single na lang ako habang-buhay.
Tumikhim si Persy. “So, what can you do to deserve my sister?” aniya.
Napakurap ako. Bakit parang kasalanan pa nilang dalawa na nandito kami sa cafe ngayon? Eh, kasalanan ko naman dahil ang OA ko.
Napakamot sa kilay si Kilo at si Ishmael ay tumingin sa kisame na tila ba nag-iisip.
“Why are we here again?” tanong ng magkasalubong ang kilay na si Ishmael.
Bakit ba english nang english ang mga ito? Pero sabagay, mukhang may mga lahi ang mga ito, eh.
Grabe naman pala ang friends ng kapatid ko.
“Ah, to date my sister?” sagot ni Persy.
Napakurap si Ishmael. “I thought you don't want us to meet your sister. What's this now?”
Napatikhim ako. Nakakahiya naman!
Tsaka bakit ayaw nitonfg gago kong kapatid na makilala ako ng friends niya?! Kaya wala akong jowa, eh!
“Ah, I'm sorry about this. Something just came up and—” Pinutol ni Persy ang sasabihin ko.
“I already told you, dumbass. You're going to date my sister. But before that, I'll have to analyze as to who among you two deserves her better,” sagot ng kapatid ko na kinakurap ko lang at kinapula ng pisngi ko. “Okay, Kil, you're up first.”
Bagot na tumingin ito sa kapatid ko saka bumuntong-hininga. Mukhang napilitan lang talaga ang isang ito na pumunta rito. Saan kayang bansa galing ang isang ito?
Bumaling sa akin si Kilo. Napakurap ako. Nakakanginig talaga ang tingin niya.
“Ah, I'll buy her a mansion for most probably 400 hectares,” wika nito.
Gagi! Anong gagawin ko sa bahay na iyan?
“Is that all you can do, asshole? That's too lame,” saad ni Ishmael. Tumingin ito sa akin. “Well, as of for me, to deserve her, I will buy her a resort 'cause I heard she loves the beach—”
“Where did you heard it?” tanong ng kapatid ko. “I never told you about it.”
Bumaling si Ishmael kay Persy. “I'm just kidding. Anyways, so as I was saying, I will buy her a resort, then probably buy a yacht for her as well, or do you rather want a ship over a yacht, Miss Villegas?” anito.
Napakurap ako. Napatikhim ako. “Uhm... How old are you?” tanong ko. “Do you speak tagalog? Do you understand our language? Where are you two from? You don't look Filipino to me.”
Nilingon ako ni Persy. “Ba't mo natanong, 'te? Bakit mukhang interesado ka na sa kanila?”
Nilingon ko siya. “Nagtatanong lang ako. Curious lang. Tsaka, isa pa, ideya mo naman kaya nandito tayo, eh. Huwag ka nang magreklamo.”
“I'm half-Filipino, half-German. I can quite understand and speak tagalog. I grew up in Germany. My Mom is Filipina,” wika ni Ishmael. Nilingon niya ang kaibigan. “For goodness sake, Kil, just talk.”
“I don't even fucking know why I'm here, you piece of shits,” saad ni Kilo. Tumingin siyang muli sa akin. “I think there's no need for me to introduce more about myself. Let me just ask you a question, Miss Villegas. Who hurt you?”
Napakurap ako. Nilingon ko si Persy na kumakain na naman. Tumingin siya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
“Bakit?” tanong niya.
“Sinabi mo sa kanila na heart broken ako?” asik ko sa kanya.
“Bakit hindi?” aniya at muling bumalik sa pagkain. “Huwag mo lang silang magustuhan.”
Ha? Ano ba talagang gusto nitong kapatid ko at dinala ako rito?
Nag-aalinlangang tumingin ako sa dalawa na naghihintay ng sagot sa akin. Tipid ko silang nginitian.
“Ah, let's just eat, everyone. And let's forget everything,” wika ko.
“I'm actually really curious, Miss Villegas? How could someone hurt your heart? Who's that asshole? Kindly drop the name,” wika ni Kil.
I'd rather call him 'Kil' than 'Kilo', ang pangit, eh.
“Y-You don't know him. You don't have to know,” wika ko saka pekeng ngumiti.
Bahagya siyang ngumuso saka tumango. “Alright. Too bad my rifle can't do his job.”
Bahagyang nanlaki ang mata ko. “R-Rifle?”
Tumango siya. Agad naman siyang hinampas ni Ishmael. “You're scaring her, Kil.” He chuckled. “But too bad my grenades can't be on use.”
Napakurap ako. Saglit kong tiningnan ang kapatid ko bago bumalik sa kanila. Anong klaseng mga kaibigan ba itong nahanap ni Persy? Saan ba siya nagsusuot at may bomba at baril ang mga naging kaibigan niya?
“U-Uh... There's no need for you to do that.” I laughed nervously. “I-I think I'll be fine.”
They both nodded. Ishmael smiled. “So, who are you gonna choose between us? I can free my time for you anytime you want, Miss Villegas—”
“Nevermind, I think my sister's fine now,” sabad bigla ng kapatid ko.
Ngumisi si Ishmael sa kapatid ko. “Are you sure you don't want me to take care of your sister, Perseus? I will take good care of her—”
“Don't even try, you fucker,” asik ni Persy. “No one deserves my sister.”
Napailing si Kil sa sinabi ng kapatid ko. “Then why ask us here, motherfucker? Do you rather want us to hunt for the man who broke her? Guess, that would be a better way.”
“And easier,” wika naman ni Ishmael.
Itinaas ko ng bahagya ang palad ko para sabihing may gusto akong sabihin. “Uhm... t-there's no need for that. N-No hunting.”
Kakalimutan ko lang si Pildo. Pero hindi naman pwedeng mamatay siya! Mahal ko pa rin iyon!
Tsaka isa pa, pumapatay ba itong mga taong ito? Pati rin itong kapatid ko—teka lang! Isusumbong ko siya kay Daddy at Mommy!
Tumingin si Ishmael sa akin saka ngumiti ng tipid. “You're too pretty to get hurt, Miss Villegas. I kind of understand your little brother now.”
Ngumisi bahagya si Kil at humalukipkip. “You're really pretty. No wonder your jerk of a brother is always happy to know that you don't have a damn boy toy.”
Napataas ang kilay ko saka nilingon si Persy. Nakanganga siya at akmang susubo na naman ng pagkain. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay napatigil siya.
“Bakit?” tanong niya.
“So, tuwang-tuwa ka pala na wala akong jowa,” saad ko.
Binaba niya ang kutsara sa plato. “Bakit hindi? Natural lang na matuwa ako na wala kang jowa, 'te! Dahil ibig sabihin no'n hindi ka masasaktan nino man! Tapos bigla kong malalaman na mahal mo na pala si Kuya Pildo?! Grabe naman, 'te! Hindi ka ba marunong mamili?!”
Napairap ako. “Hindi ko siya pinili, okay? At kung papipiliin ako, hindi siya ang mamahalin ko! Tsaka, huwag kang mag-alala, mukhang magiging matandang dalaga na lang talaga ang Ate mo!”
“Mas mabuti! At nang hindi ka iiyak-iiyak diyan! Akala mo naman ang ganda mo kung umiiyak ka!” saad niya.
“So, once again, I wanna ask the purpose of why we're both fucking sitting here, Perseus? I'm fucking sure you know that I have a lot of things to do,” wika ni Kil.
Bumuntong-hininga si Persy. “The first reason was to matchmake you to my sister, but I changed my mind and decided to just hunt Phil Dominick Caballeros for her.”
Napakurap ako saka nilingon agad si Persy. “A-Ano?”
“Well, then, it's settled,” wika ni Ishmael. “Let's get going Kil. We got a fucking job to do.”
Nagsitayuan silang dalawa. Agad akong nataranta. Anong ibig sabihin nila sa hunt-hunt at job na iyan? T-Teka lang!
“P-Persy, gago ka ba? Papatayin mo ba si Pildo, ha? Tarantado ka ba?” pabulong kong asik sa kanya.
Kalmado siyang uminom ng juice. “Chill lang, 'te. Tatakutin lang nila si Kuya. Hindi nila sasaktan.”
Napasinghap ako saka inis siyang hinampas sa braso. Tiningnan ko ang dalawa na nakatayo na at ready nang umalis. “I-Ishmael, K-Kil, what are you going to do with him?” tanong ko.
Ngumiti ng matamis si Ishmael sa akin. “Nothing much, Miss Villegas. We're just gonna scare him a bit. Something that will make him man up.”
Agad akong umiling. “N-No need. T-There's no need for that. Y-You can go back to your job if you want, or if you're both busy. J-Just forget what Persy is saying—”
“Oh, Persy?” Ngumisi si Ishmael sabay tingin sa kay Persy. “So, you're Persy in your family and not fucking Perseus Sarem Villegas?”
Masamang tiningnan ng kapatid ko si Ishmael. “There's always another side of a fucking story, asshole. Just get your job done.”
“As long as you're gonna pay us big, man,” wika ni Kil saka akmang maglalakad na.
“Money is never a problem, Kil,” sabi ng kapatid ko.
“Then it's settled,” sabi ni Ishmael. Tumingin siya sa akin saka ngumiti. “I'm very sorry, Miss Villegas. Money is very important to me that even your beauty can't make me stop.”
“Let's go, Mael!” tawag ni Kil rito na nakalayo na.
Mabilis na sumunod si Ishmael rito. Ako naman ay napatayo sa taranta. Samantalang ang gago kong kapatid ay nakaupo lang at kalmadong kumakain.
Inis kong hinampas ang balikat niya. “Anong pinanggagawa mo kapag wala kami?!” asik ko sa kanya.
Inosente niya akong tiningnan tapos ay matamis na ngumiti. “I'm no longer that little Persy, Ate. And I'd do anything for you so sit down and just eat.”
...
Do follow me on my Facebook page: Thorned_heartu.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro