15 | The Only
15 | The Only
Patuloy niya akong hinihila palayo sa bar ni Asahi. Mariin ang pagkakahawak niya sa palapusuhan ko pero hindi naman ako nasasaktan sa hawak niya. Masyado siyang malakas at sobrang haba ng mga binti niya kaya wala akong magawa kundi halos takbuhin ang pagsunod sa kanya.
“Ano ba, Pildo?! Saan mo ba ako dadalhin?! Baka hanapin ako ni Asahi! Baka isipin niya na nawawala ako! Bitawan mo ako!” asik ko sa kanya.
Hinihingal pa ako dahil ang lakad niya ay takbo ko. Kay hahaba ba naman ng binti niya.
Pinipilit kong magpumiglas sa kanya pero talagang malakas siya. Ayaw niya akong pakawalan.
“Uuwi tayo,” sagot niya sa akin.
Inis akong tumigil sa paglalakad. Napatigil rin naman siya at blanko akong tiningnan.
Matapang kong hinarap ang titig niya. “Ayokong umuwi!” asik ko.
“Wala akong pakialam. Iuuwi kita,” aniya saka muli akong hinila.
Naiinis na napasunod akong muli sa kanya. Sa lakas ba naman niya at sa liit ko kumapara sa kanya, talagang mahihila niya ako kung kailan niya gusto. Mabubuhat niya pa nga, eh.
Wow! Papabuhat ka naman, Precy?! Malandi ka!
“Pildo, ayoko nga umuwi! Sobrang bored na ako doon sa bahay! Gusto ko naman na magliwaliw! Gusto kong suyurin buong Leyte kung pwede!” asik ko.
“Edi, sana sinabi mo sa akin na gusto mong maging si Dora para maging Boots mo ako, diba?” aniya.
Umirap ako. Huwag nating ipahalata na naaapektuhan tayo at na kaunting paramdam lang ng taong ito ay matutunaw na tayo!
“Ang corny mo! Bitawan mo nga ako! Magpapaalam na lang ako kay Asahi na uuwi na ako dahil may tarantadong gusto akong ikulong sa bahay niya!” asik ko.
Tumigil siya saka hinarap ako nang hindi ako binibitawan. “Talagang ikukulong kita, Precy. Kung kani-kanino ka lang sumasama.”
Kinunutan ko siya ng noo. “Anong kung kani-kanino? Kaibigan ko si Asahi at mapagkakatiwalaan siya kaya hindi siya kung sino-sino lang.”
Blanko niya akong tiningnan. “Sakay.”
Kumunot ang noo ko. Napakurap ako nang mapansing sa harap namin ay isang motorbike na kulay pula. Hindi ko man lang namalayan na nakalayo na pala kami sa bar ni Asahi.
“Anong sakay?” Magkasalubong ang kilay na tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Sakay. Ride. Hindi mo alam iyon? Ba't ka pa ba nagtatanong? Sakay na.”
Agad akong umiling. “Ayoko! Ayokong sumakay sa motor mo! Baka mahulog ako diyan! Mag-ta-tricyle na lang ako pauwi!”
Muli niya akong tinaasan ng kilay. “Ah talaga ba? Ayaw mong sumakay sa motor ko samantalang kanina kitang-kita kong tuwang-tuwa kang nakaangkas sa motor ng tarantadong Asahi na iyon?”
Matapang ko siyang hinarap. “Bakit ba? May tiwala naman ako kay Asahi.”
“So, sa akin wala kang tiwala?” aniya.
“Oo! Tarantado ka kasi! Kaya bitawan mo ako, uuwi ako gamit ang tricyle!” saad ko.
Inis kong inalis ang kamay niya sa pulso ko. Akmang maglalakad ako paalis nang bigla niya akong buhatin. Yakap niya ang bewang ko saka ako binuhat patungo sa tangina niyang motor.
Napatili ako saka pinaghahampas ang maugat niyang braso.
Gaga ka, Precy! Pati iyan napansin mo pa!
“Bwesit ka, Pildo! Ayoko nga sumakay sayo!” tili ko.
Buti na lang walang masyadong tao rito sa kinaroroonan namin, kung hindi ay baka wala na talaga akong nagawa kundi sumakay na lang sa kanya. Nakakahiya naman kung magtitili ako habang maraming tao, 'no? Papansin lang?
“Talagang mapipilitan akong pasakayin ka sa akin kapag hindi ka nakinig sa akin, Precy. Baka makalimutan kong sa motor ka dapat sumakay at hindi sa akin. Huwag mo akong hinahamon,” aniya habang buhat ako.
Inis kong pinaghahampas ang braso niyang yakap-yakap ang bewang ko. “Tarantado ka! Bastos ka! Isusumbong kita sa Daddy ko!”
“Sige, isumbong mo. Samahan pa kita. Tingnan natin kung hindi tayo piliting magpakasal no'ng Tatay mong botong-boto sa akin,” aniya.
Walang nagawang napatili na lang ako. “Argh! Bwesit ka!”
Agad niya akong pinaupo sa motor niya. Bahagya akong kinabahan nang makatungtong na ako doon. Napahawak ako sa inuupuan ko sa harap ko upang kumapit.
Naiiyak na kumapit ako doon. Samantalang siya ay kalmadong binuksan ang motor niyang lagayan ng gasolina, ewan ko kung ano ang tawag diyan. Tiningnan niya kung may laman ba ito. Sana ay wala. Ayoko talagang sumakay. Mas malaki ang motor niya kaysa kay Asahi.
Nang matapos siya sa pagsuri ay tinakpan niya ito saka tiningnan ako. Nakasimangot na sinagot ko ang tingin niya.
“Bakit?!” asik ko.
“Pa-gas muna tayo bago tayo uuwi,” aniya tsaka marahang inipit sa likod ng tenga ko ang buhok kong nakakalat sa mukha ko.
Ayan, ganyan siya! Kapag kami lang dalawa, ganyan siya! Nililito niya ako!
Kapag kami lang magkasama, parang gusto niya ako! Tapos kapag nandiyan ang Tanah niya, ni-hindi na niya ako nakikita! Tarantado siya!
Ayoko sa mixed signals, hayop siya!
Inis kong inalis ang kamay niyang nasa buhok ko. “Kung uuwi, edi uuwi! Ano pang hinihintay mo diyan?!”
Bumuntong-hininga siya saka napailing. Agad siyang sumakay sa motor. Nang gumalaw bahagya ang motor ay mabilis akong napakapit sa balikat niya.
Pinaandar niya ito pero hindi naman siya umaalis.
“Ano pang hinihintay mo? Umalis na tayo! Tutal atat na atat kang iuwi ako, eh!” asik ko sa kanya saka masamang tiningnan ang ulo niya sa likod.
Kung may laser lang ang mata ko, butas ang ulo ng gagong ito.
“Yakap,” saad niya.
Napakurap ako. “Ano?”
“Yumakap ka,” sabi niya.
“Ba't ako yayakap kung pwede namang humawak lang ako sayo? Ang dami mong alam!” saad ko.
Bumuntong-hininga siya. Bigla niyang hinawakan ang magbilang hita ko saka hinila ako palapit sa likod niya. Bahagya pa akong napatili saka napakapit sa balikat niya. Tapos ay kinuha niya mula sa likod niya ang mga braso ko at pinalibot sa katawan niya.
Ramdam ko ang init ng likod niya sa dibdib ko. At ramdam ko rin ang mabato niyang tiyan sa mga palad ko.
Amoy na amoy ko siya. At in fairness naman, ang bango niya!
Agad niyang pinatakbo ang motor niya kaya mas lalo akong napakapit. Ang laki talaga kasi ng motor niya, feeling ko pabiyaheng langit kami nito.
Saglit kaming tumigil sa isang gasoline station. Tapos ay muli niya itong pinatakbo.
Nagtaka ako nang mapansing hindi kami pauwi. Nakikita ko ang karagatan mula rito. Namangha ako agad dahil sa ganda ng mga nakikita ko.
Mangroves, beach, sand, and waves. It made me feel overwhelmed.
“Pildo, nasaan tayo?” tanong ko sa kanya.
“Patungo sa beach,” sagot niya.
Napa-whoah ako. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi ko.
I watched everything around me. Nawala ang kaba ko sa pagkakasakay ko sa motor dahil sa ganda ng paligid. Sobrang lakas at presko ng hangin. Sobrang ganda sa paningin ng karagatang nagniningningan dahil sa sidlak ng araw.
Then minutes later, we stopped in a garage. Sa tabi nito ay isang signage na nagsasabing nasa isang beach resort kami.
Agad siyang naunang bumaba sa motor. Tapos ay hinawakan niya bewang ko saka binaba ako mula rito.
Kinuha niya ang susi mula sa motor niya saka nilagay sa bulsa ng maong shorts niya. Tapos ay hinawakan ang pulusuhan ko at naglakad kami patungo sa entrance ng resort.
May nagbabantay rito na isang lalaking naka-uniform. He then greeted us.
“Good day, Ma'am and Sir! Welcome to the Masinag Beach Resort! You have to pay 50 pesos for children and 100 pesos for adults for the entrance fee,” aniya.
Agad na kinuha ni Pildo ang wallet niyang nasa bulsa niya tapos ay binigay sa staff. Bahagya pa akong nailang dahil panay ngiti at sulyap nito sa akin. Kaya wala na rin akong nagawa kundi tipid na ngumiti sa kanya.
Tinanggap niya ang inabot ni Pildo na pera saka may binigay na dalawang papel sa kay Pildo. “Here are your tickets, Sir and Ma'am. Have fun in our resort!”
Tinanggap naman ito agad ni Pildo. “Sa susunod, gawin mo lang ang trabaho mo, hindi iyong sasamahan mo pa ng titig bawat babaeng papasok dito.”
Tapos ay hinawakan muli ang pulso ko saka agad kaming pumasok sa entrance gate.
May nagbabantay ulit roon na guard tsaka agad pinakita ni Pildo rito ang ticket na binigay sa kanya. Tumango lang ang guard kaya dumeretso na kami sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok namin, unang bumungad sa akin ang napaka-asul at napakalawak na karagatan. The sand is so fine. The ocean is glittering.
“Wow! Ang ganda!” wika ko.
Agad akong tumakbo patungo sa buhangin. Napabitaw naman si Pildo sa akin at hinayaan na lang ako.
I took off my doll shoes and feel the sand under my feet. I smiled as I felt the tickle-y texture of it on my skin.
Napatingin ako sa paligid. Namangha ako sa dami ng tao at sa lawak ng resort. May mga nag-ski pa. May yachts rin doon at may floating cottages.
Sa buhanginan ay may mga nagtitinda roon ng beach ornaments. May iba rin na nagbebenta ng beach outfits and even film cameras.
Sayang at hindi kami natuloy nina Mom at Dad sa pagbe-beach today. Pero at least may alam na ako na e-re-recommend sa kanila next time.
I went barefooted on the water and felt its coldness on my skin. Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong purple sleeveless square-neck dress na umaabot hanggang sa ankle ko at itinaas para hindi mabasa. I played the water with my feet.
Nilingon ko si Pildo. Nasa buhanginan siya, pinapanood ako at bitbit na ang doll shoes ko.
Nag-iwas ako ng tingin dahil nga marupok ako at baka matunaw ako sa titig niya. Lalo pa't ramdam ko na naman ang tanginang mga paru-paro sa tiyan ko. Isama pa ang pamumula ng pisngi ko ngayon na sana ay hindi niya napapansin.
I continued playing on the water when I saw his shadow covering me from the sun.
Tiningala ko siya saka ngumiti. “Ang ganda rito, Pildo! Next time kapag matuloy ang beach bonding natin nina Mom and Tita, dito tayo, ah!”
He smiled and nodded. “Oo, sasabihin ko sa kanila,” aniya. “Hindi ka ba magbibihis?” tanong niya.
Napatingin ako sa suot ko. “Wala naman akong dalang damit.”
“Bibili tayo ng damit. Halika.” Hinawakan niya ang pulso ko saka hinila ako patungo sa nagbebenta ng mga damit. Bitbit niya pa rin ang sapatos ko.
I was astonished as I looked at the outfits and ornaments. Agad na pumukaw ng pansin ko ang isang rose pink na bikini.
A smile formed into my lips. Kinuha ko ito at akmang lalapit sa nagtitinda nang hawakan ni Pildo ang braso ko.
“Iyan ang isusuot mo?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa bikini.
Tumango ako. “Yes. Why?”
Napatitig siya doon saka napakurap. Then he sighed and let go of my arm. “Okay. Bilhin mo na.”
My smile widened and went to the seller. “Kuya, pabili po nito. How much is this po?”
And mind you, I didn't brought any wallet here. So, si Pildo magbabayad. Tutal, ma-pera naman siya, bakit hindi ko pagsamantalahan?
Hindi rin naman siya mapapasaakin, so, at least may nabili siya para sa akin. Remembrance ba.
“450 pesos iyan, Ma'am,” sagot ni Kuya.
I nodded and looked at Pildo. Agad niyang kinuha ang wallet niya at kumuha ng pera doon. “Dia ra, Kuya,” saad ni Pildo.
(Ito po, Kuya.)
Tinanggap naman ito agad ni Kuya tsaka sinuklian. “May dressing room po diyan, Ma'am. Doon po kayo magbihis.”
Agad akong tumango saka ngumiti. “Thank you po.”
I immediately went to the dressing room. Curtains lang ang nakatakip rito pero kulay itim naman kaya hindi makikita kung may nagbibihis o wala.
I opened the curtains and went inside, then closed it. I immediately changed my outfit, from a dress to a bikini.
Once done, I went out holding my dress. Napatigil ako nang mapansin ang tingin ni Pildo sa akin.
His eyes are roaming around my body. I noticed his neck reddening as well as his ears. His jaw is clenching.
Napatikhim ako. Sanay akong mag-bikini sa tuwing nasa beach pero ngayong si Pildo ang nasa harap ko, parang feeling ko wala akong damit.
“Uhm... i-ikaw? Hindi ka ba magbibihis?” I asked him.
Tumikhim siya. “Hindi ba maayos ang suot ko?” tanong niya.
I looked at him. Gwapo naman siya sa suot niya. Palagi naman. Kaya sige huwag na lang siyang magbihis.
“Okay. Huwag ka na lang magbihis,” wika ko.
I then went out of the small shop, then my eyes stopped at the film cameras in front of the shop.
“Pildo, pwede mo ba akong bilhan nito?” tanong ko sa kanya na nakasunod lang sa akin.
“Sige, pumili ka lang,” aniya.
Ay wow! Papasa nang sugar daddy!
Agad akong pumulot ng isang film camera. He then gave me his wallet, so I accepted it and went to the vendor and bought it. Then I gave Pildo his wallet back.
I then opened the camera and started taking pictures of the place. The vendor said that the camera can only take 30 photos, so I will make sure to take 30 pretty photos.
I suddenly want to take a picture of myself but no one's going to hold the camera. I saw a teenage boy walking nearby, I immediately called him.
“Hi, can I ask for a favor?” tanong ko.
Napatingin naman siya sa akin saka agad na ngumiti. “Yes, Miss? What is it?”
Ate, beh. Ate.
“Can you take some pictures of me please? Wala kasing kukuha para sa akin,” wika ko.
Agad naman siyang tumango saka ngumiti. Akmang kukunin niya na sa akin ang camera nang may isang kamay na umagaw ng camera sa akin.
I and the boy went to look at the person... Pildo.
“Pwede ka nang umalis, 'toy. Ako na kukuha ng picture sa kanya,” aniya sa malalim na boses at blankong nakatingin sa bata.
Napakurap ang bata. “Uhm... Kaano-ano mo po siya, Miss?” tanong ng bata sa akin.
I heard Pildo scoffed beside me. Then I answered the kid. “Ah, kaibigan ko. Thank you, siya na lang pala kukuha ng picture sa akin. Thank you.”
Tumango siya saka ngumiti sa akin. “Okay, Miss.”
Nang makaalis siya ay naramdaman ko ang mainit na palad ni Pildo sa likod ko. I felt him played with the tiny hook of my bra that made my cheeks heated.
“Ba't ka pa tumatawag ng ibang kukuha ng picture sayo kung nandito naman ako?” tanong niya.
Tumikhim ako. “Ah, baka kasi ayaw mo.”
“Sino namang may sabing ayaw ko? Sige na, ayusin mo ang sarili mo at nang ma-picture-ran kita,” aniya saka lumayo sa akin.
Napatigil ako habang pinapanood siyang hawak na ang camera, at sa gilid niya ay ang paper bag na nilagyan ko sa suot ko kanina.
I suddenly felt like I'm naked in front of him. Paano ako makaka-posing ng maayos nito kung siya ang photographer? Gago ba siya?
“Just take some candid photos of me,” wika ko sa kanya.
“Bakit hindi ka na lang ngumiti?” aniya habang nakapikit ang isang mata at nakatingin mula sa camera.
I sighed. “I-It's awkward.”
Binaba niya ang camera saka tumingin sa akin. “Kapag sa akin, awkward. Pero doon sa bata, confident?”
I sighed. “Eh, iba naman siya, eh!”
“Aba, dapat lang, Precious Snow,” aniya.
Lumapit siya sa akin bigla. Hinawakan niya ang maliit kong bewang saka hinila palapit sa katawan niya. Tinalikod niya ang camera saka tinutok sa aming dalawa.
I was surprised and can't help but look at him. I know that he doesn't like to take photos of himself, why now?
“Hindi ka na takot na magpa-picture?” tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ako. “Ayaw mong magpa-picture sa akin dahil naiilang ka, kaya mag-picture tayong dalawa ng magkasama para hindi ka mailang.”
I felt the damn butterflies in my stomach again. My cheeks are heating once again. And my damn stupid heart is beating rapidly for him... as always.
Tangina, ang rupok ko.
“Oh sige na nga. Magpapa-picture na ako sayo,” saad ko kahit pa namumula.
Saglit siyang tumitig sa akin bago hinaplos ang pisngi ko. “Namumula ka.”
Tinampal ko ang kamay niya. “Mainit, eh! Sige na, picture-ran mo 'ko. Doon ako sa dagat. Dapat candid iyan, ah? Iyong maganda dapat dahil 30 takes lang iyan.”
Agad akong naglakad patungo sa dagat at hindi na hinintay ang sagot niya. I stopped when the water is already reaching my thighs. Tumingala ako sa langit at dinamdam ang sinag ng araw.
I haven't been at the beach for awhile. Palagi na lang kasi akong nakakulong sa condo ko. This is my first time being on the beach for years now and this feels nice.
“Humarap ka,” tawag ni Pildo sa akin.
Agad naman akong humarap sa kanya as I smiled at the camera. He then made an 'okay' sign. Then looked at the camera, maybe to see if he did a great job.
Lumapit ako sa kanya. “Patingin ako,” wika ko.
Inilayo niya sa akin ang camera kaya agad akong nainis. But to my surprise, he took a photo of me while I was about to slap him. He then looked at it and chuckled.
“Cute,” he whispered.
“I know, Pildo, I know,” wika ko sa kabila ng pamumula.
“Upo ka sa buhangin,” aniya.
Agad naman akong sumunod. He took a lot of photos of me until the film camera can no longer take photos. So, he bought another one. Same goes to the first film camera, all 30 takes were gone in just a minute.
I was even scolding him. I told him to take only a few photos because the film camera is a bit expensive. But he wouldn't listen, took a lot of photos of me from different angle and different expressions, and bought another one. Pangatlo na.
I also want to take a photo of him but then I remembered that he doesn't like it, so I chose not to and just took a photo of his shadow.
Buong araw kaming nasa beach. I had fun swimming and eating and taking photos. Pero hindi man lang lumusong sa dagat ang gagong si Pildo at pinanood lang ako habang nakaupo sa binili niyang tela kanina. Sa tabi niya ay ang mga pagkaing binili niya.
I am currently lying on the cloth while waiting for the sun to set. I noticed how my skin turned tan. Sino ba namang hindi? Buong araw ba naman akong naligo sa dagat tapos naka-bikini pa.
Tiningala ko si Pildo. Pinapanood niya ang mga batang naglalaro sa buhangin.
“Ba't di ka na lang kasi maligo doon?” saad ko.
Nilingon niya ako. “Ayoko. Iitim ako lalo.”
Suminghap ako. “Sinong may sabing itim ka? You're tan, not black! Hindi mo ba alam ang mga kulay, ha?”
“Edi, brown,” aniya.
Inirapan ko siya. “Ako nga nagpapa-tan ako, eh.”
“Bakit?” tanong niya.
“Para mukha akong morena,” sagot ko.
“Para saan pa?” tanong niya.
Wala, tipo mo kasi mga morena, diba? Hindi ko sinasabing para matipuhan mo 'ko, ang akin lang ay... wala lang, gusto ko lang.
“Just because!” wika ko.
Ilang sandali kaming natahimik. Then my mouth suddenly asked him the question that I had been wanting to ask him.
“Si Tanah...” saad ko.
“Ate,” aniya. “Bakit? Anong meron sa kanya?”
Umirap ako. Ate! “Bakit naman ako mag-a-ate sa kanya, hindi ko naman siya kapatid.”
“Dahil mas matanda siya sayo,” aniya.
Umirap ako ulit. “So, dapat Kuya itawag ko sayo dahil mas matanda ka sa akin? Kuya Pildo? Kuya?”
I heard him sigh. “Iba ako sa kanya, Precy.”
“Anong iba doon? Parehas lang kayong mas matanda sa akin. So, Kuya nga dapat? Like, Kuya Pildo, can you take photos of me, please?” Pang-aasar ko sa kanya.
“Tumigil ka, Precy,” aniya.
Umirap ako at mas lalo siyang inasar. “Kuya Pildo, can you teach me how to do this? Kuya Pildo, can you cook this for me? Kuya Pildo—”
“Isang Kuya pa, Precy, nine months kang busog,” banta niya.
Napasinghap ako saka mabilis siyang hinampas sa braso niya. “Bastos ka talaga, eh, 'no?!”
“Ikaw nagsimula,” aniya.
Umirap ako. “So, ano na nga? Iyang si Tanah, girl friend mo?”
“Saan mo naman narinig iyan?” tanong niya pabalik.
“Don't answer my question with a question, Pildo. Girl friend mo ba siya? It's just a yes or no question,” saad ko.
“No,” sagot niya.
Tumaas ang kilay ko. “So, what is she to you? Are you courting her?”
Hindi ko alam kung saan nagmula ang katapangan ko sa katawan at tinatanong ko siya ng ganito. Kapag ito umu-oo, Precy, basag iyang puso mo!
“No,” sagot niya.
Napahinga naman ko ng maluwag sa sarili ko. Itago-tago muna natin. Huwag tayong pahalata.
“So, hindi mo siya nililigawan, hindi mo rin siya girl friend... OMG! Asawa mo siya!” saad ko.
Mahina siyang natawa. “Para kang tanga. Saan mo ba nakukuha iyang mga ideyang iyan?”
Umirap ako. “Yes or no?”
“No,” sagot niya.
Napa-hmm naman ako. Mabuti kung ganoon. Medyo ano... nakakahinga tayo ng maluwag.
Pero baka kaya hindi niya jowa, hindi niya asawa, hindi niya nililigawan, dahil pakakasalan niya pa?
“Baka fiancee mo?” saad ko.
He chuckled. “Hindi nga, Precy.”
“Okay. Edi, ano mo siya?” tanong ko.
“Ba't ka ba tanong nang tanong tungkol sa amin?” tanong niya.
“I told you not to answer my question with a question, Pildo. So, ano mo nga siya?” saad ko saka naupo na.
Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya nag-iwas ng tingin. “Ex girl friend ko.”
Ngumuso ako saka tumango-tango ako. “For how many years?”
“For five years,” he answered.
I nodded. “Why did you broke up?” tanong ko.
He sighed. “Kailangan ko ba talaga iyang sagutin?”
“Oo!” Matigas ang ulong sagot ko.
He sighed. “Niyaya ko siyang magpakasal. Ayaw niya. Kaya naghiwalay kami,” sagot niya.
I pursed my lips. So, totoo pala ang sinabi ni Tanah sa akin.
“She told me she wants you back,” saad ko sa mahinang boses. “Are you... going to take her back?”
Tumatapang na tayo! Tamang-tama ito, para isang bagsakan lang ang sakit! Tapos habang-buhay nating kalimutan si Pildo! Fighting!
Ilang saglit siyang natahimik. Tapos ay nilingon niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. “What? Sagutin mo iyong tanong ko.”
“Siya lang ang natatanging girl friend ko, ang natatanging babaeng minahal ko sa buhay ko,” sagot niya. “Hindi na nasundan.”
“So?” tanong ko.
Does it mean he wants her back too?
Kumurap ako. “Okay! Huwag mo nang sagutin!” Sumusuko na ako, hayop ka!
I know how to read the lines!
Masakit pala.
“Okay,” aniya lang.
Nilingon ko ang karagatan. Saktong nagsisimula na ang sunset kaya mabilis kong pinulot ang film camera saka tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Mag-pi-picture,” sagot ko.
I breathed in when I was far enough from him. “Puta, ang sakit,” bulong ko.
Matapos kong pakalmahin ang sarili at ang puso sa pamamagitan ng pagkuha ng picture sa sunset ay mabilis akong bumalik sa kinaroroonan niya.
“Umuwi na tayo,” wika ko.
“Hindi ka ba magbibihis?” tanong niya.
“Magbibihis.” Pinulot ko ang paper bag na nilagyan ng suot ko kanina.
“Samahan na kita,” aniya.
Umiling ako. “Hindi na.”
Agad akong naglakad patungo sa dressing room kanina saka nagbihis. Once done, I went back to where he was and he was already cleaning the things there.
Nang matapos siya ay agad na kaming lumabas ng resort at umuwi.
Tahimik kami sa daan at pinapakinggan lang ang hininga ng bawat isa.
At nang makarating sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto saka nagkulong. At binuhos na nga ang kanina pang gusto kong magsilabasan kong mga luha.
...
Do follow me on my Facebook page, everyone: Thorned_heartu.
Thank youu <3!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro