Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 | So Sick

14  | So Sick

After what happened yesterday, I haven’t talked to Pildo anymore. I don’t know what he meant about what he said that scene on the staircase. Hindi ko sigurado kung galit ba siya, nangungutya, o natutuwa. I can’t read him.

I admit, I was jealous watching them both. But I didn’t do anything because I respect his feelings towards him even though it hurts me. All I want from him now is to pay some respect towards Asahi and mine’s friendship. I don’t know what happened between them before or why they separate ways, but I hope Pildo will not go against my relationship with Asahi the way I’m not doing anything against his as well.

Bagong umaga na naman kaya maaga akong gumising. I decided to help Tita Dahlia and Mom to cook even though all I will do there is watch because I know nothing. Pero at least may hahawak sa pinggan.

“So, anong lulutuin ninyo for today’s video, Mom, Tita?” I asked when I arrived in the kitchen.

My Mom is slicing onions while Tita Dahlia is washing the pot that they will use for cooking. I went near my Mom and watched her slicing.

“We’ll cook adobong manok this morning, honey. And your favorite sinigang na bangus,” my Mom answered with a smile pasted on her lips.

“Can I help, then? I want to know the recipe para makapagluto ako nito kahit ako lang mag-isa sa bahay,” I asked.

They both nodded. “Sure, honey. Here, ikaw ang mag-slice nitong mga ingredients,” My Mom said.

Agad akong kumilos at na-excite. Mabilis kong kinuha mula kay Mommy ang kutsilyo. Tapos ay pinulot ko ang ahos, sibuyas, dahon ng sibuyas, kamatis, pati na ang kangkong. They told me to slice it so I did what they told me.

If there’s something that helps me relieve my stress, it’s definitely slicing things. Back in my condo, since I always make sure to eat breakfast, and when I say breakfast I meant sandwich, I make sure that there are a lot of stuffs inside my sandwich. So, as much as possible, I will slice a lot of tomatoes, cheese, onions, and others that fits perfectly with sandwich. Maliban sa busog ako, nawala pa ang stress ko dahil sa paghihiwa.

While I was busy slicing, Tita Dahlia suddenly asked. “So, Precy, may something ba sa inyo ni Asahi? Mukhang nagkakamabutihan na kayo, ah. Care to tell us?” May ngisi sa labi niya.

Napailing ako saka mahinang natawa. Nagmana nga si Pildo sa kanya. Mali ang mga duda.

“Who?” Bigla naming tanong ni Mommy. “Asahi? That boy who looks like an engkanto sa taglay na kagwapuhan?”
Napailing ako sa sinabi ni Mom. Seriously? Mukhang nagmana rin ako sa Mommy ko. Imagine having the same thought as she is. She also thought Asahi looks like an engkanto.

“Oo, Ate Primm. Iyong batang iyon. Ang gwapo niya, diba? Parang feeling ko may something sila ng Precy mo. Agree ka naman ba, ‘Te? Sinasabi ko sayo, bagay naman silang dalawa. They look good together,” wika ni Tita Dahlia sabay kiliti sa akin.

Bahagya akong napatili saka natawa. Napatigil ako sa paghihiwa. “Tita, stop. Wala pong namamagitan sa amin ni Asahi, Tita, Mom. We’re just friends—“

“Friends? Are you sure, honey? Friends lang? Diyan din kami nag-start ng Daddy mo. We started from being friends until we turned into lovers, and now married with kids,” aniya sabay ngisi.

Ngumisi rin si Tita Dahlia sa akin. “Wala namang masama, Precy. Kung gusto ninyo ang isa’t isa, susuportahan ka naman ng Mommy mo. Tsaka, kahit gusto rin kita para sa Pildo ko, eh, support na rin ako sayo kapag si Asahi talaga ang gusto mo.”

Umiling ako nang may ngiti sa labi. It’s nice to know that they wanted to support me with this one. But sadly, they’re thinking wrong. How I wish it’s Asahi na lang, diba? But my heart screams for someone else. And Tita Dahlia, it’s your asshole of a son, Phil Dominick Caballeros.

“Seriously, Mom, Tita. It’s really not Asahi. Yes, I actually like someone right now, but unfortunately, not Asahi,” wika ko.

Their mouths form into an ‘O’. Nagkatinginan silang dalawa tapos ay tumingin sa akin. Lumapit sila sabay hawak sa magkabilang braso ko. Napaatras pa ako dahil talagang sumusutsot sila paalapit sa akin.

“So, if it’s not Asahi, then who, honey? I want to know. I am very curious right now,” wika ni Mommy. Si Tita Dahlia naman ay panay tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Mommy.

I sighed and chuckled. “Syempre, hindi ko muna sasabihin baka ma-jinx, eh.”

Tsk. Na-jinx na nga, Precy, eh. Hindi naman talaga mapapasayo iyon.

Well, if he can’t be mine then I don’t care. As long as I’m alive, then life goes on. Just because he can’t be mine, doesn’t mean everything ends there. Makakahanap pa ako ng ibang lalaki. Iyong hindi tulad niya, syempre.

Sabay silang bumuntong-hininga. “Why not, Precy? Baka matulungan ka namin ni Mommy mo kapag sinabi mo sa amin,” saad ni Tita Dahlia.

Humagikhik ako saka umiling. “Nope. I can handle this myself, Tita, Mom. So, if I were you, magluto na tayo dahil nagugutom na ako. I haven’t eaten anything yet pa naman.”

Tsaka sinubukan kong muling bumalik sa paghihiwa at hindi na sila pinansin na dalawa. Narinig kong nagsi-ungutan pa silang dalawa pero lumayo na lang din. Si Tita Dahlia ay pinagpatuloy ang paglilinis sa gagamiting kaldero at si Mommy ay nilinis na rin ang isda at ang manok.

But even though they’re both working already, they’re still talking about me. Napapailing na lang ako habang pinakikinggan silang dalawa. Kung pag-usapan nila ako parang wala ako rito, ah.

“Pero seryoso nga, Ate Primm, anong gusto mo para kay Precy?” tanong ni Tita.

“What do you mean?” tanong ni Mom.

Magkatabi lang silang dalawa dahil nga naghuhugas sila. Isa lang naman ang lababo sa kusina, kaya kahit ang sikip ay nagtiis talaga sila. Magkaibigan nga naman.

“Ano ang gusto mong klase ng lalaki para kay Precy. Syempre, tayong mga magulang may mga preferences rin tayo for our kids. Ako, iyong gusto ko para kay Pildo ay iyong kagaya ni Precy. Ikaw, Ate?” Tita Dahlia said.

Napanguso ako habang nakikinig sa kanila. I felt butterflies flying in my stomach as I listened to Tita. It’s nice to hear that I am the type of woman that she wants for her son. Pero Tita, hindi ako ang tipo ng anak mo. Ikaw lang may type sa akin.

Makapag-move-on na nga lang.

Psh. Hindi pa man nagsimula, natapos lang agad. Ang galing!

“Well, what kind of man do I like for my Precy? Hmm?” My Mom said. “I am not really sure. Maybe, someone na mamahalin siya with whoever she is, whatever she likes, and will choose her over and over again. I can’t really specify as to what kind of man he is, as long as he will be faithful to my Precy then I will accept him in the family,” wika ni Mommy.

I can’t help but smile while listening to my Mom. My heart swelled hearing all those stuffs from her. I’m truly lucky to have a Mom like her. Someone who supports me about everything and someone who knows what’s best for me.

“Mom, you’re making me blush,” wika ko habang naghihiwa.

Oo, hindi pa ako tapos maghiwa. Matagal kasi talaga akong matapos maghiwa dahil natatakot akong masali sa pagkain ang daliri ko.

My Mom giggled. “I’m serious about it, honey. So, make sure na kapag nag-asawa ka, mahal na mahal ka ng mapapangasawa mo. Because that’s what I want for you.”

I smiled while slicing. “Opo.”
Iyon ay kung makapag-asawa ako, Mom.

“Uy! Nakaka-touch naman kayo,” wika ni Tita Dahlia. “Kaya minsan gusto ko rin na magkaanak ng babae, eh.”

“Bakit kasi hindi niyo sinundan si Pildo, Dahlia? Edi, sana nagka-baby girl pa kayo ni Paul,” My Mom said.

“Hindi ko na sinundan pa. Halos mamatay nga ako sa panganganak ko diyan, eh,” wika ni Tita na kinatawa ko.

Kawawa naman si Pildo. He wants to have sibling pa naman.

While we were busy in the kitchen, a man I don’t want to see for awhile came. Wala siyang suot na pang-itaas at isang jersey shorts lang ang suot sa pang-ibaba. Nakapaa lang din siya. Pawisan siya kaya tingin ko ay baka galing jogging ang lalaki.

Nakangusong pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya. Well, I must say that he has a body to be proud of. Those clad chiseled chest, those rocky pandesal-y tummy, and those damn biceps… mapapahinga ka na lang ng maluwag.

Bakit ba hindi ko ito napansin dati? Mukha siyang tangina sa paningin ko dati, eh. Magkamukha sila ni Persy sa paningin ko dati. Parehas na ugok.

“Oh, Pildo? Gikan naka nag-jogging?” Tita Dahlia asked.

(Oh, Pildo? Galing ka na sa pagja-jogging?)

He walked towards the refrigerator and opened it. He then took out a bottle of mineral water and drank straight from it. Soon as he’s done drinking, he answered his Mom.

“Oo, Ma,” aniya.

When he was about to look at me, I immediately looked down to my dear onions that are still undone. Nakanguso pa rin ako at pilit  na nagseryoso sa ginagawa. Mas mabuting huwag tayong mapatingin sa mabatong tiyan na iyon, Precy dahil hindi rin naman mapapasayo iyon.

“Okay, pag-ilis isa ngadto. Magtiwas pa mi ug luto diri. Tawgon lang ka namo kung mangaon na,” wika ni Tita.

(Okay, magbihis ka na doon. Tatapusin lang namin ang pagluluto. Tatawagin ka lang naming kung kakain na.)

“So, anyway, as we were talking awhile ago, I want the best guy for my daughter. I guess, if possible then Asahi can be that guy. You know, he looks really nice. And talks nicely as well,” wika ni Mommy bigla.

“Wow! Talaga, ‘Te? Well, agree ako diyan. Mabait na bata talaga iyang si Asahi. Tsaka, engineering ang natapos niyan!” ani Tita.

Namangha ako. Napa-whoah ako. Totoo? Engineering pala si Asahi? Kaloka! Hindi halata!

Napaigtad ako nang biglang padabog na nilagay ni Pildo ang walang laman na mineral water sa harap ko. Nayupi pa ito dahil sa pagkakahawak niya. Nakanguso at inosenteng tiningnan ko siya. Hindi ko mabasa ang itsura niya. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung anong iniisip niya.

Painosenteng nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Baka matunaw ako bigla. Marupok pa naman tayo.

“Wow! So, in that case then talagang mabubuhay niya ng maayos ang Precy ko. And he can buy anything that my Precy wants! OMG! I think I like him na, Dahlia! Should we ship them? Tayo na lang kaya ang kumilos, tutal matatanda na rin naman silang dalawa,” saad ni Mom.

Agad akong napalingon sa kanya. Napakurap ako. Ano ba itong pinagsasabi ni Mommy? Kung kailan ang tanda-tanda ko na saka pa niya ako e-ma-matchmake. Kaloka.

“Tingin ko ay oo, Ate Primm! Bagay naman talaga silang dalawa—“ Hindi natapos ni Tita Dahlia ang sasabihin nang biglang pabagsak na sinara ni Pildo ang pinto ng ref.

Sabay-sabay kaming napaigtad tatlo. Nakamaang na pinanood namin ang blankong mukha ni Pildo na naglalakad palabas ng kusina na para bang hindi halos masira ang ref sa lakas ng pagsara niya.

“Anong nangyari doon?” Takang tanong ni Tita Dahlia.

Oo nga. Anong nangyari doon?

Nang matapos nga kaming magluto ay agad na naming tinawag ang tatlo. Matapos kumain ay nag-volunteer akong maghugas. Pumayag naman sila agad.

Akmang aakyat ako sa kwarto ko nang biglang dumating si Asahi. Isang simpleng puting t-shirt ang suot niya at isang itim na maong shorts na umaabot sa tuhod niya. Nakatsinelas lang siya.

“Tita Dahlia, may mga pagkain pa po ba diyan sa mga isda at gangsa ninyo? Naubos na po kasi ang mga pagkain doon sa lawa, eh,” aniya.

“Oh, naubos na ba? Andito pa sa loob, Sahi. Pasok ka,” saad ni Tita.

Pumasok naman agad si Asahi. Nang Makita niya ako sa hagdan ay kumindat siya na agad namang napansin ni Tita at ni Mommy. Nagtinginan pa silang dalawa at nagngitian.

“Asahi, may gagawin ka ba ngayon?” tanong ko, hindi pinapansin ang dalawang Nanay.

“Wala naman. Magpapakain lang sa mga gangsa at sa isda,” sagot niya.

“Kung ganoon, pwede mo ba akong e-tour sa barrio?” Excited kong tanong sa kanya.

Agad naman siyang tumango. “Oo ba. Papakainin ko lang muna ang mga alaga ko bago tayo aalis.”

Agad akong tumango. “Okay! Magbibihis lang din ako!”

Mabilis akong umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto. Agad akong nagbihis ng bago saka tumungo sa lawa kung saan naroroon si Asahi.

“Tapos ka na ba?” tanong ko nang may ngiti sa kanya.

Tumango siya saka ngumiti pabalik. “Kakatapos lang. Tara na, mag-tour na tayo.”

Naglakad kami patungo sa bahay ng Lolo Paeng niya. Ang sabi niya ay doon niya iniwan ang motor niya. Bahagya akong kinabahan, hindi ako mahilig sumakay ng motor dahil muntik akong mahulog at atakehin sa puso noong kakabili lang ni Persy ng motor. Ayoko na umulit. Pero mukhang wala akong choice ngayon.

Pagdating namin doon sa bahay ni Lolo ay agad niya kaming binati. “Oh, magandang umaga! Saan ang punta ninyo?”

“Pupunta po kami sa barrio, Lolo Paeng,” sagot ko. “Nagpasama po ako kay Asahi patungo roon.”

Tumango siya saka ngumiti. “Sige, mag-ingat kayo roon.”

“Sige, Lo. Alis na kami,” paalam ni Asahi.

Pinaandar niya ang motor niya. Nang sabihan niya ako na sumakay ay agad akong kinabahan.

“Bakit?” tanong niya sa akin.

Ngumuso ako. “Natatakot akong sumakay ng motor, eh. Baka mahulog ako.”

Tumawa siya. “Huwag kang mag-alala, hindi kita ihuhulog. Halika na, sakay na. Humawak ka lang sa bewang ko at safe ka na.”

Nag-aalinlangan man ay sumunod na lang din ako sa kanya. Sumakay ako sa saka mabilis na humawak sa damit niya. Dahan-dahan rin naman ang pagmamaneho ni Asahi kaya nawala rin agad ang kaba ko.

I enjoyed the ride with him towards the barrio. Marami pala talagang kakilala si Asahi rito dahil bawat taong nadadaanan namin ay binabati siya at binabati niya pabalik.  Hindi ko rin maiwasang pansinin ang mga kababaehang malawak ang ngiti sa tuwing daraan siya.

Ang gwapo nga rin naman ng engkantong ito.

Tumigil kami sa terminal. Iniwan niya roon ang motor niya. Ang sabi niya, mas mag-e-enjoy kami kung maglalakad lang kami habang namamasyal sa barrio. So, I agreed. I guess that’s a great idea as well.

“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko sa kanya no’ng naglalakad na kami.

“Saan mo ba gusto?” tanong niya pabalik.

Magkasabay kaming naglalakad.

“Hindi ko rin alam. Wala naman akong alam rito sa barrio ninyo. Susunod lang ako kung saan mo ako dadalhin,” wika ko.

Tumango siya. “Okay, sa bar tayo. May paborito akong bar rito dahil nakakakanta ako. May videokehan kasi sila. Nakakabirit ako doon.”

“Okay! Doon tayo!” saad ko.

Agad kaming naglakad patungo doon. Malapit lang ito ngunit medyo tago. Nang makapasok kami ay namangha ako. Napaka-aesthetic ng paligid. Gusto ko ang vintage designs nito. Maraming tao doon pero in fairness naman hindi maingay. May videokehan pero hindi masakit sa tenga.

“Ang ganda dito, ah! Anong tawag rito? Baka madala ko sina Mom at Dad tsaka ang kapatid ko next time,” wika ko.

“Allen-shi Bar,” sagot niya.

Napatango ako. “Kapangalan ng kapatid mo ang may-ari nito?” tanong ko.

Pinaupo niya ako sa isang bakanteng table. Naupo siya sa harapan ko. “Oo, kapangalan niya kasi siya ang nagngalan nitong bar na ito, eh.”

Napataas ang kilay ko. “Bakit siya ang nagpangalan? Friends sila ng may-ari?”

Ngumisi si Asahi sa akin. “Kasi kapatid niya ang may-ari.”

Napakurap ako. “Ha? Ang ibig mong sabihin ay ikaw ang may-ari nito?”

Ngumiti siya saka tumango. “Oo. Surprise!”

Napamaang ako. “Grabe! Ang ganda ng bar mo, Asahi! Tsaka kaya naman pala sabi mo favorite mo, ikaw pala may-ari.”

Ngumisi siya. “Natural. Alangan namang sa ibang bar ako magtatambay kung may sarili naman akong bar.”

“Bakit pinangalan mo sa kapatid mo?” tanong ko habang tinitingnan ang paligid.

“Siya ang nagpangalan niyan. Wala na akong nagawa,” aniya saka napailing. “Oh, sabihin mo kung anong gusto mo. Lapit tayo sa counter doon. Nandoon ang kapatid ko. Para makilala mo rin siya.” Sabay turo sa counter.

May isang babaeng nagse-cellphone doon. Sa harap niya ay isang mini fan. Nagliliparan ang buhok niyang maiksi at brownish gaya ng sa kuya niya dahil sa lakas ng buga ng mini fan.

“Iyan ang kapatid mo?” tanong ko.

Tumango siya. “Oo. Halika, ipapakilala kita sa kanya.”

Agad akong sumunod sa kanya nang tumayo siya. Lumapit kami sa counter.

Nang makalapit ay mas lalo kong nakaklaro ang mukha ng kapatid niya. Kung parang engkanto si Asahi sa kagwapuhan ay ganoon rin kaganda ang kapatid niya. Kulay brownish-caramel ang buhok niya. Matangos ang ilong. At napakaputi.

Hinampas ni Asahi ang counter kaya napaigtad ang kapatid niya. “Aba, aba, aba! Ganito ka ba magbantay sa bar ko? Nagse-cellphone ka lang, ah!”

Sinamaan agad ng tingin ni Allen ang Kuya niya saka bumalik sa pagse-cellphone. “Kung may bibilhin ka, Kuya, ikaw na lang pumasok rito. Malaki ka naman na.”

Napasinghap si Asahi saka namaywang. “Aba! Ikaw na bata ka! Hindi mo ba nakikita na may kasama ako rito? May customer ka, hoy!”

Agad naming napatingin sa akin si Allen. Mabilis akong ngumiti sa kanya. Umaliwalas agad ang mukha niya.

“Wow! Ganda mo, ‘te, ah! Hindi ka naman siguro girl friend ni Kuya, ‘no? Masyado kang maganda para patulan siya,” aniya na ikinatawa ko.

Umiling ako. “Kaibigan lang ako ng Kuya mo.”

Tumango siya saka ngumiti. Tapos ay tiningnan ang Kuya niya sabay sinamaan ng tingin. “Buti na lang. Huwag mong subukan na magustuhan si Kuya dahil masisira ang buhay mo.”

Suminghap naman ang Kuya niya na nasa tabi ko. “Aba! Kumuha ka na nga lang ng pagkain doon. Nagugutom itong kasama ko!” aniya sa kapatid.

Umirap si Allen tapos ay tumingin sa akin sabay ngiti. “Ano ang gusto mo, Miss? Ay teka, ano pala ang pangalan mo?”

I smiled at her. “Precy ang pangalan ko. It’s nice meeting you, Allen.”

Ngumiti siya. “Buti ‘Allen’ ang pakilala niya sa akin sayo, Precy. Hindi ko siya lulutuan tuwing umaga kung ‘Alejandra’ ang pakilala niya.”

Natawa ako. “Bakit? Maganda naman ang Alejandra, ah!”

Ngumiti siya. “Nakakawala kasi ng kaastigan ang ‘Alejandra’. Oh siya, kukuha lang ako ng pagkain, maghintay ka na lang sa table mo, Precy.” Akmang tatalikod na siya nang muli niya akong nilingon. “Ay teka, kaano-ano mo si Persy?”

Ngumiti ako. “Kapatid ko.”

Napatango-tango siya. “Ah, okay. Sige, maghintay na lang kayo doon.”

Bumalik na lang kami ni Asahi sa table tsaka hinintay siya. Habang naghihintay ay naisipan ni Asahi na kumanta dahil wala raw nag-iingay sa bar niya kaya siya na lang mismo ang gagawa.

“Dito ka lang, Precy, ha? Makinig kang mabuti sa kakantahin ko at sa maganda kong tinig,” aniya saka lumapit sa isang mini stage.

Pumindot siya ng numero doon saka agad na kinuha ang microphone. Tapos ay tumugtog ang kantang ‘So Sick’ ni Neyo. At agad naman siyang kumanta.

“Gotta change my answering machine
Now that I’m alone
‘Cause right now it says that we
Can’t come to the phone
And I know it makes no sense
‘Cause you walked out the door
But it’s the only way I hear your voice anymore…”

My mouth formed into an ‘O’ as my ears got blessed by Asahi’s wonderful voice. I was surprised hearing him sing. I didn’t know he have such amazing talent. His voice is soft and so cold to my ears. He sounds so good!

Hindi ko mapigilang mapapalakpak habang pinakikinggan siyang kumanta. Nagawa ko pa na e-cheer siya sa tuwa ko.

Pero napatigil ako nang may biglang humawak sa braso ko at hinila ako palabas ng bar ni Asahi, kasabay ang pagdagundong ng baritono niyang boses.

“Tuwang-tuwa ka naman sa boses ng tarantadong iyon! Uwi!” ani Pildo.


Do follow my Facebook page, everyone: @Thorned_heartu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro