12 | What a Party
12 | What a Party
Months came and nothing has changed. Pildo's birthday is approaching so I was a bit worried of what to buy for him as a gift. I noticed that he isn't materialistic so I don't really know what to give him anymore.
I am inside the studio not to make clothes but to think of something else. I am too occupied of what memorable present should I prepare.
Lutuan ko na lang kaya siya? Hindi naman ako marunong. Baka malason pa siya.
I sighed. “Ano ba naman itong Youtube? Walang kwenta ang mga suggestions,” bulong ko.
Wala pa akong ligo. Bukas na ang birthday ni Pildo. Kaya dapat makaisip na ako ng gift para sa kanya.
“Precy? Kain na!” I heard him call me from outside my studio's door.
Bumuntong-hininga ako saka napakamot sa ulo ko. I feel so frustrated.
“Andyan na!” sagot ko.
Pildo had been visiting me here in my condo for almost two months already. Umuuwi naman siya sa Casa nila pero kapag bumabalik rito sa La Seriah ay dumederetso sa condo ko. Ayos lang din naman sa akin dahil miss ko na rin naman ang kagaguhan niyang taglay.
Talagang lumalambot ako sa kanya! Hayop na iyan!
Lumabas ako ng studio saka tumungo sa kusina. He was waiting for me there.
Dumeretso ako ng upo nang makalapit sa kanya. “Thank you for the food,” wika ko.
Siya palagi ang nagluluto para sa akin kaya panay pasasalamat ko sa kanya. Nilulutuan ba naman ako ng libre.
“May project ka bang ginagawa?” tanong niya habang kumakain kami.
“Hmm? Ba't mo natanong?” tanong ko pabalik.
“Ang tagal mo kasi sa loob ng studio mo. Ganyan ka lang naman sa tuwing may projects ka, eh,” aniya.
Napatahimik ako. Hindi naman project ang ginagawa ko doon, eh. At kasalanan mo lahat. Joke.
“Ah, oo. May upcoming project na naman kasi ako, tapos hindi ko pa tapos itong recent project ko rin. So, medyo frustrated ako,” sagot ko.
Which is true naman. I really do have an upcoming project, and is still working for a recent project.
Tumango siya. “Pero makakapunta ka naman sa birthday ko bukas, diba? Hindi pwedeng hindi. Pupunta nga doon ang kapatid mo, eh.”
I slowly nodded. “Oo na. Oo na. Pupunta ako. Sina Mommy at Daddy ba kinausap mo na?”
He nodded. “Oo.”
“Sasama raw ba sila sa atin?” wika ko.
He nodded. “Oo raw. Sabay tayong aalis mamayang 10:00 ng gabi.”
I nodded. It's still 8:00 AM but I feel like I'm being rushed. Wala pa akong gift!
Bumuntong-hininga ako. Tanungin ko na lang kaya siya kung anong gift ang gusto niya? Para iyon na lang bilhin ko. Basta ba hindi lang lote, ayos na ayos sa akin iyon.
“Ano bang gusto mong gift galing sa akin?” tanong ko sa kanya.
He looked at me with those daring eyes. “Bata.”
Agad akong sumimangot sa kanya. Inirapan ko siya. “Alam mo, huwag na nga lang. Hindi na lang kita bibigyan, tutal marami ka namang pera, kaya mo nang bilhan ang sarili mo.”
Tumango siya at inosenteng tumingin sa mga mata ko. “Oo nga. Kaya kong bilhin kung anong gusto ko, pero iyong bata hindi naman iyon nabibili.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Tarantado ka talaga kahit kailan, 'no? Huwag na nga lang. Huwag ka nang mag-expect na bibigyan kita ng gift.”
“Tingnan mo 'tong babaeng ito. Sinasabi ko na nga kung anong gusto ko, ayaw naman tuparin,” aniya.
“Bahala ka,” saad ko na lang.
Siguro ay unti-unti na akong nasanay sa panay banat niya sa akin. Kaya panay irap na lang din ako sa kanya.
Nang dumating na nga ang mga magulang ko kinagabihan ay saka lang ako nagbihis. Naihanda ko na ang mga damit ko. Then we immediately went to the airport towards Casa.
At tinotoo ko na hindi ako bumili ng gift.
It took us 8 hours of trip before we arrived in Leyte. Then good thing is that there's already a car waiting for us in the terminal when we arrived, so there were no delays. Agad kaming nakarating sa Casa Caballeros.
It's already 7:00 o'clock in the morning when we arrived at the Casa. Tita Dahlia and Tito Paul immediately greeted us as soon as we arrived.
Agad akong nagmano sa kanilang dalawa, pati na si Persy.
“Buti na lang nakarating kayo sa tamang oras. Nagluluto pa ang mga ni-hire kong tagaluto. Mamayang tanghalian pa magsisimula ang kainan,” wika ni Tita Dahlia.
“Magpahinga muna kayo sa kwarto ninyo. Sigurado akong may jet lag pa kayong apat,” wika naman ni Tito Paul.
“Oh, thank you, Dahlia. I think I just need two hours of rest and then makakatulong na ako sa kusina,” wika ni Mommy.
Agad umiling si Tita Dahlia. “Naku, hindi na, 'te. Magpahinga ka na lang. Nakikita ko sa mukha mo na pagod ka.”
“Pildo, ihatid mo sila sa kwarto nila,” wika ni Tito Paul.
Tumango lang si Pildo. “Tara na po, Tito, Tita. Para makapagpahinga kayo ng maayos.”
“Tsaka, dalhan mo sila ng pagkain sa kwarto nila, 'nak, ha?” Pahabol pa ni Tita Dahlia.
We then went to the rooms given to us when we last came here. Agad akong nahiga sa kama dahil sa pagod pagdating ko. Ni-hindi ko man lang naisipang tanggalin ang sapatos na suot dahil sa pagod at ngalay ng katawan ko.
I felt a hand touching my feet. Tinatanggal nito ang sapatos na suot ko. Alam kong si Pildo iyon, wala naman akong ibang kasama papasok sa kwarto maliban sa kanya.
Hindi na ako kumibo pa dahil sa pagod na pagod na ako. And without knowing, I was brought into a deep sleep.
Nagising ako na wala nang suot na sapatos at hoodie. Ganoon pa rin ang suot kong t-shirt at pants.
Pupungas-pungas na bumangon ako. I went to the window where I could see the view of the lake. I was surprised to see that there are already a lot of people there.
Agad akong pumasok sa bathroom at naligo. I wore a simple square-neck white dress reaching my shank, with a puffy shoulder. Then when I was done, I went down to the living room to see if my parents are there.
I saw some unknown people in the living room. Napatingin rin sila sa akin kaya tipid akong ngumiti. Ramdam ko ang awkwardness sa paligid. Nagsisi tuloy ako na bumaba ako ng kwarto.
“Maayong buntag sa inyo,” bati ko na lang nang makababa sa hagdan.
Sakto namang lumabas si Pildo mula sa kusina. Agad na napunta sa akin ang tingin niya at mabilis na lumapit.
“Ba't bumaba ka? Sana'y nagpahinga ka na lang muna doon sa kwarto mo,” aniya sa akin.
“Ang dami ng tao sa lawa. Gusto kong tumulong mag-design,” sagot ko.
He nodded. He held the small of my back and softly pushed me towards the people in the living room.
“Guys, mao ni si Precy. Ang anak nila Tita Primm ug Tito Sim,” pakilala niya sa akin sa mga ito.
(Guys, ito si Precy. Ang anak nina Tita Primm at Tito Sim.)
“It's nice to meet you,” wika ko.
May ngiti naman sila. Lalong-lalo na iyong mga kalalakihang tingin ko'y mga kaibigan ni Pildo.
“Precy, sila ang mga kaklase ko dati,” wika ni Pildo.
“Nice to meet you, Precy.” Isang lalaki ang lumapit sa akin saka nakipagkamay. “Nakakaintindi ka ba ng bisaya?”
I nodded. “Oo naman.”
“Kung ganoon, hindi na ako mahihirapang makipag-usap sayo,” aniya.
Napatango ako saka tipid na ngumiti. Hindi ko gusto ang binubuga ng aura niya.
“Didto na lang isa mo sa lawa paghuwat, guys. Mutabang pa ko ug andam sa mga pagkaon,” wika ni Pildo.
(Doon na lang muna kayo sa lawa, guys. Tutulong pa kasi ako sa paghahanda sa mga pagkain.)
Tumango naman ang mga ito. “Sige, Pildo. Adto isa mi. Happy birthday again!” wika ng isang babae.
(Sige, Pildo. Doon muna kami. Happy birthday ulit!)
“Ayaw isa mo'g uli igka hapon, ha? Naa pa'y inom igka gabii,” wika ni Pildo.
(Huwag muna kayong umuwi pagdating ng hapon, ha? May inuman pa sa gabi.)
Tumango naman ang mga ito. “Aw kana akong gusto! Mao ra sad na'y gihuwat nako!” sabi ng isang lalaki.
(Iyan ang gusto ko! Iyan lang din ang hinihintay ko!)
Nagtawanan ang mga ito. “Kaulit lang gyud nimo, Samuel!” wika ng isa pang babae sabay hampas sa lalaki.
(Katakawan mo lang iyan, Samuel!)
Agad silang nagsilabasan at naglakad patungo sa lawa. Nang maiwan kami ni Pildo at tiningnan niya ako.
“Alam kong hindi ka sanay sa maraming tao, kaya kung ayaw mong makisalamuha ay doon ka na lang sa kwarto mo. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mong kainin, dadalhan kita,” wika niya sabay haplos sa likod ko.
Umiling ako. “Ayos lang naman sa akin. Andiyan naman si Mom at Dad.”
Tumango siya saka ngumiti. “Ikaw ang bahala. Saan ka pupunta ngayon?”
“Kina Mommy. Nasaan ba sila?” wika ko.
“Nasa lawa. Nandoon rin si Persy. Inaayos nila ang mga mesa doon. Tinutulungan nila ang mga organizers doon,” wika niya.
Tumango ako. “Ang bongga mo naman mag-birthday! May organizers! Ang yaman-yaman mo talaga!”
Mahina siyang natawa. “Si Mama naman ang may gusto ng lahat ng iyan, eh. Hindi naman ako.”
Ngumuso ako saka humalukipkip. “Kahit pa! Mag-thank you ka kay Lord dahil biniyayaan ka ng ganitong blessings. Biniyayaan ka ng mababait at supportive na parents. Hindi lahat ng tao gaya mo na nakukuha lahat.”
He nodded and smiled as he caressed my back once again. “Palagi ko naman Siyang pinapasalamatan. Araw-araw, gabi-gabi. Hindi ko magawang i-imagine ang buhay ko nang wala Siya.”
Ngumiti ako. I guess that's what I love about him.
“Okay! Pupunta na ako sa lawa. Bye!” wika ko saka nakahalukipkip na naglakad palabas ng bahay.
“Mag-ingat ka, ah!” saad niya sa akin.
“Okay!”
Nasa likod ang mga kamay na naglakad ako patungo sa lawa. May nakakasalubong at nakakasabay pa akong mga bisita at organizers sa daan patungo roon.
When I arrived there, I immediately went near my Mom who was busy with Tita Dahlia.
“Good afternoon, ladies!” bati ko sa kanila.
Ngumiti naman silang dalawa sa akin. “Oh, buti at gising ka na, Precy. Nagugutom ka na ba? Kumain ka na ba?” saad ni Tita Dahlia.
I shook my head. “Hindi pa po ako kumain, Tita. Pero pagkatapos ng lahat ng ito talagang uubusin ko lahat ng pagkain dito.”
Tumawa siya. “Oh, siya, maupo ka na lang rito at huwag mo nang pagurin ang sarili mo.”
“Mom, nasaan si Daddy?” tanong ko kay Mommy saka naupo sa isang bakanteng upuan sa tabi niya.
“Ewan ko. Busy sila sa pagbubuhat ng mga upuan na ilalagay rito,” wika ni Mommy.
They're both busy arranging some flowers coloured black and white on the table.
“Should I help decorating the cloth on the table?” tanong ko.
They both nodded. “This one na lang, honey. Ayusin mo ang pins,” sabi ni Mommy.
I nodded then stood up. Tumulong na rin ako sa pag-aayos sa mesa.
Everyone are so busy designing ang preparing foods and stuffs. Ang sabi, may kainan sa tanghalian pero ang party ay sa gabi.
When everything are settled, Tita Dahlia immediately went back to the house. She said she's going to tell Pildo to get dressed because the celebration will start together with the people in their barrio.
Pagdating ng gabi ay nagsimulang bumukas ang mga ilaw sa lawa. Everything was so perfect! Everything looks so magical!
There were no long messages and all from the Caballeros, they only told the people to enjoy the party and eat as much as they can.
Even amidst the number of people I am with, or even amidst the loud music, I feel a bit calm. Maybe because I'm sitting on the far side of the crowd. Hindi masyadong maraming tao sa paligid ko.
Then while I was drinking wine, I suddenly noticed Tanah with some unfamiliar people... and Pildo. They were laughing and giggling on the other side but not that far from me.
Looking at the both of them, with those people unknown to me... they're looking like a couple... a perfect one.
I pursed my lips. I felt my heart beat painfully. Seeing them together made me... insecure.
“So, you both are still together? Bagay baya jud gihapon mo hantud karon!” rinig kong sabi ng isang babae.
(Bagay pa rin kayo hanggang ngayon!)
Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko. Of course, bagay sila. She's so housewife material and he's so husband material.
Tapos ako... pabigat lang palagi. I don't even know how to cook.
I suddenly regret not having a cooking skill.
“Pila namo ka-tuig gani? Eight years? Nine years?” tanong naman ng isa.
(Ilang taon na nga ulit iyong relationship ninyo? Eight years? Nine years?)
I looked down at my feet. Eight years? Nine years? If they didn't broke up, then they could have been together for eight or nine years.
At saan ako sa walo't siyam na taong iyon? Wala ako sa imahe. Hindi ako kasali.
I felt a prick on my heart. Nananakit bigla ang lalamunan ko.
Now, I remember. Hindi man lang pala ako nagtanong kay Pildo tungkol sa kanilang dalawa ni Tanah. Takot ako. Takot ako sa pwede niyang isagot.
Oo at pinaparamdam sa akin ni Pildo na mahalaga ako sa kanya, pero paano kung nandiyan na si Tanah sa tabi niya? Mahalaga pa rin ba ako?
Gaya ngayon. Naaalala niya kaya na naririto rin ako?
I slowly and sadly looked at his back. He's sitting together with his... I guess friends. I can even hear his laughter from here.
“Five years ra uy,” malumanay ang tinig na wika ni Tanah pero dinig na dinig ko. Kita ko ang ngiti sa labi niya, pati na ang bawat pagtingin niya kay Pildo.
(Five years lang.)
“Unsa'y five years ba? Like five years ra mo kay nagbuwag mo?” tanong ng isa pa.
(Anong five years? Like five years lang kayo dahil naghiwalay kayo?)
Tumango si Tanah sabay sulyap kay Pildo. “Oo. Dugay ra mi nagbuwag uy.”
(Oo. Matagal na kaming naghiwalay.)
“Ngano man na, dai?! Nganong nagbuwag man mo! Kasayang ninyo, 'dai! Kamo ra baya jud akong gihuwat nga balitaon nga magpakasal! Pagbalik mo uy!” wika ng isa lang babae.
(Bakit, 'dai?! Bakit kayo naghiwalay?! Ang sayang ninyong dalawa! Kayo pa naman ang hinihintay kong mapapabalitang ikakasal! Magbalikan na kayo!)
I bit my lower lip. I played the ice on my glass of wine as I listened to them. Bawat pag-uusap nila ay bawat pighati naman ang nararamdaman ko.
“Pangutan-a ni siya ay,” natatawang wika ni Tanah sabay baling kay Pildo.
(Itanong niyo sa kanya.)
“Oh, Pildo? Ikaw diay naay sala, ha? Nganong gabuwag man mo?” tanong ng lalaking nakipagkamay sa akin kanina.
(Oh, Pildo? Ikaw pala may kasalanan, h? Bakit kayo naghiwalay?)
“Naistoryahan na na namo nang duha uy. Amo ra to,” natatawang wika ni Pildo.
(Napag-usapan na naming dalawa iyan. Amin lang iyon.)
“Ay sus! Pansin baya gihapon nako imong mga tutok kang Tanah, ha? In love gihapon ka sa iya, dong! Pagbalik na lang mo!” saad ng isa.
(Ay sus! Pansin ko pa rin ang mga titig mo kay Tanah, ha? In love ka la rin sa kanya, dong! Magbalikan na kayo!)
Nagtawanan sila. Ang iba ay kinakantyawan si Pildo. Pero dinig na dinig ko rin ang mga tawa ni Pildo mula sa kinaroroonan ko.
“Single pa man kaha mong duha? Pagbalik namo!” wika ng isa pang lalaki.
(Single pa ba kayong dalawa? Magbalikan na kayo!)
“Ako, single. Ambot lang ani ni Dom,” natatawang sabi ni Tanah.
(Ako, single. Ewan ko lang dito kay Dom.)
Dom? Iyon ba ang tawag niya kay Pildo?
Nagkantyawan agad ang mga kasama nilang dalawa. “Aguy! Single man diay, Dom! Single pa gihapon, Dom! Unsa pa'y gihuwat?!”
(Aguy! Single pala, Dom! Single pa rin, Dom! Ano pang hinihintay mo?!)
I heard Pildo laughed. I sighed. He seems enjoying all those stuffs with his friends. They all want them to get back together. And all I can do is just listen and watch them trying to make Pildo and Tanah be together again.
“Ikaw, Pildo? Single ka?” tanong ulit ng isa.
“Unsa'y single? Kinsa diay tong Precy diay?” wika ng isa.
(Anong single? Sino pala iyong si Precy?)
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang tinig ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko ipagkakailang hinihintay ko ang sagot niya.
“Unsa'y about kang Precy? Siya imong bag-o, Pildo?” Malumanay ang tinig na tanong ni Tanah sa kanya.
(Ano ang tungkol kay Precy? Siya ang bago mo, Pildo?)
Gaya ng mga kaibigan niya ay hinihintay ko rin ang sagot niya. Hindi niya ako bago. Pero ano ako sa kanya? Iyon ang gusto kong marinig.
“Dili uy,” sagot niya.
(Hindi, ah.)
Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko. Wala siyang ibang sinagot, iyon lang. Pero malawak na ngiti ang sagot ni Tanah sa kanya dahil sa sagot niya.
“Kulang na lang sa inyong duha, 'no, kay kasal! Pakasal namong duha uy! Ayaw mo pagsayang-sayang sa oras,” ngisi ng isang babaeng panay tusok sa tagiliran ni Tanah.
(Kulang na lang sa inyong dalawa ay kasal! Pakasal na kayong dalawa! Huwag ninyong sayangin ang oras!)
Panay ilag si Tanah sa babae pero panay naman ang paghagikhik niya. Rinig ko rin ang tawa ni Pildo sa mga sinasabi ng kaibigan niya pero wala naman siyang sinasabi.
Para bang pinapakita niya na ayos lang bawat sinasabi ng mga kaibigan niya.
Kung ganoon, paano ako? Alam kong wala siyang sinasabi pero ang actions niya ay halatang-halata ko.
Wala lang ba lahat ng iyon sa kanya? Ako lang ba ang nag-iisip ng kakaiba sa mga ginagawa niya sa akin? Biro lang ba ang lahat?
Bumuntong-hininga ako. Sobrang bigat ng dibdib ko.
Tumayo ako mula sa upuan saka naglakad-lakad na lang sa paligid ng lawa. Sa parteng may ilaw pero wala namang medyo katao-tao.
I sat on a branch of a tree and tried to calm my heart down. Sinadya kong lumayo doon, mukhang hindi pala magandang ideya na makinig sa kanila. Sumasakit lang ang puso ko.
Napatitig ako sa kawalan. Unti-unti akong sinakop ng lungkot. Unti-unting lumabo ang paningin ko pero agad ko itong pinigilan sa pamamagitan ng pagtingin sa langit.
Biglang may nagsalita sa likod ko. “Ikaw si Precy, diba?”
Agad akong napalingon dito. Si Tanah.
Simple lang ang suot niya. Pero hindi maitatago ang taglay niyang ganda. Ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata ay nakatitig sa akin.
“Ah, oo,” sagot ko.
Sa sobrang lambot at lumanay ng tinig niya ay hindi man lang nakakalahati ang boses ko.
Habang tinitingnan ko siya, mas lalo kong napapansin ang kaibahan namin. Mas lalo kong nakikita ang tipo ni Pildo.
Itong babaeng nasa harapan ko ang tipo niya.
Hindi ako.
Sumagap siya ng hangin saka nag-iwas ng tingin. Tumingin siya sa maliwanag na lawa.
“Si Dom... limang taon kaming magkarelasyon na dalawa,” bigla niyang sabi.
Napakurap ako at napatitig sa kanya. Bakit niya sinasabi ito sa akin ngayon?
Tapos ay lumingon siya sa akin at may ngiti sa labi. “Naaalala ko pa noong kami pa, halos ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. Sobrang clingy niya. Ayaw niyang naiiwan ko siya. Palagi siyang tumatawag at nagte-text, nagtatanong kung nasaan raw ba ako. Maalalahanin kasi siya.”
She's talking like she's reminiscing all those times she had with him. And seeing her smile, hurts me.
Because I know that I might... or will never experience the same thing she had with Pildo. Looking at her right now, she's so different from me. It's so impossible for Pildo to fall for someone like me.
She's calm. I'm loud.
She's tiny. I'm tall.
She's soft. I'm rough.
She's so wife material. I know nothing.
She's the one he loved. I'm just a woman who wants his love.
“Naghiwalay kami dahil niyaya niya akong magpakasal, pero ayoko,” bulong niya.
Ngayon ay ramdam ko na ang lungkot sa boses niya.
Iyon ang rason? Niyaya pala ni Pildo na pakasalan si Tanah? Pero ayaw nito?
See? She's everything he wants. He even asked her for marriage.
Saan ako lulugar?
“B-Bakit?” bulong ko. “Bakit ayaw mo?”
Tipid siyang ngumiti. “Hindi pa ako handa. Panganay ako sa pamilya. Kahit pa nasa tamang edad na ako no'ng niyaya niya ako, ay hindi pa ako handa. Obligasyon ko ang pamilya ko at ako ang pinakaunang nakapagtapos sa pamilya. Hindi ko sila pwedeng pabayaan.”
Dahan-dahan akong napaiwas ng tingin. No wonder he loves her. She's family oriented.
“Nagalit siya no'ng malamang ayaw ko. Kaya nakipaghiwalay siya. Ang sabi niya, maghiwalay na lang kami kung ayaw ko rin naman na maging asawa niya,” mahina siyang natawa.
Saglit siyang natahimik. Ako man ay hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat bang sabihin. Lahat ng naririnig ko, masakit sa dibdib ko.
Pero muli siyang nagsalita.
“Ano ka ba sa buhay niya, Precy?” tanong niya sa akin.
Napalingon ako sa kanya. Ano ako sa buhay ni Pildo? Ano nga ba? Siya lang ang makakasagot no'n. Si Pildo lang ang may alam kung ano sa buhay niya.
Kahit ako... hindi ko alam.
“K-Kababata niya ako,” mahina kong sagot.
“Wala kayong relasyon?” tanong niya.
Matipid akong ngumiti saka agad na umiling. “Wala.”
At mukhang hinding-hindi iyon mangyayari. Mukhang walang pag-asang mangyari iyon. Dahil mukhang hindi niya ako titingnan gaya ng kung paano ka niya tingnan.
Tumango siya saka ngumiti sa akin. “Mabuti naman kung ganoon. Nagsisisi ako na hindi ako umu-oo sa kanya no'ng niyaya niya akong magpakasal. Kaya ngayong handa na ako... gusto kong magkabalikan kami.”
Bakit niya sinasabi sa akin ito? Bakit hindi kay Pildo?
Ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko. Kung gusto niyang makipagbalikan kay Pildo, hindi maipagkakailang baka makipagbalikan agad si Pildo sa kanya. Lalo pa't niyaya na siya nitong magpakasal noon pa man.
At habang iniisip ko iyon, sumisikip ang puso ko. Parang hindi ako makahinga sa bigat.
“Bakit mo sinasabi sa akin ito?” tanong ko sa kanya.
She smiled. Umiling siya. “Hindi ko rin alam kung bakit ko sinasabi sayo ito. Siguro dahil akala ko may relasyon kayong dalawa. Wala naman pala.” Mahina siyang natawa. “Oh, siya. Babalik na ako doon. Ikaw rin, huwag kang manatili rito sa dilim. Delikado.”
Saka agad na siyang naglakad pabalik sa lawa.
Naiwan akong nananakit ang ilong, naninikip ang dibdib, at nanginginig ang mga palad. Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatingin sa kawalan, sa kung saan siya dumaan.
Umalis ako sa inuupuan ako at planong bumalik na lang sa bahay. Nang may biglang nasagip ang mga mata ko.
Nakita ko si Pildo na malawak ang ngiti habang sinasalubong si Tanah. Kinukumpas niya pa ang kamay, parang sinasabi niyang lumapit si Tanah sa kanya.
I felt a tear fell from my eye. My heart is bleeding once again.
Kapag wala si Tanah, pakiramdam ko ay mahalaga ako kay Pildo. Pero kapag nandiyan na si Tanah, parang hindi na niya ako nakikita.
I scoffed as I looked at the dark sky. “What a party indeed.”
...
Do follow me on my Facebook page, everyone: @Thorned_heartu.
Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro