11 | Stay
11 | Stay
I am currently watering my prescious plants on my balcony because the leaves are turning yellow. Maybe because I haven't placed it outside the balcony for a week when I was still in the Casa. Kaya babawi ako at aalagaan na ito ng maayos ngayong mamamalagi na ako ulit rito sa condo ko.
I already prepared a pesticide and sprayed it on the plants. May tinanim rin kasi ako ritong lettuce, chives, chili, ginger, at iba pa. Mahilig akong gumawa at kumain ng sandwich kaya sinisigurado kong puno ito sa palaman.
A doorbell interrupted me from my prescious moment with my plants. I immediately went in of the condo and go straight to open the door without looking at the monitor.
Kumunot ang noo ko nang makitang si Pildo ito. Pero hindi ko maipagkakailang nagwawala na naman ang puso ko.
Palagi naman. Kapag nandiyan siya.
“Ano na naman ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.
Itinaas niya ang mga kamay niyang may bitbit na bag. “Bumili ako ng pagkain.”
Napakurap ako. “Ba't ka pa pumunta rito kung may bitbit kang pagkain? Edi, sana dumeretso ka na sa condo unit mo.”
Nagtaas siya ng kilay sa akin saka padaskol na binaba ang mga kamay niya. “Parang ayaw mo na nandito ako, ah?”
“Wala akong sinabi, ah. Bakit ka ba kasi nandito? Na naman?” Magkasalubong ang kilay na tanong ko.
Ilang araw na siyang pabalik-balik rito sa condo ko matapos no'ng niyaya niya akong kumain. At kahit pa ilang beses na niya akong ninanakawan ng halik na gusto ko rin naman ay talagang napipikon pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit?
“Bakit? Masama ba kung nandito ako? May magagalit ba? Wala naman, diba? Kaya ayos lang na nandito ako. Papasukin mo na ako, nangangalay na ako,” aniya.
Napairap na lang ako saka napabuntong-hininga. Binuksan ko ng maluwag ang pinto kaya agad naman siyang pumasok.
Dumeretso siya sa kusina na para bang pagmamay-ari niya ang condo ko kaya hinayaan ko na lang siya. I'm sure he's just going to arrange all those foods inside my fridge.
Bumalik na lang ako sa balcony at muling pinagpatuloy ang ginawa ko. Binubungkal ko ng marahan ang lupa sa bawat pot. Tapos ay nilalagyan ko ng fertilizer bago ko ini-spray-han ng pesticide.
May mga seeds rin ako na kakabili lang. Bumili rin ako ng bagong rectangular pot na fifty-two inches para tamnan ng bagong biling seedlings.
Rinig ko ang yapak ni Pildo patungo sa kinaroroonan ko. Saglit siyang tumigil saka saglit akong pinanood kaya hindi ko na lang siyang nilingon. Matutunaw lang ako sa mga titig niya kung papansinin ko siya. Agad rin naman siyang umalis.
Pero ilang minuto lang ay muli siyang bumalik. Tsaka tumayo siya sa tabi ko. Then I noticed that he's holding a yellow umbrella, protecting me from the heat of the sun.
“Doon ka na,” saad ko sa kanya.
“Papayungan kita, mainit,” aniya.
“Ayos lang naman ako rito, ah. Tsaka vitamins iyang init kay huwag mong takpan,” saad ko pero nagpatuloy sa ginagawa ko.
“Hindi mo ba dinidiligan itong mga halaman mo? Naninilaw na,” aniya.
“Kaya nga dinidiligan ko na ngayon, eh,” wika ko.
“Alam mo bang dapat mong alagaan ng mabuti iyang mga halaman dahil nagbibigay ito ng benepisyo sayo? Nakakaani ka ng pagkain mula rito, nagbibigay pa ng oxygen,” aniya.
Napairap ako. “Oo na, oo na. Alam ko. Kaya nga inaalagaan ko na, diba?”
“Dapat lang. Dapat kung paano mo alagaan ang sarili mo ay ganoon mo rin alagaan ang mga pananim mo,” wika niya pa.
Bumuntong-hininga ako. “Buti pa nga mga tanim na ito nadidiligan, eh,” bulong ko.
“Hmm? Ano iyon? Ulitin mo nga ang sinabi mo?” aniya.
Inirapan ko siya. “Wala!”
Rinig ko ang mahina niyang tawa na kinapula ng pisngi ko. Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Pero totoo naman! Ang tanda-tanda ko na hindi ko man lang naranasang madiligan! Nakaka-blooming pa naman daw iyon.
“Hindi pa kita pwedeng diligan dahil hindi pa tayo kasal,” mahina niyang sabi kasabay ng mahihina at mapang-asar niyang tawa.
Inis ko siyang nilingon saka sinamaan siya ng tingin. Namaywang ako sa harapan niya. “Sino namang may sabi sayo na magpapakasal ako sayo?! Tarantado ka! Tsaka, hindi kita kailangan para madiligan ako, Pildo!”
Nawala ang ngisi niya saka bahagyang dumilim ang itsura. Pero syempre hindi ako matatakot, si Pildo lang naman ito.
“At plano mo pa talagang magpadilig sa iba, ah?” aniya.
“Oh, bakit? Kapag kayong mga lalaki ang maraming babaeng nadiligan, pride para sa inyo iyan! Tapos kapag mga babae maraming lalaking nakadilig, marumi kami?! Pokpok?!” Malutong ko siyang inirapan. “Mga wala talaga kayong kwenta! Kung kaming mga babae dapat virgin hanggang sa magpakasal na, dapat kayong mga lalaki rin! Ang kapal naman ng mga mukha ninyo!”
Napakurap siya sa paghihimutok ko. “Wala naman akong sinabing ganoon, ah? Ba't galit na galit ka?”
“Oh, bakit?! Iyon naman ang punto mo!” sabi ko.
“Hindi iyon ang punto ko, Precy. Ang akin lang, hindi ako papayag na magpapadilig ka sa iba. Dapat ako lang,” aniya sa kalmado at malalim na boses habang marahang nakatitig sa akin.
Natahimik ako. Hinahangos na napatitig na lang ako sa kanya. Ramdam ko na naman ang pagwawala ng puso ko.
Inis akong napapadyak saka bumalik sa pagtatanim. Bakit ba kasi kayang-kaya niya akong itali sa mga daliri niya?! Bwesit! Ang dali-dali kong madala sa mga sinasabi niya! Baka mabilis lang din niya akong madiligan nito! Aba! Magpakipot ka naman, Precy! Huwag agad-agad bumukaka!
“Kamatis ba iyang itatanim mo?” tanong niya kalaunan.
Tumango ako. “Oo. Nakakapagod kasing lumabas para bumili ng kamatis kaya magtatanim na lang ako.”
“Buti at may puso ka rin sa pagtatanim. Iyong kapatid mo, wala nang pag-asa iyon,” aniya saka mahinang natawa.
“Bakit? Sumasama ba siya sayo kapag pumupunta ka sa bukid?” tanong ko.
“Oo. Sinusubukan niyang tumulong pero palpak naman ang ginagawa niya,” sabi niya saka mahinang natawa.
Ngumuso ako. “Hayaan mo na lang si Persy. Hindi naman iyon sanay sa mga gawaing ganoon, eh. Tsaka ayokong nagbubuhat siya ng mabigat.”
Hindi siya sumagot. Nagtaka ako kaya nilingon ko siya. Only to find him smiling softly at me.
“Bakit ba?!” asik ko na naman.
Bakit ba kasi ganyan siya tumingin?! Para siyang tanga!
He chuckled. “Wala. Mahal na mahal mo lang talaga ang kapatid mo kahit na hindi kayo nagkakaintindihan.”
Bumalik ako sa paglalagay ng fertilizer sa lupa. “Oo naman, 'no! Siya lang naman ang nag-iisang kapatid na mayroon ako! Kahit pa gago iyon, hindi ko iyong pababayaan.”
“Ano ba ang pakiramdam ng may kapatid?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. “Wala. May kahati ka sa lahat. Dapat marunong kang mag-share. Dapat hindi ka makasarili. Pero masaya.”
“Sayang lang at hindi ako binigyan nina Mama at Papa ng kapatid. Aalagaan ko sana ng mabuti kung mayroon lang,” aniya.
“Hayaan mo na. Ako nga minsan gusto kong sana wala na lang akong kapatid dahil sa katarantaduhang taglay ni Persy, eh. Imagine, kapag ikaw lang ang anak, makukuha mo lahat ng gusto mo,” wika ko.
“Tama naman. Kaya sa magiging anak na lang natin ako babawi. Siguro, mga siyam—”
Napatuwid ako ng tayo saka mabilis siyang hinampas sa braso niya. “Tarantado ka! Ako pa ang naisip mong gawing inahin sa mga itlog mo?! Kainin mo iyang siyam na bata, bahala ka! Maghanap ka ng ibang Nanay! Ayoko!”
“At bakit hindi? Kayang-kaya ko naman kayong buhayin, ah?” sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Ayoko! Bahala ka, basta ayoko!”
“At bakit naman ayaw mo? Hindi naman kita pababayaan—”
“Are you hitting on me, Pildo, ha? Nanliligaw ka ba sa akin? O bumabanat ka lang?” saad ko saka namaywang sa harap niya.
Napatitig siya sa akin. Ilang saglit suyang natahimik tapos ay nagsalita naman. “Akala ko pakasal tayo deretso? Tutal, inungol mo na rin naman ang pangalan ko, ano pa ba ang hinihintay natin—”
Napatili ako saka mabilis na tinakpan ang tenga ko. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko sa pagkahiya.
Ayoko talagang maalala iyong gabing iyon! Tapos itong gagong ito parang ang dali-dali lang para sa kanya ang nangyari. Hindi man lang nag-filter ng words niya!
“Gago ka talaga, Pildo! Umalis ka dito! Alis! Bwesit ka!” Inis ko siyang tinutulak papasok sa condo ko at nang maiwan niya akong mag-isa rito sa balcony.
Rinig ko ang mga tawa niyang puno ng pang-aasar. Kapit na kapit siya payong na hawak niya at pilit pa rin akong pinapayungan.
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bakit ka ba galit na galit?” aniya.
“It's not appropriate to talk about that kind of thing! That's private!” asik ko.
“Bakit? May nakarinig bang iba? Wala naman, diba? Tayo lang naman ang nandito,” aniya.
“Kahit pa! Ayokong maalala iyon!” sigaw ko.
Para kaming mag-asawang nagbabangayan rito sa balkonahe. Sana lang at hindi kami marinig ng kapit-bahay. Jusko, nakakahiya!
“At bakit ayaw mong maalala? Ano nga ulit iyon? Moan my name, Pildo?” Ngumisi siya sa akin.
Napatili ako ulit saka napatakip sa tenga ko. Nagpapadyak ako saka mabilis siyang hinila papasok ng balkonahe dahil nahihiya na talaga ako. Feeling ko ay kahit walang tao sa paligid ay naririnig nila ang pinagsasabi ni Pildo.
Tawa lang nang tawa ang gago nang makapasok kami. Samantalang ako ay umuusok na ang ilong at tenga sa galit.
“Kapag hindi ka titigil, Pildo, papalayasin kita!” asik ko.
“Oo na, oo na. Dito na lang ako sa loob,” sabi niya.
“Dapat lang! Huwag kang susunod!” saad ko pa saka muling lumabas ng balkonahe.
Pulang-pula ang mga pisngi ko na pinagpatuloy ang pagtatanim. Parang ayoko na nga na pumasok sa loob ng condo dahil alam kong aasarin lang ako ng gagong iyon.
After I took care of my plants and after I finished planting, I went inside the condo. Nakapagluto na ang gagong si Pildo kaya syempre kumain na rin ako dahil gutom na ako.
Nagpaalam siya sa akin na uuwi na siya ng Leyte kaya daw siya nandito. “Uuwi na ako ng Leyte.”
“Tapos?” saad ko.
Inis niya akong tiningnan. “Iyan lang sasabihin mo?”
“Bakit? Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Isa pa, hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin kung uuwi ka na. Hindi ka naman ganyan dati,” wika ko.
“Gusto kong magpaalam sayo dahil baka ma-miss mo ako bigla,” aniya.
“Yuck! Bahala ka, kahit huwag ka nang bumalik rito. Ayos lang sa akin,” sabi ko.
“Sus! Tingnan lang natin kung hindi mo ma-miss mga halik at hawak ko,” aniya.
“Aba, bastos ka! Nasa harap kaya tayo ng hapagkainan na tarantado ka!” asik ko.
Ngumisi siya. “Pero hindi mo talaga ma-mimiss mga haplos ko, Percy? Kahit iyong dila ko, hindi mo mami-miss?”
Napapadyak ako. “Isusumbong na talaga kita sa Daddy ko!”
Tumawa siya. “Oo na. Oo na. Baka kuryentehin ako ng Daddy mo, eh.”
Matapos naming kumain ay sinabi ko sa kanya na aalis ako. Plano kong bumisita sa isang restaurant para magpahangin at syempre kumain. Sinabihan ko na lang siya na isarado ang condo ko kapag aalis na siya.
When I arrived at the restaurant, I was immediately greeted by someone I am close with.
Malayo pa lang ay agad na niya akong nakita at tumili pa na kinagulat ng mga costumers niya.
“Precy! OMG! You're here!” tili niya.
Mabilis siyang lumapit sa akin saka niyakap ako ng mahigpit. Natatawa na lang ako sa kanya.
“Ang ingay mo, Phoemi. Hindi ka ba pagagalitan ni Tita Ayen kapag narinig ka niya?” saad ko.
Ngumiti siya saka humagikhik. “Hindi naman. Wala kasi rito sa restaurant. She's on a date with Dad. Come here. Maupo ka! Excited ako to have a talk with you! Ang tagal na nating hindi nagkita!”
“Oo nga, eh. I was so busy freelancing kasi. I didn't have time to come here in your family's restaurant,” saad ko.
Hinila niya ako sa isang bakanteng mesa. She then raised her hand to call for a waiter.
“Ate? Please bring us our latest foodie and serve it to my friend here!” aniya nang may malawak na ngiti.
Tumango naman agad ang waitress. “Yes po, Ma'am Phoemi.” Agad itong umalis.
Humarap si Phoemi sa akin. “So, how's life? How you doing?”
I smiled at her. “Life's fine. I'm doing fine. Ito, single pa rin.”
She chuckled. “You really know what I meant when I asked you about life, 'no? Friendship talaga kita! Pero bakit naman single ka pa rin ngayon? Malapit ka nang mawala sa kalendaryo. Should I use my matchmaking skills for you?”
Natawa ako saka nailing. May kilala ako Phoemi kaso... hindi ko alam kung seryoso ba iyon o gago lang?
“No need. I can handle this. I assure you, before I turn thirty, may asawa na ako,” wika ko sa kanya saka tinaasan siya ng noo.
“Uy! I like the spirit! Gusto ko iyan! Pero kanino ka magpapakasal? Do you have someone in mind? Care to tell?” aniya.
I have someone in mind but I won't tell.
“Gugulatin na lang kita!” wika ko saka sabay kaming humagikhik. “Eh, ikaw? How's life doing?”
Nawala ang ngiti niya. Agad siyang bumusangot. “You know, I like someone.”
“Okay, and?”
“He's too stiff! I don't know why he's like that! Para siyang robot! Wala man lang katamis-tamis sa katawan! Kulang na lang pakainin ko siya ng puros asukal rito sa restaurant namin, eh!” himutok niya.
Naintriga ako. “Whoah? Who's that? Care to tell? Baka kilala ko.”
She smiled at me. “Nope! Hindi ko sasabihin sayo hangga't hindi mo sasabihin sa akin kung sino rin iyang sayo.”
Umungot ako. “Fine. Surpresahin mo na lang din ako. Can't wait to know who that guy is. Is he good? Like is he gentle?”
Napakurap siya. “Anong klaseng good at gentle ba iyang sinasabi mo?”
Napakurap ako. Bahagya akong napatili saka mabilis siyang hinampas. “What do you mean? Ginawa niyo nang dalawa? You did the nasty na?!”
She giggled as her cheeks reddened. Marahan siyang tumango habang kagat ang labi. “Oo, eh.”
Napahawak ako sa ulo ko. Buti pa siya!
“Sure?! No joke?!” gulat kong tanong.
She nodded. “Oo nga! Sure na sure!”
Napasinghap akong muli. “So? Anong feeling? Saan ninyo unang ginawa? Ilang beses niyo na ginawa? Oh my gosh, Phoemi, patay ka sa Daddy mo! Though, matanda ka na rin naman, pero kahit na hindi pa naman kayo kasal! But anyway, answer my questions, kahit iyong questions ko na lang, sige na!”
Mas lalo siyang namula. She tucked some strands of her hair on the back of her ear. “We first did it in the car,” bulong niya.
Napatili ako ng impit saka mabilis siyang hinampas sa braso. “Oh my gosh! Maldita ka! Really?! Hindi ba mahirap doon?”
She shook her head and giggled. “Hindi. Mas nakaka-excite pa nga, eh! Kasi masikip!”
Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. I don't know how should I take what she just told me. Parang tinanggalan ako ng kainosentehan ng ilang beses kahit pa matagal nang wala ang kainosentehan ko.
“Gaga ka!”
“And guess, what, Precy?” aniya.
“Ano?”
“He said I smell nice,” bulong niya.
Napahawak ako ulit sa ulo ko. “I don't think you have to tell me that, Phoemi! My gosh! Huwag mo na pala ikwento sa akin! Okay na ako! Tama na!”
Humagalpak siya ng tawa. “I love him, Precy! And I will make sure na sa akin lang siya babagsak! Hindi pwedeng sa iba, 'no! Like duhh? Ilang beses na kaya naming ginawa iyong bagay na iyon tapos sa iba lang siya magpapakasal? No! I can't just be a bed warmer 'no!”
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. “Shh... Ano ka ba?! Hinaan mo nga ang boses mo!”
“Here's your food po, mga Ma'am,” ani ng waitress na kakarating lang.
Natahimik naman siya pagdating nito kaya ako na ang nagpasalamat.
“Thank you po, Miss,” wika ko.
She nodded and walked away. When she's gone, Phoemi started talking again.
“So, ayon na nga. You should find a guy na rin, Precy. Para maka-relate ka naman sa akin,” aniya. “Oh, and start eating na before pa lumamig ang pagkain.”
Nagsimula na rin akong kumain. “Oo na. Pero hindi ko hahayaang gawin namin iyon sa sasakyan, Phoemi. Ang sakit no'n sa likod.”
Tumawa siya. “Masarap pa rin naman.”
Napatili ako ng impit saka tinakpan ang tenga ko. “Stop! Stop na! Kumain na tayo! Tama na!”
She laughed at my reaction. “You should really try it already with that guy on your mind. Para hind ka na OA mag-react.”
Napailing ako saka namula nang maalala ang make-out namin ni Pildo doon sa Casa. Hindi pa naman iyon nasundan—wow! Plano mo pa talagang sundan, Precy?! Malandi ka!
“Oh, you're blushing, Precy! What's on your mind?” Ngumisi siya.
“Wala! Gaga!” saad ko.
“Oh, did you already made out?” bulong niya.
“Shut up, Phoemi! Kumain ka na lang diyan!” saad ko na namumula at kinahagalpak niya ng tawa.
After that long talk with Phoemi, I went home. I was surprised to still see Pildo inside my condo. He's lying on the sofa and is sleeping.
“Akala ko ba uuwi ito?” bulong ko.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto saka naligo. I get dressed and went to the kitchen to cook something. I even searched a simple recipe on YouTube. Nakakahiya naman kung gigisingin ko pa si Pildo para siya ang magluto.
When I was done cooking, I was a bit curious why he's still not up. Tumungo ako sa sala saka nilapitan siya.
“Pildo? It's time to eat,” wika ko.
He didn't answer. Hinawakan ko siya sa braso at nagulat ako nang maramdamang sobrang init niya.
Napaluhod ako sa sahig saka sinapo ang pisngi niyang sobrang init rin.
“Pildo? Bakit ang init-init mo? Pildo, nilalagnat ka, you have to eat para makainom ka ng gamot.”
Umungot siya saka marahang nagmulat ng mata. He then tried to stand up but I stopped him.
“Stay here. Kukunin ko lang ang pagkain,” wika ko.
I went back to the kitchen and placed all the food on the tray. Nilapag ko ito sa mesa sa harap ng sofa.
“Bakit ka nilagnat? Ayos ka lang naman kanina, ah,” wika ko.
He cleared his throat. “Biglaan lang.”
He tried holding the spoon and fork but he's hands are wobbly. Nanginginig siya siguro ay sa hilo.
“Ako na,” wika ko.
Sinubuan ko na lang siya saka unang pinakain. I am really worried. I haven't tried taking care of someone sick before aside from myself. Even Persy.
“Kumain ka na rin,” nanghihina ang boses na sabi niya.
I shook my head. “Kakain rin ako pagkatapos mo.”
Hindi na siya nagsalita. Matapos niyang kumain ay pinainom ko siya ng gamot.
“Pildo, sa kwarto ka matulog. Kaya mo bang maglakad? Hindi ka ba masyadong nahihilo?” tanong ko.
Tumango siya. “Kaya ko. Alalayan mo lang ako.”
Agad ko namang niyakap ang bewang niya habang nakaakbay siya sa akin. Pinasok ko siya sa kwarto saka pinahiga doon. Kinumutan ko na rin siya saka pinatay ang ilaw.
I even prepared a warm water and a cloth, then I wiped his body with it. Hindi ko na naramdaman ang gutom ko dahil nag-aalala ako sa kanya.
Nang matapos ako ay saka ko lang naisip na lumabas ng kwarto.
But before I went out, he suddenly talked.
“Precy?” he called my name.
Nilingon ko siya. He's eyes are close. “Hmm? Ano iyon?”
Saglit siyang tumahimik. Pero mukhang tulog na siya at nananaginip lang.
I sighed. Muli akong humarap sa pinto para sana lumabas pero muli siyang nagsalita na tumunaw sa puso ko.
“H-Huwag mo akong iwan,” he whispered followed by a deep slumber.
...
Do follow me on my Facebook page: @Thorned_heartu.
Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro