Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09 | Forget Everything

09 | Forget Everything

After that kiss happened, my Mom and Dad who thought I was sick was hell worried about me. I felt guilty, of course. But what else can I do when all I want is to stay out of Pildo's sight as much as possible?

So, when I asked my Dad that I want to go home, he immediately agreed. He said that maybe I am not used to too much travelling and that maybe I feel homesick. Which is half right and half wrong.

And so, the next morning, my parents, I, and Persy prepared all our baggages, ready to leave Leyte.

“Sigurado na talaga kayo na uuwi kayo ngayon, Ate?” tanong ni Tita Dahlia kay Mommy.

My Mom nodded. They are both preparing all kind of fruits and placed it in a separate baggage.

“Yes, Dahlia. I am just worried about Precy, eh. We will be back naman dito sa inyo if we have our time again. Sa ngayon uuwi muna kami,” saad ni Mom.

Marahang tumango si Tita Dahlia saka malumanay na tumingin sa akin. “Kawawa ka naman, Precy. Maayos na ba ang pakiramdam mo o masama pa rin? Nang makainom ka ulit ng gamot.”

I simply nodded at her and smiled timidly. “Yes po, Tita. Ayos na po ang pakiramdam ko kahit papaano.”

And I never drank those medicines, which made me guiltier.

“Hindi ba kayo magdadala ng niyog?” rinig kong tanong ni Tito Paul kay Daddy. Nasa labas sila ngayon ng bahay, naglilinis sa hilaw na saging na dadalhin namin pauwi.

“Gusto mo bang hindi kami magkasya sa sasakyan?” wika ni Dad.

“Edi, kuskusin na lang natin para hindi mabigat,” saad ni Tito.

“Huwag na. Ang dami na nga naming dadalhin, eh. Ang gahaman naman namin kung ganoon,” wika ni Dad.

“Ikaw, Precy. Wala ka bang gustong dadalhin sa condo mo? Baka may nagustuhan ka rito sa bahay,” saad ni Tita Dahlia sa akin. “O iyong baby pictures ni Pildo. Ayaw mo dalhin?”

Napakurap ako. Biglang nangati ang lalamunan ko. Parang magkakasakit talaga ako ng tuluyan kung patuloy kong maririnig ang pangalan ni Pildo, eh.

I cleared my throat. “Hindi na po, Tita. Ayos na po lahat itong dadalhin namin.”

She nodded and smiled. “Okay. Sabi mo, eh. Basta magdala ka ng maraming pagkain sa condo mo, ah? Lalong-lalo na ang mga gulay at prutas na pinadala ko. Huwag kang papagutom.”

I smiled and nodded. “Yes po, Tita.”

“I think you should stay in our house for awhile, honey,” wika ni Mommy na ngayon ay nakaupo na sa sofa. “I'm still worried about you. I'll feel relieved if you'll stay with us so I can cook healthy foods for you.”

I pursed my lips. My Mom is truly bothered about my situation. Samantalang ako nagsisinungaling lang naman sa kanya.

I sighed. “Fine, Mom. Sa bahay muna ako.”

It made her smile widely.

My heart beat rapidly when I hear Pildo and Persy's voice coming down the stairs towards where we are.

After what happened between I and Pildo, we haven't really talked. We were trying to avoid each other. At siguro ay medyo nakakahinga ako ng maluwag sa tuwing siya na mismo ang lumalayo dahil ibig sabihin hindi ko na kailangan pang lumayo.

“Sasama ka ba sa amin, Kuya?” rinig kong tanong ni Persy.

Napakurap ako. Aba'y hindi pwede! Kaya ako uuwi para hindi siya makita tapos sasama pa siya!

“Hindi pa muna. Marami pa kasing aanihin rito sa Casa. Tutulong ako, eh,” sagot ni Pildo.

“Oh, Pildo, Persy, tulungan niyo nga kaming buhatin itong mga maleta. Patayuin ninyo para hindi na mahirapan si Ate Primm sa paghila mamaya,” tawag sa kanila ni Tita Dahlia.

“Ang dami naman niyan, Mom! Bakit naman halos lahat ng prutas sa Casa nilagay niyo sa loob ng maleta?” wika ni Persy.

Rinig ko ang paglapit nila. Nakatalikod ako sa gawi nila habang nakaupo sa pang-isahang sofa.

“I'll cook all of these for you and your Ate. Kaya dinamihan ko ang pagdala. Come here, help me with this,” sabi ni Mom.

They both walked past me and helped my Mom put all the foods inside the mallet. While I was just sitting there, silently watching them.

But then Pildo's eyes and mine met. Agad akong nag-iwas ng tingin. I can't bare looking at him eye to eye. I am so guilty with what happened and yet I am the one who's trying to stay away, didn't even bothered to talk about it.

“Mommy naman! Huwag mong sabihing ipapakain mo po sa akin itong mga avocado na ito?” ungot ni Persy habang pinapasok sa loob ng maleta ang mga avocado.

Nagsalubong ang kilay ko. “Hindi naman iyan para sayo, para sa akin iyan,” wika ko.

Nilingon niya ako. Even Pildo looked at me but I chose not to look at his direction.

“Hindi ka ba magtatae sa dami nito, 'Te?” ani Persy habang kunot ang noo.

“Magtatae kung magtatae. Ako naman ang magtatae, ang laki ng problema mo,” saad ko.

“Tsk.”

Pumasok sina Dad at Tito Paul. “Tapos na naming ilagay ang saging sa cellophane. Saan iyon ilalagay?” tanong ni Tito Paul.

“Persy will carry it, Paul,” wika ni Mommy.

Napasinghap si Persy saka hindi makapaniwalang tiningnan si Mommy. Napangisi naman ako ng kaunti.

“Okay. Doon na lang muna iyon sa labas,” wika ni Tito Paul.

Lumapit si Daddy sa akin saka hinaplos ang buhok ko. “Ayos na ba ang pakiramdam mo, baby?” bulong niya.

Tumingala ako sa kanya saka ngumiti. “Yes po, Daddy. You don't have to worry about me.”

Ngumiti siya saka tumango na lang tapos ay pinanood sina Mom na nag-aayos na sa mga kagamitan.

As soon as we're done, Tito Paul, Tita Dahlia, and even Pildo sent us to the pier using their car. We're going to ride a ship towards La Seriah, so it might take us about three days trip.

“Balik kayo dito, Ate Primm, ha? Ang tagal na naman siguro bago kayo bumalik,” wika ni Tita Dahlia sabay yakap kay Mommy.

“Yes, yes, Dahlia. Babalik kami rito next vacation. Sa susunod, let's go to the beach together na,” wika ni Mommy.

“Dapat lang para hindi na ma-homesick si Precy pagbalik niya rito,” saad ni Tito Paul saka ngumiti sa akin.

Nginitian ko rin siya pabalik at pilit iniiwasan ng tingin si Pildo na nasa tabi niya. Sana nga ay homesick na lang ang rason kaya ako uuwi, eh.

“Oh siya. Mauuna na kami. Baka maiwan pa kami at iyong mga prutas lang ang makauwi sa La Seriah, eh,” saad ni Daddy.

“Sige, Kuya. Ingat kayo sa biyahe,” wika ni Tita Dahlia saka niyakap sina Mom at Dad.

“Mauna na po kami, Tito, Tita,” paalam ni Persy sa mga ito. He just nod goodbye to Pildo.

“Alright, let's go,” saad ni Mom saka pumasok na kami sa barko.

It was a long trip from Leyte to La Seriah through a ship. But at least I enjoyed the ocean view for three days and two nights straight.

And when we arrived at La Seriah, we went straight to our house. My Mom immediately separated the foods that she will put in my fridge at my condo. But I chose to stay for two nights there.

After two nights and two days, I went back to my condo. And I must admit, I miss the silence and peace that only my condo can make me feel.

Pero imbes na magpahinga ay mabilis akong pumasok sa studio kong miss na miss ko na. Agad kong ni-check ang sewing machine ko. Tapos ay naghanap ng tela saka naisipang gawan ng damit ang sarili ko.

I guess I have to take away my frustrations. Whenever I felt frustrated, tired, stressed, and so on and so forth, I will always play with my sewing machine. It takes away all the bothers in my mind.

If there's something I want to advice to other people is that when they felt frustrated, they should try doing what they love. It might be drawing, singing, dancing, yoga, photography, hiking, and even simply listening to songs while doing nothing. As long as that's what you truly want at the moment, do it.

Hindi pa man ako natatapos ay may biglang nag-doorbell. I immediately went out of my studio to see who it was only to see Phira looking like she's going out on a beach with a big nude beach hat on her head and a flowery hawaiian beige dress. Naka-sunglass pa.

I opened my door and looked at her weirdly. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Saan ka magbe-beach?”

“Gaga! Hindi mo ba ako e-we-welcome? Ikaw ang pinunta ko rito with this very glamorous outfit of the day!” aniya sabay porma sa harapan ko.

Napakurap ako saka hinila siya papasok. Minsan nakakahiya pa naman itong babaeng ito.

And guess what? The reason why I became close with Phira was because parehas kaming NBSB at magiging MD, ‘Matandang Dalaga’.

I closed the door and looked at her once again. Madalas na rin akong napapagod sa kanya. Bakit ba kasi hindi siya nagmana kay Aunt Phaebe? Hindi rin siya nagmana kay Uncle Clovis. Saan ba nagmana ito?

“What?! Why are you staring at me like that? Hindi mo na lang ako sabihan ng 'OMG, Phirs! I miss you so much! It's been awhile!' Gano'n!” aniya saka padabog na naupo at dumekwatro sa sofa ko.

“Eh, bakit ba kasi ganyan ang suot mo, 'te? May dagat ba rito sa condo ko?” saad ko saka namywang.

“Wala. Pero pupunta tayo sa dagat today!” aniya.

“Tanggalin mo kaya muna iyang sunglasses mo, 'te? Saka sinong may sabi sayong sasama ako?” wika ko.

“Ako!” aniya. “Saka, no! Hindi ko tatanggalin ang aviators ko! Aviators, 'te. Aviators. Para estitik.”

Napabuntong-hininga ako saka napailing. “Bahala ka. Busy ako. I'm making a dress for myself—”

Bigla siyang tumayo. “Tamang-tama! Let's go and make that damn dress, Presyas! Para maisuot mo sa beach later! Tara!”

At nagtatakbo siya papasok ng studio ko. Muli akong napabuntong-hininga. Sumunod na lang ako.

Pagdating sa loob ay sinusuri na niya ang damit na ginagawa ko. “Oh... maganda ito, 'te, ha? Gawan mo rin ako!”

“Ano ka sineswerte? Kung magpapagawa ka, magbayad ka sa akin. Pangkabuhayan ko iyan,” wika ko saka naupong muli sa harap ng sewing machine at pinagpatuloy ang kanina ay naudlot na ginagawa.

She sat on the chair just near me. “Ang damot mo talagang gaga ka. Anyways, tapusin mo na iyang ginagawa mo at nang makaalis na tayo.”

“Ayoko nga na sumama, Phirs,” wika ko.

“At bakit ayaw mo? Ilang taon ka nang nakakulong rito sa condo mo. Jusko! Kulang na lang tirahan ka ng mga gagamba, eh!” aniya.

“Five days ago, I had a vacation,” wika ko.

Napatayo siya at mabilis tinanggal ang aviators kuno niya. “Ha?! Saan?! Bakit hindi ko alam iyan?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Hindi mo ba ako kaibigan?! Wala ka bang cellphone?! Hindi ka ba makapag-text?!”

Napairap ako. “Kasama ko ang pamilya ko, okay. Huwag kang OA.”

“Oh, bakit? Hindi ba ako pwedeng sumama sa inyo kahit kasama mo pamilya mo?! Alam mo ikaw, nasasaktan mo na ako, ha! Nasasaktan mo na ako, Presyas!” aniya saka OA na humawak sa dibdib at paypay sa sarili niya.

“Wala ka bang pamilya, 'te? Edi magbakasyon rin kayo. Ano ka ba?” saad ko.

Walang tigil ako sa pagtatahi sa damit ko. Mukhang hindi ko pa ito matatapos ngayon agad, baka bukas pa.

“Mayroon naman! Kaso, iyong Inay at Itay ko, mukhang mas enjoy sila kung wala kaming magkakapatid. Ang mga kapatid ko naman, mukhang mas enjoy sila kapag wala ako. Tapos ikaw rin masaya kapag wala ako?! Ang sakit-sakit niyo na!” himutok niya.

“Tumigil ka na nga,” sabi ko. “Sinasabi ko sayo, ayokong sumama diyan sa kung saan ka man pupunta. Gusto kong matulog.”

“Okay, sige! Edi, huwag kang sumama pero sa isang kondisyon,” aniya.

Napabuntong-hininga ako. “Grabe naman iyan, 'te? Pati pagtira ko rito sa bahay may kondisyon?”

“Oo! Aba walang libre sa panahong ito!” aniya.

“Oh, eh, ano iyan?” tanong ko.

“Makipag-blind date ka! Para magkajowa ka na! Para magalaw na iyang bataan mo! Tuyong-tuyo na iyan dahil hindi nadidiligan! Maawa ka naman!” aniya.

Napakurap ako saka hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Kung makapagsalita ka, bakit nadiligan ka na ba?”

Ngumuso siya. Sumagap siya ng hangin. “Hindi.”

“Oh iyon naman pala! Edi, sabay tayong matuyo!” saad ko saka bumalik sa pagtatahi.

“Okay, fine, hindi na ako magsisinungaling. Actually, may ka-blind date ako today,” aniya.

“Oh, edi umalis ka na. Puntahan mo,” wika ko.

“Ayoko nga!” aniya.

“At bakit ayaw mo? Pinag-isipan mo iyang blind date na iyan tapos ngayon ayaw mo?” aniya.

“Hindi naman ako ang nakaisip niyan. Si Enna!” aniya.

“Whoah. May matchmaking skills rin pala iyang kambal mo, ah,” wika ko.

“Anong skills?! Walang skills iyon! E-matchmade ba naman ako sa anak ni Tita Nivia! Ayoko ha! Bahala siya!” aniya.

“Ayaw mo pala na makipag-blind tapos idadamay mo pa ako,” wika ko.

“Yes, of course! Kasi ikaw ang papalit sa akin! Go, girl! Magbihis ka na, dali! Isuot mo itong damit ko!” aniya sabay tayo saka hinila ako patayo.

“Teka, teka, teka. Hindi pa ako pumapayag, ah,” saad ko.

Ngumiti siya sa akin. “Aba'y wala akong paki, girl! Halika na!”

And just like that, we exchanged clothes, because what Zapheira wants, Zapheira gets.

Napabuntong-hininga ako nang makarating sa restaurant na sinasabi ni Phira. Suot-suot ko itong beach outfit niya. Kaya ito tuloy, pinagtitinginan ako ng mga tao. Samantalang siya, nagpaiwan sa condo ko.

Bwesit talaga ang babaeng iyon!

Hinanap ko agad iyong lalaking akmang-akma sa description na binigay sa akin ni Phira. Navy polo shirt and beige pants.

Habang hinahanap ko ito ay may isang lalaking nagtaas ng kamay at nakatingin sa akin, kaya tingin ko ito na iyon.

In fairness naman, gwapo siya. Pero hindi siya mukhang pinoy. He looks like somewhat French?

“Uhm... good afternoon,” bati ko sa kanya.

He smiled. “Magandang tanghali rin sayo. I am Jacob Nissan Hamilton. Are you Zapheira Clementine Madrigal?”

Napakurap ako. Namangha ako. Akala kk foreigner siya. Ang galing magsalita ng tagalog. Wala pang accent.

Mabilis na umiling. “Hindi.”

Napakurap rin siya. “Oh, I'm sorry. I was waiting for her—”

“Hindi siya pupunta rito. Kaibigan niya ako. Ayaw niyang pumunta kaya nakipagpalit siya sa akin. Huwag kang mag-alala, kakain lang din naman ako rito,” wika ko saka agad na naupo.

Napanganga siya saka napatango-tango. “Oh okay.” Saka naupo na rin siya. “I already ordered some foods. I hope you don't mind.”

Tumango ako. “Libre ba ito?”

He nodded and chuckled. “Oo naman. Kain ka lang nang kain.”

“Okay, thank you,” wika ko. “So, hindi mo ba kilala si Phira? Bakit mukhang kilala ka niya?”

“I know her twin but not her,” sagot niya.

“So, ba't ka nagtatanong kung ako ba si Phira kung kilala mo naman pala si Enna na kakambal niya? Hindi mo ba naisip na kamukha lang ni Enna si Phira?” wika ko.

He blinked. “Well, I have thought about that. Kaso diba may mga magkambal naman na hindi magkamukha?”

Napatango ako. “Sabagay naman. Pero hindi ba kayo nagkikita sa tuwing may occassion sina Aunt Phaebe? Mukhang naiimbitahan naman yata palagi ang Mom mo, ah.”

“Hindi kasi ako umuuwi rito,” aniya. “Oh, you know my Mom! And you're calling Tita Phaebe Tita! So, nagpupunta ka rin sa mga occasions ganoon ba?”

Tumango ako. “Oo naman. Medyo close sila ng parents ko.”

He nodded. “That's amazing!”

“Saan ka ba namamalagi at hindi ka umuuwi rito sa La Seriah?” tanong ko.

“Sa France lang ako,” sagot niya.

Napatango ako. “Anong ginagawa mo doon?”

“Oh, I'm a business man. I own a company there,” sagot niya.

“Wow! Ang yaman mo pala!” saad ko.

He chuckled. “Hindi naman. Thanks.”

“Eh, ikaw? What do you do for a living? You look like a model to me. Are you?” tanong niya.

Napangiti ako saka pabirong nag-flip ng hair. “Bolero ka, ah! Hindi ako model! Sadyang maganda lang ang genes ng Mom at Dad ko. I am a freelancer, I'm doing tailoring for a living.”

“Whoah. Hindi mo ba naisipang pumunta sa Paris? Maybe, showcase your talent?” tanong niya.

Umiling ako. “Ayoko. Okay na akong mamuhay na ganito.”

He nodded. “Wow. That's nice to hear from you. I mean a lot of people seeks more than what they have and what they can do. And yet you chose to live that away. You're interesting.”

Natuwa naman ako, syempre. Interesting raw tayo, eh.

“So, interesado ka ba sa kaibigan kong si Phira kaya ka pumayag makipag-blind date sa kanya?” tanong ko.

He chuckled. “Actually, I'm just doing this for a friend.”

Napatango-tango ako. “Sinong friend iyan? Pabulong.”

He laughed. “Hindi ko pwedeng sabihin. Baka sabihin mo sa kanya. Kumain ka na lang diyan.”

Napahaba nga ang usapan naming dalawa ni Jacob Nissan Hamilton, hindi ko alam kung anong itatawag sa kanya. Nakakatuwa rin kasi mukha siyang gago pero hindi siya gago magsalita. O baka sa una lang ito, ganyan naman talaga silang lahat, eh.

Nang matapos kaming kumain ay sinabi niyang ihahatid niya ako sa condo ko. Pumayag ako para magkita naman sila ni Phira. Si Phira pa naman ang may kasalanan sa lahat ng ito.

“Hindi mo na ako kailangang ihatid pa sa pinto ng condo ko. Ayos lang ako,” wika ko sa kanya.

Nagpupumilit kasi siya na ihatid ako sa condo ko para daw sure siya na makauwi ako ng maayos. Lalo pa't napilitan lang daw ako sa pakikipag-meet up sa kanya. Which is true!

“No, it's okay. Ihatid na kita. Wala rin naman akong ginagawa,” wika niya sabay ngiti.

Napabuntong-hininga ako saka napatango. “Okay, bahala ka. Tara.”

Nang makarating sa condo ay agad kong tinype ang code. “Nandito si Phira. Ipapakilala ko na lang siya sayo, tutal nandito ka na rin naman.”

I opened the door. “Phirs, nandito si—”

I stopped midway when I saw who's sitting on my sofa with Phira. Napatingin silang dalawa sa akin. Si Phira ay agad na nanlalaki ang mga mata nang makilala ang taong nasa likod ko. Samantalang si Pildo ay hindi ko mabasa ang mukha habang nakatingin sa akin at kay Jacob.

Napabalikwas ng tayo si Phira. “Anong ginagawa ng lalaking iyan rito, 'te?! Bakit mo sinama?!” aniya.

I sighed. “Ipapakilala kita sa kanya—”

Umiling siya. “Kilala ko siya, hindi mo ako kailangang ipakilala sa kanya.” Tumingin siya kay Jacob na may tipid na ngiti. “Umalis ka na rito, Jaco! Sinasabi ko umalis ka! Isusumbong kita sa Tatay ko!”

Ngumiti lalo si Jacob. “Binabantayan lang kita. Wala namang masama doon—”

“Sino ba ang nag-utos sayo niyan? Binabayaran ka ba?! Dodoblehin ko! Magkano?!” asik ni Phira saka napayakap sa braso ko.

Jacob chuckled. “Well, you look fine to me. Sige, aalis na ako. Mukhang takot na takot ka na sa akin.” Tiningnan ako ni Jacob saka ngumiti siya. “I'll get going, Precy. Ikaw na ulit bahala diyan sa kaibigan mo.”

Saka naglakad na siya paalis. Samantalang si Phira ay nanatiling nakayakap sa braso ko.

Nilingon ko siya. “Tumigil ka nga, 'te! Ano bang nangyayari sayo? Tsaka sinong magbabayad doon, eh, mayaman naman iyon?”

Muntik ko pang makalimutan na nandito pala sa condo ko si Pildo.

Tumingin sa akin si Phira. “Wala! Kalimutan mo na iyon!” Humiwalay siya sa akin. “By the way, uuwi na ako. Tutal nandito na rin naman si Pildo. May kasama ka na rito sa condo mo. And, my dress looks good on you. Sayo na iyan. Pero, akin na iyang aviators ko, 'te. Mahal iyan, eh.”

Tsaka mabilis na umalis palabas ng condo ko.

Napakurap ako. Saka lang ako naggising sa katotohanan nang marinig ang tikhim ni Pildo.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng condo ko. My heart started beating rapidly. Dahan-dahan akong humarap sa kanya pero hindi ako lumapit.

“A-Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

“Hindi ka ba uupo?” tanong niya pabalik. Malalim ang boses.

“Hindi na. Sigurado naman akong mabilis ka lang. Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo,” sabi ko.

He sighed. Tumayo siya mula sa sofa. “Tungkol sa nangyari sa atin sa Casa—”

“Kalimutan na natin iyon,” wika ko agad.

Alam kong ito ang pinunta niya rito. Sumunod ba siya sa amin no'ng umalis kami?

I want to forget whatever happened to us. I know that it was my fault, but I guess this is my way of fixing it.

The silence is deafening inside the condo, then he suddenly talked.

“Kalimutan?” Mahina siyang tumawa. “Kalimutan?”

Hearing my name from his mouth now feels so different. Hindi na ito gaya ng dati.

Saglit akong naging tahimik pero muli akong nagsalita saka tumango. “Oo.”

“Bakit hindi ka makatingin sa akin?” tanong niya. “Kung talagang gusto mong kalimutan na lang natin iyon, tumingin ka sa akin. Sabihin mo iyon sa akin habang nakatingin sa mga mata ko para maiintindihan ko at para maniwala ako sayo.”

I bit my lower lip. I fisted my hands as I slowly look at him with all the bravery left in me.

Staring at him right now feels different as well. Hindi na gaya ng dati. Nag-iba na.

Hindi ko aakalaing sa isang pagkakamali lang, magbabago ang lahat. Masisira ang lahat ng pinagsamahan namin. At kasalanan ko lahat nang iyon kaya nararapat lang na panindigan ko.

“Let's just forget everything, P-Pildo. What happened in Leyte, stays in Leyte,” wika ko sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko at dumudugong puso.

I also don't want to destroy what he have towards Tanah... or Ate Tanah. I'm sure she's way older than me.

If whatever Tanah said is true, that all they need is a talk about their relationship, and knowing that they have been in a relationship for five years, then there's a huge possibility of them getting back together.

I can't read his eyes. I can't read him. Or maybe because I'm too occupied with my own emotions.

He slowly nodded at me. Humalukipkip siya. “Fine. Iyon rin naman ang pinunta ko rito in the first place. Gusto kong pag-usapan natin ang nangyari dahil matatanda na tayo. Akala ko'y mahihirapan pa akong makipag-usap sayo. Pero mukhang nagkakaintindihan naman pala tayo. Let's forget everything, then. Walang nangyari. Hindi iyon nangyari,” aniya.

At mabilis siyang lumabas ng condo ko nang walang lingon-lingon. Samantalang naiwan na naman akong durog ang puso.

...
Do follow me on my Facebook page, everyone: @Thorned_heartu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro