Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02 | Blind date

02 | Blind date

I am currently making patterns using a graphing paper for a project I am working on. My project is pajamas for women. The delivery date will be two weeks from now, so I have to be quick with my work.

What I love about my job is staying indoors, doing a project in solo, and taking rest whenever I feel stressed about my own work. Hindi ko kailangang mag-adjust para sa iba. Lahat ginagawa at gagawin ko ay para sa akin lang. Perks of being a freelancer.

But the hard part of being a freelancer is how to promote your business. If you will not promote it, no one will know about it, then your products will not be sold.

Many people keep on asking me why I didn't pursue fashion designing when in fact I have a bachelor's degree in fine arts for fashion designing. Ang sagot ko lang sa kanila ay siguro hindi para sa akin ang fashion designing. Tinapos ko lang kursong ito para may degree ako pero hindi talaga ito ang gusto ko. I love tailoring more than designing, and there's a difference between the two.

I smiled to myself as I finished making the pattern for the pajamas. Agad ko itong isinilid sa folder ko. I cleaned my graphing table and placed my apron on one of the mannequins.

Winalis ko ang mga extra na papel na pakalat-kalat sa sahig ng studio ko. Matapos ay binuhat ko ang mga nagbeberdehan kong mga halaman saka nilagay sa balkonahe upang makasagap ng liwanag mula sa araw. Nanliit ang mga mata ko habang dinaramdam ang mainit na sinag mula sa araw. Hinaplos ko ang bagsak at maiksi kong buhok na hindi umabot sa balikat ko saka ginulo bahagya ang bangs ko.

"What a nice day! I hope this is a sign of lucky day!" wika ko sa sarili ko.

I then watered my plants then I went inside again. Pumunta ako sa kusina saka nagluto ng agahan.

Nang matapos ay akmang kakain na ako nang may biglang nag-door bell. Kunot-noo akong tumayo saka tumungo sa pinto. I looked at my computer to see who it was. My brow raised to see that it's Pildo.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto ko saka kunot-noong hinarap siya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Buhat-buhat niya ang isang puting aspin. "Magpapatahi ako."

"Ng ano?" tanong ko.

"Ng bahay," sagot niya.

"Gago ka ba?" asik ko.

"Eh, ba't ka pa ba kasi nagtatanong? Ano pa ba ang itatahi maliban sa damit?" aniya.

Umirap ako. "Hindi ko pa iyan magagawa agad dahil busy pa ako sa pajama project ko. Susukatan ko na lang muna kayo-"

"Dodoblehin ko ang presyo. Magkano ba bayad sayo diyan sa pajama project na iyan? Doblehin ko," aniya habang seryoso ang mukha.

Palagi namang ganyan ang mukha niya. Palaging seryoso kaya nakakapikon.

"Twenty thousand itong project ko. Kung dodoblehin mo, forty thousand. Pero syempre, depende iyon kung ilang damit ipapagawa mo," seryosong sagot ko naman sa kanya.

Bigla siyang umirap. Tinulak niya ang pinto kong hindi pa tuluyang nabubuksan kaya agad siyang pumasok bitbit ang aso niya.

"Ang yaman-yaman mo na pero mukha ka pa ring pera," saad niya.

Nilapag niya sa sahig ang aso niya na agad namang nagpaikot-ikot sa condo ko.

Hindi ko siya sinagot dahil totoo naman. "Anong damit ba ipapagawa mo?" tanong ko.

Lumapit siya sa mesa ko sa kusina saka tumingin sa pagkain doon. Dalawang sandwich lang na may itlog, kamatis, at lettuce ang naroroon.

"Ito lang ang pagkain mo? Ang hirap mo naman!" saad niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Matapobre ka talagang tarantado ka. Sabihin mo na kung anong damit ang ipatatahi mo at nang masukatan na kita!"

"Hanbok, alam mo iyon? Syempre dapat alam mo iyon dahil 'di ka naman bobo, diba?" aniya saka naupo sa sofa ko.

"Ba't ka magpapagawa ng ganoon?" tanong ko saka naupong muli sa maliit kong kusina at kumain na. "Pupunta ka bang Korea?"

"Oo," sagot niya sabay bukas sa TV ko.

"Ano namang gagawin mo doon?" tanong ko habang kunot ang noo.

"Kakain lang," saad niya habang seryoso ang tingin sa TV.

Umismid ako saka napailing. "Gago."

"Eh, ba't ba kasi ang dami mong tanong, 'di mo na lang ako sukatan?" aniya pa.

"Shut up. Ang tigas mo magsalita," sabi ko sabay irap sa kanya.

"Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo," aniya sabay turo sa akin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Mas matino naman ako mag-isip kaysa sayo," saad ko habang kumakain.

"Pagdali na lang diha, uy, kakapoy ba nimo," aniya habang magkasalubong ang kilay.

(Bilisan mo na lang diyan, kapagod ka.)

Inirapan ko na lang siya. Napipikon talaga ako sa pagmumukha niya, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman siya pangit, gwapo nga siya, eh. Singkit na moreno. Mapapakanta ka ng Back to December by Taylor Swift sa angking kapogian niya.

Pero bakit 'di ko siya magustuhan?

"Hindi ka ba lumalabas ng bahay mo, Precy? Hindi ka na naawa sa sarili mo," aniya habang pinapanood akong kumain.

"Ano bang paki mo? Eh, sa ayokong lumabas ng bahay," sagot ko.

"Pa'no ka magkakaasawa niyan?" tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At kailan ka pa naging concerned sa love life ko?"

"Ngayon lang," sagot niya. "Habang tinitingnan kita, mas naaawa ako sayo. Iyong mga ka-edad mo may asawa't anak na, samantalang ikaw..." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?" hamon ko.

Umiling-iling siya. Sinandal niya ang likod sa sofa saka nilagay ang parehong kamay sa batok niya.

"Sabihin mo nga! Ano!" asik ko saka pinanlakihan siya ng mata.

"Alam mo kaya walang nagkakagusto sayo dahil sa ugali mong iyan, eh. Nangangagat ka kasi," aniya.

"Ba't 'di mo na lang kasi sabihin ang gusto mong sabihin? Ang dami mo pang sinasabi, hindi ka rin naman kagwapuhan. Napaka-average-looking mo nga, eh!" sagot ko pa kahit puno ang bibig ko.

Ba't ba kasi nanghahamon siya? Kung magpapatahi siya ng damit, maghintay siya hanggang matapos ako rito.

Umismid siya sa akin. "Bahala ka, 'di ka kawalan."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko. I'm on the verge of throwing a knife at him.

"Lumabas ka," mababa ang boses ngunit nanggigigil kong sabi habang tinuturo ang pinto ng condo ko.

Ngumisi siya bigla. Humiga siya sa sofa ko sabay yakap sa unan ko. "'Di ko uy." (Ayoko nga.) "Pugsa ko." (Pilitin mo 'ko.)

"Labas!" asik ko.

Umiling-iling siya habang nakangisi. "Kiss sa." (Kiss muna.)

Mas lalong nag-init ang ulo ko. Isama pa ang pag-iinit ng buong katawan ko.

I stood up carrying a fork and hurriedly went to him. He immediately stood up from the sofa while hugging my pillow, using it as his shield from me. His eyes were wide open but I can hear his teasing laughter.

"Sorry, sorry. Sorry na," tumatawa niyang sabi.

"Bwesit ka!" tili ko saka napapadyak na bumalik na lang sa kusina.

Krimin pa naman ang pumatay.

Naiinis ako dahil hindi ko siya mabigwasan. Kay laking tao ba naman niya.

"Follow me!" asik ko habang masama ang tingin sa kanya.

Siya naman ay may pinipigilang ngisi sa mukha na sumunod sa akin. Inirapan ko siya saka pumasok na sa studio ko.

Kinuha ko ang measure tape saka inis na hinila siya gamit ang damit niya. Ngumisi siya pero hindi na nagsalita.

Dapat lang! Baka butasan ko ang tagiliran niya.

Habang sinusukatan siya ay hindi ko mapigilang mamangha sa laking tao niya. Sigurado akong kayang-kaya niya akong takpan gamit lang ang katawan niya. O kaya ay kayang-kaya niya akong ibalibag kapag nainis siya sa akin pero hindi naman niya ginagawa.

"Ano bang gagawin mo sa Korea?" tanong kong muli sa kanya nang medyo kalmado na ako.

"Shopping lang," aniya habang nakangusong pinapanood ako sa pagsusukat sa kanya.

Hinigpitan ko ang measure tape na nasa leeg niya. "Nagtatanong ako ng maayos."

"Oo na! Business lang," saad niya.

Niluwagan ko ang measure tape. "'Pag nakita mo si Choi Hyunsuk doon, iyong leader ng Treasure, pa-autograph ka, ah? Dalhin mo sa akin," wika ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ba't 'di na lang ikaw pumunta doon? Tutal ikaw naman may gustong magpa-autograph?"

"Ba't 'di mo na lang gawin, tutal pupunta ka rin naman doon?" saad ko.

Ngumuso siya saka inis na bumuntong-hininga. "Kaya ka walang asawa, eh!"

"Paulit-ulit ka! Saka na ako mag-aasawa kapag si Choi Hyunsuk na ang nasa harap ng altar," wika ko.

"Hindi ka haharapin no'n, 'di ka naman maganda," aniya sabay irap.

Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya. "Aray!"

"Tapos na! Pwede ka nang umalis!" asik ko sa kanya. "Tsaka huwag ka nang bumalik, ha? Shibal you!"

Hinaplos niya ang tagiliran niya habang masama ang tingin sa akin. "Mas matanda ako sayo, ha? Baka nakakalimutan mo!"

"Bahala ka, alis na!" Tinulak ko ang likod niya palabas ng studio ko hanggang sa makarating siya sa pinto ng condo ko. "Labas!"

"Oo na! Akin na si Rami!" asik niya, tinutukoy niya ang aso niya.

"Ayoko. Dito lang siya sa condo ko. Umalis ka mag-isa mo," sabi ko sabay sarado ng pinto.

Nilingon ko si Rami na pinapanood lang kami ng amo niya. Iyong tingin niya parang nagsasabing, 'Pagod na ako sa away nilang dalawa'.

Nginitian ko siya. "Are you hungry, Rami? 'Lika, eat tayo!"

Binuhat ko siya saka kumuha ng dog snack sa kusina ko. I always make sure to prepare dog foods inside my house. Si Pildo kasi ay madalas dinadala si Rami dito sa bahay ko, ayoko namang magutom si Rami habang nasa mga kamay ko. Tsaka isa pa, si Persy ay may aso rin, dinadala rin minsan dito.

After I made sure that Rami has eaten, I immediately went back to my studio. Sinimulan ko agad gawin ang pajama project ko. I was able to finish one top of a pajama during lunch. And I was able to finish a pajama pants when dinner was approaching.

So, when dinner came, I decided to treat myself and went out. Iniwan ko muna saglit si Rami pero pinakain ko muna bago ako umalis.

I went to a resto-café. I decided to eat a heartfelt meal as an award for myself. I've done a great job today, so I should make myself happy.

I guess, that's the point of working hard. Rewarding yourself of what you deserve.

While I was taking a photo of the blessings in front of me, a guy caught my eye. Nagkatinginan kaming dalawa at nanlaki ang mga mata niya. He look so frightened with my existence inside the resto-café.

I just shrugged it off. I'm sure Pildo's on a date. Hindi naman iyon pupunta ng ganitong lugar kung wala iyang ka-date.

Pero teka, nandito ako kahit wala naman akong ka-date, ah?

While I was eating, he went to my table. Naupo siya sa harap ko habang tinitingnan ako ng maigi mula ulo hanggang paa.

"What?!" asik ko habang puno ang bibig.

"Gaunsa ka man diri?" (Anong ginagawa mo rito?)

"Kumakain, natural," sagot ko.

"Ba't ganyan ang suot mo?" kunot-noong tanong niya.

Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. "Bakit? Anong meron sa suot ko?"

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya saka naniningkit ang mga matang may binasa mula roon.

"Black sleeveless top, apricot pencil cut skirt," basa niya.

Kumunot ang noo ko. "Tapos?"

"Ikaw 'to, eh!" aniya na hindi maiguhit ang mukha.

"Ano ba kasi iyan?" tanong ko.

"Ka-blind date ko," sagot niya.

Napaubo ako. Natatawang napakamot ako sa maiksi kong buhok. "Nakipag-blind date ka?"

"Oo nga! Eh, ba't ikaw? Nakipag-blind date ka rin naman! Tingnan mo nga suot mo! Akmang-akma sa ka-blind date ko!" sagot niya.

Umiling ako. "Tanga! Hindi ako iyan! Wala akong ka-blind date."

"Eh, ba't ganyan ang suot mo?" tanong niya.

"Bakit ba? Eh, sa ito ang gusto kong isuot," sagot ko.

Napakamot siya sa ulo niya. "Katarantaduhan-"

"Baka iyan ang ka-blind date mo," wika ko sabay nguso sa babaeng kakarating lang.

Gaya ko ay naka-black sleeveless top siya at apricot na pencil cut skirt. Naka-high heeled sandal nga lang siya, samantalang ako ay naka-flat shoes.

Napatingin siya doon. "Hala! Mukhang siya na nga! Itago mo 'ko!"

Napakurap ako. "Ha?"

"Itago mo 'ko, dali na!" aniya saka biglang hinila ako at pumasok sa ilalim ng mesang kinakain ko.

May puting tela kasi na nakalagay sa mesa kaya hindi makikita kung may tao man sa ilalim nito.

Sa lakas niya ay hindi ako nakapanlaban. Inis ko siyang tiningnan. Puno pa ang bibig ko ng pagkain.

"'Pag iyong pagkain ko nilinis ng waiter, bubutasin ko iyang tagiliran mo," bulong ko sa kanya.

"Shh! Huwag kang maingay!" aniya sabay lagay ng hintuturo niya sa labi ko.

Inis kong tinampal ang daliri niya. "Ba't ka ba kasi nagtatago? Nakipag-blind date ka tapos ngayon nagtatago ka? Gago ka ba?"

"Hindi ko naman gusto 'to 'no!" bulong niya pabalik.

"Oh, eh, ba't ka nandito?!" asik ko.

"Si Civ kasi! Siya ang nagset-up sa'kin dito! Sabi niya kakain kaming magtropa, tas biglang pagdating ko rito, may nagtext sa akin about sa suot niya. Kaya saka ko na-realize na nasa blind date na pala ako," paliwanag niya sabay kamot sa ulo niya.

"Kasalanan mo iyan. Uto-uto ka kasi. Pinagbintangan mo pa ako," bulong ko.

"Sorry ha? Kasalanan ko ba kung parehas kayo ng suot? Tsaka takpan mo iyang dibdib mo? Kitang-kita ko!" asik niya.

Napayuko ako. Saka ko lang napansin na kitang-kita pala ang cleavage ko dahil sa posisyon ko. Nakaluhod ba naman ako, tapos nakatukod ang mga kamay sa sahig. Tapos siya nasa harap ko, talagang makikita niya. Ang liit-liit pa ng mesa.

"Edi, pumikit ka! Gago ka ba?" sagot ko naman sa kanya.

"Tumalikod ka nga!" aniya.

"Ang sikip-sikip rito tapos patatalikurin mo 'ko? Gusto mo bang mabulilyaso?!" asik ko saka pinanlakihan siya ng mata.

"Edi umusog ka rito!" wika niya.

Nanggigigil na umusog ako palapit sa kanya. Agad niyang hinawakan ang bewang ko para alalayan ako na tumalikod mula sa direksiyon niya. Pero biglang tumama ang ulo ko sa mesa.

"Aray ko! Bwesit ka!" asik ko saka siniko siya na tumama naman sa dibdib niya.

"Precy, ang tela-"

Hindi ko alam na sa pag-ikot-ikot ko ay dumikit pala sa bracelet ko ang dulo ng telang nakatabon sa amin. Kaya nang sikuhin ko siya ay nahila ko ang tela, dahilan upang magsihulugan ang mga platong kakainan ko pa sana, kasabay ng pagkawala ng tuluyan ng telang nakatakip sa amin.

Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa mga basag na pinggan at basong nasa harap ko. Nanlalaki rin ang mga mata ng mga taong nandoon.

Walang may gustong magsalita. Kahit ang waiters at waitresses na nakatingin sa amin ay walang planong magsalita.

Tumikhim si Pildo na nasa likod ko. Ngayon ko lang napagtanto ang posisyon naming dalawa. Nakaupo na ako ngayon sa sahig samantalang siya ay nakatukod pa rin ang kamay sa sahig at nakaluhod ang mga tuhod. Kaya parang nakasandal ako sa dibdib at balikat niya.

"Uhm... s-sorry po. S-sorry po sa a-abala," ani Pildo.

Tinulungan niya akong tumayo. Inayos ko ang skirt kong tumataas na. Umayos ako ng tayo kahit pa ramdam ko ang hiya sa buong pagkatao ko at gusto kong sana'y kainin na lang ako ng lupa.

"Babayaran po namin ang damages," ani Pildo.

Nilingon ko siya. "Anong 'namin'? Ikaw lang!" bulong ko. "Siya po ang magbabayad sa lahat ng damages."

Saka lang napakurap ang mga waiters at nagkatinginan. Walang nagawang tumango na lang sila.

"Uhm... excuse me? Are you Phil Dominick Caballero?" biglang tanong ng babaeng kaparehas ko ng suot.

Nagkatinginan kami ni Pildo. Bahagyang nanlalaki ang mga matang humarap siya sa babae saka umiling. "Hindi po, Ma'am. Hindi po ako iyon."

Napakurap ang babae saka napatingin sa akin at kay Pildo. "But you're wearing a gray t-shirt and a dark blue pants. The description of my blind date partner."

Marahas na umiling si Pildo saka hinila ako sa bewang. Para manika lang ako kung hilahin niya.

"P-Parehas nga rin po kayo ng suot nitong k-kasama ko, eh," aniya.

Napatingin ulit ang babae sa akin. Taas-noo akong humarap sa kanya. Para kahit napahiya ako kanina, eh, astig pa rin tayo tingnan.

"Is she your wife? Or girlfriend?" tanong ng babae.

Napakurap ako. Akmang sasagot na ako nang magsalita si Pildo.

"Both po! Both po, Ma'am! Asawa na medyo girlfriend po!" sagot niya.

Tarantado!

Kadiri!

Yucks!

Ramdam ko ang pagtatayuan ng mga balahibo sa batok ko. Parang gusto kong masuka sa sinasabi nitong gagong ito.

Walang nagawang tumango ang babae. "Oh... okay then. I'm sorry. I mistook you for someone."

Pilit na ngumiti si Pildo saka tumango saka hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

"It's fine, Ma'am," aniya.

Nanggigigil na pinagsusuntok ko ang upuan sa loob ng sasakyan ni Pildo. Tiyak akong pulang-pula na ang mukha ko sa tindi ng inis at pikon sa kanya.

Nauna na akong lumabas dahil siya ay binayaran pa ang mga damages sa resto-café. Hindi ko matiis ang tingin ng mga tao roon kaya nauna na ako rito.

"Bwesit kang Pildo ka! Tarantado ka talaga!" nanggigigil kong saad.

Kung hindi siya lumapit sa table ko ay baka hindi ako napahiya kanina! Kasalanan niya talaga lahat ng 'to! Sana lang ay walang may video no'ng nangyari kundi ay kakatayin ko si Pildo!

Nang mapansing naglalakad na siya palapit sa sasakyan ay agad akong umayos ng upo. Mariin kong hinawakan ang unan na nasa loob ng sasakyan niya saka hinintay siyang makapasok.

Nang buksan niya ang pinto sa driver seat ay inis kong binato sa mukha niya ang unan.

"Bwesit ka! Fuck you! It was all your fault! Dahil sayo napahiya pa ako kanina! Dapat hindi ka na lang lumapit! Fuck you!" sigaw ko.

Sobrang init ng ulo ko. Idagdag pa na ayaw ko sa pagmumukha niya mula noon hanggang ngayon. Ang sarap niyang tirisin.

Binalik niya sa upuan ang unan na parang hindi man lang tumama sa mukha niya. "Nag-sorry na nga ang tao, diba? Ano pa bang gusto mo? Kiss? Kiss gusto mo?"

Inis na ginulo ko ang buhok ko saja napapadyak na lang. "Bwesit ka! Ihatid mo 'ko sa bahay! Gusto ko nang umuwi! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"

"Oo na, oo na."

Pumasok siya sa kotse saka pinaandar ito. Saka lang ako natahimik nang tumakbo na ang sasakyan.

Humalukipkip ako saka inis na tumingin na lang sa labas ng bintana. Pero gayon na lamang ang pag-iinit ng ulo ko nang bigla siyang humagalpak ng tawa.

"Sana nakita mo ang itsura mo kanina," tawa niya. May pahampas pa sa steering wheel ng sasakyan.

Ramdam ko ang munting luha sa gilid ng mga mata ko sa sobrang pikon. Napapadyak na lang ako saka napatili at pinaghahampas ang braso niya.

"I hope I will never meet you again in my next life!" tili ko.

Humagalpak siya ng tawa. "Sorry, pero asawa mo 'ko sa next life mo."

No! Ayoko!

...

Do like my Facebook page: @Thorned_heartu, tiniks and rosas. Kinda miss calling you this.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro