01 | Not Him
01 | Not Him
Love is a wonder. It’s one of the amazing thing that the world has. People say it’s a product of the heart’s job but as of for me, I believe it comes from the brain. Do I sound bitter?
I can’t actually do anything about being ignorant about love. I haven’t felt it yet. I don’t know what it’s like, how it’s like, or what it will do to me? All I know is that people who are in love tend to be happier than those who are not.
Kunot-noo kong pinanood ang Mom at Dad kung naglalambingan sa swimming pool ng bahay namin. They are both talking and giggling and laughing. They looked so happy together… I’m glad to witness the love they have for each other. I’m glad to be a product of Simour Jeff Villegas and Primmly Athena Corpuz-Villegas.
Pero kung hindi ako pinilit ng dalawang ito na umuwi ako ngayon ay baka hindi ako uuwi. Baka nandoon lang ako sa loob ng condo ko at nagtatahi ng mga dog clothes na kailangang e-deliver sa susunod na linggo. Kaso anniversary nila ngayon kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta.
“Whoosh! Ang landi nilang dalawa,” biglang sabi ng kapatid ko na nakaupo sa isang folding chair sa tabi ko. “Kita mo iyang dalawang iyan, ‘te? Wala ka niyan.”
Agad na nag-init ang ulo ko. Actually kanina niya pa pinapainit ang ulo ko. Minsan gusto kong kalimutang kapatid ko siya.
“Bakit hindi ka na lang kumain diyan? Ang dami mong problema,” saad ko saka umirap sa ilalim ng aviators na suot ko.
Puno ang bibig niya habang kumakain ng pizza. Sa harap naming dalawa ay isang pabilog na mesa na kulay brown. Punong-puno ito ng mga pagkain bilang handa sa anniversary ni Mom at Dad.
“Eh, ikaw, ba’t di ka na lang maging mabait? Ang sungit-sungit mo, kaya wala kang boyfriend, eh,” aniya habang puno ang bibig.
Hindi ko siya nilingon. “It’s not my problem anymore if they can’t accept me for who I am.”
Peke siyang tumawa sa sinabi ko. “Ate Precy, kaming mga lalaki, hindi kami nabuhay para lang intindihin ang ugali ninyong mga babae. Kasalanan pa namin kung hindi namin alam ang iniisip ninyo, eh, ayaw niyo naman magsalita. Puro lang kayo, ‘basta’. ‘Kala niyo kinaganda niyo iyan?”
Peke ko rin siyang tinawanan saka nilingon siya. “For your information, Persy, we, girls, are not born just to tell you jerks about how we feel. In the first place, hindi niyo pa rin naman kami maiintindihan dahil tingin ninyo ay palagi lang kaming tinotopak, and that we’re always talking nonsense. And most importantly, kahit hindi ako maiintindihan ng kung sinong lalaki diyan, at least, maganda ako.”
Humagalpak siya ng tawa sa akin. May natapon pang pagkain na galing sa bibig niya.
“Ang dungis mo!” asik ko.
Hindi ko alam kung ba’t may mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi naman siya gwapo. Hindi rin maganda ang katawan. Hindi rin matalino. Wala. Nabuhay lang siya dahil naawa ang diyos sa kanya.
Lumunok siya ng malaki. Hindi ko alam kung bakit parang patay-gutom siya, eh, maayos naman ang trabaho niya bilang chef.
“Anong maganda? Ikaw maganda? Ate, nananaginip ka ba? Inumin mo na gamot mo, malala ka na,” aniya sabay hagalpak ng tawa.
Umirap ako saka muling humarap kina Mom at Dad. I crossed my arms on my chest as well as my legs.
“Ikaw rin, manalamin ka paminsan-minsan. Nakakahiya ka,” asik ko.
“Sus! Makapagsalita ka akala mo hindi umiyak no’ng graduation ko,” pakanta niyang sabi.
Nag-init ulit ang ulo ko. Kung mauulit lang iyong araw na iyon, hindi ako iiyak. Hindi sana ako paulit-ulit na babalikan ng gago kong kapatid. Besides, I think it’s normal for a big sister to cry on her jerk of a little brother’s graduation. Akala ko kasi talaga hindi na siya makaka-graduate. Tarantado kasi.
“Shut up, bitch!” asik ko. “Kung may susunod na buhay man hindi ko na uulitin iyon.”
“Kung may susunod na buhay man , ayoko na, ‘Te. Bahala kang mabuhay ulit mag-isa mo,” aniya sabay kumagat ng burger.
“Bahala ka rin!” asik ko.
“Hays! Rinig na rinig ko rito ang away ninyong dalawa! Wala ba kayong planong magbati muna kahit sandali lang?” biglang sigaw ni Dad mula sa pool.
Magkatabi silang dalawa ni Mom at nakahawak sa gilid ng pool. Parehas na silang nakatingin sa aming dalawa ni Persy.
Ngumuso ako. Alam ko namang kakampihan ni Dad ang paborito niyang anak. Parehas kasi silang dalawa. Saan pa nga ba magmamana si Persy kundi sa dakila niyang ama.
“Si Ate kasi, Dad, eh!” sumbong ng baliw kong kapatid.
Inis ko siyang hinampas sa braso. “Anong ako? Suntukin kita, eh!” I faced my parents. “Itong bunso niyo iniinis na naman ako, eh! Bakit ba kasi pinanganak niyo ‘to?”
Suminghap si Persy. “Wow! Makapagsalita ka! Ako kasi ang magpaparami sa apelyido ni Dad. Bakit ikaw? Kaya mo? Kaya mo?”
Umirap ako. “Manahimik ka nga! Ang ingay mo!”
“Hindi ka naman inaano, ah,” aniya pa habang nakanguso.
Napailing na lang si Mom. Umalis sila sa pool saka naglakad palapit sa amin. Kinuha ni Dad ang tuwalya na nakasabit sa isang pahabang sofa sa tabi lang namin at binigay kay Mom.
“The both of you just don’t want to grow up at all,” naiiling ngunit may ngiting sabi ni Mommy.
I guess she’s already used to us fighting. She’s the calmest person I’ve ever known. And I badly want to be like her. But sadly, I’m her perfect opposite.
As I looked at my Mom, I can’t help but smile. She’s still so gorgeous even with her hair turning a little bit gray. I saw a lot of her pictures when she was young, she’s so pretty. She have a lot of suitors too. And a lot of people told me that I grow up looking exactly like my Mom, but so different than her.
“Basta ako lumaki. Ewan ko lang ‘tong si Ate. Tumigil yata,” natatawang sabi ni Persy.
Inis ko siyang tiningnan. “Hindi talaga matahimik iyang bibig mo, ‘no?”
Ngumisi siya. “Ikaw nga hindi na magguhit ang mukha, eh.”
“Shh… tama na nga kayong dalawa. Away na lang kayo nang away,” wika ni Dad na nagpupunas ng buhok niya. “Bakit hindi na lang kayo maligo ng pool kaysa mag-away diyan?”
“Ayoko. Wala ako sa mood, Dad,” wika ko. “Iyang anak mo paliguin mo at nang luminis naman ang budhi niyan.”
Natawa si Dad sa sinabi ko. Looking at him right now makes me miss the times that I was still so little. I had always been his princess. And I miss those times that we’re together playing inside my huge doll house.
He’s still so good looking as ever. No wonder my Mom fell in love with him. I wonder if I’ll ever find a man like him. I wonder if I’ll ever find a love like my parents have.
“Natatakot akong gumwapo lalo, ‘te. Kaya hindi muna ako maliligo ng mga isang linggo,” ani Persy na puno na naman ang bibig.
Hindi ko alam kung saan niya nilalagay lahat ng mga kinakain niya.
“Magbibihis lang kami ng Mom ninyo. Lumusong naman kayo doon sa pool at nang malamigan iyang mga utak ninyo,” wika ni Dad.
He then caressed my head shortly and then went to caress my brother’s head as well. Up until now, we’re still his babies.
“And stop fighting, nananakit ang tenga ko sa ingay ninyong dalawa,” aniya. Umakbay siya kay Mom na may munting ngiti sa labi. “Let’s go, babe. Baka nilalamig ka na.”
“Alright, let’s go,” malambot ang boses na wika ni Mom. “You two, go to the pool already and have fun. Minsan lang naman kayo umuwi, so, go.”
“Okay po!” sagot na lang ni Persy para hindi na kami kulitin ng dalawa.
“Alright then,” saad ni Mom saka naglakad na silang dalawa papasok sa bahay.
I sighed as soon as they’re no longer in my sight. I love watching them falling in love with each other again and again. Even kids nowadays can’t beat the love my parents have.
“Maligo ka na, ‘te!” ani Persy.
Umiling ako. “Ayoko! Ikaw na lang.”
Tumango siya saka tumayo. “Okay.”
Akala ko ay deretso na siyang tatakbo patungo sa pool. Pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong buhatin na parang isang sakong bigas saka nagtatawang tumakbo patungo sa pool.
“Tarantado ka talaga, Persy! Bakit ka ba ipinanganak na gago ka?!” tili ko.
Humagalpak siya ng tawa sabay talon sa pool na mas lalo kong ikinatili.
“Hoo! Ang saya-saya maligo ng swimming pool, ‘te, ‘no? Nag-enjoy ka ba?” ngisi niya.
Pupungas-pungas na hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Wala na sa mukha ko ang sunglasses ko at lumubog na pool.
Inis kong nilapitan ang kapatid ko saka akmang sasabunutan nang mabilis siyang lumangoy palayo sa akin.
“Persy, bumalik ka rito! Tarantado ka! Sabing ayokong maligo!” sigaw ko.
Tawa siya nang tawa. “Habulin mo ‘ko, ‘te, kung kaya mo!”
“Bwesit ka!” sigaw ko saka lumangoy na rin palapit sa kanya.
Pero sadyang mas mabilis siyang lumangoy kaysa sa akin kaya hindi ko siya maabutan. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko. Kaya umalis na lang ako sa pool at bumalik na sa kinauupuan ko.
“Oh, saan ka na, ‘te? Ang bilis mo namang sumuko!” aniya sabay tawa.
Umirap ako at hindi na lang siya pinansin. Kumuha ako ng tuwalya saka pinunasan ang katawan ko at ang buhok ko. Saka muling naupo.
Sakto namang nakabalik na sina Mom at Dad. Nakabihis na silang dalawa. Bitbit nila ang cake na binake ko para sa anniversary nila. Hawak rin ni Dad ang Rolex watch na binili ko para sa kanya bilang regalo. Si Mom naman ay bitbit rin ang kwentas na binili ko rin para sa kanya.
Somehow it made me smile watching them looking so happy with each other. Kailan ko kaya mahahanap ang taong magpapasaya rin sa akin?
Nang makalapit sila ay naupo sa pahabang sofa saka nilapag sa mesa ang mga bitbit nila.
“I haven’t opened the necklace yet, so I’m gonna open it now. Isuot mo ‘to sa akin, honey,” wika ni Mom.
Kita ko ang galak sa mukha niya habang binubuksan ang regalo ko. I felt the excitement all of a sudden and sat in between them.
Bahagyang napatili si Mom dahil basa ako. “Precy! Kakabihis ko lang!” tawa niya.
I laughed. Dad shook his head. “Magbibihis na naman ako nito. Ang dami ko nang lalabhang damit nito.”
I rolled my eyes at him. “What I know is nagpapalaba ka lang naman, Dad.”
“Iyon na nga, ‘nak, eh. Ang laki ng babayaran ko nito!” aniya saka napakamot sa ulo niya.
I just laughed at him and look at Mom. She looks so happy with my gift. It’s a gold necklace with a clover pendant. It’s so cute.
“You know why I chose that necklace, Mom?” I asked her.
“Why?” she asked with a little snile on her lips.
“Because I’m so lucky to have you as my Mom,” wika ko. “Let me help you with it. I’m pretty sure bagay ito sayo.”
“Aw… thank you, honey,” aniya.
“So, hindi ka swerte sa akin, ‘nak? Ganoon ba ang ibig mong sabihin?” Kumurap-kurap si Daddy na ikinatawa ko.
“I’m so lucky to have you too. Kaya nga binilhan kita ng relo, diba?” wika ko habang sinusuot ang kwentas ni Mom.
Nang matapos ay tumingin ako kay Dad. “Open your watch, Dad. Ako rin ang magsusuot sayo niyan.”
He then smiled and opened the box. “Grabe, ‘nak! Nakakagwapo itong relong ‘to, ah! Pero bakit walang clover? Ibig sabihin talaga no’n hindi ka lucky sa akin, eh!”
Tumawa ako saka napailing. Gayundin si Mommy. “Palalagyan ko na lang clover iyan para hindi ka na magreklamo,” saad ko saka sinuot sa kanya.
“I love you, guys!” wika ko sa kanilang dalawa saka niyakap sila ng sabay.
“Ay teka—basa na naman ang damit ko, Precy. Ano ba ‘yan!” reklamo ni Daddy habang si Mommy ay tumatawa lang.
“Iyan ba ang dapat na sagot sa ‘I love you’ ha, Dad?” Pabiro kong sabi.
Umirap siya sa akin. “Oo na. Oo na. Mahal ko rin ang Mommy mo.”
“Daddy!” asik ko na kinatawa lang nilang dalawa.
“Wow! Ang saya-saya ninyo, ah! Para namang hindi ako member ng family na ‘to,” biglang sabad ni Persy na nakalapit na pala sa amin.
Inirapan ko siya. “Ba’t di ka na lang lumangoy doon?”
“Ayoko nga! Saya-saya nyo habang wala ako, ah!” saad niya saka mabilis na naupo sa gitna namin ni Mom.
Napatili ako saka inis siyang hinampas dahil basang-basa rin siya. “Bwesit ka talaga! Nakikisali ka pa!” asik ko.
Niyakap niya si Mom na natatawa na lang dahil basa na naman ang damit niya. “Mommy, kahit wala akong gift sayo, nandito naman ako, minamahal ka palagi. Love you, Mommy.”
Inirapan ko siya. “OA mo.”
“It’s okay, baby. What’s important is that you’re here with us,” ani Mom.
“Sa’kin, Persy, di ka magsosorry?” tanong ni Dad sa kanya.
Nilingon naman niya si Dad na nasa tabi ko. “Sorry rin, Dad. Importante nandito ang gwapo mong anak.”
“Gwapong anak na nagmana kanino?” sagot ni Dad.
“Nagmana po sayo!” saad ni Persy at nag-high-five silang dalawa.
Napairap na lang ako. “Alam mo, Persy, kaya siguro wala akong boyfriend hanggang ngayon ay dahil tarantado ka.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Oh? Kasalanan ko pa na walang may gusto sayo?”
“Mommy, naiinis na talaga ako diyan sa lalaking iyan!” sumbong ko kay Mom.
“Hindi naman kita inaano diyan,” aniya pa.
Hindi ko na lang siya pinansin saka kinausap si Mommy. “Mom, how did you know that Dad is already the one? How did you know that you were in love with him?” tanong ko.
“Prrt! Ayan na naman siya,” bagot na wika ni Persy.
But Mom just smiled. “I already told you. I know that I was in love with your Dad when I started noticing all his flaws, but I still loved him with all my heart. And I know that he’s the one when I looked at him and told myself that I wanna marry this guy. It’s not about predicting it, it’s about making it happen.”
And she just don’t get tired of me asking the same questions for years. That’s she’s the best thing I ever have.
Ngumuso ako. “Paano ako, Mom, Dad? I’m already 27 years old but I’m still not married. What am I going to do?”
I really want to have kids. I want to build a family too. But how? Wala nga akong boyfriend. Wala rin naman akong nagugustuhan. Hindi ko alam kung bakit?
Dad talked. “Don’t rush yourself, Precy. You’ll find love at the right time, when God knows that you’re ready for it. Sa ngayon na wala pa, ingatan mo na lang muna at mahalin ang sarili mo. Wala nang mas pinakamasarap na pagmamahal kundi iyong galing mismo sayo.”
Mom nodded in agreement. “And don’t ever think that you’re left out just because other people your age are now married and have kids. Just keep your pace. God knows best and maybe he thinks the time isn’t right for now. So be patient.”
I nodded and sighed. That’s what they keep on telling me for years now. Pero malapit na akong umalis sa kalendaryo, wala pa ring dumadating sa akin.
“Huwag ka kasing mapili, ‘te. Kaya walang lumalapit na grasya sayo, eh,” wika ni Persy na kumakain na naman.
“It’s not being mapili, Persy. It’s about having standards,” sagot ko sa kanya.
“Sus! Kaya wala kang jowa, eh,” aniya.
“Tita! Tito! Maayong udto!” bigla kong narinig na sigaw ni Pildo.
(Tita! Tito! Magandang tanghali!)
Napalingon kaming lahat sa pinanggagalingan ng boses niya. Nasa bungad ng hallway iyon, daanan papasok ng bahay, at palabas ng likod-bahay patungo sa swimming pool.
He’s wearing a plain black shirt and a dark blue pants. I also noticed his still wet under-cut black hair even from a far. Mas lalong sumingkit ang mga mata niya dahil sa silaw na mula sa tubig sa pool. On his hands is a small box.
I stared at him for awhile. I thought about what my Mom told me awhile ago.
I shook my head. Nope, it’s definitely not him. He’s definitely not the guy I am looking for. I mean, we both grow up together. I know his flaws and I don’t love it, ew.
Aside from that, he’s such a jerk as well. Magkasama nga sila palagi ni Persy, eh. Moreover, ang tanda na niya.
Agad na tumayo sina Dad at Mom, sumunod naman agad si Persy.
“Pildo, hijo! Good timing!” ani Dad.
“What’s that inside the box?” Mom asked.
“Manggang hilaw po, Tita. Paborito mo,” wika nito sabay ngiti.
Ngiti niya pa lang, naiinis na ako. Ewan ko kung bakit. Basta naiinis ako.
And I really hate his accent. I don’t know why. Ayos lang naman sa akin makinig sa ibang mga bisaya na nagtatagalog pero kapag sa kanya naiinis ako.
He’s from Leyte and he owns a farm there. Kaya kahit dito na siya lumaki sa La Seriah ay pabalik-balik pa rin siya ng Leyte para asikasuhin ang farm niya roon. I heard he finished the degree for agriculture. No wonder he’s good with his job.
“Oh wow! Marami ba ang harvest ninyo?” tanong ni Mom.
Kinuha naman ni Dad ang box mula kay Pildo. Tumango si Pildo. “Opo, tita. Maong nagdala ko para sa inyo.”
(Opo, tita. Kaya nagdala ako para sa inyo.)
“Thank you for that,” ani Mom. “Go to Precy. May mga foods doon. Kumain ka muna. We’ll just put this in the pantry and we’ll change. Persy, tulungan mo si Daddy mo.”
“Yes, Mom,” ani Persy. “Kuya, sana ka sa amin bukas?”
“Asa man?” tanong ni Pildo.
(Saan?)
“Basketball,” sagot ng kapatid ko. “Sama ka, Kuya, ah. Sina Kuya Civ, sasama rin.”
Tumango ito. “Okay, text mo lang ako.”
Tumango si Persy saka sabay silang tatlo na pumasok. Si Pildo ay nagpaiwan lang doon na nakatayo.
Ano pang hinihintay niya? Edi, kumain na siya.
Naniningkit ang mga mata na tumingin siya sa kinaroroonan ko bago siya naglakad palapit. Tumingin siya sa mesa na nasa harap ko.
“Anong meron? Nganong naay pakals?” tanong niya.
(Anong meron? Bakit may kainan?)
“Anniversary nina Mom at Dad kaya may handaan,” sagot ko saka humalukipkip na lang. “Kumain ka na.”
Naupo siya sa tabi ko pero agad siyang napabalikwas ng tayo ulit. “Kabasa ba nimo, karya!”
(Ang basa-basa mo naman, karya!)
Inirapan ko siya. “Natural! May pool sa harapan ko. Kaya basa ako.”
Nakakainis talaga siya, bwesit.
“Tsk,” aniya. Naupo siya sa isang single sofa na hindi basa saka nagsimulang kumain.
“Buti umuwi ka, karya,” aniya habang kumakain.
“Natural, anniversary nina Mom at Dad. Tsaka stop calling me ‘karya’,” saad ko.
“Okay, karyata,” aniya saka mahinang tumawa.
Inis ko siyang tiningnan. “Alam mo, perfect duo talaga kayo ni Persy. Kuhang-kuha ninyo ang gigil ko.”
Tumango siya. “Tama ka diyan. Kami na lang kasi talaga nagpapasaya sayo. Kawawa ka naman.”
“No thanks. Mag-asawa ka na, mag-asawa na kayong dalawa ni Persy at nang hindi niyo na ako kailangang asarin palagi. At nang hindi ko na kayo makita habambuhay,” saad ko.
“Paano ako mag-aasawa, eh, puro’s kayo maldita?” aniya.
“Aba, pakialam ko. Bahala ka diyan,” saad ko. “Tsaka kapag nag-asawa ka na, bigyan mo ng words of wisdom si Persy at nang magbago na siya. Ikaw na lang ang susi para gumaling siya.”
“Kinsa ba sad ang nag-lock ana?” aniya.
(Sino ba kasi nag-lock diyan?)
Inirapan ko siya. “Alam mo? Kumain ka na lang diyan, huwag mo na akong kausapin habambuhay.”
Ngumisi siya. “Ayoko. Kakausapin kita habambuhay para maging kamukha ko anak mo.”
Napangiwi ako sa sinabi niya. Gwapo naman siya. Tan skin. Tall. Pero ayokong maging kamukha siya ng anak ko, ‘no!
“Maghunos-dili ka nga! Yuck!” saad ko saka humalukipkip na lang.
Ilang minuto kaming natahimik pero nagsalita siya. “Pero ang tanda ko na rin kasi, ‘no?”
“Ha?” kunot-noong tanong ko.
“35 na ako. Kailangan ko nang mag-asawa para naman by 75, may apo na ako,” aniya.
“Bahala ka,” saad ko.
“Eh, kung ikaw na lang asawahin ko, Precy? Tutal wala ka rin namang jowa. Asawahin na lang kita,” aniya sabay ngisi sa’kin.
Nanlaki ang mga mata ko at ramdam kong nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko. “Yucks! Ew! Di bale nang maging matandang dalaga ako basta hindi lang kita maging asawa! You're such as shibal!”
“Anong shibal? English ba 'yon?” tanong niya.
I rolled my eyes. “Nope and it simply means 'fuck you'.”
“Fuck me harder.”
“Yucks! Gago!” asik ko.
Humagalpak siya ng tawa. “Kulbaan.”
(Kinabahan.)
“Tarantado,” wika ko saka napailing ng malakas.
Nope. Not him. Just not him, lord.
…
Park Jeongwoo’s been occupying my mind lately, plus he’s so pinoy-coded, so imma use him as Pildo’s portrayer hihi
Phil Dominick Caballeros
Precious Snow Villegas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro