NOTE: UNEDITED. Sorry for the typo error
XYRA
Six years later.
Mag-isa ako sa veranda. Kitang-kita mula sa kinauupuan ko ang magandang tanawin at ang malaking fountain. Naririnig ko ang malakas na ingay ng kasiyahan mula sa ibabang bahagi ng bahay. The sun was already setting. It was relaxing and comforting.
"May problema ba? Bakit binuburo mo ang sarili mo rito?" natatawang sabi ni Akira. I looked at him and frowned.
"Wala lang," nakasimangot na sabi ko. Pero sa totoo lang naiinis ako.
Umiling si Akira. "Maraming bisita sa baba. Kadarating lang nina Claudette kaya maingay. You should greet them. Hinahanap ka na nila," he said. Abot-tainga ang ngiti niya dahil sa sayang nararamdaman.
He was carrying a baby girl on his arms while walking towards me. I took the baby from him and smiled too. She's sleeping peacefully while sucking her small thumb. Walang inaalalang problema sa mundo.
"She's beautiful," I almost whispered. Umupo na rin si Akira sa tabi ko. He was looking at his baby too.
"Syempre! Mana sa Mommy!" he laughed. "Did you notice? Halos magkasalubong na ang maninipis na kilay niya. Halatang mataray rin. She's also demanding when she cries for milk," he said while softly tracing the eyebrows of his daughter. He was smiling tenderly. Marahan akong tumawa para hindi magising ang bata.
"Hey! Are you insulting me?" nakapamaywang na sabi ni Selene pero nakangiti siya. Lumapit siya sa 'min. Ibinigay ko sa kanya si Aileen. Hindi si Aileen ang unang anak nina Akira. Unfortunately, their first child died in the hospital after her delivery, four years ago. It's also a baby girl. Tumabi si Selene kay Akira. I'm glad naka-move on na silang dalawa sa pagkamatay ng unang anak nila pero alam kong masakit pa rin 'yon. Binyag ngayon ng anak nila kaya may kasiyahang nagaganap.
"Totoo naman," natatawang sabi ni Akira. Inakbayan niya si Selene. Sumimanngot lang si Selene at tumingin sa 'kin.
"Anyway, Xyra, nandiyan na pala ang sundo mo," nakangiting sabi sa 'kin ni Selene. Kumunot ang noo ko.
"Sino?" takang tanong ko sa kanya.
"Us," wika ng isang lalaking mula sa likod ko. Buhat-buhat ni Clauss si Xyrene sa mga bisig niya. Si Cyrus naman ay agad na lumapit sa 'kin. The twins were already four years old. Binuhat ko si Cyrus at pinaupo sa kandungan ko. Ang cute ni Cyrus at medyo maliit pa. Hindi ko akalain na makikita ko agad ang teen version niya noon. Sobrang laki ng pagbabago. Clauss kissed me on my cheeks. Titig na titig si Cyrus sa baby nina Akira.
"Akala ko hindi kayo pupunta?" takang tanong ko kay Clauss. Clauss grinned.
"We took care of some things before we went here. 'Di ba, Princess?" natatawang tanong ni Clauss kay Xyrene. Masayang tumango si Xyrene.
"May surprise si Daddy sa 'yo," natatawang sabi ni Xyrene. Kumunot ang noo ko.
"Hindi na 'yon surprise, sinabi mo na kasi," nakasimangot na sabi ni Cyrus. Kinamot naman ni Clauss ang ulo niya. Mahina akong tumawa dahil sa kakulitan nilang tatlo.
"Ano'ng surprise?" natatawang tanong ko kay Xyrene. Hindi siya marunong magsinungaling at madalas hindi niya kayang pigilan ang bibig niya. Akmang magsasalita na si Xyrene na halatang excited magkwento pero tinakpan na ni Clauss ang bibig ni Xyrene. Ang cute nilang tingnan. Bumulong pa si Clauss kay Xyrene para tumahimik siya. Marahan namang tumango si Xyrene na tila naintindihan ang sinabi ng Daddy niya. Inalis naman agad ni Clauss ang kamay niya sa bibig ni Xyrene dahil akala niya hindi na ito magsasalita.
"May family date tayo! Maraming rose petals sa loob ng bahay," Xyrene said and giggled playfully. Malakas naman kaming tumawa nina Akira at Selene.
"Ang ingay talaga ni Xyrene," nakangusong sabi ni Cyrus na tila naiinis. Nanggigigil naman na pinisil ni Clauss ang pisngi ni Xyrene dahil sa inis. Pero tawa naman nang tawa si Xyrene. Epic ang ihinanda niyang surprise dahil buking na siya.
"Fourth Anniversary natin bukas. Mahirap ng gumawa ng surprise kung bukas ko pa gagawin. At maraming bisita," nakasimangot at nahihiyang sabi niya. Kaya naman pala pilit niya akong pinapaalis kanina sa bahay nang mag-isa. Nainis tuloy ako.
I laughed. Pakiramdam ko mas lalong namula ang mukha niya at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin. My heart was overflowing with joy because of him. Napansin ko naman na tinutusok ni Cyrus ng hintuturo niya ang pisngi ni Aileen. Halatang curious na curious siya at natutuwa rin. Tumawa kaming lahat sa ginagawa niya. Pinigilan ko rin siya dahil baka magising si Aileen. Pero huli na dahil nagising na ito. Aileen cutely flutter her eyes and look at us. Six months old pa lang siya.
"She's cute," sabi ni Cyrus.
"Mas cute ako," sabi naman ni Xyrene na nag-beautiful eyes pa. Cyrus frowned at her. Naiiling na tumayo na ako at binuhat si Cyrus. Ang kulit talaga ng kambal.
"Aalis na kami. Sayang naman ang surprise ni Clauss," natatawang paalam ko kina Akira. Sumimangot naman si Clauss at nauna nang maglakad palayo. Pakiramdaman ko umismid siya sa 'kin pero natatawang sinundan ko na lang siya ng tingin.
"Sige. Punta na lang kami sa inyo bukas," nakangiting sabi ni Akira. I nodded.
"Mom, put me down," Cyrus demanded. Nagtataka man ay ginawa ko. Cyrus ran towards Selene. He kissed Aileen's cheeks. Mukhang may pagka-playboy pa yata siya kapag lumaki.
"Bye Tita Selene and Tito Akira," he said and ran back to me. His small hand held mine. Tumayo na rin sina Selene at sumunod sa 'min. Ihinatid nila kami sa labas. Nakita rin namin sina Claudette. Halos kumpleto silang lahat.
"Aalis na kayo kuya?" nakangusong tanong ni Claudette. Buhat-buhat na niya si Xyrene. Halatang magkasundong-magkasundo silang dalawa. Buhat naman ni Xavier ang one-year-old baby boy nila. Samantala, hindi pa nagpapakasal sina Troy at Felicity.
"Oo. Pumunta na lang kayo sa bahay namin bukas," nakangiting sabi ni Clauss. Kinuha na niya si Xyrene na pinipisil-pisil pa ang mukha ng Tita Claudette niya. Sobrang kulit kaya napapangiti na lang ako.
"Sige. Bye Xyrene!" Claudette said and kissed Xyrene's cheeks. Nilapitan din ni Claudette si Cyrus at hinalikan din niya ito sa pisngi. Ginulo pa ni Claudette ang buhok ni Cyrus kaya napanguso si Cyrus. He didn't want to be treated like a boy. He's only four years old and he's really smart. Marunong na nga siyang magbasa at magsulat katulad ni Xyrene. And he's really fond of reading.
Nagpaalam na kaming lahat sa kanila. Sumakay na kami sa kotse. Nasa back seat sina Cyrus at Xyrene. Madalas kinukulit at pinagtitripan ni Xyrene si Cyrus. Mas matanda ng ilang minuto si Cyrus kaya pinagpapasensiyahan na lang niya ang kakambal niya. He was leaning close to the window. Pinagmamasdan niya ang bawat dinaraanan namin. Madalas siyang kinakalabit ni Xyrene para kulitin pero hindi niya pinapansin.
I smiled. Mabuti na lang nakaligtas si Clauss. I looked at Clauss and smiled. Napansin ko ang pagtitig ko sa mukha niya kaya bahagya niya akong tiningnan. He smiled too. I was happy to be with him. I still couldn't believe that we were able to have a happy family. He reached for one of my hands and held it tight. Hindi ko naiwasang alalahanin ang mga nangyari noon.
Six years ago
I was still standing while holding the ring in my hand. I was crying hard because of the unbearable loneliness I feel. Miss na miss ko na si Clauss. Tila hindi ko na kakayanin kung matatagalan pa ang pagbalik niya. Masakit na sa puso. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Naiinis na pinahid ng mga kamay ko ang luha na mukhang walang balak maubos.
"You're crying again. What a pain? Am I not allowed to die?" someone said from behind. He softly laughed. Natigilan ako sa pag-iyak nang makilala ko ang boses niya. My heart was beating so fast. Pakiramdam ko, hindi ako makagalaw upang harapin siya. That deep voice, I know that it came from Clauss.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin. Kinakaban talaga ako dahil baka imagination ko na naman ang mga naririnig ko ngayon. Baka hindi na naman totoo. Baka guni-guni ko lang. Tumulo na naman ang luha ko. Ayoko nang umasa pero sana totoo na ito. Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Siguro naman hindi na ito imagination dahil nararamdaman ko na siya? I could feel his sweet breathing on my nape. He even kissed my neck.
"Pinag-alala ba kita?" he whispered. "I'm sorry. Mukhang ilang araw mo akong iniyakan," he laughed. Medyo paos at pagod ang boses niya. I gathered all my strength to face him. I looked straight in his eyes. I know the real one was really standing in front of me. He's real. I could feel him. Pinahid niya ang mga luha ko at ngumiti sa 'kin. I touched his face too. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Nanlalabo na rin ang paningin ko.
"Tahan na. Nandito na ako. Kapag hindi ka pa tumigil sa pag-iyak, baka mamaga na 'yang mata mo. Mas lalo kang papangit," he joked. He was trying to comfort me and stop me from crying but it was no used. I laughed softly but I'm still crying. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
"How? Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ang tagal mong bumalik?" naiiyak na tanong ko sa kanya.
"It was a long story. I was trapped inside that black hole. In another dimension. The darkness was endless there. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong matakbuhan. Pakiramdam ko walang tumatakbong oras sa lugar na 'yon. I was always thinking of you and my promise. Nag-aalala na nga ako dahil baka may mahanap ka na namang iba. Mabuti na lang dumating si Cyrus, he saved me but it was a long process. He said he can't let me die. Kapag nawala ako, wala na rin siya," he grinned. "I owe him. Kaya kailangan na natin siyang gawin para mabuhay na siya," he joked. Naiinis na mahina ko siyang hinampas sa balikat. Nagagawa pa niyang magbiro sa ganitong pagkakataon. I was really worried about him. I was glad and thankful that Cyrus saved him. I felt bad because of the things I had said to him.
Natigilan ako nang kinuha ni Clauss ang singsing sa kamay ko at isinuot sa palasingsingan ko. "Next time, I'll propose to you properly. Keep this ring for now until we graduate. Malapit na rin 'yon. Of course, I can't marry you right away. I still have to take over my grandparent's business. Siguro kapag naayos ko na 'yon, pakakasalan na kita. Pero mukhang wala namang problema sa kanila kung mag-asawa ako nang maaga. Gusto na rin nila ng apo. I have to talk to your parents first and I'm scared," natatawang sabi ni Clauss.
"I'll patiently wait. Just don't leave me. Akala ko wala ka na. The thought almost killed me. Akala ko hindi ka na babalik. You made me worry too much. Mabuti na lang pinapayuhan ako nina Akira. And about my parents, magugulat talaga sila pero siguradong matatanggap naman nila. They will surely understand," naiiyak at natatawang sabi ko. Sinisinok na rin ako dahil sa walang tigil na pag-iyak ko. He smiled. Patuloy lang niyang pinapahid ang luha ko. Pakiramdam ko nga tinatawanan niya ang itsura ko.
"I'll never leave you. And don't dare to leave my side too. I love you," he whispered. He gave me a fast and light kiss on the lips. He hugged me tight. I could feel that he's longing for me too. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. I was really happy to see him again. I'm happy to know that he was alive. I'm glad I could feel him again. Akira was right. Miracles do exist like magics.
Natigilan ako sa pagbabalik-tanaw nang mapansin ko na may biglang sumulpot na isang batang babae sa gitna ng daan. Malapit na namin siyang mabangga kaya halos sumigaw na ako.
"Clauss!" natatarantang sigaw ko. Mariing napa-preno si Clauss dahil napansin din niya ang bata. Malapit na namin itong mabangga nang tumigil ang kotse. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Agad akong bumaba para tingnan kung maayos lang ang bata. Napansin ko na bumaba rin sina Xyrene at Cyrus. Hindi ko na sila napagsabihan. Nagtataka na pumunta ako sa unahan ng kotse. Wala akong nakikitang batang babae. I tried to find her but she was no where to be found.
Kunot-noong nagkatinginan kami nina Clauss nang bumaba siya sa kotse. Lumapit sa 'min si Xyrene.
"What happened Mom?" takang tanong niya. Nanginginig ang katawan na binuhat ko siya.
"Nothing," pilit ang ngiti na sabi ko sa kanya. Nagtatakang tiningnan kami ni Xyrene pero hindi na siya nagtanong.
"Maybe it's just our imagination," naiiling na sabi ni Clauss. Bumuntong-hininga ako. Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Akala ko may nabangga na kami. Napansin ko naman si Cyrus na tila may kinakausap sa likod ng kotse. Kumunot ang noo ko.
"Cyrus?" I called for him and walk towards him. "What are you doing?" kinakabahang tanong ko. He looked at me and smiled.
"I'm talking to this girl," he said and pointed to someone. Kunot-noong tiningnan ko ang itinuro niya pero wala akong nakita.
"Wala naman ah?" nagtatakang tanong ko sa kanya. He looked back on the direction he's pointing at. Kumunot din ang noo niya nang wala siyang nakita.
"She's gone," he said.
"Who are you talking to?" curious na tanong ko sa kanya.
"Nothing Mom. Maybe, she's a ghost," he joked and smiled. Lumapit sa 'min si Clauss.
"Baka nga multo ang nakita natin," he whispered in my ear. Halatang tinatakot niya ako. Naiinis na siniko ko siya. He laughed. Alam niyang natatakot ako sa mga ganoong bagay kaya tuwang-tuwa siya na pagtripan ako. Muli kaming sumakay sa kotse. Napansin ko na nakatingin sa likod ng kotse si Cyrus na tila may tinitingnan. Papalubog na kasi ang araw kaya siguro lumalabas na ang mga multo. Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.
Nang makarating kami sa bahay, napangiti ako nang buksan ni Clauss ang ilaw. There's a round table in the middle with rose petals scattered on the floor. May nakahanda ring pagkain para sa 'ming apat.
"Happy fourth anniversary," Clauss whispered in my ear. Tumakbo si Xyrene patungo sa mesa at tuwang-tuwa na umupo sa silya. Naglakad naman si Cyrus at umupo na sa tabi ni Xyrene. Clauss stole a kiss from me before he lead me to the table. I was stunned. Late reaction tuloy ako. My heart flutters with his simple gesture. Nakakainis dahil hanggang ngayon pinapakilig pa rin niya ako.
We happily eat after a short prayer. Nang matapos kumain, napansin ko na inaantok na ang kambal kaya wala na kaming nagawa ni Clauss kundi ang ihatid sila sa kwarto. Natulog sila matapos ko silang linisan ng katawan. We kissed their foreheads before we leave their room.
Kalalabas ko lang ng CR. Nakapagpalit na ako ng pantulog maging si Clauss. Lumapit siya sa 'kin. I was stunned when Clauss pulled me towards him and hugged me tight.
"Clauss?" tawag ko sa pangalan niya dahil pakiramdam ko hindi na ako makahinga sa pagyakap niya. Parang hindi niya ako nakita ng ilang araw kung yakapin niya ako. Napansin naman niya kaya, niluwagan niya ang pagyakap sa 'kin. He looked at me and smiled.
"Thank you," he sincerely said. "You made me the happiest man on earth. Thank you for the love. For everything. Thank you for giving me those twins. I'm really happy that I have all of you. And I'm sure may susunod pa," he teased me. Ramdam ko ang biglang pamumula ng mukha ko. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Parang gusto na naman niyang bigyan ko siya ng kambal.
"I can't. Mahirap manganak ng kambal. Dapat kasi lalaki na lang ang nanganganak," pagrereklamo ko. Malakas na tumawa si Clauss dahil sa sinabi ko. Binuhat niya ako at ihiniga sa kama. I could see sparks in his eyes and he was smiling mischievously. Mukhang alam ko na ang binabalak ng mokong.
"Four years old na sila. Kailangan na natin silang sundan," he grinned. He bit my neck teasingly. I closed my eyes and softly moaned. I almost let out a sigh. Hindi ko na talaga siya mapipigilan ngayon. His hands slowly wandered all over my body. He claimed my lips fully. We were kissing passionately. I was already lost into his kisses when someone knocked on the door. Natigilan kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Xyrene.
"Mommy! Daddy!" She was crying.
Agad na bumangon si Clauss at binuksan ang pinto. Umiiyak si Xyrene. Nasa likod naman niya si Cyrus. Binuhat ni Clauss si Xyrene.
"What's the matter, Princess? May masakit ba sa 'yo?" he asked worried. Napangiti ako dahil pakiramdam ko natataranta si Clauss dahil sa pag-aalala. Cyrus went to our bed and laid down next to me. I hugged him tenderly.
"Si Cyrus! Tinakot ako! He said that there's a ghost," she cried. Lumapit naman sa 'min si Clauss. Inaalo niya si Xyrene.
"Don't scare your sister like that," malumanay na sabi ko kay Cyrus. He just smiled at me. Halatang pinagtitripan na naman niya ang kapatid niya. Napailing na lang kami ni Clauss.
"Tahan na. Walang multo. Binibiro ka lang ni Kuya," sabi ni Clauss. Humiga na rin silang dalawa. Xyrene hugged his Daddy tight. Napabuntong-hininga kami. Halatang dismayado si Clauss dahil hindi niya nagawa ang gusto. He was frowning. Napailing na lang ako sa kanya.
"Tomorrow sleep in your room, okay?" he said. Xyrene nodded drowsily. Nasa gitna namin ang kambal. Ilang segundo lang ay nakatulog na rin silang dalawa. Napakamot naman sa ulo si Clauss. He leaned closer to me and kissed me on my lips.
"Goodnight. Bukas na lang," he grinned.
I stucked my tongue out and smiled at him. He's still persistent. "I love you," I whispered.
"I love you more," he said. He was looking intently at me. I blushed. He softly laughed. The light was dim inside but I could clearly see how he loved me so much. I could say that I'm already contented with my life. Sapat na sa 'kin ang makasama sila. I don't need magics or powers anymore. They're all I need now. I'm glad everything seemed to turn out well. Kinakabahan man ako sa maaaring mangyari kina Cyrus sa hinaharap, alam kong makakaya nila. They're strong. They would manage to survive like Clauss and I did. I closed my eyes and slept with a smile. The love that I'm feeling for my family was more magical than anything else.
-------------------
++END++
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro