Chapter 8: Under Pressure
XYRA's POV
Mabilis akong lumipad pababa upang maabutan ang nahuhulog na isla. Sobrang bilis nito kaya natatakot ako na baka hindi ko na ito maabutan. Napansin ko na nalagpasan na ako ng mga dragons na nagmamadali rin sa paglipad pababa. Sakay sa likod nila ang iba kong mga kasama.
Nagulat ako nang gamitin ng mga dragon ang kanilang kapangyarihan sa isla upang mapigilan ang mabilis na pagbagsak nito. Pero dahil masyadong mabigat at malaki ang isla, hindi sila nagtagumpay na pigilin ito. Patuloy lang ito sa pagbagsak pero bahagyang bumagal dahil sa mga dragon na halatang nahihirapan.
Dahil sa ginawa nila, nagkaroon ako ng oras na ipunin ang kapangyarihan ko na maaaring pumigil sa isla. I could feel the air encircling my body while flying down. Nauna akong makababa patungo sa ibabaw ng karagatan at doon ipinagpatuloy ang pag-iipon ng kapangyarihan. Malayo pa ang isla kaya mahaba-haba pa ang oras ko. Medyo naninibago pa ang katawan ko sa muling pagbabalik ng kapangyarihan ko pero kailangang makagawa kaagad ako ng paraan upang mapigilan ang pagbagsak ng isla sa ilalim ng karagatan.
I inhaled deeply then exhaled. I focused my power in my hands to make an air ball as large as the island enough to slow it down. Nang mapansin ko na malapit na ang isla at sapat na ang malaking air ball na naipon sa mga kamay ko, inipon ko ang lakas ko upang maihagis ito patungo sa ilalim ng isla.
"Move away from the island," I shouted on them. Nang marinig nila ang sigaw ko, mabilis silang lumayo sa isla. Muling bumilis ang pagbagsak ng isla. I gathered all my strength and threw the air ball in the island. Unti-unting bumagal ang pagbagsak nito patungo sa karagatan dahil inaalalayan ito ng air ball. Nahihirapan akong kontrolin ang air ball dahil sa sobrang bigat ng isla. Sa palagay ko anumang oras ay puputok ang air ball na ginawa ko.
"Concentrate," wika ni Clauss na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala. Napangiwi ako dahil nahihirapan na ako. Pakiramdam ko agad nauubos ang lakas ko dahil sa dami ng kapangyarihang ginagamit ko. Hindi na ako sanay sa paggamit ng malakas na kapangyarihan pero kailangan kong kayanin.
I released more power to support the island's weight and slow it down. Unti-unti na itong bumaba patungo sa karagatan. Nang tuluyan itong makababa sa karagatan, ginawang yelo ni Troy ang tubig na nakapaligid dito. Nakahinga kami ng maluwag dahil nagtagumpay kami. Pero ngayon ko lang napansin na nagwawala na naman ang bawat elemento sa isla.
"Lumayo kayo sa isla. It's dangerous," utos ko sa kanila. Agad naman silang sumunod sa sinabi ko.
"Ano ang sunod nating gagawin ngayon?" tanong ni Xavier. Lumingon ako sa kanya. Yakap niya si Felicity na hanggang ngayon ay wala pa ring malay habang nakasakay kay Baby Xyra.
"Kailangan na nating bumalik sa academy," sagot ko.
"Paano ang mga dragon?" tanong ni Akira.
Napaisip ako. Hindi ko alam kung saan pwedeng itago ang mga dragon na hindi makikita ng mga tao. Ang naaalala ko lang ay may inilagay na invisible barrier sa paligid ng academy upang walang makakita sa mga dragon at sa kapangyarihang gagamitin namin.
"They can stay on the North Mountain," sagot ni Clauss. "Siguro naman walang taong maliligaw doon."
"Then, it's settled. Bumalik na tayo sa academy," sabi ni Claudette na halatang inaantok na. Madaling araw na pala at unti-unti na rin akong nakaramdam ng pagod.
"Sumakay ka na kay baby Clauss," utos ni Clauss sa'kin. Sinunod ko siya dahil pagod na rin naman ako. Nasa likod ako ni Clauss.
"Bakit ka umupo diyan? Dito ka nga sa harap ko," inis na wika ni Clauss. Napakunot-noo ako. Gumagana na naman ba ang pagiging bi-polar niya? Hindi ko siya pinansin dahil pagod na pagod na ako. Parang ayaw ng gumalaw ng katawan ko sa kinauupuan.
"Alis na tayo," naghihikab na wika ko sa kanya. Inaantok na rin ako. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Nagtaka pa ako nang tumayo siya sa kinauupuan. Lumipat siya sa likuran ko at doon umupo.
"Matulog ka na," bulong niya at iniyakap ang braso niya sa'kin. Parang hindi yata ako makakatulog sa ginagawa niya pero ipinikit ko ang mga mata at sumandal sa dibdib niya. Nakikiramdam ako sa kanya.
"Let's go," maawtoridad na wika ni Clauss. Isa-isang lumipad ang mga dragon sa langit.
"Clauss..." tawag ko sa kanya habang nakapikit.
"Bakit?" bulong niya.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari sa'tin ngayon?" tanong ko.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Manghuhula ba ako?" iritableng sagot niya. Gumagana na naman ang pagiging masungit niya. Ang sarap talaga niyang batukan dahil paiba-iba siya ng mood.
"Bahala ka nga diyan," naiinis na ring sabi ko. Mahinang natawa si Clauss dahil sa sinabi ko at mahigpit akong niyakap.
"You don't have to worry about that. We just need to cross the bridge when we get there, right? Saka mo na isipin 'yan. We'll surely find our way," seryosong sabi niya.
"May possibility ba na iwanan mo ako ulit?" mahina kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas mula sa bibig ko. Siguro natatakot lang akong maulit muli ang nangyari noon.
Isang mahabang katahimikan ang namayani. Tanging ang ingay lang mula sa pakpak ni Baby Clauss ang naririnig ko. Nakatulog na kaya si Clauss? Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Naririnig ko lang ang mabagal niyang paghinga.
Siguro hindi na niya narinig ang tanong ko at nakatulog na. Dahil inaantok na ako, pinilit ko na lamang matulog. Pero may narinig ako bago ako tuluyang makatulog. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o totoong sinabi ni Clauss.
"As much as possible, gusto ko lagi kang nasa tabi ko. Kung iiwan man ulit kita, tiyak na may mabigat na dahilan. Kung mangyari 'yon at malampasan natin ang lahat ng ito, I'll surely come back for you. I promise so don't give up on me," mahinang wika ni Clauss.
***
Nagising akong buhat na ni Clauss. Napansin ko na papasok na kami sa academy.
"Nasaan ang mga dragon?" takang tanong ko.
"North Mountain," sagot niya.
"Ah, ibaba mo na ako. Kaya ko ng maglakad," nahihiyang wika ko sa kanya. Hindi naman tumutol si Clauss at ibinababa nga ako. Napasimangot ako dahil hindi man lang siya nagpumilit na buhatin ako. Mabigat na siguro ako?
"Ang bigat mo," nang-aasar na wika ni Clauss. Inirapan ko siya at nagmamadaling naglakad. Sabi ko nga, mabigat ako, 'di ba? Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Clauss sa likuran ko. Nakahabol na pala siya sa'kin nang hindi ko namamalayan. Bago kami makapunta sa dorm namin, nakita namin sina Bryan, Xander, Cyril at Frances na tila naghihintay talaga sa'min.
"Ano'ng nangyari sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Bryan nang lapitan kami.
"Mahabang kwento pero sa tingin ko bumalik na ulit ang kapangyarihan ninyo," seryosong sagot ni Clauss. Napakunot-noo si Bryan.
"How did you know? Bumalik na rin ba ang kapangyarihan ninyo? Mukhang pagod na pagod kayo," sabi ni Bryan habang isa-isa kaming tinitingnan.
"Mamayang hapon na tayo mag-usap. Kailangan muna naming magpahinga. Marami kayong dapat malaman. Marami tayong dapat gawin," sabi ni Clauss. Tumango si Bryan at hindi na nagtanong. Hinayaan na niya kaming pumasok sa dorm namin. Pagod na pagod na humiga ako sa kama ko. Nakasunod naman sa'kin si Frances.
"Ano'ng nangyari sa inyo? At bakit bumalik na ang kapangyarihan namin?" kunot-noong tanong ni Frances.
"Bukas ko na lang ikukwento sa'yo," wika ko habang nakapikit na ang mga mata. Wala na akong narinig mula kay Frances kaya natulog na ako.
***
Hindi na kami nakapasok sa mga klase namin dahil tanghali na kami nagising. Agad kaming pumunta sa office ni Bryan pagkatapos kumain. Nakaupo si Bryan sa kanyang swivel chair at tila nag-iisip ng malalim. Napalingon siya sa'min nang isa-isa kaming pumasok sa pinto.
"Take a seat," seryosong wika niya. Tahimik kaming sumunod. Hindi namin kasama sina Claudette, Troy at Felicity. Walang naaalala si Felicity sa mga nangyari kagabi kaya pinabantayan namin siya kina Claudette at Troy.
"So, what happened last night? Nagulat na lang kami nang bumalik na ang kapangyarihan namin. Akala ko bumalik na ang lahat ng kapangyarihan ng bawat power user noon, pero apat lang pala kami," dagdag ni Bryan.
"May bago tayong kalaban. Bumalik ang kapangyarihan ninyo dahil kailangang maiwasan natin na may madamay na mga ordinaryong tao sa labang ito. Alam mo naman siguro na buhay si Selene. She's back with the enemy. Hindi pa namin alam kung ano ang pakay nila pero kailangan natin silang pigilan at kailangan din nating bawiin si Selene. There's an invisible barrier surrounding the academy. Para hindi makita ng mga ordinaryong estudyante ang mga mangyayari sa kagubatan mula sa academy. Hindi natin sila pwedeng hayaan na makapasok sa kagubatan kaya ikaw na ang bahala sa kanila, Bryan," sagot ni Clauss. Ikinuwento rin namin sa kanila kung ano ang nangyari sa island of gods at kung ano ang sinabi ng mga god sa amin.
"There's also this girl with the power of darkness," sabi ni Clauss.
"She's Jeanne," singit ko naman.
Takang napalingon sa'kin si Clauss. Sa tingin ko, hindi niya inakalang kilala ko ang tinutukoy niya. Pero paanong nalaman niya na darkness ang kapangyarihan ni Jeanne? Nagkita na ba sila dati? O may hindi pa siya sinasabi sa'kin?
"Anyway, she's dangerous. Hindi ko alam ang pakay niya sa'tin. Sa tingin ko, siya ang kumokontrol kay Selene. Hindi ko alam kung marami pa siyang kasama. May posibilidad na marami sila. Kailangan nating maging alerto. Enrolled ba siya rito?" tanong ni Clauss kay Bryan.
"Hindi ko malalaman kung hindi ko alam ang buo niyang pangalan. Siguro kailangan ko muna siyang makita para malaman ko," sagot ni Bryan. "But for the meantime, kailangang malagyan ng bakod ang kagubatan para hindi mapuntahan ng mga pasaway na estudyante. Marami pang hindi malinaw sa mga sinabi ninyo. Sa ngayon, kami na muna ang bahala sa mga estudyante ng academy at ipinauubaya ko na sa inyo sina Selene," sabi ni Bryan.
"And about the dragons, they're on the North Mountain. Malalaki na sila at hindi maaaring makita ng mga tao. Pupuntahan namin sila ni Troy mamaya para dalhan ng pagkain," sabi ni Akira.
"Wow! Pwede bang sumama?" excited na sabi ni Frances. Halatang tuwang-tuwa siya nang malaman na malalaki na ang mga baby dragons. Napakamot sa ulo si Akira pero sumang-ayon na rin.
"Pero kailangan pa rin ninyong pumasok sa regular class para hindi magtaka ang mga kaklase ninyo. Xyra and Clauss, bantayan ninyo ang bawat kilos ni Selene," sabi ni Bryan.
"Pwede ba akong lumipat ng course?" seryosong tanong Akira.
"No, hayaan mo na sina Clauss at Xyra ang magbantay kay Selene. Mahirap na. Baka hindi mo makontrol ang damdamin mo, lalo tayong mahihirapan," seryosong sagot ni Bryan.
"Pero, kailangang maalala niya ako!" inis na sabi ni Akira.
"Maaalala ka niya pero kailangan mong matuto na maghintay ng tamang pagkakataon. Hindi pwedeng habulin mo siya ng habulin dahil lalo siyang lalayo sa'yo," seryosong wika ni Bryan.
Natahimik si Akira pero halatang naiinis siya.
"Akira, kami na ang bahala sa kanya. Hindi namin siya hahayaang mapahamak," malumanay na wika ko sa kanya. Napilitang ngumiti si Akira sa'kin. Hindi na siya nakipagtalo kahit alam ko na gustong-gusto niyang bantayan si Selene.
Wala pa kaming matinong plano na nabubuo. Ngayon pa lang magsisimula ang totoong laban at hindi namin alam ang kahinaan nina Jeanne. Hindi namin alam kung gaano siya kalakas at kung ano pa ang kaya niyang gawin. Tiyak na mahihirapan kami pero wala ni isa man sa'min ang may balak sumuko.
Lumabas na kami sa office ni Bryan at naglakad na patungo sa mga classroom namin. Sina Akira ay kumuha ng pagkain para sa mga dragon at pumunta na sa North Mountain. Napansin ko si Cyrus sa hallway at may hawak na camera. Kumukuha lang siya ng larawan ng bawat sulok ng academy. Napalingon siya sa'min at ngumiti. In my surprise, he took a shot of me and Clauss. He looked at the photo on his camera and smiled. Kumaway siya sa'min at naglakad na palayo. Nawiwirduhan na ako kay Cyrus.
Seryoso lang si Clauss nang tingnan ko siya. Pero ang nakakapagtaka, habang tinitingnan ko siya parang lalo silang nagiging magkahawig ni Cyrus. Imposible naman sigurong magkapatid sila.
"Why?" takang tanong ni Clauss dahil kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.
Umiling ako at ngumiti. "Wala."
Napakunot-noo si Clauss. "Sigurado ka?"
"Wala talaga. Nagtataka lang ako kung bakit magkahawig kayo ni Cyrus," nangingiting sabi ko.
Saglit na napaisip si Clauss at ngumiti sa'kin ng makahulugan. Medyo kinabahan ako sa ngiti niyang 'yon at namula.
"Problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya dahil parang may binabalak siyang masama. Hinawakan niya ang kamay ko kaya medyo nagulat ako. Hinila niya ako papalapit sa kanya at bumulong.
"Natutuwa ka na magkahawig kami? Just wait. Marami naman tayong magagawa na kamukha ko," nang-aasar na bulong ni Clauss.
"Baliw!" sabi ko at mahinang sinampal sa mukha si Clauss. Natatawang hinimas ni Clauss ang mukha niya. Nauna na akong maglakad kay Clauss kaya humabol siya. Namumula ang mukha ko dahil kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko.
Pagpasok ko sa classroom, nakita ko si Selene na prenteng nakaupo sa armchair niya at ngumiti siya ng matamis nang mapalingon sa'kin. Bigla akong kinabahan dahil sa ngiti pa lang niya, alam kong may masama siyang binabalak.
---------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro