Chapter 7: Revived
XYRA's POV
Ilang minuto ng tahimik si Clauss. Ibubuka na sana niya ang bibig para magsalita pero biglang nagsalita si Claudette.
"I'm fine being a mind reader," singit ni Claudette sa usapan. Nakataas pa ang isang kamay niya na tila nagpipresinta pero medyo napangiwi siya dahil sa masamang tingin na ipinukol sa kanya ni Clauss.
"She can't have an offensive power. Hindi niya kayang lumaban. Isn't it much better if we don't involve her in this serious matter?" seryosong tanong ni Clauss.
Napailing ang fire god sa sinabi niya. "Kahit ayaw mo siyang isama sa labang ito, madadamay pa rin siya. Tiyak na alam ng mga kaaway na isa si Claudette sa mga kahinaan mo. Mas mabuti na kung mapoprotektahan niya ang kanyang sarili o di kaya mas maganda kung matutulungan ka niyang protektahan ang sarili mo," makahulugang wika ng fire god.
"What do you mean?" iritableng tanong ni Clauss. He's losing his cool.
"You know what I mean," the fire god grinned like he knew everything about Clauss. He looked at the fire god sharply but kept silent. Tila naiintindihan niya ang gustong iparating na mensahe ng fire god sa kanya. Hindi ko naiintindihan kung ano ang tinutukoy ng fire god pero tama ang sinabi niya na hindi maiiwasang madamay si Claudette sa gulo.
"Ano'ng kapangyarihan ang ibibigay niyo sa kanya kung hindi ako pumayag na maging mind reader siya?" seryosong tanong ni Clauss. Halatang malapit na siyang mapapayag ng mga gods na muling bigyan ng power si Claudette.
"Telepathy. She will have a power to enter your thoughts and silently talk to everyone of you, to give warnings. It's not an offensive power so she can't defend herself though you can use her to spread news and plans without the enemies knowledge. Halos pareho ito ng mind reading dahil alam kong hindi na siya mahihirapang kontrolin ang ganitong uri ng kapangyarihan. Ang kaibahan nga lang, hindi niya mababasa ang iniisip ng kahit na sino pero kaya niyang makipag-usap kahit kanino gamit lang ang utak niya," paliwanag ng air goddess.
"What? Isa lang ang ibibigay niyo sa'kin? Hindi ba pwedeng both na lang?" Claudette said with a pout.
"I don't want you to read my mind," Clauss said in a cold voice.
"No! I want that power! Para wala kang itinatago sa'kin," nang-iinis na wika ni Claudette.
"I need my privacy," Clauss answered with a straight face. Napailing ako sa pagtatalo ng dalawa. Mukhang walang magagawa si Claudette sa kuya niya. Kahit naman ako, ayaw kong may nagbabasa sa isip ko. Nakakahiya kung malalaman ni Claudette lahat ng mga pumapasok sa utak ko. Lalo na kung iniisip ko si Clauss.
"Privacy? No! Malihim ka kaya magiging malaking problema kung walang makakaintindi sa ginagawa o ikinikilos mo," inis na wika ni Claudette. Siya ang nang-iinis kanina pero ngayon siya na ang naiinis. Parang bigla akong natauhan sa sinabi ni Claudette na tila gusto ko na ring pumanig sa kanya. Malihim si Clauss at minsan hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ang isang bagay na hindi gusto ng iba o maaaring ikapahamak ng iba.
"Ngayon, ano na ang desisyon niyo? Ano ang pipiliin niyo?" tanong ng god of nothingness.
"Telepathy," sagot ni Clauss.
"Mind reading," matigas na sabi ni Claudette. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa sa itsura nila dahil pareho silang nagtatagisan ng tingin.
"Listen to me. I'm your older brother," seryosong wika ni Clauss.
"No! You don't get my point! Gusto kitang intindihin. Madalas kang nagdedesisyon mag-isa kahit labag sa kagustuhan ng iba. Gusto kong malaman kung ano ba ang plano mo, kung ano ang iniisip mo. Tiyak may magagalit sa masamang desisyon mo pero gusto kitang intindihin kuya kahit hindi ka na maintindihan ng iba!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Claudette.
Napabutong-hininga si Clauss. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Naiiyak ako sa sinasabi ni Claudette. Alam kong matigas ang ulo ni Clauss. Mahilig talaga siyang magdesisyon nang mag-isa. He's ready to sacrifice himself for others even if his life will be at stake. At iyon ang nakakainis sa kanya. Hindi naman kailangang mag-isa lang siyang lumaban pero sinosolo niya.
Walang nagsasalita sa'min. Hinahayaan naming magdesisyon sina Claudette at Clauss. Silang dalawa ang kailangang mag-usap.
"Come here, Claudette," mahinahong wika ni Clauss.
"No!" nagmamatigas na wika ni Claudette.
"Stubborn brat," napapailing na wika ni Clauss. "Come here and don't let me say this again," he said with authority but he's trying so hard to be gentle with his tone.
Tila tinamaan naman si Claudette sa mga salita ni Clauss kaya napipilitang lumapit siya kay Clauss. Pinaupo ito ni Clauss sa tabi niya at walang nagawa si Claudette kundi ang sumunod.
Marahang ginulo ni Clauss ang buhok ni Claudette.
"Kuya!" inis na sabi ni Claudette. Marahang natawa si Clauss sa reaksiyon ng kapatid niya. Ayaw na ayaw pa naman ni Claudette na ginugulo ni Clauss ang buhok niya pero ang nakakapagtaka pagdating kay Xavier parang ayos lang sa kanya.
"Listen carefully, stubborn little sis. You don't have to read my mind. You don't have to understand my thoughts and actions. I just need you to believe in me. It's all that matter, right? As long as there's someone who believes in me, everything's going to be fine," mahinang wika ni Clauss kay Claudette.
"Nakakainis ka talaga kuya!" naiiyak na sabi ni Claudette. Marahan niyang pinapahid ang luha sa pisngi niya. Parang gusto ko ring maiyak dahil parang tinamaan ako sa sinabi ni Clauss. Napapailing na niyakap ni Clauss ang kapatid upang aluin.
"So, what's the decision?" muling tanong ng god of nothingness.
"Mind reading," sagot agad ni Claudette.
"Claudette," Clauss said with a warning tone. Nag-peace sign si Claudette kay Clauss. "Kidding," natatawang sabi nito.
"It's telepathy," pagtatama ni Clauss.
"It's settled then. Now, Claudette and Troy will receive their magical powers. And for the elemental power users, show us your dragon pendants. And I assume that you, Xavier, also receive something from the god of nothingness, given by the air goddess." wika ng earth god.
Tumango si Xavier. Mula sa loob ng damit niya, may inilabas siyang kwintas. The necklace has a pendant with a big crystal in the middle surrounded by four stones, blue, red, green and golden brown.
"We need that stones to bring everyone's power back. But first I'm going to seal all the magical spirits left in this island," sabi ng god of nothingness. Ipinikit ng god of nothingness ang mga mata niya.
May isang magical spirit na lumapit kay Claudette maging kay Troy. Tumigil ito sa harapan ng dalawa at sa isang iglap ay binalot sila ng nakasisilaw na liwanag. And then the magical spirits was turned into stones with different colors. Nakalutang ang mga batong ito sa hangin at napapalibutan kami.
Iminulat ng god of nothingness ang mga mata niya.
"These magical spirits are now sealed. These stones will spread in different parts of the world. I hope no one can find and unseal the power inside each stone," seryosong wika ng god of nothingness. Unti-unting gumalaw pataas ang mga bato at sumabog sa iba't ibang direksiyon. Bahagyang dumilim ang paligid pero dahil sa liwanag na nanggagaling sa bonfire, nakikita pa naman namin ang isa't isa.
Pinatayo kaming apat ng god of nothingness. Pinalapit nito si Xavier at isa-isang kinuha ang mga batong nasa pendant ni Xavier. Naiwan sa pendant ang kulay green na bato dahil wala ang water goddess. Kusang lumipad patungo sa mga gods ang tatlong bato - blue, red, golden brown.
Sa isang iglap ay nasa likod ko na ang air goddess na ikinagulat ko. Mabining ngumiti sa'kin ang air goddess.
"Are you ready?" tanong niya sa'kin. Marahan akong tumango. Hindi ko alam kung handa na ba ako sa mga bagong pagsubok na kahaharapin namin pero kailangan kong maging matatag. Marami kaming dapat gawin upang maging maayos na lahat.
Hinawakan ng air goddess ang dragon pendant na nasa kwintas ko.
"Again, we will be one. I entrust you my power. Use it wisely and don't let your fear eat you again," seryosong wika ng air goddess habang unti-unting nagliliwanag ang bato na nasa dragon pendant at ang asul na bato na hawak ng air goddess.
"And let me remind you. Kapag pumasok na kami sa inyo, mahuhulog ang islang ito sa isang malawak na karagatan. You must make this island safely land on water. Kung hindi, lulubog ito sa pinakailalim ng karagatan. This will serve as your warm up. Huwag din ninyong hayaang makita ng mga tao ang mga dragon. We made an invisible barrier around the academy that can prevent ordinary people to see the dragons. Maging ang laban ng mga power users ay hindi nila makikita. Ang tanging makikita lamang nila ay isang matiwasay at tahimik na kagubatan. Iwasan lang ninyo na pumasok ang kahit na sino sa kagubatan. You'll need Bryan to take care of the students. I know all of you can succeed on this mission. Remember we're always on your heart, guiding you," wika ng air goddess.
Hinalikan niya ang noo ko at unti-unti siyang naglaho na tila hinihigop ng dragon pendant na suot ko. Naramdaman ko ang pamilyar na init na dumadaloy sa buong katawan ko. Dumadaloy ang kapangyarihan sa buo kong katawan at pakiramdam ko, hindi na ako sanay. I feel so light.
"Take care." Ito ang narinig ko na tila ibinubulong ng hangin sa'kin. Inilibot ko ang paningin at wala na ang mga gods sa paligid. Nagulat kami nang biglang yumanig ang lupang kinatatayuan namin. Bigla kong naalala ang sinabi ng air goddess na mahuhulog ang isla kapag nawala na sila.
Mabilis na kumilos ang mga kasama ko para sumakay sa likod ng mga dragon. Habang ako ay nanatiling nakatayo habang nag-iisip nang tamang gawin upang dahan-dahan itong maibaba sa tubig. Patuloy ang pagyanig ng lupa at narinig ko ang malakas na tawag sa'kin ni Clauss.
"Xyra! Bakit nakatayo ka lang diyan? Let's get out of here!" sigaw ni Clauss.
"I can fly but I have a problem. I don't know how to prevent this island from falling to the bottoms of the sea," sigaw ko pabalik sa kanya. Lalo akong nataranta nang bigla na lang bumulusok pababa ang isla.
I managed to fly and Clauss was saved by Baby Clauss. Nakasakay na si Clauss sa dragon. Ang iba naming kasamahan ay nakasakay na rin sa ibang dragon. Pero ang pinakaproblema talaga ay ang nahuhulog na isla. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Hindi mo maililigtas ang isla kung tititigan mo lang," narinig kong wika ni Clauss na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala kasama si Baby Clauss.
He's right. I need to do something but what shall I do? I don't know how to save the island. It's too big for me.
---------
Author's Note
Hindi ko pa naeedit ang grammar ko. Tinatamad akong magre-read. Bahala na kayo dito sa UD ko haha. Anyway, balik na ulit ako sa manila ngayong araw na ito para magreview. Matagal na ulit ang Update. Take care everyone ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro