Chapter 42: With The Darkness
Note: UNEDITED. Pagpasensiyahan na ang grammar at typos! Enjoy hohoho..
XYRA
An uncontrollable dark energy came out from the dark king. He looked at me with regrets. Malungkot ang mga mata niya at halos mabalot na ng kadiliman. Nauubusan na nga ng lakas si Xavier para pigilan ang dark king. Malalaking butil ng pawis ang namumuo sa kanyang noo at halos ibuhos na niya ang buong lakas para pigilan ang dark king. His heaven bind got weaker and weaker.
Alam kong masakit para sa dark king na hindi siya ang pinili ko. Alam kong nalulungkot siya. He was looking at me like he wanted to own me. Like he wanted me to stay by his side. Gusto niyang mawala ang lahat ng taong nakapaligid sa 'min at maiwan ako sa kanya. Pero tinibayan ko ang loob ko. I can't pity him this time. Mas marami ang maaapektuhan at masasaktan kung makukuha niya ako. At masasaktan din ako. I can't live without Clauss. All I wanted was to be with him. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito para sa ikatatahimik ng lahat.
Nagulat kaming lahat dahil sa isang napakalaking dark beast na lumabas mula sa likod niya. It was a giant dark beast. Its eyes were red as blood. May malalaking pangil ito at mahahabang kuko. Pinapalibutan ito ng tila nag-aapoy na kadiliman. Matatalim ang mga mata nito na tila walang kinikilala. It will destroy everything that will come on its way. Sisirain nito lahat ng mga bagay na nakikita nitong may buhay at gumagalaw. Kinilabutan kami sa mabagsik na pag-ungol nito nang malakas. Naalerto kami nang makawala ang dark king sa bind na ginawa ni Xavier. Xavier grabbed the white stone. His power was somehow sucked by the darkness and he was already tired. Hinihingal siya. I hope that white stone could give him power and strength.
Sinubukan ng dark king na atakihin ang mga kasama ko pero hindi siya nagtagumpay. Nasalag nina Clauss ang mga itim na enerhiyang nagtangkang hiwain ang mga katawan nila.
"He's dangerous! Let's get away from him!" sigaw ni Clauss. Mabilis kaming gumalaw pero bago kami magkalayo ni Clauss, ihinagis niya sa 'kin ang maliit na lalagyan ng healing candies. I ate one. We run away from the dark king as fast as we could. Hindi kami nagsama-sama sa iisang lugar. Gusto naming lituhin ang kalaban para hindi siya agad makapagdesisyon kung sino ang uunahin. Lumipad ako upang ilagan ang mga dark energy balls na ibinabato ng dark beast sa direksiyon ng bawat isa sa 'min. The dark beast was losing out of his control. Gusto niya kaming pagsabay-sabayin.
The dark king was after me. Tiningnan ko siya mula sa kinaroroonan ko. Ilang metro ang layo ko mula sa lupa. May mga itim na tila galamay ang lumabas mula sa kanya. Hindi pa rin siya sumusuko sa 'kin. Malalakas na pagsabog ang nagaganap dahil pinagtutulungan nina Akira ang dark beast. Mabilis na lumipad patungo sa 'kin ang itim na kapangyarihan ng dark king. I was cutting them down and was avoiding them to catch me.
"Xyra!" sigaw ni Clauss. Nasa likod lang siya ng dark king. Natigilan ang dark king at agad na hinarap si Clauss. Clauss released his fire wolf and I released mine too. Nagsanib ang mga technique namin at pinilit naming mas palakasin 'yon. The wolf ran towards the dark king while releasing sharp spikes to attack him. It was moving so fast. It opened its mouth widely and started to release shots as powerful as a canon. Sunud-sunod. Wala itong balak lumabayan ang dark king na patuloy naman sa pag-ilag. Sinasanggahan ng dark king ang sarili niya gamit ang kanyang malakas na kapangyarihan. Nagulat ako nang biglang sumulpot sa likod ni Clauss ang dark king. The dark king was ready to strike his back but I stopped him. My air whips stopped him. Agad namang lumayo si Clauss kaya nakahinga ako nang maluwag.
Muli naming inutusan ang fire-air wolf upang sugudin ang dark king. Hindi nito tinitigilan ang dark king. Nagkatinginan kami ni Clauss.
"We have to do it now," Clauss said in my mind. "Kailangan natin ng oras hanggang sa matalo nina Akira ang dark beast. You don't have to pity the dark king. Stop being soft. You can't make everybody happy. Even heroes is not capable of saving everyone. There's always someone who ends up dying. There will always be someone who ends up as a sacrifice for the happiness of others. Let's just do what we can do for others. Don't hold back," he added. Naiintindihan ko siya. Hindi ko kailangang kaawaan ang dark king. Maybe it's better to seal him away. Maybe that way, he wouldn't feel emptiness and loneliness again. Maybe, sleeping forever was better that being alone and hurt endlessly.
I started to gather my strength. I released a nine-headed air dragon. Clauss did the same. We started to fuse our techniques. We've been practicing this for long. At hindi pa kami nagtatagumpay na pagsanibin ang mga ito. Ipinagdadasal ko na sana magawa na namin ngayon. Itinuon ko ang buong konsentrasyon ko sa ginagawa. Hindi na kami maaaring pumalpak pa. This fight will determine our future. This fight will determine our fate.
Hirap na hirap na sina Xavier sa pagpigil sa dark beast pero ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila. Sugatan na sila dahil sa walang humpay na pag-atake na ginagawa ng kalaban nila. Tila nagwawala ito at basta na lang sinusugod ang mga nakikita nito. Halos magkabitak-bitak at mabutas na ang lupang tinatamaan ng mga malalakas na hampas nito.
Halos inilabas na lahat nina Akira ang kanilang pinakamalalakas na techniques para lang pagtulungan ang dark beast. Napansin ko na kumain na rin sila ng mga healing candies to regain their strength. Napansin ko naman sa malayong bahagi ng isla na sinusugod ng mga paniki sina Bryan, Claudette at ang iba pa. These bats combined and transformed into a scary creatures. They're too many big bats surrounding them and they're as big as human with bat wings. Hindi nila kami matulungan dahil sa kalabang kinahaharap nila. The dragons where supporting them too.
The nine-headed dragons started to fuse. Dahil napansin ng dark king ang ginagawa namin. He tried to stop us. He threw a large dark energy ball on our direction but just in time, the fire-air wolf stopped it with the powerful blasting energy coming from its mouth. Malakas na pagsabog ang naganap na halos liparin ako palayo. Maging si Clauss. He crossed his arms in front of him and guarded himself to the flying debris.
Napapangiwi rin siya sa malakas na hangin na halos magpalipad din sa kanya. Hindi namin naiwasan ang mga matatalim na dark daggers na lumipad sa kinaroroonan namin kasabay ng mga nagliliparang bato. Napasigaw ako sa mga dark daggers na tumama sa katawan ko. Sigurado akong hindi sa dark king nagmula ang mga atake na 'yon. Maging si Clauss ay napuruhan din. Hindi namin alintana ang sakit. Napansin kong naalerto si Cyrus na nagmamasid lang sa 'min.
"It's fine. Focus Xyra. Cyrus will take care of Jeanne," seryosong saad ni Clauss sa isip ko.
Hindi na kami nag-aksaya ng panahon upang hanapin kung saan nanggaling ang mga dark daggers. Nang humupa ang malakas na pagsabog, hindi kami agad naging kampante. Kahit hindi pa humuhupa ang mga alikabok na sumama sa hangin, umatake na kaming muli. Kahit tanging anino pa lang ng dark king ang nakikita namin, hindi kami nagsayang ng oras.
We used the fire-air fox and nine-headed dragon to attack him with full power. Kasabay ng pag-atake namin, inatake rin nina Akira ang dark beast na halatang nanghihina na rin. Sugatan na ito at naputol na rin ang dalawang malalaking braso. It was screaming in pain. Halos mabingi na kami sa ingay na ginagawa nito.
Sabay-sabay nilang inatake ang dark beast na nagdulot ng malakas na pagsabog. Napuruhan ito at halos mapugutan na ng ulo. Naging itim na usok ito na unti-unting naglaho sa hangin. They looked at us.
"Move! Let's finish the dark king while we still have time!" seryosong utos ni Clauss. "Let's give our best. Everything will end soon. Babalik din ang lahat sa normal," makahulugang sabi niya.
Lahat kami umaasa. Tumakbo kami upang palibutan ang dark king. Nang malinaw naming makita ang dark king, agad na ginamit ni Xavier ang kapangyarihan niya. He started to bind the dark king again. Inilagan ito ng dark king pero inaatake rin namin siya upang mawala siya sa konsentrasyon.
"That's for sure. I know that we still want to see the beautiful future waiting for all of us. No effort will be wasted. Everything will be worth it," seryosong segunda naman ni Xavier. "So, no one is allowed to die," he added. He was giving us a warning to be careful.
The dark king was distracted because of our unwavering and continuous attacks. Hindi namin siya tinitigilan. Hindi rin niya alam kung saan siya pupunta upang umiwas. Sa lahat ng direksiyon na pinupuntahan niya ay nakasunod sa kanya ang mga atake namin. Because of the dark king's one wrong move, Xavier successfully managed to bind him with his heaven power. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. I took a deep breath and concentrated my full power to the dragon pendant. Ginigising namin ang natutulog na kapangyarihan ng mga gods sa pendant upang magawa naming i-seal nang tuluyan ang dark king. Hindi makagalaw ang dark king. His whole body was binded by Xavier's power. Sinusubukan niyang pumalag pero walang kwenta ang ginagawa niya. Hindi na rin siya makapaglabas ng kapangyarihan dahil bumalik na ang lakas ni Xavier na pumipigil sa kanya. The dark king couldn't break the bind anymore.
Ang maliwanag na puting hiyas na nagmula sa pendant ni Xavier ay lumutang paitaas sa ere, katapat ng kinatatayuan ng dark king. It was pouring all its nullification energy down the dark king. It looked like it was showering all the white energies down. It was so beautiful. For a while I was mesmerized. Halata ang panghihina ng dark king. He has a troubled-look in his face. Pinagpapawisan din siya at napapangiwi dahil hindi pa rin siya sumusuko sa pagpalag. He was gritting his teeth desperately. Napapalibutan ang dark king ng nakapanghihinang kapangyarihan ni Xavier.
Our dragon pendants started to shine brightly. Blue. Red. Green. Golden-Brown. Different beautiful color covered the surrounding. Nawala na ang kaninang itim na kapangyarihan na pumapalibot sa buong isla. Lumutang ang mga hiyas sa ere. They were surrounding the dark king.
Mula sa mga pendants lumabas ang isang manipis na linya mula sa kanilang mga liwanag. The four pendants were now connected to each other through their powerful lights. They formed a diamond seal. Nakasisilaw ang iba't ibang kulay na nagmumula sa mga pendants. Unti-unting nabuo ang isang malinaw na salamin sa paligid ng dark king. Natigilan ang dark king nang mapansin na hindi na talaga siya makakawala sa seal na nagkukulong sa kanya. He was trapped inside a diamond-shaped glass. Marahil dahil sa pagiging desperado at dahil sa galit na nabubuo sa dibdib niya ay nawala ang kontrol niya sa sarili niya. He screamed out loud. So loud that an earthquake was made. Halos matumba kami sa kinatatayuan namin. Sumabog din ang kapangyarihan niya sa loob ng diamond glass seal. Nasira ang heaven bind ni Xavier.
The dark king tried to destroy the cage with his dark power. Nagwala ang kapangyarihan niya sa loob dahil desperado na siyang lumabas. Kinabahan ako sa nangyayari. Kinakabahan kaming lahat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil pakiramdam ko wala ng katapusan ang laban na ito. Wala ng katapusan ang kapangyarihan ng dark king. Alam kong hindi na siya nag-iisip nang matino.
Napangiwi kami dahil nahihirapan kami sa ginagawa niyang pagwawala. Pilit naming pinipigilan na masira ang seal na ginagawa namin. Itinapat namin ang mga kamay sa seal. We started to pour and gave all our remaining powers. Hindi siya maaaring magtagumpay na sirain ang salamin. Unti-unting nagkakaroon ng lamat o sira ang salamin dahil sa lakas ng nagwawalang kapangyarihan niya. Pero mabuti na lang na unti-unti ring kumakapal ang diamond glass seal kaya nababalewala ang mga ginagawa niya. Napansin ko na unti-unti nang nababalot ng kadiliman ang kaninang malinaw na salamin. Halos hindi na namin makita ang dark king. Halos maging kulay itim na ito.
Hindi kami nanatiling kampante. Baka biglang mabaligtad ang sitwasyon kung magpapabaya kami. Mas lalong lumalakas ang kapangyarihan na nagmula sa mga pendants. Pinapatibay naman ng puting bato sa itaas ang seal na ginagawa namin para sa dark king. Pinagpapawisan na kaming lahat lalo na't may narinig kaming malakas na pagsabog mula sa loob ng malaking glass seal. Hindi man nasira ang seal ay tila nagkaroon pa rin ito ng malalaking bitak mula sa loob. Patuloy pa rin ang dark king sa pagwawala.
Hindi naman nawawala ang mga kapangyarihan namin na pumapalibot sa dark king. Mas kumakapal ang salamin. Mas lumalaki ang seal upang mahirapan ang dark king na sirain ito. Iba't ibang kulay ang pumapalibot sa diamond seal. Pero kulay itim pa rin ang makikita sa pinakagitna nito. Hindi na namin makita ang dark king pero alam namin na patuloy pa rin siyang lumalaban dahil sa malakas na pagsabog na naririnig namin mula sa loob. Ang mga pagsabog na naririnig namin kanina ay unti-unti nang humihina. Napansin namin na nakadikit na ang mga dragon pendant sa diamond seal.
Sa pinakatuktok nito matatagpuan ang puting hiyas na nagmula kay Xavier. Nagkikintaban ang mga maliliwanag na linya na nagmumula sa kapangyarihan ng mga bato. It has a beautiful color if only it wasn't tainted inside by black. The diamond glass seal started to compress. Nililimitahan nito ang kilos ng dark king hanggang sa tuluyan na itong hindi makagalaw at makalaban. Wala na ang ingay. Tahimik na ang buong paligid. Sinubukan naming gamitin ang mga kapangyarihan namin pero wala ng lumabas. Naubos na ang lahat ng natitira naming kapangyarihan. Nasa malaking diamond glass seal na ang mga kapangyarihan namin. We realized that we are now back to normal.
Wala sa sariling lumapit ako sa seal. I touched it. If I can only take away his pain and loneliness, I will gladly do it. But I can't. I'm selfish. I don't want to lose Clauss. I want to be with him forever. I want to share my future with him.
"Xyra," nag-aalangang pagtawag ni Clauss sa pangalan ko. I sighed. Inipon ko ang lahat ng lakas ko bago humarap sa kanya. Marami akong kasalanang nagawa sa kanya.
"Clauss," puno ng emosyon na pagtawag ko sa pangalan niya. Nahihiya ako dahil sa mga ginawa ko sa kanya. I even kissed another guy in front of him. I felt like I cheated on him. "I'm sorry. I hurt you," mangiyak-ngiyak na sabi ko. He frowned. Tumalikod siya sa 'kin at naglakad na palayo. Agad ko siyang hinabol upang sundan. Hindi ko siya masisisi kung galit man siya sa 'kin. Kasalanan ko naman. Kung kailangan kong mag-sorry araw-araw sa kanya gagawin ko pero sa tingin ko naman hindi na kami aabot sa ganu'ng sitwasyon.
Tumigil ako sa paghabol sa kanya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Gusto ko siyang hawakan at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"You really made me angry. You're annoying and stupid. Hindi mo man lang naramdaman na ako ang mahal mo at hindi ang queenless king na 'yon," naiinis na sabi niya. I smiled. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang pagtawa. Queenless talaga? I could sense that he was jealous. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang humarap sa 'kin. Siguro nahihiya siya na makita ko ang reaksiyon niya.
"I'm sorry. Huwag ka ng magalit. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para makabawi sa 'yo," I sincerely said. Lumapit ako sa kanya. Tinitingnan ko ang malapad na likod niya. I really want to hug him so I did. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. I missed him so much. I let my head rest on his back. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. I closed my eyes. Sobrang pagod na pagod na ako sa mga nangyaring laban. I'm glad that it was already over. Pwede na kaming mamuhay ng normal. Makakasama ko na si Clauss nang walang takot at pangamba.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagbuntong-hininga. Nagmulat ako ng mga mata nang gumalaw siya upang humarap sa 'kin. He held my face dearly. He looked at me straight in the eyes. His eyes were gentle and sincere. I could clearly see that he was longing to hold me too. He gently carress my face. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa mukha ko. I looked at him and smiled. Mabuti na lang, hindi siya galit sa 'kin. He smiled back at me.
"Then I'll stick to your words. Naniniwala ako na gagawin mo ang lahat. So I demand for you to stay with me forever. I will not let you live my side. Hindi ko na hahayaang agawin ka ng iba. I won't let anyone to kiss you again. Ipangako mo sa 'kin na ako lang. You're my property," he said with his deep husky voice. Alam kong pagod na rin siya dahil sa laban.
"I promise. Hindi kita iiwan kaya ipangako mo rin na ganu'n ka rin. Ipangako mo na hindi ka mawawala at hindi ka susuko sa 'kin kahit alam kong naiinis ka na. You're my property as well. No other girls are allowed to kiss you. Pero ngayon, bumalik na muna tayo sa academy upang makapagpahinga na tayo," I smiled. Marahan kong pinisil ang kamay niya.
"Not yet. I want to say this first. Wala akong balak iwanan ka. Kung gagawin ko man 'yon dapat noon pa. When you were taken away from me, I've been through a lot of pain. It almost killed me. Magtatapos na tayo ng pag-aaral sa susunod na taon. I won't let you go anymore. I want to officially own you. I want... I want to marry you," seryoso niyang sabi. His ears and cheeks were red. He was blushing. At pinipigilan niyang mag-iwas ng tingin. He wanted to let me know that he was serious and he meant what he just said.
I didn't expect to hear these words from him. Not after this fight. He was looking intently at me, searching an answer. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. My heart were filled with joy. I think it's about to explode. I couldn't contain my happiness. Naramdaman ko na lang na masuyo niyang pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ko. I bit my lower lip. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Silence means yes, right?" he grinned playfully. Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. I nodded happily. I couldn't find the right words to say.
"I love you," he sincerely said. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil masuyo na niya akong hinalikan sa labi. He hungrily kissed me. I kissed him back passionately. Wala kaming pakialam sa paligid namin pero ilang segundo lang ay natigilan kami dahil sa isang babae na nagsalita sa 'di kalayuan.
"Huwag muna kayong magsaya. I'm still alive. I still have the power to kill all of you," puno ng galit na sabi ni Jeanne. Agad kaming naghiwalay ni Clauss at hinarap si Jeanne.
"Shit!" mahinang pagmumura ni Clauss. Kinabahan kami dahil wala na kaming kapangyarihan upang lumaban. Wala na kaming magagawa pa upang talunin si Jeanne. Naalerto rin sina Xavier na malayo sa kinaroroonan namin. Lahat kami ay natigilan. Mahigpit na hinawakan ni Clauss ang kamay ko.
Lumingon ako sa likod ko. I saw Jeanne. She looked at me with hatred. Madilim na madilim ang aura niya. Halatang wala siyang balak sumuko hangga't hindi nagtatagumpay na gawin ang pakay. Using her two hands, she started to make a very large black hole. It was enough to consume all of us in the island. I'm sure it's enough to destroy the whole island. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso namin. Naramdaman ko rin ang panlalamig sa kamay ni Clauss. Pinagpapawisan din kami nang malamig.
"Run," he commanded. Napaawang ang labi ko. Hinila niya ang kamay ko nang hindi ako natinag sa kinatatayuan. "Run!" he desperately shouted. Lahat kami natauhan. Mabilis na gumalaw at lumipad ang mga baby dragon upang sagipin ang bawat isa sa 'min. We were panting heavily while running for our lives.
Buong lakas na ihinagis ni Jeanne ang napakalaking blackhole patungo sa 'min. Mabilis ang paglipad nito patungo sa 'min. Hindi na kami makalaban. Wala na kaming kapangyarihan. When I looked back, isang metro na lang ang layo ng black hole sa 'min ni Clauss. Malakas na hangin ang nagmumula rito. Hinihigop nito lahat ng mga bagay sa paligid. Pakiramdam ko ma rin kami. Naramdaman ko mahihigop rin kami. Palaki nang palaki ang black hole. Tumingin ako sa tinatakbuhan naming daan. I saw Cyrus, gritting his teeth. He was making a very large ball of light. Desperado na rin siya.
Alam kong malapit na kaming mahigop ng black hole. Lumilipad na rin patungo sa 'min si Baby Clauss. Desperadong itinulak ako ni Clauss palayo upang masagip ni Baby Clauss. Binitawan niya ang kamay ko. Baby Clauss was able to carry the diamond seal and me using his large claws.
"Clauss!" malakas na sigaw ko dahil napalibutan na siya ng black hole. Cyrus threw the large ball of light. He gritted his teeth because he knew that he had no choice but to stop Jeanne. Darkness and light collide. And Clauss was caught in between.
Malakas na pagsabog ang naganap. I was crying and screaming miserably for his name. Halos masira ang buong isla sa pagsabog. Nagliparan ang mga malalaking tipak ng lupa sa hangin. Nabalot nang ma-alikabok na usok ang buong isla. We flew high in the sky. Nang humupa ang pagsabog na naganap, hinanap ng mga mata ko si Clauss. I can't find him. Ni anino niya hindi ko makita. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi rin tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko. I was crying for his name. Matinding takot ang namuo sa dibdib ko.
Halos mabutas ang buong isla. Kaunting lupa na lang ang natitira. Isang malaking hukay ang nabuo. Nakikita ko rin ang unti-unting pagtaas ng tubig mula sa ilalim ng hukay. Bumaba sa lupa ang mga dragon. Marahang ibinaba ako ni Baby Clauss. Nanghihinang tumayo ako kahit nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ako makatayo nang maayos kaya napaupo ako sa lupa. Hindi tumitigil ang pagtulo ng luha ko. Where is he?
"Clauss! Please! Lumabas ka na kung naririnig mo ako!" desperadang sigaw ko kahit alam kong maaaring wala ng pag-asa. Mula sa usok ng mga alikabok sa hangin, may nakita akong isang bulto ng tao na nakatayo sa ibaba ng malaking hukay. Akala ko si Clauss pero nagkamali ako, he's Cyrus. And he's carrying Jeanne dearly in his arms. Wala ng malay si Jeanne.
I was looking at him confusedly. He was looking at me too. I could see regrets in his eyes. He was expressing his deepest apologies to me through his eyes.
"Why? Why did you save her? Where's Clauss?" naiiyak na sigaw ko sa kanya. "Bakit hindi si Clauss ang iniligtas mo? Bakit si Jeanne pa na walang ginawa kundi ang guluhin ang buhay namin?" Galit na galit ako. Ramdam ko na sasabog na ang puso ko dahil sa halo-halong emosyon. Gusto kong magwala. Malungkot na ngumiti siya sa 'kin. Alam kong hindi niya ginusto ang mga nangyari sa 'min. Ayaw ko mang ibunton sa kanya ang galit ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong ibunton ang sisi sa iba kahit alam kong ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko matanggap na wala na si Clauss. I never thought that it will be our last kiss. That it's the last time I could hold him in my arms. That it was already goodbye.
"I'm sorry. I can't let her die. I promised to bring her back to the future with me. And for Clauss, he was caught in the explosion. I'm sorry. I was not able to do anything about that," he said calmly but with regrets. He was worried too but he's trying not to panic. Tears fell from my eyes. Walang tigil. Tila hindi ito nauubos.
There's no trace of Clauss anywhere. Wala akong makitang kahit ano. Nag-aalala rin ang mga kasama ko. They tried to search all over the place. Ayaw nilang maniwala na wala na si Clauss. Maging sila ay naluluha na rin. Claudette collapsed because of depression. Nasalo naman siya ni Xavier. She couldn't accept that her brother was already gone.
"You will not be able to find him. He disappeared with the darkness. Mas makabubuti kung bumalik na kayo sa academy," seryosong sabi ni Cyrus.
"What? We can't leave him here! I can't leave him! I don't want to!" sigaw ko sa kanya. Hilam na sa luha ang mga mata ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Halos hindi ko na makita si Cyrus.
"He's gone," malungkot na sabi ni Cyrus. Napansin ko na unti-unti ng naglalaho ang katawan ni Cyrus. "And I don't have enough time now. Makinig ka sa 'kin. I know what to do. I know the truth. I'm serious that he disappeared with the darkness," naiinis na sabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay nawala na siya kasama si Jeanne. Pero napakunot-noo ako sa huli niyang binitawang salita. Nalito ako.
"It's nice to meet you in this time, Mom. I hope I can still see you in the future," he said. Halos mabaliw ako nang ma-realize ko ang mga sinabi niya. He's probably my son in the future. Everything was confusing. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko. I cried so hard. Alam kong anumang oras ay bibigay na ang katawan ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Sumigaw ako nang malakas. I tried to stand up. Kahit alam kong wala ng pag-asa gusto kong hanapin si Clauss. He said he wants to marry me. Kailangan niyang tuparin 'yon!
Naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa. I was saved again by someone. Buhay ako pero may isang mahalagang tao na nawala sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sinubukan kong maglakad pero wala akong tiyak na direksiyon na pupuntahan.
Nanghihina na talaga ako at nanlalabo na ang paningin ko. Muntik na akong matumba pero may sumalong malalakas na bisig sa 'kin.
"Xyra," nag-aalalang tawag ni Akira sa pangalan ko. I looked up at him. I cried. Hindi ko alam kung gaano katagal pero alam kong nawalan ako ng malay. Sobrang sakit at bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko. Is it really impossible for us to escape this endless darkness?
~~~
I slowly opened my eyes. Paggising ko nasa loob na ako ng kwarto ko. Inalala ko ang lahat ng mga nangyari. Natauhan ako nang maalala ang lahat at agad na bumalikwas ng bangon. I looked around. Iniisip ko kung panaginip lang ba ang mga nangyari. I checked my wounds. May benda na ang mga ito. Nakita ko si Frances na nakaupo sa kama niya. She was looking at me with her worried and teary eyes. Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya pero tinatagan ko ang loob ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat at hindi totoo ang lahat ng nangyari.
"What happened? Nasaan si Clauss? Ilang oras na ba akong natutulog? Sobrang tagal na ba? I was just dreaming right?" pinigilan ko ang mag-hysterical pero hindi ako nagtagumpay. I was asking her desperately. I asked her with my panicking voice. Hindi rin nawala ang paggaralgal ng tinig ko. My whole body was shaking because I know that everything was not a dream. At niloloko ko lang ang sarili ko.
"I'm sorry. Wala na si Clauss. Walang kahit anong bakas na nagsasabing buhay pa siya. Please be strong Xyra," malungkot na sabi niya. She was trying to wake me up on my delusions.
"No! This can't be true! I want to be strong but I can't. He's the source of my strength. Kung mawawala siya, paano na ako? I can't imagine life without him," malakas na sigaw ko. Hilam na naman sa luha ang mga mata ko. Nanlalabo na naman ang paningin ko. I covered my face with my hands. I was frustrated. Gusto kong magalit at magwala. I never thought we will end up like this. He's gone and I'm not sure if he'll come back again.
"I'm sorry. We can't help you that time. Our power ability was turned into stones when you defeated the dark king. Kasabay ng pagkawala ng kapangyarihan ninyo, nawala rin ang kapangyarihan namin," she said with regrets. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi ko nakita ang mga mangyayari sa kanya. I can't see anything because he was trapped inside the darkness. Walang makapagsasabi kung buhay siya o hindi na," she said.
"Don't say that. Please. Iwanan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa," naiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Clauss. It was too painful.
"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Frances.
"P-Please," nahihirapang sabi ko. I heard her sigh. Hindi na siya nagsalita pa. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Walang tigil ang pag-iyak ko araw-araw.
Ilang araw na akong nagkukulong sa silid ko. Everyone was worried. Every night I was crying myself to sleep. Madalas nila akong binibisita pero hindi naman nila ako nakakausap nang matino. Pinapakain nila ako pero halos hindi ko naman makain ang mga pagkain na ihinahain nila sa 'kin. Wala akong gana. Wala akong panlasa. Pakiramdam ko pare-pareho lang lahat ng lasa ng mga pagkain na ibinibigay nila sa 'kin. I was already good as dead. Wala ring buhay ang mga mata ko na nakatitig sa kawalan.
Yakap-yakap ko ang mga tuhod ko habang nakaupo sa kama. Umiiyak na naman ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nag-aalalang pumasok si Akira. Ilang segundo pa ay pumasok naman si Selene. She looked at me with irritation.
"You look wasted," mataray na sabi ni Selene. Tiningnan ko lang sila pero hindi ko pinansin ang sinabi ni Selene. Sanay na ako sa kanya. At wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon dahil sa pagkawala ni Clauss. Akira looked at Selene like he wanted to scold her.
"What? I'm just saying the truth. She's good as dead. Mukhang wala na siyang balak mabuhay pa!" naiinis na sabi ni Selene. "We shouldn't waste our time with someone like her. Tiyak na hindi matutuwa si Clauss sa ginagawa niya," naiiling na sabi ni Selene.
"Selene," Akira warned her but she just frowned. "You can't blame her. Naramdaman ko rin ito noon," seryosong sabi ni Akira. Napansin ko na naiinis na si Selene.
"I'm sorry," malungkot na sabi ko sa kanila. "Pero alam kong naramdaman din ito ni Akira. Masakit. Sobrang sakit. I felt like I don't have any reason to live now. Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay kapag naaalala ko siya," malungkot at naiiyak na sabi ko.
"I know. And I want to thank you for staying by my side that time. Thank you for cheering me up. Gusto ko ring gawin ang lahat ng makakaya ko para pagaanin ang loob mo. I want to stay by your side and cheer you up until you can finally move on with your life," he sincerely said. Halata ang pagkainis sa mukha ni Selene.
"Fine! Kung alam ko lang sana na magkakaganito ka, hindi na sana kita iniligtas noon. I should have let you die. Sinasayang mo lang ang pagsasakripisyo sa 'yo ng ibang tao. You don't deserve your life now. Pero alam kong hindi magiging masaya si Clauss kung sasabihin ko ito sa 'yo. Some must die so others can live. You owe your life to us. It's your duty to continue living and be happy. Be happy for him. Huwag mong sayangin ang buhay mo! I can't stand to look at you in this worthless state. I'm going," naiinis na sabi niya sa 'kin. Agad siyang lumabas ng silid.
I sighed. Gusto kong sundin ang mga sinabi ni Selene pero mahirap. Alam kong matatagalan bago mawala ang sakit na nararamdaman ko. Taon ang bibilangin ko bago matanggap ang lahat.
"Don't you want to follow her? She might misunderstood what you said," nag-aalalang sabi ko kay Akira. Umiling siya. Umupo siya sa gilid ng kama ko at tumingala sa puting kisame.
"It's fine," he slightly smiled. "She's stubborn. She's always insecure. Pero sanay na ako sa kanya. Parang katulad ni Clauss, sanay na rin siya sa 'yo," he smiled. Mahabang katahimikan ang namayani bago siya muling nagsalita.
"I've been thinking. Ano sa tingin mo ang nangyari kung hindi mo minahal si Clauss? Mamahalin mo kaya ako? Magiging tayo kaya? Magiging maayos ba ang lahat? May mamamatay kaya? Too many what if's ran inside my head. Pero hindi naman mahalaga ang mga tanong na ito. Hindi na natin kailangang pagsisihan ang mga bagay na nangyari na. All we can do is move on and live our lives the way we decided it to be. We all decided our future. Pinili ni Clauss na mabuhay ka. Pinili niyang mamatay para sa 'yo. Stay strong for him. Believe in him. Hindi pa rin sumusuko si Claudette. Naniniwala pa rin siya na buhay at babalik ang kuya niya. You should think that way too. Isipin mo na lang na hinihintay mo lang ang pagbalik niya. If there are magics then I'm sure that miracles exist too," he said.
Naiyak ako sa sinabi niya. Gusto kong umasa sa mga sinabi niya. Gusto kong maniwala na may himala nga. If there are magic, there are miracles too. Hinayaan niya ako na ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.
"There will always be a rainbow after the rain, Xyra," he said. Tumayo na siya at kiming ngumiti sa 'kin. "Live," makahulugang wika niya. "Babalik na lang ulit ako. Namamayat ka na kaya kumain ka na. Alagaan mo ang sarili mo. Paano na lang kung biglang bumalik si Clauss? Baka magbago na ang isip niya kapag nakita niya ang itsura mo," nag-aalalang wika niya. Napilitan akong ngumiti. He was trying to cheer me up. I nodded. Pinilit kong gawin ang sinabi niya. I'll be waiting for Clauss until he returned.
~~~
I was sitting in a stone in the forest. Ilang linggo na ang nakalilipas. Naghihintay pa rin ako sa pagbalik ni Clauss. Kahit unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa, tinitibayan ko pa rin ang loob ko. Wala na rin ang mga baby dragon. Bumalik na sila sa island of gods. They're guarding the seal of the dark king. May klase na rin sa academy. Bumalik na ang lahat sa normal.
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong ingay mula sa likod ko. I looked around. Walang tao sa paligid pero may napansin akong isang bagay na kumikinang sa lupa. Tumayo ako. Umupo ako upang tingnan ito nang maayos. It was a gold ring. Nagtataka na pinulot ko ito. I wonder who was the owner of this ring. Hawak ko na ang singsing nang may humawak sa mga kamay ko. Natigilan ako. I looked at that person. It was Clauss. He smiled at me. Kumurap-kurap ang mga mata ko. Tears run down my face when I realized that I was just imagining things. Walang tao sa harapan ko. Walang Clauss na humawak sa kamay ko. Walang Clauss na ngumiti sa 'kin. I realized that I really missed him. I wanted to see and kiss him again.
Pero paano? Kinuha ko ang singsing at naiiyak na tiningnan ito. Naalala ko ang mga sinabi ni Clauss sa 'kin. He wanted to marry me. He wanted to officially own me. Pero kung wala na siya paano pa niya magagawa 'yon? Gusto kong maniwala na may pag-asa pa. Gusto kong maniwala na babalik siya para tuparin ang mga sinabi niya. Tumayo na ako. If only I could see a sign that he's still alive, I will patiently wait for him. Kahit abutin pa ng taon, maghihintay ako basta masigurado ko lang na babalik siya. Tumingala ako sa langit. Wherever he is, I wonder if he's also thinking about me. I wonder if he felt the same way like I did. I will always love him no matter what. At alam ko, walang sino man ang papalit sa iniwan niyang puwang sa puso ko.
-----------------------------
TO BE CONTINUED...
Author's Note.
This is the last chapter. Wait for the Epilogue. I'll be posting it but not so soon. Hahaha! And I love the readers. Thank you so much for reading this. Hart Hart. <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro