Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40: Betrayed

CLAUSS

The dark king was now ready to attack. He was now making a large dark energy ball in one of his hand. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. He was showing no mercy. Handang-handa na siya upang tapusin ako. Xyra was looking blankly at us. Walang kahit anong bakas na unti-unti na niya kaming naaalala. Wala siyang pakialam sa maaaring mangyari sa 'min nina Akira. She was also waiting for the dark king to move.

"Xavier! Try to bind the dark king. Nullify his power," sabi ko sa isip ko. It's good that we can communicate through our minds. Hindi nila maririnig kung ano ang mga plano namin. I gritted my teeth. Hindi namin nagawang maibalik sa dati si Xyra kaya dehado pa rin kami. Kung nagtagumpay lang sana ako, tiyak na malalamangan namin ang dark king sa laban na ito. Xavier agreed with me. Naghanda siya pero hindi niya ipinahalata sa dark king na may binabalak siya. 

"Frances, nakikita mo na ba ang sunod na mangyayari? May nagbago ba? How about you, Selene? Natalo mo na ba ang dark beast?" sunud-sunod na tanong ko sa utak ko. Hindi na rin ako mapakali. Hindi sapat ang kapangyarihan namin laban sa dark king. He's immortal. The only way to defeat him is by sealing him away through the ue of our powers. Kasama ang kapangyarihan ni Xyra sa kailangan namin. I released a large blazing fireball on one of my hands. Naghahanda na ako para sa pag-atake ng dark king. I should not take him lightly. I must fight with all I've got.

"I'll take care of the defense," sabi naman ni Akira. Naging alerto rin siya. Babantayan niya ang bawat kilos ng dark king upang mas madali namin itong maiwasan at madepensahan. I'll go for the offense. Akira will be watching mine and Xavier's back. 

"I'm still fighting. The monster is strong, fast and powerful," sabi ni Selene. "But I'll make sure to defeat this. Wala akong balak magpatalo. Not with this ugly dark beast."

"The plan is working accordingly. Continue fighting but your forces are not enough to defeat him. We need Xyra and Selene to fight along with you," Frances said. "Nagawa mo bang ibalik ang alaala ni Xyra?" nag-aalangang tanong niya.

"Hindi. Biglang dumating ang dark king kaya hindi ko siya nagawang lapitan. Sinabi mo na ilayo ko sila sa isa't isa pero hindi ako nagtagumpay. Kung nagmadali lang sana ako, baka naibalik ko siya sa dati," puno ng panghihinayang na sabi ko. "Now, I don't know what to do. Tiyak na mahihirapan na akong lapitan muli si Xyra. Hindi na papayag ang dark king. Gagawin niya ang lahat para pigilan ako. I'm sorry."

"It's not the time for sorries and regrets. Let's focus on our enemy. Babalik din si Xyra. Let's have faith on her abilities," seryosong sabi naman ni Xavier. Bumuntong-hininga ako. Tiningnan ko si Xyra pero wala talaga akong makitang kahit kaunting emosyon sa mga mata niya. 

"Akala ko bumalik na si Xyra. Pero nakapagtataka na ganu'n pa rin ang nakikita ko sa hinaharap. Walang nagbabago. Everything is going to be alright," Frances said. "Did I miscalculate the future?" takang tanong niya. Hindi niya kami tinatanong. Tinatanong niya ang sarili niya. 

At hindi ko rin alam kung nagkamali nga ba siya. It's rare for her to get it wrong. Gumalaw na kami nang humakbang ang dark king papalapit sa 'min. Nanatili naman si Xyra sa kinatatayuan. Naghihintay siya sa sunod na gagawin ng dark king. Humalukipkip siya at seryosong nanood sa bawat galaw namin. Sinabi ko kina Akira at Xavier na humanda na at maging alerto. Kumain kami ng tig-iisang healing candies para maibalik namin ang nawalang lakas. 

"Selene! We'll be waiting here. Don't lose," seryosong sabi ni Akira. Nag-aalala pa rin siya kay Selene dahil mag-isa lang itong nakikipaglaban sa isang halimaw.

"Got it," Selene said. "What do you think of me? I'm not that weak," mataray na saad niya. Hindi pa rin talaga siya nagbabago kahit si Akira pa ang kausap niya. Napansin ko ang bahagyang pagngisi ni Akira. Sanay na siya sa ugali ni Selene.

It's now the time. Xavier tried to bind the dark king with his heaven power when the dark king started to run towards me. Pero nagulat ako nang biglang mawala sa kinatatayuan ang dark king. Tinalasan ko ang pakiramdam. If he could move fast like that, when in a disadvantage. Hindi namin alam kung saan siya biglang lilitaw o susulpot.

Naramdaman ko siya sa likod ko. Marahas na nakagat ko ang aking labi. He was a tough opponent. Hindi rin namin alam kung ano ang kahinaan niya. Humarap ako sa kanya at tumalon upang umurong palayo. Hindi ko na maiilagan ang dark energy ball na pinakawalan niya patungo sa 'kin pero biglang lumabas sa harapan ko ang earth wall ni Akira. Nakaligtas ako sa pag-atake ng dark king pero sumabog ang earth shield. Nawasak ito dahil sa malakas na enerhiya na nagmula sa dark energy ball. Tumalsik kung saan-saan ang mga malalaking tipak ng lupa. Iniwasan ko ang mga 'yon. Hindi ko hinayaang tumama sa katawan ko. I released my fire phoenix. I run towards him to attack him. Nasa harapan ko lang ang dark king at nakahanda na rin siyang sumugod. Dalawang kamay na niya ang nababalutan ng itim na enerhiya. Umiikot sa mga kamay niya ang mga itim na enerhiya. Tiyak na malakas ang pressure na magmumula sa mga techniques na 'yon.

"Clauss! Sa likod mo!" nag-aalalang sigaw ni Xavier. Nang lumingon ako, nakita ko ang dark air dragon ni Xyra na sumusugod na sa 'kin. Gahol na ako sa oras upang ilagan ang mga atake nina Xyra at ng dark king. Isa lang sa kanila ang maaari kong harapin. Pero kahit mapigilan ko ang isa sa kanila, tiyak na matatamaan pa rin ako ng isa sa mga techniques nila. I have no choice now. I'll leave the rest to Akira. Ginamit ko ang fire phoenix ko upang pigilan ang dark air dragon ni Xyra. Kung suswertihin, baka magawa ko pang lapitan si Xyra. 

Mabuti na lang, nagawang pigilan ng earth fox ni Akira ang dark whips na ginawa ng dark king. Dahil sa malakas na shockwave na inilabas ng earth fox ni Akira, malakas na lindol ang naganap. At halos nagkabitak-bitak na ang mga dingding. Naglabas ng isang malaking dark beast ang dark king upang kalabanin ang earth fox ni Akira. Xavier tried to seal the dark king's power but the dark king disappeared again. Halatang iniiwasan na niya ang mga atake ni Xavier. Xavier gritted his teeth. Halatang nauubos na ang pasensiya niya.

"You must not lose your cool Xavier," paalala ko sa kanya. Xavier scowled. Alam na ng dark king ang kayang gawin ni Xavier kaya nagiging maingat na ito. Hindi na nito hahayaan na maisahan siya ni Xavier.

Sumulpot ang dark king sa harapan ni Xavier at malakas na suntok ang pinatama nito sa sikmura ni Xavier. Sobrang lakas ng puwersa nito na halos sumuka na si Xavier ng dugo. Malakas na sumigaw si Xavier dahil sa sakit. My jaws tightened. I was concentrating on Xyra's attack. Hindi ko tuloy malapitan si Xavier dahil sa ginagawang pag-atake ni Xyra. Walang humpay na nagpapakawala ng malalakas na dark air bombs ang dark air dragon ni Xyra. Napapangiwi ako dahil pilit kong tinatapatan ang kapangyarihan niya. Umuulan ng mga matatalim na fire blades sa kinatatayuan ni Xyra pero sinanggahan niya ng air shields ang kinatatayuan niya. She was dodging my attacks through her dark air spears too. Tumatama kung saan-saan ang mga techniques namin at halos masira na namin ang silid na kinaroroonan namin. Malapit nang bumigay ang mga pader at kisame. Nagkakabitak-bitak na ang mga iyon.

Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong kakaiba sa mga techniques niya. Napansin ko na nagulat din si Xyra sa nangyayari sa mga techniques niya kaya agad niya itong pinaglaho. Tumigil din ako sa pag-atake sa kanya. Malamlam na ang kulay ng mga techniques niya. Hindi na itim kundi gray na lang. Napansin ko na unti-unti na ring naglalaho ang mga black marks sa katawan niya. Nawawala na ba ang kapangyarihan ng kadiliman sa buong sistema niya? Lalapitan ko sana siya pero nagulat ako nang sumulpot sa harapan ko ang dark king. Hindi rin ako nakaligtas sa malakas na suntok na pinatama niya sa sikmura ko. Akira is still fighting the dark beast. Hindi na niya ako mabibigyan pa ng proteksiyon dahil kahit ang buhay niya ay nasa panganib din.

Ang kamao ng dark king ay napapalibutan ng mga dark blades. Nalasahan ko ang dugo na halos isuka ko. The blow was painful and unexpected. Halos mabutas ang sikmura ko dahil sa mga matatalim na bagay na bumaon dito. Hindi ko magawang gumalaw. I was stunned. The dark king was looking at me with an intention to kill. Halatang hindi na niya patatagalin pa ang laban namin.

"Clauss!" nag-aalalang tawag ni Akira. Hindi niya ako magawang tulungan dahil nakaharang sa daan niya ang dark beast. Sunud-sunod ang ginagawa nitong pag-atake kay Akira. Hindi siya nilulubayan nito hangga't hindi nadudurog ang katawan niya. Kailangan munang talunin ni Akira ang halimaw para matulungan niya kami. 

Si Xavier naman ay nahihirapang gumalaw nang maayos pero pinilit niyang tumayo nang tuwid. Aatakihin na sana niya ang dark king para tulungan ako. Pero pareho kaming magulat dahil biglang may umatake dito mula sa likod. Kitang-kita ng mga mata ko ang mga dugong lumabas mula sa nagkabutas-butas nitong katawan. Malalaking air blades ang bumaon sa katawan nito. Napansin ko rin ang dugo na halos isuka ng dark king. Napaawang ang mga labi nito dahil sa sakit na naramdaman.

Inatake ito ng nine-headed air dragon ni Xyra. May kaunti pang bahid ng kadiliman sa kapangyarihan niya. Pero unti-unti na rin itong nawawala. Natuwa ako dahil tila bumabalik na sa normal s Xyra. Inipon ko ang buong lakas ko para lumayo sa dark king kahit nakabaon pa rin ang kamao niya sa tiyan ko. I was bleeding badly when I got away. Napangiwi ako dahil sa hapdi ng mga sugat na natamo ko. Now I could see the pain in the dark king's eyes. Hindi dahil sa mga sugat na natamo pero dahil sa ginawa sa kanya ni Xyra. He felt betrayed. Kung ako man ang nasa katayuan niya ay sobrang masasaktan din ako. 

Unti-unting naningkit ang mga mata niya pero napansin ko na pinipigilan niyang magalit. Maybe, he really like Xyra. He grew fond of her. Maybe, he's not really a coldhearted king of darkness. He was just looking for someone who could save him from the dark. Akala niya natagpuan na niya ito pero nagkamali siya. I felt sorry for him. I'm sure it was really painful. Mas masakit pa sa pagbaon ng mga air blades sa katawan niya ang ginawa sa kanya ni Xyra. The large air blades that stroke his body slowly disappeared. Dahan-dahan niyang hinarap si Xyra.

Halata sa mga mata ni Xyra ang pag-aalinlangan. Naaawa siya sa dark king. She couldn't stand to look at him that's why she looked away. Halatang nasasaktan siya para sa dark king. I'm sure she's regretting what she'd done now. Nasasaktan din ako dahil pakiramdam ko may puwang na sa puso ni Xyra ang dark king. Dapat ba akong matuwa na bumalik na sa panig namin si Xyra? Pero ngayong bumalik na siya sa katinuan, may kakayahan na siyang magdesisyon para sa sarili niya. She was now able to choose between us. Ipinagdadasal ko na sana ako pa rin ang piliin niya.

XYRA

Naalala ko na ang lahat dahil sa nakasisilaw na liwanag na nagmula sa bracelet. I called out for Clauss because I was relieved to see him when the lights disappeared. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. I was finally free from the darkness. Naramdaman ko na unti-unti nang naglalaho ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa katawan ko. Nagpanggap akong walang naaalala nang biglang sumulpot ang dark king.

Sa ilang araw na nakasama ko siya sa kastilyong ito, naramdaman ko ang kabaitan niya. He was taking care of me. He was watching and guarding me when I'm asleep. Like I was a precious jewel for him. Nang makita ko na sinaktan niya si Clauss, hindi na ako nagdalawang-isip na atakihin siya. Mag-iisip pa sana ako ng paraan para talunin siya o kaya ay kausapin siya pero hindi ko na nagawa. Ang naiisip ko na lang sa mga oras na 'yon ay ang pigilan ang dark king. Hindi ako papayag na patayin niya si Clauss!

Sigurado ako na kahit kausapin ko siya na pakawalan na ako ay hindi niya gagawin. He would fight for me until the end. Hindi siya makikinig dahil iniisip niya na ako lang ang tanging mayroon siya. Unti-unti kong pinaglaho ang mga air blades na bumaon sa katawan niya. He's immortal. It won't affect him even for a bit.

Dahan-dahan niya akong hinarap. He looked at me painfully. Hindi siya nasaktan sa air blades, nasaktan siya dahil sa ginawa ko sa kanya. I betrayed him. Ayos lang na magalit siya sa 'kin. Matatanggap ko. Pero ngayon, hindi ko inaasahan ang nakikita ko. I bit my lower lip because all I could see on his eyes were pain and regrets. Hindi siya galit sa ginawa ko. I looked away. Hindi ko maatim na tingnan siya sa mga mata. Nasaktan ko siya. 

Nagulat ako nang may maramdaman akong kakaiba. I felt that the ground beneath my feet was trembling. The whole castle was shaking. Unti-unti nang nasisira ang mga kisame at mga pader. Lumilindol nang malakas. Alam kong hindi si Akira ang may kagagawan nito kundi ang dark king. Guguho na ang kastilyo. Naalerto kami nang gumuho ang sahig na tinatapakan namin. I flew. Iniiwasan ko ang mga nahuhulog na tipak ng nagkawasak-wasak na pader.

"You choose to betray me but I'm not giving up. You just made me want you more. I'll take you away from him," seryosong saad ng dark king. Unti-unting naglaho ang mga sugat sa katawan niya nang palibutan ito ng itim na enerhiya.

"Run!" I told everyone. Gumuguho na ang buong kastilyo. Wala kaming balak na mailibing dito ng buhay. Akira was busting away all the things that was on his way. Sa labas ng kastilyo, tanaw ko na ang mga papalapit na dragon. Tumalon sina Xavier at Akira sa likod ng dragon ni Akira. Lumipad naman ako patungo kay Clauss. Pero hindi ko nagawang lumapit sa kanya dahil sa isang malakas na dark laser beam na dumaan sa pagitan namin.

"Let's meet outside," sabi ko na lang sa kanya. He nodded. Sumakay siya sa fire phoenix niya upang madaling makalabas sa kastilyo. Mabilis na rin akong lumipad palabas. Mula sa labas, tanaw na tanaw ko ang pagguho ng buong kastilyo. Marami pa ring nagliliparang paniki at uwak sa paligid. Halatang galit na galit sila sa 'min. Mabuti na lang nailabas din ni Akira si Selene.

"My Queen," he coldly whispered on my ear. Natigilan ako. Halos nakalapat na ang labi ng dark king sa tainga ko. I stiffened on my position. Pakiramdam ko tumigil bigla ang oras dahil sa kabang naramdaman ko. Hawak-hawak ng dark king ang mga balikat ko.

"Xyra!" nag-aalalang tawag ni Clauss sa pangalan ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Alam kong gustong-gusto nang sumugod ni Clauss. I wanted to talk to the dark king but also I'm scared of him. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito! Kung kakausapin ko ba siya, makikinig siya sa 'kin?

------------------------

TO BE CONTINUED...

Author's Note:

Yey! Nakapag-update din. Haha! Ang hirap magsulat kapag malapit na sa climax.. Malapit nang matapos eh >.< hahaha! Anyways, thanks sa lahat ng sumuporta sa WMA <3 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro