Chapter 39: Light
CLAUSS
Ilang segundo bago siya nakahuma sa ginagawa kong paghalik sa kanya. Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang labi niya. Akala ko tutugon na siya sa halik ko pero kinagat niya nang mariin ang labi ko. Tumigil ako sa ginagawa at napamura nang malakas. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Agad na humiwalay ang labi ko sa kanya. Marahas na pinunasan ko ang dugo sa labi gamit ang likod ng kamay ko. She glared at me and pushed me even further away from her. I think kissing her was no used. Wala man lang kahit kaunting tanda na naaalala na niya ako. This isn't a fairytale so I should not get my hopes high. Ako lang ang masasaktan.
"Who gave you the permission to kiss me?" galit na tanong ni Xyra. Mula sa dalawang kamay niya dalawang itim na medium-sized air ball ang pinalabas niya. Galit na galit siya dahil sa ginawa ko. Buong lakas na ihinagis niya sa 'kin ang isang air ball na nasa kaliwang kamay niya.
"It is me. I gave myself the permission to kiss you because you're mine," seryosong sagot ko. Mabilis na umiwas ako at tumakbo sa isang gilid. Naiinis ako dahil sa walang kabuhay-buhay na mga mata ni Xyra. Her eyes were also clouded with darkness. I was about to counterattack when she threw another air ball on my direction. Nagulat ako nang mahati ang air ball na 'yon at naghiwa-hiwalay sa mas maliliit na bola. Sobrang dami na wala na akong matatakbuhan pa para umilag. There's no time to run. I used my fire wall to shield myself. Sunud-sunod na pagsabog ang naganap. Akala ko hindi matitibag ang depensa ko pero nagkamali ako. Nabutas ang wall of fire na ginawa ko.
Dahil sa pagkagulat ko, hindi agad ako nakagalaw nang mapansin ko na lumilipad na patungo sa 'kin si Xyra. She was about to blow me up into pieces using her dark air dragon. Agad kong pinakawalan ang fire phoenix ko. Nakipagbanggaan ito sa dark air dragon ni Xyra. Napaurong ako dahil sa malakas na puwersa na nagmumula sa mga techniques namin. Halos liparin ako ng malakas na hangin na nagmumula sa air dragon. But my fire phoenix was trying to eat up the black air dragon. May malalaking fire spikes na pinapakawalan ang mga pakpak ng fire phoenix at tumama sa dark air dragon. Ang ibang hindi tumatama sa dark air dragon ay nakadirekta kay Xyra. Paulit-ulit na sinusugod ng fire phoenix and dark air dragon.
She was exerting so much effort to dodge it. And same applies for me. Matatalim ang mga air gust na pinapakawalan ng dark air dragon. Ginagawa ko ang lahat para ilagan ang mga ito. Pero dahil sobrang dami ng mga air gust na ito, hindi ako nakaligtas. Dumaplis sa binti, tagiliran at pisngi ko ang mga air gusts. Maging si Xyra ay hindi nakaligtas sa mga atake ko. I think, this fight is quite fair for now. Nagtamo rin siya ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan pero hindi ganoon kalala.
Dahil hindi na kinaya ng mga techniques namin ang pagbabanggaan. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Nilipad ako ng malakas na puwersang nabuo ng pagsabog palayo. Maging si Xyra ay nadala rin. Dusts filled the air. Napapikit ako. Halos tumama ang likod ko sa pader. Mabuti na lang napigilan ko ang pagtalsik ko. Hindi pa humuhupa ang pagsabog nang maramdaman ko ang sunud-sunod na dark air spears na lumilipad patungo sa direksiyon ko. I opened my eyes widely and my jaw tightens. Kumunot ang noo ko nang salubungin ko ang mga tira niya gamit ang mga fire spikes.
I ran towards her and dodged her attacks. I was moving as fast as I could. Malapit na ako sa kanya nang ibato ko ang malaking fire whip na ginawa ko sa direksiyon niya. Alam kong maiilagan niya 'yon. I boost my speed using the fire on my feets. Tumalon siya palayo sa fire whip at ginamit niya ang dark air shield niya para makaiwas sa malakas na pagsabog ng fire whip ko.
It's now my chance. Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya ako. Huli na nang humarap siya sa 'kin. I released my fire wolf and attack her. It was a direct hit. A critical one even though she tried to dodge it. Her body was slammed hardly on the floor. Malakas siyang napadaing. Ngayon ko lang napansin na halos mawasak na ang sahig at mga pader. Pinigilan kong magsisi sa ginawa ko kay Xyra. If I hesitate, I will lose. I could see that she was badly hurt. And I was hurting inside too. Halos masunog ang isang braso niya. Bumaba ako sa sahig. Gusto kong ipikit ang mga mata ko o kaya ay tumingin sa ibang direksiyon para hindi makita ang nangyari sa kanya. Naiinis ako dahil sinasaktan ko ang babaeng mahal ko. Hindi ko siya matiis. Gusto ko siyang lapitan at tulungan. Tumayo sa harapan ko ang fire wolf ko na handa akong ipagtanggol.
Hindi gumagana ang isip ko kung paano niya ako maaalala. Hindi ko alam kung paano aalisin ang kung ano mang ginawa ni Jeanne sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito sisirain para makaalala na si Xyra. Nakangiwi si Xyra. Halata ang paghihirap at sakit na nakaguhit sa mukha niya. Pinilit niyang tumayo kahit nahihirapan. Galit na tingin ang ipinukol niya sa 'kin nang makatayo siya. Hindi maayos ang tindig niya at nakalaylay ang isang braso niya. Pinilit niya itong igalaw pero nahirapan siya. Napadaing siya. I was hurt to see her struggles. Sinaktan ko siya. Ginamit niya ang isang kamay niya na hindi napuruhan. Maglalabas sana siya ng technique upang patuloy na lumaban sa 'kin pero natigilan siya. Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit.
"I'm sorry," nahihirapang bulong ko sa kanya. "Please, bumalik ka na sa dati. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. You said that you love me. Mahal na mahal din kita. Hindi pa ba sapat 'yon para bumalik ka? I thought, love can conquer all. O baka naman, hindi na talaga ako ang mahal mo?" frustrated na sabi ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't want to fight her anymore. Ayokong saktan pa namin ang isa't isa. Pilit niya akong itinutulak palayo pero alam kong nauubos na ang lakas niya. Nanghihina na siya.
"You're a fool for thinking that love always works and wins," naiinis na sabi ni Xyra. Naramdaman ko na lang ang isang matalim na bagay na bumaon sa tagiliran ko. Malakas akong napasigaw at napangiwi sa sakit. She made a dark air dagger to attack me. She gathered her strength and flew away from me. Ramdam ko ang dugo na lumabas mula sa malalim na sugat sa tagiliran ko. Sinapo ko ang tagiliran ko at marahas na lumingon sa kanya. Hindi ko ininda ang sakit. Bumaba siya sa sahig.
Muli niyang pinalabas ang dark air eagle niya. Ihinanda ko naman ang fire wolf ko para umatake. Naging alisto ako. Ikinumpas ni Xyra ang isang kamay niya. Lumipad patungo sa kinatatayuan ko ang dark air eagle. Nakipaglaban ito sa fire wolf ko at marahas na sumusugod. Hindi ko binigyan ng pansin ang natamo kong sugat. Tumakbo ako patungo kay Xyra. I released hundreds of fire spikes and attacked her. She use her dark air spears to counterattack. Sumasabog ang mga nagtatamang techniques na iniiwasan kong tumama sa 'kin.
Nang makalapit ako sa kanya, ginamit naman niya ang dark air dagger niya. Sunud-sunod na pag-atake ang ginawa niya pero nagagawa ko namang iwasan ang mga ito. She was aiming for my heart and vital organs. I stopped her left hand. The one holding the dark air dagger. Mariin kong hinawakan ang pulsuhan niya kaya nabitawan niya ang dagger at napangiwi. Bahagya akong kumalma nang mapansin ko ang bracelet na nasa kaliwang kamay niya. Niluwagan ko ang paghawak sa pulsuhan niya.
"Do you remember where you get this?" mahinahong tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa 'kin nang masama. She tried her best to resist but I stopped her. I pushed her against the wall behind her.
"Do I need to remember?" naiinis na tanong niya. Hindi na siya makapalag. Nanghina na rin ang dark air eagle niya kaya unti-unti itong naglaho. Natalo ito ng fire wolf ko.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi mo maalala kung saan mo ito nakuha? You must know by now that your memories are a bit off. May mga bagay kang nakalimutan. Think. You are being manipulated by your wrong memories," naiinis na sabi ko sa kanya. Unti-unti siyang tumahimik. Seryosong tumitig siya sa 'kin.
"As long as I'm with my king, I don't have to worry about small details. Masaya na akong kasama siya!" sigaw niya sa 'kin. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. I know, pain is now visible in my eyes. Alam kong nakikita niya pero halatang natutuwa siya na nasasaktan ako.
"You're so stupid. I don't know why I fall in love with you," mapait na sabi ko sa kanya. "I gave this bracelet to you. Can you see this?" tanong ko sa kanya. Ipinakita ko ang golden key na nasa kwintas ko kasama ng dragon pendant. "This is my proof. Ito lang ang tanging paraan upang mahubad mo ang bracelet na 'yan," patuloy na pagpapaliwanag ko. Napansin ko rin ang kwintas sa leeg niya. She's also wearing the dragon pendant. Good thing na hindi 'yon nawala.
"Let me go," naiinis na sigaw niya pero halata sa mukha niya na naguguluhan siya. Hinubad ko ang kwintas ko gamit ang isang kamay. Mabuti na lang hindi niya maigalaw ang isang kamay niya na nasunog. "I'll show you. I'll prove that you're mine," I said. I started to unlock her bracelet. Baka sakaling maniwala siya. Ito lang ang tanging ebidensiya na pwede mapanghahawakan ko. Nang magawa ko 'yon, nagulat at nasilaw ako sa liwanag na biglang lumabas mula roon. Maging si Xyra ay nagulat. Lumayo ako sa kanya dahil halos hindi ko na makita si Xyra. Narinig ko na lang ang malakas na pagsigaw niya. Tila nasasaktan siya nang sobra. Halos mapuno ang buong silid ng liwanag. Lalapitan ko na sana siya pero natigilan ako.
"Dad," someone called me. Boses ni Cyrus ang narinig ko sa utak ko. Kumunot ang noo ko.
"You opened it," natatawang sabi niya. Tila inaasahan na niyang mangyayari ito. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Ikaw ba ang may kagagawan nito?" tanong ko sa kanya.
"Yes. It can negate Jeanne's dark ability. May pag-asa na bumalik na ang alaala ni Mom," Cyrus said.
"Why didn't you tell me earlier?" naiinis na tanong ko sa kanya. Kung sinabi niya agad, sana 'yon na lang ang ginawa ko kanina pa. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Cyrus.
"It will not be exciting anymore. Sorry for playing around, Dad," naaaliw na sabi niya. Sumimangot ako. Mahirap isipin na pinag-trip-an ako ng sarili kong anak. Malakas na sumisigaw si Xyra. I could hear that she's breathing heavily. Halatang nasasaktan talaga siya. Hinintay ko na humupa ang liwanag bago siya lapitan.
"I'll confront you later but still thanks," sabi ko sa kanya. Ilang minuto ang hinintay ko bago unti-unting nawala ang liwanag. Nakaupo na si Xyra sa sahig at hinahabol ang hininga. Pagod ang mga mata na tumingin siya sa 'kin.
"C-Clauss," mahinang pagtawag niya sa pangalan ko. Lumiwanag ang mukha ko. Sa tingin ko naaalala na niya ako. Lalapitan ko na sana siya pero nagulat ako nang magkaroon ng malakas na pagsabog malapit sa 'min. Nawasak ang pader sa silid na kinaroroonan namin. Iniwasan ko ang malalaking tipak ng pader na nagkawasak-wasak at lumipad sa direksiyon ko. The dark king was standing in front of the damaged wall. Ano'ng nangyari kina Xavier? Bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ni Xyra at hindi ko alam kung paano niya ginawa 'yon. Hindi nasundan ng mga mata ko ang kilos niya.
Inilahad niya ang kamay kay Xyra, napansin ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Xyra. Akala ko hindi niya tatanggapin pero tinanggap niya. Maayos siyang nakatayo at mahigpit na niyakap ng dark king.
"Are you all right?" nag-aalalang tanong sa kanya ng dark king. Nadurog ang puso ko nang yumakap din pabalik si Xyra sa dark king.
"Yes," she answered.
I looked away. Sobrang sakit. Akala ko maayos na ang lahat pero hindi pa pala. Hinihingal na tumakbo patungo sa 'kin sina Akira at Xavier. Sugatan na rin sila.
"Sorry. He's powerful," nag-aalalang sabi ni Akira. Hindi ito ang oras para magsisihan. Hindi ako nagsalita.
"Shall I finish him now?" the dark king asked. Lumingon ako sa kanila. Masamang tingin ang ipinukol ko sa dark king. Kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't isa. The dark king was looking at me seriously with an intention to kill.
"Yes," walang pag-aalinlangan na sabi ni Xyra. Akala ko naalala na niya ako nang tawagin niya ang pangalan ko pero nagkamali pala ako. She's still under that damn dark power! Kung hindi sana dumating ang dark king baka tuluyan ko nang naibalik ang mga alaala niya. Ihinanda ko ang sarili ko dahil handa na ring umatake ang dark king. Maging sina Akira at Xavier ay naging alisto. We don't intend to die here. Hindi pa rin ako sumusuko kay Xyra. I don't intend to lose.
-----------------------------------
TO BE CONTINUED....
Author's Note:
Nag-update na ako :D hahaha! Saka na ulit. Thanks sa pagbabasa <3
Thanks Shance for the wonderful cover photo you made <3 I appreciate it a lot..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro