Chapter 3: Good News or Bad News?
XYRA's POV
Pagbalik ko sa classroom, saktong hindi pa dumadating ang professor namin at wala pa rin si Clauss. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Cyrus. Wala sa sariling umupo ako sa armchair ko at humalumbaba.
"Natulala ka na diyan? Kamusta? Nakita mo ba si Cyrus? Ang gwapo niya, 'no?" bulong sa'kin ni Frances na hindi ko namalayang nakalapit na pala.
"Gwapo nga," wala sa sariling sagot ko. Ni hindi ko siya nililingon. Iniisip ko pa rin kung nagkataon lang ba na halos magkamukha sina Clauss at Cyrus. Imposible naman kasing magkapatid sila.
"Napansin mo rin ba na may kamukha siya?" tanong ni Frances na umupo sa armchair ni Clauss.
Napalingon ako sa kanya. "Kamukha siya ni Clauss," tugon ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Frances sa sinabi ko. Sa tingin ko, ngayon lang niya na-realize na magkahawig sina Cyrus at Clauss. Napailing ako sa reaksiyon niya.
"What the! Kaya pala!" malakas na sabi ni Frances. Bigla siyang napatayo sa upuan nang pumasok si Clauss sa classroom. Nagtatakbo siya sa upuan niya sa likod at doon umupo. Napangiti ako sa pagkataranta niya.
Tahimik na umupo si Clauss sa armchair niya kaya napakunot-noo ako.
"Saan ka galing?" pag-uusisa ko.
"Diyan lang," sagot niya pero hindi tumitingin sa'kin. Sa labas lang siya ng bintana nakatingin kaya napasimangot ako. Mamamatay ba siya kung titingnan niya ako? Saka may lugar bang "diyan lang"? Saan 'yon? Nakakainis naman!
Mas pinili kong tumahimik na lang kaysa makipagtalo sa kanya. Mukhang wala naman siyang balak na magbigay ng matinong sagot. Tumayo ako para pumunta sa comfort room. Napalingon siya sa'kin nang marinig ang ingay ng upuan ko.
"May pupuntahan ka?" kunot-noong tanong niya.
"Oo. Bakit sasama ka?" mataray kong tanong sa kanya.
"Saan?" tanong niya.
"Diyan lang," pamimilosopo ko.
"Ano'ng diyan lang?" tanong niya habang nakaangat ang isang kilay.
"Diyan lang. Sa tabi-tabi," irap ko sa kanya sabay lakad palabas ng classroom.
"What?" narinig ko pang sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Akala niya siya lang ang marunong sumagot ng "diyan lang"? Ako rin kaya! Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko habang naglalakad ako sa corridor. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba.
"Tsk. Tsk. Pwede ba? Huwag kayong mag-away ni D-- Clauss. Ako ang napu-purwisyo sa inyo eh," naiiling na wika ni Cyrus.
"Kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ko nang lumingon ako sa kanya. Matipid na ngumiti siya sa'kin pero hindi niya ako sinagot. Napakibit-balikat ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod lang siya sa'kin na ikinainis ko. Nagtataka ako kung bakit niya kilala si Clauss. At paano niya nalamang nag-aaway kami? Saka bakit siya mapupurwisyo?
"Hanggang saan mo ba ako susundan? For your information, pupunta ako sa ladies room," inis na sabi ko sa kanya.
"I don't care. Balak talaga kitang sundan hanggang sa loob ng ladies room," kibit-balikat na sagot ni Cyrus na kasabay ko na ngayon sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
"Pervert!" sigaw ko sa kanya. Hahampasin ko sana siya nang malakas sa balikat pero bigla siyang naglahong parang bula. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid para hanapin siya. The next thing I know, he was already grinning in front of me. Hindi ko man lang nakita ang paggalaw niya para umiwas sa hampas ko.
"Sorry, kailangan kitang bantayan kaya susundan kita kahit sa loob pa ng ladies room," he winked. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Bakit kailangan pa niya akong bantayan? Ano ba'ng meron? Wala naman sigurong masamang mangyayari sa'kin sa loob ng ladies room?
"Get out of my way," mahina at naiinis na sabi ko sa kanya.
"Xyra!"
Napapitlag ako sa biglang tumawag sa'kin. Boses 'yon ni Clauss at halatang galit. Napalingon ako sa likod ko. He was standing there and was really upset. Naniningkit ang mga matang nakatingin siya kay Cyrus. Natatawang nagtaas ng dalawang kamay ni Cyrus na tila sumusuko.
Lumapit sa'min si Clauss. He's keeping his cool but I know he's really mad right now.
"Sino siya?" tukoy ni Clauss kay Cyrus. Hinawakan pa ni Clauss ang kamay ko kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. He's being possessive. Napalingon ako kay Cyrus na nakangisi na tila naaaliw sa aming dalawa.
"Ah, hindi ko alam. Dinala lang siya rito ni Bryan," sagot ko.
"Whoah! That hurts!" sabi ni Cyrus na napahawak pa sa tapat ng puso na tila nasaktan. Gusto kong mapailing sa kanya pero pinigilan ko ang sarili. "Anyway, I'm Cyrus," pakilala niya. Nakangiti siya nang nakakaloko kay Clauss. Tinitigan siya nang matagal ni Clauss. Napangisi si Clauss. He seemed like he found something interesting. Ibinaling ni Clauss ang tingin sa'kin.
"Saan ka pupunta?" takang tanong niya sa'kin.
"Ladies room," I answered. Hindi ko alam kung bakit parang binabalewala niya si Cyrus.
"Let's go. Samahan na kita," sabi ni Clauss. At hinila ako para maglakad. Napatingin ako kay Cyrus. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya sa ginawa ni Clauss. Nagkibit-balikat ako sa nakita at sumunod na lang kay Clauss.
"Next time, huwag ka nang lalapit at makikipag-usap sa kanya," seryosong wika ni Clauss habang naglalakad kami.
"Ha? Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"Basta sundin mo na lang ako. Huwag ka nang magtanong," inis na sagot niya.
"Uy! Nagseselos siya!" pang-aasar ko sa kanya. Tinitigan niya ako nang masama.
"I'm not. There's just this funny feeling I felt as I look at him. He resembled me a lot and it's scary," naiiling na wika ni Clauss na tila hindi makapaniwala. Napangiti ako sa reaksiyon niya. Tumigil kami sa harap ng ladies room. I entered and he waited outside.
Pumasok ako sa loob ng cubicle. Ilang minuto ang lumipas, tumayo ako at inayos ang sarili nang biglang magpatay-sindi ang ilaw. It's like I was in a horror movie. I flushed the bowl and get out. To my surprise there's a girl standing in front of me emitting a black aura. I almost gasped and screamed but I suddenly recognized her. Hindi siya katulad ng mga nakakatakot na nilalang sa horror movie. She's actually beautiful. She's the girl with the power of darkness but how come she didn't lose her power?
Nagulat ako nang may itim na puwersang pumalibot sa'kin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya hindi ako makakaiwas sa maaaring mangyari.
"Jeanne."
I heard someone said in a cold tone. Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Nakita ko si Cyrus na seryosong nakatingin sa babaeng nasa harap ko. Nakasandal siya sa dingding at nakahalukipkip. Paano siya nakapasok sa loob? Hindi ba nasa labas si Clauss at nagbabantay?
Ngayon ko lang napansin ang gulat na ekspresiyon sa mukha ng babaeng nasa harap ko pero agad ding napalitan ng pagkamuhi. She stared backed at me like she's saying that she will come back for my life. It gave me goosebumps. Pagkalipas ng ilang segundo, she covered herself with black smoke then disappeared.
Takang napalingon ako kay Cyrus. "Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya.
He grinned. "It's a secret," he said and in an instant he disappeared. Napaawang ang mga labi ko. Was he a ghost? Nagmamadaling naghugas ako ng kamay at lumabas. Nagtatakang tingin ang ipinukol sa'kin ni Clauss dahil sa pagmamadali ko.
"What happened? Bakit ka namumutla?" he asked. Marahan akong napailing at napahawak sa pisngi ko upang pisil-pisilin iyon. Hindi naman siguro ako nananaginip?
"Hey, are you alright?" takang tanong niya habang matiim na nakatingin sa'kin. He even grabbed my cold hands. Marahang napatango ako at kinalma ang sarili.
"Sorry, nagpatay-sindi kasi ang ilaw sa loob. Akala ko kasi may multo kaya natakot ako," palusot ko sa kanya. Although it's half of the truth. Napangiti si Clauss at napailing sa sinabi ko. "You're impossible," natatawang wika niya. Napakamot ako sa ulo nang akbayan niya ako. We headed back to our classroom. Sakto naman na dumating din ang professor namin nang makaupo kami.
Napaawang ang mga labi ko at unti-unting napatayo sa kinauupuan nang makita ang kasama ng professor namin. Halos hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon. Totoo ba ang nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip? Totoo bang buhay siya? Maging si Clauss ay hindi rin makapaniwala sa nakikita.
"S-Selene..." I called her name with trembling voice. I caught Selene's attention. Tumingin siya sa'kin na tila kinikilala ako. But suddenly, I almost gasped when she flashed her most wicked smile. That's the time when I felt that there's something wrong about her.
Is this a good news or a bad news?
-----------------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro