Chapter 28: Sense of Danger
XYRA
Monday. We're back on school. Masaya akong naglalakad sa corridor. Maganda ang gising ko dahil sa nangyari kahapon. I really had a great time with everyone. Pakiramdam ko ang gaan-gaan ng mga hakbang ko. Daig ko pa ang naglalakad sa alapaap. Parang wala akong problema dahil sa malapad kong ngiti sa labi.
Napansin kong makakasalubong ko si Frances kaya agad akong kumaway sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin at bahagyang kumaway.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ko sa kanya. Maya-maya lang ay may klase na kami.
"I have to go to the underground library. I have something to continue and finish," pabulong na wika niya sa 'kin. Tumango ako nang maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.
"Okay. Take care," I said. Tumango siya sa 'kin. Naglakad na ako pero bago pa man ako makalayo sa kanya, bumigat na ang pakiramdam ko. Natigilan ako at nahirapang ihakbang ang mga paa ko. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib. Pinilit kong lumingon kay Frances.
She's also catching her breath. Nahihirapan din siyang huminga. Nanghihinang napasandal siya sa pader at tumingin sa 'kin. Napansin ko na maayos naman ang ikinikilos ng mga taong nasa paligid namin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko at ni Frances.
"I'm sorry, Xyra. I can sense danger from you. I panicked and lost my control. My power was accidentally channeled to you. You can feel and see what I actually do. I need a little time to control it and calm down," paliwanag ni Frances. Napangiwi siya at napapikit nang mariin. Pilit niyang kinokontrol ang kapangyarihan niya. She can't do anything weird with a lot of students around us. Pero napapansin ko na rin ang mga nagtatakang tingin sa 'min ng mga dumaraang estudyante.
Napahawak ako sa ulo ko nang may iba't ibang imahe akong nakita sa utak ko. I can see the color of blood. But the image was now focus on the dark mist surrounding the whole academy and a beatiful pair of black wings. Although it's beautiful in my eyes, I could feel fear. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
After a few minutes, naglaho ang mga imahe sa utak ko. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Nakahinga ako nang maluwag. Agad kong nilingon si Frances habang ipinipilig niya ang ulo. Pilit niyang inaalis ang pagkabahala at pag-aalala sa mukha niya. Sa tingin ko, patuloy pa rin ang paglabas ng mga imahe sa utak niya dahil mas lalo siyang nahirapang huminga. Mahigpit siyang humawak sa dibdib niya at pilit kinakalma ang sarili.
Akmang lalapit na ako sa kanya pero naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit ba ako natatakot? Dahil ba sa katotohanang nakita ko ang sarili kong mukha na may dalawang pares ng itim na pakpak? Nanginginig na niyakap ko ang katawan ko. Wala sa sariling napatitig ako sa sahig. It can't be real. It can't be real! Ramdam ko ang malalaking butil ng pawis na namumuo sa noo ko.
"The time is near. Kapag naganap ang sunod na new moon, you'll be under the total control of darkness," wala sa sariling sabi ni Frances. "The Dark King is about to show himself soon," dagdag pa niya. Nilingon ko si Frances dahil sa huling sinabi niya. Napansin ko ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata. It was all black. It seems like she was not aware of what she's saying. She's just saying what she could see on the unexpected premonition.
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko. Pero natauhan ako nang biglang nawalan ng malay si Frances at bumagsak sa sahig.
"Frances!" halos pasigaw na sabi ko. Natatarantang nilapitan ko siya at hinawakan. Kinalong ko ang ulo niya patungo sa hita ko. May mga estudyanteng nagkagulo at agad na lumapit sa 'min. Tinulungan nila akong buhatin si Frances at dalhin sa clinic. Hindi ko alam kung paano ako nakapaglakad nang maayos sa kabila ng nanginginig kong tuhod at kumakabog na dibdib. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. I couldn't accept that I would bring destruction to everybody. We need to do something now!
Bago ako makapasok sa clinic napansin ko si Aira, ang fear projector. She smiled mischievously at me. Binasa pa niya ang mga labi niya. "I can sense your fear," makahulugang wika niya. Halatang nag-eenjoy siya sa takot na nararamdaman ko. Parang takam na takam siyang nakatingin sa 'kin. My fear was like food to her. "I'm excited to bring out the worst fear out of that," she said. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Pinilit kong supilin ang takot na nararamdaman.
"Even if you do, I'm sure you'll be easily defeated by all of us. Mas alam naming gamitin at kontrolin ang kapangyarihan namin kaysa sa inyo," I said with conviction.
"Acting tough, huh?" naaaliw na sabi niya sa 'kin. Naningkit ang mata ko sa inis. But I took a deep breath to control my emotions. I have to act tough. Even acting tough is strength. It's the only thing I can do right now. I have to guard myself from the enemy. Hindi ako pwedeng magpasindak sa kalaban. Hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman kong takot.
"If that's how you see things, then be it. Saka pa natin malalaman kung tama ka kapag dumating na ang tamang panahon," nakangising sabi ni Aira. Naiinis ako sa paraan ng pagngisi niya. Parang sinasabi niya na mali ako. Na niloloko ko lang ang sarili ko dahil sa pinaniniwalaan ko. I sighed. Malayo na siya pero ngayon ko lang napansin na sinusundan ko pala siya nang masamang tingin.
Pumasok na ako sa clinic. Umupo ako sa silyang katabi ng kama na kinaroroonan ni Frances. Nagpaalam na sa 'kin ang mga estudyanteng tumulong upang dalhin dito si Frances. Nagpaiwan ako. The clinic doctor checked her condition. He said that she just passed out because of stress and fatigue. Pero alam ko na may hinahanap pa na dahilan ang doctor na hindi niya matukoy. Alam niyang may kulang sa findings niya pero hindi niya masabi kung ano. Sa huli, nagkibit-balikat na lang ang doctor at tinanggap na lang na dahil sa stress at pagod kaya nahimatay si Frances.
Napalingon ako sa may pinto dahil sa mga dumating. Nakuha nila ang atensiyon ko dahil sa maiingay nilang yabag at boses. Sina Clauss ang dumating. Actually sina Troy at Claudette lang ang maiingay.
"Sino'ng nahimatay?" malakas na tanong ni Claudette.
"Silence please," seryosong sabi ng doctor. Hindi pa siya nakakalabas dahil humarang sa daan niya sina Clauss. Napangiwi si Claudette sabay nag-peace sign sa doctor. Nagbigay sila ng daan sa doctor upang makalabas ito.
Agad silang lumapit sa 'kin.
"Ano'ng nangyari?" seryosong tanong ni Clauss. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Natatakot ako. Naramdaman ko na tila may bikig sa lalamunan ko. Hindi ko mahanap ang boses ko. Hindi ako makapagsalita. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Alam kong kailangan nilang malaman.
"She had another premonition. A bad premonition," mahinang sabi ko. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko habang sinasabi 'yon. Alam kong nahalata ni Clauss 'yon kaya kumunot ang noo niya.
Tumingin siya sa mga kasama namin na tila interesado na sa mga sinasabi ko. He sighed.
"Lumabas muna kayo. And please call Bryan here," seryosong sabi ni Clauss kina Claudette. Sumimangot si Claudette pero hindi siya nagreklamo. Sumunod siya sa inutos ni Clauss. Lumabas silang lahat.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Clauss sa 'kin. I can clearly see his worried face. Umiling ako. Hindi ako maayos. Hindi ko kailangang itago sa kanya dahil mamaya lang tiyak na malalaman na niya ang mga nakita namin ni Frances.
Lumapit siya sa 'kin. He patted my head and sighed. Ihinilig niya ang ulo ko palapit sa kanya. Niyakap niya ako habang marahang hinahaplos ang buhok ko. Nakatayo siya. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Alam mo ba kung ano ang nakita niya?" mahinang tanong niya. Mahigpit na napahawak ako sa laylayan ng polo niya.
"Yes," nanginginig na sagot ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa 'kin. "Don't be afraid. I'm here," mahinang sabi niya. Wala na akong narinig mula sa kanya. Hindi na rin ako nagsalita. Isinubsob ko na lang ang mukha sa katawan niya. Kahit pilit kong inaalis ang takot na nararamdaman ko, hindi ko magawa.
Ilang minuto lang ay dumating na si Bryan. Kumalas na ako sa pagkakayakap ni Clauss. We have to do something and stop this to happen. Unti-unti na ring nagkamalay si Frances.
"What happened?" takang tanong ni Bryan.
Hindi ako nakapagsalita agad. Nag-alinlangan akong magpaliwanag dahil kaunti lang naman ang nakita ko. It was just an accident. Napalingon kami kay Frances nang magsalita siya. "I will explain everything. But first, let's get out of here," seryosong sabi ni Frances. Bumangon na si Frances sa kama.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko.
Tumango siya. "I'm fine now. Sorry about earlier. Hindi ko nakontrol ang kapangyarihan ko," she said.
"No, it's okay," pilit ang ngiti na sabi ko.
"Sa office na tayo mag-usap," sabi naman ni Bryan. Sumunod kami sa kanya. Ramdam ko na hindi rin mapakali si Frances. Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya. She felt uncomfortable.
Umupo si Bryan sa swivel chair niya nang makapasok kami. Umupo naman kami sa silyang katapat ng mesa niya.
"Can you explain everything now?" seryosong tanong ni Bryan. Huminga muna nang malalim si Frances. Tila humuhugot siya ng lakas ng loob para magsalita.
"I got a very bad premonition. Nagulat din ako sa nakita ko kaya hindi sinasadyang naapektuhan ng kapangyarihan ko si Xyra. She saw a glimpse of it. So there's no need to hide it anymore. This coming new moon, which is on Friday night, she'll fight between good and bad. Light and darkness. But the darkness will win if we don't do something about it. Masyadong magulo ang mga nakita ko. Kahit pigilan natin ang mga mangyayari sa kanya, maraming darating na kaaway. And when she's totally controlled by the darkness, the Dark King will show up himself. And we need to escape because he was too strong. Bago mag-Friday kailangang wala na ang mga estudyante. Pero hindi rin natin pwedeng hayaang mag-isa lang si Xyra. Mas madali siyang makukuha ng kadiliman kapag nagpabaya tayo," paliwanag ni Frances.
"What do you mean that she will fight between light and darkness?" kunot-noong tanong ni Clauss.
"She will fight her inner self. Magwawala ang itim na kapangyarihang natutulog sa kanya. Pilit siyang lalamunin nito. Malakas ang kapangyarihang lalabas sa kanya kaya hindi rin natin siya matutulungan. Masasaktan lang tayo," sabi ni Frances. Natakot ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang madamay ang mga taong mahal ko. Tumahimik ako sandali. Buo na ang desisyon ko.
"Remember the iron handcuff? Hindi ba mapipigilan nito ang paglabas ng ating kapangyarihan?" matapang na tanong ko. I have to do this para wala na silang maging problema sa 'kin. Pero ang problema, hindi ko naman sila matutulungan sa darating na mga kaaway.
Tumingin silang lahat sa 'kin. "Yes. It can. But I can't treat you like a prisoner," nag-aalinlangang sabi ni Bryan. Alam kong wala na siyang naiisip na ibang paraan para hindi lumabas ang itim na kapangyarihan ko.
"It doesn't matter. Kailangan nating mapigilan ang mangyayari. Ito lang ang tanging paraan. We can also use Xavier's power para mapigilan niya ang kapangyarihan ko. Kailangan niya akong bantayan kung sakaling hindi sapat ang iron handcuff upang pigilan ako," determinadong sabi ko. Hindi ko kayang mapunta sa kadiliman. I don't want to lose myself.
Saglit na natahimik ang mga kasama ko.
"Babantayan din kita," naiinis na sabi ni Clauss.
I looked at him. "No. Sabi nga ni Frances, maraming darating na kalaban. Kailangan ka sa laban, Clauss. Kaya na ni Xavier ang pagbabantay sa 'kin. You have to prepare for the fight. Kailangan ninyong magplano," seryosong sabi ko sa kanya. Natahimik siya sa sinabi ko. Kahit alam kong labag sa kalooban niya, wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang sinabi ko. It was for the sake of everyone.
"I think, I have to cancel all classes starting Wednesday. I can't risk every student's lives," seryosong sabi naman ni Bryan. "At Xyra, ayaw ko mang gawin 'to pero itatago ka muna namin sa underground basement. We have to secure you from any threats of the enemy," he said.
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Clauss. Alam kong hindi niya gusto ang gagawin nila sa 'kin. Pinisil ko ang kamay niyang nakakuyom. He looked at me with a worried face. I smiled. Everything will be alright soon. I hope.
"Yes, it's fine with me Bryan," sagot ko kay Bryan.
"So now, for our plan, we have to gather everyone and prepare," he said. Inutusan niya si Frances na hanapin sina Claudette at papuntahin sa opisina niya.
Nang makaalis si Frances,tumingin si Bryan kay Clauss. "You have the iron handcuff, right?" tanong niya.
"Yes, pero hindi pa naman kailangan, 'di ba? We can use it on Thursday," he said.
"Yes, we can. But if things come to worst, then we have no choice but to use it much earlier. Ipinapaalala ko lang sa 'yo. Be ready. Alam ko naman na ayaw mong may mangyaring masama kay Xyra. Just do what is right for now," seryosong sabi ni Bryan.
Malalim na bumuntong-hininga si Clauss. Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Tiningnan ko siya.
"I'm sorry," malungkot na sabi niya. I just nodded. Hindi masama ang loob ko. Ginagawa lang niya kung ano ang tamang gawin.
---------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro