Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Dark Power

AUTHOR's NOTE:

Hello everyone! Sobrang tagal ng update ko. Haha! Sorry. Anyways, I hope you all had a Merry Christmas! Late na ako sa pagbati. Thanks sa paghihintay ng Update. I hope to update this Holiday vacation haha.

Sorry medyo busy lang sa work. Nag-aadjust pa kasi. Love you all and God bless! Take care everyone. Enjoy reading!

~Missmaple

-------------------------------------

XYRA's POV

Lumipad ako. I directed air spears to Selene. Selene dodged it using her water wall.

"Too slow," she said. She directed water streams on my direction. Pinalibutan ako ng maraming water streams na unti-unting naging water tornadoes. The water tornadoes were dancing as they surround me.

There were five water tornadoes. Isa-isang sumugod ang mga ito sa akin na parang nagwawalang trumpo. I released my air eagle and directed wind talons to the water tornado but it was no used. Nakain lang ng water tornado ang wind talons na pinakawalan ng air eagle ko. Lumipad ako para makaiwas sa water tornado. Tumama ang isang water tornado sa isa pang water tornado. Dahil sa lakas ng impact ng pagtama nila sa isa't isa, hindi ko inasahan ang biglang paglipad nito sa direksiyon ko.

I released a strong air wall to dodged it. Napangiwi ako sa sobrang lakas ng puwersang nagmumula sa water tornado. I released my hurricane blades. Maybe it might help me to defeat Selene's water tornado. Bumangga ang hurricane blades ko sa water tornado. Halos liparin ako palayo dahil sa lakas ng banggaan ng mga ito. Kumakawala ang air blades ko dahil sa paggigitgitan ng dalawang techniques.

I was caught off guard when another water tornado hit me from behind. Dahil sa lakas ng atakeng 'yon, tumalsik ako at tumama ang katawan ko sa isang pader. Ramdam ko ang sugat na natamo ko sa likuran. I'm sure I was bleeding so bad. Pinilit kong tumayo nang tuwid pero napahawak ako sa pader.

"Hey, don't overdo it, Selene," sabi ni Clauss. Halata sa boses niya ang pag-aalala. I bited my lower lip. I felt so weak. Hindi pwedeng lagi na lang akong ipagtanggol ni Clauss. I have to learn to protect myself on my own. Nawala na ang mga water tornadoes at hurricane blades.

"Don't meddle on our practice, Clauss. She needs to learn. Masyadong malakas ang mga kalaban natin. Don't worry, she will not die here," mataray na sabi ni Selene. Humarap ako sa kanila. Clauss sighed and looked at me. He's worried.

Sumenyas ako sa kanya para sabihin na ayos lang ako.

"Just focus on your practice, Clauss. Selene's right," sabi ko. Napansin ko na kalaban niya sina Akira at Xavier. Kakampi naman niya si Troy. They're practicing their teamwork.

"I'm here so don't worry," sabi naman ni Cyril. "I can heal her anytime," dagdag pa niya. Tumango si Clauss. He looked away. He faced Akira and Xavier.

Napailing sa 'kin si Selene. "Let's continue," she said. I nodded. I can still feel the blood drifting from my wounds. Ininda ko ang sakit na nararamdaman. It's not the time to worry about that. I must return the favor to Selene.

I released a big whirlwind that damages everything it touches. Unti-unting nagbibitak-bitak ang sahig. Sumasama sa hangin ang mga nagkabitak-bitak na semento. Tumatalsik ang mga ito sa iba't ibang direksiyon kaya kinailangan nina Claudette na magtago sa earth shield na ginawa ni Akira para sa kanila. Maging sina Cyril at Frances ay ginawan ni Selene ng water shield.

"Hey! Baka masira mo ang academy, Xyra," natatawang paalala ni Xavier. Mabuti na lang mataas ang kisame kaya hindi ito naaabot ng whirlwind na ginawa ko. Ngumisi lang ako sa kanya. I hope to learn a new technique on this fight.

I directed the whirlwind to Selene. She tried to dodge it using her water snake. Napangiwi siya dahil sa sobrang lakas ng whirlwind. Unti-unti siyang napaurong. Nadaplisan siya ng isang matulis na tipak ng semento. Nagkaroon ng maliit na hiwa mula roon. Ginamit niya ang water shield upang maiwasan ang mga malalaking tipak ng semento na kasama ng whirlwind.

She released a big water tornado to counterattack. Nagtagisan ng puwersa ang dalawang techniques. Halos kainin ng whirlwind ang water tornado ni Selene. I released more energy to defeat her water tornado. Nagtagumpay akong masira ang water tornado niya. Agad na sinugod ng whirlwind ko si Selene.

Tumama ang whirlwind kay Selene pero nagulat ako nang malaman na isang water clone lang pala ni Selene ang inatake ko. Sumabog ang tubig sa sahig. I looked around. Mula sa likod naramdaman ko ang presensiya niya. I made an air dagger. I faced her and tried to stub Selene. Muli ay isang water clone lang ang inatake ko. Where is she?

Nagulat ako nang maraming water clones ni Selene ang pumalibot sa 'kin. I don't know who's the real Selene. They all looked like the real thing. Nag-concentrate ako. Sabay-sabay silang sumugod at naglabas ng mga water drills.

I released a high pressurized air waves in all direction to destroy the water drills. Maging ang ibang kasama namin sa loob ng training room ay naapektuhan ng puwersang pinakawalan ko. Tumalsik sa iba't ibang diretsiyon ang mga tubig mula sa mga nasirang water drill.

I released my air eagle and directed multiple air wings of blades to the five water clones. Still, the real Selene was not one of them. Bahagya akong napangiwi nang maramdaman ang pagkirot ng sugat ko sa likod. Hindi ko pinansin ang sugat ko.

Muling nabuo ang mga water clones.

"Still not good enough," sabi ng mga water clones ni Selene. I sighed. She's right. I'm still not good enough. But later I will be.

I gathered all my energy. There were nine water clones now. Sinubukan kong gumawa ng nine-headed air dragon. I know it's hard but I have to try. Hindi ko alam kung ilang buwang nag-practice si Clauss para sa seven-headed fire dragon niya pero kailangan ko ng mas malakas na technique ngayon.

I can feel the air flowing all over my body. I released too much energy to make a nine-headed air dragon. Nararamdaman ko rin na sumasakit ang sugat ko. There's also a strange heat building up inside my body. It's too different and I know something was wrong.

Nakikita ko na unti-unting nabubuo ang nine-headed air dragon sa harap ko pero may mali. Napansin ko na kulay itim ang mga mata ng bawat ulo ng nine-headed air dragon na ginawa ko. It should be white right? I can say those eyes are scary beautiful.

When I successfully released the technique, the nine-headed air dragon turned to me. I noticed that its black eyes glowed as if it's ready to hunt its prey.

Dark energies started to surround me. I can't move.

"Xyra!" malakas na tawag nina Clauss.

I tried to use my air shield but I noticed the black marks starting to show up in my arms. Hindi pa pala talaga ito nawawala. Kinabahan ako bigla. Clauss tried to protect me using his fire phoenix. Inaatake niya ang itim na puwersa na nagtatangkang pumalibot sa 'kin.

Maging sina Xavier ay tumulong na rin. The dark power disappeared when Xavier used his heaven power. The darkness power was disabled. Wala nga palang gumaganang magic power kay Xavier. But the black marks are still present in my body. The nine-headed air dragon roared in madness. It was now out of control. Lahat ng mga bagay na mabalingan nito ay inaatake nito. Everyone of us needs to shield ourselves because of its destructive power.

Nakalapit na sa 'kin si Clauss. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. I nodded but I know I'm not. Isang hindi pamilyar na init ang gumagapang sa buo kong katawan. It was dwelling inside me. I know the darkness was trying to control me. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin at ipapaliwanag kay Clauss ang nangyayari sa 'kin.

"I think darkness is starting to overwhelm and control me," mahina at natatakot na sabi ko. Mahigpit kong niyakap ang sarili ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. My body was so hot. And I feel like this unfamiliar power will tear me down to pieces anytime.

"Everyone, try to stop the air dragon. Xavier, seal it's power," utos ni Clauss. Lumapit sa 'min sina Cyril at Frances. Mahina akong napadaing dahil sa sakit na namumuo sa kalamnan ko. Hindi naman malaman ni Clauss ang gagawin sa 'kin.

Cyril tried to heal my wounds first. Iniabot naman ni Frances kay Clauss ang iron handcuff na ibinigay sa kanila ni Bryan kanina.

"If things get worst, we have not choice but to seal your power," sabi ni Frances sa 'kin. Napansin ko ang paghihirap sa mukha ni Clauss. Alam kong ayaw niya sa gagawin.

"I can't tell whether you're already possessed by the darkness or not," sabi ni Cyril. "I don't have any cure for that."

Napangiwi ako dahil pakiramdam ko sinusunog ng dark marks ang bawat parte ng katawan ko na dinadaanan nito. I can feel that I will lose my consciousness anytime. Nanghihina na rin ako. Muntik na akong bumagsak sa sahig pero nasalo ako ni Clauss. Pinilit kong ngumiti sa kanya. He was troubled and worried. Unti-unti akong nawalan ng malay. Ang huli ko na lang naaalala ay ang pagtawag ni Clauss sa pangalan ko.

****

I was already in my room when I opened my eyes. Naalala ko ang nangyari kanina. Agad kong sinipat ang buong katawan ko. I sighed in relief when the black marks already disappeared. Napansin ko si Clauss na nakasubsob ang ulo sa gilid ng kama ko at nakaupo sa isang silya. Tulog na tulog siya. Napansin ko na madaling araw na pala. Halatang binantayan niya ako.

Marahan kong hinaplos ang ulo niya. Siguro hirap na hirap na siya sa pagbabantay sa 'kin. I'm making him worry too much. Sana hindi siya mapagod sa mga nangyayari sa 'kin. I'm afraid that one day he will give up on me because of what's happening.

Naramdaman ko ang paggalaw ng ulo niya. Mukhang nagising ko siya dahil sa ginawa ko. He looked at me with his cute sleepy eyes. I smiled. He's adorable. Unti-unti siyang natauhan nang ma-realize na gising na ako.

Napaupo siya nang tuwid. He looked at me with a worried face.

"Ayos ka na ba? May masakit ba sa 'yo? Gusto mo bang tawagin ko si Cyril?" sunud-sunod na tanong niya. Sinenyasan ko siyang huwag siyang maingay. Baka kasi magising namin si Frances.

"Wala namang masakit sa 'kin," bulong ko. "Huwag kang maingay. Baka magising pa natin si Frances," nakangiting paalala ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Sigurado ka ba na ayos ka na?" nagdududang tanong ni Clauss. I nodded and smiled. Pakiramdam ko naman maayos na ako ngayon. Hindi ko lang sigurado kung magiging maayos pa ako sa mga susunod na araw.

"Matulog ka na sa room mo," sabi ko sa kanya. He frowned and crossed his arms. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"How can you say that? Wala ka man lang consideration. Binantayan kita magdamag," reklamo niya. Napakunot-noo ako. Ano na naman ang gusto niya?

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"You should have said 'Matulog ka na sa tabi ko' instead of 'Matulog ka na sa room mo'. You should be considerate," parang batang sabi niya. Napatapik ako sa noo ko. My face flushed red. He's so cute.

"Fine. Matulog ka na sa tabi ko," pag-ulit ko sa sinabi niya. He smiled from ear to ear.

"That's better," he said. Agad siyang tumabi sa 'kin. Baliw talaga ang mokong na ito.

"Matulog na tayo, baby," sabi niya. Hinila pa niya ako pahiga at niyakap. My heart was too overwhelmed by love. I felt secured in his arms. Kahit hindi ko alam kung paano namin malalagpasan ang lahat ng problema namin.

"Clauss," mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmmmm?" tanong ni Clauss.

"Hindi mo ako iiwan, 'di ba?" bulong ko.

"Never," he said.

"Promise 'yan ha?" nakangiting pangungulit ko sa kanya.

"Promise. Huwag ka ng masyadong makulit. Inaantok na ako. May practice pa tayo bukas. Under observation ka pa rin kaya maraming itatanong sa 'yo sina Cyril," mahinang sabi niya. He moved and hug me tighter. I pouted. Maybe he's really tired and drowsy.

"I love you," he whispered and kissed my forehead.

"I love you, too," I answered as I closed my eyes.

------------------------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro