Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: You Belong To Me

CLAUSS' POV

Naalerto ako nang lumabas na sina Elysha sa loob ng black box. Agad na lumayo sa 'kin si Jeanne.

"It's over," Jeanne said. Nawala ang black box at nakita ko si Xyra na nakahandusay sa lupa. Walang malay at duguan. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya at punong-puno ng pag-aalala.

"Let's go," seryosong sabi ni Jeanne. They all disappeared in a blinked of an eye. Naiinis ako dahil wala man lang akong nagawa para ipagtanggol si Xyra. Maingat na binuhat ko si Xyra. Napansin ko ang paghihirap sa mukha niya. I gritted my teeth. Kailangan kong mas maging malakas para matalo si Jeanne. Naaawang tumingin ako sa mukha ni Xyra. I promised that this incident will never happen again.

Bumalik ako sa academy. Dinala ko muna sa dorm si Xyra at iniwan siya sa kama niya. Hinanap ko si Cyril dahil kailangan niyang magamot agad si Xyra. Mabuti na lang, mabilis ko siyang nakita. Kahit nagtataka ay sumama siya sa 'kin. 

"What happenned?" tanong ni Cyril habang isa-isang tinitingnan ang mga sugat ni Xyra. Nagulat pa siya sa mga natamong sugat ni Xyra. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Biglang sumeryoso ang mukha ni Cyril.

"A snake bite?" tanong niya habang nakatingin sa tagiliran ni Xyra. Agad akong lumapit para tingnan ang sinasabi niya. Bigla akong kinabahan. Hindi ko ito napansin. Paano kung kumalat na pala ang kamandag sa katawan ni Xyra?

Napahilamos ako sa mukha dahil sa frustration. Nasuntok ko nang malakas ang pader. I should have checked it myself. Bakit ba hindi ko naisipang tingnan ang mga sugat niya?

"You should have asked for back up. Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa mga sugat niya. Mukhang hindi pa tuluyang kumakalat ang kamandag. Kaya ko pang gamutin ito," sabi ni Cyril. She started to heal Xyra. Itinapat niya ang kamay sa bawat sugat sa katawan ni Xyra.

"Lalabas muna ako. I have to talk to Bryan," sabi ko. Tumango si Cyril. Agad akong pumunta sa opisina ni Bryan. The enemies are too strong for us. He needs to know that.

AKIRA's POV

I was hoping to see Selene while walking outside the campus' building. She's avoiding me, I can tell. Ilang araw ko na rin naman siyang kinukulit kaya siguradong naiinis na siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maalala niya ako.

Napakunot-noo ako nang mapansin na lumabas ng kagubatan si Selene. She has this irritating smile on her face. Kinabahan ako. May nangyari ba? Tumakbo ako palapit sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad nang makita ako. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Tumigil ako, isang metro ang layo sa kanya.

I know she's already fed up with my persistence.

"Selene," nag-aalangang tawag ko sa pangalan niya. She crossed her arms and looked at me.

"Again? What do you want?" mataray na tanong niya. Napabuntong-hininga ako. Paano ko ba sasabihin na gusto kong bumalik na siya sa 'kin kung hindi man lang niya ako naaalala? I looked intently at her. She was irritated. 

"Don't you think it's not the right time to talk to me? You have more important things to worry about," nakangising sabi ni Selene. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Kinabahan ako nang magsalita siyang magsalita.

"Xyra and Clauss fought with Jeanne and the others. Xyra is badly hurt. I'm sure, hindi mo magugustuhan ang sunod na mangyayari sa kanya," makahulugang wika niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano ang nangyari? Kung kasama niya si Clauss, walang magiging problema. Tiyak na hindi papayag si Clauss na may mangyaring masama kay Xyra. Hindi ko na sila kailangang puntahan. I have to take care of Selene. Kailangan kong maibalik si Selene. Kahit ito man lang ang maitulong ko sa kanila. Nakipaglaban sila kina Jeanne para sa lahat. Ngayon, gagawin ko naman ang makakaya ko.

Akmang lalampasan ako ni Selene pero pinigilan ko siya sa braso. Gagawin ko ang lahat para maalala niya ako o kami sa kahit anong paraan.

"Do you want to die?" inis na sabi ni Selene. Napangiti ako. She's stubborn as ever. Well, I can use it against her. Tiyak na mamaya lang hindi na siya makakatiis at kakalabanin na ako. 

"Sure. Kung babalik ka na sa dati, why not?" nang-aasar na sabi ko sa kanya. 

Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Pinilit niyang alisin ang kamay ko na nakahawak sa kanya. I think, it will be dangerous to fight in front of the campus. Maraming makakakita sa 'min. Hinila ko siya papasok sa kagubatan. I released my earth fox. Nagulat siya nang isakay ko siya sa likod ng earth fox. Agad na tumakbo ang earth fox nang makasakay ako.

"What are you doing?" sigaw ni Selene. Hindi ko siya sinagot. Sunud-sunod na pinaghahampas niya ang dibdib ko pero hindi ko ininda. 

"Sinusubukan mo talaga ako?" galit na sigaw ni Selene. Agad akong napatalon palayo sa earth fox nang biglang magbato ng water ball si Selene sa 'kin. Tumalon si Selene palayo at sinalo siya ng black water snake niya. Sumakay siya roon. Bumalik ang earth fox ko sa kinaroroonan ko.

Tumigil kami sa isang malawak na lugar na malapit sa bangin. It's better than a place near a body of water. It will be a disadvantage for me.

"Ano ba ang ginawa sa 'yo ni Jeanne? I hate your power now. Mukhang wala itong kabuhay-buhay," sabi ko. Just like her eyes. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon doon. I wonder if she's still thinking clearly. O pati ang isip niya ay kontrolado rin ni Jeanne? Sana naman ay hindi kundi mahihirapan talaga akong ibalik siya.

"Wala ka ng pakialam. Sino ka ba? You're just a nobody," mataray na sabi niya. Medyo nasaktan ako. I controlled my emotions. Alam kong wala siya sa sarili kaya niya nasasabi ang mga bagay na ito.

"Hayaan mong ipaalala ko sa 'yo kung sino ako," sabi ko. Inihanda ko ang earth fox ko para lumaban. Ayaw ko mang saktan siya pero kailangan kong gawin. It's for her own sake.

Bumaba siya sa black water snake niya. Mabilis itong sumugod  patungo sa 'kin pero nilabanan ito ng shockwave mula sa earth fox ko. Kasing lakas ng lindol na magnitude seven ang nailabas nitong kapangyarihan. Maging ang lupang kinatatapakan namin ay nayanig. Tiyak na umabot din ito sa academy. I must not be careless. Baka tuluyang masira ang academy sa ginagawa ko.

Nawasak ang black water snake sa maliliit na butil ng tubig. Umulan sa buong paligid. Unti-unti kaming nabasa ni Selene. The water drops turned blue. Nagtaka ako. The black aura surrounding the water is darkness. Humiwalay ito sa tubig. Unti-unting naglaho ang itim na usok sa hangin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito pero nagkaroon ako ng hinala. The water didn't really turn black. May masamang aura lang na kumukontrol dito. It was darkness. Ito ang pumipigil kay Selene na bumalik sa 'min.

I must not let my guard down. Kailangan kong makalapit kay Selene. Kailangan kong basagin ang bagay na humaharang sa puso niya para makilala niya akong muli.

She gritted her teeth in anger. Inilabas niya ang black water dragon niya. She attacked me with all her strength. She's losing her cool. That's what I've been waiting for. Tiyak na mahihirapan na siyang mag-isip nang tama.

I released my earth dragon para mapantayan ang black water dragon niya. Habang naglalaban ang earth dragon at ang black water dragon, nagpaulan ako ng earth spikes sa direksiyon ni Selene. She dodged it with her black water shield.

Biglang may lumabas na earth spikes sa kinatatayuan ni Selene. Hindi niya inaasahan na gagawin ko 'yon pero nakatalon siya bago pa siya matamaan. Nagkaroon siya ng konting galos sa  gilid ng hita. May kaunting dugo na namuo roon. Halatang lalong nagalit si Selene. She hit me with her black water bombs pero agad akong nakasakay sa earth fox ko. Desperado na akong makaalala siya.

Naglalaban pa rin ang earth dragon at black water dragon namin. It seems na pantay lang ang lakas ng mga 'yon. Naglabas ako ng earth cannon. Sunud-sunod kong inatake si Selene. Malakas na sumasabog ang mga cannon balls. Sinubukang sanggahan ni Selene ang mga ito gamit ang black water shield niya pero sumasabog lang ito. May ilang cannon balls na nakalusot patungo sa kanya.

Napangiwi si Selene nang madaplisan siya ng isang cannon ball. Bumagsak siya sa lupa. She's hurt and wounded. Nag-aalalang lumapit ako sa kanya. Nagulat ako sa isang black water bullet na dumaplis sa pisngi ko. She formed her fist into a gun and shot me. Naramdaman ko ang dugo na lumabas mula sa sugat. Not bad. Agad kong pinunasan ito.

Parehong naglaho ang earth dragon at black water dragon namin. Parehong nasira ang dalawang techniques. Lumipad sa iba't ibang direksiyon ang malalaking tipak ng lupa at ang tubig na iniiwasan ko. Ginamit niya ang pagkakataon. Sunod-sunod niya akong inatake. Iniwasan ko ang mga water bullets niya pero patuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya. Tatayo na sana siya pero may pumulupot na lupa sa dalawang paa niya. Natigil siya sa pagbaril sa 'kin. Pilit niyang inaalis ang lupa na pumipigil sa mga paa niya.

Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. I held her hands to stop her. Nagpumiglas pa rin siya. I have no choice so I pinned her down the ground. Hawak ko ang magkabilang kamay niya habang matiim na nakatitig sa kanya. Pilit pa rin siyang nagpupumiglas. Alam kong nasasaktan siya sa ginagawa ko pero ito lang ang paraan na alam ko.

"Stop Selene!" mariing sabi ko sa kanya. "Stop and please come back to me," mahina kong sambit. Ngayon ko lang siya muling natitigan nang malapitan. I really missed her. Sobrang sakit na hindi niya ako naaalala. Parang sinasaksak ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya pero hindi ko man lang siya maabot o malapitan.

Tiningnan niya ako nang masama. "Come back? I don't belong to you!" malakas na sigaw niya. Mapait akong napangiti. 

"You belong to me once, Selene," malungkot na sabi ko. May pumulupot na lupa sa isang pulsuhan niya. Binitawan ko ang isang kamay niya at hinaplos ang mukha niya pero halatang tutol siya. "Do you not still remember? You said, you don't belong anywhere. Na walang lugar na nababagay para sa 'yo at walang tatanggap sa 'yo. I said, you are wrong. Because you don't belong to any places. You belong to me. Only me," naiiyak na sabi ko. I touched her lips. I'm tempted to feel it again. Naramdaman kong natigilan siya at natulala.

Unti-unting inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Halos isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin nang matauhan si Selene.

"I don't belong to anyone," mahinang sabi niya na tila kinukumbinsi ang sarili. Sana talaga magising na siya at bumalik na sa dati. I cupped her face.

"I have to take back everything that belongs to me. Including you," I whispered. I claimed her lips. Sa una nagpoprotesta siya. Nagpupumiglas siya pero ramdam ko ang panghihina niya. Ilang segundo lang ay nagpapaubaya na siya. These sweet lips are making my heart beat fast. I miss her so much.

------------------

TO BE CONTINUED...

Sorry. Bibitinin ko muna kayo.. Thanks sa lahat ng nagbabasa ng WMA.. Mwaaahugsss.. Hart hart.. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro