Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Death Invitation

Dedicated to NicxSujuELF.. Thanks for the book cover! <3 Mwaah!

________________

CLAUSS' POV

"Saan ka galing?" takang tanong ni Xavier pagpasok ko sa kwarto namin.

"Diyan lang," kibit-balikat kong sagot. Agad akong humiga sa kama ko. Ipinatong ko sa noo ang likod ng kamay ko bago pumikit. Wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Akala ko tatahimik na siya pero mali ako.

"Did you hear that loud explosion, a while ago?" nag-uusisang tanong ni Xavier. I opened my eyes and stared on the ceiling. 

I heaved a deep sigh. "Yes," I answered, shortly. Masama ang kutob ko sa pagsabog na 'yon. Nababahala rin ako sa dagger na hindi ko alam kung saan at kanino nanggaling. Kinapa ko sa bulsa ang pulang tela.

"Ano sa tingin mo ang nangyayari? Pumunta si Bryan sa lugar kung saan nangyari ang pagsabog. Isinama niya sina Akira at Troy," seryosong sabi ni Xavier. Alam kong may masama rin siyang nararamdaman sa mga nangyayari. Umupo ako sa kama at sumandal sa dingding malapit sa bintana.

I noticed the red sky. Napakunot-noo ako. How can there be a red sky? I didn't noticed it on the rooftop. Kinuha ko ang pulang tela na nasa bulsa ko at muling binasa ang nakasulat doon. Napansin ko ang seryosong tingin sa'kin ni Xavier nang mapalingon ako sa kanya.

"Do you know what's happening?" tanong niya sa'kin.

"Wala. I just thought there's something wrong with the sky," I said as I looked back at the sky. Takang lumapit si Xavier sa bintana at binuksan 'yon. Itinupi ko ang tela at inilagay sa ilalim ng unan ko. Seryosong tingin ang ibinaling sa'kin ni Xavier.

"It's because of the moon. It's red as blood. It's the first time I saw a red moon. Maybe, something dangerous and tragic will happen," he said. Umupo siya sa kama ko at malalim na nag-isip.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Hindi ko ipinahalata ang kabang bigla kong naramdaman. It's impossible. Wala na kaming kapangyarihan kaya imposibleng magkagulo pa kami.

"You're thinking too much. Matulog ka na nga. And hey, I'm not sure what will happen these days so make sure to protect my sister," sabi ko sabay bato sa kanya ng unan para umalis siya sa kama ko.

"Alam ko na kung sino ang pinagmanahan ng kapatid mo," naiiling pero natatawang sabi ni Xavier. Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya?

"I'm not a brat," sabi ko bago humiga sa kama. Mahinang natawa si Xavier.

"Not that. Pareho kayong bayolente," natatawang sabi niya. Humiga ako patalikod sa kanya. Tipid na napangiti ako. Maybe, he's having a hard time dealing with my sister's attitude and tantrums. 

"Hindi ka talaga naku-curious sa nangyayari?" pahabol pa ni Xavier. The truth was I'm curious. But there's always a right time to discover things. Hindi ko kailangang magmadali kung gusto kong makakuha ng magandang resulta.

"No. I just want to have a good night sleep," I said then closed my eyes. I heard him sigh but he didn't say anything. Nagkunwari akong natutulog pero ang totoo, iniisip ko ang nakasulat sa pulang tela. Kanino nanggaling 'yon? Was this some kind of sick joke? I silently smirked. I need to know who's behind this. Let's see who will dug his own death grave. It's probably not going to be me.

XYRA's POV

MONDAY

Inaantok pa ako habang naglalakad papunta sa classroom. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa pag-iisip kung ano nga ba ang nangyayari. Pagpasok ko sa classroom, wala pa si Clauss. Nagtatakang umupo ako sa armchair ko. Papasok ba siya? 

I checked my bag to get my phone. Napakamot ako sa ulo ko nang hindi ko ito makita. Siguradong naiwan ko ito sa kama ko dahil sa pagmamadali. Ilang minuto na lang, magsisimula na ang klase namin. Tinanghali ba siya ng gising? I sighed when our professor entered the room. He's probably not attending class, now.

Napapalingon ako sa armchair ni Clauss habang nagkaklase ang professor. Nakahalumbaba na ako sa buong klase. It was breaktime when I decided to go to his dorm.

"Xyra, saan ka pupunta?" takang tanong ni Xavier nang makasalubong ako. Naalala ko na roommates nga pala sila ni Clauss.

"Si Clauss?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Napakunot-noo si Xavier sa'kin na ipinagtaka ko. May mali ba sa tanong ko?

"Maaga siyang umalis kanina. Hindi ba siya pumasok?" takang tanong ni Xavier. Marahan akong napailing. Maaga siyang umalis? Saan siya pumunta?

"Ah, salamat. Baka may importante siyang lakad," sabi ko at naglakad na pabalik sa classroom. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Xavier dahil parang nagmamadali rin siya. 

I attended the next class but still, Clauss was not around. Siguro naman maayos lang siya? Malaki na siya para mapahamak. I sighed when the bell rings. Lunch break na kaya lumapit sa'kin si Frances.

"Wala pa rin si Clauss? No wonder, you're wearing such a long face," naiiling na wika ni Frances. Tumayo na ako sa armchair ko at nauna nang lumabas sa classroom. Mabilis na humabol sa'kin si Frances.

"Grabe, daig mo pa ang namatayan sa itsura mo. Teka, akala ko ba ngayon natin makikilala ang transferee student?" takang sabi ni Frances pero hindi ako nagsasalita.

"Nice talking," Frances said sarcastically as she rolled her eyes. Tiningnan ko lang siya saglit bago tuluyang pumasok sa cafeteria. Naiiling na sumunod si Frances sa'kin.

"Pumunta nga pala ako sa office ni Bryan kanina. He checked the place where the explosion happened together with Akira and Troy. Sabi niya may bumagsak daw na maliit na comet pero mukhang imposible naman 'yon. Ang nakakapagtaka, may kasama na silang lalaki pagbalik nila. Hindi naman siya estudyante dito," pagkukwento ni Frances.

Dahil sa sinabi ni Frances, interesadong napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala na ba silang nakitang kakaiba kundi ang lalaking sinasabi mo lang?" tanong ko.

"Tse! Hindi kita sasagutin dahil hindi mo naman ako pinapansin kanina. Magdusa ka," irap niya sa'kin. Inungusan niya ako at nauna nang bumili ng pagkain kaya napahabol ako.

"Sino ang lalaking sinasabi mo?" pangungulit ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita kaya napakamot ako sa ulo ko. Wala na akong nagawa kundi bumili muna ng pagkain. Magkatapat na kaming nakaupo sa mesa ngayon pero wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Nahahalata ko na pinipigilan niya ang ngiti dahil sa pangungulit ko. Napabuntong-hininga ako dahil pinagtitripan na niya ako. Tahimik akong sumubo. Mukhang wala akong makukuhang sagot mula sa kanya.

"Cyrus ang name niya. Hindi ko na alam ang ibang detalye tungkol sa kanya. Maybe, you can ask Bryan about him," kibit-balikat na sabi ni Frances. Cyrus? Parang may kakaibang dating ang pangalan pero nagkibit-balikat ako. Wala naman kasi akong kilalang Cyrus.

"Actually, may kamukha ang Cyrus na 'yon, pero hindi ko lang maalala kung sino. Parang nakita ko na siya somewhere," napapaisip na sabi ni Frances habang sumusubo. Bigla akong na-curious sa sinabi niya. Siguro, kailangan ko ngang kausapin si Bryan para makita ko mismo ang sinasabi niyang lalaki. Matapos kumain, hindi na ako sumabay kay Frances patungo sa classroom. Tinungo ko agad ang office ni Bryan.

Kumatok ako bago binuksan ang pinto. Nakita ko si Bryan na nakapikit habang nakasandal sa swivel chair. Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman niya ang presensiya ko.

"Xyra, is there something you need?" takang tanong niya sa'kin. Inilibot ko ang mata ko sa office niya. Sa isang mahabang sofa, may isang lalaki na kampanteng natutulog doon. May kakaibang kaba ang bumundol sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Sigurado ako na hindi ko siya kilala.

"Who is he?" mahinang tanong ko kay Bryan nang umupo ako sa silyang nasa harapan ng mesa niya.

"Cyrus, why? Hindi ko alam kung saan siya nagmula. According to him, he was walking in the forest when a comet accidentally landed there. It sounds impossible, right? May kaunting galos siyang natamo kaya isinama ko na siya rito," sagot ni Bryan. 

"He looks familiar, though," mahinang sabi ni Bryan na tila nag-iisip kung saan niya ito nakita.

Lumingon ako sa lalaking nakahiga sa sofa. Nakaharap ang sofa sa direksiyon ko kaya malaya kong nakikita ang lalaki. I gasped when he slowly opened his eyes and looked at my direction. That gesture was quiet familiar. I suddenly thought he's someone I know for almost a long time. Halos mapatayo ako sa kinauupuan nang bumangon siya at umupo sa sofa.

Tumingin siya sa'kin habang simpatikong nakangiti. He really looks familiar. He acts just like Clauss. And right there, I realized that his facial features were almost the same as Clauss'. Halos magkamukha sila.

"Ah, may k-klase pa ako Bryan. Alis na ako," nauutal na paalam ko kay Bryan bago nagmamadaling lumabas sa office. Hindi na ako nagtangkang lumingon pa kay Cyrus. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. How come someone like him exists? Parehong-pareho talaga sila ni Clauss. I wonder how will Clauss react upon seeing Cyrus.

CLAUSS' POV

Maaga akong umalis sa dorm para pumunta sa kagubatan. I think, the one who threw the dagger was still here, somewhere. Nakita ko rin ang malaking butas sa lupa. Tiyak na doon nangyari ang malakas na pagsabog pero sigurado ako na hindi doon nanggaling ang dagger.

I walked towards the opposite direction. Sa masukal na kagubatan ako napadpad. Natitiyak ko na sa direksiyong ito nagmula ang dagger. Nakiramdam ako sa paligid. Ramdam ko na may mga matang nakatingin sa'kin. Tiningnan ko ang bawat puno sa paligid. I know someone was here.

May narinig akong kaluskos mula sa likuran ko. Agad akong napalingon doon.

"Are you looking for me?" tanong ng isang babae habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Kumunot ang noo ko sa nakita. She looks familiar. Inisip ko kung saan ko siya nakita. My lips almost parted when I remembered her.

"Ikaw ang nakikita kong kausap ni Enzo sa office niya, noon?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Ngumisi sa'kin ang babae.

"Right. I'm that girl who's talking to that useless jerk. Hindi siya nakinig sa'kin kaya natalo siya. How pathetic," sarkastikong wika niya. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Nagtataka ako kung bakit nakakagamit pa siya ng kapangyarihan.

"How come you still have your power?" seryosong tanong ko sa kanya.

Malakas na tumawa ang babae na lalong ikinakunot ng noo ko. "I came from a different time. I simply don't belong here. But I think, you're too early for my death invitation. Are you that excited to be killed by me?" nang-uuyam na wika niya.

I smirked. I almost want to laugh hard upon hearing her statement. She wanted to kill me and that's absurd.

"Do you think you can kill me? Just go back to your own world. You're surely wasting your time here," I mocked. I turned my back at her and started to walk away. Hindi ako natatakot pero kung makakaharap ko siya, hindi magiging patas ang laban. I didn't have any power, now.

"You already lost your power but you still have that high and mighty attitude. You're lucky. I will let you off for now. Hindi mo pa oras. Alam kong makikialam siya kung papatayin kita ngayon," matigas na sabi ng babae.

Lumingon ako sa kanya pero itim na usok na lang ang nakita ko. Sino ang tinutukoy niyang makikialam? This was bad. Tiyak na hindi kami matatahimik sa binabalak niya. I sighed. Napangisi ako nang maalala ang nakasulat sa pulang tela.

            Meet darkness and despair, soon. You are invited to your own death grave. 

                                                                                                                       -J

What's her name again? J? Napangisi ako habang naglalakad pabalik sa academy. She surely have the guts to scare me? I'm not afraid at all.

-----------

Up next... Chapter 3: Good News or Bad News?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro