Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: Revelation

CLAUSS' POV

Nakinig ako sa sagot at paliwanag ni Elysha. 

"My body is getting weak. I only came here to find someone who's capable of using my power. Kailangan ko nang maipasa ang kapangyarihan ko kundi tuluyan na akong lalamunin ng kadiliman. I can't control it any longer," seryosong sabi niya. "I only got approximately two weeks before my power takes over me. Tiyak na hindi ko na makokontrol ang sarili ko na gumawa ng masama dahil wala na ako sa katinuan sa mga oras na 'yon. That's why I need your help," mahinang usal niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Balak niyang ipasa sa 'kin ang kapangyarihan niya? Hindi kaya mapahamak ako? Is this a trap?

"Ano'ng mangyayari sa 'kin kapag pumayag ako sa gusto mo?" nagdududang tanong ko sa kanya.

"Dalawa lang ang maaaring mangyari sa 'yo. It's either you lose yourself to the darkness or you win against it. It all depends on you. I have to warn you. The power of darkness is too strong that it can bring the worst out of you. Darkness is always right there with us but I'm not telling you that it's supreme," sabi niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Walang kasiguruhan na makokontrol ko ang kapangyarihang ibibigay niya. Maaaring ako pa ang makontrol nito. Mapapahamak ako maging ang mga mahal ko sa buhay.

"Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mo?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ako maaaring magpadalos-dalos sa paggawa ng desisyon.

Napansin ko na naging blanko ang ekspresiyon ng mukha niya. Unti-unti siyang napangisi nang nakakaloko. Nagdilim ang aura niya na tila ibang tao ang nasa harap ko. "Then that will be a problem. I have no choice but to go after Xyra. I wonder what will happen to her if the darkness totally eat her. Masyado siyang mabait kaya naku-curious ako kung magiging gaano siya kasama," nakakatakot na wika niya.

Naikuyom ko ang kamao. She's leaving me no choice. Alam niyang ayaw kong mapahamak si Xyra kaya natitiyak kong alam niya na aakuin ko ang responsibilidad. Hindi ko siya mapapatawad kapag sinaktan niya si Xyra!

Napansin ko na unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang buong silid. I snapped my fingers in the air to get her attention. Halatang natigilan siya at unti-unting natauhan. Maybe she's losing her control again. Mabuti na lang hindi pa siya tuluyang nakokontrol ng kadiliman. Unti-unting nawala ang kadilimang kumakalat sa buong silid.

"Ano'ng mangyayari sa 'yo kapag naipasa mo na ang kapangyarihan mo?" kunot-noong tanong ko.

"I'll die," mahinang sagot niya. Natigilan ako. "Well, it is better than losing myself to the darkness," nakangiting sabi niya.

Nahihirapan ako sa sitwasyon. Kung tatanggapin ko ang sinasabi niya, ako ang mahihirapan. Kung hindi naman ako papayag, si Xyra naman ang magkakaproblema. Seryosong tingin ang ibinigay ko sa kanya. I still have two weeks to decide. Mukhang hindi naman niya ako minamadali. Kailangan kong maging matalino sa paggawa ng desisyon.

"Magbihis ka na. May klase pa ako. If you want you can stay here," sabi ko. Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto. Napatitig ako sa kanya nang magsalita siya.

"I know you can find your way out. You're stronger than me. You have friends while I don't have any," mahinang sabi niya.

Naawa ako sa kanya. Nararamdaman ko ang paghihirap sa tinig niya. She sounded like she already gave up her life. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Alam ko ang pakiramdam nang nag-iisa at walang kaibigan. Hindi ko siya masisisi sa pinagdadaanan niya. Alam kong hindi niya ito gustong mangyari.

Pumasok ako ng classroom. Nandoon na si Xyra. Nagtaka pa siya nang makitang nag-iisa ako.

"Nasaan si Elysha?" tanong niya nang makalapit ako. Nagkibit-balikat ako at umupo na sa upuang katabi niya.

"Hoy, Clauss! Ano na?" pangungulit ni Xyra.

"She's in my room," sagot ko. Napasimangot si Xyra. Kaya nga ayaw kong sagutin ang tanong niya dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang isasagot ko. Napansin ko ang pananahimik niya sa buong klase. Hinawakan ko ang kamay niya. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya. 

Magtatanghalian na. Papunta na kami ni Xyra sa canteen. Muntik ko nang makalimutan si Elysha. Hindi pa nga pala siya nag-aagahan. Mukhang kailangan ko siyang dalhan ng pagkain. Tiyak na gutom na gutom na siya.

Napakunot-noo ako nang mapansin ang isang babae na naglalakad sa labas ng academy. Kinabahan ako nang makilala ko na si Elysha 'yon.

"Xyra, wait for me here," sabi ko at tumakbo para habulin si Elysha. Saan niya balak pumunta? Napabuntong-hininga ako dahil hindi nakinig sa'kin si Xyra. Sumunod pa rin siya sa 'kin.

"Saan ka pupunta? May nangyari ba?" takang tanong niya. Binagalan ko ang pagtakbo ko para makasabay siya. She's really hard-headed. Malinaw naman ang sinabi ko na maghintay muna siya sa 'kin.

"Nothing. I just saw Elysha," sagot ko.

Nakalabas na kami ng academy. Nagtaka pa ako nang makita si Elysha na papasok na sa kagubatan.

"Elysha!" tawag ko sa kanya. Hindi siya lumingon. Hindi niya ako naririnig kahit ang lakas-lakas na nang pagsigaw ko. Nakapasok na siya sa kagubatan at nawala sa paningin ko kaya tumigil ako sa pagtakbo. Naramdaman ko ang paghawak ni Xyra sa balikat ko. Hinihingal pa siya.

"What's happening?" naguguluhang tanong niya. Umiling ako dahil wala rin akong ideya sa nangyayari. Mukhang wala sa sarili si Elysha habang naglalakad.

"We have to follow her. Baka kung ano ang mangyari sa kanya," sabi ko. I have a bad feeling about this. Naglakad kami papasok sa kagubatan. Mapanganib dito lalo na't natitiyak ko na madalas dito si Jeanne. Natigilan ako nang maalala ko si Jeanne. Sana wala siyang kinalaman dito.

XYRA's POV

Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. It seems that Clauss was really worried. Pumasok kami sa kagubatan. Hindi na namin nakikita si Elysha kaya hindi namin alam kung saan pupunta. Patuloy lang kami sa paglalakad pero nakita ko si Cyrus na nakaupo sa isang sanga ng puno.

"Cyrus!" kumaway ako sa kanya. "May nakita ka bang babaeng dumaan dito? Maputi siya at maganda. I think mas bata siya sa 'min," sigaw ko sa kanya.

Seryosong tumingin sa 'min si Cyrus. Tumango siya at may itinurong daan. Sinunod namin ang direksiyong ibinigay niya. Naninibago ako kay Cyrus dahil napakaseryoso ng mukha niya ngayon. May problema ba siya?

Nakarating na kami sa isang malawak na kapatagan. Natigilan ako nang makita si Elysha na nasa gitna nito. Lalapitan sana ni Clauss si Elysha pero napatigil siya sa paglalakad. Nakita namin si Jeanne sa may 'di kalayuan. Nakakalokong ngisi ang nakarehistro sa mukha niya nang makita kami.

"So, you followed her?" usal ni Jeanne. Napansin ko na blanko ang ekspresiyon ng mukha ni Elysha. Mukhang hindi niya kami nakikita. I think, she's hypnotized.

"What did you do to her?" naghihinalang tanong ni Clauss kay Jeanne.

"Wala naman. Katulad ko siya kaya naisip kong tama lang na mapapunta siya sa pangangalaga ko," sabi ni Jeanne.

"Paano mo nalaman?" takang tanong ni Clauss.

"She's recklessly using her power. Natural lang na maramdaman ko 'yon. She's so weak. I have full control of her body and mind now," seryosong sabi ni Jeanne.

Clauss gritted his teeth. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Jeanne. He released his fire phoenix kaya agad akong lumipad palayo. In my surprise, I was dragged down the ground by the rope-liked water that tightly gripped my body. Mahina akong napadaing. Maging si Clauss ay nagulat sa nangyari sa 'kin. Mukhang alam ko na kung sino ang gumawa nito.

Lalapit sana sa 'kin si Clauss pero isang itim na pader ang pumalibot sa akin. I was trapped inside a dark room. I can't see and hear anything. I wanted to panic but I know it will not help me in this situation. 

Nawala ang tubig na pumapalibot sa 'kin. It was like I'm inside an isolated room. Alam kong gagawa ng paraan si Clauss para makalabas ako rito. Kinalma ko ang sarili ko. I stayed alert in case something unexpected happened here.

CLAUSS' POV

I was stunned when Xyra was trapped inside a big black box. I tried to attack it with my fire phoenix but it was no use. I'm getting irritated and stubborn. I released my seven-head fire dragon and was about to attack it but Jeanne stopped me.

"Don't dare if you don't want to hurt her," nakangising sabi ni Jeanne. 

Napalunok ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?" inis na tanong ko.

"When you attacked the box, she'll also be attacked from the inside," naghahamong wika ni Jeanne. Naikuyom ko ang kamao ko. I gritted my teeth. I think I have to defeat her first before I can rescue Xyra.

"This will be interesting to watch," nakangiting sabi ni Selene na nakaupo sa isang sanga ng puno. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. This is bad. 

------------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro