Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Chase

AUTHOR's NOTE:

May bago tayong cover photo! Ayiiee. Thanks to Usaamikii for the wonderful cover. Galing! ^_^ 

Kamusta naman kayo? Thanks pala sa nakakatuwang comments. Sorry, hindi ako nakakareply. I hope I can pero kawawa ang news feed niyo haha. Madaldal pa naman ako minsan :3 I really appreciate your comments. So, here's a treat for all of you ^_^ If you have questions, just privately message me or post on my message board.

I love you all. Enjoy your day! Happy Halloween! Awooooh! haha! <3

~missmaple

~~~

XYRA's POV

Gusto kong mapag-isa! I can't stay like this. Masyado lang akong masasaktan at mai-stress! Bahala si Clauss kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya! Paano kung niloloko lang pala siya ni Elysha? Mapapahamak siya sa kalandian niya! Nakakainis! Bahala siya!

I don't care about him at all! Napakagat-labi ako. Alam kong kabaliktaran nang naiisip ko ang sinasabi ng puso ko! Nakakainis dahil ayaw makisama ng pasaway na puso ko! Pinipilit kong hindi masaktan pero hindi ito nakikinig! Pwede bang magpa-heart transplant? Baka sakaling mawala ang sakit!

Mabibilis ang hakbang na naglakad ako sa corridor. Balak kong puntahan sina Baby Xyra para maging maayos ang pakiramdam ko. Para kahit papaano mabawasan ang bigat nang nararamdaman ko. Ayaw ko ng magmukmok sa kwarto. Ako lang ang magmumukhang kawawa!

"Xyra!" narinig kong sigaw ni Clauss mula sa likod ko. Humabol pala siya sa 'kin. Hindi ako lumingon. I ran as fast as I could. Ayaw kong makipag-usap sa kanya! Lumingon ako at nakitang humahabol siya. Nakalabas na ako sa academy pero malapit na niya akong maabutan. 

Nagpa-panic na ako kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko para lumipad. Narinig ko na napamura si Clauss.

"Xyra! Pwede bang pakinggan mo muna ako? Mag-usap muna tayo!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Pumasok ako sa kagubatan. Natitiyak kong wala nang makakakita sa 'kin habang lumilipad dahil sa invisible barrier na nakapalibot sa buong academy.

Nagulat ako nang mapansin ko na nasa likod ko na si Clauss sakay sa fire phoenix niya. Naningkit ang mga mata ko sa inis. I removed the oxygen on Clauss' fire. Naglaho ang fire phoenix niya at nahulog sa ere si Clauss. Nag-alala ako nang konti dahil mataas ang babagsakan niya.

Nagtalo pa ang isip ko kung tutulungan ko siya o hindi. Nakahinga ako nang maluwag nang saluhin siya ni Baby Clauss. I think he doesn't need my help, anyway. Mas binilisan ko pa ang paglipad para makalayo sa kanya pero hindi ako nagtagumpay dahil nasabayan na ako ni Baby Clauss.

"Will you stop running away?" sigaw ni Clauss na halatang naiinis na. Bigla akong tumigil sa paglipad. Inuubos niya ang pasensiya ko.

"Then, will you stop hurting me? Kung sasaktan mo lang ako, tapusin na natin 'to!" pabalik na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ako sa sobrang inis at sakit. Gusto ko na ring maiyak kaya napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili.

Natigilan si Clauss sa pagsigaw ko. Napahilamos siya sa mukha na tila nahihirapan. Tila hindi niya alam ang sasabihin.

"I'm sorry," mahinang sabi niya. He seems like he can't find the right words to say.

"Sorry-hin mo 'yang mukha mo!" inis na sabi ko sa kanya. 'Yon lang 'yon? Sorry lang? Nakakainis talaga! "Umalis ka na nga! Baka hinahanap ka na ng babae mo!" dagdag ko pa.

"Babae? Wala kaming relasyon! But I have to keep her company. I don't have any idea of her true ability. Mukhang wala rin siyang balak layuan ako. Alam kong may binabalak siya at kailangan kong matuklasan 'yon! It's for all of us," sabi ni Clauss. Nakatayo na siya sa likod ni Baby Clauss.

"Nagpapakabayani ka na naman? Ganun?" inis na tanong ko sa kanya. Hindi naman niya kailangang solohin ang problema!

"If that's how you call it then I am," seryosong sagot niya sa'kin. Nagulat ako nang tumalon siya sa kinatatayuan ko at niyakap ako. I lost my concentration. I can't concentrate to fly. Diret-diretso kaming bumulusok pababa.

"Nagpapakabayani pala, ha? Then, let me try to be your superman," nakangising tanong ni Clauss habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Napasimangot ako. Hindi ko alam kung dahil sa inis o sa kilig. Pilit ko siyang itinutulak palayo. Sa sobrang taas nang babagsakan namin, tiyak na magkakabali-bali ang buto namin sa katawan. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba na malapit na kaming bumagsak o dahil malapit siya sa'kin. Maybe both?

Napapansin ko na unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa'kin. I closed my eyes. I know I can trust him. Hindi naman siguro niya hahayaang mamatay kami? Naramdaman ko ang magaang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Naramdaman kong nagpalit kami ng posisyon. Mauuna na siyang bumagsak sa lupa. 

Ang higpit nang pagkakayakap niya sa'kin. Naramdaman ko na bumagsak kami sa isang bagay. Hindi ako nasaktan pero alam kong nasaktan si Clauss. I was on top of him. I opened my eyes. He's smiling at me. Napasimangot ako. Mukhang hindi naman pala siya nasaktan.

Napansin ko na nakasakay na kami sa likod ni Baby Clauss. Lumipad ito nang mataas sa kalangitan. Hinampas ko nang malakas ang dibdib ni Clauss.

"Nakakainis ka!" pagmamaktol ko sa kanya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Narinig ko ang pagtawa niya at lalong humigpit ang yakap niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. He kissed my hair.

"Makikinig ka na ba sa 'kin? Hindi ako nambababae. You're just too jealous to see that," sabi ni Clauss.

"I'm not jealous. Kapal mo naman!" pagdi-deny ko. Pinipigilan kong mapangiti sa ginagawa niyang pagpapaliwanag. Inalalayan niya ako paupo kaya kitang-kita na niya ang mukha ko. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi pala nagseselos ah! Kaya pala nagwo-walkout!" natatawang sabi ni Clauss. Inaasar niya talaga ako. Nasasaktan na rin ako sa pagpisil niya sa mukha ko. Pinigil ko siya sa ginagawa.

"She kissed you and I'm sure you enjoyed it! Pinaupo mo pa siya sa tabi mo! You even pat her head! And now, you let her sleep in your room!" singhal ko sa kanya. Naalala ko na naman kung bakit ako nagagalit. 

"At hindi ako nagseselos! Nagagalit ako! Magkaiba 'yon, 'di ba?" inis na sabi ko pa sa kanya.

Naiinis ako sa itsura ni Clauss dahil ang lawak ng pagkakangiti niya.

"May nakakatawa ba?" tanong ko at pinanlakihan siya ng mga mata.

"Pareho na rin 'yon. Nagseselos ka kaya nagagalit ka. At nagagalit ka kasi nagseselos ka. Pareho lang 'di ba? Saka hindi ko naman ginusto 'yon. Ayaw talaga niyang humiwalay sa 'kin. Wala akong magawa," sabi ni Clauss habang napapakamot sa ulo.

"No! Hindi pareho 'yon. Bakit kailangan mo pa siyang patulugin sa kwarto mo. Close kayo? Dinaig pa ang girlfriend, ganun?" naaasar na sabi ko. 

"Ah! I get it! Gusto mo ring matulog sa kwarto ko?" nakangising tanong ni Clauss.

"No!" biglaang sagot ko. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Ano ba ang pinagsasabi niya? "Sino naman ang magtitiyagang matulog sa tabi mo?" nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko naman sinabing matutulog ka sa tabi ko. Advance ka namang mag-isip! Masyado kang defensive! Siguro gusto mo talaga," natatawa at nang-aasar na sabi niya. Napaawang ang labi ko. Lalong namula ang mukha ko. Binabaliktad niya ako! I should be the one confronting him!

Nagulat ako nang mabilis niya akong dampian ng halik sa labi. "You're cute when you blush. I missed you. Don't try to runaway again because I'll surely chase you," paos na sabi niya at niyakap ako nang mahigpit. Hindi ako nakapagsalita agad.

"Nagde-decide pa sina Bryan kung ano ang gagawin kay Elysha. We still have to check if she's an enemy or not. Kung hindi siya kalaban, tiyak na babalakin ni Jeanne na kunin siya sa 'tin. Mapapasabak tayo sa isang matinding labanan. But if she's an enemy, we have to be cautious. Pinag-aaralan ko pa ang mga kilos niya. Nagpapaliwanag ako sa'yo kasi ayaw kong mawala ka sa 'kin. Please understand the situation. Hindi kita niloloko," seryosong sabi niya sa'kin.

"Kung ganun, gusto mong hayaan ko na lang kayo sa ginagawa niyo? Paano kung halikan ka ulit niya? I can't stand that!" nakasimangot na pagrereklamo ko sa kanya.

"Hindi ko gustong halikan niya ako. As much as possible, iiwas ako. It's not a good experience to be drown in an endless darkness. Kung ikaw sana siya, baka pwede pa," natatawang sabi niya sa'kin.

Nagtaka ako sa sinabi niya. He's drown to an endless darkness? Kaya ba natigilan siya nang halikan siya ni Elysha? So, she's really dangerous! Natatakot ako para kay Clauss.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Matiim ko siyang tinitigan. Magiging maayos ba siya? Paano kung may balak na masama sa kanya si Elysha? Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Clauss. Bakit ba kasi ang gulo-gulo ng buhay namin?

"Ano'ng binabalak mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Maging si Superman. Sabi mo nagpapakabayani ako, 'di ba?" nakangising sagot ni Clauss. Hindi ko matukoy kung seryoso ba siya sa sinasabi kaya inirapan ko siya. May panahon pa talaga siyang magbiro? Hindi na nga maganda ang mga nangyayari. Mas lalong nagiging kumplikado ang lahat.

"Ewan ko sa'yo basta huwag mong sosolohin lahat. Marami kaming gustong tumulong sa'yo," nakasimangot na sabi ko.

"Sure, babe. For now, may iba akong binabalak," nakangising sabi niya kaya kinabahan ako. Mukhang may kalokohan na naman siyang gagawin. He cupped my face. I gulped. Sa tingin ko, alam ko na ang binabalak niya. I closed my eyes as he moved closer. He slowly kissed me and I gladly respond. For me, this moment is perfect.

He suddenly stopped so I knotted my forehead. Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya. May problema ba?

"Why?" takang tanong ko sa kanya.

"Kung gusto mo talagang matulog sa tabi ko, pwede naman. Sabihin mo lang sa 'kin. You're always welcome in my room," nakangising sabi niya sa 'kin na ikinapula ng mukha ko. Nanggigigil na kinurot ko ang pisngi niya kaya napangiwi siya.

"It's a big no!" pagtanggi ko sa alok niya. Puro talaga kalokohan ang nasa isip ng lalaking 'to!

"Kapag nagbago ang isip mo sabihin mo lang sa 'kin," natatawang sabi niya. Pinigilan niya ako sa pagkurot sa pisngi niya. He again, pulled me closer to kiss me. I hope we can be like this forever.

CLAUSS' POV

Naihatid ko na si Xyra sa room niya. Mabuti na lang magkasama kami ni Xavier sa room. Pagpasok ko sa kwarto, gising pa si Xavier at tila naghihintay sa 'kin. Tulog na tulog si Elysha sa kama ko.

"Nakapag-usap na kayo ni Xyra?" tanong ni Xavier. Tumango ako.

"Ano'ng balak mo sa kanya?" tanong ni Xavier habang nakatitig kay Elysha.

"Hindi ko pa alam. Kakausapin ko na siya bukas. Sana may makuha akong impormasyon sa kanya," sabi ko. "Makikitulog ako sa kama mo," dagdag ko pa.

"May magagawa ba ako?" nakangising tanong ni Xavier. "Pare, huwag mo akong pagsasamantalahan ha?" nang-aasar na saad niya.

"Baliw," sabi ko at binatukan siya. Napahimas siya sa ulo niya.

"I will put a barrier to protect us from her power. Hindi tayo safe na kasama siya. You can sleep well," seryosong sabi ni Xavier. Alam kong kinakabahan siyang kasama si Elysha kaya nag-iingat siya.

"Thanks, goodnight," sabi ko at humiga na patalikod sa kanya. I wish I have the answers to everything to make things easier. 

~~~

Nagising ako. Wala na si Xavier at napansin ko si Elysha na titig na titig sa'kin. She even gave me her sweetest smile that made me uncomfortable. Tinanghali pala ako nang gising.

"Good morning," she greeted. Tumango ako at umupo sa kama.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. I stood up.

"You should borrow Xyra's clothes. Dito ka lang, babalik ako," sabi ko sa kanya. Nilinis ko muna ang sarili ko bago umalis. Buti na lang hindi nagreklamo si Xyra nang humiram ako sa kanya ng damit. Nakabalik din ako agad sa room ko.

"Here," sabi ko at iniabot ang paper bag na may lamang damit.

"But, I won't be here for long," sabi ni Elysha na parang nagdadalawang-isip.

"What do you mean?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. She answered me and I was speechless. I can't even think properly. 

-------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro